Chapter 15
Naalipungatan ako ng maramdaman ko ang pag-alog ng paligid ko, napaupo ako ng maayos kaso napasandal na lang ulit sa kinauupuan ko dahil sa biglang pagkirot ng ulo ko. Nasa kotse pala ako, gabi na rin pala.
Looks like kuya Saun is driving me home. Pumikit na lang ako para bumalik sa pagtulog ng iba ang marinig ko ang boses.
“You're awake, does anything hurt?”
Malalaki ang mata ang paglingon ko sa driver's seat, madilim pero dahil sa ilaw ng mga kotse sa paligid namin ay kita ko siya. Bakit siya nandito? Marunong siya mag-drive? Sa edad na ito? Where is Kuya Saun?
Napapikit ako habang iniisip kung anong ginagawa niya dito kasama ako, akala ko si Kuya Saun ang nasa driver's seat. Ang pinaka unang tanong na nabuo sa utak ko bago pa kung nasaan si Kuya Saun ay kung bakit siya marunong mag-drive?
Halos kasing edad ko lang siya, baka nga same age talaga eh. Ang alam ko dapat nasa edad na eighteen or much older para makakuha ka ng driver's licence, we are two years away from that numbers – If we are in the same age.
Pumikit na lang ako habang nakasandal sa pinakasulok ng kinauupauan ko, pabaayan na lang kung ano ang mangyayari basta hindi kami madisgrasya. Kailangan ko isipin kung bakit ako hinimatay na naman, ito na lang iisipin ko kasi kailangan.
Sa pag-kakaalala ko ay ika-tatlo na itong pangyayari, hindi ko naman ma-expalin kung paano nangyari dahil pagkatapos kong himatayin ay gigising ako na walang maalala.
Ang mahirap pa doon ay hindi ako nag abala na alalahanin ang nangyari, ang tendency ay nawawala na talaga sa memorya ko. Ngayon kailangan ko alalahanin ang nangyari, ayaw ko ulit maka-abala lalo na at madalas na akong atakehin ng pagkahilo. Wala naman akong kasama sa isang buwan kundi si Kuya Saun na hindi ko rin naman palagi kasama.
“Tell me, where does it hurt?”
Napamulat ako ng mag salita siya nang umusad na ang traffic, napabuntong hininga ako at mahinanong umiling. Hindi na niya kailangan malaman na masakit ulo ko, sino ba naman siya para pagsabihan ko? Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya ang nag mamaneho ng kotse ni Kuya Saun pero hindi ko magawa.
Wala akong ganang magsalita dahil masakit pa rin talaga ulo ko, baka lumala.
“Bilin ni Kaesaun na ihatid kita sa bahay niyo, nasa iyo naman ang susi diba?” tumango ako sa sinabi niya, napadusdos na lang ako sa kinauupuan ko ng matigil na naman ang usad ng traffic. Ang layo pa namin sa traffic light, mangangalay na ako dito kakaupo.
Hindi ko talaga gusto ang traffic ngayon, bakit sa lahat ng araw ngayon pa na-stuck sa traffic ay siya ang kasama ko. Okay naman ako kung sila kuya o si kuya Saun, mas gusto ko 'yun dahil hindi awkward.
“How's school funfair, maayos ba mga booths natin?”
Doon na ako napabuka ng bibig, umupo ako ng maayos at hinarap siya para itanong lahat ng gusto kong itanong sa kanya ng ilang araw siyang wala. Takasan ba ako sa planning ng booths namin, tapos ngayon kung maka tanong parang kasali siya sa mga nag prepare.
“Hindi ka tumulong. Ang hirap kaya kapag ako lang tapos si Ricky, lalo na at first time ko mag handle ng booths.”
Lumingon siya sa akin ng huminto na naman kami, napasandal ako sa pinto ng lumapit siya sa pwesto ko. Ano naman ginagawa niya, napatitig ako sa mukha niya na parang naiinis. Ano naman kinaiinisan ng isang 'to, wala naman akong ginawang masama ah.
“But you did,” may diin niyang bigkas, “I was busy.” Bumalik na siya sa pagmamaneho at hindi na nagsalita ulit, napahinga na lang ako ng malalim para kumalma ang namumuong bara sa lalamunan ko.
Ewan ko ba, parang isang matulis na bagay ang mga salita na binitawan niya para masaktan ako. Naalala ko na naman yung unang tao na pinagsabihan ako ng mga salitang hinding hindi ko malilimutan, he was the first one to break me.
I mean dapat proud ako kasi nagawa ko na kulang ang officers, pero iba pa rin kasi kung kasama ang opinion niya bilang vice president. I don't know why am I making it a big deal. Medyo nasasaktan pa rin dahil isa rin siya sa hindi agree na maging president ako ng classroom? Baka nga ganun.
Hindi niya man ipinapahalata sa akin noon, napansin ko naman ang mga galaw niya. Sa una pa lang ng pagkikita namin, ayaw na niya sa akin– in my mind he hates me.
“Bakit hindi ka nag bigay ng excuse letter?” mahina kong tanong habang nakatingin sa kotse sa kabilang kalsada, tinanong ko na lang para kahit papaano mabawasan ang katahimikan. Kahit pa gusto ko na lang tumahimik dahil nasaktan ako sa sinabi niya, hindi ko ginawa dahil kailangan ko ng explanation kung bakit nga ba siya wala ng ilang araw.
Nakausad na kami sa traffic pero wala pa rin siyang sagot, hindi ko kayang lumingon sa kanya para kumuha ng sagot dahil kung gagawin ko 'yun baka tumulo na lang luha ko. Ilang kotse na ang nabilang ko pero wala pa rin siyang sagot, sa kahihintay ko hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa harapan ng gate namin.
Umayos na ako ng pagkakaupo ng mag park siya sa harapan talaga ng gate, hindi rin naman ma bubuksan ang gate kung walang mag bubukas. Napalingon ako sa kanya ng bigla niyang buksan ang compartment sa harapan ko, ilang mga gamit niya ang kanyang kinuha. Cellphone, wallet at isang maliit na notebook.
“Open the gate.” Tinanggal na niya ang susi sa kotse kaya napakunot ang noo ko, bakit niya pinatay ang engine? Hindi ba siya uuwi sa kanila? Lumabas na ako sa kinauupuan ko ng naisara na niya ang kanya, ano naman gagawin niya dito sa ganitong oras?
Magsasalita na sana ako ng bigla na lang siyang nawala sa paningin ko, may kinuha siya sa backseat. Napakapkap ako sa bulsa ko ng maalalang bubuksan ko pa pala ang gate, nasa bag ko pala.
“Catch.”
Muntikan kong hindi masalo ang bag ko ng ihagis niya ito sa akin. Hindi niya ba maibigay ng maayos at kailangan pa ibigay ng pa hagis?
“I'm not one of your male friends.” Umalis na ako sa tabi niya, kung umasta kasi parang isang lalake ang kasama niya. I mean I get it, hindi niya ako friend or anything pero pwede naman as a classmate na lang na babae, kasi kahit pa may mga kuya ako eh hindi naman sila ganito umasta sa akin.
Huminga ako ng malalim ng nahanap ko na ang susi, akala ko kung saang sulok na naman siya ng bag ko sumiksik. Walang masyadong ilaw ng makapasok na kami ng gate kaya ang bagal kong lumakad, napatitig ako kay Terry ng nauna siya.
Gamit niya ang cellphone niya bilang liwanag. Sorry naman, eh sa lowbat na naman ang cellphone ko. Sumunod na lang ako sa kanyang mga yapak, gusto kong magsalita pero pinigilan ko na lang.
Baka ayaw niya rin marinig boses ko, sino ba naman ako para kausapin siya. Classmate na hindi rin naman niya pinapansin kapag hindi kailangan, kahit pa seatmate ko siya walang kibuan pa rin.
“Wala ba kayong ilaw?” tanong niya ng makarating na siya sa harapan ng pinto namin, hindi ko siya sinagot at mas piniling pailawin na lang para hindi na siya mag reklamo pa. Nabuksan ko na ang pinto kaya agad akong pumasok para paandarin ang mga ilaw, main switch talaga ang pinatay ko para sigurado talaga na safe.
“Main switch, huh.” Napaharap ako sa kanya ng umupo siya sa sofa na parang kanya ang bahay na ito, nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng salas kaya hinayaan ko na lang siya. Basta hindi siya gumalaw sa pwesto niya okay na ako, baka kung ano ang galawin niya at malaman pa nila kuya.
Inayos ko ang mga sapatos namin sa shoe rack at isinara ng mabuti ang pintuan. Ang palaging bilin nila ay agad na isara ang mga pinto kapag mag-isa ako, kahit naman may kasama ako ngayon ay kailangan ko isara agad. Nakasanayan lang at hindi rin ako mapakali kapag bukas pa ang pinto sa ganitong oras.
“I'll be staying here tonight.”
Napatigil ako sa paghahanap ng cellphone ko ng marinig ang sinabi niya, tama ba narinig ko? Dito siya matutulog? Isinaksak ko muna sa charger ang cellphone ko bago ko siya nilapitan para sabihin na sinong pumayag na dito muna siya.
“Sino'ng pumayag?” Dalawang kamay sa likod habang nagdadasal na sana nagbibiro lang siya, hindi ko gusto na mag stay siya dito. Pinapasok ko siya bilang bayad sa tulong niya pero hindi naman tama na matulog siya dito, lalo na at ako lang ang nandito.
Okay naman kung nandito sila kuya para naman may kasama ako pero hindi eh, lalaki siya at hindi ko siya close friend para panatilihin dito.
“You're cousin said to look after you,” walang gana niyang saad at sumandal sa kinauupuan niya. “I'm just here because he said so.” Ipinatong nito ang kanyang kaliwang braso sa ulo. Napatingin ako sa hawak niyang shoulder bag, mukhang work bag or something.
“Wala na akong magawa kung inutusan ka niya,” mahina kong sabi habang nakatingin sa itsura niya, ngayon ko lang napansin na naka formal attire siya. Napakamot na lang ako sa ulo ko habang iniisip kung ano ang ginawa niya sa limang araw na wala siya sa school. Ano naman naisip ni Kuya Saun na ipabantay ako, sa lahat pa ng tao ay si Terry pa ang napili.
Umupo na lang ako sa sofa na nasa harapan lang ng kanyang inuupuan. Medyo nahihilo na ako kaya kailangan kong umupo para mabawasan, napahilot na lang ako sa noo ko habang nakapikit. Kailangan ko pa magluto. Tumayo na lang ako kahit ramdam ko na umiikot na ang mundo, kaya pa naman basta hindi ako gagalaw ng marami.
Nakarating naman ako sa kusina ng maayos, nagsimula na ako mag hugas ng kamay. Inunahan kong lutuin ang kanin para mauna itong maluto, siguro pritong itlog lang at air fried na nuggets ang ulam namin ngayon.
Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya ito lang ang maihahanda ko sa kanya, bahala siya kung hindi siya kakain. Nilagay ko na sa air fry ang frozen nuggets, apat lang dahil kailangan ko magtira para bukas kasi last na itong box.
I set the timer to 3 mins and proceed to get two eggs. Umupo ako sa dining table para doon ng ipagpatuloy ang paghalo, mabigat na rin ang pakiramdam ko sa ulo ko kaya mas maganda na nakaupo ako.
Bugtong hininga ang pinakawalan ko ng maisip na naman ang kalagayan ko, ngayon lang naging ganito kasakit ang ulo ko matapos kong magising sa pagka himatay. Nung nakaraan naman ay walang after shock, hindi ba ako nito lalagnatin bukas?
Napailing na lang ako para alisin ang idea na 'yun, hindi pwede na magkasakit ako. Unang araw pa lang ng funfair mawawala ako sa tabi nila? No, bawal dahil kailangan kong tumulong. Iinom na lang ako ng gamot at matutulog ng maaga para mawala 'to.
Napalingon ako sa salas kung saan ay walang kibo si Terry, mukhang nakaidlip sa sobrang tahimik. Hindi naman siya maingay kaya okay lang na hindi ko siya daldalin, hindi rin naman kami close para mag usap ng matagalan. Minadali ko na lang ang paghanda ng pagkain para matapos kami ng maaga.
NAKATAYO AKO ngayon sa gilid ng sofa kung saan tulog si Terry, naihain ko na ang mga pagkain kaya gigisingin ko na siya. Ang problema lang ay paano ko siya gigisingin, hindi ko alam kung light sleeper ba siya o heavy. Baka galit to kung maputol man ang kanyang tulog, ilang minuto na nga akong nakatitig sa kanya sa kakaisip.
Bahala na nga.
“Terry,” mahina kong tawag sa kanya habang pinipindot ang kanyang braso na nakapatong sa noo niya, napatigil ako ng bigla siyang umupo. Light sleeper ata, tumayo ako ng maayos at lumakad papunta sa harapan niya.
“Handa na ang pagkain.” Umangat ang tingin niya sa akin na siyang ikinatigil ko, ang gulo ng buhok niya. Hindi naman siya magulo kanina ah, para nga siyang bato na nakahiga.
“Okay.” Kamot ulo siyang tumayo at tumingin ulit sa akin, tumango na lang ako ng mapagtantong naghihintay siyang mauna ako. Naglakad na ako papasok sa kusina at sumunod naman siya, umupo na ako sa pwesto ko.
Mauuna na sana ako kumain pero naisip ko na hindi naman tama na iiwan ko siya mag-isa, kaya ngayon sabay na lang kami kahit hindi ako sanay na kasama siyang kumain. Kumakain naman kami ng sabay tuwing lunch break pero hindi yung kaming dalawa lang, hindi rin naman kami magkatapat kapag kumakain eh.
“Thank you for the food.”
Napatango na lang ako ng makaupo na siya, nag simula na ang katahimikan na hindi ko gustong maranasan ulit.
“Sorry kung ito lang pagkain,” pilit kong pinatatag ang loob ko na sabihin sa kanya, kahiya naman kung hindi ko sabihin kung bakit. “kulang kasi ang food dito and yan ang pinakamabilis na maluto.” Tumango lang siya kaya hindi na ako nagsalita ulit, ito talaga ang pinaka awkward na silence na naramdaman ko.
Awkward dahil hindi ko alam kung kailangan ko ba mag salita bilang may-ari ng bahay na kailangan i-entertain ang bisita o hindi na lang dahil hindi rin naman siya nag-initiate ng usapan.
Hindi rin ako mahilig sa small talks kaya hindi talaga ako makatanong sa kanya, ang iikli ba naman ng mga sagot. Sa huli ay nakatapos na kaming kumain na walang pag-uusap na naganap, sa bagay hindi rin naman maganda ang pag sasalita kapag kumakain.
Ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin at siya naman ay bumalik sa kinauupuan niya kanina. Napansin ko lang, medyo namumula ang mga mata niya, ang tamlay rin ng mga galaw niya.
May sakit ba siya?
Dumaan ako sa harapan niya para tingnan kung tama ba ang iniisip ko, wala namang kakaiba sa kanya siguro namalik-mata lang ako. Umakyat na lang ako para kumuha ng damit na maipapalit niya. May pinaglumaan naman sila kuya na maayos pa tingnan.
Maayos naman ang unang guest room kaya sakto pwede siya doon matulog, hindi na niya kailangan umakyat pa dito. Bumalik na ako sa salas at nadatnan siyang nakaupo ng maayos, hawak niya ngayon ang cellphone niya at nagtitipa.
“Ito pamalit mo, hindi naman ginagamit ng kuya ko.” Nilahad ko sa kanya na kanyang tinanggap na hindi man lang tumitingin, ipinatong ko na lang sa palad niya. Hindi na siya nag salita kaya umalis na rin ako sa harapan niya, may kasama nga ako pero parang multo. Pinandar ko na lang ang cellphone ko para tingnan kung may tawag.
“Where can I change?” Tumayo na siya sa kinauupuan niya habang daladala ang kanyang pamalit, ibinaba ko na muna ang cellphone ko dahil wala naman tawag. Sinamahan ko na siya doon sa guest room na sinasabi ko, kompleto naman ang mga gamit doon kaya wala na akong trabaho dito.
Bumalik ako sa salas at daladala ang mga gamit ko ay nagpaalam na ako sa kanya na ngayon ay pinupulot ang bag niya, bumalik siya dito dahil naiwan niya ang gamit niya.
“Goodnight,” maikli kong sagot. Sa dami ng inisip kong salita ay ang pinakasimple ang napili ko, tumango lang siya kaya umalis na ako. Ang tipid ng usapan namin pero at least sumasagot siya. Pagkarating ko sa kwarto ko ay ginawa ko na ang karaniwan gawain ko bago ako matulog, sinuot ko na ang simpleng matching navy pj's ko bago nag pasya na kumuha ng tubig.
Nakalimutan ko kumuha ng gamot, doon na lang ako uminom sa kusina tutal doon rin naman nakalagay ang mga gamot. Habang pababa ng hagdan ay pinapakiramdaman ko kung gising pa ba si Terry, ayaw ko siyang makasalubong ngayon.
Doble na ang sakit ng ulo ko kaya todo kapit ako sa hawakan ng hagdan, ayaw ko na makita niya akong ganito. Baka magsumbong siya kay Kuya Saun at makarating pa kila kuya at mama.
Masyado pa naman silang mapag-alala sa akin, kaunting sakit lang pinapalaki na nila ang situwasyon. Si papa naman baka ipa-admit ako sa ospital para matingnan ng doctor, mas mahirap siyang pigilan kapag sinabi kong may masakit sa akin ospital na kaagad ang bagsak ko. Maghahanap pa siya ng mga magagaling na doctor para lang sa check-up ko.
Napangiti naman ako ng makitang wala siya sa kusina, hinahanap ko na ang gamot para sa sakit ng ulo at ininom ito. Alam ko ang gamot dahil ito ang pinapainom ni mama sa amin kapag unang araw ng lagnat namin, sakit ng ulo pa naman ang unang symptoms namin.
Naubos ko na ang tubig ng bigla na lang bumukas ang pinto sa kwarto niya, napapunas ako agad ng bibig sabay ayos ng buhok ko. Hindi ko suot ang hair tie ko, naiwan ko pa. Wala akong nagawa kundi hawakan ito gamit ang kanang kamay ko, baka magulat na lang siya na ibang tao ang nandito eh.
Ilang minuto akong nakatalikod sa salas ng hindi ko na narinig na lumabas siya ng kwarto, binuksan lang pero hindi naman lumabas? Nangangalay na ako kaya binitawan ko na ang buhok ko at niligpit ang baso na ginamit ko, hindi naman ata siya lalabas.
Siguro isinara ulit kasi napansin niyang malapit na ang 10pm, dapat tulog na ako kanina pero dahil sa sakit ng ulo hindi ko magawa. Umalis na ako ng kusina, wala naman akong gagawin doon. Pinatay ko ang ilaw sa salas at inayos ang mga unan sa upuan. Manood na lang kaya ako?
Napailing na lang ako sa iniisip ko, kailangan ako sa school bukas ng umaga. Kailangan ko rin magpahinga para tumalab ang gamot na ininom ko.
“Oh, you're still awake.”
Napatigil ako ng makitang nakaupo si Terry sa sahig habang nakasandal sa pinto na nakabukas, paakyat na ako pero napababa na lang ako para lapitan siya. Ano naman ang ginagawa niya sa sahig at parang matutulog?
Lumapit pa ako hanggang sa abot ko na siya, hindi naman masama sa kanya kung lumapit ako noh? Baka mamaya mainis na naman. Nakayuko siya na parang tulog pero hindi naman kasi nagsalita siya, mabibigat ang paghinga niya kaya lumuhod ako sa tabi niya para makita kung ano nga ba ginagawa niya sa sahig.
“May higaan naman, bakit hindi ka doon mag pahinga?” mahinanon kong bulong habang sinusuri ang kabuuan niya, suot na niya ang pajama na ibinigay ko which means nakahilamos na siya.
“Hmm...” Inangat niya ang ulo niya at nakapikit na sumandal, napatitig ako sa mukha niyang ngayon ko lang natitigan ng malapitan. Perfectly shaped brows, arched so well that makes him appear more like a bad boy from a movie.
Kapansin-pansin naman ang kilay niya na makapal, hindi ko alam na ganito pala kamangha-manghang na makita ng malapitan. Akala ko kasi makapal lang dahil dark yung kulay, totoo talaga na makapal ito.
“Huy, doon ka sa higaan.” Yugyog ko sa kanya ng mahina, sapat na magising siya. Nagmulat naman siya ng mata kaya nag-adjust na ako agad bago pa niya akong makita na masyadong malapit sa kanya, takot lang na baka kung ano na naman ang sabihin niya.
Kung ano-ano kasi sinasabi nito na akala mo isa akong lalake na kaibigan niya, ang sakit niya magsalita eh. Tumayo na ako ng tinungkod niya ang kanyang kamay doon sa sahig para tumayo, nakatingin lang ako sa kanya ng tumayo siya na parang ang hirap tumayo.
Agad akong napalapit sa kanya ng bigla siyang ma-out of balance, hawak ko ngayon ang kanang braso niya gamit ang dalawa kong kamay. Tinulungan ko siyang tumayo ng tuwid at sasabayan sana maglakad papunta sa higaan ng mahina niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya, hinayaan ko na lang siya na maglakad mag-isa.
“Kaya ko mag-lakad mag-isa.” Kumaway pa siya na pinapahiwatig na kaya niya nga, paano niya na sabing kaya niya eh pagiwanggiwang siyang pumunta sa higaan. Napakagat ako sa labi ng muntikan na siyang bumaksak sa sahig, mabuti na lang at mabilis akong napapunta sa tabi niya.
“Hmm...”
Sumubsob lang siya sa mattress at hindi na gumalaw pa para makahiga ng maayos, napa iling na lang ako. Ganito ba siya matulog? Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto ng makitang bukas ang bintana, bukas naman ang aircon dito. Nagsasayang ba siya ng kuryente?
Napatitig na lang ako sa nakikita ko ngayon, naupo ako sa sahig habang nakaharap sa bintana at sa higaan. Hindi ko alam na sa ganitong pagkakataon ako makakakita ng kagandang silaw ng buwan sa loob ng kwarto.
The bright moon shines its beautiful light through the window, perfectly landing on the carpeted floor and to the lampshade. Sinunod ko yung ilaw kung saan pa siya tumama, hindi ko na napansin na ang lawak na pala ng ngiti ko.
I love the moon. I love this scene and to make it more interesting, I didn't know why it made me smile more while looking at this man's face. Those lashes perfectly lighted by the moon, those calm looking face– calm in a softer side, and that nose.
Sana all...
Ano ba pinagsasabi ko?
Oo, I enjoy the moon's beauty every night. Hindi ko lang alam kung bakit ko pa isinali ang mukha ni Terry. Tumayo na ako at isinara na ang bintana para makatulog na ako, hindi epektibo ang gamot kapag walang matinong tulog.
Umalis na ako ng kwarto ng makumutan ko siya ng spare blanket, higaan ba naman ang kumot. Hindi ko siya binuhat noh, hindi ako magpapakahirap kumutan siya. Work smart not harder. Pasalamat siya may spare blanket para sa mga bisita.
დ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top