Chapter 13
“Pres, hindi daw makarating si Susan kasi walang mag babantay sa mga kapatid niya.”
Naiangat ko ang tingin ko kay Ricky na kapapasok lang, problemadong problemado siyang humarap sa akin kaya isinara ko na ang log book. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng pilit.
Mabigat ang mga hininga ko na parang galing ako sa marathon, pumukit pa ako ng ilang beses dahil sa pandidilim bigla ng mga nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero bigla nalang akong nanghina at nanginginig, kinuha ko na lang ang bote ko at uminom.
“Pres... okay ka lang?” tumango ako ng mapansin niya ang hindi ko pagsagot sa tanong niya, humarap na ako sa kanya at nag-tanong kung ano nga ba ulit yung problema na nakuha na naman ng mga kaklase namin.
Abalahin ko na lang muna ang sarili ko sa pag-aayos ng kanilang—aming problema sa project na ito, hindi naman siguro makakasira ng araw ang nangyari kanina.
Siguro kulang ang nakain ko na nutrients, huminga ako ng malalim at hindi na pinansin ang mga negatibong pilit nagpapapansin sa akin. Bad timing pa naman ang utak kong ito, pwede naman siyang mag-overthink mamayang gabi.
“That's okay,” naka-ngiti kong saad at binigyan siya ng ngiting okay lang talaga. Wala naman akong magagawa kung pamilya na ang aasikasuhin nito dahil mas-importante sila kaysa sa amin, hindi naman maapektuhan ang project kung hindi siya present kasi marami pa kaming naririto.
Mawawalan nga lang siya ng limang puntos, hindi ko rin ito magagalaw dahil may seniors at teacher na paminsan-minsan na nag-a-attendance.
Sa sobrang strict nila ay pati ang hindi ginagawa ng karaniwang paaralan ay ginagawa nila gaya ng attendance na oras-oras nilang ginagawa, nahalata ko ito ng apat na oras ang nakalipas ay apat na yellow pad ang ibinibigay sa akin ni Ricky.
“Sure ka?” nag-aalala niyang tanong kaya tumango naman ako at tumayo, binitbit ko na ang clip board na kung saan naka ipit ang mga papeles na kakailanganin ko pag labas ko dito. Mag-lilibot na naman ako para tingnan kung may umalis sa kani-kanilang pwesto, makukulit pa naman ang mga iyon.
“So uhm, si Susan lang ang hindi makarating. At siya ang naka-assign sa horror booth, as one to guard the maze inside the library.”
Napatigil ako sa pag pulot ng ballpen sa lamesa sa sinabi niya, napahinga ako ng malalim at ibinulsa na ang mga kailangan ko at hinawakan ang tubig ko. Hindi ko alam kung anong kamalasan ang mayroon ang araw ngayon pero sana ito ang huling bad news na maririnig ko, sumasakit na ulo ko sa mga report nito eh.
Parang lumalala everytime na bumabalik siya sa akin na may i-rereport na namang kailangan ng tulong ko, baka mamaya niyan katakutan ko na ang pabalik-balik niya habang may dalang papeles sa kamay niya.
“Nag-hanap ka ba ng papalit sa kanya, mabuti pa ay makahanap ka ng papalit na alam niya ang pasikot-sikot sa maze.”
Nag-lakad na ako habang siya naman ay nakasunod lang sa akin, ramdam ko ang mga tingin sa akin ng mga tao pero hindi ko matuon ang pansin doon dahil hinihintay ko ang sagot ni Ricky sa tanong ko. Mayroon kayang willing na pumasok sa maze na ginawa namin? Pati kasi ako ay hindi totally alam ang structure ng maze dahil sa papel ko lang ito nakita.
“Problema kasi ay ikaw lang ang tanging makakapasok doon.”
Napatigil ako sa pag-lakad at muntikan ng madapa dahil sa pagkagulat, mabuti na lang at agad kong na balanse ang katawan ko. Humarap ako sa kanya at nakitang napa-atras pa siya dahil sa bigla kong pagharap, anong ibig niyang sabihin na ako lang ang makakapasok?
“Ako lang talaga, walang iba?”
Ulit ko sa sinabi niya, sure ba siya na ako lang talaga ang pwedeng makapasok sa horror booth, hindi na ba siya mag-hahanap ng iba? Nakatingin lang ako sa kanya at nag-dadasal na sana mayroon pang available na makapasok sa horror maze namin, may alam naman ako sa mga maze-maze na yan kasi napanalo ko nga ang maze sa dati kong school tapos yan pa na sa library lang?
Okay sana pero hindi okay ang theme ng maze para sa akin, baka ako pa ang unang mawala sa maze dahil sa takot na may makitang multo. Hinahabol-habol ko pa ang mata niya ng umiwas siya sa tingin ko, pilit akong ngumiti ng hindi na talaga siya tumingin ng deretso sa mata ko.
“Okay. Tell me what to do while we walk,” matamlay kong saad at naglakad na ulit, hindi ko naman pwedeng baliwalain ang problema dahil pwede ito ang maging sanhi ng pagkabagsak namin sa project na ito. Dapat mataas ang ratings ng players namin dahil kung hindi, sayang ang mga pinaghirapan namin.
“Sabi ko nga guard ang role ni Susan doon, tagahatid siya sa exit ng maze kung sakaling hindi na talaga maka-alis ang player. Kailangan niya munang takutin ang mga players sa unang limang minuto ng pagkapasok nila sa maze,” paliwanag niya na aking ikinangiwi pero tumango na lang ako para hindi niya mapansin na ayaw ko, ayaw ko naman talaga pero anong magagawa ko kung ako ang president nila.
Ewan ko at nasaan na ba ang vice-president namin sa ngayon, simula kahapon hindi na siya mahanap ng mata ko. Absent nga siya kahapon kaya hindi ko talaga sigurado kung papasok pa ba siya o hindi, pa-mysterious pa kasi ang tao. Walang number na ibinigay eh, pati account sa social media hindi ibinigay.
Okay lang sana kung may kasama ako na hanapin yung bahay nito dahil may address naman siyang ibinigay, ang problema wala akong kasama na may kotse at marunong magmaneho.
Hindi na nagsalita ulit si Ricky hangang sa makarating na kami sa classroom, napakunot ang noo ko ng makita ang sandamak na tao sa tapat ng pinto. May nag-aagawan ng pwesto na mga babae para lang mauna sa pila at ang mga lalaki naman ay nakasilip sa mga bintana habang nag sisigawan ng kung ano.
“Brad! Akin yun ha, ako mag-request ng costume na isusuot niya.”
“Akin ‘yan, ipapasuot ko sa kanya ito. Sure ako na babagay ito sa katawan niya,” sabi ng isang lalaki na may kakaibang ngiti sa mukha niya, nilingon ko si Ricky para alamin kung ano nangyayari pero kibitbalikat lang ang kanyang sinagot sa akin.
Bakit may bastos dito?
“Siguro nag simula na sila sa costume requests ng mga customer.” Napatango na lang ako sa sinabi niya at nag simula ng lumusot sa maraming tao, malapit na ako sa pinto ng may biglang dumakma ng buhok ko kaya napa-atras ako at napaharap sa taong yun.
Ang sakit ng pagkahawak niya, nakaharap na ako at kita ko na siya pero hindi niya pa rin binibitawan ang buhok ko. Marahan kong hinawakan ang kamay niya at pinabitaw ang buhok ko, anong akala niya sa buhok ko, isang bagay na pwede niya hilain kung saan niya gusto?
“Pumila ka nga, walang pa-VIP dito.” Umirap siya matapos niya akong pag-sabihan, lumingon ako para hanapin si Ricky at ayun na una siya dahil pinadaan siya ng mga babaeng nakapila na malapit lang sa pinto– nakaharang dapat dahil halos wala ng madaanan dahil lahat sila nakadungaw sa pinto.
“Excuse me, VIP?” tanong ko para sana maliwanagan ako sa gusto nitong pahiwatig, habang hinihintay na sagutin niya ako ay kinuha ko na ang pagkakataon na tingnan ang kabuoan niya.
She's a girl, petite like Jessie and has this dangling earrings that will surely catch everyone's attention. Sino nga ba ang hindi lilingon kung ang dadaan ay parang pupunta ng isang eleganteng event, may diamonds pa siya niyan kaya hindi talaga yan lalagpas sa mata ng mga tao.
“Oh no, you don't know what VIP means?” gulat niyang sabi at tumawa ng hindi ako sumagot, napakurap na lang ako sa ginagawa niya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? alam ko naman ang meaning ng VIP pero hindi maintindihan ang sinasabi niyang pa-VIP ako, masama ba na pumasok ako sa sarili kong classroom?
“Very Important Person, VIP. Read your lectures well, ay hindi pala mag palit ka na nang grado ng salamin,” natatawa niyang sabi at lumingon sa katabi niya na sumang-ayon naman sa kanya, “higher grade ha, para naman malinaw ang pagkatingin mo sa mga babasahin mo mamaya.” Humalagpak na siya at nakipag-apir pa sa katabi niya na nakikitawa rin, napatingin ako sa mga tao na nakapalibot sa amin ng natahimik sila dahil sa malakas na tawanan ng dalawa.
Napahawak ako ng mahigpit sa mga dala kong gamit, ito na naman ang ikinatatakutan ko. Mga mata na nakatingin sa akin na parang masaya sa nakikita, may nagtataka sa mga nangyayari pero halos mapanuring tingin ang nakapalibot sa akin.
Humihirap na rin ang pag hinga ko dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko, bumabalik na naman ang kaba na naramdaman ko noon. Nilalamig na ang mga dulo ng kamay at paa ko, dumagdag pa sa nararamdaman ko ngayon ang tawa ng babaeng to na ang lakas na tila ito lang ang naririnig ko kasama ang mga bulong-bulungan ng nakapaligid sa akin.
“Cat caught your tongue? So you don't really know,” masaya niyang saad at pinupunasan pa ang gilid ng kanyang mga mata, huminga ako ng malalim ng mag tama ang mata namin. Lumingon ako sa loob ng classroom at nakita ko si Ricky na nag-aalalang nakatingin sa akin, ngumit lang ako ng tipid at kumurap ng tatlong beses.
Tumango lang siya tila naunawaan ang ang pahiwatig ko kaya humarap na ako ulit sa babae at ngumiti ng dahandahan, nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay sa ginawa ko kaya ngumiti na ako ng tuluyan. Hindi ko hahayaang mapahiya dahil lang sa babaeng wala naman alam at nagpa-papansin lamang.
“What made you think that I'm a customer like you?” nagtataka kong tanong, narinig ko ang pag-cheer ng iba kaya na wala ang mataray na tingin nito sa akin. I'm asking her, if she doesn't have the right answer then it's her loss.
“Pres! okay ka lang ba? anong nangyari?”
Lumingon ako sa pinto at nandoon sila lahat nag-aalala na nakatingin sa akin, napahinga ako ng maluwag ng totoo naman ang emosyon na nakita ko sa mga mata nila. Narinig ko ang pag-lakas ng bulong-bulungan ng humarap ako sa babae kanina na ngayon ay namumula na sa galit ba o kahihiyan, either the two, I don't care.
“Name?” Tanong ko at binuksan ang ballpen, ready na ako mag-sulat ng wala pa rin siyang sinabi. Mahirap ba sabihin ang pangalan niya? Tiningnan ko siya sa mata at nag-salita ulit, titig na titig para hindi na siya mag-ayaw. Hindi ko naman makita ang ID niya kaya I'm sure outsider lang to, dapat sinabi ko sa guard na wag papasukin ang mga gaya niyang nag hahanap ng atensyon.
“You need to give me your name.”
Umiwas na siya ng tingin sa akin at nag-sulat sa papel na itinapat ko sa kanya, ang tahimik dito pero hindi ko na pinansin pa dahil kailangan ko kunin ang pangalan ng dalawang ito.
“Thank you.”
Tumalikod na ako at lumapit sa pinto habang nakaabang pa rin ang sampu, bago pa ako makalapit ng tuluyan sa kanila ay hinarap ko si...
Heather.
“Sorry for being rude, call me Jah. President Jahnette,” nakangiti kong paalam at tumalikod na sa kanya, pagkalapit ko pa lang ay tumigil na ako sa pag-ngiti. Masakit sa pisngi kapag pilit eh, kinakabahan pa rin naman ako kaya nanghihina akong pumasok ng room.
Hindi ko na nilingon pa ang mga ingay nila dahil gusto ko na talaga umupo sa isang upuan, yung sampu naman ay bumalik na sa kanya-kanyang gawain maliban na lang kay Ricky na siyang nag-utos sa mga iyon.
Hindi ba talaga ako mukhang seryoso? Nakakatawa ba pag-mumukha ko para pagtawanan, ano ako clown? Padabog akong umupo sa bean bag na dinala ni Ricky para sa reading room, malaki naman ito na pwedeng gawing higaan.
“Clown ba ako?” tanong ko sa hangin at pumikit, hindi ko kasama si Ricky dahil hindi na siya pumasok sa corner na ito kaya ako lang mag-isa ngayon.
Malawak naman kasi ang room at ang pwesto ko ngayon, ito ang pinakadulo ng classroom na nilagyan nila ng curtain at maliit na shelf para sa books na lahat kami nag dala. Halos akin ata ang kalahati ng shelf dahil yung iba ay wala talagang books na for entertainment, hindi lang talaga mahilig ang iba sa kanila na mag-basa.
“Dude! Tumigil ka na...” napamulat ako ng may sumigaw sa labas, ano na naman ba ang gulo na ginawa nila. Ayaw ko pa bumangon eh, bumuntong-hininga ako at pinilit na bumangon. Inis akong nag-ayos ng sarili at pinulot ang clipboard, kapag malaman ko na ang mga customer na naman ang gagawa ng eksena hindi ako mag-dadalawang isip na isara ang booth na ito.
Hindi pa nga nangangalahati ang funfair tapos madami ng aggressive na visitors, hindi ba sila marunong rumespeto? Kung hindi pa titigil ang mga ito ako talaga makakalaban nila, malapit na maubos ang pasensya ko ngayon.
Huminga ako ng malalim at ngumiti ng pilit, well kailangan kong ngumiti dahil customer pa rin sila at pwede sila mag-rate ng mababa sa booth na ito. Nag-ipon pa ako ng lakas at pagtitimpi bago ako lumabas, pagkalabas ko ay ang kinakabahang mukha ni Ricky at ni Cindy ang bumungad sa akin.
“Pres, may nagkasagutan doon na lalaki,” kinakabahang sumbong ni Cindy habang nakayakap sa tray na dala niya, lumingon naman ako doon sa kumpulan ng tao kung saan malapit sa board na kung saan nakalagay ang counter para mag-order ang customer.
“Malapit na silang mag-suntukan, hindi ko naman sila maawat dahil malalaki sila.” Napatango na lang ako ng masagot ni Ricky ang tanong sa utak ko, kaya pala. Kaya naman ni Ricky ang mga away na hindi ako kasama pero sabi nga niya hindi niya maawat ang sino man na nag-hahamon na iyon.
Maraming bulungan ang naririnig ko pero ni isa ay nakatulong sa akin para malaman kung ano ba talaga ang dahilan ng away, lahat nag sisigawan kung sino mananalo eh. Mukha bang sabungan ang classroom namin?
“Drake! Go Drake!”
“Transferee pa naman yan, ang lakas ng loob na dedmahin ang team captain.”
“Ngayon pa nga lang yan pumasok ng school eh,”
“Oo nga, nalaman ko na kaklase ko lang pala yan dahil siya lang talaga ang pangalan na hindi alam ang itsura.”
Nakarating na ako sa tabi ng pinagkukumpulan nila at bumungad sa akin ang dalawang lalaki na nakahawak sa kwelyo ng isa't isa, tama nga si Ricky na hindi lumapit sa dalawang ‘to. Ang lalaki nilang tao lalo na yung Drake na sinasabi ng iba, alam ko mukha niya dahil palagi siyang nasa school paper at nakaharap siya sa gawi ko kaya kita ko.
Yung kaaway naman ni Drake ay nakatalikod sa akin kaya hindi ko alam kung anong hitsura niya, sabi nga nila ay transferee siya dito at ngayon pa naisipang pumasok kung kailan kalagitnaan na ng school year.
“Gusto mo ng gulo? Ang kapal naman ng mukha mong pumasok at mag yabang dito.”
Napalunok ako sa kaba ng galit na hinigpitan ni Drake ang hawak niya sa kwelyo nito at inilapit ang mukha sa lalaki, ganito ba ka intense kapag may inaaway ang mga gaya ni Drake? Ang alam ko lang eh suntok tapos wala na alis na sila at pabayaan na nakahandusay ang tao, iba pala kapag sa harap ko na nangyayari.
Yung ibang away na nakikita ko ng malapitan ay kung hindi sigawan ay sabunutan ang ginagawa, ito kasi limitado ang galaw pero yung usapan parang gusto mo na lang lumayo at hindi na makinig sa mga salita na lalabas sa bibig nila.
“I’m not bragging.”
Napakurap ako ng tatlong beses ng marinig ang boses ng naka denim na jacket, lumingon ako sa mga katabi ko at ganun rin ang reaksyon nila. How can he be so calm in this situation? Like, Drake is raging mad and ready to breathe fire on his face yet he still has the courage to speak like he's not even interested if the person will choke him.
“Pa-english ka pang-p*#@ ka!” sigaw ni Drake at ayun nagkagulo na sa loob ng cafe namin, napatili ako at napaatras ng sinuntok ni Drake ang mukha ng lalaki at napahiga sa kinatatayuan ko kanina.
Napatigil ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin lang sa lalake na nasa harapan ko habang nakahandusay sa sahig at walang malay, sigawan ang nanaig sa paligid at ang malakas na tibok ng puso ko ang naririnig ko sa ngayon.
Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ko ang lalaki sa harapan ko, transferee siya? Tiningnan ko ang kabuuan nito at tama nga ang nakikita ko ngayon siya ang lalake na pumunta ng office at nagpakilalang pinsan niya ang secretary.
Nataranta ako ng makita si Drake na lumakad palapit sa walang malay nitong katawan, agad akong lumapit at pinigilan si Drake na lumapit pa ng tuluyan.
Sinalubong ko ang galit nitong mata at kagat labing umiling, nagtataka naman siyang lumayo sa akin dahil ang lapit talaga ng mukha ko sa ilong niya. Ngumiti ako ng tipid sa kanya at lumingon kay Vince na ngayon ay wala paring malay, naramdaman ko ang paglayo ni Drake ng tuluyan kaya naibaba ko ang nanginginig kong kamay.
“Huwag mong ipakita ang pagmumukha mo sa harapan ko kung hindi mas malala pa ang maabot mo sa akin.” Banta nito sa walang malay na tao at umalis na kasama ang mga kaibigan niya, napalunok ako ng maraming beses dahil sa panunuyo ng lalamunan. Paano naman masusunod ni Vince ang sinabi niya kung hindi man lang nito narinig ang banta niya, nag-iisip ba siya?
“Pres Jah...” Napahinga ako ng malalim at tumingin sa tumawag ng pangalan ko, napahilot na lang ako sa noo ko at ngumiti sa kanilang lahat. Lumapit ako kay Ricky at sinabihan kung ano ang gagawin niya, nag paalam muna ako sa kanila at lumabas ng classroom habang denededma ang mga bulong-bulungan nila.
Kaya naman nila ang sarili nila, I'm sure madali lang gawin ang sinabi ko. Inutusan ko lang naman sila na ayusin ang café at yung Vince naman ay dalhin nila sa clinic, I'll be back after an hour to check on them.
I just need to breath for a short moment, it was a rough starting. It is still eleven thirty tapos feeling ko hapon na dahil sa daming nangyayari. Nasa hallway na ako at napapatingin sa mga booths ng ibang section, the booths here in the second floor are all about foods. May sweets shop, burger shop, pastry shop, tapos may fancy restaurant din silang booth.
Hindi ko alam kung tama pa ba nakikita ko or na nanaginip na ako sa mga nangyayari ngayon, I'm sure malaki ang nagastos nila sa mga booth na itinayo nila. Nagmumukha na kasing mall ang school namin, napatigil na lang ako sa paglalakad ng may kakaibang booth na nakita ako.
“Unique diba?” agad akong napalingon sa nag salita, nakangiti ito sa akin habang may suot na shades at cap.
“Bakit may souvenir shop dito?”
დ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top