Chapter 12

Someone's POV

“Boys! Start working!”

Napakamot na lang ako sa buhok ko habang naka tingin sa mga kaklase ko na parang mga langgam sa sobrang gulo ng classroom, ayan kasi hindi sila dumating ng tamang oras.

Napapalunok na lang ako habang sinisilip si pres na kanina pa sumisigaw ng mga kailangan tapusin ngayon bago pa buksan ni manong guard ang gate para sa mga bisita, isang oras na lang ang pag-aayos namin para maging handa na ang horror booth.

“Ako lang ba o mukhang stress na si pres.” napalingon ako kay Ella na bumulong sa kanang tenga ko, napailing na lang ako sa sinabi niya. Hindi pa ba obvious na stress talaga siya at dahil iyon sa mga kasama niyang late na dumating, inabot ko na lang sa kanya ang hawak kong tela na para sa disguise namin na naka-assign sa loob ng maze.

“Alam mo, tumahimik ka na lang kung ayaw mo makatanggap ng detention slip galing sa kanya. Oh ayan isusuot mo iyan mamaya,” sabi ko na kanyang inirapan at nandidiring tiningnan ito, ito na naman tayo sa kaartehan niyang madalas lumalabas kapag may mga ganitong kaganapan.

Hindi ko na siya pinansin pa at ipinamigay sa kanila isa-isa ang kani-kanilang costumes, bali sampu kaming mananatili sa loob ng maze at tatakutin namin ang mga players habang hinahanap nila ang clues palabas ng maze.

Typical horror maze siya kung titingnan mo sa flyers na ni-print namin pero may pasabog ito kapag naka pasok ka na ng second door, ang nakakadagdag thrill pa dito ay sa library magaganap ang horror booth namin.

“Everybody! You know what to do here so please keep it up! I'll be back for a minute.”

Nakatanaw lang ako sa papalayong bulto ni pres sa classroom, napabugtong hininga ako at nilibot ang tingin sa buong classroom. Dahil sa library magaganap ang main booth namin ay may side booth naman kami dito sa loob ng classroom kung saan sampu rin ang mananatili para asikasuhin, small cafe lang siya at may pa dress up game pa kung saan pipili ng outfit ang costumer at ipapasuot ito sa isang waiter na napili niya sa mga kaklase ko.

Mostly boys ang maiiwan dito mga pito ata at tatlo naman ang maiiwan na babae para bantayan ang pito kung gagawin ba nila ang dapat nilang gawin, hindi kasi segurado kung malaki ang bibili ng ticket sa horror booth namin lalo na at sa library gaganapin dahil sa katunayan ay haunted rin ang library ng school.

May rumours na kumakalat matagal na ang nakalipas na may nagpakitang white lady sa history section ng library, it was five years ago ata when a freshman student was studying alone inside the library for almost 2 days when she suddenly feel cold breeze of air blows when 12noon strikes.

“Kai halika na! Magsisimula na ang visiting hours.”

Nakalipas na ang isang oras kaya ngayon ay papunta na kami ni Ella sa library, kami lang dalawa dahil nauna na ang iba na pumunta doon. Ewan ko ba sa kanila at excited pa sila na doon magaganap ang horror booth namin, hindi ata kinikilabutan sa mga storya na matagal ng umiikot sa eskwelahan simula nung may nakakita ng multo.

“Kai.” Napalingon ako kay Ella ng kalabitin niya ako, napalingon ako sa tinuturo niyang puno at napabalik ang tingin sa kanya ng wala naman akong nakita doon.

“Hindi magandang biro ang ginagawa mo ngayon Ella. Hindi nakakatuwa,” banta ko at hinila na siya papasok ng booth, napangiti na lang ako ng tipid ng hindi na siya nag salita pa at nagpahila na lang sa akin.

Nag-prank pero hindi rin naman napanindigan, itong babaeng ito parang bata eh. Siguro wala siyang kalaro ng bata siya.

“Oh. Kayong dalawa,” agad kaming lumapit ng marinig ko ang boses ni pres na tinawag kami pagkapasok namin ng entrance, halos walang tao na sa buong library at kami lang tatlo ang nandirito dahil wala man lang akong makitang tao.

“Kung hinahanap mo yung iba,” napalingon ako kay pres ng mag salita siya bigla, ang tahimik kasi kaya siya na ang nag-salita. “nakapwesto na sila sa kanya-kanyang pwesto.” Napatango ako habang inaayos ang ticket na ni-cut-out namin, maximum of two-hundred tickets at hundred lang ang nandito sa ngayon yung isang kalahati ay na sa kahon kung saan namin ilalagay ang pera.

Isang ticket ay limang piso ang halaga kaya dapat namin itong maubos, kahit naman napaka-imposible na isipin dahil malabong may pupunta sa booth namin.

“I trust you Kai, make us win.” Napatango ako sa sinabi niya at nagpakita ng thumbs up sa kanya bago siya nag paalam na umalis, hindi sa sinisiraan ko si pres sa inyo pero nung una ko siyang makita at makilala akala ko isa siyang pabebe.

Yung tipong aarte na mahina para lang pansinin ng mga tao sa paligid niya pero matapos kong makita ang mga galawan niya ngayon at ang pakitungo niya sa mga kuya niya, nalaman kong ganun talaga ang dating niya dahil baby pa rin ang turing sa kanya ng kanyang pamilya.

She has this soft gestures coming from a big person na usually nakikita ko sa mga babae na gaya ni Ella, small and loud as a megaphone. Yeah, feeling ko may megaphone ang bibig ni Ella kapag masaya siya at lalo na kapag galit siya, parang parati naman eh. Himala lang at tahimik siya at halos pabulong na ang boses niya ngayon, ano kaya nakain niya at hindi na siya halos mag salita.

Napatingin ako sa tower kung saan ay nakalagay ang speaker, nag-bell at tumunog ang isang musika na naririnig kapag may announcement. Inayos ko na ang suot ko at nag seryoso ng buksan na nila ang gate para sa mga tao, matapos ang tunog ng speaker ay dumagsa ang tao.

Halos mapuno na ang campus ng makita ko ang mahabang pila sa entrance, napapatigil sila doon dahil may bag check pa sila at stamp para masabing clear sila.

“Hi! How much is the ticket?”

Napunta ang tingin ko sa biglang sumulpot na babae sa harapan ko, nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot pero sinagot ko pa rin ang tanong niya. Saan ba ito dumaan at ngayon ko lang siya napansin, inabot ko naman ang limang peso na nakapatong sa nakalahad niyang kamay.

“Follow clues and never run back to the entrance, you'll be paying a ten peso fine.”

I instructed her before she enters the door while holding the basket of goods I gave her, every person gets a basket that is involved in the games inside the booth. She just nodded and smiled at me before closing the doors.

Napailing na lang ako sa ginawa niya, sana lang makalabas siya sa booth na iyan within thirty minutes kasi hindi ko alam kung ano ang mga ganap sa loob.

“Goodluck na lang.”

***

Jahnette's POV

“Pres. May kulang sa stock para sa café natin,” nag-dadalawang isip na sabi ni Ricky, huminga ako ng malalim at nilapitan siya para tingnan kung ano nga ba ang kailangan at kung bakit ito kulang.

Ibinigay niya sa akin ang checklist ng mga stock doon at napakunot ang noo ko dahil halos maubos na ito, tiningnan ko si Ricky at tumango-tango lang siya habang may hilaw na ngiti sa kanyang labi.

“Isang oras pa naman ang lumilipas ah, ubos na agad?” hindi makapaniwala kong tanong sa kanya, kinuha ko ang ballpen at ginamit ito upang kumuha ng kopya sa listahan. Nandito ako sa SSG office dahil kinailangan ko ng pwestong mauupuan, hindi naman ako pwede sa classroom dahil hindi ako maririnig ni kuya Blake sa mga ingay ng tao.

Naisipan ko rin manatili sa gymnasium dahil iyon ang tahimik sa mga oras na ito dahil may pa theater sila mamayang hapon, maganda sana doon dahil free siya para sa mga gaya ko na kailangan ng peace time pero hindi pa nakarating ang nakahawak ng susi doon kaya nakatambay na lang ako sa canteen kanina.

Hindi pa nga naiinitan ang inuupuan ko ng bigla na lang tumawag si kuya, akala ko si kuya Blake pero si kuya Blaze pala at inutusan pa akong pumunta sa building nila.

Hindi niya ako binabaan ng selpon hanggang hindi ako makapasok ng room nila, mabuti nga at iyon ang ginawa niya dahil kung hindi siguro na sa labas lang ako ng pinto at nakabantay lang na parang guard. Hindi ko alam na strikto ang mga kasamahan niyang officers, kailan ko pa ipakita na may card ako para makapasok sa loob.

Dahil wala naman akong alam sa sinasabi nitong card ay ipinakita ko na lang ang ID ko na siyang ikinataas ng kanyang kanang kilay, palipat-lipat ang mata niya sa mukha ko at sa ID na hawak niya na siyang ipinagtaka ko. Wala naman mali sa mukha ko kaya sumilip na rin ako sa ID, napa-atras ako ng bigla niya itong ihinarap sa akin ang mukha ko sa ID.

“Who owns this?”

Yan ang tanong niya habang nakataas ang kanyang kilay, kinakabahan pa nga ako noon dahil hindi ko man lang mai-angat ang kamay upang itapat ang selpon sa tenga ko dahil sa nakakatakot niyang titig. Itinuro ko na lang ang sarili ko at hindi na nakapagsalita ng nag-tanong siya ulit na ngayon ay hindi ko na maintindihan kung bakit niyo iyon nasabi.

“Hindi mo kamukha. Where's your ID?”

Doon na ako napagtanto na nakalugay ang buhok ko habang nakatali naman ang nasa ID picture ko, ewan ko pero wala talagang nakakikilala sa akin kapag nakalugay ang buhok ko pati nga mga kuya ko ay nagulat ng makita nila ako at tinatawag pa yung pangalan ko kung na sa harapan lang nila ako.

Kaya no choice kundi itali ang buhok gamit ang kamay ko, sa pagmamadali ko kasing pumunta dito sa school nakalimutan kong mag dala ng pantali.

May nagbigay naman ng rubber band pero na putol lang ng kalagitnaan ng pag-aayos ko ng mga gamit at timing pa na may tumawag sa akin, kaya hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa mga gawain kahit hindi ako sanay na nakalugay ito habang may ginagawa na talagang pag-papawisan ako.

So much for that nakapasok rin ako dahil sa tulong ni kuya Blaze, natakot nga yung babae na kaharap ko ng may sumigaw ng pagkalakas-lakas galing sa selpon ko.

Hindi naman yun naka-speaker pero na rinig ko pa rin ang boses niya, napa-iling na lang ako at nag patuloy sa mag-sulat. After ng sigaw niya ay nag-iwan siya ng message at pinatay na ang tawag, sana lang okay pa siya sa ginawa niya. Masakit sa lalamunan ang ginawa niya eh.

Speaking of lalamunan, nauuhaw na ako. Kinuha ko ang bote sa gilid at uminom habang nakatitig pa rin sa listahan na kailangan ko pa i-report kay kuya Saun, ibinaba ko na ang bote at tumayo.

“Excuse me.”

Bigla ako nasamid at napatingin sa pinto na ngayon ay bukas at may naka-silip na isang lalaki, nakatingin lang ako sa kanya habang nakatakip ang kamay ko sa tapat ng bibig ko.

Umubo ako ng ilang beses habang siya naman ay pumasok at hindi man lang nag salita ulit, nakatitig pa rin ako sa kanya at iiwas sana ako dahil nakakahiya na ng mapunta ang tingin ko sa mga mata niya.

Hindi ba siya marunong kumatok?

Kung ganyan siya makatingin baka hindi ko na siya pipigilan, umiwas na lang ako at kinuha ang folder na kakailanganin ko. Nakita ko naman ang pag punta niya sa kabilang bahagi ng office na ito kaya pagkataon ko na itong tingnan siya, sana lang hindi siya lumingon agad.

Bumalik na ako sa upuan ko at marahan na ipinatong ang folder sa lamesa, napapikit ako ng muntikan ng mahulog ang bote ko.

Nilingon ko yung lalaki para tingnan kung napansin o narinig niya ang ingay pero hindi man lang ito lumingon dito kaya napahinga ako ng malalim, as much as possible ayaw ko na pansinin niya ako o kausapin man lang dahil kung sakali man na kusapin niya ako baka nakatitig lang ako sa kanya sa sobrang takot kaya pasimple ko lang siyang tinitignan ngayon.

Mahirap na at mahuli dahil mukha siyang tipo na hindi gustong tinitingnan, ewan hindi ko ma-describe pero ang masasabi ko lang ay hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga tingin ng matagalan. Parang artista na hindi ko maabot, sa suot niya ngayon na suit hindi ko alam kung estudyante ba siya o isang outsider. 

Nakabantay lang ako sa mga galaw niyang hindi man lang marinig dahil sa marahan niyang mga galaw na parang may tao na natutulog sa kwartong eto, libre naman siyang mag-ingay dito pero kita ko ang pag-iingat niya sa mga galaw niya.

“Excuse me,” nag-dadalawang isip kong sabi pero ginawa ko pa rin ng makita kong pilit niyang buksan ang cabinet kung saan nakalagay ang confidential papers, napatayo na ako ng hindi man lang niya narinig ang sinabi ko.

I don't know if I should ask him whether he's one of the official student council or a mere student, you never know in this time. May pa-costume kasi ang ibang level gaya lang ng side booth namin kaya hindi ko talaga alam, nahihiya at kinakabahan akong lumapit sa pwesto niya.

“Kuya, isa po ba kayo sa...” putol kong sabi ng humarap siya sa akin, “...student council?” napatikom ako ng bibig ng humarap siya ng tuluyan sa akin at sumandal sa cabinet, napakurapkurap ako ng hindi man lang siya nag-salita pero nakatitig pa rin sa akin.

I tilt my head a little to my right shoulder as I look at his face. Ako lang ba o tama ang nakikita kong kinang sa kanyang mga mata, bakit siya ganon maka tingin?

“I'm not a member of the student council but my cousin is,” saad niya ng nagising na siya sa pagkatulala, napatango naman ako at tiningnan ang table. Tama naman, siguro nag-aalala lang ako masyado.

Paano naman hindi magiging ganoon ang reaksyon ko ng halos gibain na niya ang pinto ng cabinet, sigurado naman akong may susi ang pinsan niya para sa cabinet na iyan at ibibigay sa kanya kung inutusan nitong buksan ito.

“Hindi po ba ibinigay ng pinsan niyo ang susi para dyan?” tanong ko ng nakatitig pa rin siya sa akin pero ngayon iba na ang dating, umubo ako ng peke at inayos ang sarili habang hinihintay ang kanyang sagot.

“Uhm, honestly wala.” He shrugged his shoulder and walked away from the cabinet. Komportable siyang umupo sa swivel chair ng table na sinasabi niyang pinsan, is he really telling the truth?

I mean hindi naman sa judgemental pero kailangan ko ng ebedensiya na nag sasabi nga siya ng totoo, mamaya niyan ako pa ang masisi na may nawawalang mahalagang gamit dahil ako lang naman ang nakatambay dito for the whole day.

“Wala pala, uhm kung maaari ba na isulat mo na lang ang pangalan, grade at number mo dito.” Ibinigay ko sa kanya ang log book na agad naman niyang kinuha, tahimik niyang tinanggap pero ang mukha niya nakangiti na parang ewan.

Mali ba ang nakita ko kanina ng pumasok siya? Mukhang ibang tao ang kaharap ko eh, kung kanina nakakatakot siyang lapitan ngayon naman ay para siyang napaka-approachable na tao.

Siguro ganu'n lang talaga ang rest face niya, never meet someone like him so I'm not too sure. Kinuha ko na ang log book na kanyang inilahad sa akin ng my kakaibang ngiti, ngumit lang ako ng hilaw at tiningnan ang isinulat niya.

Call me Vince, 09** is my number.

“You know, you're creative.” Naiangat ko ang tingin ko sa mukha niya habang kunot noong iniintindi ang sinabi niya, kumiling ako ng kaunti gamit ang ulo ko papunta sa kanan na siyang pinapahiwatig na hindi ko nakuha ang tinutukoy niya.

What does he mean by me being creative? Wala naman akong pinakita sa kanya na ganyan ang sasabihin niya sa akin, kung iisipin wala talaga kaming ginawa kundi ang mag-usap lamang.

“Creative for getting my number, anyway you can call anytime you're free to do so.”

Napanganga na lang ako ng mapagtanto ko ang pinapahiwatig niya, isang minuto ang lumipas bago pumasok sa utak ko ang sinabi niya. Did he interpreted it as me making him to give his number? Napailing lang ako ng ilang beses sa kanya habang nakahawak sa bibig ko, mukha akong in-denial pero totoo naman na hindi iyon ang intention ko.

“You got it wrong,” natataranta kong saad at hindi makatingin sa mukha niya. Hindi ako mapakali dito sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan, siguro kung sinabi ko muna kung ano ang rason ko para kunin yung number niya ay hindi gano'n ang maiisip niya.

“Don't be shy. It's normal for me, it's an everyday thing.” Napatigil ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sinabi niya, lumingon ako sa kanya at nagkibit-balikat lang siya sa akin.

This man's confidence is out the roof it goes, he's lifting his own chair. Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa nakakahiyang atmosphere sa paligid namin, it's suffocating.

“For context, I'm using this information for later po. Kukunin po kasi ni Kuya Darvin ang mga pangalan ng estudyante na pumasok dito sa office, kulang pala ang information na nilagay niyo.”

Turo ko sa pangalan niya na kulang ng apelyido at grade, napalunok ako ng unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Bumalik na naman sa rest face kaya inabot ko agad ang log book ng ilahad niya ang kanyang kamay, takot ko lang na ma irapan ng isang to.

He looks like he's going to make me cry if he ever roll his fox eyes on me, I don't want that. My heart can't handle that expression especially from someone like him.

“Call my number if my cousin comes,” he said with a flat tone. Tumango lang ako at tinanggap ang log book mula sa kamay niya, tumalikod na siya at nakapamulsa na lumabas.

Napakurapkurap ako ng ilang beses ng umalis siya na walang kinuha dito sa office, kibitbalikat na lang ang ginawa ko at bumalik sa upuan ko habang binubuklat ang sinulatan niya.

“Pres!”


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top