Chapter 10
Nakatulala lang ako sa plato ko habang ang isa naman ay nakangiting nanonood sa akin, tinginan ko siya kaya na pailing na lang ako sa naiisip ko, agad kong isinubo ang kanin at napahinga ng malalim. Ano ba nakain ni kuya Saun at pumayag na itong kaibigan niya ang magbuhat sa akin?
At iniwan pa dito para bantayan ako?
Alam niyo ba kung ano ginawa nito ng makitang gulat ako sa nalaman? Tinawanan niya lang naman ang naging reaksyon ko kaya ayun, nahihiya akong nagpasalamat sa kanya kahit gusto ko na bumalik sa kwarto ko.
Nakakahiya talaga lalo na kung alam ko ang bigat ko, kung mahina ang kanyang katawan baka ako pa ang maging dahilan ng pagkabali ng kanyang mga buto.
Napabugtong hininga na lang ako, napakagat na lang ako sa kutsara sa inis. Bakit ba palagi na lang ako natutulog kapag sa kotse?
Napahinga na naman ako ng malalim at sumubo ulit ng kanin, nakatitig lang ako sa hawak kong kutsara ng bigla na lang kumaway si kuya sa harapan ko. Nakangiti akong naghintay sa kanyang sasabihin, tamang inom lang ako habang nag aabang.
Hindi ko rin naman kayang mag simula ng topic kasi hindi ko alam kung anong sasabihin matapos malaman na binuhat niya ako sa ikalawang palapag, sa taong hindi ko pa gaanong kakilala.
“May problema ba?” Ako na ang nagbasag ng katahimikan ng mukhang nakalimutan niya ang sasabihin, tumingin ako sa paligid ng kung saan-saan na pupunta ang mata niya. Napakunot ang noo ko ng tumawa na lang siya bigla at sinandukan ang plato ko ng mashed potato, aabutin ko sana ang sandok para ako na magtuloy ng umiling siya.
Sige na lang, pero may kamay naman ako ah.
Tamang nood lang ako habang naglalagay siya ng limang pirasong meatball na may gravy, napalunok ako sa patulo kong laway ng maamoy ko ito ng malapitan. Nagpasalamat ako at susubo na sana ng makita kong magsasalita na pala siya, na ilapag ko na lang ang kutsara ko.
“If you’re stressing about my health after carrying you, don’t worry.” Napa-iwas ako ng bigla niyang ipinakita ang kanyang braso at nag-flex ng muscles. “I got sturdy biceps,” Proud niyang sabi habang nag-flex pa rin sa harapan ko, napakurap ako ng ilang beses dahil sa puti ng kanyang balat.
Hindi ko alam kung saan siya nag tago at bakit ang ganda ng kutis niya, hindi naman niya sinabi nung nag-story telling siya sa airport kaya iisipin ko na lang sa Korea siya nag tago.
Nasabi ko rin na sa Korea kasi yung porma at facial features niya ay malapit na sa beauty standard doon. Ano kaya feeling na manirahan sa Korea?
“Hindi naman sa stressing.” Sumubo na ako pagkain at hindi makatingin sa kanya ulit, kailangan ba niyang ipaglandakan sa harapan ko ang biceps niya?
Lumipas ang oras na tahimik lang kaming kumakain, panay iwas ako sa mga mata niya tuwing sinusubukan niyang kunin ang atensyon ko. Pinansin ko lang siya ng bigla na lang niyang sabihin na kailangan na niyang umalis, hininga niya ang number ko na hindi ko binigay dahil hindi ko naman masyadong kilala.
Kaya siya na lang ang nagbigay ng number, sinasabing tumawag lang ako kapag kailangan ko ng tulong. Makaalis siya ay maghapon akong naka upo sa sofa habang binabasa ang handout na ibinigay ng teacher, nag sulat na rin ako sa diary ko matapos ko lahat ang school works. Gabi na nung natapos ako sa mga gawain ko, kaya nag refresh muna ako bago ako nag pasya na kumain.
Naghain ako gamit ang pagkain kanina at dinala ito sa salas kung saan ako nakaupo kanina, hindi ako komportable doon sa dining table kung ako lang ang kakain kaya sa ngayon dito muna ako sa coffee table namin. Kumportable akong kumain at nonood ng K-Drama kasi tapos na rin naman ako sa gawain ko, natapos ako sa hapunan ko ng marinig ko na lang ang malakas na ulan.
6 o'clock in the evening.
Nagligpit na ako at siniguradong naka-lock ang mga pinto, habang pinapatay ang mga ilaw ay bigla na lang akong napasigaw dahil sa biglang pagkidlat nang malakas. Tumakbo na ako paalis sa hagdanan at dalidaling pumasok sa kwarto ko, hinihingal akong napaupo sa sahig at napahawak sa dibdib ko dahil sa kaba.
Hindi ko alam kung namimilikmata lang ba ako o sadyang may nakatayo talaga sa labas ng gate.
Sa pagpatay ko ng ilaw ay napalingon ako sa bintana na nakaharap sa gate, doon ko napansin na may bulto ng isang tao. Hindi ko inaasahan na may kidlat kaya nagulat ako ng ma-ilawan ang bulto ng nakatayo sa labas.
Full black ang suot niya at may itim na tela na nakatakip sa buong mukha niya, nangilabot ako ng maalala ko ang itsura niya na parang wala lang sa kanya ang ulan na napakalakas na tumatama sa kanyang katawan.
May bisita ba ako na darating sa ganitong oras?
Nakita ba ako ng taong iyon?
Agad kong isinarado ng mabuti and pinto ko pati na rin ang mga bintana, hindi pa ako na kontento sa lock ng pinto kaya hinila ko ang upuan na nilalagyan ko ng mga libro ko. Ito yung upuan na gawa sa kahoy at pwedeng lagyan ng kung ano-ano sa loob nito, ipinatong ko na rin ang backpack ko para siguradong hindi talaga mabubuksan.
Mabilis kong pinatay ang putting ilaw at ang tanging dim light ang nakaandar, pumasok na ako ng banyo at ginawa ang nightly routines ko tapos nagpalit na rin ng damit pantulog. Nahiga na ako sa higaan ko at tiningnan ang selpon ko kung naka-mute ba ito, nag send ako ng tig-isang text sa kanila.
Iisa lang naman ang biyahe nila kuya kaya malalaman nila kung ano ang ni-send ko kay kuya Blake, nag-text na rin ako kay kuya Saun at Cullen. Iyon kasi ang bilin ni kuya Blake ng mag load siya kasama ako, hindi ko na daw problema kung wala akong load dahil one month subscription ang ni-load niya sa sim ko.
Pinatay ko na ang selpon ko at nag kumot ng maayos, hindi naman sa maiinit dahil umuulan at hindi naman sa sobrang lamig dahil sealed ang bintana namin. Nagtalukbong ako sa kumot ko at agad na hinawakan ang selpon ko malapit sa sarili ko ng may kidlat na namang dumaan, napalunok ako ng may narinig akong ingay sa labas ng kwarto ko.
Nakapasok ba yung kaninang naaninang ko sa labas?
Kahit pa malayo at mahina ang ingay dahil sa malakas na ulan ay hindi ito nilagpasan ng tenga ko dahil sa tatlong naririnig ko ay ito lang ang kahinahinala, kalabog ng pinto ang aking narinig sa baba. Iba sa malakas na ulan, kidlat na minsan ay mahina at bubong na umiingay dahil sa patak ng ulan.
Napatingin ako sa oras sa selpon ko at napakagat na lang ako sa labi ko ng makitang sleeptime ko na, sumilip ako sa likod ng kumot ko at dahandahan na pinahina ang ilaw ng lampshade ko.
Agad kong ipinasok ang kamay ko sa ilalim ng kumot ng marinig ko ang mahinang tunog ng mga yapak ang dumaan sa tapat ng pinto ko, pinatay ko ang ringing tone ng selpon ko at pumikit na lang habang pinipilit na matulog.
Natatakot ako pero kailangan ko matulog dahil hindi maganda ang pakiramdam ko kapag magising ako bukas, lalo na at mangangamoy ang lupa bukas ng umaga. Hindi naman ata makapasok ang intruder sa kwarto ko dahil mabigat-bigat rin ang mga libro pati na rin ang kahon na nilagay ko.
Hindi ko alam kung saan siya nakadaan kung lahat ng pwedeng pasukan ay sinarado ko ng mabuti, hindi naman pwede sa likod ng garahe dahil naka-lock na iyon ng hindi pa naka alis sila kuya, yung kotse na sinakyan namin ay iniwan lang doon sa airport.
Yung kotse naman nila kuya Saun ay inuwi niya sa bahay nila, hindi ko talaga maisip kung saan pwede lumusot ang nakapasok sa bahay ngayon. Mabuti nga at naiayos ko ang mga gamit sa baba na parang iniwan talaga ang bahay at walang tao dahil ewan ko na lang kung malaman niyang may tao dito, mahirap na at mag-isa lang ako.
Sa pag-iisip ko ng kung ano-ano ay nakatulog ako, hindi na kasi ulit dumaan o gumalaw ang dumaan kaya napagod rin ang katawan ko sa paghintay. Kinaumagahan ay nagising ako sa malakas na katok at sigaw sa labas ng bahay, nagmadali akong nag-ayos ng sarili at hinila ang kahon palayo sa pinto.
Limang minuto ang itinagal ko dahil sa bigat ng kahon bago ako nakalabas ng kwarto, lakad takbo ang nagawa ko habang bumababa sa ikalawang palapag ng bahay papunta sa main entrance. Binuksan ko ang kurtina at napapikit ako ng suminang ang araw sa mukha ko, bumalik ako sa pinto at binuksan na ito habang hinihimas ang noo ko.
“Netnet!” napa-atras ako ng sumalubong sa akin ang maiinit na yakap ni kuya Saun, tinapik-tapik ko lang ang balikat niya at kamot ulo siyang tiningnan. Kay aga-aga niya namang mambulabog ng may bahay, kumalas na siya sa yakap at kumapit sa magkabila kong balikat.
Napatingala na lang ako sa kanya habanag nakapikit dahil inaantok pa ako, hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi at ngayon ay hindi pa gising ang katawan ko. Nag pahila lang ako sa kanya ng marinig ko na isinara niya ang pinto at hinila ako kung saan, salita siya ng salita pero hindi ko maiintindihan dahil nga tulog pa ang katawan.
“Pasensiya na Netnet at masyadong maaga akong napapunta dito, ito dala ko ang almusal na ginawa ni mama. Halika kumain ka na para maka alis na tayo.” Hindi na ako nagtanong kung saan ang punta namin at nag pahila na lang sa kanya papunta sa kusina, tulog ang diwa ko na kumain at naghanda ng sarili para sa pupuntahan namin.
Ngayon ay nakasakay na kami sa kotse at nakatulog ako ng lumaraga na siya papunta sa kung saan, nagising na lang ako ng yugyugin ako at narinig ko ang mahinang boses ni Keanna na tinatawag ang pangalan ko.
“Ate, gising na po. Tara na sa loob, kanina ka pa po tulog.” Napa-upo ako habang nagpupunas ng mata, nakunot ang noo ko ng makitang nasa isang parking lot kami. Tumingin ako sa labas ng kotse at nakita ko si tito Daniel at si kuya Saun na nag-uusap, dumako ang tingin ko kay Keanna ng nakangiti itong nakatingin sa akin.
Naka-casual outfit siya tapos ako naman ay nakapajama pa rin, akala ko ba sa bahay lang kami nila tito Daniel. Bumaba na si Keanna kaya sumunod na ako sa kanya habang inaayos ko ang magulo kong buhok, napayuko ako ng may dumaan na tao at tumingin pa sa gawi namin.
Bakit, ngayon lang ba siya nakakita ng bagong gising?
“Ito suotin mo Ate.” Iinabot niya sa akin ang isang floral dress na nagtataka ko namang tinanggap. “Si Kuya kasi nakalimutang sabihin sayo na shopping ang gagawin natin ngayon,” mataray niyang inirapan ang kanyang kuya na nakangiti lang sa amin, pumasok na lang ako ulit sa kotse at sinuot ang dress.
Napakamot ako sa ulo ko ng makitang okay naman ang size, ang mukha ko lang ang hindi. Hindi lang man ako naka pagsuklay ng maayos. Naghanap ako ng pwedeng i-ayos sa buhok ko dito sa kotse at salamat naman dahil may suklay dito, bumaba na ako ng okay na ang itsura ko. Napahawak na lang ako sa braso ko ng maramdaman ang hangin na dumaan, hindi pa rin ata natapos ang hangin noong gabi.
“Don’t worry Ate, may dala na rin akong jacket na babagay sa dress.” Lumapit si Keanna sa tabi ko at ipinakita sa akin ang maluwag na jacket na cropped, isnuot na niya ito sa akin kaya hindi na ako nag-salita.
Nilingkis niya ang kanyang mga braso sa akin at hinila na papasok sa mall, naka ngiti lang ako habang nilingon sila sa likod na nailing na sumunod sa amin.
Nag shopping lang kami ng mga pakain para ilagay sa pantry namin, hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit nila ako isinama pero groceries lang naman pala. Ipinakita pa sa akin ni Tito Daniel ang bilin ni mama sa kanya kaya ayun tumulong na ako sa pagpili ng mga products, isinama nila ako dahil hindi nila naman alam kung ano ang mga brand na ginagamit namin sa bahay.
Mabilis lang ang trip namin sa grocery dahil unti lang ang binili ko which is good for one month, mga essential lang na alam kong naubusan kami. Akala ko agad kaming uuwi pero hinila ako ni Keanna sa isang clothing store, hindi ko sana gusto bumili ng mga damit dahil marami pa naman ako kaya lang nag-pumilit siya at hindi nagpaawat.
“Ate! Ito oh, maganda ito lalo na sa parating na funfair ng school next week.” Ipinakita niya sa akin ang isang dress, napakamot ako sa pisnge ko dahil sa pagkalito. Ano naman gagawin ko sa isang ball gown?
Hindi rin naman ito connected sa funfair, bentahan lang naman ang gagawin doon at laro. Napansin naman niya ang nagtataka kong mukha kaya nag-expalin na siya. Tradition daw ng JHU na mag-dress up ang mga students bilang royalty for a day para daw maging open ang mga student sa bawat grade levels, communication is a must daw.
“Hindi ba pwedeng mag pass?” tanong ko at kinuha sa kanya ang gown, sinilip ko naman siya sa likod ng gown na hawak ko. Umiling siya at nag-form ng X gamit ang kanyang mga braso, napasimangot na lang ako at ibinalik sa kanya ang gown.
Bakit may pa tradition pa sila na ganyan, paano naman kami na hindi sanay sa social gatherings? Ang unfair naman nila, pero pwede rin naman ang ganyan sa akin kung hindi lang sana lahat ng levels ng high school department.
Magiging awkward lang dahil hindi ko alam kung paano maki sabay sa mas nakakatanda sa akin, ang mga kuya ko nga ang gumagawa ng paraan para kausapin ako paano pa kaya sa ibang tao na hindi alam.
“Don’t worry Ate, masquerade ang theme niya.” Napalingon ako sa kanya at napangiti, napatawa siya ng mahina at ibinigay sa akin ang bagong pili niyang gown. Napatingin ako sa gown at napangiti na lang dahil sa disenyo nitong nagustuhan ko, simple siya na may pluffy shoulder na siyang sakto na maitatago niya ang malaki kong braso.
Napahaba ang pamimili namin sa mga susuotin para sa funfair kaya ngayon ay pagod kaming naka upo at naghihintay ng order namin, kami ni Keanna lang pala ang pagod dahil kami lang ang namili at sila tito naman ay nakaupo lang habang binabantayan kami kasama si kuya Saun na busy sa kanyang selpon.
“Paano mo na laman na funfair na nextweek, ni hindi nasabi ng teacher namin nung last?” tanong ko ng malala kong ni walang teacher na nagsabi about sa funfair na magaganap, dapat nga alam ko yan dahil ako ang president ng classroom at responsible ako na mag bigay ng plano sa kanila.
Bakit hindi ko nalaman, kung hindi ko alam, alam ba ni vice pres?
Kami lang dalawa sa table ngayon dahil si tito ay pumila para kunin yung order at si kuya Saun naman ay nagpaalam saglit dahil may pupuntahan siya sa labas ng restaurant, mas busy pa nga tingnan si kuya Saun kaysa kay tito na may trabaho.
“Ah, this Monday dapat nila i-announce pero inunahan ko na sila.” Natatawa niyang sabi ng makitang binigyan ko lang siya ng nalilitong mukha.
This week pa nila sasabihin tapos siya alam na niya?
Hmm… well baka nga every year ginaganap kaya alam na niya kung kailan mangyayari, matagal naman siyang nag-aaral sa JHU kaya hindi na ako dapat magulat. Nag-tanong pa ako kung ano ang magyayari sa funfair kaya hindi ko napansin ang pagdating ni tito dala ang pagkain namin, kumain kami at patuloy pa rin sa usapang funfair.
According to her 4 days daw magaganap ang booth day tapos ang tradition nilang ball ay 3 days, sobrang hectec naman ng schedule ng mga officer kung ganyan pero hindi na daw problema dahil nag-eenjoy naman sila according to her source.
Sure ba yung tao na iyon na hindi hell week para sa officers?
Ako ngang nakikinig lang ay napapagod, paano pa kaya sila na ginagawa ang mga trabaho nila? Sa pagkwento pa lang ni Keanna sa mga nakaraang funfair ay parang ubos na ang buhay ng mga officers, sa dami na booth na ina-approve at activities na ginawa para lang mapanatiling masaya ang mga visitors.
“Ate, kilala mo yun?” Biglang tanong ni Keanna at pasimple niyang itinuro ang nasa likod ko, nagtataka ko siyang tiningnan bago lumingon sa tinutukoy niya.
Kumunot ang noo ko ng makita ang isang lalaki na dalawang table ang sa amin na seryosong nakatingin dito, nagtama ang mata namin pero ganun pa rin na parang inaasahan niyang titingin ako sa kanya. Ako na ang unang umiwas ng makita kong hindi niya pa rin tinatanggal ang tingin sa akin.
Sino siya?
“Kanina pa siya naka tingin dito, akala ko sa likod ko pero hindi talaga. Pansin kong ikaw ang pinagmamasdan niya ate, sino siya?” bulong niya at uminom ng juice, pinagsayaw niya pa ang mga kilay niya na parang nagsasabing mag-share ako.
Pareho lang tayo pinsan, hindi ko kilala ang lalaking ’yun. Nagkibit balikat ako at pasimpling sumilip sa lalaki, nahuli ko siyang pasilip-silip habang busy ang kanyang kamay sa paghiwa ng kanyang steak. Napangiwi ako ng tingnan niya ang kanyang daliri na nasugatan, agad akong umiwas ng tinitigan niya lang ang sugat niya.
He looks harmless but strong in the way he make that emotionless face. Looks like he’s around my kuyas’ age, messy black hair and a brown complexion. I never met him but why does it look like that he knows me with the way he stare and watch me eat, as what Keanna said.
I mentally shook my head and continued to eat my food, he’s busy winching in pain because of the cut he made in his forefinger. Maybe he’s just one of the people who stare at me to judge and also to badmouth inside their heads.
Can they even ignore someone like me?
Just for once, I want a day without some stranger looking at me like I’m the most unrealistic– disgusting creature if that’s the word for it. Ni hindi nila ako nilalagpasan na hindi tinitingnan na parang may basura na daladala sa loob ng mall, maayos naman ang suot ko kasi si Keanna ang nagbigay sa akin ng dress.
Natapos ang lunch namin ng maayos habang ako ay hindi komportable dahil nararamdaman ko ang tingin ng lalaki sa likod ko, everytime na sinisilip ko siya ay nakatitig na naman sa akin na parang ako lang ang nakikita niya sa loob ng restaurant na ito.
Nag-bayad na si tito habang ang magkapatid ay nag-usap sa harapan ko, limitadong-limitado ang galaw ko ngayon dahil sa dulo ng mga mata ko ay kitang kita ko ang mata ng lalaki na nakatapat sa akin.
“Netnet, okay ka lang?” napatingin ako kay kuya Saun ng marinig ko ang pag-aalala niyang boses, tiningnan ko siya na parang walang nagyayari at mahinang umiling sa kanya. Napahigpit ang hawak ko sa damit ko ng maramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko, huminga ako ng malalim at natatawang ngumiti sa kanya.
I’m okay. I’m okay, don’t worry.
Napalunok ako ng tumayo siya at umupo sa tabi ko, napapikit ako at napasilip sa lalaking nakangiti na ngayon habang nakasaday ng komportable sa kanyang upuan. Napabalik ang tingin ko sa table namin ng walang sabing umakbay siya sa akin at hinila papalapit sa kanya.
“Mukha kang nakakita ng multo,” bulong niya tinapik ang balikat ko, “nasaan siya, batukan ko lang para naman lumayo sayo.” Napangiti ako ng nag-amba pa siyang ng suntok sa ere at lumilingon-lingon pa, sumandal na lang ako sa kanyang balikat habang nakatingin kay Keanna na nakangiti lang sa harapan namin habang nakatutok ang tingin niya sa kanyang selpon.
Kung hindi lang ako natatakot ngayon baka tinanong ko siya kung ano ang nginingitian niya, lalapitan ko pa siya kapag ganyan siya tumingin sa selpon niya pero hindi ko magawa ngayon dahil sa matang nakabantay sa akin.
Sanay ako sa mga tingin ng iba pero ang nakatingin sa akin ngayon ay kakaiba sa lahat ng tingin na natanggap ko, yung dati umiiwas sila kapag nahuli pero ang natatanggap ko ngayon… parang masaya pa siya na alam kong nakabantay siya sa mga galaw ko. Ilang minuto pa ay nakarating na si tito at oras na para kami ay umalis sa resto, nakalabas na kami habang si kuya Suan ay nakaakbay sa akin.
“Dad, mauna muna kayo. May naiwan kasi ako sa cashier, mabilis lang.” Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya ng tumalikod na siya at bumalik sa loob, nagpahila na lang ako kay Keanna kung saan niya ako dadalhin habang iniisip kung ano babalikan niya sa cashier kung hindi naman siya ang bumili ng pagkain namin.
“Nakita mo yung lalaki? Kawawa siya noh? Hindi na nakalaban pa sa gwapong iyon.”
Nakakunot ang noo kong sinundan ng tingin ang dalawang babae na dumaan sa harapan ko. Kanina pa kami nakaupo dito ni Keanna sa isang bench habang hinihintay si tito, at panglimang beses ko na narinig ang storya nila.
Ilang minuto na rin kaming nahiwalay kay kuya Saun kaya nag-aalala na ako. Paano na lang kung isa siya sa mga naririnig ko ngayon? Hindi naman sana.
Si Keanna naman ay mukhang okay lang na hindi pa dumadating ang kuya niya, patawatawa pa nga siya sa pinapanood niya.
Siguro nag-ooverthink lang ako. Sana, sana pag-ooverthink ko lang ito.
“Hindi ka ba nag tataka na hindi pa dumarating ang kuya mo, Keanna?” Nagtanong na ako ng hindi na talaga matahimik ang utak ko, lumingon siya sa akin at natatawang umiling habang hinahampas ang kanyang hita.
Napailing na lang ako ng hindi man lang siya sumagot, napatayo ako ng makita ko si kuya Saun na may dalang paper bag at nakangiting lumapit sa amin.
Agad ko siyang tinanong kung bakit siya napatagal pero ang sagot ay mahaba ang pila sa binilihan niya ng drinks, napansin ko siyang nakahawak sa gilid ng tiyan niya pero hindi ko na siya tinanong ng deretso siya sa restroom matapos niyang ibigay sa akin ang paper bag.
“He’s fine, don’t worry.”
Nag-aalala akong napatingin sa pinto na kanyang pinasukan, okay lang talaga siya sa lagay na iyon?
დ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top