Chapter 09
Kuesaun’s POV
Nagpipigil ako ng tawa ngayon habang nagyayakapan ang mag kapatid, ayan kasi sinasabi ko na ba na hindi talaga matiis ng lima ang bunso nilang indeniel. Sabi ko kasi na patawarin na ang lima pero ayaw niya kesyo hindi pa ito nag hingi ng tawad, gusto na nga niya daw yakapin kanina ang lima nung dumating ako pero nagpigil siya at ako na lang ang nilapitan niya.
Sus, kung alam lang ng mga kuya niya na nag-acting lang siya ay baka batukan nila ako dahil sa ingit. Hindi kasi ganun ka hyper si Netnet kapag kinakausap niya ang mga kuya niya, iba kasi ang mood niya kanina kaya sinakyan ko na lang kahit nagtataka ako.
“F5! Huy!” napalingon ako sa sumigaw at nakita ko ang tatlong lalaki na kumaway sa amin, ibinalik ko ang tingin ko sa anim at ngayon ay maayos na silang nakatayo. Napangiti na lang ako habang pinipigilan ang tawa na gustong kumawala sa bibig ko, umubo na lang ako para mabawas-bawasan bago ko hinarap ang tatlo na ngayon ay nag-bro hug sa lima.
Napansin ko ang mga maleta na may chain na gaya nung lima, isa itong silver card na naka tag sa handle ng maleta. Tahimik akong lumapit doon at pasimpleng tiningnan ito, agad ko itong binitawan ng mabasa ang nakalagay na pangalan.
“Saun! Meet them.” Napalingon ako kay Blake ng tawagan niya ako, tumango naman ako ng makahulugan niya akong binigyan ng tingin. So, these boys are the new members. Nakangiti ko naman silang nilapitan at nakipagkamayan, ang unang sumalubong sa akin ay ang kasing tangkad ko lamang.
Nakangiti ito na parang walang problema sa buhay habang nagpapakilala ako. I mentally shook my head when I saw his hands. Ang lambot ng kamay niya na parang hindi man lang nakahawak ng patalim, ano kaya ang field na makukuha nito?
“David Jackson Cruz, nice to meet you!” pakilala niya, tumango ako at lumipat naman sa isa na ngayon ay ka height niya si Netnet. Don’t get the wrong idea, Netnet is a tall girl just five inch below her brothers’ head. Well this man is just below my nose so his two inch taller than Netnet, ngumiti siya ng tipid at nakipagkamay bago nag pakilala.
“Howard Bautista, finally meeting you.” Then he flashed me a smirk that made me look at him with suspicion, he’s too white to be in a field I assume he’s assigned in. Lumaklak ba ito ng gluta? Mukha na siyang vampire dahil sa suot niyang all black na siyang nagpalala ng skin tone niyang puti, hindi naman ata ito vampire dahil wala akong nakita na pangil sa kanyang mga ngipin ng ngumisi siya.
Tinanggal ko na ang tingin ko sa kanya at hinarap naman ang pinaka huli na ngayon ay inaantok na tinanggap ang kamay ko, napatingala ako ng isang inch dahil sa tangkad niya. Ang eye level ko sa kanya ay sa ilong lamang, malaki ba ito ng ipinanganak siya ng kanyang ina? Ngayon lang ako nakakita na kapareho ko lang ata sa edad na matangkad pa sa akin.
“Daniffer Cruz, good morning.” Antok na antok nitong saad, na-wewerduhan ko na lang siyang tiningnan at nakipagkamay. Hindi ba ito nakompletuhan ng tulog at hanggang ngayon ay tulog pa? Nine in the morning na kaya nagtataka na ako. Pinisil ko ang kamay niya at tinapik ang balikat niya para naman magising siya, kumukurap-kurap naman siyang tumingin sa akin at ngumiti.
“Are you okay? Mukhang kinulang ka ng tulog.” I said, nagulat ako ng may biglang nagheadlock dito at ginulo ang buhok nito ng malala. Magulo na kasi ang buhok nito kanina kaya ngayon ay mukha na siyang sinabunutan sa gulo ng kanyang buhok, nag pumiglas naman si Daniffer ng naging sakal na ang yakap ni David.
Umatras na lang ako papalayo sa kanila at tumabi kay Blake na katabi lang ni Howard, hindi man lang nila ito pinatigil kaya nanood na lang din ako.
“That’s one of the ways on how to wake him up. Don’t worry, he knows what he’s doing.” Biglang sabi ni Howard na siya namang tinanguan ng lima na parang normal na talaga ang ginagawa ng dalawa, nagulat ako ng bigla na lang lumipad si David patungo sa amin at natatawang nakahiga sa sahig.
“Finally! Good morning ulit sayo Dan!” natatawa nitong saad habang tumatayo at pinapagpag ang kanyang sarili, napatingin ako sa gawi ni Daniffer na ngayon ay hinihinggal na inaayos ang kanyang buhok.
Hindi pwedeng galitin ang isang to ramdam ko na kasi kung gaano siya kalakas, hindi pa iyan galit ha mukhang inis lang iyon. Pagkainis pa lang iyan, paano na kapag galit siya edi patay na ang kinagagalit niya, baka nga na sa kabila na siya ng building at lumusot sa sampung pader dahil sa lakas ng pagkahagis ni Dan sa kanya.
“Well, it’s indeed a good morning.” Nakangisi nitong sabi habang inaayos ang kanyang buhok, lumapit na siya sa maleta niya at kumuha ng tubig upang uminom. Umiwas na ako ng tingin at tiningnan na lang ang relo ko upang tingnan ang oras, ibaba ko na sana ang kamay ko ng marinig ko ang biglang pagkaubo ng kung sino.
Hinanap ko naman ito at napunta ito kay Daniffer na ngayon ay umuubong ibinalik ang kanyang bote sa bag, nakunot ang noo ko ng matapos niyang punasan ang kanyang bibig ay nakatingin siya sa bandang likod ko.
“Ayos ka lang?” tanong ni David, lumingon naman ako sa tinitingnan niya at nakita ko si Netnet na busy sa hawak niyang unan at bouquet. Sinilip ko ang lima at hindi man lang napansin ang tingin na ibinigay ni Daniffer sa kanilang bunso, lumapit na lang ako sa tabi ni Netnet at kinalabit.
Hindi ko alam kung ano ang tingin na ipinukol non pero nakaramdam ako na kailangan kong ilayo si Netnet, hindi naman sa judgemental pero kailangan maging alerto.
“Kuya Saun, ang sweet nila. Favourites ko pa naman ang mga ito.” Masaya niyang ipinakita sa akin ang bouquet na puno ng snacks, kaya pala ang laki ng ngiti niya. Akala ko pa naman bulaklak, mayroon na palang ganito na bouquet? Matalino ang nag-isip na gumawa nito, allergy friendly.
“Who is she?” napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang tanong na iyon, nakatalikod kasi kami sa kanila kaya kailangan pa namin lumingon sa likod. Inakbayan ko naman si Netnet at hinila papalapit sa mga kuya niya na ngayon ay nakatingin sa akin na parang isang kalaban, napatawa ako ng mahina ng hinila ni Blake si Netnet palayo sa akin at siya ang umakbay.
Umiling lang ako sa kanya at itinaas ang kamay na nag sasabing ‘she’s all yours’, siningkitan pa niya ako ng bago nakangiting hinarap ang tatlo.
Hindi ako ang dapat niyong bantayan, yung isa dyan ang dapat.
“This is our sister.” Umiling lang ako at pumunta na lang sa mga maleta nila upang tingin kung tama ba ang iniisip ko kanina ng makita ko ang silver card, mayroon kasi itong sulat na para ma detect ang bagahe. Nang makita ko ito ay napapitik na lang ako at lumapit kay Dexon na siyang pinakamalapit sa akin, kinalabit ko siya at hinila palayo sa iba upang tanungin siya.
“Tama ba ang pagkaintindi ko sa silver tag na yan sa mga maleta niyo?” tanong ko sa kanya habang nakaturo ang kamay ko sa mga maleta nila, tiningnan niya ito at lumingon sa akin.
Nag-isip naman siya pero mayamaya rin ay hinarap niya ako at umiling, bagsak balikat ko naman siyang tiningnan at napahawak sa noo ko. Naalala ko lang, hindi pala ito updated kasi siya ang pangalawang bunso sa anim.
“Ano ba ang pagkakaintindi mo diyan?” tanong niya na maluwag sa kalooban ko naman ito sinagot, “VIP pass? Yun lang naman diba?” patanong kong sagot, tumango naman siya kaya napatango na rin ako.
“Hindi lang yan VIP pass, tracker din iyan kung sakaling mawala na lang bigla.” Hinila niya ang kanyang maleta kaya kibit balikat na lang akong sumunod sa kanya, possible naman ang sinabi niyang bigla na lang mawala ang maleta dahil minsan na rin nawal ang maleta ng isang VIP na siyang pinag pyestahan sa internet.
Sino ba ang hindi magka-interes sa maleta nito kung ang laman ay milyon-milyon na pera.
Mayamaya pa ay nagpaalam na sila para umalis, kumakaway lang kami dito habang sila ay pasakay sa private jet na hindi ko man lang alam kung sino ang may-ari. Ang alam ko lang ay ang intials na nakatatak sa eroplano, malaking letra na N at F na nasa kulay na gold.
Umalis na kami doon at naglakad na pabalik sa entrance, ilang minuto ay bigla na lang ako kinalabit ni Netnet kaya nagtataka ko siyang tiningnan.
“Pakihawak na lang po muna, mabilis lang.” Hindi mapakali niyang ibinigay sa akin ang kanyang bouquet at unan, nakatingin lang ako sa kanya na tumakbo papalayo pero bumalik rin at hinubaran ang sweater niyang grey.
At ngayon ay nakatanaw lang ako sa papalayo niyang bulto, napa tango na lang ako ng makita ko ang sign ng restrooms kaya nag hanap na lang ako ng mauupuan para naman hindi ako mangalay.
Nakahanap naman ako ng café kaya umupo ako sa outside tables nila, nag-order na rin ako ng maiinom para naman pagbalik niya ay makakain na rin siya. Busy ako sa pag-inom ko ng may biglang tumawag, nagtataka ko naman itong sinagot. Sino naman kaya ang tatawag sa akin sa oras na ito?
[Bestfriend! Nasaan ka?] nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang boses niya.
“Bro! Where the hell did you vanish into!”
Jahnette’s POV
Kinakabahan akong nakahawak sa handle ng pinto habang may lalaki na katok na katok. I’m currently inside a restroom, unfortunately on the men's side. It’s not my fault thought, the female lane is to long for my bladder to hold in.
Kaya ang ending ay dito ako pumasok sa men’s restroom tutal walang masyadong gumagamit, pero hindi ko naman inaasahan na may gagamit agad kaya panic mood ako ngayon. Napahinga ako ng malalim ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin, napangiti ako ng may maisip ako.
I tucked in my oversize shirt and patted the wrinkles out. Itinali ko ng mabuti ang buhok ko at isinilid ang ibang hibla sa suot kong sombrero, minabuti ko itong inayos sa paraang panlalaki para naman hindi halata na babae ako.
I’m planning to disguise myself as a boy. Hindi naman mahirap dahil ang suot ko ngayon ay plain na plain na parang lalaki ako kung maikli lang ang buhok ko, nagpapasalamat ako sa sarili ko dahil hindi ko iniwan ang sombrero kay Kuya Saun. At idagdag mo na rin na kamukha ko ang mga kuya ko kaya hindi talaga mahirap.
Tinanggal ko ang earing ko na may sequence at iniwan na lang ang box-like na percing, hindi ko naman palagi sinusuot ang box-like pero nagkataon na nasa kotse ito kaya ibinulsa ko na. Ng sigurado na ako sa sarili ko ay binuksan ko na ang pinto at sumalubong sa akin ang lalaki na namimilipit sa hamba ng pinto, yumuko ako ng makita ko ang mukha nito.
Naka sombrero rin ito pero na sa kulay na Black na siyang kabaliktaran ng akin, naka-mask din siya na parang isang artista na nagtatago sa mga tao.
“Pasensiya na, biglang nasira yung lock.” Pagdadahilan ko at yumuko, kailangan hindi ako mamukaan ng taong ‘to. Hindi ko alam kung boses lalaki ba ang kinalabasan pero hindi na nagsalita yung lalaki at pumasok na, napahinga naman ako ng malalim at mabilis na umalis.
Ibinalik ko na ang itsura ko sa normal at hinanap si Kuya Saun, saan kaya yun nag hintay? Hindi ko man lang napagsabihan, gutom na rin ako ngayon dahil light breakfast ang nakain ko kanina.
Limang minuto na ako nakatayo dito sa pwesto kung saan ko iniwan si Kuya Saun habang nag-iisip kung saan siya posebleng pumunta, wala akong dalang pantawag dahil naibigay ko sa kanya.
“Nandito lang ako sa airport, nasaan ka ba?”
Napalingon ako sa isang table na nadaanan ko, agad akong lumapit doon ng makita kong nakaupo siya sa isang pang-apatang table habang may kausap sa kanyang selpon.
Nakangiti akong lumapit doon at umupo sa kanyang harapan, tumingin naman siya sa akin at nakangiting inusog sa harapan ko ang isang serve ng cinnamon roll bago ibinalik ang kanyang atensyon sa kausap niya. Nag pasalamat naman ako sa kanya at nagsimula ng kumain, patingin-tingin lang ako sa paligid habang ngumunguya.
Napansin ko lang na walang masyadong tao dito sa airport kundi ang mga staffs at iilang mga tao na sa tingin ko ay baguhan rito, mapapansin talaga na baguhan dahil may nakita ako na nakahawak ng brocheure at ilan naman ay may dalang padded jackets.
Sino ba ang matinong tao na susuot ng padded jacket sa Pilipinas na para kang naka-sunbathing araw-araw, halos lahat pala ng dumadaan ay mga foreigner.
Habang nag mamasid ay nahagilap ng mata ko ang isang lalaki na pinalilibutan ng limang bodyguard, napakunot ang noo ko ng wala man lang tao na lumalapit pero ang daming bodyguard na nakapalibot sa kanya.
Nakasunod lang ang tingin ko sa kanila at nagtaka na ako ng tumigil ito sa pwesto kung saan nakatayo ako kanina, umiwas na lang ako ng tingin ng tumingin dito ang lalaki na pinapalibutan ng guards.
Kinuha ko ang choco milk at sumipsip, nakatingin lang ako kay Kuya Saun na ngayon ay hindi pa rin tapos sa kausap niya.
“Yes! Nandito lang ako sa labas ng smoochkafe, malapit ka na ba?” nakangiti nitong sabi at tumingin sa ngalan ng café, nakunot ang noo ko sa sinabi niya kaya tumingin na rin ako. Napatakip ako sa bibig ko ng tama nga ang sinabi niya, tumingin ako sa loob ng café at lahat ng customer nila ay couples na nasa date.
Umiwas na lang ako at uminom ulit ng choco milk, bakit sila nagpatayo at dito pa sa loob ng airport? Hindi naman ito dating spot para lagyan ng café na ganito ang theme, buntong-hininga na lang ang nagawa ko at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko rin naman sila pwedeng pagsabihan kasi ano naman connect ko doon?
“Bestfriend!” napa-angat ang tingin ko sa bagong dating, hindi ko nakita ang mukha nito ng agad na sinalubong ni Kuya Saun ang bisita ng yakap. Kinain ko na ang huling piraso ng cinnamon roll at hinarap ang kumalabit sa akin, napatakip ako sa bibig ko ng mabulunan ako sa nakita kong mukha.
Agad kong inaabot ang choco milk ko at ininom ito lahat, napatayo ako at lumingon kay Kuya Saun na ngayon ay nag-aalalang lumapit sa akin.
“Okay ka lang Netnet?” tumango ako sa kanya at sinilip ang tao na siyang dahilan kung bakit ako nabulunan, nagtama ang mata namin kaya agad akong napatingin kay Kuya upang iwasan ito. Tama ba ang pagkadinig ko sa isinigaw nito kanina o guniguni ko lang iyon? Bestfriend daw eh.
Napalunok ako ng pa ulit-ulit habang kumukuha ng lakas sa table napkin na hawak ko, gusto ko na mawala sa harapan ng bestfriend niyang ito. Kung hindi nagkakamali ang memorya ko ay ito yung lalaki na nakita ko kanina, nakita ko sa labas ng men’s restroom.
“Nga pala, Netnet meet Cullen.” Umakabay siya sa akin at pinakilala sa kaibigan niyang nakangiti ngayon, tinanggal nito ang kanyang mask at naglahad ng kamay. Sinilip ko si Kuya Saun para kumuha ng permiso na siyang tinanguan lang, nahihiya kong tinanggap ang kanyang kamay.
Gulat akong nakatingin sa kanya ng humalik siya sa kamay ko, napalingon ako sa table ng maramdaman ko ang biglang pag-init ng tenga ko. Agad ko namang binawi ang kamay ko at nahihiyang nagtago sa likod ni kuya Cullen, nanlaki ang mata ko ng marinig kong bigkasin niya ang nickname ko.
Nilingon ko si kuya Cullen na ngayon ay nakangiti lang, agad ko naman siyang sinundot sa kanyang tagiliran para bagsabihan ang kanyang kaibigan. Tumawatawa siyang umiiling ng umakbay siya kaya mahinang siko ang natanggap niya sa akin.
Ano kasi ang itinatawa niya, wala naman nakakatawa na nangyayari ngayon kasi seryoso ako. Napapikit na lang ako ng hindi pa rin siya tumigil sa katatawa, huminga ako ng malalim at nagsalita.
“Jahnette po ang pangalan ko, Jah na lang ang itawag niyo sa akin.” Nakapikit kong sabi at naramdaman ko na lang na ginugulo na niya ang buhok ko, nakasimangot akong nagmulat at binigyan siya ng tingin. Napailing na lang ako habang nakatingin sa dalawa na ngayon ay nagbubulungan, nagtaka ako ng tumingin sa akin si Kuya Cullen.
Bakit ba sila nagbubulungan?
Napatingin ako sa suot ko kung may dumi ba pero wala naman, tumingin ako ulit sa kanila at nagtama ang mata namin ng kaibigan niya. Napataas ang kilay ko ng nagtinginan silang dalawa na parang may naiintindihan sila sa galaw ng mga mata nila, napakunot ang noo ko ng malungkot na tumingin si kuya Cullen sa akin.
Anong mayroon sa kanya ngayon?
“Sir, the car has arrived.” Naputol ang staring contest namin ng may dumating na isang bodyguard na kanina ay tinitingnan ko lang sa malayo, sino ba ang kaibigan niyang ‘to at kailangan ng limang bodyguard?
Artista ba siya?
May sinabi siya doon sa nagsalita at agad namang tinanguan nito at nagpaalam, huminga siya ng malalim at nakangiting humarap sa amin.
Mukhang hindi siya sasama sa kanyang mga tauhan dahil umalis na ang lima at siya naman ay umupo na lang sa upuan ni Kuya Saun, umupo na si Kuya Saun sa upuan ko na agad kong ikinangiti at umupo na sa bakanteng upuan na nasa tabi niya.
Nagtagal pa kami sa café ng isang oras dahil nag-catch up pa sila sa mga nangyari sa buhay ng isa’t isa, si kuya Cullen daw ay bigla na lang naglaho years ago at akala ng lahat ay patay na siya sa isang plane crash or something na trahedya. Well, isa daw siyang artista na nagtago para umalis sa industria ng social media.
Ewan ko kung anong platform na kinalalagyan niya basta daw napapanood siya ng buong mundo, matapos niyang ibahagi ang kanyang buhay bilang artista na nagtatago ay naisip na nilang ihatid ako pauwi.
Nakatulog ako sa kotse kaya ngayon ay nagising na lang ako na nasa higaan, nagpalit ako ng damit at bumaba na para tingnan kung ano ang pagkain na naamoy ko. Habang lumalakad pababa ay napaisip ako kung paano ako napunta sa kwarto ko kung tulog ako kanina sa kotse.
Hindi naman pwede na buhatin ako ni kuya Saun kasi sinabi ko na bawal, hindi naman yung sumusuway sa usapan ah. Malalim pa rin ang isip ko ng nakaupo na ako sa pwesto ko kapag kumakain kami, napatanong na lang ako ng malakas.
“Sino nag buhat sa akin sa second floor?”
“Ako.” Agad akong humarap sa kanya at uulanan sana ng salita ng humarap siya, napatayo ako sa gulat habang nakaturo sa kanya. Napatakip ako sa bibig ko habang sinusubukang magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko, bakit siya nandito!
Anong naisip ni kuya Saun at pumayag na itong kaibigan niya ang magbuhat sa akin?
დ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top