Chapter 08
THIRD POV
Sa isang sulok ng mansion ng mga Falcon, may tao na tahimik lang na pinagmamasdan lahat ng kanilang mga galaw. Mula sa umaga hanggang sa pagtulog nila, nakakatakot man isipin pero hindi na ito bago sa mansion ng mga Falcon.
Tatlong buwan na ang pananatili nito sa mansion at himala na hindi pa rin ito nahahalata ng mga Falcon, hindi naman ito gumagalaw kaya mahirap itong mahanap kung hindi nila gagamitin ang kanilang skills.
“Ano na ang balita sa mga Falcon?” tanong ng lalaki na kapapasok lang sa silid kung saan nandoon lahat ng monitor na konektado sa mga cctv na kanilang ikinabit sa iba’t ibang bahay, bugtong hininga ang naisagot ng nakaupo bago hinarap ang nagtanong.
Problemado siya dahil wala pa rin silang balita tungkol sa mga Falcon, kahit pa man may mata sila sa loob ay hindi pa rin sila makahanap ng sagot.
“Wala pa rin. Ad, ano na ba ang utos nila?” inis nitong tanong at pinaikot ang kinauupuan niyang upuan, kibit balikat naman ang isinagot ng nangangalang Ad at umupo sa sofa na nakaharap lang sa mga monitor.
Silang dalawa ang nautusan na maghanap ng impormasyon tungkol sa mga Falcon, impormasyon na kailangan nilang mahanap upang makahanap ng sulosyon sa kanilang problema.
“Hux, what did I tell you about calling me in that name?” seryoso nitong tanong na siyang binaliwala ang tanong nito, napatingin na lang sa kanyang ang katrabaho na parang nagsasaad na ‘really? Yan ang problema mo?’ ngumise lang si Ad at tiningnan ang relo nitong mamahalin. Pasimpleng umirap si Hux bago ito hinarap para kausapin.
“Sir Garcia. Ano na ang balita tungkol dito sa misyon natin?” pekeng ngiti nitong tanong, naiinis na siya sa partner niyang ito dahil pa-ispesyal pa ito. Hindi naman niya ginusto ang kompanya ng isa’t isa pero sila ang na-ipair dahil pareho silang matalino sa kanilang field, sila lang pala ang mas suitable sa misyon na ito.
Ang misyon nila ay tuklasin kung ano ang mayroon ang pamilyang Falcon na ito, nakapagtataka lang na makalipas ang isang dekada ay bigla na lang sila nagpakita sa madla at ang nakakagulat pa sa kanila ay marami na ang mga tauhan ng Falcon.
Ang alam nila ay isa lang ang anak ng unang Falcon na kanilang nakilala, matapos ang ambush na nangyari nakaraang dekada ay ubos na ang pamilyang Falcon kaya ngayon ay nag-iimbestiga sila kung iisa lang ba ang ang Falcon na ito at ang kilala nilang namatay na noon.
Magsimula ng malaman nilang may pumasok sa bansa na dumadala ng apelyido na Falcon ay na-alarma ang buong sistema ng gobyernong Pilipinas, lalo na ang mga pulis na nakahawak ng mga papeles tungkol sa trahedya na nangyari sa buong pamilya ng Falcon.
Hindi naman sa may kaso ang mga Falcon pero may gusto silang kumpirmahin. Sila ba ang nagpadala ng sulat na kanilang natanggap nung nakaraang taon, sulat na siyang muling nagbuhay ng takot sa iilang tao na matagal ng ibinaon sa ilalim ng lupa ang memorya sa trahedya na nangyari.
[Boss. Is there a problem?] na-alerto ang dalawa ng marinig nila ang boses ng isang Falcon, alam nilang Falcon ang nagsalita dahil iyon lang naman ang nilagyan nila ng microphone na lugar.
Nakaupo lang si Hux sa upuan at si Ad naman ay nakatayo sa likoran nito habang naka hawak sa sandalan ng upuan, tutok na tutok ang kanilang mata sa monitor upang makita kung nasa tapat ba ng cctv ang dalawang naguusap.
[Wala. It’s just some random invitation.]
Napakunot ang kanilang noo ng marinig ang boses ng sinabihang boss, nagkatinginan ang dalawa at ibinalik ulit sa monitor ang kanialang mata.
Yung unang boses kasi ay malumanay at may buhay ang dating sa kanila, hindi nila matukoy kung babae ba ito o isang lalaki dahil sa boses nitong hindi ma-identify ang gender. Kung si Ad ang tatanungin ay lalaki ang hula niya, pero kung si Hux naman ang magsagot ay babae ang sasabihin niya dahil sa paraan ng pagsalita nito ay babae.
“Ano sa tingin mo ang kasarian ng unang nagsalita?” tanong ni Hux at nilingon si Ad na titig na titig sa monitor, mahirap talaga i-identify dahil mayroon talagang tao na unisex ang kanilang boses at yon ay nasa dugo na ng mga Falcon.
Napasapo na lang si Ad sa kanyang mukha dahil sa nangyayari, tinatanong niya ang kanyang sarili kung bakit hindi niya nalagyan ng voice identifier ang microphone. Ayan kasi sa sobrang pagmamadali nila nung panahon na yun ay hindi na niya isip ang pinakaimporatante pagdating sa mga ganito, sinilip niya si Hux na nakatingin na ngayon sa monitor.
“I think it’s a man. From the flat tone it has and the way it speak with fear, I know it’s a man. Ikaw, ano sa tingin mo?” sagot nito na may confidence na lalaki talaga ang nagsalita. Tumango naman is Hux at sumagot.
“It’s a she. That right there is a woman.” Walang alinlangan niyang sagot, humarap ito kay Ad at ngumiti ng tipid. Nakapatong ang kanyang mga braso sa handrest habang nakasandal sa upuan at tumingala upang mag-tama ang kanilang mga mata.
“And why is that?” tanong ni Ad at lumunok pa ng sariling laway dahil sa tingin ni Hux na parang sasakalin siya kapag mali ang mailabas niyang salita, alam niya kasi ang partner niyang ito na kapag may sabihin ito ay dapat iyon na iyon.
Kahit pa mali ito ay dapat mo na lang sang-ayunan dahil kapalit nito ang kapayapaan ng iyong buhay. Unfortunately naka-partner niya ang palaban na si Ad, palagi nga itong nag aaway dahil sa mga ganitong usapan.
“Dahil may himing ng lambing ang boses nito, ang obvious kaya.” Sagot nito at may pa-irap pa itong expression, hindi makapaniwalang nakatingin si Ad sa mukha ni Hux. Iniisip kung saang bandang paglalambing ang narinig nito sa boses, sinong matinong tauhan na maglalambing sa kanyang boss?
Ano yun mag kapatid ang peg? Hindi, hindi rin pwede na ganun ang turingan ng mga Falcon. Ang alam niya ay walang kapatid ang anak ng Falcon at anong lambing, ni walang salitang lambing sa pamilyang Falcon. Kung barilan, oo mayroon pa pero lambing? Tsk. Huwag mo nang alamin pa kung anong trato ang nakuha nito nung first time niyang makita ang isang Falcon.
“Gunini mo lang yan Hex. There is no way in the universe that a Falcon has the lambing style, pati ata mga tauhan niyan naging bato na dahil sa lamig at walang puso ng mga Falcon.”
Paliwanag nito habang nakatitig sa mata nito, tumaas ang kaliwang kilay ni Hux sa sinabi ni Ad. Marahas siyang tumayo at ngayon ay magkaharap na sila at sobrang lapit ng mukha sa isa’t isa, hindi man lang umatras si Ad sa kinatatayuan nito at nanatiling nakatingin sa mata ni Hux.
Pigil na pigil si Ad na ngumiti dahil sa kanilang sitwasyon ngayon, sino ba ang hindi matatawa kung ang kaharap mo ay parang isang galit na pusa. Si Hux kasi ay maliit kumpara kay Ad na matangkad, nakatingala lang kaya si Hux sa mga oras na ito.
Hux is not small, it’s just that Ad is a tall guy. Hanggang ilong ni Ad ang noo ni Hux kaya masasabing hindi ganun ka liit si Hux, tatangkad pa si Hux kapag tinanggal na ni Ad ang kanyang boots na may two inch na kapal.
“Ok, ok. You’re right. Lambing nga iyon. Let’s just chill, kailangan natin ng impormasyon na ito kaya huwag muna tayo mag-away baka masisante pa tayo sa walang oras.” Pagsuko ni Ad at nakataas pa ang dalawang kamay na nagpapakitang talo na siya, mahirap na kapag nagalit ang isang Hux dahil maapektuhan ang kanilang misyon.
Tinapik niya ito sa balikat at itinulak ng mahina upang makaupo, ngumiti lang siya ng sinamaan siya nito ng tingin. Bumalik na sila pakikinig at hindi na ulit nagsalita pa.
[What invitation? Hindi ba threat na naman yan?] – a woman as what Hux said.
[Nope. Just an invitation from our business friends.] – The Boss.
[So, kailan yan? Pupunta ba tayo?] – The Woman.
[Not sure. Let’s ask the…] – The Boss.
At doon na natapos ang usapan dahil papalayo na sa microphone ang boses nung dalawa, napakamot na lang sa kanilang mga ulo ang dalawa.
Akala nila may malalaman pa silang importante kaya lang wala silang nakita o narinig na hint, walang saysay rin ang camera dahil naharangan ito ng vase na display ng mga Falcon.
Natapos ang kanilang araw na walang man lang nakuha na importanteng impormasyon mula sa mga Falcon, another mission fail for them.
SA KABILANG DAKO naman ay nakarating ang magkakapatid na Falcon, nagulat ang kanilang magulang ng lahat sila nakayukong pumasok maliban kay Jahnette na parang gustong manakit sa talim ng tingin niya sa kanyang mga nadaraanan.
Tahimik na umupo si Jahnette sa sofa at humalipkip na sumandal, nakabantay lang ang kanilang magulang habang ang limang kuya nito ay sumunod na umupo.
“Mga anak, ano nangyari sa inyo? Oh, kayong lima anong ginawa niya sa bunso niyo at ganito siya makatingin sa lamesa?” tanong ni Dazzie at lumapit kay Jahnette, sumilip ang lima sa gawi ng kanilang bunso at napangiwing umiwas ng tumaas ang kaliwang kilay nito.
Nakita naman iyon ng kanilang Tatay kaya lumapit na ito at umupo sa single sofa na nasa harapan nila. Napangiti siya ng may maalala siyang sinabi ng kanyang mga anak na lalaki nung gabing dumating si Jahnette na wala sa mood which is kahapon lang yun.
“So, ano na nangyari sa plano niyo, okay ba?” tanong niya with matching proud smile, nakaabang lang siya sa sagot ng kaniyang mga binata ng nakayuko silang nag si-ilingan. Meaning hindi okay ang plano na mayroon sila, napatingin ang kanyang misis sa kaniya at nagtanong ng tahimik.
Ang plano kasi ng lima ay bigyan ng flower at favourite snacks ang kanilang bunso para peace na pero may nagawa silang mali na siyang sumira ng magandang outcome, may isa kasi sakanila na hindi na-filter ang kanyang mga salita.
Matapos kasi sabihin ni Daxon na parang sinapian si Jahnette ay nagtanong ito kung totoo ba, tumango naman silang apat at may padagdag pa si Daxon na information. Sabihin ba namang halos ubusin na niya ang stock sa pantry sa harapan ng kanyang mga kaklase, ang babaw para sa iba pero ibahin niyo si Jahnette.
Una sa lahat parang sinisisi siya na wala ng laman ang kanilang pantry, pangalawa ay pwede naman hindi i-announce sa buong classroom ang nangyari, pangatlo ay ni minsan ay hindi niya naisip na ubusin ang pantry nila dahil dalawang kabinet kaya ang laki ng pantry nila.
At ang pinakahuli ay bakit iyon pa ang impormasyon na kanyang ibinigay na wala naman itong connect sa kanyang pagbabago kahapon. Kaya buong araw silang hindi pinapansin ng kanilang bunso, lahat nila ginawa upang patawarin sila pero palagi na lang sila iniiwasan ng kapatid.
Binigyan sila ng tig-isang halik sa noo ng kanilang ina at nagpaalam na kukuha ng kanilang miryenda, naiwan namang tahimik ang pito. Hanggang sa nakabalik na ito dala ang kanilang meryida ay hindi pa rin sila nagsalita kaya ang kanilang ina ang nagsimula ng usapan.
“May sasabihin pala kami anak,” sabi niya ng milapag na niya sa lamesa ang tray sabay upo sa tabi ng kanyang asawa, natuon na ngayon ang attensyon nila sa kanilang magulang.
Ngumiti si Jahnette at kumuha ng mammon sa plato at kumagat bago tiningnan ang ina upang makinig na sa kanilang balita, nabawasan ng kaunti ang problema ng magkakapatid na lalaki ng masilayan nila ang ngiti nito. At least nakangingiti pa rin ito kahit tipid lang, malalagot talaga sila kung hindi ito ngumiti within the day.
“May pupuntahan kami at malayo ito, siguro mga one month kami mananatili doon dahil kailangan ang presence namin.” Napatiggil sa pagnguya si Jahnette ng marinig niya ang balita, nagsitaasan naman ng kamay ang kanyang mga kuya kaya nagtaka na siya.
Ano naman ang sasabihin ng kanyang mga kuya at sabay-sabay pa silang nagsitaasan ng kamay, nakasanayan nilang itaas ang kamay kapag may gusto silang sabihin pero nagsasalita pa rin ang kanilang magulang. Tumango naman ito upang bigyan sila ng permesyon na magsalita, kamot batok namang sumagot si Blake.
“May one month leave rin kami ma, kaming lima. Ito po yung weaver.” Inabot nito ang weaver na approved ng school principal, may project kasi sila at kailangan nilang lumabas ng bansa upang magawa ito. Binasa naman ito ng kanilang magulang habang sila naman ay naghihintay ng comment, gusto rin naman makita ni Jahnette ang weaver kaya lang nagtatampo pa rin siya kaya kumain na lang siya ng tahimik at naghintay.
Problemado namang nailapag ng kanilang ina ang weaver at tiningnan ang kanilang bunso na ninanamnam ang pagkain na kanyang inihanda, nilipat niya ang kanyang tingin sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak na lalaki.
“Problema ito, pareho ang flight date natin. Bhie, okay ka lang ba na maiwan ng mag-isa?” nagaalala nitong tanong sa kanyang bunso, nag tataka naman itong tumingin sa kanya na may pagkain pa sa bibig.
Kung makikita niyo lang siya ngayon ay hindi mo mapipigilang ngumiti dahil sa cute niyang itsura, para siyang bata na ngayon lang na tikman ang pagkain kaya lahat na nito nilagay sa kanyang bibig. Lumunok muna siya at uminom bago nagtanong kung ano ang tinutukoy ng kanyang ina.
“Mag-isa, bakit po?”
“Bukas ang flight namin Bhie, okay ka lang sayo na maiwan?” ulit nito at doon nag-sink in sa utak nito na maiiwan siya ng kanyang mga kuya at magulang, nalungkot naman siya at nag-kibit balikat. Hindi siya sigurado kung kaya niyang mapag-isa, gusto niyang sumama pero hindi naman pwede dahil nag-aaral pa siya.
“Wala naman po naman tayong choice, hindi po ba?” tanong nito at uminom ulet, tumango naman sila lahat dahil wala talaga.
“Unless gusto mong manatili muna sa poder nila ina at ama, kung gusto mo.” Suggestion ng kanyang ina na agad niyang tinanggihan, ayaw niyang manatili roon dahil nakakahiya kung makikitira pa siya doon kung may bahay naman sila na mas maluwag pa.
Hindi rin naman siya sanay na makita ang kanyang mga pinsan araw-araw kaya ayaw niya, ayaw niya mapagod kaiisip ng mga paraan kung paano niya sila kakausapin. Natapos na nila ang usapan at ang sitwasyon ay mananatili siya sa bahay ng mag-isa pero dadalawin siya paminsan-minsan ng kanyang mga pinsan at grandparents.
Kinabukasan ay maaga silang lumawas papunta ng airport. Walang masyadong nangyari sa kanilang biyahe dahil hindi pa rin kinikibo ng bunsong Falcon ang kanyang mga kuya, buong biyahe itong natulog habang ang lima ay tahimik na minamasdan ang nagtatampong bunso.
Kanya-kanyang plano sa isip kung paano nila susuyuin bago sila makalabas ng bansa, mahirap na kapag umalis sila na hindi sila nagkamabutihan dahil isang buwan silang hindi magkikita. Natatakot sila na baka mawala ang tamis ng kanilang pagsasama, mawala ang samahan na hindi nila inaasahang pumasok sa kanilang puso at kumapit ng mahigpit.
Nakarating na sila sa airport at agad rin namaalam ang kanilang magulang, mabuti nga at hapon pa ang kanilang apat daihil may oras pa sila para makipagbati sa kanilang bunso. Kaso paano nila yun gagawin kung walang nagsasalita sa kanila, sobrang tahimik nila na parang hindi mag kapatid kung umasta.
Mag tutuloy pa sana ang kanilang katahimikan ng may sumigaw, napatayo sila sa gulat sila at parang mga bodyguard na pinalibutan ang bunso. Ngayon ay nakatalikod na ang lima sa kanilang kapatid habang hinaharangan gamit ang kanilang mga katawan mula sa lalaki na ngayon ay nag tatakang nakatayo sa kanilang harapan.
“Insan! Kumusta kayo, sino tinatago niyo?” May himig na pag-aasar ay lumapit ito para tingnan kung sino ang taong nasa likod nila, napaatras na lang ito ng isang kamay ang tumulak sa kanyang mukha.
Hindi ito makapaniwalang tumingin kay Blaze dahil sa mukha pa ang napiling itulak, panandalian ngisi lang ang ipinakita nito at bumalik rin agada sa pangkaraniwan nitong emosyon.
Napalunok na ito at hindi na nagsalita dahil sa takot na kanyang naramdaman sa ginawa ni Blaze, ang kinatatakotan niyang Falcon sa lahat ng mag ka-kapatid na Falcon.
“Pwede ba na kahit isang beses lang, lumapit ka nang normal.” Pangaral ni Dexon habang kunot noo itong tiningnan, ngumiti lang ito at umiling bilang sagot.
“Ako? Heh. Hindi ko na yan problema, hobby ko ata ang mambigla. Nakaukit na yan sa aking isip at katawan, mag-adjust na lang kayo.” Nakangiti nitong sabi habang umiiling.
Hindi siya nag sisinungaling dahil simula bata pa ito ay palagi nitong ginugulat ang kung sino mang tao na kanyang lalapitan, hindi naman sa kung sino ang madaraanan niyang tao sa kalsada kasi baka makulong pa siya kapag ginawa niya iyon.
Ginawa niya lang ito sa mga taong kilala niya at malapit sa kanyang puso. Mag sasalita pa sana sila ng magsalita ang bunso na kanina pa naghihintay na matapos ang kanilang usapan, napa simangot ang lima ng masaya nitong kinausap ang kanilang pinsan.
“Kuya Saun! Kumusta na po kayo, sila tita at tito, okay lang po ba sila? Si Kea kumusta na siya?” sunod-sunod nitong tanong at sinalubong ito ng yakap, masaya namang tinanggap ni Saun ang yakap at natatawang ginulo ang buhok nito.
“Oh, kalama ka lang netnet. Maayos naman ang lagay nila kaya chill ka lang. Ang hyper mo ata ngayon?” sagot nito habang nakangiti itong nakatitig sa nakangiting mukha ng kanyang pinsan, kibit-balikat ang ginawa nito na siyang ikinatawa niya nang mahina.
Sinilip niya ang lima sa likod nito at ganun na lang ang pagkunot ng kanyang noo ng makita ang mga mukha nila na parang inagawan ng laruan, hindi niya na lang ito binigyan pa ng pansin at itinuon ang atensyon sa kanyang kaharap.
“Ikaw po ba ang kasama kong uuwi mamaya?” tanong nito sa kanya na kanyang tinanguan, siya ang tinawagan ng mag asawang Falcon upang ihatid pa uwi ang kanilang prinsesa.
Nag usap pa sila ng iba pa habang ang lima naman ay ingit na nagmamasid sa kanilang prinsesa na masayang kinakausap ang pinsan, nag plano na lang sila ng gagawin upang masuyo ang kanilang prinsesa.
Limang minuto ang itnagal ng kanilang pag-plano kaya limang minuto na lang ang natira bago makarating ang kanilang mga kasamahan para sa flight nila.
“For peace!”
Nagtatakang lumingon ang dalawa ng sumigaw ang lima na parang sasabak sa gyera, ngiti lang ang ginawa ng lima na parang wala silang ginawa na nakakuha ng atensyon ng mga tao sa paligid nila.
Umiling lang si Jahnette at bumalik sa pakikipag usap sa pinsan niya, nahalata naman ni Saun ang nangyayari pero hindi na siya nag tanong dahil pati siya ay masaya na hindi pinapansin ang lima ng nagiisang nilang prinsesa.
Umalis ang ilan sa kanila upang bumili ng prop para sa plano nila habang ang ilan na natira ay lumapit sa dalawa dala ang mga bagahe dahil palayo na sila sa pwestong kinatatayuan nila kanina lang.
“Is that them?”
Sa malayo naman ay nakarating na ang mga kasama nila para sa flight, natanaw na nila ang bulto nung lima at ngayon ay nagtataka sila kung bakit wala ang dalawa. Tahimik silang lumapit ng kompleto na sila, ayaw muna nila kunin ang atensyon ng kanilang ka-member dahil gusto nilang tingnan kung ano ang pinaggagawa nila dahil sa mga kilos nilang nakaka-intriga.
Paano ba hindi maintriga ang tao kung ang dalawang lalaki na mukhang artista ay inaayos ang kanilang mga maleta na parang bata na inaayos ang isang domino, yung isa naman ay seryoso na nakatingin sa dalawang nag-uusap habang malalim ang iniisip nito.
Napatigil na ng tuluyan sa paglapit ang tatlo ng dumating ang dalawa na may dalang bouquet at unan na kulay puti, napanganga sila ng may nilabas na korona ang nakabitbit ng bouquet.
Ano ba talaga ang nangyayari sa mga ka-member nila at may dala silang mga gamit na hindi man lang kailangan sa kanilang project, napatawa sila ng mahina ng makita nila ang hindi nila inaasang gagawin ng isang kinatatakutan ng mga estudyante sa kanilang klase.
“Sorry!” bigkas ni Blake habang nakatingin sa bunso nitong gulat na nakatingin sa kanila, napangiti siya ng makita niya ang pagtubig ng mga mata nito. Agad siyang suminyas ng yakap na agad namang tinugunan ng bunso at dimabahan ng mahigpit na yakap, natatawa siyang yumakap pabalik at hinalikan ang noo nito.
Lumapit na rin ang apat at naging group hug na ang dapat na hug lang, lalapit rin sana si Saun para makisali ng itulak na naman siya ni Blaze palayo pero bago pa nito maulit ang kanina ay umiwas na siya at hindi na nag patuloy pa.
დ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top