Chapter 06
***
Lumipas ang ilang buwan at ngayon ay masasabi kong masaya ako sa buhay ko ngayon, dalawang buwan na ang nakalipas at maraming achievements ang nakuha namin from school.
Sila kuya lang pala ang maraming achievements, isa lang ata sa akin o dadalawa lang. Anyway, my eldest twin brothers became a part of the SSG officials. They were nominated by the whole campus, hindi rin nila kayang tumanggi dahil plus points rin kasi kapag kasali ka sa SSG officials.
Knowing them they love free points, hindi naman sa uhaw sila sa scores it’s just that if they have the opportunity they will gladly grab it. Let’s just say that they don’t waste time and opportunities, especially kung alam nilang mabuti ang kalalabasan ng bagay na iyon.
So much for that, let’s move to my other brothers. Kuya Calyx has achieved a place in the basketball team in which he became the captain, in a month he will be the captain of the varsity basketball team.
Dalawa kasi ang rank ng basketball teams, my team na nasa school grounds lang kung saan ay naglalaban lang sila between the grade levels at mayroon naman sa outside campus which is naglalaban in between schools.
To put it simple there are two teams, the Acers and Betas. The Acers are the varsity players and the Betas are the school basketball team, hindi ko alam pero according to kuya Calyx ay ni divide ito ng school dahil may nangyaring hindi maganda nung nakaraang mga taon.
Whatever their reason I’m glad they split it, una is because I want to watch live basketball at hindi ito matutupad kung varsity players lang ang mayroon kami dahil hindi rin naman ako makalalabas ng campus.
At panggalawa, magandang experience na makita ang magkaibang basketball teams lalo na sa mga Betas. In each grade level ay kukuha ng dalawang representative in each section, lima ang section in each grade levels so getting two representative each will be an equal of ten players.
Also this is only applicable on the high school levels, starting from grade seven students up to grade twelve. Sa college naman ay deretso na daw sa varsity team.
Sa young twin brothers ko naman ay music ang kinuha nila, kuya Daxon being the guitarist and kuya Dexon being the vocalist. May banda ang school namin which is named CaptinD, it was originally a group performance pero dahil nanalo sila sa event nung nakaraan ay ginawa na nung principal na official banda sila ng school.
The school needed permanent band members dahil hindi naman forever na silang mag babayad ng mga band para lang mag perform sa school every time na may event kami sa school, the students also agreed to this plan so it’s a win-win situation to all.
And lastly, ako rin ay may i-ilang achievement hindi naman siya bonga gaya ng mga kuya ko pero masasabi kong achievement ko ito. I became the classroom president, isang bagay na hindi ko lubos na inakalang ako ang pipiliin nila bilang president ng classroom.
I was thinking that maybe si Jessie or yung lalaki na pinakamatalino sa klase pero by surprise someone nominated me as their president, hindi ko rin matanggihan dahil marami ng bumuto sa pangalan ko. Kaya lang mayroon pa rin naman ang mga hindi sangayon sa akin bilang president nila, kasi daw mandaraya ako o feeling lang dahil baguhan ako sa school na ito.
They’re the people who hates me too much, nalaman ko yun ng manalo ako bilang president. They glared at me for the whole week and also pulled traps, iba’t ibang traps at hindi ko lang sila pinapansin dahil alam kong dapat akong magtiis.
Naiiyak na nga ako sa pinaggagawa nila pero tinitiis ko lang dahil hindi naman maganda kung iiyakan ko na lang ang problema, kailangan ko maging matatag sa harapan nila para respetuhin nila ako.
Bilang president ng classroom ay dapat ko panatiliing maayos ang samahan namin at pakikitungo ko sa aking mga classmates… pero ngayon hindi ko na alam kung hahawakan ko pa ba ang sinabi ko.
“Hindi ka bagay bilang president ng classroom.”
“Isa ka lang feelingerang pangit na nagmamagaling dahil baguhan sa school na ito.”
Bigla na lang nandilim ang piningin ko at tuluyan na akong napapikit ng may maamoy akong hindi ko mawaring amoy sa panyo na itinapat nila sa ilong ko.
TAHIMIK LANG akong nakatitig sa mga classmate ko na nagtatawanan sa isang sulok ng kwartong ito, nakalipas ang isang oras ng magising ako at hanggang ngayon ay nakaupo pa rin ako habang nakatali ang mga kamay at paa ko sa upuan.
Nangangalay na ako sa totoo niyan, wala rin akong nakain kaninang lunch time dahil sa apat na ito na bigla na lang akong tinanong kung pwede ba raw nila akong kausapin. Gusto ko na nga umiyak dahil sa pagod pero hindi iyon ang sulosyon sa sitwasyon ko, baka pagtawanan pa ako ng apat na ito.
“Pwede niyo na ba kalagan ang mga taling ito?” kalmado kong tanong habang iginagalaw ang kamay ko, nagbabakasaling lumuwag ito. Sinilip lang nila ako at tumatawang inirapan bago tumayo at nag lakad papunta sa kinauupuan ko, napangiti ako ng hawakan ng isa ang lubid sa kamay ko.
Salamat naman at naisipan nila akong pakawalan, malapit na kasi matapos ang second subject sa hapon. Kailangan na naming bumalik sa classroom dahil may quiz pa kami sa math, kailangan ko pa mag-aral ng kaunting formulas dahil nakalimutan ko yung iba.
“You wish!” napapikit ako sa sakit ng hinigpitan niya ang pagkatatali, sa puntong ito ay hindi ko na mapigilan pang tiisin ang mga ginagawa nila. Dalawang linggo na silang nag kukulit sa akin at ngayon ay hindi na sila nabusog at kinidnap pa ako, hindi naman ako takot dahil alam kong hindi nila ako masasaktan at hindi rin naman kami nakalabas ng campus.
Kung titingnan ang kwartong ito ay isa itong classroom na matagal ng hindi nagagamit dahil sa mga sira-sirang table at upuan na kung saan-saan na nakalagay, nagseryoso na akong nanahimik at tiningnan sila sa mata. Lalo na ang leader nilang naka ngisi ngayon sa harapan ko.
Napapikit ako ng paulit-ulit na nag-salita ang boses sa ulo ko, bumibilis ang heartbeat ko at nahihilo na rin ako dahil sa sakit. Kailan pa nagkaganito ang reaksyon ng utak ko, naikuyom ko ang kamay ko ng maramdaman ko na parang lalabas ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Parang hinihila ako sa ere, feeling ko nga lumulutang na ang katawan ko which is not. Malamig pero pinagpapawisan ako, halos magwala na ako dito pero hindi ako tinulungan ng apat. Unti-unti nang dumidilim ang paningin ko pero pilit ko pa ring palinawin sa paraang pagkurap-kurap, ilang kurap pa ay tuluyan na akong napapikit.
NAGISING na lang ako na parang sinuntok ang ulo ko sa sakit, agad akong napahawak sa ulo ko ng napaupo ako ng mabilis ng maalalang hindi pa ako nakapag-quiz.
“Ouch.” Bakit ba ang sakit ng ulo ko, hindi naman nila pinalo ang ulo ko diba? Nahimatay lang naman ako ah. Habnag iniisip ang nangyari ay napatingin ako sa paligid, kailan pa ako nakabalik sa classroom?
Hinanap ko ang apat at nagulat ako ng sila ang na sa harapan ko ngayon. What are they doing? Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at tinanong ako, what is going in here?
“Jahnette are you okay?” napatingin ako sa mata niya at ibang-iba ito sa tingin niyang mataray at naiinis. Diba may galit siya sa akin, siya rin naman ang nagsimula ng kidnapping hindi ba?
Isinawalang bahala ko na lang ang sumasakit kong ulo at ngumiti na lang sa kanila kahit hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari, go with the flow lang muna ako. Hindi makakatulong ang bigla ko na lang sila sigawan at akusahan, baka panaginip ko lang ang nangyari.
“I’m okay. What happened?” I asked and looked around. The room is pretty empty right now. Nagtaka ako ng makitang hindi uniform ang mga suot nila, bakit ba sila ang kasama ko sa ngayon, nasaan sila Jessie, sila kuya? Dapat uwian na ngayon. I’m super confused right now.
“Oh. Nag-announce si ma’am kanina about sa quiz natin sa math.”
“What!” Napatayo na lang ako sa gulat at napahawak na lang sa ulo ko.
Another chaos...
დ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top