Her Last Days

DAY THIRTY

SERAFINA

"How do I look?" tanong ko sa boyfriend ko at umikot pa sa harap ng camera para buo niyang makita ang ayos ko.

Suot-suot ko ang niregalo niya sa aking dress at necklace during our first anniversary last month.

"Do I need to answer that? Lagi ko naman sinasabi sa 'yo ang sagot araw-araw," nakangiti niyang sagot sa akin.

"Just answer me, babu!"

Tumawa siya at mas inilapit ang mukha sa camera. "Beautiful...I miss you—"

"Ate!" malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto ko at sigaw ng nakababata kong kapatid ang pumutol sa moment namin ng boyfriend ko.

Tuloy ay nag-flying kiss na lang ako sa kanya at agad na ibinaba ang tawag. Mahirap na at baka magselos na naman ang kapatid kong masyadong clingy sa akin.

"Is that your boyfriend?!" nakanguso't nakapamewang na tanong ng pitong taong gulang kong kapatid na si Ryle.

"Tinatanong lang ni Ate kung anong hitsura ko Ry," pisil ko sa matambok niyang pisngi.

Umismid siya na ikinatawa ko. "Of course, pretty! Next time me na lang tanungin mo Ate,"

"Ikaw talaga napakaseloso mo, halika na nga."

Inangat niya ang braso niya na tila nagpapakarga pero umiling ako at hinawakan ang kamay niya. "You're no longer a baby Ryle Akihiro, ate's not that strong para buhatin ka."

"I'm still a baby sabi ni Daddy at Lolo! Susumbong kita, Ate!"

"Ryle, be careful!" sigaw ko nang nagtatakbo siya pababa.

Naikot ko ang mga mata ko at gusto kong pagalitan na naman sila Daddy dahil sa pags-spoiled nila sa kapatid ko. Pero napangiti na rin ako habang pinagmamasdan ang kapatid kong nagparanas sa akin na hindi pala ganoon kadali maging isang ina.

Sobrang hirap pa lang mag-alaga ng bata. Even though we hired babysitter for Ryle, tinutukan ko pa rin ang pag-aalaga sa kanya noong baby pa lang siya.

I remember how he used to cry late at night when he was a baby, and I would also cry because I don't know the reason why he was crying.

"Daddy!" tili ni Ryle nang makita ang ama kong kakapasok lang ng bahay tangan ang dalawang pumpon ng rosas.

Agad ibinigay ni Daddy sa maid ang mga hawak niya at binuhat agad ang kapatid kong nag-umpisa na naman sa animated at exaggerated niyang pagkwekwento sa ama ko.

Hinalikan ko si Daddy sa pisngi at halos masakal naman siya ni Ryle na inilayo sa akin.

Nagtawanan kami ni Daddy sa inakto ng kapatid ko na mabilis nagpababa nang matanaw ang driver ni Dad dala-dala ang mga paper bags.

"How was your flight, Dad? Sabi ko naman sa 'yo pwede naman tayong magkita-kita na lang sa cemetery 'eh gaya nang napag-usapan, sinundo mo pa talaga kami." akap ko sa bewang ng ama ko na ilang araw nag-stay sa Cebu for his business trip.

"I'm fine, Sera. Let's go at hinihintay na tayo ng Mommy mo," kinuha niya ang bulaklak sa kasambahay namin at lumapit na sa kapatid ko.

"Wow! Chocolates!"

"Ryle Akihiro, puti ang suot mo 'wag ka nang magdumi utang na loob," pananaway ko sa kapatid na tiningnan kami na akala mo iiyak.

"Just one chocolate Ate, please."

Lumapit na ako sa kanila ni Daddy at pinisil ang ilong ni Ryle. "Fine, just one."

Inabot sa akin ni Daddy ang mga bulaklak at binuhat ang kapatid ko na ikinailing ko.

"Daddy, maaga kang magiging lolo kapag hindi mo tinigilan ang pagbuhat kay Ryle—"

"Serafina!"

Napapitlag ako sa sigaw ni Daddy. "What?!"

"Maaga akong magiging lolo, what do you mean by that? Pumayag akong magkaroon ka ng boyfriend but we have a deal nag-aaral ka pa—"

"OMG Dad! I was pertaining to your bones! Hindi namin ginagawa 'yon ano!" naeeskandalo kong putol sa ama ko at namumula ang mukha na pumasok ako sa kotse namin.

Kung nandito lang ang Mommy natitiyak kong tawang-tawa 'yon sa aming dalawa ng ama ko na tahimik na tumabi sa akin sa backseat.

Inabala ko na lang tuloy ang sarili sa cellphone pero nakaidlip ako nang ma-stuck kami sa traffic. Nagising ako sa pangungurot ni Ryle na bumungisngis at lumabas ng kotse.

Little monster.

"Dad, I want that!" turo ng kapatid ko sa nagtitinda ng balloon sa labas ng mall.

"Mamaya na lang Ryle, we're late."

"But—"

"No buts Ryle Akihiro," putol ng ama ko sa pagpoprotesta ng kapatid ko sabay karga rito.

"Sera, iyong bulaklak naiwan n'yo," sigaw sa akin ni Kuya Jhay.

Nahampas ko ang noo at binalikan ang isa sa pumpon ng bulaklak na binili ni Daddy. Pagdating sa venue ng pupuntahan namin ay napangiwi ako nang marinig na nagsisimula na ang event.

Napangiti ako nang makita ang ama kong seryosong kinakausap ang kapatid ko na tumatango-tango lang at todo nguya sa chocolate na hawak-hawak.

Napapailing ako sa ama ko na nakipila sa mga tao. Kinuha ko si Ryle at inabot sa kanya ang bulaklak. Nakipila na rin kami ng kapatid ko na nilagyan na ng selyo ni Daddy ang bibig gamit ang chocolate.

"Oh my gosh Ma'am Austine, fan na fan nyo po ako sobra pong ganda no'ng first book nyo na Her Last Days! Grabe po iyong iyak ko totoo po ba based on a true story iyong book?"

Nagkatinginan kami ni Daddy sa narinig naming sabi ng babae sa unahan halos isang dipa ang layo sa amin.

"Yes, it is. True to life story siya."

"Wow, kanino pong story—"

"Mommy! Mommy!"

Napangiwi ako sa pag-iingay ng kapatid ko na naubos na pala ang hawak na chocolate at mukhang nalimot ang usapan nila ni Daddy.

"Ryle Akihiro," said by Dad who groaned when our little monster ran towards the beautiful woman in front who was busy signing her newly published book.

"Sinabi ko na kasi sa 'yo Dad, you're going to fail as long as kasama mo ang karibal mo kay Mommy," natatawa kong saad at umalis na sa pila para samahan ang kapatid kong puntahan ang ina namin.

Parang kiti-kiti na umikot sa lamesa si Ryle para tunguhin ang pwesto ni Mommy na napangiti na lang at saglit lang na nagulat sa pagdating naming tatlo.

Akala niya kasi ay may school fair ako today at mamaya pa ang uwi ni Daddy kaya ang usapan ay sa cemetery na kami magkikita-kita para sa death anniversary ng Lola ko who died two years ago.

"Happy Mother's Day, Mommy!" halik ko sa pisngi ng ina ko na karga na agad ang clingy kong kapatid.

"Thank you, baby—"

"Mommy, don't call ate baby. Si Ryle lang dapat ang baby mo," ungot ng kapatid ko na ikinatawa ng mga nakapila.

"Happy Mother's Day, love," sulpot ni Daddy na inabot ang bulaklak kay Mommy.

Hinalikan niya pa sa noo ang Mommy na umani ng tila kinikilig na reaksyon sa mga readers ni Mommy.

A year ago, my mom pursued her dream to be a published author and she succeeded.

Rykki Nunez Vallejo is now a published author.

I can't help but be emotional when I saw one of her books in the table.

Seven years ago, when I was ready to let her go.

A miracle happened.

My mother came back.

Hindi niya kami iniwan at bumalik siya sa amin gaya ng paniniwala ng ama ko.

Kahit ang mga doktor ay hindi makapaniwala sa pagkagising ni mommy mula sa coma. After recovering from that, she underwent a brain surgery followed by radiotherapy and chemotherapy.

It was a long fight but it's all worth it.

When my little brother turned four, my mother underwent another brain surgery and survived.

My mother and my little brother would be forever our living miracle.

E N D

I cried as I finished this book. I mean ito ang pinakamaikli kong story sa lahat nang mga naisulat ko pero iba iyong naging impact sa akin nitong HLD. Sobrang thank you sa lahat ng mga naghintay na matapos ko 'to. Ilang beses ko nang binitiwan itong isulat pero nagawa ko siyang tapusin dahil sa inyong hindi mga nagsawang maghintay.

Sana marami kayong natutunang aral sa storyang ito. Hanggang sa muling nakakaiyak na nobela, readers. Love you guys :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top