Day 27
DAY TWENTY-SEVEN
RYKKI
"SERAFINA Aki! Wake up! Male-late ka na sa school mo!"
Umungol lang ang anak ko at mas ipinupulupot ang sarili sa comforter na nakabalot sa katawan niya. Napangisi ako at nakitang nakalitaw ang paa niya. Tinungo ko iyon at isang kalabit ko lang doon ay bumungisngis ang anak ko.
"Kikilitiin kita o babangon ka na?" pagbabanta ko sa anak kong mabilis pa sa alas-kwatrong bumangon at nagtatakbong nagtungo sa banyo.
"I hate you, mommy!" sigaw niya na ikinatawa ko na lang.
Lalabas na sana ako nang sumungaw ang ulo niya sa pinto ng banyo. "Joke! I love you always, Mommy!"
"I love you too, my Serafina Aki."
Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng kwarto ni Sera ay napatakbo ako sa master's bedroom nang marinig ang malakas na pag-iyak mula roon.
"What happened Ryle Akihiro?" tanong ko sa anak kong nagwawala sa kama.
"Nanny won't let me check out my toys!" matatas nang pananalita nito sa edad na limang taon.
Lumabas si Ate Gemma sa banyo tangan ang mga laundry namin at napangiwi nang mapatingin kay Ryle na parang kiti-kiti na nagpagulong-gulong sa kama habang iniiyakan ang hawak na cellphone.
"Uy Ate hindi ko inaaway si Ryle ah. Sabi nyo kasi 'wag hayaang mag-check out si Ryle kaya nilogout ko po iyong account ni Sir."
Nginitian ko si Gemma at tinanguan. Nilapitan ko ang anak kong nakanguso na sa kama at kung makahikbi akala mo may luha pa.
"Anong sabi ni Mommy last week Ryle? You have tons of toys coming pa nga 'eh. Tapos o-order ka ulet? Do you want na magalit ako?"
Umiling si Ryle at kung hindi ko lang siya kailangang sawatahin baka kinarga ko na siya at pinaghahalikan ang matambok niyang pisngi dahil sa kakyutan.
"No, mommy."
"Ayokong aawayin mo si Ate Gemma okay?"
Tumango ang anak ko pero hindi pa rin nawawala ang pagnguso. Nasa ganoong sitwasyon kami nang pumasok ang asawa ko na naka-apron at may hawak-hawak na sandok.
"What's happening here?"
Basta na lang inabot sa akin ni Seth ang sandok sabay buhat kay Ryle.
"What's this?" tanong ko at tinikman ang kulay pulang sauce sa sandok.
"Too sweet Seth Eros!" sigaw ko pero tila hindi ako nakita at inalo ang anak ko.
"What toys do you want—"
"Subukan mong mai-check out ang gustong laruan na naman ni Ryle sa guest room ka matutulog mamaya," banta ko sabay abot ng sandok kay Ate Gemma na natawa sa sinabi ko.
"Ryle Akihiro! Next week na tayo mag-check out 'nak," ani Seth na hinila ako sa bewang at niyakap pagilid habang karga si Ryle.
Mayo Clinic Minnesota USA
"Rykki?"
Nagising ako sa mahinang pagtapik sa pisngi ko. Pagmulat ng mga mata ko ay nakangiting mukha ni Seth ang bumungad sa akin.
"You had a good dream?"
Tumango ako. "I d-dreamed of you, Sera and our baby," sagot ko at hinaplos ang tiyan ko na nakaumbok na.
"Do you want to eat?"
Umiling ako at napatingin sa kalmot sa pisngi niya. "A-anong nangyari diyan?"
Umiling lang siya at hinalikan ang ibabaw ng palad ko. "I scratched it—"
"I d-did that?"
Tiningnan niya ako at tangkang itatanggi pa nang hilahin ko ang kamay ko palayo sa kanya.
"I forgot you again."
"It's okay..." aniyang tinabihan ako sa kama at maingat na niyakap. "Naaalala mo pa rin naman ako. Tell me about your dream," pag-iiba niya ng paksa.
Nilingon ko siya at hindi ko maiwasang maawa sa asawa kong marami nang isinuko para sa akin. Sa nakalipas na mga buwan, I've been so difficult. We can call it a miracle that I'm still alive at this point.
I don't even want to see myself in the mirror.
Alam kong napakalayo ko na sa dati kong hitsura.
"Seth...it's snowing," saad ko matapos kong ikwento sa kanya ang napanaginipan ko na sana hindi nanatili bilang panaginip.
"It's beautiful right?"
"C-can I go outside? I want to feel the snow with Sera," saad ko dahilan para matahimik siya.
"I'll ask your doctor."
Ngumiti ako at mas hinilig ang katawan sa kanya. "Seth..."
"Hmmm?"
"I love you."
"I love you more."
Papikit na sana ako nang bumukas ang kwarto ko. Nag-uumpisang bumigat ang ulo ko pero hindi ko pinahalata kay Seth iyon at tiningnan kung sino ang pumasok. Umalis si Seth sa pagkakahiga sa tabi ko at sinalubong ang dalawang doktor ko.
Si Doc Evangeline at Doc Mike.
Kasunod nilang pumasok si Serafina na nagliwanag ang mukha nang makitang gising ako at nasa tamang huwisyo.
"Congrats Rykki to you and your baby. He or she is officially sixteen weeks as of today," nakangiting sabi sa amin ni Doc Evangeline. "According to your scans yesterday, he's doing good."
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabing iyon ng doktora. Tila nagkaroon ako ng lakas at bigla yatang nawala ang pananakit ng ulo ko.
"That's why I'm here to suggest you our new treatment."
Kumunot ang noo ko. "T-treatment Doc? What kind of treatment?"
Sinulyapan ni Doc Mike si Seth na lumapit naman sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"You're on your second trimester Rykki and I would like you to undergo a chemotherapy treatment."
Umiling ako. "No, it will hurt my baby. I'm not even well, doc. I might not make it."
"Rykki!"
"Mommy!"
Umiling-iling ako at niyakap ang tiyan ko.
"Look Rykki, we need you to trust us. This is your last option. Since your baby is now developed, a chemotherapy is safe."
"N-no, I can't risk hurting my baby."
"Rykki, listen. You're not going to hurt him. He's going to survive," ani Seth na sinapo ang magkabilang pisngi ko.
Kita ko ang pakikiusap sa mga mata niya at takot. Gusto kong magmatigas at ipilit ang gusto ko pero nang sulyapan ko si Sera sa tabi ko ay kita kong papaiyak na siya tulad ng ama niya ay may pakikiusap sa mga mata niya.
"What would happen a-after?"
"You're still set to give birth at twenty-six weeks, Rykki. We'll do our best to save your baby."
"If things go well, we'll have you undergo a radiation therapy after you give birth. Hopefully, it would shrink the tumor and we can then decide if it will be possible for you to undergo a brain surgery."
Natagpuan ko na lang na tumatango ako kahit hindi pa rin ako kumbinsido sa sinasabi nila. I felt like its too good to be true. Siguro himala na lang kung mapagtatagumpayan ko ang treatment na sinasabi nila.
Pero kung ito na lang ang natitirang pag-asa para mabuhay pa ako at makasama ang mag-aama ko. Hindi na ako magpoprotesta pa. Ang tanging nag-iisang hiling ko lang ay walang mangyaring masama sa batang nasa sinapupunan ko.
"Rykki?"
"Hmmm?"
"They're going to do their best to save you and our baby, don't think too much." aniya habang inaayos ang scarf sa leeg ko.
Ngumiti ako at pinagmasdan si Sera na tuwang-tuwa na naglalaro sa snow.
"Seth...if ever you need to choose between me and our baby—"
"Don't say it."
"Promise me that you're going to choose him."
"Wala akong pipiliin Rykki dahil parehas kayong makaka-survive."
Tiningala ko siya at hinawakan ang kamay niya. "We're talking about the possibilities here. I-I want you to be ready."
Naupo siya sa bench at iniharap ang wheelchair ko sa kanya. "The only possibility that I believe would be you and our baby surviving this. Iyong panaginip mo? Magkakatotoo 'yon."
Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. "T-thank you for not giving up on me."
"I would never give you up again, Rykki Nuñez Vallejo. So please don't give up hmmm? For us..."
Hindi ko nagawang sumagot dahil ayokong mangako ng bagay na baka hindi ko magawang panindigan.
T B C
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top