Day 23

DAY TWENTY-THREE

Wedding dress

RYKKI

"ANO bang kailangan mo sa condo, Rykki? Ang putla-putla mo parang mas magandang nagpahinga ka na lang sa bahay," may pag-aalalang saad sa akin ni Hiro habang nagmamaneho paalis ng bahay.

Wala pang tatlumpung-minuto matapos ko siyang i-text na sunduin ako sa bahay ay agad siyang nakarating.

"I'm fine, nakalimutan ko pa lang mag-make up, panget na ba ako?" himig nagbibiro kong tanong at sinulyapan ang sarili ko sa salamin sa kotse niya.

"Silly, you'll always be the beautiful woman for me," ngiti niyang sagot sa akin. "So, answer me anong kailangan mo sa condo?"

"My wedding dress," nakangiti kong sagot sa kanya.

"W-what? Para saan?"

"I'm getting married, Hiro!"

Biglaan siyang pumereno dahilan para humigpit ang kapit ko sa seatbelt at samaan siya nang tingin. "Hiro, careful! I'm pregnant!"

Matagal na natahimik si Hiro, wala rin siyang pakialam sa sunod-sunod na businang naririnig kung hindi ko pa siya inalog sa balikat.

"Hiro! Are you still here with me?"

"You're what?"

Ngumiti ako't hinaplos ang pipis kong tiyan. "Pregnant."

"How? I mean, is that even possible with your condition?"

Tumawa ako. "Magmaneho ka na muna bago tayo hulihin dito."

Malalim siyang bumuntonghininga pero sinunod pa rin ako. Kitang-kita ko ang tense sa kanya.

"What will happen now that you're pregnant? I mean what about your chemotherapy?"

"I'll stop receiving it, Hiro..."

"Rykki..."

Sa pagkakataong ito ay tinabi niya na ang kotse sa gilid ng kalsada at pinakatitigan ako't umiiling.

"What the hell are you saying?"

"That treatment will kill my baby, Hiro."

"And not having that treatment will kill you, too, Rykki...alam mo 'yon hindi ba?"

Tumango ako. "Of course, naipaliwanag na sa akin iyon ng doktor—"

"Then why, Rykki?! Bakit mo bibitiwan ang treatment na 'yon knowing na ikamamatay mo kung hindi ka magpapagamot?!"

Yumuko ako at minasdan ang pulsuhan kong may bakas nang ginawa ko noon. "Because I'm a mother, Hiro...I won't give up this baby, I can't give him up—"

"No...don't do this, Ry! You're not even sure if the baby will live, right?"

Tiningala ko siya. "Mas malaki ang paniniwala kong mabubuhay siya kumpara sa akin."

"Y-you're unbelievable. How about Seth? How about Sera? Naisip mo ba sila? Rykki, come on this is a wrong decision—"

"It's not, Hiro...it will never be a wrong decision for me. K-Kung susundin ko ang kagustuhan ninyong lahat na bitiwan ang buhay na 'to para lang ipagpatuloy ang pagpapagamot ko, I don't think I'll live. Mamamatay ako katulad noong nawala sa akin ang anak ko...I'll die inside."

Iniwas niya ang tingin sa akin at nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya't. Makalipas ang ilang segundo ay umalog ang balikat niya't humagulgol siya tila hindi pa rin matanggap ang desisyon ko.

"W-what's the plan, now, then?" tanong niya sa gitna nang pag-iyak niya.

"We're getting married first then we're leaving...Seth insisted na dalhin ako sa Mayo Clinic sa US,"

Tumigil siya sa pag-iyak at tila nagkaroon nang pag-asa sa sinabi ko. "Y-yeah, that was the best thing to do. Mayo clinic is a renowned hospital in the world, they can help you."

Ngumiti ako't pinisil ang balikat ni Hiro. "Yes...malay mo I'll live and I'll have my own miracle."

Natawa ako dahil tila ako pa ang nagpapalubag ng loob niya gayong ako ang mamamatay. But I just really don't want Hiro to be sad...o kahit sino pang mahal ko sa buhay. Gusto ko silang ihanda sa posibilidad na mawawala ako pero ang hirap, sobrang mahirap marinig ang pagtangis nila. Ang hirap pagmasdang nasasaktan sila. Kaya kung kailangan kong sabihin at papaniwalain silang may pag-asa pa ako gagawin ko.

Pero ako sa sarili ko. Isinusuko ko na ang lahat sa Kanya. Pero umaasa akong hindi Niya ako bibiguin sa himalang hinihingi ko sa Kanya.

Ang mabuhay ang sanggol na nasa sinapupunan ko.

***

TAHIMIK lang si Hiro nang makarating kami sa condo niyang ilang taon ko ring tinirhan. Agad akong nagtungo sa kuwarto ko at napangiti nang makitang malinis iyon pero hindi niya ginalaw ang mga gamit ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko nang tumunog iyon at makitang si Seth ang tumatawag.

"Hello?"

"Hey, I'm sorry ngayon lang ako nakatawag, kakatapos lang ng meeting. Nasa condo na ba kayo ni Hiro?"

"Yep. How's your meeting?"

"Everythings good, Rykki, don't worry about it...Dad didn't allow me to resign, he gave me an indefinite leave, in the meantime siya muna ang acting CEO ng Vallejo."

Nakahinga ako nang maluwag at napangiti. "Great news, how about the church, nakausap mo na ba ang head?"

"Are you sure you really want to do this now? I mean, mas maigi sigurong magpahinga ka na lang para sa pag-alis natin sa next week—"

"Ayaw mo na ba akong pakasalan, Eros?"

"Of course not! I would love to, Rykki...I'll just sign some papers, susunduin kita riyan. Wait for me..."

"I love you, Seth..."

Natigilan siya sa kabilang linya na tila hindi inaasahan ang biglaan kong sinabi. "I love you too, Rykki..."

Napangiti ako't ibinaba ang cellphone ko. Nagtungo ako sa cabinet ko at kinalkal ang mga gamit ko roon. Napaluhod ako't napahawak sa ulo ko nang makaramdam ako ng kirot doon.

"Rykki? Are you okay?"

Binalingan ko si Hiro't pilit akong ngumiti para itago sa kanya ang sakit na nararamdaman ko. "I'm fine. Ang dami ko pa palang gamit dito," pagtawa ko't isa-isang inalis ang mga duffel bag.

"Ako na nga riyan," agaw ni Hiro sa hawak ko at dahil sumasakit ang ulo ko ay hinayaan ko siya.

"Nasaan ba rito ang hinahanap mo?"

Natulala ako sa tanong niya. Tila nablangko ako at walang salitang mamutawi sa labi ko. "I-iyong, 'yong...a-ano nga bang tawag do'n?" Sinabunutan ko ang buhok ko dahil hindi ko mahagilap ang salita para sa bagay na nasa isip ko.

"Rykki?"

Yumuko ako't hinilot-hilot ang sentido ko. "I f-forget the word..." natatawa kong saad.

My memories starting to suck...

"Magpahinga ka na lang muna—"

Pumitik ako nang maalala ang tawag. "Maleta! Iyon, 'yung itim kong maleta, Hiro!"

Mariin akong napapikit nang maalala kung nasaan ang hinahanap ko. Yumuko ako't inabot ang maletang itim ko sa ilalim ng kama.

"It's just a simple word. A simple memory. How come hindi ko masabi?" mapait kong saad habang binubuksan ang maleta kong puro alikabok na.

"Sus, kahit ako naman minsan ganyan nabablanko..."

Hinaplos ko ang white dress na bakas na bakas ang kalumaan. "T-this is my wedding gown when Seth and I got married, Hiro...It's not like those grandiose wedding gown but I remember how happy I was that day," niyakap ko 'yon at nalaglag mula roon ang singsing namin ni Seth. Bigla akong naging emosyonal at napaiyak. "Dapat mas maaga kong bumalik, Hiro. Bakit kailangan ko pang magkasakit para lang magkabalikan kami? I should have fought for him. I should have stayed. M-mas mahaba pa sana ang naging pagsasama namin...h-hindi katulad ngayong bilang na lang ang mga araw na kasama ko siya—"

"Don't talk that way, Ry...please."

"I'm being selfish, right? How can I accept his proposal when I knew that I might not live that long?"

"I-it's not selfish choosing to be with the man you love, Rykki. You've sacrificed enough...you deserve to be happy. He's your happiness, right?"

Tumango ako't pinakatitigan ang singsing na ibinigay sa akin noon ni Seth at isinuot ko iyon. Closing my eyes, I reminisced those memories. From the first time, I met Seth Eros Vallejo. Hoping that I won't lose that memory. That I'll always remember who is Seth Eros in my life.

"Rykki?"

Napahawak ako sa ulo ko sa pagkirot no'n.

"Can I sleep, Hiro? J-just wake me up kapag dumating na si Seth, susunduin niya raw ako 'eh."

"Okay sige, maigi pa nga't magpahinga ka."

Inalalayan ako ni Hiro na mahiga sa kama at tangkang kukunin sa akin ang wedding dress nang umiling ako't mas niyakap pa iyon.

"Lalaban ko muna—"

"No need, Hiro..." putol ko sa kanya at tuluyan nang ipinikit ang mga mata ko hanggang sa naramdaman kong unti-unti na akong iginupo ng antok.

Nagising ako sa paghaplos sa pisngi ko na ikinakunot nang noo ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nagtataka kong tiningnan ang estrangherong lalaki na nakangiti sa akin.

"You're awake, are you hungry—"

Bumalikwas ako nang bangon at umiwas sa muli niyang paghawak sa pisngi ko.

"Rykki?"

"Who are you?"

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top