Day 22

Day 22

SETH

"I LOVE YOU..." I whispered as Rykki fell asleep in my arms. Bumaba ang tingin ko sa impis niyang tiyan at nanginginig ang kamay kong hinaplos iyon.

I'm sorry...

I don't hate you. I hate myself that's why I said those things. I want you too just how much your mother wants you.

Iniayos ko ang higa ni Rykki at habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko pa rin magawang tanggapin na baka darating ang araw na mawawala siya sa akin. Nang masiguro kong mahimbing na ang tulog ni Rykki ay iniwan ko siya.

"Where are you?" tawag ko kay Kian. I just need to talk to him again.

"In my house..."

"Good. I'll go there."

"Seth—"

Agad kong binaba ang tawag ko kay Kian nang marinig ko ang paghikbi na nanggagaling sa kuwarto ni Sera. Dahan-dahan kong binuksan ang kuwarto ni Serafina at nasilip ko siyang umiiyak sa gilid ng kama niya.

"Sera..." tawag ko sa kanya.

"D-Dad, hindi pa po pala kayo tulog?"

Lumapit ako sa kanya at tinabihan ko siya. "Why are you crying?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

Sa mga nakalipas na araw nakikita ko ang pagpipilit ni Sera na ipakitang ayos lang siya sa harap namin ni Rykki. I've been so busy with Rykki that I forgot how to be a father to my daughter.

Kung natatakot akong mawala si Rykki sa akin, paano pa ang anak namin? How scared Serafina thinking that she might lose her mother.

"I heard you guys fighting kanina...she's pregnant. You guys are having a baby again. I'm going to be a big sister b-but I'm not happy."

"Sera, d-don't—"

Hinarap niya ako at niyakap ako nang mahigpit. "Dad, will I be selfish if I beg Mommy to let go of my brother or sister? Because Daddy I don't want a sibling, I want Mommy to stay with us!"

Mariin akong napapikit at gustong saktan ang sarili ko sa nagawa ko. "I-I'm sorry anak...you're not selfish wanting for your Mommy to stay with us but we can't force her for something she can't do. We have to understand her."

"If we understand her, what about us, Daddy? Hahayaan na lang ba nating bitiwan ni Mommy ang treatment niya na puwedeng magsalba sa kanya? I can't lose her! We can't lose her!"

"We won't lose her, we'll do everything, Sera. I'll do everything. Now, I want you to promise me that you won't say this to your Mom. We can't stress her, Sera."

"Just please Dad, don't make me lose my Mom. I can't grow up without her..."

***

"WALA na ba talagang iba pang option?" bungad ko kay Kian nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Hindi siya nagsalita at tinalikuran ako. "Book a flight to Minnesota, Seth."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Rykki really want to push her pregnancy and we can't stop her. I'm suggesting you na dalhin siya sa lugar na may mas pag-asang mabuhay ang ipinagbubuntis niya. Mayo clinic. They have their best doctors, treatments and equipments for Rykki," aniya sabay abot sa akin ng envelope na nang buksan ko ay may lamang mga dokumento at susi.

"I have a house near the hospital. You can stay there."

"I-if we go here, does that mean she can live and our baby?" puno ng pag-asa kong tanong sa kanya.

Mariin akong napapikit nang makita sa mga mata ni Kian ang sagot sa tanong ko. "This is your last option, Seth. I already talked with my friend there, they will try but based on her scans they aren't really sure if they can save Rykki."

"You told me na nakatulong ang treatment niya! Isn't that a good thing?"

"That's a good thing if she can continue but she doesn't want to."

Tumango-tango ako at malalim na bumuntong-hininga. "She'll live..." pagkumbinsi ko sa sarili ko at nagpasalamat sa kanya.

"You need to give up your job, Seth. Is that okay with you? Nakausap mo na ba sila Tita?"

Hinarap ko siya. "I'm willing to give up everything even my life just to save her. I don't really care about my job right now."

Kinabukasan maaga pa lang ay nagising na ako para asikasuhin ang mga kakailanganin namin sa paglipad sa Amerika.

"Dad?"

"Seth..."

Tila nagugulat na sagot sa akin ng ama ko. Simula nang suwayin ko ang kagustuhan nilang pakasalan si Divine ay hindi ko na tinangka pang tawagan siya pero wala akong choice ngayon. May pananagutan at responsibilidad pa rin ako dahil kahit ako ang CEO. Sila pa rin ni Mommy ang nagmamay-ari ng malaking porsyento sa kompanya.

"Dad...I'm resigning. I asked my secretary to prepare a board meeting later."

"What?! Are you out of your mind? What's the reason—I get it, this is because of Rykki, usap-usapan na sa board na napapabayaan mo na ang trabaho but for God's sake Seth, hindi mo puwedeng bitiwan ang kompanya!"

"I need to, Dad."

"Seth! Calm down, don't be too hasty with your decision!"

"Dad...Rykki is pregnant."

Mahabang katahimikan ang lumipas bago ko muling narinig ang boses ng ama ko.

"What? But she's sick, what will happen now?"

"She wants to keep the baby and it will be impossible for her to live if we stay here so we're going to Minnesota, Dad. Mayo clinic. It's our last option so I need to resign—"

"You don't need to, Seth. As the major stockholder of the company, I'm giving you indefinite leave. Ako muna pansamantala ang tatayong CEO."

"What? Dad—"

Napabuntong-hininga ako nang maputol na ang tawag. Muli ko sanang tatawagan ang ama ko nang maramdaman ko ang pagtama nang malambot na bagay sa ulo ko.

Paglingon ko ay nakita ko si Rykki na nasa kama at masama ang tingin sa akin.

"Rykki...what's the matter—"

Napailag ako nang muli niya akong batuhin ng unan. "You're insane!" sigaw niya sa akin.

Tinanggap ko ang mga binabato niya hanggang sa maubos ang unan namin sa kama.

"Ry, please...let's stop arguing."

Tumayo siya at hinampas ako sa dibdib. "You're not resigning, Seth. We are not going. Hindi mo puwedeng bitiwan ang lahat para sa akin!"

Umiling ako at lumapit sa kanya. "I can and I will, Rykki. I promise you! I also promise Sera that I'll do everything to save you! I respected your decision to keep our baby so please cooperate with me. Let's go to Minnesota, they have advanced treatment, excellent doctors—"

"No!"

"Rykki, goddamn it!" hindi ko na napigilang sigaw sa kanya.

Humikbi siya at paulit-ulit na umiling. "I can't let you give up your life, Seth..."

"Rykki, can't you see? I'm not giving up my life..."

"You are because you're giving up that career that you cherish! Of all people ako ang nakakaalam kung gaano sa 'yo kahalaga ang Vallejo! That's your life—"

"No! That company is not my life Rykki! You are! That's why I'm doing this because I can't give up my life! You are my life! I can't give you up again. I don't want to wake up one day and see you gone...Ilang beses ko bang kailangan makiusap sa 'yong pakinggan ako?"

Tumulo ang mga luha sa mga mata niya at nanginginig ang kamay niyang sinapo ang pisngi ko. "I just don't want you to make this decision and still end up with nothing."

Umiling ako at niyakap siya. "Not a chance. I won't end up with nothing. This decision? It will end up with you and our baby by my side."

"I s-still haven't told you my answer with your question yesterday, Seth..." anas ni Rykki makalipas ang ilang minutong tahimik lang siyang umiiyak sa bisig ko.

"W-what is your answer?" nauutal kong tanong.

"I'll be selfish..."

Kumunot ang noo ko at tangkang hihiwalay sa kanya nang humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko.

"I'll marry you again. Let's get married, Seth."

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top