SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER - WILL ALWAYS BE YOURS
MARTINA'S POV
OMG! OMG! OMG! Bakit ba kasi nangyayari 'to?
I quickly picked up Josh from the tatami mat and quickly ran to catch the crawling Thierry na malapit nang tumama sa table.
"TJ! Goodness!" sigaw ko at saktong nabuhat ko na siya.
Karga-karga ko sa magkabilang braso ko ang kambal. Si Josh ay nakangiting nakatitig lang sa akin at si Thierry naman ay sinamaan ako ng tingin.
"Hanggang sa mukha lang kayo magkapareho," natatawa kong usap sa kanila.
The twins are nine months old and just starting to crawl. Kaya lang mas gala si Thierry, bibitawan mo lang saglit ay gagapang na papunta sa kung saan-saan at bigla mo na lang maririnig na umiiyak dahil nauntog na pala. Si Josh naman ay kapag iniwan mo sa isang tabi ay magsisimulang gumapang pero biglang mapapahiga tapos tatawa, ang problema sa kaniya ay baka mamali ang bagsak niya.
Naglakad na ako pabalik sa sofa at pinaupo ang dalawa sa magkabilang lap ko. Kumuha lang kasi ako kanina ng milk bottles nila sa kusina kaya naloka ako pagbalik at nakitang naggagagala na sila. "Would you want to drink more?" Josh smiled wider as his eyes twinkle, while Thierry shoots daggers at me using his eyes.
Sa 'di malamang dahilan, madalas na masama ang tingin sa akin nitong si TJ, tapos pagdating kay Tere, jusko! Nagniningning ang mga mata. Mommy's boy talaga. Habang ito namang si JA eh daddy's boy.
Pareho kong inihiga sa magkabila kong side sa sofa ang kambal at inabutan ng milk bottle nila para makatulog na ulit. It's time for their afternoon nap, at paniguradong pauwi na rin sila Tere at Martha. My wife from work and my princess from school.
Nakapag-usap na kami noon ni Tere, salit-salitan kami ng araw ng trabaho. I don't want to stop her from working dahil 'yun ang gusto niya. Kaya naman meet halfway kami, M-W-F ang pasok ko at T-Th-Sa naman si Tere. Sunday is Family day, no school, no work. Pareho naman kaming may-ari ng kaniya-kaniyang kumpanya at business kaya ayos lang sa amin.
Pareho rin kaming nag-agree na hindi pwedeng maiwan na walang bantay ang mga bata. Ayaw rin naman kasi naming mag-hire ng yaya kung kaya rin naman naming alagaan ang mga bata. Mas okay rin na mas malapit kami sa mga anak namin. Hindi namin gugustuhin na lumayo ang loob ng mga bata sa kahit sino sa amin dahil sa trabaho.
Ang bagong usapan namin ni Tere ay kapag nag-one year old na ang kambal ay pu-pwede na naming gawin ang three-day trip namin sa iba't-ibang bansa. Hiling din kasi sa amin 'yon ni Martha.
Ilang saglit ko pang tinitigan at binantayan ang kambal, at nang masiguro kong tulog na sila ay tumayo ako at inabot ang phone ko saka tinawagan si Tere. Makatapos ang dalawang ring ay sumagot na siya. "Hey, nasaan na kayo?" tanong ko agad.
(Kasusundo ko lang kay Martha sa school — Hi, Daddy!) Bigla kong narinig ang boses ni Martha.
"Hello, my princess. What do you want for dinner?" For sure ibinigay na ni Tere kay Martha ang phone. Narinig ko naman ang pagbukas at sara ng pintuan ng kotse nila pati ang pagkabuhay ng makina nito.
(Hmm... How about mushroom steak, Daddy?)
"Your wish is my command, my little princess."
(Yehey — Hindi ba't kakakain lang natin ng mushroom steak nung isang araw?) Biglang salita ni Tere. (But Mommy, I still want that po. Plus, Daddy can only cook that good.)
Medyo natawa naman ako dahil mukhang sa tono ng pagsasalita ni Martha ay naka-pout na naman siya. "How about I'll just cook that one for you and then iba ang food namin ni Mommy?"
(That's fine with me, Daddy. Mom, what do you want for dinner po?) I somehow heard Tere's faint sigh like she had given up arguing with Martha about her favorite dinner. (I'm fine with anything.)
May pilyong ideya naman akong naisip na alam kong magegets ni Tere. "Naka-speaker yung call, little princess?"
(Yes po, Daddy.)
Okay. "Okay then, ihahanda ko ang dinner ni mommy sa bed namin." Mahina naman akong natawa nang marinig ko ang pag-ubo ni Tere.
(Mommy, are you okay?) Nag-aalalang tanong ni Martha. (O-Of course, baby.) Tere coughed again. (Martina, umayos ka sinasabi ko sayo.)
Natawa ulit ako at hindi maalis ang ngiti sa labi ko. "What? You said you're fine with anything," pang-aasar ko.
Ilang saglit na nanahimik ang kabilang linya hanggang sa narinig ko ulit ang boses ni Tere. (Malapit na kami sa bahay, and I would want salmon for dinner.)
Nakangiti akong tumango na akala mo eh makikita niya. "Your wish is my command, my queen."
Narinig ko ang ayiee ng panganay namin bago tuluyang nagpaalam at tinapos ang tawag. Sa 'di malamang dahilan, hindi ko talaga maiwasang mapangiti kada maaalala ko ang asar na mukha ng asawa ko.
Asawa ko... Hmm... Three years na kaming kasal pero para bang 'di pa rin ako sanay at laging bumibilis ang tibok ng puso ko kada tatawagin ko siyang asawa ko.
Tiningnan ko naman ang kambal na mahimbing pa ring natutulog. Dahan-dahan ko silang binuhat at isa-isang inilagay sa stroller nila. Pupunta na kasi ako ng kusina para makapagsimula nang magluto, syempre ayoko namang iwan yung dalawa sa sala at baka biglang magising at maggala na naman.
Walang ingay akong naglakad papuntang kitchen habang tulak-tulak ang twin stroller. Nang maipwesto ko na sila sa isang lugar na makikita ko sila pero 'di sila agad magigising ay dumiretso na ako sa pag-aayos ng ingredients ko.
I was in the middle of focusing on my dishes when I felt a set of arms encircling my waist. I looked over my shoulder just to see my wife smiling at me and gave me a peck on my lips.
"Hey, kararating niyo lang?" tanong ko sa kaniya saka ibinaba ang heat ng niluluto ko para makaharap sa kaniya. "How's work?" Inipit ko ang ilang strand ng buhok niya sa likod ng tenga niya.
Niyakap niya naman akong tuluyan at ipinatong ang noo niya sa balikat ko. "Just a bit tiring," sagot niya. "And yeah, kauuwi lang namin ni Martha, she changed her clothes bago kinuha ang kambal papunta ng sala."
I caressed her back to help her relax. Ilang minuto lang kaming ganon, tahimik pero komportable sa isa't isa. Isa ito sa mga nalaman ko tungkol sa kaniya simula nang maging mag-asawa kami. If she's stressed at work, she'll always want a peaceful and quiet hug from me.
I waited for her to let go and stared at me before she smiled. "Thank you."
I smiled at her, still, my arms are resting on her waist. "You know you can always hug me. Alam ko naman kung gaano ka kaadik sa akin at kung gaano mo 'ko kamahal—"
"Okay, let me stop you there. OA ka na. Sinisira mo na yung moment," sabi niya habang nakaharap ang palad niya sa mukha ko. Sumilip naman siya sa likod ko bago ibinaba ang kamay at tumingin sa akin. "What salmon dish are you cooking?"
Binitawan ko ang bewang niya saka siya iginiya sa tabi ko. "Honey Garlic Salmon. Do you want to eat na?" I asked her. Umiling naman siya, medyo busog pa sila kasi kakakain lang din ni Martha ng snacks sa school niya according to her.
Napatango naman ako saka finlip ang isda. Nag-usap lang naman kami about work and the twins. Natatawa naman si Tere kada maik-kwento ko ang paghihirap na dinadanas ko kada iiwanan ko ng saglit ang kambal sa tatami mat.
"And as usual, ang sama pa rin ng tingin sa akin ni TJ." I pouted.
Mahina namang natawa si Tere. "Mukhang nakuha niya sa akin 'yon. According to Mom, when I was also a baby, I used to glare at my dad a lot of times," masaya niyang kwento.
"Inaaway niya ako, Tere," sumbong ko pa na tinawanan niya rin naman.
"Nako, ang bata, nagtatampo." Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Sakto namang pumasok ng kusina si Martha kasama ang dalawang bunso na nasa stroller pero gising na. Josh automatically smiled when he saw me, and TJ did the same to Tere.
"Hello, my baby boys. How are you? Inaapi niyo raw si Daddy?" pakikipag-usap ni Tere sa mga bata at isa-isa itong pinupog ng halik.
Lumapit naman sa akin si Martha. "Daddy, did you know, a boy, my classmate, called you gay?" Masama ang mukha ni Martha habang nagk-kwento.
Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya, kahit kailan ay hindi pa namin ipinapaalam kay Martha ang bagay na 'yon dahil pakiramdam namin ay bata pa siya. We both agreed na ik-kwento na lang namin kay Martha kapag ten years old na siya. So hearing her say that, caught me off guard.
"A-Anong nangyari?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.
"I punched him, Daddy," nakangisi niyang sagot sabay abot ng kulay puti na sobre na may logo ng school niya.
Nakakunot naman ang nuo ko nang makita ang pangalan ko bago ito binuksan at masinsinang binasa.
It was a letter about the issue and guidance plan of action due to Martha's doing. Habang nagbabasa ay iniisip ko kung ma-su-suspend ba ang anak ko pero hindi. The school even asked for forgiveness for what the student said and did.
I sighed and looked at Martha who's still smiling. "Martha... What your classmate said... is true or used to be true. Your daddy used to like boys as well," pagdadahan-dahan ko.
Akala ko ay mawawala ang ngiti sa labi niya but she remained smiling. "I know, Daddy. I know and it's okay with me po. I understand."
Natigilan naman ako saka naguguluhan pero parang nakahingang tinanong siya. "S-So, why did you punch him?"
Doon nawala ang ngiti niya. "Because I didn't like the way he said it, Daddy. He made it look like a bad thing even if it's not," matigas na sabi ni Martha.
Napatingin naman ako kay Tere na nanonood pa rin pala sa amin habang karga-karga ang dalawa. My wife just gave me a smile. To be honest, hindi ko alam ang sasabihin ko. I want to be happy because my daughter accepted me and defended me, pero hindi naman ako natuwa sa pamamaraan niya dahil baka maminsanan siya at mapahamak.
I let the topic go and proceeded to finish my cooking, si Martha naman ay nagsimula nang mag-set up ng lamesa and Tere placed the twins on the high chairs beside her.
We had dinner together and talked about school, work, and anything under the sun. Hanggang sa matapos na kaming kumain at naghugas si Martha ng pinggan bago nagpaalam para pumunta sa kwarto niya sa gumawa ng assignments.
Kami naman ni Tere ay nanatili sa sala kasama ang kambal sa tatami mat. JA is just smiling while sitting and looking at us, while TJ starts to crawl to Tere again and again.
"Still bothered with Martha's day?" tanong sa akin ni Tere. Napatingin naman ako sa kaniya bago napabuntong hininga at tumango. She gave me a small smile before she reached for my hand. "It's okay. She understood it, remember? What's there to be bothered at?"
I sighed once again. "Pakiramdam ko kasi nakakaapekto kay Martha yung meron ako noon. It might put her in danger because of standing for me, because of me."
Tere slightly squeezed my hand. "Hey, don't think like that. Naiintindihan ni Martha, tanggap ka niya, tanggap kita. Hayaan mo na lang yung ibang walang magawa. I'm sure Martha can handle that, nakita mo naman, nakasapak pa." Natawa si Tere. "Manang-mana sa ina."
Mahina rin akong natawa. "Mga savage," komento ko pa.
Nanatiling nakangiti sa akin sa Tere habang hawak pa rin ang kamay ko. "Just always remember, minahal kita noon kahit alam kong lalake ang gusto mo, pinakasalan kita, nagkaroon tayo ng tatlong anak, and it's all that matters. Mahal ka namin, ipaglalaban ka namin, so don't worry about anything else. Martha, Thierry, or Josh won't get in too much trouble because of who you are. Kaya kumalma ka lang ha?"
Napatango na lang ako habang nakatingin sa kaniya. I quickly leaned in to close the distance between us and gave her a peck of a kiss. "How luckier can I get?" I smiled at her.
Mahina naman siyang natawa. "We're both very lucky sa isa't isa at sa mga bata."
"Well, if I'm really lucky... Gusto mong sundan na yung kambal?" pilyo kong tanong kay Tere.
Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Ikaw, Martina, tigil-tigilan mo 'ko ha? Nakita mo nang ang hirap magpalaki ng anak eh," reklamo niya habang tinitingnan ang kambal na tahimik na naka-upo sa tatami mat, mukhang pareho nang napagod sa kakasubok na gumapang.
Mahina na lang akong natawa saka pinalapit si Tere sa akin at pinapatong ang ulo sa balikat ko habang tig-isa kami ng karga sa kambal. Sakto namang narinig namin si Martha na pababa mula sa second floor.
"Hey! Ako rin, sama!" natatawa niyang bigkas habang papalapit sa amin saka pumagitna sa amin ni Tere. "I love you, Mommy." She gave her mom a kiss on the cheek and did the same to me. "I love you, Daddy."
"We love you too, Martha," sabay naming sagot ni Tere. Bigla namang lumingon sa amin ang kambal na para bang naghihintay din ng I love you. We gave them a kiss on their foreheads. "We love you too, baby boys." Sabay namang napangiti ang kambal.
"Mommy, Daddy, kayo rin po. Say I love you to each other din po," request ni Martha.
Pareho naman kaming natawa ni Tere saka tumingin sa isa't isa.
"Mahal kita," she said, which took my breath away.
"Mahal na mahal din kita," sagot ko sa kaniya.
"Will always be yours," sabay naming bigkas.
H | Z
May isa pang SC, would you want to read it? Ang timeline ay matatanda na ang tatlong makukulit. <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top