SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER - PARIS FASHION SHOW
THERESIA'S POV
"Fairies! Fly faster! Come on!" rinig kong sigaw ni Martina sa mga alitaptap niya.
I busied myself with the racks that I have to check for myself and syempre yung mga abubuts ko mamaya sa show.
Suddenly, I felt his arms encircling on my waist and his chin placed on my right shoulder. "You okay?" bulong ni Martina sa akin.
Bahagya akong lumingon and saw how short our distance was. Nagulat naman ako nang bigla siyang nag-lean forward, making our lips meet.
"Ayan, para mabawasan ng kaba ko para mamaya," bulong niya saka ngumiti bago bumitaw sa pagkakayakap sa akin at bumalik sa pagpapa-panic sa mga alitaptap niya.
Naiiling na lang ako habang nakangiti. Ever since that moment sa airport, kulang na lang ay itali ako ni Martina sa kanya para daw 'di na ako lumayo. Bigla na rin pinaayos ni Martina ang mga papeles para sa pagpapagamit kay Martha ng apelyido niya, and we also decided about our house.
About the wedding, wala naman masyadong issue. Hindi naman ako mapili pagdating doon at sumabay pa 'tong pagiging busy namin sa magkasunod na fashion show ni Martina.
I'll be the last model, just like the first fashion show. Kaya hindi lang ako fashion advisor kundi maglalakad din sa entablado. Martha wanted to come together with Jester and my parents, but because of Dad's sudden meeting with the investors, baka malate sila at huling part na ng show ang abutin nila.
"Ms. Myers, proceed na po kayo sa make-up room para po maayusan na kayo," yaya sa akin ni Maecel.
By the way, alam na ng mga alitaptap ni Martina ang tungkol sa amin and they're happy about it. Jowa lang naman ang nagbago sa kanya. Siya pa rin naman ang Fairy Queen nila.
Pumasok na ako sa loob ng make-up room at solong inayusan ni Charlotte.
Bigla namang pumasok si Paris sa room at mukhang nagmamadali na kinausap si Charlotte. "Char, pinapa-switch nung mga direktor yung pagkakasunod-sunod."
"Ano? Akala ko ba summer collection ang laging mauuna?" problemadong tanong ni Charlotte.
Napakamot naman ng batok si Paris saka napatingin sa akin at napayuko. "Hello po, Ms. Myers."
Ngumiti naman ako saka nagtanong. "So, ano raw ang uunahin?"
"Evening gowns daw po muna, mas prefer daw 'yun ng madla para serious to go-go outfits," pagpapaliwanag niya.
Tumango naman ako saka tumayo. "Tapos na akong ayusan, right?" tanong ko kay Charlotte.
"Yes po, Ma'am. Kaya lang for summer po kasi yung makeup niyo."
Tumingin naman ako sa salamin. "Nako, okay lang 'yan. 'Di na nila mahahalata 'yan. We have to move fast, I can handle myself. Alalayan niyo na lang yung ibang models," sabi ko sa kanila habang nilalapitan ang rack ng susuotin ko.
Tumango naman sila at nagpaalam bago lumabas ng room. Since ako ang huling lalabas, white ang naassign sa akin na dress na may trails na kulay red. Kumbaga naging ombre simula sa may hita pababa. White to red. Napangiti naman ako dahil kaming dalawa ni Martina ang gumawa nun.
Maliban sa kulay na ikinaganda ng damit, off shoulders din 'yun at asymmetrical ang skirt. I'll be wearing red ankle straps with it and a silver bib necklace. Binraid muna nila ang buhok ko bago i-low bun at lagyan ng silver shiny hair pins.
Isinuot ko ang mga kailangang isuot bago nakarinig ng katok mula sa labas. "Ms. Myers, ready na po?" rinig ko ang boses ni Charlotte.
"Yes, yes! Wait," sigaw ko saka lumapit sa pinto para buksan yun.
Nakita ko namang napangiti si Char nang tumingin sa akin. "Bagay na bagay po kayo ni Fairy Queen."
Mahina naman akong natawa. "Thank you."
Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa backstage. Nakalinya ang mga models na nasa harap ko at lahat ay white and red ang theme. May mga lalake at may ilang mga babae. Mahaba-haba ang runway dito kumpara sa naunang fashion show ng MG Styles kaya naman—Kaya mo yan, Tere! Heels pa more!
Tumunog na ang naka-assign na tugtog for this collection at nagsimula nang gumalaw ang pila. Papalapit nang papalapit sa mismong stage, kinakabahan ako nang kinakahan. Paris na 'to, Tere. Don't mess this one up. It's for Martina.
I took a deep breath as I closed my eyes. Idinilat ko lang ito nang mapansin kong time ko nang lumakad.
I was expecting a lot of cameras to flash around. B-But... what I saw surprised the hell out of me, I couldn't walk properly. I stood there in the middle while looking around the room.
Lumapit sa akin sila Mommy at Daddy. Mom even wore me a veil, and Dad gave me a bouquet of roses and sunflowers.
"A-Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanila, but they both didn't dare speak and just gave me a smile.
There weren't french people or some strangers on the seats where the audience should be, but friends and families on both of our sides.
I saw Martha in front of me waving her hand before she turned her back on me and began walking while throwing away petals of flowers.
Nagsimula na ring maglakad sila mommy kaya wala akong choice kung hindi ay sumabay. The guests were all giving me a warm smile, and I even saw Coffee, Juliana, Jester, and Trecia.
Ngayon naman ay sa harap na ako tumingin. There was a small altar there with a priest standing behind it.
At sa gilid noon ay may nakatayong lalake na nakasuot ng red and white tuxedo. He was smiling at me while waiting for me.
I thought this was a fashion show, just Martina's Paris fashion show, but I never knew that this is where and when I'll be officially tied to this gay in front of me.
"Alam ko na noon pa lang kayo na talaga eh," komento ni Dad bago ako bitawan at nangingiting lumayo sa amin kasama si Mommy.
I glared at Martina without losing my smile. "Anong kalokohan 'to?" pabiro kong tanong.
"Ito yung kalokohan na magtatali sayo sa akin." He winked before the both of us faced the priest.
"Dearly beloved guests, we are all gathered here to witness the matrimony of this couple presented to us..."
Hindi ko na pinakinggan masyado ang sinasabi ng pari dahil nagsisimula nang bumalik sa isip ko ang mga alaala na magkasama kami ni Martina. Simula nang magkita kami para ipakilala sa isa't isa, hanggang sa may mangyari sa amin na nagbunga ng isang napakagandang anak, yung mga pagtatalo, selosan, at kung ano-ano pang kalokohan, hanggang sa magkaaminan.
Lahat yun mahalaga para sa akin at hinding-hindi ko makakalimutan. It was a wonderful and crazy life I shared with Martina, at mukhang hanggang sa mga susunod na taon ay mas lalo pang magiging magulo ang pagsasama namin. But it doesn't mean we'll give up on each other. Like he said, hindi ko na siya pakakawalan pa.
"John Martin Gill, do you take Theresia Myers to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?" rinig kong tanong ng pari.
Ngumiti naman sa akin si Martina saka sumagot. "I do."
"Theresia Myers, do you take John Martin Gill to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?"
Ako naman ang napangiti saka inalis yun at sinamaan ng tingin si Martina. "I don't."
I heard people gasp and Martina's eyes grew wider. "T-Tere naman—"
"Ayan ka na naman," cut off ko sa kanya. "Patapusin mo muna kasi ako." Huminga ako nang malalim saka ngumiti ulit. "I don't... wanna lose you again. I don't want anyone to have you again. So yes, father. I do take Martina to be my husband—or wife."
The guests chuckled and so did we. May ilang paligoy-ligoy pa si father hanggang sa marinig ko na ang pinakahihintay ko. "I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!"
Agad kong tinanggal ang veil ko at isinuot kay Martina bago ko inangat para halikan siya. I didn't give my full attention to the people around us anymore and focus on the person I'm currently kissing.
When we're out of breath, sabay kaming bumitaw. As we cupped each other's faces and stared lovingly at each other, we said those cherished words.
"Mahal kita, Tere."
"Mahal na mahal din kita, my John Martin slash Martina."
And our lips met once again. An indeed memorable Paris Fashion Show.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top