EPILOGUE


EPILOGUE

MARTINA'S POV

Three years. Three years na kaming kasal, three years na simula nang mag-propose kami sa isa't isa, at three years na rin simula nang legal nang gamitin ni Martha ang apelyido ko.

The moments, the favorites, the worries, and the love. Being the biological father of Martha explains it all. And as of now, I won't be just Martha's father, because right now—

"Martina!" sigaw ni Tere habang nakahiga sa wheeled stretcher.

"T-Teka lang naman. 'W-Wag kang sumigaw," natataranta kong sabi sa kanya.

She screamed again. "'Wag na 'wag kang lalapit sa akin at sasabunutan kita!" sigaw niya pa lalo kaya mas napraning ako.

"H-Hinga ng malalim. Ginagawa mo na 'to noon kay Martha, d-diba? Kaya mo 'to—"

"Magkaiba 'to! Hindi ka na ulit makakaulit, Martina!"

Bigla naman akong kinabahan. "'Wag ka namang magbiro ng ganyan. Dahil lang 'yan sa sakit, diba? K-Kumalma ka. G-Gusto mo rin namang may nangyayari sa 'tin, diba—"

"Manahimik ka—" Tere screamed again. "Lalabas na yung bata!"

Mas binilisan namin ang pagtakbo sa delivery room.

"Grabe naman makasigaw si Ate. Hindi naman siya ganyan noon ah," loko ni Jester.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Akala ko ba kapatid ka, ba't ka ganyan makapagsalita?"

Mahina siyang natawa. "Anong gusto mong gawin ko? Sumigaw rin katulad ni Ate?"

I rolled my eyes and didn't mind him. I was pacing back and forth while waiting for Tere. Napag-usapan na kasi namin toh noon. Ayaw niya akong pasamahin sa loob ng delivery room. We even argued about that. I already missed Martha's birth tapos pati ba naman yung pangalawa kong anak?

But she kept pushing that it's a surprise, so I let it go. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya at ngayon eh ako ang kinakabahan.

According to what I've searched, fifty-fifty ang buhay ng mga babae kapag nanganganak. Jusmiyo, Tere! Siguraduhin mong ayos ka lang dahil sasabunutan din kita kapag 'di mo kinaya yan!

Kung ano-ano na ang naiisip ko dahil sa kaba. Si Jester lang ang kasama ko dito dahil nagpaiwan sila Mama sa bahay kasama si Martha. Si Trecia naman ay papunta na rin dito at nalate dahil may inasikaso pa.

"Hello? Nasaan ka na? Sunduin na lang kaya kita... Oo na, oo na, pasalamat ka talaga at mahal kita." Mahinang natawa si Jester. "'Wag ka nang tumanggi, alam ko rin namang mahal mo 'ko... Asus! 'Wag kang mag-alala, loyal ako sa Tatlo." Tumawa na naman siya. "Sige na, sige na. Ingats ka," sabi ni Jester bago ibinaba ang tawag at nakangiting tumingin sa akin.

"Kelan ang kasal?" tanong ko sa kanya.

"Malapit na. Basta imbitado kayo," natatawa niyang sagot.

"Malapit na? Eh akala ko ba 'di ka pa rin niya sinasagot?" I flatly said.

Bigla niya naman akong inakbayan. "Susundan ko yapak mo, bayaw. 'Wag nang girlfriend-boyfriend, kasal agad. Doon din naman ang punta."

"Ako kasi may anak nang iintindihin—"

"So, dapat magkaanak na rin kami ni Tatlo—"

May bigla namang papel ang humampas sa ulo ni Jester. "Anak ka dyan, tigil-tigilan mo 'ko, Ivan. And how many times do I have to remind you that my name is Trecia and not Tatlo?" seryosong tanong ni Tres.

At nagsimula na ulit silang magtalo. Not really away, more like lalandiin ni Jester ang kaibigan ko at tatarayan naman siya ni Tres.

It took us about six hours while waiting for Tere. Hindi ko alam kung ilang beses nagpabalik-balik sila Tres at Jester mula sa waiting area at sa canteen bago tuluyang lumabas ang doktor na nag-aasikaso kay Tere.

"Doc, anong balita? Kumusta ang mag-ina ko?" agad kong tanong sa kanya.

"Your wife lost consciousness after delivering your second son," nakangiting sabi ng doctor.

Natigilan naman ako. "S-Second?"

"Oh, you didn't know? My bad." the doctor softly laughed. "Your wife is just exhausted but the delivery went well. Ililipat na namin siya isang private room while your babies will be taken to the nursery room for further observation before we bring them to you," she explained before she bid goodbye.

"B-Babies?" pabulong kong tanong sa sarili.

"Wow naman, bayaw! Pagkatapos ni Martha, nakadalawa ka kaagad ha," pabirong sabi ni Jester pero 'di ko naman pinansin.

Second son? Kambal na lalake?

Ang galing mo naman, Martina!

Ilang saglit lang ay nakita ko nang papalabas si Tere ng delivery room na walang malay. Sinundan ko agad siya pero agad ding napatigil nang makita kong kasunod niya ang mga anak namin.

Welcome to our world, Thierry John and Josh Adrielle.

Umalis na sila kasama ang mga naka-assign na nurse at patakbo akong sumunod kay Tere. When we entered her room at maayos na siya nailipat sa kama ay agad akong tumabi sa kanya, at pareho namang naupo sa may sofa sina Tres at Jester.

"Hey, Tere..." I whispered as I caressed her hair. "Thank you for giving me more reasons to be happy." I smiled when I heard her soft snore. "You're probably exhausted from those chubby kids. Rest muna, mahal ko."

"Sabihan ko na pala muna sila Mama, bayaw," paalam ni Jester sa akin bago lumabas ng kwarto.

Si Trecia naman ay lumapit sa akin. "So this is what I would've missed kung hindi pa ako nakinig noon kay Jester."

Mahina naman akong natawa bago tumango. "Edi hindi mo sana makikita ang mga inaanak mo."

"True," sagot niya bago kami nabalot ng katahimikan.

"Ikaw? Still no plans of settling down?"

She sarcastically laughed. "I'm still twenty-five, Martina. I still don't have to be like you."

"And Jester?"

Napatingin siya sa akin. "What about him?"

"You know what I mean, Tres," I seriously pointed out.

She sighed. "Still not sure about that, Martina." Pinilit niya namang ngumiti. "By the way, sabihan lang daw natin si Fel at a-attend din daw siya ng binyag."

"Aba buti naman. Akala ko sa kasal lang niya balak magpakita eh." I chuckled, remembering our other best friend, Feline Morse.

Sabay kaming natawa ni Tres at sakto namang idinilat ni Tere ang mga mata niya.

"Hey... Kumusta ang pakiramdaman mo?" I asked her as I moved strands of her hair that were covering her face.

"Y-Yung mga bata?" she softly asked.

"Healthy and handsome like me," sagot ko saka ngumiti.

She mumbled words I cannot understand kaya tinanong ko ulit. "Sabi ko ang hangin mo," bulong niyang ikinatawa ko.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya sabay-sabay kaming napatingin doon. Unang pumasok si Jester at kasunod naman niya ang mga sanggol. Tig-isa kami ni Tere ng karga-karga.

The little guy smiled when he saw me and tried to reach for my hand. I felt my whole life got better and better because of them. Tiningnan ko naman si Tere at nakangiti rin siya habang tinitingnan ang tulog na bata sa braso niya.

Hindi pa nakumpleto ang pagiging makulay ng buhay ko dahil ilang saglit lang ay pumasok ang pitong-taong gulang kong anak habang nakangiti at patakbong lumapit sa kama ni Tere. Kasunod niya ang mga magulang namin ni Tere.

"Mommy! Daddy! Are they handsome like Daddy?" excited na tanong ni Martha sa amin habang pinipilit na abutin ng tingin ang mga kapatid niya.

"Of course naman, baby. Daddy made your brothers very handsome," pagmamalaki ko.

Nakita ko namang sinamaan ako ni Tere ng tingin. "Bakit ang hilig mong magsinungaling sa harap ng anak mo?"

I rolled my eyes before I smirked. "Don't me, Tere. Gwapong-gwapo ka kaya sa akin, wag mo nang i-deny pa."

"Napaka-feelingera pa rin hanggang ngayon," she scoffed. Lahat tuloy ng tao sa kwarto ay natawa.

"Hanggang ngayon, nagbabangayan pa rin kayo?" natatawang tanong ni Mama Jacy.

"Nako, Ma, lambingan na ata nila 'yan," loko naman ni Jester. Natawa ulit kami.

Binuhat naman ni Jester si Martha kaya mas nakita na niya ng maayos ang mga kapatid. "Mommy, ano pong name ng little brothers ko po?" she cutely asked.

Tere smiled saka tumingin sa batang hawak niya. "This is Thierry John—"

"And this is Josh Adrielle," pag-cut off ko kay Tere na agad din naman akong sinamaan ng tingin.

"Sinabi nang 'wag 'yan eh," reklamo niya.

I glared at her. "Hindi naman kita pinigilan sa Thierry John mo ha," sagot ko.

"That's because may connect ang ipinangalan ko. Thierry like Tere and John from John Martin," pagpapaliwanag niya. "Eh ikaw? Bakit mo pinagpipilitan 'yang Josh Adrielle mo?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Pangalan ng crush ko," sagot ko.

Narinig ko namang natawa yung mga tao sa loob ng kwarto bago nagsalita si Tere. "Tingnan mo! Ipapangalan mo 'yung anak natin sa crush mo. Jusmiyo, Martina!"

Hindi ko na lang siya pinansin at nakipaglaro na lang kay Josh na ngumingiti kapag isinasayaw ko.

This is the happiness I've always wanted. Ito nga siguro talaga ang dahilan kung bakit ko hindi makayang sabihan ng I love you too si Noah o kahit man lang pumayag sa gusto niyang kasal. Maybe the sole reason because of this woman who gave me three beautiful gifts.

I can now say that my life is complete and happy with three kids and a beautiful wife who owns an entrancing smile.

~The End~

To my real-life Martina and Tere, thank you so so much for letting me write your story. Para sa inyong dalawa ito.

Don't worry. Since you asked me to write your love story, I will protect it with all my heart. 

Love you, guys! Continue to shine and be happy. <3

Love, Hadlee

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top