CHAPTER FOUR


CHAPTER FOUR

THERESIA'S POV

"So, ano ngang nangyari sa 'yo pagkatapos mong magshulupi dati?" tanong na naman ni Martina sa akin.

Nasa loob na kami ng office niya. Akala ko talaga puro pink yun pero black and white ang theme ng office niya. "Wala ka ba talagang maalala?" pagsisiguro ko.

"Ang alam ko lang naglasing tayo sa bar and then nakauwi pa tayo pero 'di ko maalala kung paano at kung anong nangyari after that. Tapos paggising ko kinabukasan, super hurting ng aking body and brain." Halata sa mukha niyang kahit siya ay naguguluhan. "Ikaw ba? Anong naaalala mo?"

Napabuga naman ako ng hininga saka ngumiti sa kanya. "Lasing na lasing tayo tapos paggising ko nasa kwarto ko na ako," I lied flawlessly. "And of course, masakit ang katawan at ulo." Pati na ang sentro ng pagiging babae ko.

Of course, I can now clearly remember that night. Kung anong nangyaring milagro sa amin. Kung paano naging lalake si Martina nang gabing 'yun. Kung anong klaseng kalokohan ang nangyari sa amin.

Nakatitig lang sa akin si Martina. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya at pumwesto sa tabi ko — sa sofa niya.

Nang pumasok kami sa office niya ay umupo kaagad ako sa sofa na medyo malayo mula sa desk niya.

Iniiwasan ko kasing mahalata niyang apektado ako masyado sa kanya. Jusmiyo naman, lalake ang gusto niya tapos malalaman niyang may pagnanasa ako sa kanya.

"Tere, ba't ang layo mo?" Medyo natawa pa siya sa tanong niya.

Nasa tabi ko na siya at ang lapit niya masyado. Hinawi niya ang buhok kong nasa mukha ko. Aware akong lumalapit ang mukha niya at kahit gustuhin ng utak ko na ilayo ang mukha ko ay kusa pa rin itong lumapit.

"How dare you forget the night we shared, Tere?" he whispered on my lips. "That moment haunts me in my sleep for years and you're telling me that you forgot it?" He looked at me intently. "How about I make you remember?"

"M-Martina..."

"You know that's not what you screamed that night."

Ngayon ko lang narealize na nakahiga na pala ako sa sofa at nakapatong siya sa akin. "J-John Martin..."

He smiled at me. "More like it."

I felt his lips against mine. At first, I didn't want to respond but my body did otherwise. I wrapped my arms around his neck and deepened the kiss.

"Sh*t, Tere. You're driving me crazy," he said between our kisses.

I closed my eyes to feel him more. I love the way he kisses me. I love the way he takes my breath. I...

"Tere..."

"Hmm?"

"Don't leave me again," he whispered in my ear as his lips kissed my neck.

"Ah... Never. Hmm... Never again." I'm losing my breath.

"That's good. Coz you're mine." He kissed my lips again and I fought back.

"Hmm..."

"Tere?"

"Yeah?"

"Tere!" I heard him shout.

Agad akong napadilat at napatingin sa paligid. Sh*t!

"Huy, babaita! Jusko! Ano bang nangyayari sayo?" sigaw ni Martina. Nakaupo pa rin siya sa swivel chair niya.

W-Was I daydreaming? Pero bakit naman ganon!

"Tere, kung 'di ka okay pwede ka naman nang umuwi. Ihahatid na kita sa inyo," alok ni Martina sa akin.

"H-Ha? 'W-Wag na. Kaya ko naman ang sarili ko. Saka pwede naman akong magpasundo sa driver namin." Ayokong tumingin sa kanya dahil panigurado mahahalata niya lalong namumula ang mukha ko sa hiya.

"Sigurado ka, girl? Mukha ka talagang 'di okay."

Akmang tatayo si Martina nang pigilan ko siya. "Dyan ka lang, bessy." Halata sa mukha niyang naguguluhan siya sa sinasabi't ginagawa ko. "A-Ano kasi... Balita ko kay Charlotte, ilang araw na raw kayong busy sa pagde-design ng mga damit kaya naman magpahinga ka na dyan. Ano... Aalis na ako. Thank you." Tumayo na ako at tuluyang lumabas ng office niya.

Jusmiyo ka, Tere! Anong klaseng kahalayan 'yun‽ Sumosobra ka na ha!

~•~

MARTINA'S POV

Ano bang nangyayari sa babaitang 'yun? Parang noon lang eh palaban yun ah. Ba't parang tulaley na madalas?

Gusto ko lang naman makipag-catch up ih!

I stared at the papers on my desk. I've decided na mag-check na lang ng mga papeles na kailangang pirmahan. I kept myself busy para naman hindi ko masyadong maisip yung mga problema.

Noah wants to level up our relationship, which I still can't give. There's the coming runway na maipakikilala na talaga sa buong mundo ang MG Styles, and then Tere is back, yet she seemed distant.

Hay! Andami namang ganap in my life!

"Charlotte, bring it in," salita ko sa intercom.

Ilang saglit lang ay pumasok na si Charlotte dala-dala ang wheeled rack na puno ng mga damit. "Fairy Queen, ito na po yung para sa Summer Bloom. Swimsuit pa lang po 'yan. Ia-assign na po ba natin sa models ang mga damit po?"

"Sure sure. Send Maecel and Paris in, I wanna hear your comments to distinguish who will wear what," I told her and she nodded before she went out of the room.

Hmm... Ano kayang ipapasuot kay bessy?

Tumayo ako at nilapitan ang mga damit sa rack. Dala-dala ko rin ang clear book ko na may designs ng para sa Evening Fate at Mid-Day Fun.

Tere, Tere... What would make you look best?

I stared at the red one-piece swimsuit. Kita roon ang tyan at likod ng sino mang magsusuot nun. Natatakpan ang private areas ng babae pati ang tagiliran nila. It has a plunging neckline that will surely let people see the woman's side boobs. It's perfect for those confident women that also aim to seduce someone.

Bigla ko namang naalala si Tere. What if siya ang magsusuot nito?

The image was clear on my mind and I felt heat taking over my body. Bigla naman akong napatingin sa aking dear junior. "Oh my! Oh my! Bakit ka nakatayo, junjun? Hindi naman lalake si Tere ah!" pagkausap ko sa nasa baba ko.

Nakarinig naman ako ng katok mula sa pinto, agad akong kumuha ng shawl para itali sa may bewang ko at nang maitago si junjun, bago ko sila payagang pumasok.

"Tell me what you think about the models," utos ko sa kanila habang nakatingin pa rin sa mga damit. Nakakaloka naman 'tong si junior! Ayaw kumalma!

Nag-umpisa nang magsalita silang tatlo. Inisa-isa sila simula sa model number one kanina, hanggang kay Tere.

"As for Ms. Myers, all of the outfits would fit her," sabi ni Maecel na agad sinang-ayunan nung dalawa.

"I agree, but making her wear one of the swimsuits—"

"No. No. Don't make her wear any swimsuit." I quickly cut off Paris' line. Hindi pwede! Agad naman silang tumingin sa akin. "I — I don't think it'll fit her. Chachaka ang reputasyon ng bessy ko kapag pinagsuot niyo siya nun. Mas okay nang magmukha siyang dalagang Pilipina, yeah," pagdadahilan ko.

Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanila at nag-focus na lang sa mga designs. Hindi ko rin alam kung bakit pero ayokong makitang naka-two-piece siya. I bet she'll look ravishing on it but imagining other men looking at her with lust disturbs me.

Ano bang nangyayari sa akin? Myghad!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top