Prologue
Life is always unfair.
Hindi garantiya na pag nagsumikap at ginawa mo ang lahat ay sasaya ka. Hindi porket pakiramdam mo nasayo na ang lahat ay ayos na. People tend to want more. That's a nature within us. Tawag sa mga taong mapaghangad? Inggitera.
Kung tutuosin, inggitera rin ako. Minsan. May oras na kontento ako, madalas hindi.
Normal lang din siguro na maghangad ng mahabang buhay? O kahit maiksi pero masaya. Walang patid na saya. 'Yung minu-minuto tumatawa ka-- pero nakakapagod din 'yon. Bukod sa magmu-muka kang may ubo sa utak, ay baka maimmune ka na sa saya at hindi maging handa sa kalungkutang hatid ng tadhana.
--
10 years ago
"She's terribly ill Ma'am. She can't live the normal life that you want," anunsyo ng panglimang doktor na pinuntahan namin.
"But Doc, What's the use of my daughter's presence in this world if she can't have a normal life?"
Bigong yumuko ang doktor at handa sa nagbabagang galit ng Mommy ko. Umiwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi. I already accepted my fate and it will never miraculously disappear if I wish it to be. Si Mommy lang itong hindi maka-move on. Siya itong hindi makatanggap.
"What do you want me to do, huh? Lock her in and as you said never let her go out because she can't get tired!? You're so stupid for a doctor! You're not worth to be called Doctor. We will find a best Doctor than you, even if I need to search the whole world to find a person who could heal her!" Sigaw ng Mommy ko. Mahigpit ang pagkakahawak ni Mommy sa kamay ko at nanginginig iyon. Alam kong nagbabadya ang pagluha niya kaya pakiramdam ko ay may sumisipa sa puso ko.
I feel sorry for the Doctor so I gave him a light smile to ensure him that it's fine and I am sorry for the way my Mother behaved.
"Pero Mrs. Montalia kahit sa'n ka pumunta ganoon pa rin ang sasabihin ng mga Doctor na tulad ko. Her case is different at wala pang naimbentong gamot o paraan para gumaling ang sakit niya. I suggested that you prepare yourself for the day she will..be gone."
And again, it's fine. Lahat naman ng tao mamamatay. Mapapaaga nga lang ako.
"Pinapranka na kita Mrs. Montalia pwede siyang mawala a minute after? Month? Years? Anytime pwede siyang mawala Madam. Maaari rin na lumabas ang mga symptoms anytime like headache, passing out, being paralyzed for a minute, magkakaroon din siya minsan ng red spot at marami pang iba. I will give you some medicine for the symptoms to minimize the pain pero hindi mawawala ang sakit. Babawasan niya lang ito. Most of all symptoms ay mas doble ang sakit na makukuha niya kesa sa ordinaryo."
Nagsimulang pumatak ang mga luha sa mga mata ng Mommy ko nang marinig niya iyon. Hindi ko alam ang sakit ko noon. Because at the age of 9 years old, I don't know that I am living with a cureless disease. That is the first time I've seen my mom cried out for losing hope and even my dad.
Sa araw na iyon ay siyang lipad namin patungo sa America. Gusto ng mga magulang kong magamot ako at ang libutin ang buong mundo para sa gamot ko ay napakaliit na bagay lang. Marami kaming pinuntahan pero pare-pareho lang ang sinasabi nila.
"She have brain psyparacitic tumor.
Her situation is incurable. I'm so sorry but we can't do anything to save her.
The England experiment lab are still analysing that kind of sick but It'll gonna take a long time to discover a medicine and therapy for her case, and I'm losing my hope because the virus is quickly spreading through her body. I can only give you a tablets for the pain and I can only give her a lot of prayers. "
Pagod na akong paulit ulit marinig ang mga salitang iyan. Nakakasawa.
14 years old ako nang magsimulang lumabas ang mga simtomas na sinasabi nila. Tulad na lang ng matinding pagsakit ng ulo, minsan din ay bigla-bigla na lang akong nahihimatay o kaya mapa-paralyze kapag napapagod, may insomnia rin ako. Nagkaka-red spot na pinapatungan ko na lang lagi ng make up. Unti-unti na rin nag bago ang buhay ko.
Hindi ako pwedeng lumabas ng bahay kung wala si Mommy o Daddy. Hindi rin pwedeng maglaro o gumalaw-galaw. Pakiramdam ko useless ako. Pakiramdam ko wala akong kwenta.
Lumipas ang mga taon nababawasan na ang mga sintomas pero kapag sinumpong ako mas malakas at mas masakit ang epekto.
Sabi nga ng iba ang swerte ko raw dahil naka-abot ako ng 18 years. Hindi nila alam ang sakit na tiniis ko sa loob ng labing walong taon na iyon. At ang mas masakit ay 'di ko kayang magkaroon ng simpleng buhay tulad ng iba. Kahit paghawak sa langgam ay di ko magawa.
Hanggang sa isang araw napag pasyahan ko na lang na kung mamamatay rin naman ako, gusto ko.. bago mangyari 'yon mamumuhay muna ako ng normal. Gusto kong umuwi ng Pilipinas at doon mag simula. Gusto ko rin gawin lahat ng kaya kong gawin habang buhay pa ako.
Ako si Titania Jelyn Montalia at samahan niyo ako sa paggawa ng mga bagay na unang beses at magiging huli kong gagawin sa buhay ko, with my dying time.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top