chapter 8 of her dying time


-jelmine

Jelyn's POV

Nagmulat ako ng mata dahil nakaramdam ako ng malamig na bagay na dumadampi sa iba't ibang parte ng muka ko.




Gusto kong ngumiti dahil si Nathan ang una kong nabungaran pero napabuntong hininga ako dahil naalala ko ang ginawa nya sakin.



Sya si King.





May hawak syang bimpo na basa at pinupunas yun sakin.




Medyo napapitlag sya nang makita akong gising na at naka titig sakanya. Agad nyang binaba ang hawak nya at...



"J-jelyn ok kana ba?... May masakit ba? Sabihin mo idadala kita sa hospital- no tatawag muna ako ng ambulansya. Tsaka sorry dun sa pag sisinungaling ko. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Kung gusto mo araw araw mo gawing service yung likod ko pag tinatamad kang maglakad at-"






"Hahahahahaha!"






Napapikit ako habang tumatawa dahil sa naging reaksyon nya. Gusto ko sanang  magalit sakanya kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag tawa.


Ngayon ko lang sya nakitang mag panic ng ganyan. Sunod sunod ang pag sasalita nya. Haha. Tsaka parang guilty na guilty sya.




"Hey, why are you laughing?"

Seryoso nyang sabi bago namula dahil mukang narealize nya ang kanyang ginawa. Patuloy lang ako sa pagtawa. Hindi alintana ang nakamamatay nyang tingin.


"It's not funny!  By the way how's your feeling? Dizzy?you need something? Water? Food? Name it."

"Pfft... Hahahaha!"

Napahawak ako sa tummy ko dahil sumakit ito kakatawa. Para kasing hindi si Nathan ang kaharap ko. Parang isang maling galaw ko mag papanic sya.


Tumigil ako sa pag tawa at pinilit na pinaseryoso ang muka ko na na gawa ko naman.
Gusto kong asarin ang lalaking ito. Aba, minsan lang sya maging ganyan kaya lulubusin ko na.

Tsaka hindi ko naman kayang magalit sakanya. Sya lang ang kaibigan na pinag kakatiwalaan ko dito sa Pilipinas.


"Hmmm. I want... I want a chocolate marshmallow then buy me a jar of gummy bears. Gusto ko violet lahat."..



"Ok. Pero hindi ka kaya mag ka diabetes dun?"



"Umaangal ka?"




"  I'll be right back. Wait for me."




- ngumiti ako nang tumalikod sya at nag lakad paalis.

^_^

Ang galing ko.


Makakakain narin ako ng marshmallow ulit at mga gummy bears. Hindi ko narin kasi nabibigyan ng time ang sarili ko para kumain nun. Pero ngayon at medyo nauuto ko pa si Nathan susulitin ko na.


Mag papakabusog ako gamit ang wallet nya. Hehe.





Humiga muna ako sa kama ni Nathan. Yes, nandito ako sa room nya. At ang sarap huminga dito dahil parang kinulong dito sa kwarto ang amoy ni Nathan.




Ang naaalala ko nakikipag away ako kay Nathan ng biglang sumakit ng todo ang ul-

O_O



OMyGosh!

Napaupo ako ng biglaan at
Nag palinga linga ako para mag hanap ng sign.

Sign na kung may doktor ba na pinatawag ni Nathan para tignan ako dahil nga nahimatay ako. Medyo naka hinga ako ng maluwang dahil mukang malinis naman.




Pag may doktor kasi na iche-check up ako hindi maiiwasan na inspeksyonin ako at ibig sabihin lang nun malalaman nya ang sakit ko. At sasabihin iyon kay Nathan.



Pero mukang ilang oras lang ako nahimatay. Not enough time para matest ako ng doktor.


Naglibot libot ako sa kwarto nya para hanapin yung bag ko. Nang makita ko yun ay kinuha ko ang gamot ko bago uminom ng isang pirasong gamot.




Masyado lang akong napagod kanina. Buti nga pag ka himatay lang ang natamo ko. May mas malala pa kasi dito.



Pabagsak ako humiga sa kama ni Nathan.  Then maya maya tumayo din ako dahil nakakapagod. Pumunta ako sa CD player at nag halungkat ng magagandang CD.
Nag ningning ang mga mata ko dahil may nakita akong CD ng Frozen. Mabilis ko itong kinuha bago isinalang..





....

Nag lakad ako papunta sa kama ni Nathan.. Umupo ako dun bago tinutok ang atensyon sa pinapanood.









Loko yung nathan na yun ah, hindi ko alam may hidden desire rin pala sya sa frozen.






Cool.
.







Actually, astig naman ang frozen. Lalo na pag kumakanta si Elsa... Syempre nakiki duet din ako.  Minsan nga napag tripan kong bumili ng life size statue ni Elsa at Olaf then yung kwarto ko pinuno ko ng pekeng snow at kung ano ano pang gamit ang nakita ko sa frozen kaya in the end yung kwarto ko naging tambayan ng mga gamit ni Elsa.







Isa pang pinaka favorite kong cartoon character ay si Dora. Mas astig sya dahil kahit anong tambling ang gawin nya wala man lang humihiwalay na strand ng buhok nya... Hindi man lang nagugulo. Tsaka pag nakita ko yung batang lakwatserang yun kakalbuhin ko talaga sya.















Tapos ako na ang partner ni boots sa mga adventure. Woo!





Anyway tinatamad pa ako.. Next time nalang.





Kinuha ko ang little notebook ko at tinignan ang must do list ko.
Ayokong sayangin ang araw na ito sa panonood lang. Gusto kong matapos lahat ng nasa listahan ko. Kahit yun lang ang magawa ko magiging masaya ang pag kamatay ko.

..

..

Hmmm.. Lets see..

Ngumiti ako nang makita ang susunod bago ko ito sinara at pinasok sa bag ko. Tumayo ako at pinatay yung TV. Naglakad ako palabas ng kwarto.







Hindi ko na hihintayin si Nathan. Ang bagal nya eh.





Nakita ko kanina na may malapit na park dito kaya nilakad ko nalang..
Habang nag lalakad ang dami kong nakikitang sweet couples na nag lalakad.. Ang cute nga eh. Nakakainggit.


..

..

Patalon talon akong nag lakad nang makarating ako sa park. Ang ganda dito. Madaming batang nag lalaro, maraming upuan, at swing at syempre hindi makukumpleto ang lahat kung walang dirty ice cream.









Luminga linga ako para mag hanap ng pwesto. Ngumiti ako at nag lakad papalapit sa isang puno na malaki. Umupo lang ako dun at pinag masdan ang mga bata at ibang teenager na mag babarkada..



Sana mag karoon ako ng ganyang kaibigan. Yung tiponang habang nag lalakad kayo nag kululitan, then pag may problems nandyan sila.
I'm getting little envious for that thing..













Go around in the public park. Check..




Sinara ko ang notebook ko at sinandal ang ulo ko sa puno.
Pag pikit ko muka agad ni Nathan ang nakita ko. I always have this creepy feelings.
Aware ako sa nararamdaman ko pero parang natatakot ako-

















"Ineng, may pera ka ba dyan?"



Napatigil ako sa pag iisip at napamulat ng mata. Nagulat ako dahil may matandang pulubi ang nakatayo ngayon sa harap ko. Pinigilan kong hindi pumatak yung luha ko dahil sa nakikita kong kalagayan nya.




Puro sya dumi.. Sira ang kanyang damit at ang payat nya. Para sa matatanda bakit sila nasa lansangan lang?







.. I hate seeing them like that. Naaawa ako. Iniisip ko kung paano ang buhay nila ngayon. How can this old woman manage to live in the world of suffer?










Right.







Bakit ko nga ba tinatanong yun kong alam ko naman ang sagot.
Kahit na hihirapan ako i want to live longer enough. Dahil may gusto kang magawa kaya kumakapit ka sa salitang 'hope'
..




Hope na someday mawawala ang hirap at sakit.


..

..

Tumayo ako at kinuha ang wallet ko sa aking bulsa. Nilabas ko lahat ng pera ko, binigay ko sa matanda iyon lahat ng hindi binibilang.










"Lola, take all of this...take care po."










"Maraming salamat.. Anong pangalan mo ng maipag dasal kita sa panginoon sa pagiging mabuti mo."









"Titania po.."-










"Titania.. Napakagandang pangalan sa isang napakagandang babae at napaka bait pa.. Sayo nalang ito. God's pin yan. Tutulungan ka ng panginoon sa mga problema mo. Salamat talaga."- Lola









Inabot nya sakin ang isang Pin.. Sa una hindi mo marerecognize na may cross pero habang tumatagal nakikita ko sya. Kinuha ko ang Pin nilagay sa taas ng dibdib ko.









Ngumiti ako sa lola at ganun din ang ginawa nya. Ngumiti sya at nag lakad paalis.

..



..




Napasinghap ako ng may humablot sa braso ko at hinarap ako sakanya.

..








..

"Nathan."


Makikita mo sa muka nya ang pag aalala..








"What made you think na umalis sa bahay ng hindi nag papaalam!!?"- Nathan











"Gusto ko lang kasing mag lakad laka-"








"Bakit hindi mo man lang sinabi!"








"Hindi ko naman alam kung nasaan ka at wala akong number mo."










"Edi sana nag pasabi ka!"








"EH BAKIT MO AKO SINISIGAWAN?! GUSTO KO LANG NAMAN MAGLAKAD- LAKAD EH!! tsaka hindi naman kita boyfriend ah! Bakit ka ba nag kakaganyan?"

Nanlaki ang mata ko nang hilahin nya ako papalapit sakanya at niyakap.











Ang higpit.









"N-nathan."









"May amnesia ka na ba? In case you didn't know i am your boyfriend since last week. At bakit ako nag kakaganito? It's just i'm damn worried about you. You left without leaving any words saying you need a walk. Akala ko galit ka pa saakin kaya ka umalis. Always remember.. I am your boyfriend."














Mariin akong pumikit.














..





"Right... Your my fake boyfriend."- me.



Sana mawala nalang yung salitang 'fake'..

                  To be continue..

***********
!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top