Chapter 42 of Her Dying Time

Chapter 42
Jelyn's POV

"Tito Drei.." Tawag pansin ko kay Tito nang makapasok ako sa clinic niya. Nakayuko siya at kumukuha ng tubig mula sa water dispenser. Nag-angat siya ng tingin sa akin bago napangiti.

Napansin ko naman na may ginagawa sa gilid ang sekretarya niya. Nag-aayos ito ng mga papel kaya ng mapansin ako ay binati niya ako.

"Akala ko Hija 'di kana darating.." Ani niya at binaba ang tubig na ininom.

I genuinely smiled. "May ginawa lang po tito kaya natagalan." Sagot ko.

Tumango ito at iginaya ako papasok sa isang kwarto. Pagpasok ko ay inilibot ko agad ang paningin sa bawat sulok. Katulad lang din iyon ng mga gamit ng isang doktor. May bed, oxygen, aparatus at kung ano-ano pa.

"Hindi ka ba nasundo ng anak ko?" Taong nito.

"May ibang naghatid sa akin dito tito."

Pumunta si tito sa isang drawer at may kinuhang folder mula doon. Ako naman ay nilibot ulit ang paningin sa kwarto.

"Your boyfriend I guess?"

Hindi ako nakasagot. Ito ang mahirap e. Kahit sinabi sa akin ni Nathan na siya ang boyfriend ko ay hindi ko pa rin maadopt. Ayaw kong magclaim ng kung ano hangga't hindi bumabalik ang ala-ala ko..

"Anyway, I'm so happy to see you brave and fighting.. Gustong gusto nga kita para sa anak ko noon. Kilala niyo ang bawat isa kaya hindi na ako nagtaka nang pinakilala ka niya sa amin bilang girlfriend niya.. Whenever I look at his eyes I see the love and different emotions that he only felt for you... Different emotions. That includes pain." Ani niya. Habang nagsasalita siya ay parang inaalala niya ang mga nangyari noon.

Mula ng maghiwalay kami ni Tristan ay hindi ko na siya nakausap dahil kay Mommy. Mommy want every person related to Tristan out of my life. Kasama na doon sila tito Andrei na siyang naging best friend nila sa loob ng maraming taon.

Siguro nakausap ko si Tito sa nawala kong alaala at alam ko namang wala ng mababago kahit balikan namin ang mga nangyari pero gusto kong paring marinig.

"I don't have I idea what pains him not until he told me.. I knew you were sick but Tristan was the one who told me not to stress ourselves because that's what you've told him to do. Sabi mo daw ayaw mong isipin masyado ang kalagayan mo dahil mas lalo ka lang papalubugin nun. Pero parang saating lahat ay siya ang pinakanaapektuhan kahit siya mismo ang nagbawal saamin.. Magaling siyang magtago sa'yo na hindi siya nasasaktan para saiyo pero alam ko, sobra siyang nag-alala sa'yo. One night he asked and begged to me. I'm a scientist doctor so he asked me If I could invent a medicine for your condition. Noong araw na iyon ay alam kong impossible ang hiling niya-- could you sit here?"

Umupo ako sa gurney na itinuro ni Tito. Patuloy niyang ineksamen ang folder na hawak nito habang tuloy ang kwento niya.

"Impossibleng makagawa ng gamot mo sa panahong iyon dahil maging ang kilalang scientist sa tanyag na bansa ay walang idea kung paano sisimulan.. I told him that I couldn't do what he's asking me and then he cried. At that moment, my heart ached for the first time after my painful wedding. I saw my poor son crying and begging.. And then he left. But the image of my son suffering from pain never leave me. Sobrang mahal ka ng anak ko ng panahon na iyon. Kaya naging determinado akong pagsumikapang pag-aralan at gawan ng paraan ang kondisyon mo. Nakipagtulungan din ak sa mga kakilala kong scientist din. It took me years to finally discover the cure for you.."

Bigla akong nasaktan sa impormasyong sinabi ni Tito. Alam kong minahal ako ni Tristan noon. Ramdam ko iyon pero bakit niya ako iniwan? Naduwag siya.. Iyon ang sinabi niya sa akin nang magising ako mula sa pagkakacoma. Hindi ko alam pero hindi ako ganun nasaktan sa dahilan niya. Hindi ako gaanong naapektuhan kahit alam ko namang minahal ko ito.

Lumapit si tito at inabot sa akin ang folder na hawak niya. Binuksan ko iyon.

Nakita ko ang pagdodokyumento ng sakit ko mula una hanggang huli. Nakalagay kung anong sakit ang pinag-aaralan nila. Anong meron sa sakit na iyon at kung paano naging risky. Nakita ko ang lahat ng test na kinuha nila sa akin noon. Ang dugo at kung ano-ano pa.. Lahat ng naging hakbang nila tito ay nakalagay sa folder na hawak ko.

Sa dulong pahina ay nakita ko ang test tube na naglalaman ng pulang likido.

"That's our invention for your condition." Sabi ni Tito.

Nagbuklat ulit at nakita ko ang picture ko na tinurukan ng syringe..

"That was our first session.. Pinaliwanag ko sa'yo noon ang lahat. The therapy was very risky because you only have fifty percent to be save from death. Ito ang pinaka nakakamatay na stage, syempre it will be your first time to face that kind of pain so it could cut your life. Nakakabaliw ang sakit pero nakakatuwang nakaya mo. The liquid  entered every part of your body to kill and cut the connection from the tumor on your brain so It will not give you a lot of pain anymore.."

"And then your heartbeat stopped.. That was normal. I remembered Tristan almost shout at me because he thought it was my fault. I told him if you don't breath for the time limit I gave, that means your body broke down. But you've made it. What a brave girl.."

Ginulo ni tito ang buhok ko habang nakangiti sa akin. "The second therapy.. It's not that painful because you already overtake the first stage so It's just a piece of cake for you, but the risk is always there. Pwede ka parin patayin ng lahat ng therapy na gagawin natin. At pwede ka paring mamatay kahit anong oras dahil sa sakit mo."

"Para naman sa clarification sa pagkakacoma mo.. Maybe Your body was so tired that day, hindi mo agad nainom ang gamot mo kaya biglang sumuko ang utak mo. Kumbaga sa tao,  nagpahinga muna ito kaya pinatulog ka niya ng halos isang taon. At sa sobrang pagod din nito, binura niya ang kalahati sa alaala mo. Sa ibang tao ay maaaring nakakatawa 'to pero ito ang totoo. Hindi ka normal na babae kaya minsan ang utak mo na ang magdedesisyon para sa sarili nito."

Tumango-tango ako. Alam ko namang hindi ako normal mula una palang. Sobra sobra pa ngang nabuhay ako ng ganito katagal at mayroon pang additional kaibigan at boyfriend. Meron ring giveaway na gamot para sa sakit ko. Hindi man siguradong magagamot at mawawala ang sakit ko, atleast hindi ako sumuko.

Hindi ako susuko. Panghahawakan ko 'to.

"Sa ngayon ay wala tayong magagawa sa pagkawala ng alaala mo. Kailangan, ang utak mo mismo ang magbalik non. Kung pipilitin natin ay maaari niyang burahin lahat. Your brain is unpredictable, Titania. Ang iintindihin natin ngayon ay ang next therapy mo.. Alam kong ayaw mong ipaalam sa mga magulang mo ang gamutang ito pero ngayon ay kailangan mo ng sabihin. Hindi natin alam, pero maraming possibleng mangyari na hindi ko kontrolado."

"Tito, I trust you.. Tsaka nasa tamang gulang na po ako. Kung anong nangyayari ngayon ay ginusto ko."

Bumuntong hininga si Tito.

"I know.. Pero pag may nangyaring masama sayo ay kamumuhian ako ng mga magulang mo. Para narin ito sayo Titania. Makakatulong sila sa'yo. "

Yes, kahit may mga kaibigan akong handang manatili sa tabi ko ay kailangan ko pa rin ang mga magulang ko. And I've been a bad daughter to them because I didn't told them about the medication.

"Also, this medication is illegal. Hindi pa namin ito pwedeng ipasa sa gobyerno dahil siguradong walang matitirang gamot para sa'yo. Hindi na rin kami makakagawa ulit nito kaya itinago namin. Maintindihan mo sana Titanina. You need your parents.."

Tumango ako. "Yes Tito.. I'll call them maybe the day after tomorrow. I still need to ready myself."

"Good, here's the papers they need to be signed. After they signed this your next therapy will start, so yeah, you need to get ready."

Kinuha ko ang envelope na ibinigay ni Tito. Hindi ko na binasa iyon dahil may idea naman na ako. Since siya na ang doktor ko, bago ako umuwi ay binigyan niya ako ng mga gamot na iniinom ko noon. Kinuhanan niya ako  ng BP, chineck ang vitals, dugo at kung ano-ano pa.

Matapos nun ay umalis na ako ng clinic. Sabi ni Nathan ay magtext lang ako para masundo niya ako pagkatapos nito pero magtataxi nalang ako. Hindi ako didiretso pauwi dahil gusto kong bisitahin ang mga eggnogs sa kumpanya nila--

Eggnogs...


Where did I get that? 

I had this feeling that I used that word multiple times before. Alam kong ang eggnogs na sinasabi ko ay sila Adrian, Homer, Justine, Jhay-R at Ayato. Napangiti ako. I'm starting to be familiarize with my lost memory!

Nakangiti ako na parang baliw nang may kotseng tumigil sa harap ko. Napaatras ako. Biglang bumaba ang bintana nun at pinakita ang muka ni Tristan. 

Kumaway ako sakaniya at nginitian naman niya ako. "Are going home now? Hatid na kita." Aya nito. Agad naman akong tumango at hindi na nag-isip.

Komportable naman ako sakaniya at hindi mawawalang bestfriend ko siya.

Naglakad ako papunta sa passenger seat. Pagpasok ko sa kotse niya ay agad niyang pinaalala ang seatbelt. I fasten my seatbelt as he said.

"How did your check-up goes?" Tanong ni Tristan at pinaandar na ang kotse.

"Your dad explained everything about my medications.." And how you cried..

"That's all?"

"Also, He said I need consent from my parents before I start the next stage."

Sinulyapan niya ako ng ilang segundo.

"Ayaw mong ipaalam sa parents mo 'yan noon. Will you tell them now?"

"Amm, yes? Hindi itutuloy ni tito ang therapy hangga't hindi ko pinapaalam sakanila ang lahat.. Wala na akong choice."

"And they don't agree? I mean, it's illegal.."

Ngumuso ako. Wala namang ang magagawa kung hindi sila pumayag. I will do what's their decision. I owe them for everything. Wala silang ibang ginawa kundi ang alagaan at protektahan ako. Kung hindi sila papayag ay ayos lang, irerespeto ko ang gusto nila.

"Then, everything is done.. Hindi ko itutuloy ang next stage at hihintayin ko nalang na may mailabas ang gobyerno na gamot, legal 'yon pag ganun or better yet, wait for my dying time to deplete.."

"But you are at age.. This should be your decision."

"I know.. Pero mas iniisip ko ang gusto ng nasa paligid ko, ng mga mahal ko.. Kung ayaw nila ay ititigil ko. Kahit ikaw, kung ayaw mo ay ititigil ko--"

"You know I want you to take that medication.. I want you to be cure."

Napatawa ako. "Kung lang naman.. As I was saying, aanhin ko pa na magagamot ako kung alam ko namang nasuway ko ang gusto ng mga mahal ko? To me, their decision matters."

Umiling si Tristan at umigting ang panga. Halatang ayaw niya sa mga sinabi ko. Alam kong gusto niya akong sigawan pero hindi niya gagawin iyon.

"I don't get you.. Alam kong gusto mong mawala ang sakit na 'yan. Ngayon nandito na ang opportunity, tatanggihan mo naman dahil lang sa may taong salungat sa bagay na ito. Jhe naman!" Inis nitong sabi pero kontrolado parin. Hindi niya ako sinigawan.

"Mahal ko sila.. That explains all.. Tsaka hindi pa naman natin alam kung hindi nga talaga papayag ang magulang ko sa bagay na ito."

"Sabihin na nating pumayag nga sila.. Pero iyong mga kaibigan mo, mahal mo sila diba? Pa'no kung salungat sila rito? Paano Jhe?"

Naisip ko ang eggnogs. Hindi nila alam at hindi ko alam kung ipapaalam ko ba. Oo, mahal ko sila pero nandito pa rin nawawala na gusto ko munang makaalala bago ipaalam sakanila ang lahat.

"And your boyfriend.. I believe hindi mo pa sinasabi sakaniya ang lahat." 

Him too.. Ayaw kong magsinungaling pero natatakot lang talaga ako.

"Ewan.." Sagot ko.

Hindi sumagot si Tristan. Nagfocus lang siya sa pagmamaneho.

"Hatid mo nalang ako sa Dashwood Company.."

Sumulyap ulit sa akin si Tristan bago tumango. "I'll fetch Kizme first.. It's our anniversary today." Ani Tristan.

Nanlaki ang mata ko. Ngumiti ako at nahampas ko ang braso niya. "Wow! Congrats!" 

Ngumisi lang siya at inabot ang ulo ko para guluhin ang buhok ko. "Pareho kayo ng daddy mong hair ruiner." Sabi ko at natawa.

"Sa totoo lang.. Bagay kayo ni Kizme. Masaya ako na nahanap mo 'yong babaeng hindi ka mamapagod na alagaan. Babaeng walang sakit 'di tulad ko." Malumanay kong sabi. Wala akong gustong iparating sakaniya. Masaya lang talaga akong nahanap na niya ang babaeng hindi niya nahanap sa akin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga. Tumingin ako sa mata niya at dumaan doon ang sakit.

"Jelyn, I'm sorry for leaving you with the damn excuses. I'm just a fucking coward. It pained me too. You don't know how I stopped processing when I broke up with you.."  Aniya na puno ng sakit ang boses.

"Tapos naman na lahat ng iyon. Nakamove on kana, at ganun din ako. Tsaka kung hindi mo ako hiniwalayan noon, hindi mo sana girlfriend si Kizme ngayon. Masaya kana.."

Tumingin ako sa labas at sinandal ang ulo sa bintana. Masaya na siya. Noon, akala ko talaga kami na para sa isa't-isa dahil kilala naman na namin ang bawa't isa pero hindi talaga ganun kapabor ang tadhana sa atin minsan.

Hindi lahat ng gusto nating mangyari ay pwedeng ibigay sa atin.

"Masaya? Sana.."

Napalingon ako kay Tristan sa sinabi niya. Bubuka na sana ang bibig ko para magsalita pero hindi ko na itinuloy. 

Dumating kami sa isang malaking bahay at nakita ko agad sa labas ng gate si Kizme. Nakadress ito at ayos na ayos. Gandang ganda talaga ako sakaniya. Bagay talaga sila ni Tristan.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Kizme nang mapansin ang paparating na kotse. Tumigil ang kotse sa tapat niya at nakangiti naman itong naglakad sa passenger seat.

Binuksan niya ang pinto at nagulat nang makita akong nakaupo sa dapat ay pwesto niya.

"Amm, hi Titania!" Sabi niya nang makahupa sa gulat.

"Kizme, doon ka muna sa likod.. Ihahatid ko lang si Jelyn."  Sabi ni Tristan.

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Tristan. Umiling ako agad.

Nababaliw na ba siya? Girlfriend niya ang papaupuin niya sa likod? Tsaka anniversary nila! Dapat nga ay hindi na ako nakasakay rito e.

"Lilipat ako.. Siya naman dapat ang nandito sa upuan ko." Ngumiti ako. Umurong si Kizme para makalabas ako. Sinuklian din ako ni Kizme ng matamis na ngiti.

Pumasok ako sa backseat at si Kizme naman sa passenger seat. Nilingon ako ni Tristan bago pinaandar ang kotse.

Nanahimik ang loob ng kotse kaya sumandal ulit ako sa bintana at tumingin sa labas.

"Saan mo ba ihahatid si Titania Babe?" Tanong bigla ni Kizme.

"Sa Dashwood.."

"What? It's way out of our destination.. We can't be late for our reservation, it'll be canceled!" Talima ni Kizme.

Naguilty tuloy ako bigla. Kung wala ako rito ngayon ay sana nakakapagsolo sila at wala ng aberya sa pupuntahan nila.

"Kung malalate kayo dahil ihahatid pa ako ay baba na ako. Magtataxi nalang ako. Malapit lang naman siguro 'yon."

"No, hindi mo alam ang papunta doon dahil wala ka pang maalala. Baka mapano ka pa." Pigil ni Tristan.

Tumingin ako kay Kizme na nakatingin kay Tristan na hindi makapaniwala. Maya-maya pa ay umigting ang panga nito at nag-iwas ng tingin.

"Baba na ako Tristan.. Nakakasira ako ng date niyo. Kaya ko naman ang sarili ko."

"I said no.. At hindi maka-cancel ang reservation. I can handle that."

"Kaya nga Tristan--"

"No." Pinal na sabi nito. Desidido siya kaya tumigil na ako. Buong byahe ay puro guilt ang naramdaman ko. Hindi nawala sa isip ko ang sakit na nakita ko sa mata ni Kizme.

Did I ruined their date?

Playing with my fingers while looking outside and thinking

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top