Chapter 41 of Her Dying Time


Chapter 41
Jelyn's POV

Ilang beses akong napabuntong hininga. Mabilis naluto ni Nathan ang paksiw niya dahil mabilis lang namang lutuin iyon. Gusto ko tuloy bumagal ang oras para makapag-isip pa ako para sa pag-uusapan namin na sinabi niya.

Nakakaintimidate ang lalaking ito. Parang pagsinabi niya, wala ng makakapigil pa. Ngumuso ako at nangalumbaba habang pinapanood si Nathan sa pagsasalin ng kanin na niluto niya kanina.

Sa bawat pwersang ginawa niya ay mas nadedepina ang muscles niya. Medyo pawis na rin ang leeg niya dahil hindi binuksan ang aircon. Mangangamoy ang buong bahay dahil sa paksiw kaya pinatay.

Bigla kong napansin ang isang butil ng pawis na pababa sa dibdib niya mula sa leeg. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko. Kulang nalang ay camera at ilaw. Para siyang isang super model na nag-eendorso ng gamit sa kusina. Pero sigurado namang sakaniya magiging interesado ang mga tao, hindi sa ineendorso.

He's so freaking hot! Pwede siyang maipalit sa uulamin kong paksiw-- pumikit ako ng mariin at umiling-iling.

What are you thinking--

"Are you ok? Does your head hurt?" Biglang tanong ni Nathan na nasa harap ko na pala. Halos mapatalon ako dahil sobrang lapit ng muka niya sa akin.

Mabilis akong umiling, baka sakaling pag nakakuha na siya ng sagot ay lalayo na siya pero 'di niya ginawa.

He remained so close to me.. So close; Looking and observing. Mag-isip ka ng paraan Jelyn para mapalayo siya! Napatingin ako sa labi niyang parang namantal mula sa mapusok na halik dahil sa kapulahan nun. Bigla tuloy akong nauhaw..

Ugh! Distraction!

"Ang baho ng hininga mo.."

WHY DID I SAID THAT!? Napamental face palm ako. Nakakahiya! Hindi naman totoo e.. Ang bango nga ng hininga niya, akala mo'y oras oras nagsisipilyo.

Akala ko ay maooffend siya sa sinabi ko pero ngumisi lang siya.

"Really? How bad is it?" Di naman effective ang sinabi ko e. Alam niya sa sarili niya na mabango siya from head to toe.

"B-basta ano.. Mabaho.. Kaya, layo kana pwede?"

Napatawa siya at ngumuso. Tumingin naman siya sa labi ko bago sa mata ko.

"I have something to tell you too.. About that mouth of yours." He sexily said. Napalunok ako. Sasabihin ba niya na ako ang may mabahong hininga? Nagtoothbrush naman ako kanina at wala akong bulok na ngipin kaya imposible.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "W-what?" Tanong ko.

Ngumisi siya. "Your mouth looks so lonely.. Your lips wanna meet mine."

Medyo napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ginawa niyang oportunidad iyon para siilin ako ng halik.

I was surprised so I accidentally moaned. I felt him smirked at what I just reacted. He kissed me hungrily and senseless. Halos malaglag pa ako sa kinauupuan ko dahil sa diin ng halik niya pero hinapit niya lang ako sa bewang. Preventing me from falling. Isang minuto ata akong natuod sa kinauupuan ko dahil sa paghalik niya.

Humawak ako sa braso niya. Takot na baka malaglag kahit hawak naman na niya ang bewang ko. Suminghap ako nang himasin niya sa bewang ko sa nakakabakiw na paraan.

He continued sucking my lips until I decided to kiss him back but that's when he suddenly stopped and stepped back.

Binitawan niya ang bewang ko at napakapit ako sa lababo. Kinagat ni Nathan ang labi habang nakatingin sa akin na may ngisi sa labi. Ang mukha niya'y parang lasing at Sa tingin ko'y muka rin akong lasing sa hitsura ko ngayon.

He brushed his hair up using his fingers. Tumalikod siya sa akin at inayos ang mesa. Napanganga ako. What? Nang-aasar ba siya? Kung kelan gusto ko ng humalik ay saka siya titigil? Left me hanging for him?

Tumayo ako sa kinauupuan ko at medyo lumapit sakaniya.

"Nang-aasar ka ba?" Iritang tanong ko. Hindi niya ako tinapunan ng tingin at nagpatuloy sa pag-aayos ng mesa.

"I was about to kiss you back and then you stopped? Insulto 'yon a." I said to make a point.

Hindi pa rin siya sumagot. Isinalin niya ang ulam sa mangkok. Ngumisi ako nang wala na siyang pwedeng gawin.

"Sit.. Kain na tayo." Sabi niya. Umirap ako at hindi siya sinunod. Tumingin siya sa akin at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Siguro ganito ka sa akin noon... You'll kiss me, then leave me hanging like a thirsty kid. Hindi ba ako marunong humalik noon kaya ganito ka ngayon?"

Kumunot ang noo niya at pumikit ng mariin. Tumingala pa siya na parang sumasakit ang kaniyang ulo dahil sa akin.

"What? Ganoon ba ako? Boring?" Sabi ko dahil 'di siya sumagot.

Nagdilim ang muka niya nang tumingin sa akin.

"You don't have idea what will happen if I let you kiss me back.. I don't want to take advantage on you, not when your memory isn't back yet."

Ako naman ang natameme sa sinabi niya. Pinamulahan ako sa sinabi niya. Ibig bang sabihin noon ay malakas ang epekto ko sakaniya at nagpipigil lang siya?

"Do you wanna know what will I do after kissing you? I will tear that dress of yours--"

Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling umupo sa upuan ko. "Yehey, Tara, let's eat na! Gutom na ako.." Ngiting-ngiting sabi ko at kunwari ay walang narinig. Narinig ko ang mahina niyang halakhak at umupo na rin sa kaniyang upuan.

Sumandok ako ng kanin at ulam. Ganun din ang ginawa niya pero ramdam ko parin ang mapang-asar niyang titig.

Hindi ko siya pinansin at inabala ko ang sarili ko sa pagkain. Masarap naman ang luto niya. Nakakabilib.

"Masarap ba?" Bigla niyang tanong habang may malalim akong iniisip. Tinignan ko siya. Anong masarap? Yung halik o yung ulam?

"Yung halik, masara-- I mean yung ULAM!" Geez, what Am I saying?

Humalakhak siya ng malakas. Nangamatis naman ang muka ko.

"Uh-huh? Masarap? Kala ko mabaho?"

Napaiwas ako ng tingin. "Kahit mabaho masarap! 'Yung paksiw!  Syempre, paborito ko e. Paksiw..." Hilaw na ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkain.

"What could I say, your chef is not just handsome but also a good cook." Pagmamayabang nito.

"Hmm.. Pwede ka ng mag-asawa." Sagot ko.

"Sure, basta ready na ang magiging asawa ko. Are you ready?" Napaubo ako.

"I'll make sure that she'll only eat what I've cooked.. And Oh, don't forget that men are best cook." Ani nito na pinagtaka ko.

"Why?"

Umangat ang gilid ng labi nito. "With just my hotdog and a little bit milk can make a woman's stomach full for nine months."

Kumunot ang noo ko at hindi naintindihan ang sinabi ni Nathan. Just hotdog? E hindi naman nakakabusog ang hotdog lang.. Unless may marshmallo--- nine months?! Para 'yon sa mfa nagbubuntis--

The heck?

Matalim ko tinignan si Nathan na parang inosnteng kumakain lang. Ang sarap niyang tusukin ng tinidor sa mga sinasabi niya.

Tumango- tango naman si Nathan habang naglalaro pa rin ang ngisi sa kanyang labi.

Sumubo lang ako ng sumubo hanggang maramdaman kong busog na ako. Madami akong nakain dahil paborito ko ang kinakain ko. Ewan ko lang kay Nathan na nakakatatlong subo palang ata.

"Ayaw mo ba ng paksiw? Halos di ka kumakain.." Sabi ko matapos uminom ng tubig.

"Kumakain ako, but not as many as the way you eat.. Matakaw ka kasi kaya pakiramdam mo konti lang ang kinakain ko." Rason niya at inirapan pa ako. Uminom din siya ng tubig.

Ngumuso ako. Hindi naman ako ganoon kalakas kumain e. Talaga namang mukang ayaw niya 'yong ulam.

"Are you done?" Tanong niya at tumayo sa upuan niya. Tumango ako bago tumayo na rin.

"Nga pala, may appointment ako sa daddy ni Tristan ngayon.. Tungkol sa therapy ko."

Medyo kumunot ang noo niya at nakakita nanaman ako ng inis sa mga mata niya. Gusto kong masindak sa pagdilim ng titig niya. With those angle, his jaw clenched and it made him so freaking sexy despite the dark aura around him.

"Why don't you find another doctor? I'm sure there's a doctor greater than his father.." Aniya.

"Oh, come on.. He's the best, trust me.. Tsaka Ano namang problema kung si tito ang doctor ko? Kilala ko siya at mas hands on siya sa kondisyon ko."

Kumuyom ulit ang panga niya. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sakaniya. Muka siyang nagpipigil at frustrate na frustrate. Nagawa pa nga niyang suklayin pataas ang buhok niyang maayos na.

What? Pag-aawayan ba namin ito? Should I consider his opinion too since he's my supposed boyfriend?

Kinuha ko ang mga pinagkainan namin at naglakad papunta sa sink. Tumabi siya sa para makadaan ako. Nilapag ko sa lababo ang mga plato at ramdam ko ang titig ni Nathan sa gilid ko habang nakahilig siya sa dingding.

"He's the father of your ex."  Malamig nitong sabi.

He knows that? Sinabi ko ba sakaniya noon? Is that his issue now?

"And? What about it?" Takang tanong ko. Hindi ko makuha ang logic niya.

"Hindi mo parin ba makuha?" Matigas niyang sabi.

Ngumuso ako at binitawan ang mga plato. Tinignan ko siya at humarap sakaniya.

"Hindi.. Should I Google it?" Biro ko pero mukang walang lugar ang joke time ngayon. Seryosong seryoso talaga siya na parang walang makakatibag n'on.

Ngumiti ako ng alanganin dahil halos kainin ako ng titig niya.

"Joke joke lang, hehe.."

"Damn, baby.. " nahihirapan niyang sabi.

"I'm jealous ok?" Aniya at hinilamos ang muka gamit ang kamay.

Muka siyang problemado pero gwapo pa rin. Natatawa tuloy ako sa sarili ko.

"Ba't mo pagseselosan ang daddy ni Tristan? Mahal nun si tita tsaka hindi siya yung tipo ng lalaki na--"

Tumigil ako sa pagsasalita dahil binigyan niya ako ng death glare. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko para ipakita sakaniya na titigil na ako sa pagsasalita.

"I'm fucking jealous on your ex! Knowing that his father is your doctor wont give me peace because there's always a chance you're gonna be with your ex again!" Bumilis ang paghinga niya at kinagat niya ng mariin ang kaniyang labi. Kita ko ang takot na bumabalot sa mga mata niya at parang nanlambot ako dahil doon.

"Nakakaselos na 'yong ex mong iyon, alam kung anong nangyayari sayo! Kung bakit isang araw, bigla kang nacomatose at bigla nalang kaming nakalimutan.. Do you know how hard for me every sleepless nights thinking what really happened to you?"

'Di ako nakasagot. Parang may sumipa sa puso ko sa panunumbat na ginagawa niya. Alam ko naman ang mga sinusumbat niya e. Kahit hindi ako nakakaalala. Ramdam kong galit siya sa mga nangyari.

" Nawala ang alaala mo..Tapos ang naaalala mo lang  ay 'yong panahong hindi pa tayo nagkakakilala?  Do you know how It drives me crazy because my girlfriend lost her memory and now she couldn't even remember me? And you don't have idea what it felt like to think every damn time that in your mind, the memory of your fucking ex remains.. Masakit Jelyn.. Nakakagago.. Nakakamatay.."

I pursed my lips as I listen to his pain. Ramdam ko ang sakit at galit sa bawat salitang binibitiwan niya.

"Sorry.." Iyon lang ang nasabi ko.

"S-sorry sa mga nagawa ko noon.. Ayos lang na isumbat mo sa akin ang lahat ng sakit na naidulot ko dahil sa tingin ko'y deserve ko 'yon... I'm,so sorry.."

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Pumikit siya ng mariin.

"Would you now tell me what is your real condition? Dahil isang araw pa Jelyn.. Isang araw pa na hindi ko nalalaman ang sakit mo ay baka maitali lang kita sa kama.."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Really, Nathan?

Pumikit ako. Inisip na hindi pa nsa tamang oras ang lahat. Huminga ako ng malalim at kinagat ang ibabang labi bago tumingin sa mga mata ni Nathan.

I need to look at his eyes for him to believe me.

Oh, that dark brown eyes. Those intense eyes that I started loving the day I opened my eyes, the moment I thought it's the first time meeting him in the hospital.

Nawala ang alaala ko pero ramdam ko parin ang pagmamahal ng dating ako sa taong ito. Nawala ang alaala pero hindi ang nararamdaman ko.

"A-another case of Alzheimer's disease.. But on my case, this illness is new. Pwedeng sabihing ayos lang, pwedeng sabihing nakakatakot. Ayos lang dahil may gamot naman para maiwasan ang pagkawala ng memorya ko. Nakakatakot dahil Makakalimot ako paghindi ko nainom sa tamang oras ang gamot na binigay ng doktor ko. Dipende sa utak ko kung anong buburahin niyang alaala. Pwedeng iyong pagkabata ko, pwede iyong teenage days ko.. Kahit ano.. Siguro hindi ako nakainom ng gamot noon kaya humantong ako sa ganito ngayon." Lies.. Gusto kong palakpakan ang sarili ko sa mga kasinungalingang nabuo ko.

Grabe, ako ba ang nagsabi nun?

Gusto kong hawakan ang dibdib ko dahil sa kakaibang sakit na naramdaman ko

Ayaw ko munang sabihin ang totoo kong sakit hangga't di bumabalik ang alaala ko. Pakiramdam ko kasi ay di pa ako buo kaya hindi ako pwedeng magdesisyon ngayon.

Selfish na kung selfish..

Ayoko lang na mag-alala pa ng sobra si Nathan pag sinabi ko ang condition ko. Natatakot din ako na kaawaan niya at at iwan gaya ng nagawa sakin ni Tristan noon.

Maybe this was one of the reason why I couldn't tell him everything. Mas nakakatakot pa kesa sa kamatayan ang iwan ng isang Jared Nathan.

Pumikit ako nang lumapit sa akin si Nathan para yakapin ako. Dinama ko ang sarap ng yakap na iyon kasama ang sakit na nararamdaman dahil sa pagsisinungaling. Masakit pala talagang magsinungaling sa taong mahalaga sa'yo.

"I'll protect you.. I'll take care of you and I will make sure to bring back your memories of mine.. At hinding hindi na ako papayag na makalimutan mo ulit."

Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko.

Masaya ako sa narinig ko. Ganyan din kaya ang sasabihin niya kung sinabi ko kung anong totoong sakit ko? Siguro sasabihin mong aalagaan mo ako pero alam ko.. Eventually, mapapagod ka. Maghahanap ng ibang normal na babae. 'Yong babaeng ano mang oras ay di mawawala sa tabi mo. Babaeng walang sakit..

Babaeng hindi ako.

Sino nga ba namang magtitiis sa isang tulad ko kung maraming namang babae r'yan?

Sa ngayon, ayos na ako sa pansamantalang kaligayahan.. Saka na ako maghahangad ng higit pa pag sigurado na akong magaling na ako at wala na ang banta ng kamatay sa buhay ko.

Malaki ang pag-asa ko na gagaling ako sa tulong ng daddy ni Tristan. Iyon nalang ang kinakapitan ko.

Matapos akong yakapin  ni Nathan ay nagtanong pa siya ng kung ano-ano. Halos hindi ako makahinga sa bawat kasinungalingang isinasagot ko. Hindi ko na nga alam kung saan ko pinagpupulot ang mga sinasagot ko.

Hanggang sa maubos ni Nathan ang tanong niya at tumigil na din siya sa wakas.. Pakiradam ko'y isang tanong nalang ay mababaliw na ako.

Hinatid ako ni Nathan sa clinic ni Tito Andrei nang sinabi ko sakaniyang kailangan ko na talagang pumunta kay Tito. Mabilis naman niyang naintindihan.

Gusto pa sana niya akong samahan papasok at hintayin hanggang sa matapos ang check-up ko pero tumawag ang Mommy niya. Ipinilit ni Nathan na samahan ako pero sinabi kong sundin nalang niya ang pinapagawa ng mommy niya.

Nakipagmatigasan pa ako bago siya nakumbinsi. Nagpaalam ako bago lumabas ng kotse niya. Iniwan ko siyang iritado ang muka kaya napapatawa nalang ako.

Pagdating ko sa tapat ng clinic ay inangat ko ang paningin para basahin ang malaking pangalan ni Tito Andrei na nakapaskil sa itaas ng pinto.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob.

Sooooo, babies! Sorry dahil ngayon lang ako nakapag-update dahil super busy ang mader ert niyo para sa final requirements namin dahil magtatapos na ang first sem at eto na si second sem! Grabe, nakakapagod mag-aral pero para ito sa ating feyutyur😂😂

  Pero natauhan na din si Nanay this past few days na dapat magbigay ako ng time sa mga anak ko na umaasa ng update galing sa akin kaya from now on, I should put this story in my prioritylist too since madami na pala ang nagbabasa.

Thats all! Daldal ko na e.

Feel you on next chapter babies!😘💋

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top