Chapter 39 of Her Dying Time
MsRayter
Chapter 39
Jelyn's POV
Nakapangalumbaba kaming lahat habang nakaupo sa tapat ng mesa. Muka kaming mga kawawa habang nakatitig sa niluto nila Adrian.
Ang plano nilang pagluluto ng Salmon keme ay hindi nangyari dahil mas inuna nilang mag-asaran.
Ngumuso ako ako. Hindi naman na masama ang sunog na isda, atleast nag-effort sila.
Tumayo ako at lahat sila ay napatitig saakin. Kumuha ako ng tinidor at tinusog ang sunog na isda.
Lahat sila ay umalma sa ginawa ko.
"What? Pagkain pa din naman ito." Sabi ko pero mabilis na inagaw sa akin ni Adrian ang tinidor. Kinuha niya ang mga sunog na isda at tinapon sa basurahan.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Sayang iyon! My mommy and daddy didn't raised me to waste food!
"Ba't mo tinapon!"
"Magkaka-cancer tayo sa luto ni Adrian prinsesa. Inaalala lang namin ang health mo. Ayaw na naming magkasakit ka." Sabi pa ni Jay-R. Bigla akong na-touch.
Tumayo si Jared sa kanyang kinauupuan habang hawak ang kanyang cellphone. Maya maya pa ay may kausap na ito at umalis siya ng kusina.
"Anong kakainin natin? Gutom kana ba prinsesa?" Tanong ni Ayato.
Ngumiti ako. "Hindi pa naman gaano."
"Order nalang tayo ng jollibee." Suggestion ni Jhay-R. Sumang-ayon ang iba kaya mabilis na tumawag si Homer para magpadeliver ng Jollibee.
Matapos umorder ay nagkulitan nanaman sila at kulang nalang ay magbatuhan sila ng kawali.
Lumabas ako ng kusina. Paglabas ay pasimple kong hinanap si Jared. Hindi ko alam.. Parang gusto ko lang siyang makita. Pag hindi ko siya nakikita ay may iba akong nararamdaman. Gusto kong lagi siyang nasa paningin ko.
Lumabas ako ng bahay pero hindi ko siya nakita roon. Hindi muna ako pumasok ng bahay at nagpasyang manatili muna sa labas para tignan ang mga bituin.
Niyakap ko ang aking sarili nang umihip ang malamig na hangin.
Gusto ko ng makaalala. Gusto kong maalala lahat nang hindi ganito ang nararamdaman ko. Pumikit ako at ngumiti. Hindi ko alam pero masaya na ako sa punto ng buhay kong ito. Hindi ko man matupad ang mga bagay na nasa wish list ko ay ayos na ako. Nakakilala ako ng mga totoong kaibigan na kaya akong protektahan at alagaan.
Lumanghap ako ng hangin at nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod.
Napasinghap ako dahil sa bewang ko itong yumakap at binaon ang kanyang muka sa leeg ko. Agad kong naamoy ang pabango nito.
Nakaramdam ako ng tuwa sa hindi malamang dahilan.
"I really wanted to do this since the day you smiled after you woke up.." Kalmado niyang sabi na may halong lambing. Naroon pa rin ang lamig sa boses niya pero konti nalang.
Hindi ko inalis ang yakap niya. Pakiramdam ko kasi ay nanigas na ako at hindi na makagalaw pa.
This is the first time he hugged me-- or even made closer as this to me. Bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko. Ang liwanag mula sa buwan at mga bintana ay pakiramdam ko'y perfect ambiance. May halong kaba ang nararamdama ko dahil hindi naman ako sa ganitong bagay lalo na't kay Jared pa.
"J-jared.."
He groaned like he's disgusted for what he heard.
"It's Nathan.. Please call me Nathan, baby.. Fuck! I shouldn't doing this, the doctor said-- shit! I can't control myself!" Mas lalong humigpit ang yakap niya.
'Nathan'
Bigla kong naalala ang pangalang iyon.
"Sinusubukan kong intindihin ang lahat. Sinubukan kong maghintay para sa mga tanong ko pero ang maghintay na maalala mong ako ang mahal at boyfriend mo ay nakakagago na.." Aniya. Naramdaman ko ang init ng hininga siya sa leeg ko.
He caressed the sides of my waist. I could feel his heart beating fast. Ilang buntong hininga ang pinakawalan niya habang dinadama ako sa yakap niya. He even sniffed on my neck and that tickles me a bit.
"I want you to know that I am your boyfriend and I don't want you to smile again without knowing that you are mine.. You love me and I love you Jelyn.. You could forget me but you couldn't forget your feelings for me."
Pumikit ako ng mariin. Ang sarap pakinggang ng mga sinasabi niya pero wala talaga akong maalala. May parte rin sa akin na nagulat sa sinasabi niya pero hindi na ako sobrang nagulat.
Una palang ay ramdam ko na.. Ang hindi niya pag-iwan sa tabi ko. Ang pag-aalala niya na kitang kita ko sa kanyang mga mata. May nararamdaman akong tuwa sa mga ginagawa niya pero hindi ko mapangalanan.
Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at hinarap ako sakaniya. Napakagwapo ng lalaking nasa harap ko ngayon kahit muka siyang galit at nagsusumamo. Napakagwapo niya kahit halos mamula na ang mga mata niya.
"I will do everything for you to remember me again... "
After he said those words, he claimed my lips with his. That feels magical. Nakakapagpataas ng balahibo. He kissed me gently with full of love and passion.
I just stood there.. Well, I'm sorry.. I don't know how to kiss. Nathan tilted his head to claim my lips fully. Ilang segundo rin niya akong hinalikan bago siya tumigil.
Ngumisi siya sa akin at bigla naman akong namula. He pulled me closer like he is not contented with our position.
"Next time.. I'll teach you how to respond." Mas lalo akong namula sa sinabi niya.
I don't know what's in me to let him do everything he's doing. It's just feels to right.
Amusement is plastered on his face as he tenderly looked at me. Hindi ako makangiti pero alam ko sa sarili kong masaya ako. Pumikit ako nang lumapit pa siya at hinalikan ako sa noo.
Inayos ko ang camerang nakasabit sa aking leeg matapos kong kuhanan ng litrato isa-isa sila Adrian. Nakangiti ako ng malawak habang nakatingin sakanila na tuwang tuwang hawak ang diploma at ang kanilang itim na toga.
It's their graduation day and I am here, wholeheartedly supporting them. Nakakainggit nga lang dahil kasama daw nila sana ako sa pagtatapos kung hindi lang ako nacoma.
I easily accepted it and I don't feel losing something because I couldn't really remember things. Kung nag-aral man ako sa eskwelahanh ito kasama sila ay sigurado kong magandang alaala.
I tried remembering naman pero wala yalagang pumapasok sa utak ko. The things that happened to me the whole year I got comatose is unbelievable. Who would expect that I'll survive that? At ang hindi ko pa mapaniwalaan ay ang kawalan ng impormasyon nila Mommy at Daddy sa nangyari sa akin.
Pinaliwanag naman sa akin ng Daddy ni Tristan na inilihim at pinagtakpan nila ako sa mga magulang ko dahil alam nilang ayaw kong malaman nila ang mga nangyayari sa akin. Selfish man pero iyon ang gusto ko.
May gamutan naman na akong dunadaluhan at gusto ko, pag nagkita kami ulit nila Mommy ay magaling na ako. I will surprise them and they'll be happy.
I imagined myself telling them the good news with a wide smile plastered on my face. I imagined them feeling happy because I'm free for the death limitation.
"Prinsesa! Picture tayo!" Pag-aaya sa akin ni Ayato na kabababa lang mula sa stage.
Ngumiti ako at tumango. Lumapit sila Adrian sa amin kaya ibinigay ko sakaniya ang camera para kuhanan kami ng litrato.
"Ako naman!" Sigaw ni Homer nang matapos ang pagpapapicture namin ni Ayato.
Lumapit sa akin si Homer at nagpicture kami. Ganoon din ang ginawa ng iba.
Dumating si Nathan at nakisali sa pagpapapicture sa akin. Nilagay niya ang kanayang itim na toga sa ulo ko bago ako inakbayan habang kinukuhanan kami ng litrato.
"Muka kang tatay na nagpapagraduate sa Anak niya, King!" Sigaw ni Adrian na humahalakhak.
"King ina! Tatay kana!" Dagdag ni Jhay-R at nakisali sa mga tawa. Napatawa rin ako. Nakita ko namang umigting ang panga ni Nathan at napairap nalang sa hangin.
"Guys! I'll take you a picture.. Compress please." Sabi ng Mommy ni Nathan nang dumating ito galing sa pakikipag-usap sa isang teacher.
Nagsilapitan silang lahat sa akin. Sa tabi ko ay si Nathan at Ayato. Sa harap ko naman ay sila Adrian, Homer, Justine at Jhay-R na nakasquat ng konti para hindi ako matakpan.
Formal ang unang picture hanggang sa naging wacky. Inakbayan ulit ako ni Nathan at tinuro nila akong lahat para sa huling picture. My heart felt warm because of that. That gesture says that I am their princess.
Masaya ang lahat nang araw na iyon. Nakita ko si Kizme kasama si Tristan roon na masayang magkahawak kamay. Graduate na rin sila. Nakakatuwa.
Habang abala sila Nathan sa pakikipag-usap sa mga kaklase niya ay pumunta ako sa isang gilid para tawagan sila Mommy. Gusto kasi nilang tawagan ko sila araw-araw kaya gagawin ko na iyon ngayon dahil baka hindi ko na magawa mamaya. Sigurado kasing magiging abala ako.
Matapos akong bilinan at kamustahin ay wala kaming masyadong naging pag-uusap ni Mommy kaya mabilis natapos ang tawag. Handa na akong bumalik sa pwesto ko kanina nang may makasalubong akong babae.
Matangkad siya, maputi at masasabi kong talagang maganda siya.
She looked at me like she knows me. She even smiled. Pero nang mapansin atang hindi ko siya kilala ay nawala ang ngiti niya.
"Totoo nga ang nalaman ko.. You lost your memories?" Sabi nito. Kumunot ang noo ko. Ngumisi siya pero agad din iyong nawala.
"Hindi mo ba ako natatandaan talaga? Nakakatampo ka a.." Aniya.
"Sorry miss.. I dont--"
"Ako si Bianca! Bestfriend mo ako!"
Ngumiwi ako at ngumiti ng konti. Well, I can't remember her.
"Sorry, hindi kasi kita maalala e. Kung bestfriend man kita, then I'm happy to see you Bianca." I politely said. Ngumiti siya.
"Sana makapagcatch up tayo minsan. Ikukwento ko sa'yo lahat ng mga memories natin at baka makatulong pa iyon sa pagbabalik ng alaala mo."
"I would want to.. But for now, I'm sorry but I have to go. Nice meeting you again!"
Tumango siya at niyakap ako. "Bibisita nalang ako sa bahay niyo gaya ng ginagawa ko noon." Aniya.
Sumang-ayon ako bago kami naghiwalay ng pupuntahan. Dumiretso ako kila Nathan. Mabilis akong tinignan ni Nathan and gestured me to come closer to him.
Ipinulupot niya ang kamay sa bewang ko pagkalapit na pagkalapit ko.
"Where did you go?" Baritonong tanong niya na may kasama pang pagkunot ng noo.
"Doon lang. I called Mommy. Also, I met a girl. She said she's my bestfriend." Sagot ko.
He position himself at my back and hugged me there. Ipinatong naman niya ang kanyang baba sa balikat ko.
"Who?"
"Bianca daw."
Agad nawala ang baba niya sa balikat ko. Panandalian siyang natigilan bago huminga ng marahas na paraan.
"She's not your bestfriend Jelyn.. You.. You should stay away from her, do you understand me?" Iritado niyang sabi.
"Sinasabi mo bang nagsisinungaling siya?"
"Just stay away from her.. Focus on me instead. Try practicing how to take care of your future husband because it will benefit me."
Tumawa ako sa sinabi niya.
"Swerte pala ng magiging asawa ko sa akin. Marunong akong mag-alaga."
"Swerte rin naman sa akin ng magiging asawa ko. Sakanya ang alaga, akin naman ang kama." Pilyo nitong sabi at hindi ko maiwasang mahiya sa mga pinagsasabi niya. Hinampas ko ang kamay niya at umalis sa pagkakayakap niya.
"Ewan ko sayo." Natatawa kong sabi sabay layo sakaniya at sumama sa kumpulan nila Adrian na ngayon ay nagtatawanan.
Nakisali ako roon. Isang beses kong sinulyapan si Nathan bago binelatan. He just smiled and winked at me that made me giggled.
Oh well.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top