Chapter 36 of Her Dying Time

MsRayter
Chapter 36
Jelyn's POV

Nagkakagulo sila..

Iyon lang ang tangi kong nalalaman ngayon. Hindi ko alam kung nasaan ako. Kung bibilangin ay halos bente minuto na ang nakakalipas mula nang mapunta ako sa kalagayang ito.

Wala ako ideya kung bakit hindi ako natatakot sa mga maaaring mangyari. Siguro dahil alam kong hindi ako papabayaan ni Ayato at ni Nathan. Malaki ang tiwala ko sakanila.

"Why the fuck are they here?" Rinig kong malamig na sabi ni Nathan sa kung sino mang dumating.

"Makakatulong sila.. Mas alam nila ang sitwasyon ni Titania." Si Ayato.

"Ano? Doktor ba sila?! She needs doctor! At magiging kasalanan mo ito kung may nangyaring masama sakaniya!"

"Maniwala ka Jared. They know what to do."

Hindi ko sila makita. Ang pokus lang ng mga mata ko ay sa kisame. Sana lang ay wag ng makipagtalo pa si Nathan dahil mukang kinakain niya ang oras ko. Hindi magiging maganda ang kalalabasan kung nagmatigas pa siya.

"Natha-- I mean Jared, daddy ko ang doctor niya kaya alam ko kung anong dapat gawin kaya kung gusto mong mabuhay siya.. Tatabi ka at hahayaan kaming ibigay sakaniya ang gamot."

Nandito si Kizme? Kasama niya rin ba si Tristan?

Hindi na ako nakarinig pa ng angal mula kay Nathan.

"Gaano siya katagal na ganito?" Sabi na, nandito rin si Tristan.

"About 25 minutes ago." Sagot ni Ayato.

"Fuck, hindi pwedeng magtagal ito. Mamamatay siya pag nagpatuloy ito. Wait I'll just get something." Ani ni Tristan.

Bigla ko namang nakita si Kizme na nasa gilid ko na. Winagayway niya ang kamay sa tapat ng aking mga mata.

"She's awake.. She also can hear us. We just need her medicine."

Ngumiti sa akin si Kizme.

"She is?" Halos magkasabay na sabi ni Nathan at Ayato.

"Yes.. But her condition is critical. Hindi siya pwedeng magtagal ng ganyan. Hindi na kakayanin ng puso niya pag nagtagal pa ito." Sabi ni Kizme

"Ano bang nangyayari? Bakit nagkakaganyan siya?!" Sigaw ni Nathan na puno ng diin.

"We can't tell you yet. Kailangan nating maging normal ulit si Titania. Baka doon mo na malaman." Mahinahong sagot ni Kizme.

"Titania? I know you can hear me.. Tristan is finding your medicine. Just hold on tight, do you hear me? Hold on please." Kizme

Panatag na ako. Nariyan sila para sa akin at natutuwa ako na hindi na atalaga ako nag-iisa sa mundo ko.

"Hindi ko mahanap!" Hinihingal na sigaw ni Tristan.

Bigla ko tuloy gustong batukan ang sarili pero hindi ko kaya. Pinagsisihan ko nang itinago ko iyon sa ilalim ng kama ko. Of course! Tristan wont find it! At nasa bahay pala kami?

"Meron akong gamot niya dito pero ininom na niya kanina iyon. Wala paring nangyari." Sabi ni Ayato.

"Ininom niya bago siya maging ganito?"

"Oo, sabi niya nanghihina daw siya."

"Nasaan iyong gamot? Kailangan niya ng tatlong piraso noon. Hindi makakatulong ang isang pirasong tableta lang. Kaya siguro hindi tumalab." Alalang sabi ni Tristan.

Right, alam ko ang bagay na iyon pero hindi ko naman alam na magiging ganito ang panghihina ko kanina. Akala ko ay ordinaryong pagsikip lang ng dibdib kaya isa lang ang ininom ko.

"Akin na yung gamot." Sbai ni Tristan.

"Saglit, nandito lang iyon sa bag niy-- ay tang ina wala! Shit, nalaglag ata!"

Nakarinig ako ng kalabog.

"Putang ina talaga! Balikan mo na Ayato! Mamamatay na iyong mahal ko o!" Sabi ni Nathan na puno ng galit at panggigigil.

Masyado talagang bossy ang Mine ko.

"We are running out of time, Tristan. Kahit humihinga pa siya ay hindi sapat iyin. Nawawalan na siya ng kulay, mamaya ay mangingitim na siya dahil wala ng oxygen na pumapasok sa katawan niya. Anong gagawin natin?"- Kizme

Pero gusto ko pang mabuhay. Bakit pakiramdam ko ay natatakot na ako? Hindi na ba ang katapusan ko?

"I'll call dad.."

"Hindi na aabutin Tristan. Shit, hindi ko na alam ang gagawin ko!"

Nagsimula silang mataranta. I really wanted to tell them where I putted my medicine but I can't!

"Siguradong may first aid ang bagay na iyan. I'll call your dad,Kizme."

"Jelyn, do you hear me? Jelyn.. Naguguluhan na ako kung anong nangyayari.. But please, fight? Hindi na ako magagalit sa'yo. I won't think things between you and Ayato again. Parang-awa mo na.. Move for me."

I don't know but tears started running down. Ngayon ko lang siya narinig na nagmakaawa ng ganito at sobrang sakit para sa akin na marinig iyon.

"She's... She's crying! That's a good sign! Nagsisimula ng magfunction ang katawan niya! Keep talking Jared, while we'll take our time to ask my dad." Sabi ni Kizme.

Bigla kong nakita sa harap ko si Nathan. My heart ached-- wait? My heart ached! Nakaramdam ako? Literal!

Siguro ay pwede ko ring mapasunod ang utak ko ngayon. Nakaramdam na ako.

Pinakatitigan ko si Nathan na paulit-ulit nagsosorry sa isang bagay. Nakikita ko kung gaano siya nasasaktan at mas sumasakit ang puso ko.

That's alright brain. Feel the pain and eventually, you'll recognize every sensibility.

"Jelyn, please.."

Kaya ko 'to. Come on please! Feel anything!

Unti-unti nararamdaman ko na ang katawan ko. My gosh! Is this really happening? Mula paa paakyat sa ulo ko.. Bigla kong naramdaman lahat. Ang pagdaloy ng mga dugo mula sa mga ugat ko. Ang sakit ng paa ko ay naramdam ko din!

Napatingin ako sa kamay ko. Right! Naigagalaw ko na rin ang mga mata ko!

Hinawakan ni Nathan ang kamay ko at naramdaman ko iyon. Napatitig siya sa akin.

"Her eyes moved!" Deklara nito.

Namutawi ang ngiti sa labi ni Nathan at nawala ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso.

Nawala ang sakit sa puso ko kasabay ng pagkawala ng mga nararamdaman ko. Halos mapapitlag ako pa ako nang biglang bumalik sa dati ang lahat.

Wala nanaman akong nararamdaman?

Oh shit, I need to feel the pain again! I need it!

"Hindi naman, Jared." Rinig kong sabi ni Ayato.

"I swear! Her eye balls moved! She looked at her hand!"

Nathan please... Cry again.. Kailangan ko iyon. Para may maramdaman ulit ako.

Kailangan ko iyong sakit pero iba ata ang ibinigay sa akin.

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Hindi pangkaraniwang sakit. Sobra itong nanuot sa buong katawan ko. Mas nahirapan ako dahil hindi ko man lang maigalaw ang kamay ko para hawakan ang parteng iyon. Hindi ako makadaing. Hindi ako makapagreklamo.

Nabasa at napuno na ang mata ko ng mga luhang saganang umaagos palabas. Sobrang sakit. Gusto kong mamilipit pero hindi man lang ako makagalaw.

"A-ano nangyayari? Kizme, what's happening to her!" Nanginginig na boses ni Nathan habang nakatingin siya sa akin pero unti-unti siyang nawawala sa paningin ko.

"Tristan! She's not breathing!"

"Fuck! We can't do anything! Papunta na raw sila Daddy at tito. We'll... We'll have to wait."

"Maghintay?! Tang ina, hanggang kailan? Hindi na siya humihinga o! Hihintayin natin siyang mamatay?!" Sigaw ni Nathan. Nakarinig naman ako ng kalabog.

"Jared, kumalma ka.. Magiging maayos siya. Ipinapangako ko iyan. Ang mas magandang gawin ay kausapin mo siya. Maririnig ka niya." Sabi ni Tristan.

"Iyan ba ang magiging maayos?! Hindi na siya humihinga tapos magiging maayos? Ginagago mo ako! Kung hinayaan niyo ako idala siya sa hospital ay sana hindi siya humantong sa ganyan!"

"Maniwala ka, Jared kahit na ang doctor sa hospital ay hindi siya matutulungan. Ang daddy at Papa lang ni Kizme ang makakaayos ng lahat. "

"Diyos ba sila! Tang ina, nagmamagaling kayo!"

Bigla akong nakarinig ng malakas na sampal mula sa kung saan.

"Nagmamagaling na kung nagmamagaling! Pero mas may alam kami kesa sayo na puro sarili mo lang ang iniisip mo! Sinabi namin sa'yo na kumalma ka at kausapin mo si Titania dahil baka hindi niya na kayanin! Nasasaktan siya at hindi mo alam iyon! Wala kang alam sakaniya! Kami ang mas nakakakilala sakaniya kaya 'wag mo kaming susumbatan na parang kami pa ang may kasalanan! Kakasisi mo hindi mo na nakikitang umiiyak na siya ng dugo dahil masyado kang gago! Makiramdam ka naman!" Sigaw ni Kizme bago ako nakarinig ng hagulgol mula sakaniya.

Umiiyak nga siguro ako ng dugo pero hindi ko iyon maramdaman. Nagkakagulo na talaga sila.

"She's crying blood, meaning she's hurting Jared! May magagawa ba iyang kakasalita mo? Wala!" Nahihirapang sabi ni Kizme at nabasag ang ang boses niya.

"Tristan and I love her so much and we are willing to give her everything! Ikaw? Ano bang kaya mong ibigay ha? Ano, Jared? Kaya mo bang ibigay ang utak mo para sakaniya?" Madiing sabi ni Kizme.

Humagupit ang napakasakit na pakiramdam sa dibdib ko. Halos hindi ko makaya. Paulit-ulit sinisira ang sistema ko ng sakit.

Pero ang bagay na ito ay hindi magpapabagsak sa paniniwala ko. Makakayanan ko ito tulad ng mga napagdaanan ko. This wont get my faith down.


******

"Paasa si Author"
Shete talaga, sorry dahil hindi ako nakapag-update. May error na nangyari guys. May ibang part na bigla nalang nabura kaya talagang kailangan kong alalahanin at irewrite ang ibang chapters.

Masakit sa ulo pero kinakaya para sainyo dahil alam kong madi-disappoint ko kayo.

Ito palang ang naayos kaya, bear with me muna. Inaayos ko pa yung iba.

I'm really sorry..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top