Chapter 35 of her dying time
MsRayter
Chapter 36
Jelyn POV
Huminga ako dahil akala ko ay nawalan na ako non. Inabot ni Ayato ang kamay ko at may inilagay siya doon.
Tinignan ko ang binigay niya. Pumikit ako ng mariin dahil ang bagay na iyon ang bote na naglalaman ng gamot ko.
"Napulot ko 'to.. Balak ko sanang ibalik sa'yo pero nakita 'yan ng tito kong doctor. Sinabi niya sa akin kung para saan ang gamot na iyan. Madaming purpose, sakit ng ulo, paralyze, at kung ano-ano pa."
Bigla kong naalala ang tawag na ginawa ni Ayato sa akin. He asked me about that medicine.
"Bigla kong tinanong kung bakit mo nga ba kailangan ang ganyang klaseng gamot. It's a rare medicine and it's just for those who has serious condition. Nagresearch ang tito ko sa gamot na 'yan. And he found out that it is only recommend to those.."
Tumigil siya sa pagsasalita at parang hindi maabsorba ang nalalaman. Ramdam ko ang pag-aalala mula sakaniya pero hindi ko iyon kailangan ngayon. Halo-halo na ang emosyon at katanungan ko at gusto ko nalang na matapos na ito agad.
"Continue Ayato, 'wag mo akong kaawaan. Ang pagsasabi na may sakit ako sa utak ay hindi na nakakasakit sa kalooban ko." Anas ko sa malamig na tono.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tinansya ako.
"Titania bakit ganyan ka magsalita? Galit ka ba?" Tanong niya. Hinila ko ang kamay kong hawak niya at umatras ako sa marahas na paraan.
Nagulat siya sa ikinilos ko.
"Ngayong alam mo ng pwede ako mamatay ano mang oras, pwede mo na bang sabihin sa akin kung bakit ka nagsinungaling sa akin tungkol kay Helen? Para saan Ayato? Bakit mo ginawa iyon?"
"Titania--"
"Sagutin mo nalang ako Ayato dahil nanghihina na ako." Mahina kong sabi dahil literal talaga ang sinabi ko.
Wala akong nagawa nang hawakan niya ako sa balikat. Mukang ayos na rin iyon dahil mukang babagsak na ang tuhod ko. Gusto ko mang umuwi na ay hindi pwede. Kailangan kong marinig ang pakiwanag ni Ayato.
"Magpahinga ka nalang muna, Titania. Namumutla ka na."
"Hindi, gusto kong malaman kung bakit ka nagsinungaling." Pansamantala akong kumuha ng tableta mula sa aking bag at ininom ito para mabawasan ang panghihina ko.
Bumuntong hininga si Ayato. Hindi pa rin tinatanggal ang pagkakahawak sa akin.
"Hindi na ako magmamalinis.." Simula niya.
"Ginusto kitang agawin kay Jared gamit ang paraang iyon pero nakita ko kung paano mo binago ang tropa namin, lalo na si Jared. You are our princess but you are his Queen. Huli na nang mapagtanto ko na hindi ko na dapat gawin ang mga bagay na nangyari noon. Ayoko ng maging dahilan para masaktan ulit ang kaibigan ko. Ayoko na ulit masira kami dahil kapatid ang turing ko sakaniya."
"Mahal ka ng hari namin at gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang. Sasabihin ko na sana sa'yo ang totoo noon pero may nalaman ako tungkol sa pagkamatay ni Helen." Ramdam ko ang sakit sa boses niya at halos mapaiyak ako dahil nabasag pa ang boses niya.
"P-pwede mo bang sabihin sa akin ang lahat ng nangyari kay Helen? 'Yong purong totoo, Ayato. "
Lumabi siya bago tumango. Hinila niya ako papunta sa malaking bato para maupuin ako roon dahil nanghihina talaga ako. Lumuhod siya gamit ang isang paa para maglebel kami.
"Helen is Jared's twin sister and I'm really sorry for the lies I've made. Second year na namin sa pagiging collage noon. Nasa class A si Helen at ako habang sila Jared naman ay nasa class C. Ako ang napag-utusan ni Jared na magbantay sa kapatid niya dahil ako ang pinakamalapit. I did what he said. Palagi akong kasama ni Helen sa lahat ng mga pupuntahan at gagawin niya. Kulang na nga lang ay magdikit kami. We've made a good friendship and It made me fall for her. She was so simple, thoughtful, kind and beautiful.. Her eyes were full of love and joy. Palaging siya nalang ang iniisip ko noon. Inisip ko kung paano ko ipagtatapat sakaniya ang nararamdaman ko pero nang araw na sasabihin ko na sakaniya ay siyang araw na pinatawag kaming mga kasama sa fraternity na sinalihan namin."
He paused for a seconds before sighing heavily.
"Bago ako pumunta sa meeting place ay iniwan ko si Helen sa school na nagpaalam sa akin nang nakangiti ng malawak. Dumating kami doon at isang oras lang ay hinarap sa amin ang mga bagong babae na gustong sumama sa organisasyon namin. Helen always wanted to join our organization because we are there but Jared doesn't want to involve her. Masyadong delekado kaya ayaw ni Jared pero hindi ko alam na ganoon niya kagustong sumama kaya nagawa niyang palihim na sumama."
Nakita kong namula ang mga mata ni Ayato na parang isang salita nalang niya ay maiiyak na siya. Napaawang ang labi ko. Pakiramdam ko ay maiiyak na din ako dahil ganito siya.
"Hindi.. Hindi namin alam na isa siya sa mga babae na natakip ang muka. The leader asked what she wants, gaya ng sabi ko sa'yo noon, pinili niya ang hirap. Hinampas siya sa likod ng paa gamit ang baseball bat... We were all there! At hindi man lang namin nalaman na siya iyong pinapahirapan! Napakagago ko na hindi ko man lang nakilala ang daing niya. Ang mas nakakaputang ina ay 'yong dumadaing lang siya pero hindi siya umayaw o umiyak man lang. Sobrang lakas ng loob niya...On the last 6 hit, the leader wanted us to do the job... Putang ina, isa-isa namin siyang hinampas. Nauna si Justin, tapos ako.. Sumunod si Jared. Iyon ang naging huling hampas dahil bigla nalang siyang bumagsak. Nang bumagsak siya nakita agad ni Jared ang bracelet na suot niya sa kamay na nakatali patalikod..."
Hindi ko alam kung kanino ako maaawa sakanila.. Pare-pareho nilang hindi kasalan ang nangyari. Pero pare-pareho silang mali ang ginawa.
Hindi ko pwedeng ibato kay Ayato na kasalanan niya dahil hindi niya nakilala ang babaeng mahal niya. Hindi rin naman kay Helen na gusto lang makasama ang mga kaibigan at kuya niya. Hindi rin naman siya inaasahan na ikamamatay niya iyon.
Mas lalo si Jared na ang gusto lang para sa kapatid ay ang malayo siya sa organisasyon pero hindi niya nagawa.
Ang may kasalanan ng lahat ay ang tadhana.
"Dinala namin siya sa hospital pero hindi siya umabot. Everyone of use mourned because of her death. Hindi ko matanggap ang nangyari at ganoon rin si Jared. Sinisi namin ang sarili namin. Tinanggap namin sa kami ang may kasalanan. Hanggang sa dumating si Kizme. Pilit niyang pinalitan ang pwesto ni Helen sa buhay namin. Natanggal niya ang lungkot namin sa nangyari kay Helen. Hanggang sa minahal ko na rin siya.. Na minahal din pala ni Jared."
"Pero niloko kami ng babaeng iyon.. Naging sila ni Jared habang pinipilit niyang kunin ang atensyon ko. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa iyon. Mabait si Kizme at hindi ko makuhang isipin na magagawa niya iyon. Nalaman ni Jared ang ginawa niya kaya pinatalsik siya sa St. Augustine pero bago iyon, sinabi niya mahal niya ako. Hindi ako naniwala dahil galit na galit ako sakaniya. Sinungaling at manloloko siya kaya bakit ako maniniwala?"
Umiling ako sa sinabi niya.
"Hindi sinungaling si Kizme.. Mabuting tao siya. Ayato, dahil sakaniya ay gagaling na ako sa sakit ko." Sabi ko.
Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"How? Your condition.. Wala nang lunas diba?"
Ngumiti ako at tumango.
"Wala noon pero ngayon meron na. Daddy ni Kizme ang doctor at dating scientist na gumagamot sa akin ngayon. May naimbento sila at sinusubukan nila iyon sa akin."
"Nagamit na ba iyon sa iba? Sigurado ba sila? What if they are just using you as a human tester?!"
"Walang mawawala kung susubukan ko Ayato. Ito nalang ang pag-asa ko."
Kinagat niya ang ibabang labi habang nakatitig sa akin.
"Siguraduhin lang nilang ligtas ka dahil ako ang makakalaban nila." He firmly said. Ngumiti ako at hinawakan siya sa buhok. Hindi na niya kailangan pang malaman na buwis buhay ang gamutang ito.
"Alam ba ni Jared ang sakit mo?" Tanong niya.
Umiling ako. "Hindi na niya kailangan malaman, alam ko naman na magagamot ang sakit ko. Ayoko siyang bigyan ng iisipin. Ayokong maging pabigat dahil baka iwan din niya ako tulad ng ginawa ni Tristan. Ayaw daw kasi ni Tristan na habang buhay mag-alaga ng isang tulad kong hindi alam kung itong araw na ito ba ang magiging huling araw ko sa mundo. Natatakot ako."
"Paano kung hindi ka nagamot? Hindi naman sana pero paano kung bigla ka nalang nawala? Mas masasaktan mo si Jared."
"Hindi ko alam.. Pero ang alam ko, natatakot ako. Nakakatawa pero natrauma ako sa ginawa sa akin ni Tristan noon. Natatakot ako na hindi mapagtyagaan ni Nathan. Natatakot ako na makakita siya ng babaeng walang sakit at hindi siya iiwan. I believe that God made this path for me. He let me live for 19 years and he let me meet you all. Nasa kaniya ang lahat ng desisyon dahil siya ang may hawak ng buhay ko."
"Then ask him.. Sabihin mo na hayaan kang mabuhay hangga't gusto mo."
"I already did. Dati, nagagalit ako sakaniya kasi wala naman akong ginagawang masama pero binigyan niya ako ng ganitong sakit. Recently lang ako nakakuha ng sagot.. Before my therapy I thanked him for everything and for giving me this illness. Kung wala pala ito ay hindi ako mahihimatay sa mall at hindi mo ako maidadala sa bahay nila Nathan. Hindi ko sana siya makikilala at hindi mangyayari ang mga nangyari ngayon." Pumatak ang luha ko pero hindi nawala ang ngiti sa bibig ko.
"Naniniwala ako na hahayaan niya akong mabuhay hangga't gusto ko dahil kung gusto na talaga niya akong kunin, hindi niya ako papaabutin sa puntong ito. Alam niyang hihilingin ko na gusto kong mabuhay hangga't gusto ko at iyon ang ibinibigay niya mula noon hanggang ngayon. God is really good." Dagdag ko
"Paano kung bigla ka nalang niyang kunin kahit ayaw mo pa? Is he still good?" Tanong niya.
"He will always be. My faith is enough, Ayato."
Tumango siya sa sinabi ko at muka namang nakumbinsi ko siya. Pinahid niya ang luhang pumatak sa akin. He chuckled a bit.
"You should talk to her Ayato. Dapat niyong mapag-usapan ang nangyari dahil sigurado akong may dahilan siya o kaya naman mali lang kayo ng inakala." Hinihingal kong sabi.
Napansin naman iyon ni Ayato kaya hinawakan niya ako sa balikat.
"Pagod kana, Titania. Halika, bubuhatin..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang nawala siya sa harap ko dahil sa isang malakas na suntok.
Halos hindi ako makangiha nang makita si Jared na galit na galit ang mga mata. Sobrang rahas ng paghinga niya habang nakatingin kay Ayato na nakatumba sa lupa.
Hinawakan ko ang dibdib ko dahik naninikip iyon. Halos hindi ko pa sila masigawan nang hinila ni Nathan si Ayato para itayo bago ulit suntukin sa muka.
"Tang ina ka, ano manunulot ka nanaman?! Sinabi ko na sayo noon na papalagpasin ko ang nangyari noon kay Kizme pero ang bagay na ito? Gago ka, magkamatayan na!" Pumikit ako ng mariin. Ang sakit na ng dibdib ko.
Napaluhod ako pero pinilit ko parin silang tignan. Gusto kong humingi ng tulong pero kinakain sila ng tensyon.
Sumugod ulit ng suntok si Nathan pero umilag si Ayato at sinipa ito sa tyan.
"Kahit kelan ay wala akong inaagaw sayo! Nagmahal ako pero hindi ako nagreklamo kasi alam kong sayo!" Sigaw pabalik ni Ayato.
"Anong tawag mo sa ginawa niyo ngayon? Ha! Nagsasabihan ng feelings? Putang ina, dito ang dating place niyo?!" Gigil na sigaw ni Nathan.
Yumuko na ako dahil sobrang sakit na.
"N-Nathan.." Mahina kong sabi na alam kong hindi nila narinig dahil abala sila sa pagsasagutan.
"H'wag mong pag-isipan si Titania ng ganyan! Hindi siya tulad ni Kizme!"
"I know, my queen will never be that girl because she'll choose to be with me and you'll be junked like a garbage you are!" I roared.
I caught some air again. Nathan is being limitless! Ayato is his loyal friend!
"Fuck you-- oh shit! Titania!" Sigaw ni Ayato. Hindi ko na magawang mag-angat ng tingin dahil hindi ko na kaya.
Naramdaman ko ang hawak ni Ayato pero agad nawala iyon. "Don't fucking touch her!" Sigaw ni Nathan
Hinawakan niya ang pisngi ko at iniangat ako. Ramdam ko ang taranta sa muka niya dahil siguro sa namumutla ko ng muka.
"Jelyn, fuck! Are you ok-- no, you're not ok.." Matigas niyang sabi.
"M-may gamot sa bag niya.." Sabi ni Ayato. Tinignan ko siya ng puno ng pagmamakaawa na hindi dapat malaman ni Nathan ang kondisyon ko.
"Iyong inhaler..May asthma kasi siya.." Dagdag ni Ayato.
"Fuck it! Hindi ko kailangan ng tulong mo!" Sigaw ni Nathan at hinalungkat ang bag ko. Kinuha niya ang inhaler ko pero alam ko namang hindi iyon ang kailangan ko.
Kailangan ko ng gamot na ibinigay sa akin ni Tristan pero hindi ko iyon dala dahi hindi ko naman inaasahan na makakaramdam ako ng napakaraming emosyon.
Dapat dinala ko nalang..
Tigas ng ulo ko.
Bago pa mailapat ni Nathan ang inhaler sa bibig ko ay hindi ko na kinaya ang sikip ng dibdib. Nablanko ang lahat, hindi ko naigalaw ang mga kamay ko. Bigla akong hindi nakaramdam ng kahit ano.
Hindi ko rin alam kung humihinga pa ba ako!
Namanhid ang lahat sa akin. Pero nakikita at naririnig ko ang lahat.
Ito ang pangalawang beses na nangyari sa akin ito. Nasa America ako nang unang mangyari sa akin ito. I just need my medicine to bring me back to normal. Nakamamatay ang case na ito pagtumagal ng kalahating oras.
"Why she isn't moving?!" He roared again. Nakarinig ako ng ilang mura sakaniya.
"Baby, what is happening to you?"
Nakita ko nalang na wala na kami sa pwesto nami kanina.
"Jared! Saan mo siya dadalhin?" Tanong ni Ayato.
"Wala kang paki."
"H'wag ka ngang sumabay, Ayato! Hindi mo ba makitang hindi siya maayos?!"
"Ako ang mas nakakaalam sa nangyayari sakaniya, kaya sabihin mo kung saan mo siya dadalhin o pagsisisihan mo ito! Gago ka, wag muna iyang galit mo ang pairalin dito!"
Ilang segundo hindi sumagot si Nathan. Tumingin siya sa akin.
Bumuntong hininga siya at tumingala habang nakaawang ang mga labi.
"I'm taking her to the hospital, you fucker.. Anong alam mo? Because right now, I'm fucking scared. I am so damn fucking scared!" He said and my tears fell.
********
Ngayon lang nakaupdate kasi nawalan si NaynayRayter ng wifi ^__^
Also, birthday ko sa April 9 at ako na ang magreregalo sainyo.. Maybe I'll give 3 updates on my special day so better wait guys!
Labyah! Muah muah!
Vote and Comment!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top