Chapter 33 of her dying time
MsRayter
Chapter 33
Jelyn's POV
"May nakita akong boyfriend jeans sa online shop. Tignan mo-"
Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang nanahimik si Bianca. Tumingin ako sakaniya.
"Ano ulit 'yon?" Tanong ko. Ngumisi siya at umiling.
"Nevermind that.. Tulungan mo nalang ako!" Masigla niyang sabi.
Ngumiti ako at inilis sa isip ang nangyari kahapon. I wasn't able to chase Nathan yesterday because my symptoms hit me. Binalak ko naman siyang kausapin kanina pero absent daw siya.
Nandito ngayon si Bianca dahil ito lang ang oras na maibibigay ko para sa hinihingi niyang favor na makapunta sa bahay at magpatulong.
"Sige, ano ba 'yun?" Nakangiti kong tanon. Ngumisi siya at naglabas ng notebook.
"May audition para maging voice actress sa isang radyo! Pangarap ko 'to Titania!" Halos yugyugin pa niya ako sa sobrang tuwa.
"Ito ang mga linya ko. Kunwari ikaw ang kausap ko. Ito naman ang linya mo." Binigay niya sa akin ang isang punit na papel na may mga sulat.
Tumayo kami mula sa sofa at humarap sa isa't-isa. Hindi parin mawala-wala ang ngiti sa muka ni Bianca. Maybe she is that excited and dedicated to have the slot of being voice actress.
"Gandahan mo ang pag-arte kahit boses lang ang kailangan. Kailangan daw kasi dama."
Tumango ako.
"Start na?"
Tumango ulit ako.
Kinuwento muna niya sa akin kung paano tatakbo ang istorya at nakuha ko naman agad.
I will be her best friend while walking at the side of the road. My attitude should be provocative so I made my voice stagey like Bianca wants.
"Sakim na kung sakim, sinungaling na kung sinungaling pero gusto ko akin lahat! Lahat ng dapat akin, ay kukunin ko." I said.
"Pero hindi naman makakabuti para sa'yo ang mga ginagawa mo Titania. Kung magpapapigil ka lang ay gagawin ko pero mukang buo na ang disisyon mo." She said with so much innocence.
Nagulat pa ako nang tawagin niya ang pangalan ko, e Miya ang pangalan na nakalagay sa script. Pero baka iyon ang paraan niya para mas madala ang emosyon.
"Money is not enough.. My parents wanted the power they has." I said again.
"Sa bagay, makapangyarihan ang pamilya nila at napakayaman pa. Pero pinapaalalahan kita, binalaan kita at gusto ko lang naman ang kasiyaan mo kaya susuportahan kita kahit labag sa akin." She almost cried and I think she'll be a good actress.
Madami kaming palitan ng salita at
Tumalon-talon siya nang matapos namin ang scene na iyon.
"Magaling ka palang umarte! Sa tingin ko ay mas bagay ka pang maging voice actress." She pouted.
Umiling ako. Di ko naman gusto iyon at mas magaling siya sa akin.
"Doon na tayo sa scene na malapit sa climax!" Aniya. Ngumiti ako at nagsimula ulit kami.
"Anong balak mo sa boyfriend mo? Mahal mo na ang isa niyang kaibigan diba?"
O, this is the part where my character fell in love with the bestfriend of my boyfriend. I made my current boyfriend fall for me, to have the access in their business world. Plus, I'm seducing all of his bestfriend. They are all rich so my character thinks that she should have it all.
Eww, greedy.
"Love has no place in my world.. Kayang kaya ko siyang itapon para lang sa gusto ng mga magulang ko. His friends are hella rich kids, so I'm gonna use my fingers to puppet them and do what I want."
"M-may balak ka ding akitin ang mga kaibigan niya? Nahihibang kana!" Bianca suddenly shout. I smiled and give her a thumbs up.
"The many, the merrier!"
"Pero Titania, mahal ko si Lance.. Pwede bang 'wag mo na siyang idamay? Kahit para saakin nalang."
We talked and talked and talked until we finish the whole scene. Nagpasalamat sa akin si Bianca bago masayang umalis ng bahay. Tumingin ako sa bintana dahil maggagabi na. Tumingin ako sa aking cellphone para i-check kung may nagmensahe ba pero puro network promos lang ang naroon.
I tried to call Tristan but he can't be reach. Maybe he's busy having his time with Kizme. Susubukan ko sana si Ayato pero naunahan niya ako sa pagtawag.
Agad ko iyong sinagot.
"Ayato."
("Titania, do you.. Ah, do you know something about the feroxotion medicine?") Aniya.
Kumunot ang noo ko. Bigla kong naalala na iyon ang ginagamit ko para sa sakit ng ulo.
"For head ache, bakit mo natanong?"
("Masakit kasi ang ulo ko. Baka kasi mali ang pagkakabigay sa akin ng gamot kaya tinanong ko. Salamat a-- uy, si Prinsesa 'yan? Hi prinsesa! Galit si Hari mo kaya ako nalang--")
Nakarinig ako ng kalabog na parang nahulog. Napatawa ako kay Adrian.
("Sige, Prinsesa.. Kita nalang tayo bukas." ) sabi niya bago binaba ang tawag.
Nakangiti kong binaba ang tawag.
Kailangan kong ayusin ang nangyari kahapon. Hindi naman pwedeng araw araw ko itong dalhin dahil masakit lang sa loob. Bawal pa naman akong ma-stress.
Tsaka dalawang session nalang ay matatapos na ang lahat. Wala na akong sakit at pwede ko nang ipamalita sa lahat.
Sa ngayon ay akin muna ang katotohanang ito.
"Yaya nanay!" Tawag ko pagdating ko sa kusina. Lumabas siya mula sa storage room at mabilis na lumapit sa akin.
"Bakit anak?" Tanong niya at may pawis pa sa kaniyang noo. Kumuha ko ng malinis na towel at pinunasan iyon.
"May taong galit po kasi sa akin ngayon Paano ko po mapapawala ang galit niya sa akin?" Sabi ko at binaba ang towel.
"Dipende iyan sa tao, sa sitwasyon at sa kung anong ikinagagalit niya. Mas madaling mapaamo kung kilala mo ang taong iyon. Alam mo kung paano siya makitungo kaya alam mo kung paano diskartehan. Sa sitwasyon naman ay timing lang ang kailangan mo at sa kung anong ikinakagalit niya ang mahirap. Kung malalim at talagang nasaktan siya ay kailangan mo ng tsaga anak. 'Wag kang mapipikon kung pagsasalitaan ka niya ng hindi maganda dahil natural lang iyon. Nasaktan siya e."
Paliwanag nito. Napangiti ako.
"Galing mo talaga, nanay!"
Tuwang sabi ko.
Nagluto ako ng lasagna dahil mula nang matikman niya ang luto ko ay naging paborito na niya iyon. Nakangiti akong nagluto para mas masarap ang magagawa ko.
Sinulyapan ko ang aking cellphone nang nagtext si Mommy.
Mommy:
Did you take your medicine? I already Ate my fruits.. Take care, sweetheart. Love you.
To Mommy:
Love you too po. Next month, Uuwi po ako.
Nilagay ko sa paper bag ang niluto ko at itinabi muna dahil tunawag si Mommy.
("Totoo ba ang sinabi mo, sweetheart?!") Aniya.
Next month ay tapos na ang therapy ko at sigurado na akong gagaling na ako, tulad nga ng sinabi ng daddy ni Kisme. Sa totoo lang ay excited na akong ibalita ito kila Monmy at Daddy pero gusto ko munang matapos ang lahat.
"Yes my, miss na miss po kita e. Tsaka may maganda akong balita para sainyo pag-uwi ko."
Narinig ko ang pag-aanunsyo ni Mommy sa pag-uwi ko kaya napatawa ako.
("Basta palagi mong iinumin ang gamot ha? Lagyan mo lagi ng towel ang likod mo tsaka laging organic ang kakainin, ok? No street foods.")
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil naguilty ako. Minsan nalang yata ako kumain ng organic e.
"Opo, Sumusunod naman ako."
Ramdam ko ang pagkamiss ni Mommy sa akin pero kailangan ko ng magpaalam sakaniya dahil pupunta pa ako kila Nathan.
Gabi na nang makarating ako sa bahay nila. Nagdoor bell ako ng ilang beses bago dumating ang katulong nila na palaging nagbubukas sa akin ng gate para sabihin na wala si Nathan kahit nariyan.
Hindi ko tuloy mapigilang mainis sa babaeng ito. Sabihin niya kung gusto niya si Nathan nang makiskis ko ang muka niya sa gate.
"Wala po si Sir--"
"I'm not looking for him, I wanna see Mommy Ruth." Maarte at palusot ko. Pero kung hindi talaga niya ako papapasukin ay itutulak ko ang gate para natumba siya.
"Wala rin--"
"BUBUKSAN MO ITONG GATE O TUTUMBA KA SA KINATATAYUAN MO?!" Sigaw ko. Kainis e. Kala mo ang ganda.
Mukang natakot ko naman dahil mabilis niya akong pinagbuksan ng gate.
Pumasok ako at dirediretso sa loob ng bagay nila. Wala si Nathan sa sala at kusina kaya malakas ang kutob ko na nasa kwarto siya. Katext ko si Adrian, kakauwi lang daw nila galing rito at siguradong nasa bahay si Nathan.
"Ma'am wala nga daw po si--" napatampal siya sa kaniyang bibig.
Halos mapatawa ako.
Iniiwasan talaga ako ni Nathan?
Nagkibit balikat ako at umakyat sa hagdan para tunguhin ang kwarto ni Nathan.
Pagdating ko sa kwarto ay nagdalawang isip pa ako kung kakatok pa ba ako. Sa huli ay binuksan ko nalang ang pinto nang hindi kumakatok.
Humigpit ang kapit ko sa paper bag nang makita siyang nakahiga sa kaniyang kama. Nakapatong ang braso sa mata.
"Get the trash and go out.." Aniya. Akala ata ako iyong katulong.
Lumapit ako at napansin ang alak na nasa center table. Binaba ko ang paper bag doon bago lumapit kay Nathan at umupo sa tabi niya.
Napansin ata niya ang ginawa ko kaya inis na tinanggal niya braso sa mata. Hindi niya inaasahan na ako iyon kaya nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero napakita din naman iyon ng galit at lamig.
"Bakit ka nandito?" He asked.
Kinagat ko ang ibabang labi at mabilis siyang dinampian ng halik. Iyong tipo na mabilis at hindi niya inasahan kaya napaatras siya. Napangiwi naman ako dahil amoy alak siya.
"What a kiss stealer.. Did I teach you that? Or from that jerk who you let in your house?" Galit niyang sabi. Ngumuso ako. Alam ko namang hindi niya ako matitiis.
"Bati na tayo.." Lambing ko.
Hindi niya ako pinansin. Nagpapalambing lang ito e pero alam kong magiging maayos din kami.
"Kahit ex ko si Tristan wala namang malisya iyong pagpunta niya sa bahay at 'yong pag-alaga niya sa akin. Bestfriend niya ako at ganoon din ang turing ko sakaniya." Sabi ko pero hindi niya ako inimik.
"Nathan... Bati na tayo."
No response.
"Alam ko kasing busy ka noon kaya hindi na kita inabala.. Sorry na, gusto mo bang magkasakit ako ulit tapos ikaw naman na ang mag-alaga sa akin?"
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Crazy.. Do you think I want you sick just to do what that kid did to you? Your health is more important to me than my ego." He finally said.
Ngumiti ako at binato ulit siya ng mabilis na halik.
Sinamaan nanaman niya ako ng tingin.
"Nakakadalawa kana a." Inis niyang sabi.
"Edi tatlohin natin." Sabi ko at hahalikan sana ulit siya nang umatras ang ulo niya.
"Ayaw, di pa tayo bati no. Umuwi kana nga." Pabebe naman ang isang 'to. Halata namang tuwang-tuwa siya sa ginagawa ko.
"Dito ako matutulog.."
"What? No! Go home Jelyn!"
Umiling ako.
"Uuwi lang ako pag in-kiss mo ako.. Gusto ko with tongue." Pilya kong sabi.
Mas lalo ata siyang nagalit sa sinabi ko.
"Saan mo ba natututunan ang mga sinasabi mo? I'm starting to hate that." Sabi niya.
"Pinanuod ko iyong porn sa CD mo noong nakaraan. Actually I don't have Idea what is it about but when I watched it.. Parang ganoon 'yong ginawa natin noon sa bed mo--"
"Jelyn! You touched my things? Fuck.." Gigil niyang mura. Naguilty namab ako dahil hindi ko dapat pinanood iyon dahil sakaniya iyon.
"Galit ka?" Tanong ko.
"Yes, fuck it." Mariin niyang sabi at pinasadahan pa ang buhok ng kamay. Muka siyang problemado.
"Kiss kita para hindi kana magalit. Kung gusto mo, gawin din natin--"
"Jelyn!" Saway niya. Ngumiti ako. Ayaw mo di wag.
"Bati na kasi tayo!" Sigaw ko. Ayaw ko kasing nagagalit siya sa akin e. Nakakainis.
Hindi nanaman niya ako inimik kaya tumayo ako.
"Pag hindi pa tayo bati, paglabas ko sa kwarto mo break na tayo!" Hamon ko.
Tinantya niya ako bago ngumisi.
"Hindi tayo magbebreak kasi hindi ka makakalabas ng kwarto ko."
Tumaas ang isang kilay ko. Tumalikod ako at lalabas na sana pero mabilis na kumapit ang braso niya sa bewang ko. Hinila niya ako papalapit bago ipinangko sa pinto.
"Told ya." Aniya.
"Di naman tayo bati e. Ang away mo." Sabi ko. Umarte pa ako na maiiyak kaya pakiramdam ko ay nataranta siya.
"Sorry na nga e." Sabi ko pa.
Bumuntong hininga siya at yumuko para mailagay ang muka sa leeg ko. Humigpit ang hawak niya dmsa bewang ko.
"It's really hard to resist you, especially when you are using your tricks on me. Hindi ko malaman kung inosente ka ba sa mga bagay-bagay ko sinasadya mo lang ako."
Ang init ng hininga niya sa leeg ko.
"So bati na tayo?"
Nag-angat siya ng tingin. Bago ako binigyan din ng mabilis na halik.
"I have no choice.." He made it sound like he doesn't want this.
"Arte mo. Talikod kana. Baba tayo. Nagluto ako ng lasagna."
Mukang ginanahan siya nang marinig ang sinabi ko pero napatingin siya sa kama.
"Let's just kiss and cuddle for the night." Pilyo niyang sabi.
Gusto ko iyon pero umiling ako.
"Nagugutom na ako. Alam kong gutom kana din.. Masamang hindi kumain matapos uminon. Let's eat first then we'll cuddle."
"And kiss?" Parang bata niyang sabi.
"With kiss."
Ngumiti siya at tumalikod na sa akin. Ako naman ay bumakay na sakaniya. Binuhat niya ako at inamoy ko namab siya.
"Bango ni King.. Love you." Bulong ko.
Ngumisi lang siya at sinabing ikiss ko siya sa pisngi kaya ginawa ko.
Mission accomplished.. Bati na kami!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top