Chapter 31 of her dying time
♥Jelmine
Chapter 31
Jelyn POV
("Anong ginagawa mo?")
"Eating?"
("Eating what?")
"Mallow."
Kumuha ako ng isang pirasong mashmallow bago sinubo.
("Kinakain mo si Mallow? Ganyan kaba kaadik sa marshmallow?")
Napatawa ako.
"Hindi no! Hindi ko kakainin 'yong anak natin. Haha though muka syang masarap."
("*laughs* Baliw, it's getting late.. Go to sleep.")
"Hindi pa ako inaantok.."
Nilagay ko sa cupboard ang supot ng Marsmallow bago uminom ng tubig.
"Ate Alice paki ligpit nalang po itong pinag kainan ko."- sabi ko sa helper namin na nagpupunas ng mga plato. Tumango siya kaya tumalikod na ako para umakyat sa kwarto ko.
("I'll fetch you tomorrow. This time I'll keep my promise.")
"Baka hindi mo nanaman ako sunduin eh.".
("I will. Trust me Mine.")
Humiga ako sa kama at pumikit habang nasa ibabaw ng tenga ko ang phone ko.
"I'm not going to attend on our class tomorrow."
May narinig akong backround music na pag sarado ng pinto. Then kaluskos. I guess na kahiga na din sya.
("Bakit? Saan ka pupunta? Want me to accompany you?")
"Hindi na. Kaya ko namang mag-isa."
("Saan ka ba pupunta? Kahit ihatid lang kita.")
"May i-me-meet ako na kaibigan ni Mommy at daddy dito sa Pilipinas. They invited me for a dinner. "
Lies.
("Ok.. Promise me you'll be ok alright? And every minute inform me kung anong nangyayari sayo. ")
"Kahit OA kana sige.. I'll do it for you. "
("Matulog kana.")
Ngumuso ako at pumikit.
"Hindi nga ako makatulog. Will you sing for me?"
I know his voice is really good. I want to hear him sing not for someone else but for me.
("Close your eyes first... ")
"Done."
(".........")
Naka tulog ako sa boses ni Nathan ng gabing iyon. May narinig akong huling sinabi nya pero nakalimutan ko na nung nagising ako. Hindi ko na din napatay ang phone ko kagabi.
Nag ayos ako ng sarili bago lumabas ng kwarto para kumain ng marami. I need to gain more strength para mamaya. Any minute dadating na si Tristan para sunduin ako.
"Anak, hinay hinay naman.. Madami pa tayong pag-kain hindi ka mauubusan."
Ngumiti lang ako kay Yaya Nanay. After kong kumain tinawagan ko sila Mommy. Naiiyak pa ako habang kinakausap sila. Gusto kong namnamin dahil baka ito na ang huli.
Sabi ni Tito pag hindi kinaya ng utak ko ang sakit baka daw mag break down nalang ako. Na syang kinakatakot ko.
("Always take care of yourself huh? I love you my little princess. I missed you so much.")
"Love you too Mom. Bye."
("Bye. Muah.")
After kong makipag usap lumabas ako ng bahay para hintayin si Tristan.
Mabilis na nakarating si Tristan kaya mabilis kaming nakarating sa bahay nila. Well, dahil illegal ang proseso ng pang gagamot kailangan hindi sa publiko gawin kaya sa bahay nila Tristan gagawin. Wala naman akong problema tungkol dun dahil doktor naman si Tito.
"Nervous?"
Tumingin ako kay Tristan na handa ng buksan ang pinto ng kanilang main door.
"Yes."
"Mag relax ka lang. Nandito ako. Babantayan kita hanggang matapos ang therapy."
Ngumiti ako.
"Thank you."
Binuksan ni Tristan ang pinto at pumasok kami.
"Asan sila Tito?"
Walang tao ang nadatnan namin sa sala. Hinawakan lang ni Tristan ang kamay ko at ginaya ako sa isang puting pinto.
"May malaki kaming laboratory dito sa bahay. Duon hinanda ni Daddy ang machine pati na ang mga gamot."
"Cool."
Tumawa lang si Tristan bago binuksan ang pinto. Bumungad samin ang puting kwarto. May mga tube sa gilid at kung ano- anong gamit at may malaking machine sa gitna. May kurtina iyon na nag hahati sa buong kwarto.
May tatlong babaeng naka puti at dalawang lalaking naka puti din. Yung dalawang lalaki may inaayos sa machine, yung tatlong babae may ginagawa sa harap ng monitor na naka-konekta sa machine.
Sa isang gilid naman nanduon si Tito at Tita na may hawak na syringe.
"Mom, dad."- Tristan
Napalingon samin sila Tito. Tinanggal nila ang kanilang face mask at naka ngiting lumapit sakin si Tita.
"Hello, Titania.. Ang laki na ng princess namin ah. Ready kana?"- Tita
"Opo."
"Alam kong kinakabahan ka na ngayon, pero nandito lang kami. Hindi ka namin hahayaang mapahamak. Lagi mo lang tatandaan na para sa pamilya mo ito. "- tita
Actually kanina pa ako nanlalamig dahil sa kaba.
"May tiwala naman po ako sainyo tita. Salamat din po sa pag tulong sakin."
"Your welcome. Parang anak kana din namin kaya namin ito ginagawa. You're our little princess right?"
Naluluhang tumango at ngumiti ako.
"Titania.. This is Dr. Cezzar."
Pinakilala sakin ni Tito yung doctor na nag inform sakanila sa therapy na ito. He's the father of Kizme.
Nakipag kamay sakin si Dr. Cezzar na agad ko namang tinanggap.
"Nice meeting you Dr. Cezzar. And i am so greatful and thankful dahil sa mga naitutulong nyo sakin. Thank you so much."- me
"*Laughs* It's my pleasure young lady. Sa ganda mong yan hindi halatang may sakit ka.. Anyways, my daughter insist it. Sabi nya kaibigan ka nya and I'm willing to help you."
Ngumiti lang ako. Hindi ko alam na ganito kabait si Kizme. Hindi kami mag kaibigan ni Kizme nung panahon na nirecommend nya ako sa dad nya. I wonder kung nakilala nya ako dahil kay Tristan o kay Nathan.
"Ok let's start."- Tito
Kinakabahan na nilingon ko si Tristan. Nakatayo sya sa gilid ko. Ngumiti sya sakin at tumango. Gesturing me to go and encouraging me that I can do it.
"Iha, umupo ka dito."-
Pinaupo ako ni Dr. Cezzar sa isang gurney malapit sa machine. Nag lakad ako papunta dun at umupo.
"May ipapa liwanag lang ako sayo bago tayo mag simula. Nakikita mo ang tube na hawak ni Cecile?"
Tinignan ko yung babaeng nasa gilid ko at may hawak na tube na may kulay pink na likido.
Pinasadahan ko sila Tito, tita at Tristan na nasa isang gilid at pinapanood ako. Kita ko sa mga mata nila ang pag aalala at pag papalakas ng loob ko lalo na si Tristan.
"Ito ang ituturok sa ulo mo. This is .. Ahmm.. Painful dahil padadaanin ang gamot mula sa ugat ng ulo mo papunta sa part na may disease. As long as ayaw kong sabihin sayo ito pero kailangan..."
Be strong Jelyn.
"You need to be stay awake until the procedure is done. Hindi ka pwedeng bigyan ng gamot pang patulog dahil pag naka tulog ka during the procedure pwedeng mag shut down sa pag p-process ang utak mo at hindi kana magigising pa. May side effect ang gamot na iyon. I think, blindness for an hours.. I don't know."
Shoot. Na subukan ko ng mabulag ng ilang minuto pero hindi oras kaya hindi ko alam kung gaya ko. Pero hindi naman ako siguro pababayaan ni Tristan.
" Pero pag na survive mo ang second stage ng gamutan wala kanang dapat ipag-alala para sa third stage. Ipapasok ka lang namin sa machine na iyan na puno ng mga gas medicine. Iikot iyon sa buong sistema mo. Ang tangi mo lang gagawin ay hayaang mag relax ang katawan mo at matulog. Sa last minute of Therapy kailangan mong manatiling tulog dahil masakit ang last minute bago ka ilabas sa machine."
"I got it po."- me
Bumuntong hininga si Doktor. Pinagpalit nya ako ng hospital gown bago ako Pinahiga sa gurney. Lumapit sakin ang ibang babaeng naka puti. Kinabitan nila ako ng kung ano ano sa sintido at sa pala pulsuhan, kinabitan din nila ako ng BP.
Ewan ko kung ilang beses na akong bumuntong hininga. Natatakot ako, kinakabahan pero sabi ni Tita isipin ko ang pamilya ko. Sabi ni Tristan nandyan lang sya at hindi nya ako iiwan.
Halos lahat ng oras na kinakabitan nila ako ng mga tubo ay nakatingin lang ako kay Tristan. Sakanya ako kumukuha ng lakas dahil wala ang pamilya ko dito. Wala din si Nathan.
Nawala konti ang takot ko dahil nandyan sya.
"Titania..tignan mo lang ang ilaw na ito. Kumalma ka at tumingin ka lang dito para mafocus ka."
Tinignan ko ang ilaw na nasa tapat ko. Hindi masyadong maliwanag pero nakakuha ito ng atensyon ko.
Naramdaman ko ang pag hawak nila sa ulo ko.
Hindi ko iyon pinansin.
Inisip ko ang pamilya ko. Siguradong mag lulungkot ang pamilya ko. Lalo na si Mommy. Alam kong hindi sya malakas. Pinapakita nya lang na malakas sya pag nakaharap ako. Pero hindi ako manhid para hindi malaman na umiiyak sya gabi gabi dahil sinisisi nya ang kanyang sarili kung bakit nangyari sakin ito.
"Ready? Give me the syringe.. Nurse Cecile please focus on her heart rate."
Si Nathan. Gusto kong makasama sya ng matagal. Sya na ang buhay ko ngayon. Hindi ko na kaya pag nawala sya. Kaya ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mahalin nya ako at maging akin sya.
"Before we start let's pray. Jesus Christ our Lord.. Please be with us and help us to finish this therapy successfully. Give Titania the strength she need to survive. Don't leave her and hold her. In Jesus name, Amen."
Right.
Bakit hindi ko inisip na kasama ko din sya? Bakit hindi ko naisip na pwede ko syang hingan ng lakas?
Hindi si Kizme ang dapat kong pag pasalamatan ng lubos. Hindi pala sya.
Hindi ako dapat nagalit sayo. Dapat pala nag pasalamat pa ako sayo dahil pinatagal mo ang buhay ko ng ganito . Pinakilala mo sakin Si Nathan at gumawa ka ng paraan para sa sakit ko.
"Her Heart rate is stable Doc."
"Then, let's do this. Titania.. Mag sisimula na kami."
Thank you so much God. Thank you. I know I don't have the right to tell you this but please.. I'm begging you. Be with me. Help me.
Napatigil ako sa pag iisip.
Parang na wala lahat ng iniisip ko. Tangging pakiramdam ng isang metal na bagay ang nasa-isip ko na unti unting pumapasok at sumisira sa sistema ko.
Naramdaman ko ang pag pasok ng likido sa ulo ko. Bawat patak sobrang sakit. Bawat galaw naka mamatay.
Tinanggal ang metal sa ulo ko pero hindi natanggal ang naka mamatay na sakit. Pakiramdam ko lahat ng parte ng ulo ko may gamot. Hindi ko alam kung saan ang hahawakan. Parang gusto ko nalang hugutin ang utak ko dahil sobrang hapdi na nararamdaman ko.
"Aaaaaaaaahhh!!!"
Hindi ko mapigilang sumigaw. Hindi ko mapigilang mapa upo pero may humawak sakin. Hindi ko mapigilang mag wala sa sobrang sakit.
Nawala ang focus ko sa ilaw. Napatingin ako sa paligid pero walang mag proseso sa utak ko. Tanging alam ko lang nasasaktan na ako ng sobra.
"Titania, wag mong aalisin ang focus mo sa ilaw."
Hindi ko maintindihan ang sinabi ng kung sino man iyon. Tumingin ako sa paligid pero wala akong maintindihan.
Sumigaw ako ng mas malakas dahil sa isang napaka sakit na bagay ang yumakap sa ulo ko. Mas mahapdi sa una. Mas naka mamatay. Pinukpok ko ang sintido ko. Nag mamakaawang tumigil na.
Pinikit ko ang mata ko. Urrgh! I can't handle this pain anymore.
"Tristan! Hindi sya nakikinig. Lapitan mo sya. She needs to stay awake!"
Tristan.
Kaya hindi ako mapakali kanina. Hindi ko makita si Tristan! Did he leaved me already? He promised me!
"Tristan!" Tili ko. Gusto kong hawakan nya ako. Gusto kong maging kalmado kahit sobrang sakit na ang nararamdaman ko.
Nag mulat ako ng mata. Sabay sigaw ng malakas dahil may parang martilyong humampas sa ulo ko.
"Ayoko na! Ayoko na! Patayin nyo nalang ako! Itigil nyo na ito!"
Tristan POV
"Tristan! Lapitan mo sya. Hindi sya nakikinig. She need to stay Awake!"
Nag tiim ang bagang ko sa narinig. Nandito ako sa labas ng laboratory. Ayoko syang makitang nahihirapan pero hindi ko kayang lumayo na kahit nasa labas ako naririnig ko ang sigaw ng pag mamakaawa nya.
Sobrang sakit na makita syang nasa ganung kalagayan pero wala akong magawa.
Nag pasya akong pumasok sa loob kahit nangingig ang buong kalamnan ko.
Nang hina ang tuhod ko nang masilayan ko Si Jelyn na namimilipit sa sakit. Apat na nurse ang umaawat sakanyang akmang pag tayo pero hindi sya tumitigil sa pag sigaw.
Napalingon ako kay Mommy na yumakap kay Daddy habang humahagulgol ng iyak.
Naalarma ako sa pag pikit ni Jelyn.
"Tristan!"
Alam kong gusto nya akong lumapit pero hindi ko ginawa. Pakiramdam ko babagsak anytime ang tuhod ko sa panghihina. Malayo palang sobra na ang sakit para sakin na makita syang ganyan. Malapitan pa kaya.
Pero Lumapit ako dahil nag simula na syang pukpukin ang kanyang ulo.
"Ayoko na! Ayoko na! Patayin nyo nalang ako! Itigil nyo na ito!"
Mas lumakas ang hagulgol ng Mommy ko. Mabilis na umagos ang napakadaming luha sa mata ni Jelyn na may kasamang dugo. Mas malakas na ang mga sigaw at pag mamakaawa nya ngayon.
Fuck!
Tumulo ang luha ko at mabilis syang hinawakan sa kamay.
"J-jelyn, nandito ako. Diba sabi ko kumalma ka kang? Open your eyes.. Look at me, wag kang matutulog."
Nag mulat sya ng mata. May konting dugo ang bumahid sa kanyang gilid ng mata at napaka pula ng mga mata nya.
Tumingin sya sakin at humagulgol ng iyak.
"T-tristan hindi ko na kaya.. Ialis mo na ako dito please... Nag- aaaahhh! Sobra na! Ang sakit sakit na! Hindi ko na... kaya.."
Hinaplos ko ang pisngi nya at pinunasan ang dugo.
Sobrang nasasaktan na sya. Umiiyak na sya ng dugo. Kaya ko pa bang makita sya ng ganito?
"Dad! Gaano sya katagal mag ka-kaganito?"- i asked
"Kalahating oras pa anak."
Fucking shit!
Hinaplos ko lang ang ulo ni Jelyn. Hindi ako umalis sa tabi nya. Ako ang nag kakalma sakanya sa tuwing sisigaw sya. Pinanatili kong gising sya. Kinausap tungkol sa mga
Bagay noon para ng sa ganun, mapunta sakin ang konting atensyon nya.
Sa loob ng dalawang oras pabago bago ang mga kilos nya. Kakalma sya then sisigaw at mag wawala. Tapos kakalma ulit bago hahagulgol ng iyak at nag mamakaawa sakin na patigilin yung sakit. Pag sinabi ko naman na mag hintay lang sya pupukpukin nya ang kanyang ulo at sasabihing patayin nalang sya.
Alam kong nasasabi nya ang mga bagay na iyon dahil sa nararamdaman nyang sakit. Pero kung gusto nyang mamatay kanina pa sya nag break down pero hindi.. Gusto nyang kami ang gumawa, ibig sabihin lumalaban sya. Pinapanatili nyang gising sya.
Makalipas ang kalahating oras tahimik na ang lahat. Kalmado na si Jelyn at Nakatingin kaming lahat sakanya.
Medyo lumapit ako sa pag aalalang may nangyari ng masama sakanya. Nakamulat ang kanyang namumulang mata at hindi gumagalaw.
"Dad, is she ok? Bakit hindi sya gumagalaw? Fuck! Hindi sya humihinga!"
**********
While waiting for my next Update would you read my other side story? It's complete story entitled "Ang Malanding Nerd"
Hope you follow me guys! Labyah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top