Chapter 17 of her dying time
-Jelmine
Jelyn POV
Natapos ang buong araw ng klase pero wala ako sa sarili. Uuwi sana ako kanina pero hinarang ako ni Justine at pinabalik sa room. Buong araw din nya akong binantayan pero hindi nya ako kinakausap.
Ngayon nag lalakad kami papunta sa main gate para umuwi. Kanina ko pang gustong mag lupasay dahil tinatamad akong mag lakad.
Nangangalay na din ang mga paa ko pero mga meters palang naman ang nalalakad ko. Sinanay kasi ako ni Nathan na laging binabakay..
Ayan tuloy, spoiled na yung paa ko.
Kung mag pa bakay kaya ako kay Justine?
Tsk.
Wag na.. Baka sapakin pa ako nyan.
Pero tinatamad talaga akooo!!
Nag isip ako ng paraan at dahilan para makalipad..
Alam ko na!
Hihi..
Bigla akong huminto sa pag lalakad. Nakita iyon ni Justine at napa tigil din sya with his very handsome puckish forehead.
"What?"- Justine
"M-my... My head.. Hurts."
Syempre paawa effect. Pag naawa yan bubuhatin nya ako. Yayy!
"Tsk. Dalian mo palang mag lakad para makapunta na agad tayo sa kotse. May gamot dun. Gamot sa mga taong tamad na para-paraan. Wag mo akong idaan sa acting mo prinsesa, alam ko na yang style mo.."
"Wee? Kay Nathan ko lang ginagawa ito so ibig sabihin lagi mo kaming tinitignan?"
"N-NO! I mean.. Yes, i cant help it.. Sa harap namin kayo nag lalandian it's not impossible na hindi ko yun mapansin. "
.
"Hmm. Sabagay.. Anyway, ibakay mo na ako! Handsome please!"
"Ayoko. Mag lakad ka."
"Isusumbong kita kay Nathan!"
.
"Tsk."
Bumuntong hininga si Justine at inis na umupo sa harap ko. Nakangiti akong pumasan sa likod nya.
"Tsk. Ang gaan. Kumakain kapa ba?"
"Syempre! Kanina pinakain mo ako ng sandamak mak then sa bahay naman pinuno ni Nathan ng marshmallow at gummy bears lahat ng cupboard ko.. kaya hindi ako magugutom pag si Nathan o ikaw ang nasa tabi ko or rather yung wallet mo. Haha."
"Tsss. Hindi na mauulit yung pag papakain ko sayo. Ang lakas mong kumain kulang nalang kainin mo yung plato."
"Hindi no! Wala ngang lasa yung binigay mong pag kain. Wait nga.. Bakit ang bagal mong mag lakad?"
Ang bagal nyang mag lakad eh.
"Kinukwentohan mo ako eh, tsk. Bumaba ka na nga lang kung mag rereklamo ka din lang."
"Behave po ako! "
Ngumiti ako nang silipin ko ang muka ni Justine. Ngumiti sya!! For the first time, kailangan kong maisulat yun sa change book ko. Hihi.
"Justine."
"O?"
"Bakit hindi mo ako pinapansin dati? Naiirita kaba sakin?"
Napatigil sya sa pag lalakad pero nag patuloy din kalaunan.
"I.. I just don't feel comfortable when you're around."
"Bakit naman? "
" wag kanang matanong.."
Tumahimik ako at sinandal nalang ang ulo ko sa likod nya.
Hindi na sya nag salita pa hanggang makarating kami sa parking lot. Binaba nya ako sa tapat ng kotse namin.
Nag bow sakin si Butler Yuru at pinag buksan ako ng pinto. Bago ako pumasok sa loob ngumiti muna ako kay Justine na tango lang ang sinagot sakin.
***
Nag dadalawang isip ako kung pipindutin ko ba ang door bell ng bahay nila Nathan o aalis nalang ako.
Kinakabahan ako.. Ayokong pag usapan yung tungkol kay Tristan but i guess i cant avoid that issue.
Bumuntong hininga ako at tatalikod na sana nang mag bukas yung gate.
"Honey!"
Lumabas si Mommy ni Nathan sa Gate at nakangiting nakipag beso beso sakin. Pilit akong ngumiti at tumingin sa gate na nakaawang.
Praying Nathan isn't there, kahit sa loob ng bahay. Gusto ko pang mag ipon ng lakas.
Lucky me, wala sya.
"Hey, honey. Natahimik ka. Are you looking for Jared? He'll be here in One hour, i guess."
Umiling ako kay Mommy.
"Just tired po. Pwede na po ba tayong pumasok? I wanna know kung nag luto po kayo ng Paksiw and especially your lasagna."
"Ikaw naman, Mas masarap naman yung luto mo sakin. Halika na."
Mommy and i walked our way in. Pag dating namin sa sala napatakbo si Momny sa kusina dahil may amoy sunog kaming naamoy. I followed her, Mom quickly remove the burning pan out of the stove.
"Oh, my."- me
Lumapit ako sa pan at chi-neck iyon. I stick my point finger out and tasted the burn and fried adobo.
"Hmm. Its still taste good Mom."
"It is?"
"Opo."
Nakitikim din si Mom at yung namomroblema nyang muka ay nag light up ng matikman nya. Masarap naman talaga eh, natuyo lang.
Habang inaayos ni Mommy yung fried adobo tumingin ako sa mesa. May mga ilang ingredients pa duon na mukang iluluto palang.
"Mom, do you want me to help you? Its look like marami ka pang gagawin."
"Kaya ko naman na.. Mag lakad lakad ka nalang muna dito sa bahay nang saganun hindi kana maligaw ulit."
Nung first day ko dito naligaw ako kakahanap sa CR nila dahil nga malaki ang bahay nila. I guess 30 minutes bago ako nahanap ni Nathan.
Tumango nalang ako at nag lakad paalabas sa kusina. Una akong pumunta sa pool nila na alam ko na kung saan ang daan.
Madaming bulaklak dito kaya ito ang favorite place ko. Habang nag lalakad hinahaplos ko lahat ng bulaklak na madadaanan ko. Hanggang sa makarating ako sa isang room na i think storage room.
Naglakad ako papalapit dun at binuksan ang pinto.
Ang alam ko pag storage room full of dust pero sa nakikita ko parang museum ang storage room na ito. May kalakihan at puno ng mga paintings.
Pumasok ako sa loob at binuksan ang ilaw. Unti unting nag liwanag lahat at bumungad sakin ang mga napaka ganda at daming paintings.
May mga place na dalawang kulay lang ang ginamit pero napaka ganda.
Nag lakad ako sa isa pang painting at hinaplos ito.
Drawing yun ng isang lalaking nakatalikod na puno ng shades ng lapis. Black and white lang ang kulay.
Simple.
Nilapitan ko lahat ng mga painting at hinawakan pero may isang pinaka mamanghaan ko. Drawing yun ng mag kahawak kamay. Yun na siguro ang pinaka simpleng painting na nakita ko.
Napasinghap ako ng may marinig akong tumunog. Napatalon ako sa gulat ng may makita akong ipis. Then i accidentally hit something and that something caught my attention.
It's a box and a lot of pictures.
Yumuko ako para pulutin yun dahil nga bumagsak sa sahig. Napaawang ang bibig ko habang isa isang pinupulot ang mga nag kalat na litrato.
My heart crushed down into pieces. I can feel a liquid starting to flow down from my eyes.
I cant believe this.
This is the day my unstoppable question just answered..
Why do i let Nathan take my ?
Why do i always care for that bastard man?
Why i cant give up being cheerful girl just to make him smile?
Why do it feels like I'm dying by looking at this picture?
Simple....
Because i fall for him..
Siguro galit ako kay Tristan hindi dahil mahal ko parin sya kundi naaalala ko parin ang mga ginawa nya. Sya kasi yung bestfriend ko kaya hindi ko akalain na sasaktan nya ako.
Isa isa kong tinignan ang mga picture.
Si Nathan kasama ang isang napaka gandang babae. Nakangiti si Nathan habang nakaakbay dun sa babae.
Ngiting ramdam mo na ang saya saya nya.
Meron ding litrato ng nakayakap yung babae kay Nathan habang naka halik yung babae sa pingi ni Nathan. Alam kong past na itong mga litratong to.
Pero ang sakit.
Nakikita mong mahal nila ang isa't isa.
Sya ba ang dahilan kung bakit ang tigas ngayon ng puso ni Nathan? Sya ba yung past na kailangan nyang tapusin at Hindi si Kisme? Na kailangan nyang balikas para mabuo na ang sarili nya...
Pinunasan ko yung luha ko at tumayo. Binalik ko sa dating pinaglagyanan yung box. Lumapit ako sa painting kanina na nakita ko.. Yung lalaking nakatalikod at puro shades ng lapis.
I chuckled.
Now i realised.. Its Nathan.
Hinaplos ko ang signature sa pinaka baba.
Helen....
Sya ba yung babaeng nasa picture? Sya siguro yung nag drawing nito.
Full of love and passion.
Kailangan kong malaman kung sino si Helen.
Nilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ko.
Dialling....
(Hello prinsesa?)
"Hey, can i see you? May gusto sana akong itanong sayo."
("Sure thing, lets meet at the park near on your place.")
"Thank you...
..
..
..
Ayato."
To be continue...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top