SPECIAL CHAPTER: DRAVEN LEONARDO DONOVAN

SPECIAL CHAPTER: DRAVEN LEONARDO DONOVAN

"Lilianna..."

Mariin kong pinikit ang aking mata ng marinig ang boses ni Steven. Iniba ko ang aking puwesto at tinalikuran ito. Nakabukas agad ang kurtina sa bintana ng guest room na lalong ikinairita ko.

"Steven," I groaned.

Tinaas ko ang comforter at tinaklob 'yon sa akin ulo habang nakadapa sa kama. Nakasubsob ang aking mukha sa mabango at malambot na unan.

"Wake up, Doll. We need to eat breakfast. Kanina pa naghihintay si Abuelo at Francheska kasama ang mga bata sa dining area," malambing ang tono ng kanyang boses.

Ramdam ko ang kanyang palad sa aking likod kahit na may nakaharang na comforter. Hinahaplos niya ang aking likod para magising ako pero hindi 'yon nakakatulong, mas lalo lang akong inaantok.

"Come one, wake up. You can take a nap later," muli niyang sambit sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at napipilitan na bumangon sa kama. Dito na naman ako nakatulog imbis na kasama ang triplets sa kuwarto. Paminsan-minsan kasi ay tumatakas kami papunta rito kapag tulog na ang tatlo.

"How can I take a nap later? May gagawin ako," habang iniisip ko 'yon ay gusto ko ng maiyak.

One year later, nailipat na sa akin ang business ni Abuelo kaya ako na ang nagmamanage no'n. Nakapag-adjust naman agad ako sa nangyayari sa business ni Abuelo pero mahirap pa rin. Ginusto ko naman 'to kaya wala naman akong choice. At saka habang tumatagal ay nagugustuhan ko na rin ang trabaho ko roon kaya pagod na lang talaga ang nirereklamo ko.

Gano'n din kay Steven, ang business ng lolo nito ay nailipat na sa kanya kaya parehas kaming may trabaho ngayon. Nabibigyan na rin ng sapat na sahod ang mga nagtatanim ng palay. Pero kahit busy sa trabaho ay nagagawa pa rin naming bigyan ng atensyon ang triplets. Hinahati talaga namin ang oras sa trabaho at sa anak namin dahil ayaw ko na lumayo ang loob nila sa amin.

"Are you going to work later or not? You've been stressed for days. Just tell Abuelo that you'll go tomorrow instead."

Bakas sa kanyang boses ang pag-aalala. Nang lingunin ko ito ay nakaupo siya sa kama at nakaharap sa akin. Nakapantulog pa rin ito pero mahahalata mo na gising na ito kanina pa.

"Naisip ko na rin 'yan," mahina kong sagot. Muli akong nahiga sa kama at tumingin sa puting kisame ng guest room. "You're right, Love. I think I need to take a rest today. I feel like I'm going to get sick today."

Naramdaman ko na gumalaw ang kama, maya-maya ay hindi na kisame ang nakita ko kundi ang guwapong mukha ng aking asawa. Umangat ang aking kamay at hinaplos ang panga nito.

"Do you want me to take you to the hospital?" nag-aalala niyang tanong. "What are you feeling right now?"

Napabuntong hininga na lang ako at bumangon. Todo alalay pa siya sa akin na akala mo ay may malubha akong sakit.

"Ang bigat lang ng katawan ko," sagot ko at napakamot na lang sa aking ulo. "Hindi ko alam nakakainis. Tara na nga at nagugutom na ako."

Ang bigat ng katawan ko ng makatayo. Pinagpag ko ang sout kong silk dress at tinignan si Steven na hanggang ngayon ay nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko dahil tulala lang siya at parang malalim ang iniisip.

"Let's go, please. I'm hungry na," lumambot ang aking expresyon at hinawakan ang aking tyan.

"Okay..." sagot niya habang nakakunot ang noo sa akin.

Sumunod naman siya sa aking sinabi. Nang makalapit ito ay hinawakan ko ang kanyang kamay at sabay kaming nagtungo sa dining area, na magkahawak kamay.

"Good morning, everyone," nakangiti kong bati ng makapasok kami dining area.

Nakita ko agad ang triplets namin na anim na taong gulang na. Katabi nilang tatlo si Francheska at Abuelo. Napatingin ako sa digital wall clock sa gilid ng dining area at nakita ko na ala sais na ng umaga.

"Good morning, mommy! Good morning, daddy!" sabay na bati ng triplets sa amin.

Ngumiti ako at nilapitan sila habang nakahawak pa rin kay Steven. Binigyan ko sila ng tig-iisang halik sa noo at naupo sa bakanteng upuan sa tapat nila.

"Abuelo, okay lang ba na mag-take ako ng rest day ngayon? Huwag kang mag-alala papasok naman agad ako bukas. Gusto ko lang magpahinga ngayon," salita ko ng makaupo.

Pinanood ko ang aking asawa na nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko. fried rice, sausage , and salad.

"Sure. What happened to you? Do you have a fever?" nagaalalang tanont ni Abuelo sa akin.

I shook my head. "Gusto ko lang po magpahinga."

Mabuti na lang at pumayag si Abuelo na hindi muna ako pumasok ngayon. Ang company nito na pinasa sa akin ay nakalocate sa Monterico City, malapit kaonti sa city hall.

Mabuti nga at nakaalalay si Francheska sa akin kaya hindi na ako nahirapan sa mga gawain doon. Nanibago ako pero sa kalaunan ay nakaya ko naman.

"Mommy you left us again while we're sleeping at your room," nagtatampong wika ni Cordelia.

Kamuntikan na akong nasamid at tinawanan na lang ang bunso naming anak. Si Steven naman ang umasikaso no'n dahil abala ako sa aking kinakain.

"I'm sorry, baby. Nagpahilot lang ako kay daddy mo last night," pagsisinungaling ko.

"It's okay po, mommy," sagot ni Aquina at Selene.

Humaba lang ang kanyang nguso at tinuon ang pansin sa kanyang kinakain. Hindi na kami nagkakasya sa kama kaya minsan ay doon ako natutulog sa guestroom sa tabi ni Steven.

Ang mansyon naman na naiwan ng lolo ni Steven sa Cierra ay under renovation dahil may pinabago siya at nagpadagdag ng tatlong kuwarto para tig iisa sila ng triplets.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Francheska, come here please!"

Malakas ang aking boses at hinihintay siyang makapasok sa loob ng banyo. Galing kasi ito sa aking kuwarto dahil may kukunin daw siya.

"Are you okay? Bakit parang kinakabahan ka," nagaalalang tanong ni Francheska ng makapasok sa banyo.

"My period is late for almost a month. Hindi ko rin napansin dahil abala ako sa trabaho," kinakabahan kong sagot sa kanya. "And I took a pregnancy test since my husband and I. . . you know. . . we are sexually. . . active," sagot ko at parang nahihiya pa. "And it came out positive!"

Natigilan siya sa aking sinabi at hinawakan ang aking kamay para tignan ang hawak kong PT. Dalawang malinaw na pulang linya ang nakalagay roon.

"I'm pregnant," I sobbed. Pinunasan ko ang aking luha at napahawa sa aking bibig para pigilan ang hikbing gustong kumawala sa aking labi. "Magkakababy na ulit kami."

"Oh my, Lilianna," bumalot sa akin ang mainit na bisig ni Francheska. "Oh my god, congratulations!"

"Thank you," lumuluha pa rin ako habang kayakap ito. "Magiging ate na ang triplets, Francheska. Magiging ate na sila."

Narinig ko ang mahinang pagsinghot ni Francheska habang magkayakap kaming dalawa. "I'm so happy, Lilianna. Matutuwa si Emilio kapag nalaman niya na may apo na naman siya sa tuhod."

Humigpit ang yakap ko sa kanya at nagtagal pa yata ng ilang minuto bago kumalma dahil sa pag-iyak.

Nang umabot na ang hatinggabi hinintay ko talaga si Steven na makauwi bago ipaalam sa kanya na buntis ako. Nandito kaming apat sa loob ng guestroom at hinihintay siya.

"Mommy, is it true that our baby brother is in your tummy now?" paninigurado ni Selene.

"Paano niyo naman nalaman na baby brother ang nasa tummy ni mommy. What if baby girl pala ito?" sagot ko.

"Mommy, we can feel it. Feel namin baby brother na 'yan," sagot ni Aquina.

"Big sister na po kami, mommy," masayang wika ni Cordelia.

Parehas kaming apat na nakaupo sa kama at hinihintay ang pagdating ni Steven galing sa bahay ng lolo nito sa Cierra. Kakausapin daw kasi siya ng architect para sa magiging disenyo ng bagong tirahan namin doon.

"Are you happy? Is it okay that you're having a baby brother soon?" tanong ko sa kanilang tatlo.

Sabay silang tumango. Namuo ang aking luha ng maramdaman ang maliit nilang palad sa manipis kong tyan. Parehas nilang hinihimas 'yon.

"Of course mommy, we're happy!" Sabay na wika ni Aquina at Selene.

"Baby brother, see you soon," usap ni Cordelia.

"Mommy, we should buy you a red roses as a congratulation gift!"

Mahina akong natawa at hinaplos ang buhok ni Selene dahil sa sinabi nito. Ang mga maliliit nilang kamay ay nasa maliit kong tyan pa rin. Nakangiti silang tatlo habang hinihimas 'yon.

"Mommy, na-recieved mo ba yung bouquet of roses na binigay sa 'yo ni daddy? Inutusan namin siya na bigyan ka no'n as congratulation gift kasi mag-graduate kana po sa college," pag-singit ni Aquina.

"Did you recieved it, mommy? Inutusan namin si dad na ibigay 'yon sa 'yo kasi love ka namin at kapag hindi niya nabigay 'yon sa 'yo magtatampo kami," tanong ni Cordelia.

"Huh?" tanong ko habang nakakunot ang aking noo.

Pumasok tuloy sa aking isipan ang senaryo kung saan sapilitang binigay sa akin ni Steven ang isang boquet ng bulaklak. Nagsalita pa siya na may magagalit kung hindi ko tatanggapin. Wala naman akong choice kundi kunin 'yon dahil nabigay na sa akin ni Steven ang bulaklak.

Wala sa sariling napangiti ako ng maalala ang lahat ng 'yon at tinignan sila. Sila pala ang nagbigay no'n. Kaya pala may tumutulak sa akin na huwag itapon 'yon kahit na gusto ko dahil sa kanilang tatlo pala nanggaling 'yon.

"Naalala ko na," mabilis kong sagot at binigyan sila ng tig-iisang halik sa pisngi. "Kayo pala ang nag-bigay no'n. Thank you very much, my babies. I appreciate your gift."

"Did you keep it, mommy?" nakangiting tanong ni Selene.

I nodded. "Of course, Selene. Nilagay ko pa nga sa vase sa center table. Thank you again, girls. Nagustuhan ni mommy niyo 'yon."

Isang impit na tili ang narinig ko sa kanilang tatlo. Halatang natuwa sa aking sinabi. Kasabay ng pagsilay ng ngiti sa kanilang labi ay niyakap nila ang aking baywang. Nagsisiksikan pa silang tatlo sa akin kaya natawa na lang ako. Agad din naman silang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ulit ang aking manipis na tiyan.

"You're welcome, mommy!" sabay-sabay nilang sagot.

Umangat ang aking tingin ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Steven. Nahuli niya ang triplets na nakahawak sa aking tiyan.

"I'm home, everyone," nakangiting bungad ni Steven ng makapasok.

Awtomatikong napatingin sa kanyang triplets at bumaba sa kama para puntahan ang kanilang ama. Binaba ni Steven ang dala nitong bag at kinulong sa bisig ang tatlo naming anak.

"Daddy! Welcome home," magiliw na sambit ng tatlo.

"What are you doing here?" malambing na tanong ni Steven sa tatlo. "And why you all placing your palm in your mommy's tummy. Does her tummy hurts?"

Napapailing na tumayo ako para lapitan sila.

"It's good news, Love. I'm pregnant—"

"Our baby brother are already inside mommy's tummy!"

Namayani ang katahimikan dahil sa sinabi ni Selene. Isang impit na tawa ang aking pinakawalan dahil sobrang tahimik sa buong kuwarto. Naunahan na ako ni Selene pero ayos lang.

"W-what?" nauutal na tanong ni Steven kay Selene.

Nang dumako ang tingin niya sa akin ay kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Napatayo siya at nagtungo sa akin.

"Mommy is pregnant, daddy! Big sister na kami!"

Hinawakan niya ang kamay ng triplets at dinala sa kama para maupo. Binigyan niya ng tigiisang halik ang tatlo at sinunod naman ako ng hawakan niya ang aking kamay para maupo sa tabi ni triplets.

"Is it true?" naluluha niyang tanong. Nakaluhod siya sa carpet habang hawak ang aking kamay. "We're having a baby again?"

I nodded. "Yes. Magkakababy na ulit tayo. May bagong baby na ulit sa pamilya natin," ang kaninang pagpipigil ko ng luha ay hindi ko na napigilan.

Walang tigil sa pagtulo ang aking luha pababa sa pisngi ng hawakan niya ang aking kamay para yakapin ako. Patuloy lang ako sa pagluha sa balikat nito, nakita ko na niyakap niya rin ang triplets at ngayon ay magkayakap na kaming buong pamilya.

"I'm happy," umiiyak na bulong ni Steven. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking balikat dahil sa kanyang luha. "Thank you, Lilianna. Thank you so much. I promise that I'll stay by your side from now on. I love you, Doll. I love you so much."

Ngumiti na lang ako at pinunasan ang aking luha. Humigpit ang yakap ko sa kanya at hinimas ang buhok ng triplets ng makita na nakatingin sila sa amin.

"I love you too," I whispered while crying. "Mahal na mahal ko kayo."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"I can't go there tomorrow. Mag memeeting na lang tayo sa zoom bukas kung anong oras ang naka schedule roon. My wife due is getting near and I don't want to go there at baka may ka emergency rito bigla."

Naalimpungatan ako ng marinig ang boses ni Steven. Nang idinilat ko ang aking mata ay natagpuan ko siyang nakaupo sa swivel chair nito at nakatutok sa laptop.

Nakatulog ako ng naabutan ko siyang nasa gano'ng pwesto hanggang sa paggising ay gano'n pa rin.

Hatinggabi na ng tumingin ako sa digital clock na nakapatong sa bedside table.

"Steven..." mahina kong tawag sa kanyang ngalan.

Wala siyang narinig dahil sunod-sunod ang pagtipa niya sa kanyang keyboard. Bumangon ako at akmang bababa ng kama ng napatingin siya sa akin.

"Doll..." nagmamadali siya na makapunta sa aking pwesto.

"Hindi ka pa rin tulog?" tanong ko sa kanya ng makahiga ulit sa kama.

Awtomatikong hinawakan ko ang aking tyan at gano'n din ang ginawa niya. Nakaupo siya ngayon sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin.

"May tatapusin lang ako. Don't worry, tatabi agad ako—"

"Let's sleep together, please," pagputol ko sa kanyang sinabi.

Natigilan naman siya at parang nagdadalawang isip pa kung susundin ako o hindi. Hinawakan ko ang kanyang braso at niyakap 'yon.

"Draven and I want a cuddle with you," I said softly, I gave him puppy eyes para maawa siya sa amin.

"Doll, let me finish—"

"Love," pagputol ko sa kanyang sinabi. "Cuddle please?"

Napabuntong hininga na lang siya at alam kong kami ng anak ko ang nanalo. Ang gustong baby boy na kapatid ng triplets ay natupad. Tama ang kanilang hula dahil lalake ang gender ng aming anak.

I already named him 'Draven Leonardo Donovan.' Our unico hijo in the family.

"Yes, doll. If that's what you want."

Wala ng nagawa si Steven kundi bumalik sa working area para patayin ang laptop. Hinubad niya ang sout nitong white shirt at pinatong sa swivel chair bago bumalik sa akin. He usually does this every time we're going to sleep because I want his body heat.

Gustong gusto ko ang init ng kanyang katawan kapag magkayakap kami. Kaya lagi akong nakasiksik sa kanyang katawan hanggang sa makatulog ako ng mahimbing.

"You should sleep now. Hindi maganda sa 'yo na mapuyat ka." Nang makahiga siya sa kama ay agad ko siyang nilapitan at siniksik ang sarili sa malapad nitong dibdib.

May kung anong paru-paro ang nagsiliparan sa aking tyan ng bumalot sa aking katawan ang init ng kanyang katawan. It feels warm, hindi ako magsasawa na gawin ito sa kanyang palagi.

"Okay, love. Goodnight again."

"Goodnight, doll. Good night, Baby Draven."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Push, Mrs. Donovan! You're crowning already. You can do it! Now push again!"

Napapikit ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Steven ng umire ako. Hindi ko na alam kung alin sa parte ng aking katawan ang irereklamo ko sa sakit na aking nararamdaman, halo-halo na silang lahat.

Nanghihina ang aking katawan pero pinili ko pa ring sundin ang sinabi ng doctor para mailabas ko ng maayos si Draven. Normal delivery itong bunso naming anak, sobrang sakit at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"You can do it, Doll. I know you can do it. Come on, you're brave," pagpapagaan ni Steven sa aking loob.

"It hurts," I cried.

Malakas akong napasinghap ng maramdaman ang sakit sa pagitan ng aking hita. Muli na namang humigpit ang hawak ko sa kamay ni Steven at napairi ng magsalita ang doctor.

Paulit-ulit lang ang sinasabi sa akin ni Steven. Para ng lumulutang ang aking utak dahil sa nararamdaman ko. Isang mahabang ire ang aking ginawa at hinihingal na binagsak ang ulo sa malambot na unan ng maramdaman na lumabas na si Draven, kasabay ng pagtulo ng aking luha ay 'yon din ang pag-iyak ng bunso naming anak.

My baby...

"Congratulations, Mr. and Mrs. Donovan. It's a boy," dinig kong wika ni doctor.

Hindi na agad ako nakakilos ng maayos dahil lupaypay na ang aking katawan dahil sa pagod. Mahina akong napaiyak ng maramdaman ang pananakit ng aking katawan. Ang mahalaga ay nailabas ko siya ng maayos, 'yon ang iniisip ko kaya bukod sa masakit ang aking katawan ay masaya ako.

"Draven is here," Steven whispered as he wiped my tears and sweat. Tumulo ang kanyang luha at mabilis na hinalikan ang aking labi. "Thank you, Doll. You're so brave. Goodjob," lumuluha niyang wika.

Hinahaplos ni Steven ang aking buhok at ilang beses niya rin hinalikan ang aking noo habang paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa akin.

"Draven..."

Nangingibabaw ang kanyang iyak sa buong delivery room. Paulit-ulit kong binabanggit ang ngalan ng aking anak bago ako mawalan ng malay dahil sa pagod.

Nagising lang ako na nasa isang kuwarto na kami rito sa hospital. Dumako ang tingin ko kay Steven na nakatayo sa harap ng glass window at karga karga ang anak namin na si Draven. Hinihele niya ang anak namin at naririnig ko pa ang mahinang kanta nito.

At nang humarap siya sa akin ay maingat pero mabilis ang kanyang lakad na nagtungo sa aking puwesto. May pinindot siya sa gilid ng kama at kusang umangat ang kalahati ng kama na ang aking kinahihigaan.

"Hi, how are you?" malambing niyang tanong ng maupo siya sa gilid ng aking kama. Hinaplos niya pa ang aking buhok at nilapitan ako para bigyan ng halik ang aking labi.

"I'm good," tugon ko. Hinaplos ko ang ulo ni Draven na tahimik na natutulog sa bisig ni Steven. "Kumusta siya? Kanina pa ba siya tulog?" tanong ko.

"Katutulog niya lang ng magising ka."

Nakangiti na hinaplos ko ang ulo ni Draven. Nakabalot ito sa blue swaddle. Mas pinili pa ng aking asawa na kargahin ang anak namin kesa ilagay siya sa maliit na higaan na nakapuwesto sa gilid ng aking kama.

"May kailangan ka ba? Gusto mo bang tawagin ko ang nurse?" mahinang tanong nito sa mababanf tono.

"No. I'm fine don't worry."

Umusog pa kaonti si Steven para makita ko ng maayos si Draven. Makapal na makapal ang kanyang buhok sa ulo, lalo na ang kilay nito. Mapupula ang labi at bahagya pang nakibot habang ang kanyang kutis ay napakapula na akala mo ay tocino.

"On the way na sila Abuelo rito kasama ang triplets."

Nakahawak ako sa balikat ni Steven at nakatanday ang baba roon habang nakangiting pinagmamasdan si Draven.

"Mukhang excited na ang triplets na makita ang kapatid nila," natatawa kong sagot.

"They're both excited for sure. They can stop calling or texting me that if you already give birth to Draven a while ago."

Chuckled escape in my mouth.

"Thank you, Doll," pagpapasalamat ni Steven. Nang tignan ko ito ay nagsalubong ang aming tingin.

Malambot ang tingin nito sa akin, ang light brown niyang mata ay bahagyang kumislap dahil sa namumuo nitong mga luha na nagbabadyang tumulo. Malambing ko lang siyang ninigitian at hinaplos ang kanyang pisngi.

"You're welcome," I whispered. Hinalikan ko ang kanyang labi at tinanday ang ulo sa kanyang balikat. "Masaya ako sa nangyayari sa pamilya natin ngayon, Steven. Thank you for loving us and working hard for us. You're such a good husband and father. I love you."

Pinunasan ko ang kanyang luha at mabilis na hinalikan ang labi. Ngumiti siya sa akin at siya naman ngayon ang nagnakaw ng halik.

"I love you more."

Ang pangarap naming dalawa na maging maayos ang pamilya at maging masaya ay natupad na. I guess it's all worth it? worth it ang pagbigay ko ng second chance sa kanya dahil bumawi siya sa akin, naging maayos na ang problema sa relasyon naming dalawa at sa tingin ko ay mas lalo pa 'yong tumibay.

"Mommy!" bumukas ang pinto ay pumasok si Aquina.

"Where's our baby brother?!" hyper na tanong ni Selene.

"I want to see, Baby Draven," pagsingit ni Cordelia.

Mas lalong naging close ang pamilya namin at mas nakilala ko pa ang triplets. Ang pamilya na nabuo namin ay nadagdagan na naman at 'yon na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay namin.

Alam kong hindi mawawala ang away o hindi pagkakaintindihan sa aming dalawa pero naayos naman agad 'yon at sa tingin ko ay mas maganda 'yon kesa sa walang gagawin. Mas napadali ayusin ang problema dahil napaguusapan agad 'yon at nagawan ng solusyon.

"Shh, your baby brother is sleeping," pag-saway ni Steven.

"We're sorry, daddy," pagpaumanhin ng triplets.

Mahina akong natawa at napailing na lang. Pinanood ko silang nag tungo malapit kay Steven para silipin ang kanilang bagong kapatid. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan ko ang mahal ko sa buhay.

We already fixed our problems. Forget the past and started moving forward. And right now our little bundle of joy is right here and we are excited to spend our time with him until he grows up.

I love them, my husband, the triplets, my family and lastly.

Our little baby boy, Draven Leonardo Donovan.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top