CHAPTER 9
CHAPTER 9
AGAD AKONG NABALIK SA HUWISYO ng may pumitik sa aking harapan. Si Ate Mae pala 'yon dahil nakita niya akong tulala sa pwesto nila Steven. Hindi pa rin umalis ang aking tingin sa kamay niyang nasa baywang ng kasama niya na babae. Napakurap ako ng maramdaman ang pag hapdi ng aking mata, namumuo na pala ang aking luha.
"May kasama siyang babae," dinig kong usal ni Ate Pia.
"Ang payo ko na lang sa 'yo, Lilianna. Huwag na lang pala 'yang si Steven gustuhin mo. mukhang may girlfriend na, eh," sambit ni Ate Rica.
"Tapusin mo na 'yang nararamdaman mo sa kanya."
Kumunot ang aking noo at nilingon si Ate Rica, halatang hindi ko nagugustuhan ang kanyang sinabi. Titigilan? Sino? Si Steven? Pakiramdam ko ay umakyat ang aking dugo sa ulo at bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi malamang dahilan.
Hindi puwede! Walang titigil dito. Naghalikan na kami lahat lahat, nakita na namin ang katawan ng isa't isa at nahawakan na rin tapos titigilan?
"Tapusin mo na 'yang nararamdaman mo sa kanya."
Wala sa sariling kinuyom ko ang aking kamao. Wala na sila sa aming paningin dahil dumiretso sila sa kabilang pasilyo na hindi kami nakikita, masyado silang naka pokus sa isa't isa na mas lalong ikinainis ko.
Baka sila pa ang tapusin ko sa inis na nararamdaman ko. Kahit kailan hindi ko tatapusin 'tong nararamdaman ko sa kanya hangga't hindi siya naging akin.
"Lili," nag-aalalang tawag sa akin ni Ate Mae.
Nang lingunin ko siya ay natigilan siya. Alam kong wala na sa kalooban ang ekspresyon ng aking mukha dahil sa nakita ko. Parang gusto ko na lang umuwi sa treehouse at magmukmok sa loob.
Nakakainis sila! Nakakainis siya!
Paano kung ang mga ginagawa niya sa akin ay ginagawa niya rin doon sa babae na kasama niya? Mas lalong sumikip ang aking dibdib dahil kung ano anong senaryo ang pumasok sa aking isipan, nakikita ko na sa aking isip ang maari nilang gawin kapag magkasama silang dalawa. Nang silang dalawa lang sa iisang kuwarto at wala ng iba.
"Mukhang naiiyak kana, Lili," sambit ni Ate Pia.
Lahat silang tatlo ay nataranta dahil kapansin pansin na ang luhang namumuo sa aking mga mata.
"Hala. Sorry, Lilianna," kinakabahan na wika ni Ate Mae sa akin. "Dapat pala hindi ko na lang binanggit na nakita ko siya, sorry talaga," paghingi ng paumahin ni Ate Mae.
Huminga ako ng malalim at tipid silang ningitian na tatlo. Parehas na nakatuon ang kanilang pansin sa akin at akala mo ay binabantayan ang sunod na magiging reaksyon ng aking mukha.
Hinawakan nilang tatlo ang aking palad at mahinang pinisil 'yon. Mabuti nga at hindi tumulo ang aking luha, nalabanan ko pa 'yon.
"Okay lang po, Ate Mae. Nakita ko po rin naman sila kaya hindi mo 'yon kasalanan," sagot ko.
Mukhang nakahinga siya ng maluwag sa aking sinabi at nakisabay pa sila Ate Rica at Ate Pia. Lumabas na kami at dumiretso sa bakuran nitong malaking mansyon ng Donovan. Inaasahan ko na malaki itong bakuran nila dahil na rin sa kanilang bahay. Malaki rin ang mga pag aari ng mga Donovan dito sa Cierra kaya hindi na kami nagulat, namangha na lang kami sa ayos.
Simple pero ang elegante tignan. Nakaayos ang mga lamesa at ganoon din sa mga upuan. Maraming mahabang lamesa ang nagkalat sa malapad na bakuran. Naghanap agad kami ng mauupuan para hindi maagawan.
"Sa tingin mo nakapag-speech na ba 'tong si Kapt. Cillian?" biglang tanong ni Ate Mae sa amin.
Ako ang nasa pinakadulo at katabi ko sa kaliwa ay si Ate Pia, habang ang katabi ni Ate Pia ay si Ate Mae at sunod si Ate Rica. napatingin kami sa katapat namin sa upuan ng may nagsalita.
"Hindi pa raw, mga hija. Sabi ng iba hinihintay raw ni Kapitan Cillian na mapuno ang mga lamesa bago siya makapag salita sa harap ng maraming tao," biglang wika ng isang matanda.
"Ay ganoon po ba, salamat po," magalang na sagot ni Ate Mae.
Isang ngiti lang ang binigay sa amin ng matanda at nanahimik na. Kung ano ano pa ang dinadaldal ni Ate Mae sa amin kaya nakinig na lang kaming tatlo sa kanya. Akala ko ay nakapagsalita na sa maraming tao ang lolo ni Steven dito pero hindi pa pala. Hindi ko naman masasabi na marami ng tao rito pero kung kalahati sa populasyon ng mga nakatira rito sa Cierra ay kaonti pa lang kami nandito.
Umabot pa ng ilang minuto bago mapuno ang mga tao rito. Masasabi ko na marami na talaga kami pero alam kong lahat ng mga nakatira rito sa Cierra ay hindi nakapunta rito.
Maingay ang kapaligiran at puro bulungan na rin ang naririnig ko na nanggagaling sa ibang lamesa.
"Hindi pa ba magsisimula? Nagugutom na kasi ako," reklamo ni Ate Mae sa aming tatlo.,
"Mae!" pinandilatan siya ng mata ni Ate Rica. "Gaga ka talaga. Maghintay ka muna at magkaroon ka naman ng hiya sa katawan mo kahit ngayon gabi lang," mahinang bulong ni Ate Rica sa kanya.
Parehas kaming natawa ni Ate Pia ng makitang sumimangot si Ate Mae. Sabay sabay kaming napatingin sa harapan ng marinig ang boses ng kapitan nitong Cierra.
"Good evening. I'm so happy that you all came here. I didn't expect so many people to attend, but I'm happy about that. My beautiful Cierra, tonight is the celebration for our barrio—and, of course, for all of you. Now that a few decades have passed, our barrio is growing, which makes me extremely happy," may hawak siyang mikropono sa kanan niyang kamay habang ang kaliwa ay nakalapat sa kanyang dibdib.
Nanatili kaming tahimik habang nakikinig sa kanyang sinabi. Sa gilid namin nakahilera ang magiging pagkain namin, nakikita namin na nilalagyan at dinadagdagan ang mga pagkain na nandoon para sa aming lahat. Na sa tingin ko ay makakapaghapunan na kami pagkatapos nitong sasabihin ni Kapt. Cillian.
"Right now, I would like to introduce my one and only grandson. Steven Thomas Donovan."
Napantig ang aking tenga ng marinig ang sinabi nito. Awtomatiko akong sumulyap sa aking katabi dahil nararamdaman ko ang tingin ng tatlong ate kong kasama. Tipid ko lang silang ningitian at umiwas na agad ng tingin.
Ngayon lumabas na ang isang lalake na nakasout ng three piece suit. Ganoon pa rin naman ang ayos nito nung huli kong kita sa kanya sa loob ng mansyon nila. Walang gusot sa sout nito, hindi rin magulo ang kanyang buhok at higit sa lahat walang bakas ng lipstick na pula sa kanyang lab– bakit ko ba iniisip 'yon?
Lalo lang akong nainis dahil sa aking pinagiisip. Kinalimutan ko agad 'yon at kung puwede pang ibaon sa lupa ay ginawa ko na.
"Goodevening, everyone. It's nice to be back here again in Cierra. Please enjoy this night and eat plenty." maikli lang ang sinabi nito habang may tipid na ngiti sa kanyang labi. "Nice to meet you all."
Ang moreno nitong balat ay kapansin pansin sa akin lalo na ang kanyang pilat sa mukha. Ang tattoo sleeves nito ay natatakpan dahil sa suot niya ngayon, na para sa akin ay mas lalong dumagdag sa pagiging guwapo niya sa aking paningin. Nang magtagpo ang aming paningin ay nakita ko ang pag angat ng gilid ng kanyang labi pero hindi ko siya pinansin. Umiwas ako ng tingin at tinuon 'yon sa ibang bagay.
Bahala siya sa buhay niya.
"For the next five years, Steven will assist me in becoming the mayor of Monterico. Alam kong sobrang tagal pa bago ang susunod na eleksyon para sa magiging bagong mayor ng Monterico pero gusto kong paghandaan 'yon. Para sa Cierra at lalo na para sa inyong mga nakatira rito."
Nakarinig ako ng sunod sunod na bulungan sa paligid at ganoon din sila Ate Mae at Ate Rica.
"Mukhang tama yung sinasabi nung narinig natin sa basketball court," mahinang sambit ni Ate Rica sa amin, seryoso ang kanyang boses habang nakatingin pa rin sa kapitan nitong Cierra.
"Masyado yata siyang seryoso kaya habang maaga pa lang naghahanda na siya," tugon ni Ate Mae.
"Matagal pa naman 'yon at hindi natin masasabi ang mangyayari sa susunod na limang taon. Kaya tignan na lang natin ang magagawa niya," seryosong usal ni Ate Pia.
Nanatili na lang akong tahimik at hindi na nakisali sa pinag uusapan nila Ate Rica. Mabuti na lang at natapos na ang mga sinasabi ni Kapt. Cillian. Kaya ngayon ay kumakain na kami ng hapunan. Hindi ako umimik dahil tumatakbo pa rin sa isipan ko si Steven at yung kasama niyang babae kanina. Nang matapos ay nagpaalam ako sa kanila para mag-banyo.
"Mag babanyo lang po ako," pagpapaalam ko.
"Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Ate Rica.
Umiling ako at ngumiti. "Hindi na po. Saglit lang naman ako," tugon ko.
Tumango siya at ningitian ako. "Sige. Ingat ka at baka maligaw ka."
"Okay po," sagot ko.
"Ingat ka, Lili!" dinig kong wika ni Ate Mae at Ate Pia.
Kumaway ako at nagtungo na sa banyo. Maghuhugas lang ako ng kamay at balak ko na rin maglibot libot dito dahil gano'n naman ang ginagawa ng ibang tao. Pumasok ako sa bakanteng banyo na tinuro sa akin ng isang taga bantay, nag-ayos na rin ako ng sarili.
Sinuklay ko ang aking buhok at inipon 'yon sa kaliwang balikat ko. Lumabas na ako at nag tingin tingin sa paligid. Napako ang tingin ko sa pasilyo na unang nilabasan ni Steven kasama ang babae nito. Napairap ako sa ere dahil sa aking naisip.
Babae nito? Ako lang dapat ang babae niya.
Mabilis akong tumingin sa kanan at kaliwa kung may tao pero wala. Kaya nilakad ko na ang malawak na pasilyo. Mga painting na hindi ko maintindihan ang mga nandoon. Habang naglalakad ay nakarating ako sa pinakadulo ng pasilyo. Isang malaking itim na pintuan at kulay pilak ang hawakan no'n.
Dahil sa kuryusidad ay hinawakan ko 'yon pero mukhang nakabukas na, may siwang 'yon. Hindi ko napigilan na ngumiti dahil sa isang pamilyar na amoy, amoy mga libro. Hindi ko alam pero nababanguhan ako sa gano'n. Silid aklatan itong mapapasukan ko.
Dahan dahan kong tinulak ang pintuan at nakangiti pumasok ang kaso natigilan lang din dahil sa aking nasaksihan. Sa pinakadulong bahagi ng napakalaking kuwarto na ito ay nandoon si Steven, kasama niya ang babae na nakita ko.
Ang bilugan kong mata ay nanlalaki habang nakatingin sa kanila. Kasabay no'n ang pagsikip ng aking dibdib at parang nangiinit ang dulo ng aking mata, bakit ako naluluha!? Ang sakit sa dibdib at parang pinipiga ang puso ko.
Nasasaktan ako na makita siyang kahalikan niya ang babae na kasama nito kanina.
Ang sakit sobra.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top