CHAPTER 8
CHAPTER 8
NAPATINGIN AKO SA MAHABA niyang daliri, nakaipit doon ang isang stick ng sigarilyo at umuusok pa rin ang dulo no'n. Sinundan ko ng tingin ang sunod nitong ginawa. Dinala niya 'yon sa mapula nitong labi at nanigarilyo sa aking harapan.
Nagusot naman ang aking mukha dahil do'n. Bumalot ang amoy ng sigarilyo nito sa apat na sulot nitong treehouse. Nanatili siyang nakahiga sa duyan habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Sa paraan ng pag titig nito ay para akong natutunaw, hindi ko alam pero bakit sa paningin ko ay ang guwapo niya dahil sa gano'n? Nababaliw na yata ako.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
Seryoso ang kanyang mukha ng bumaba sa duyan para puntahan ako. Nanigarilyo muna ito sa huling pagkakataon at akmang ibabato niya ang sigarilyo sa labas ng bintana ng hawakan ko ang kanyang kamay.
"May basurahan sa labas, Steven. Bakit mo itatapon 'yan sa bintana?" pagpigil ko sa kanya.
Natigilan siya sa aking sinabi at mahinang natawa. Yumuko ito at hindi ko inaasahan ang sunod nitong ginawa. Nilapat niya ang labi sa akin, mabilis lang 'yon at ramdam na ramdam ko ang mainit nitong labi sa akin.
"I'm sorry, Lili. itatapon ko na 'to sa labas, don't be mad," mahina niyang sambit sa aking labi ng humiwalay 'yon.
"Hindi ako galit," mabilis kong tugon habang nakatingin sa light brown nitong mata.
Halos ilang pulgada lang ang pagitan sa amin. Nakababa ang tingin nito habang ako ay nakatingala dahil ang tangkad niya. Sumilay ang ngiti nitong mukhang nanunudyo sa akin.
"Are you sure," mahina niyang tanong sa akin.
"Oo. Kaya pakitapon na lang 'yang sigarilyo mo sa labas," utos ko.
Mahina siyang natawa at ninakawan pa ako ng halik sa labi sa huling pagkakataon. Parang mabibingi na ako dahil sa malakas na tibok ng aking puso. Napaiwas na lang ako ng tingin at umalis na. Nagtungo agad ako sa itim na bag para kumuha damit pantulog.
Tumayo na ako at pinatong muna sa maliit na lamesa ang pagkain na aking nabili. Nang lumabas ako ay naabutan ko si Steven na nakadungaw sa barandilya ng terrace habang nakatingin sa sapa. Naninigarilyo na naman ito.
"Where are you going?" tanong nito.
Ninguso ko ang sapa. "Maliligo ako," sagot ko.
Natigilan siya habang nakatingin pa din sa sapa. Nakita ko ang dahan dahan nitong paglingon sa akin. Nakakunot ang noo nito ngayon, kitang kita 'yon dahil bitbit ko ang lampara sa kabilang kamay.
"Like right now?" tanong nito. Tinapon niya ang naubos niyang sigarilyo sa basurahan at nilapitan ako. "What if someone will see your naked body?"
Umiling ako. "Oo at walang makakakita sa akin dito, Steven. Tayong dalawa lang nakakaalam ng treehouse bukod kay papa," mahina kong usal.
"Kahit na. Baka may dumaan dito—"
"Aswang lang makakakita sa atin dito kung meron man. Eh, kaso wala naman 'yan dito," pagputol ko sa kanyang sinabi.
Wala na siyang nagawa ng bumaba ako sa hagdanan at tahimik na nagtungo sa sapa. Malalim na ang gabi ngayon at tanging kuliglig ang aming naririnig. Ang sinag ng malaking buwan ay nagsisilbing ilaw dito bukod sa lampara.
Agad akong lumusong sa tubig at hinubad ang sout kong damit. Narinig ko pa ang pagtawag ni Steven sa aking pangalan. Agad ko siyang hinarap. Ang mahaba, kulot at itim kong buhok ay nasa aking harapan kaya nagmistulang takip 'yon ng aking dibdib.
"You forgot your soap," wika nito at bumaba sa hagdanan. Nasa kamay nito ang sabon habang naglakad patungo sa akin.
Umahon ako sa sapa at naglakad patungo sa kanya. Nawala ng parang bula ang aking hiya sa tuwing kasama ko siya, kaya balewala na lang itong ayos ko sa kanyang harapan.
Natigilan pa siya saglit ng huminto ako sa kanyang harapan. Hindi nakatas ang pagtingin nito sa aking katawan, at binalewala ko lang ito. Wala man lang hiya hiya ang bumalot sa buong katauhan ko sa hindi malamang dahilan.
Ang kanyang titig sa akin ay kakaiba, nanatiling mukhang inosente ang aking mukha sa kanyang harapan. Parang matutunaw ako sa paraan ng titig nito at nakakapanlambot.
"Basta, Lili huwag kang bibigay agad sa apo ni Kapt. Cillian. Alam namin na guwapo ang lalaki na 'yon pero huwag na huwag kang bibigay. Magpakipot ka muna kahit kaonti lang."
Pasensya na ate at mukhang magiging kabaligtaran ngayon ang mangyayari. Bumaba ang tingin ko sa hawak nito sabon at kinuha. Nang alisin na niya ang kanyang kamay ay mahigpit ko 'yong hinawakan para pigilan siya, hindi ko alam pero parang may naguudyok sa akin na gawin 'yon. Ang akitin siya ngayong gabi kahit naman hindi ako marunong sa gano'ng gawain. Naramdaman ko na natigilan ito at dahan dahan akong tinignan.
"What are you doing, Lili?" mahina niyang sambit sa akin.
Damang dama ko ang init ng kanyang kamay dahil hawak ko 'yon. Namayani ang katahimikan sa aming pwesto. Mabilis ang tibok ng aking puso at sa hindi malamang dahilan parang uminit ang aking katawan. Kahit hindi ako nakatingin sa salamin ay alam kong namumula na ang aking pisngi.
"Mainit ngayon," malumanay kong usal sa kanya. "Baka gusto mo 'kong sabayan maligo. Pero kung ayaw mo ay ayos lang."
"Gusto mo sabay tayong maligo?" paguulit nito sa akin at parang nanlalambot pa ang tono ng kanyang boses.
Tipid ko siyang ningitian at tumango. "Oo."
"Ayaw mo ba?" tanong ko. "Okay lang naman. Hintayin mo na lang ako at mabilis na lang 'tong gagawin ko," wika ko at binitawan ang kanyang kamay.
Pero hindi agad 'yon nabitawan dahil siya na ang nakahawak niya sa aking kamay. Nang lingunin ko siya ay seryoso ang kanyang mukha at namumula ang kanyang tenga ng tignan ko 'yon. Ang kanyang dibdib ay nag-taas baba na akala mo ay kakapusin ng hininga.
"Wala akong sinabi na ayaw ko," tugon nito. Lumapit siya sa akin at naramdaman ang mainit nitong palad na humawak sa aking baywang, hinapit niya ako papalapit sa kanyang katawan. "Let's take a bath together," malambing nitong wika sa akin.
Sabay kaming lumusong sa sapa. Lumayo lang ako kaonti ng unti unti niyang hinubad ang sout niyang damit, ang dalawang braso nito hanggang dibdib ay may tattoo. Bagay na bagay 'yon sa kanya lalo na sa katawan nitong halatang alaga sa pag eehersisyo, ang malapad niyang dibdib at ang braso nito na gusto ko palaging nakayakap sa akin.
Mula sa tshirt nitong kulay puti na hinubad hanggang sa pantalon niyang itim. Boxer na gray ang huling saplot nito at ng mahubad niya rin 'yon ay nakita ko na rin ang bagay na nasa pagitan ng kanyang hita.
"Balita ko may lahi 'yon, ah. 'Di ba kapag may mga lahi malaki sila."
Mabilis akong napaiwas ng maalala ang sinabi ni Ate Rica. Hindi nga siya nagbibiro dahil totoo ang kanyang sinabi.
Malaki siya.
"Lili," pagtawag niya sa aking pangalan, malumanay 'yon at napakalambing pakinggan.
"Bakit?" tugon ko sa hindi kalayuan. Medyo malilim dito kaya hindi niya nakikita ang pamumula ng aking pisngi.
"Come here. Let's finish taking a bath here. We might catch a cold if we stay here longer," sumenyas pa ito na lumapit siya kaya sumunod na lang ako.
Maingat ang aking lakad hanggang sa makarating sa kanyang pwesto. Naging mabilis ang kanyang kilos at sinabunan niya ang aking katawan. Nang inangat ko ang aking tingin sa kanya ay binigyan niya ako ng ngiti. Awtomatik na pumikit ang aking mata ng halikan niya ang aking labi at dinama 'yon. Pinatalikod niya ako at hinawi sa isang pwesto ang lahat ng aking buhok. Ang magaspang nitong palad ay naramdaman ko sa aking likod.
Wala ni isa nagsalita sa amin at patuloy lang siya sa pagsasabon ng aking likod. Paminsan minsan ay nararamdaman ko rin ang malambot nitong labi sa aking balikat. Binibigyan niya 'yon ng munting halik na nakapagpataas ng aking balahibo.
"You look so flushed right now," panunudyo niya sa akin.
Sumimangot ako at umismid. Nabalot ng kanyang tawa ang buong pwesto namin. Tinapos niya agad ang ginagawa nito sa akin at sinunod ang kanyang sarili. Nang makaakyat kami sa taas ay mabilis niyang sinarado ang pintuan ng treehouse at sinandal ako sa likod no'n.
Hindi agad ako naka kilos ng atakihin niya ang aking labi. Nabigla ako sa sobrang bilis nito at naging agresibo pa ang galaw ng kanyang labi sa akin. Awtomatik akong napapikit at tinugon 'yon, ang turo nito sa akin noong una namin pagkikita ay ginawa ko sa kanya.
"Alam namin na guwapo ang lalaki na 'yon pero huwag na huwag kang bibigay. Magpakipot ka muna kahit kaonti lang."
Pasensya na talaga Ate Rica. nagiging marupok ako pag dating kay Steven at hindi ko alam kung bakit.
Ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing hinahawakan niya ang aking katawan ay unti unti ko ng nararamdaman. Dahil bagong bihis lang ako, ang kanyang kamay ay pumasok sa loob ng aking puting dress at hinawakan ang hindi kalakihan kong dibdib.
Mahinang daing ang kumawala sa aking labi ng maramdaman ang palad nito roon. Saktong sakto at walang kulang, para bang ang sukat ng aking dibdib ay ginawa para sa kanya. Sa kanya lang at wala ng iba.
Ang malalim nitong halik sa akin ay unti unting bumaba sa aking leeg kaya napatingala ako habang hinahabol ang aking hininga. Naninibago ang aking katawan dahil unang beses ko lang naramdaman ang ganitong bagay.
Magkalapit ang katawan, na sa tingin ko ay halos magkadikit na, mapusok ang pinagsaluhan namin ngayon kasama ang nag-iinit na pakiramdam sa isa't isa. Nang matapos 'yon ay parehas kaming nahiga sa malinis na foam habang nakaunan ako sa kanyang hita.
"Nakalimutan natin kumain," mahina kong sambit sa kanya.
Ang kaliwa nitong kamay ay nakahawak sa aking likod at paminsan minsan ay hinahaplos hanggang sa aking buhok. Habang ang kanan nitong kamay ay busy dahil sa kanyang sigarilyo. Nakaipit ang isang stick ng sigarilyo sa kanyang mahabang daliri at dinala 'yon sa kanyang labi.
"It's fine. Busog na ako sa nangyari kanina," panunudyo nitong sagot.
Sumimangot ako at mahinang hinapas ang kanyang dibdib. Parang wala naman ito sa kanya dahil malapad naman 'yon at ang tigas pa. Hindi na kami lumagpas sa ginagawa namin kanina. Halik, at hawak lang ang aming nagawa dahil nakapagpigil pa siya. Ang mga daliri nito sa akin ay ramdam ko pa rin lalo na ang mainit nitong labi sa aking katawan lalo na sa pagitan ng aking hita.
"Bakit ka namumula?" tanong nito sa akin ng tignan ako. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa kanyang labi habang nakaipit na ngayon ang isang stick ng sigarilyo sa kanyang labi.
"Wala, mainit lang," pagsisinungaling ko.
Lumibot ang tingin niya sa buong treehouse. May maliit na ilaw dahil sa lampara na dala namin at sa sinag ng buwan sa labas ng bintana.
"Don't worry, magpapakabit tayo ng kuryente para magka-ilaw at aircon na rito," bigla niyang wika. Binuga niya ang usok sa ere kaya naamoy ko 'yon.
"Hindi mo na kailangan gawin 'yon, Steven," sambit ko at napabangon sa pagkakahiga sa kanyang hita.
Bumaba ang puting kumot na nagtatakip sa hubad kong katawan. Kaya muling lumantad sa kanyang harapan 'yon. Walang silbi ang mahaba, itim at kulot kong buhok dahil nasa likod ko ang lahat ng 'yon.
Hindi nakatakas sa akin ang pagbaba ng tingin nito sa aking dibdib na punong puno ng maliit na pulang marka at may bakas pa ng marka ng kagat nito, masyado niya akong pinanggigilan kanina.
"So beautiful," dinig kong bulong nito. "Come here. Let me hug you."
Lumapit agad ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Wala siyang pangitaas pero may sout na itong boxer.
"Alam nila na pauwi ka pa lang dito. Pero ang totoo nakauwi kana talaga," wika ko habang nakayakap sa kanya.
Narinig ko ang mahinang tawa nito. "Yes, you're right. My grandfather will introduce me to everyone on the day of the festival, after that, we're going to eat dinner. That's all."
Sumilay ang ngiti sa aking labi at ako na ang unang kumalas sa aming pagyayakap.
"Magkikita tayo roon!" masaya kong sambit.
Tumango siya ng maraming beses bago manigarilyo sa aking harapan. "You're right, doll. I can tour you to my grandpa's mansion if you want."
Mahina akong natawa at tumango ng ilang beses dahil sa tuwa. "Okay!" excited kong sambit.
Mabilis niyang hinalikan ang aking labi at muling nanigarilyo. Dahil sa kuryusidad ay hinawakan ko ang stick ng sigarilyo na nakaipit sa kanyang labi at nilipat sa akin.
"Do you want to try to smoke?" tanong nito sa akin at parang namamangha pa dahil sa aking ginawa, may pag ningning ang kanyang light brown na mata dahil ngayon niya lang akong nakitang gumamit ng ganito.
Tumango ako. "Na-cucurious ako. Paano ba 'to gamitin?" tanong ko.
Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi dahil sa sinabi ko. Hinawakan niya ang aking baywang at inayos ang pagkakaupo ko. Nakaupo sa kanyang hita paharap habang ang puting kumot ay nagmistulang kapa dahil nilagay niya 'yon sa aking magkabilaang balikat.
"Gayahin mo yung ginagawa ko pero dapat galing sa bibig ang higop mo," turo nito.
Sinunod ko ang kanyang sinabi. Habang ginawa ko ang sinabi nitong paghigop ay hindi ko napigilan na ngumiti ng makita ang pag baga ng dulo ng sigarilyo. Napawi rin agad ang aking ngiti ng bigla akong inubo dahil sa pagkabigla.
"Okay, that's enough," natatawang sambit ni Steven at kinuha sa akin ang sigarilyo.
Pinatay niya 'yon at agad din tinabi sa gilid. Ang sakit sa lalamunan kaya patuloy parin ako sa pag ubo. Tinanggap ko ang mineral water na binili nito bago ako dumating. Ininom ko 'yon at nakalahati pa nga.
"That will be your first and last," wika niya sa akin at sinuklay ang mahaba kong buhok.
"Huling gamit mo na rin 'yan," tugon ko at pinunasan ang luha na nangilid dahil sa pag-ubo ko.
"Yes, my doll," mahina niyang sambit sa akin.
Mahina akong napatili ng bigla kaming humiga sa foam. Ang kumot na nakabalot sa aking katawan ay ikinumot niya rin sa kanyang sarili habang ang isang braso ay nakayakap sa akin.
"Let's go to sleep, it's already midnight. We need to rest," malambing ang boses nito.
Awtomatik na napapikit ang aking mata dahil ang daliri nito ay sinusuklay sa aking buhok.
"Okay," tipid kong tugon.
Magpapahinga na kami dahil kailangan namin no'n. Ngayong gabi ang sarap gawin no'n lalo na at parang unti unti ko ng nagugustuhan na maging pahinga siya.
HINDI MUNA KAMI NAGTRABAHO ni Ate Rica, Ate Mae, at Ate Pia dahil sa darating na fiesta. Balak naming bumili ng damit sa bayan para sa sosoutin namin kapag bibisita kami sa mansyon ng kapitan ng aming baryo.
"Wala akong maisip na sosoutin," reklamo ni Ate Mae habang naglilibot sa bayan.
Malapit na bumaba ang araw pero wala pa rin kaming mahanap na damit. Ang sakit na nga ng paa ko at gusoko na magpahinga.
"Anong oras na wala pa tayo nabibili na damit," sambit ni Ate Rica.
Tumigil muna kami sa gilid ng kalsada at nagpahinga saglit. Meron naman kaming murang nakita pero mainit naman ang tela. Habang nililibot ko ang aking paningin natigil 'yon sa isang puting tindahan. Maayos at maganda ang disenyo sa loob.
"Hermosa Boutique," bulong ko sa aking sarili.
Tinuro ko 'yon at tinignan sila. "Parang maganda po ro'n mga ate," wika ko at tinignan sila. "Ayaw niyo po bang subukan?"
"Mukhang maganda, ah," sagot ni Ate Pia. "Tara!"
Narinig ko ang mahinang reklamo ni Ate Mae. Pero wala na siyang nagawa ng hilain siya nito ni Ate Rica at nagtungo na kami sa tindahan na tinuro ko.
Nang makapasok ay awtomatik na napatingin ang kahera sa amin. Lumawak ang kanyang ngiti at binati kami. Agad naman kaming binalot ng malamig na hangin dahil nanggagaling 'yon sa aircon nitong tindahan.
"Good afternoon, welcome to Hermosa Boutique. Anong hanap niyong dress? pang night out ba? pang party? formal dress?" tanong nito sa amin, nakita ko na umalis siya sa kanyang pwesto at naglakad papunta sa amin.
"Magandang hapon po," pag bati ko sa kanya.
Dumako ang tingin niya sa akin ng batiin ko rin ito. Malawak ang kanyang ngiti, napaka sopistikada ng kanyang ayos. Naka clean bun ang buhok, may sout na hikaw na sa tingin ko ay perlas 'yon. Naka-corporate attire ito na kulay itim at may kwintas na ginto.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagtingin nito sa sout kong kwintas. Kulay ginto 'yon at ang pendant no'n ah parang na stamped, maganda ang disenyo sa bawat gilid dahil nagmukhang talulot 'yon ng bulaklak, pero sa gitna no'n ay dalawang letra na nagsisimula sa V at F.
Isa ito sa kwintas na sout ni mama noon, 'yon ang sabi ni papa sa akin.
Nakita ko pa na natigilan siya at muling inangat ang tingin sa akin.
"Mukhang mamahalin yata rito," dinig kong usal ni Ate Mae.
"Puwede kayong mamili diyan. Maiiwan ko muna kayo kung gusto niyong makapili ng hindi naiilang, mauuna na ako," pagpapaalam ng babae.
"Maraming salamat po," sabay naming apat na tugon.
Nang makaalis siya ay nagsimula na kami mag libot sa buong tindahan. Maganda ang mga disenyo ng mga dress. Si Ate Rica ay nandoon sa dulo habang si Ate Mae naman ay nasa kabilang dulo rin ng dress section. Habang kami ni Ate Pia ay mag kasama sa dress section na iba't ibang klase ang disenyo.
Habang abala kami sa paghahanap ay napukaw ng aking atensyon sa kulay puting dress sa nakahilera rito. Maraming mga puting dress dito pero itong nakita ko ang nakaagaw ng aking pansin. kinuha ko 'yon at tinignan.
Elegant ang disenyo at ang tela nito ay may floral. Sa mismong tela na siya nakalagay ang kaso may maliit na slit lang ito sa kaliwang bahagi ng hita kapag isosout 'yon. Square neck 'yon at medyo flowy ang sleeve. Napangiti ako at kinuha 'yon mukhang bagay 'to sa akin.
"May napili kana?"
Napatingin ako sa kaliwa ng may nagsalita. 'Yon ay ang babae na nag bati sa amin dito sa tindahan ng mga damit. Malawak ang kanyang ngiti at nakatayo sa akin gilid.
"Heto po yung napili ko," tugon ko at binigay sa kanya ang dress na hawak ko. Tinanggap niya naman 'yon at tumango.
"Okay," tinignan niya ang dress na binigay ko at lumawak ang kanyang ngiti. "You choose one of my favorite dresses that I made. I-check out na natin 'to," nakangiti niyang sambit.
"Sige po," sagot ko at naunang naglakad ng marinig ang kanyang sinabi.
"I'm Francheska by the way, what's your name?" pagpapakilala nito.
Napalingon ako sa kanya at binigyan ng tipid na ngiti. "Lilianna po ang pangalan ko."
Tumango tango ito. "I see. You have a beautiful name. Bagay sa 'yo," pagpuri nito.
"Maraming salamat po," nakangiti kong tugon.
Nang mabayaran namin 'yon ay nagpaalam na kami at lumabas na sa tindahan ni Francheska. Nakamura kami sa binili naming dress at pasok naman 'yon sa budget namin. Sa apat na dress na binili namin ay umabot lang yata 'yon sa 350 at nakakapagtaka lang bakit ang laki ng ibinawas no'n sa mismong presyo no'n. Nakikita ko ang presyo sa tag price ng dress umaabot ng 600 'yon.
Tapos nakuha lang namin 'tong napakaeleganteng mga dress sa mababang presyo. Hanggang pag uwi ay may pagtataka pa rin sa aming isipan pero inisip na lang namin na baka sinuwerte lang kami ngayong araw.
"EXCITED NA AKO grabe halos hindi ako makatulog kagabi," akala mo ay parang sinisilihan ang pwet ni Ate Mae habang naglalakad patungo sa mansyon ng kapitan nitong baryo namin.
Naglalakad na kasi kami patungo roon. Nakasout na kami ng formal dress at pati buhok ay nakaayos din. Sa mukha naman ay naka make up kami ng light, si Ate Rica ang nag make up sa akin habang si Ate Mae naman ay nag ayos sa aking buhok. Tinirintas niya ang itim, maalon at mahaba kong buhok kaninang umaga. Pagkagabi ay tinanggal niya rin 'yon bago kami umalis para kulot ang buhok ko.
"Masyado mong iniisip 'yan eh maghapunan lang naman sa bahay ni Kapitan Cillian," tugon ni Ate Rica.
"Unang beses niya lang ginawa 'to ano ka ba! atsaka kailangan maging presentable tayo 'no. Nakakahiya naman kung mukhang dugyot tayo na pupunta ro'n," usal nito at napahalukipkip.
"Tama naman po si Ate Mae, Ate Rica. Mahirap na at baka may masama pa ang iba kung hindi tayo magiging presentable," pagsingit ko.
Lumawak ang ngiti ni Ate Mae at lumipat ng pwesto. Sumingit siya sa pagitan namin ni Ate Pia at sinakbit ang kanyang kamay sa aking braso.
"Tama ka talaga, Lili!"
Napangiti ako at sinulyapan si Ate Pia ng maramdaman ang titig niya sa akin.
"Bakit po, Ate Pia?" tanong ko.
Ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng ngisi, nakakapang asar na ngisi. Awtomatikong napasimangot ako dahil alam ko sunod niyang sasabihin.
"Makikita mo ang apo ni Kapt. Cillian do'n! Ayie, makikita niya si Steven," pang aasar ni Ate Pia.
Napuno ng kantyawan sa aming pwesto. Humalukipkip na lang ako at sumimangot. Hindi maalis ang ngiti sa kanilang labi dahil sa naging reaksyon ko.
"Huwag magiging marupok, Lili," nang aasar na wika ni Ate Rica.
"Pigilan ang sarili," dugtong ni Ate Mae.
"Makikita mo na yata siya mamaya," nanunudyong sambit ni Ate Pia.
Napatakip na lang ako sa aking tenga dahil nanginit ang aking pisngi dahil sa kanilang mga asar!
"Mga ate nangaasar na naman kayo!" usal ko at lakad takbong lumayo sa kanila.
Malakas na tawanan ang aking narinig habang lumayo sa kanila. Narinig ko ang pag tawag nila sa akin ngunit hindi ko 'yon pinansin.
Nang makarating sa mansyon ng mga Donovan ay tahimik kaming naglakad papasok sa loob. May mga kasabayab rin kaming tao na papasok pa lang. Mukhang na late na kami dahil nagsisimula ng kumain ang mga iba. Sa sala kami dumaan dahil iisang way lang patungo sa malawak na bakuran nitong mansyon nila.
May nag aassist din sa amin kung saan kami dadaanan kaya hindi naging mahirap 'yon.
"Grabe naman ang lawak nitong bahay nila," dinig kong wika ni Ate Mae, parehas kaming nililibot ang paningin.
"Mukhang na siya maging palasyo," sambit ni Ate Rica.
"Ang ganda," mahinang usal ni Ate Pia.
Habang abala kami sa paglibot ng mga paligid napako ang aking tingin sa isang pwesto kung saan may mga naglalakihanh painting, meron doon ay mukhang family painting ng Donovan. Nang malapit na kami makalabas ay agad akong napasulyap sa bandang dulo kung saan may pasilyo.
May dalawang tao na lumabas doon, isang lalake na mukhang naka three piece suit na kulay itim at isang babae na naka long dress na kulay itim, sexy ang harap na design no'n. Malalim ang neckline kaya kapansin pansin ang dibdib nitong malaki. Nakakawit ang kanyang kamay sa braso ni Steven at may maliit na ngiti sa mapula niyang labi dahil sa lipstick na pula.
At ang tao na 'yon ay si Steven, ang babae na kasama niya ay hindi ko kilala pero hindi ko maipagkakaila na napakaganda nito lalo na ang hubog ng kanyang katawan. Hindi ko alam pero nakaramdama ako ng insecure sa aking katawan.
"Teka nga si Steven 'yan hindi ba?" dinig kong wika sa akin ni Ate Mae.
Halos lahat naman ng tao ay kilala na talaga ang hitsura ni Steven. Dahil na rin sa mga aritkulo na kumakalat sa social media, doon lumalabas ang mga litrato ng mga Donovan at kasama na si Steven doon.
"Siya nga," mahina kong wika habang nasasaktan.
Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng ganito. Dapat hindi dahil wala naman kami, wala kaming label. Wala sa sarili na napahawak ako sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso. Ang sakit, bakit ako nasasaktan?
Bakit ako nagseselos?
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top