CHAPTER 7
CHAPTER 7
NAPALAPIT AKO KAY ATE MAE dahil hinila niya ako papunta sa kanya. Kumunot ang aking noo dahil sa kanilang sinabi.
"Kung kailan mag-gagabi 'tsaka sila magsasabi ng ganyan?" kunot noo kong tanong sa kanila.
Napakamot na lang sa buhok si Ate Rica at nilapitan ako.
"Ewan ko ba sa kanila. Dapat pinagbukas na lang nila, eh," sambit ni Ate Rica.
"Kaya nga po," sagot ko.
Malapit ng mag gabi pero ngayon lang nila naisipan mag anunsyo. Karamihan sa mga tao rito ay mga pagod na dahil sa trabaho at isa na ako ro'n. Ilang oras kaming nagtatanim ng palay sa bukid kaya hindi biro ang pagod na nararamdaman namin.
"Bumili ka na lang ng makakain mo, Lili. hihintayin ka na lang namin. Dumiretso na lang agad tayo ro'n. Tungkol yata sa darating na fiesta ang iaanunsyo nila," dinig kong wika ni Ate Pia.
"Okay po," naglakad na ako sa isang karinderya at bumili ng luto ng ulam.
Naisip ko na hangga't hindi pa ako nakakagawa ng bagong pwesto na malulutuan sa baba ng treehouse ay hindi muna ako magluluto ng ulam. Sa kanin ay magagawan ko pa ng paraan dahil madali lang naman 'yon.
"Isang kalderetang baboy nga po," ani ko.
Sinulyapan ko pa ang tatlong ate ko na seryosong naguusap sa hindi kalayuan. Nakapamili na sila ng kanilang lulutuin na ulam kaya ako na lang ang hinihintay nila. Binalik ko rin ang tingin sa tindera ng magsalita ito.
"Singkwenta, hija," paniningil sa akin ng tindera.
Agad kong dinukot ang wallet sa bulsa ng pants ko at kumuha ng singkwenta. Binigay ko agad sa tindera ang bayad at kinuha ang binili kong ulam. Bumalik din agad ako sa pwesto nila Ate Rica kaya nasa akin na naman ang kanilang atensyon.
"Nakakapikon na pakinggan mga sinabi nitong ibang babae, oh," iritadong wika ni Ate Mae.
"Anong binili mo, Lili?" tanong sa akin ni Ate Rica ng makarating ako sa kanilang pwesto.
"Kalderetang baboy lang, Ate Rica," tugon ko.
Kumunot naman ang kanyang noo sa aking sinabi at tinignan ng maigi ang hawak kong plastic bag. Muli niya akong tinignan habang ang kanyang noo ay nakakunot.
"Ngayon lang kitang nakitang bumili ng luto na ulam, Lili," sambit sa akin ni Ate Pia.
Napahaplos na lang ako sa aking leeg at tipid siyang ningitian.
"Wala po ako magagawa, Ate. kapag nakagawa na ako ng pwesto sa baba ng treehouse para sa mga lutuan ko ay baka makakapagluto na ako ng ulam. Sa ngayon mag-titiis muna ako sa ganito," sagot ko.
Napabaling ako sa gilid ng biglang sumingit si Ate Mae at naki-tsimis sa pinaguusapan namin. Ningitian ko na lang siya ng makitang tumingin ito sa akin at sinulyapan ang pagkain na hawak ko.
"Sa susunod humingi ka na lang sa amin kapag kulang 'yan, ah?" malambing na wika sa akin ni Ate Pia.
"O 'di kaya sa amin din," dugtong ni Ate Rica at tinignan si Ate Mae. Tumango rin ang isa na mukhang sang-ayon din siya sa sinabi ni Ate Rica.
"Sige po," pagpapasalamat ko. "Maraming salamat mga ate," nakangiti kong wika.
Hindi sila nahiya na basta na lang akong niyakap. Nasa gilid lang kami ng kalsada pero alam ko na pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan na tao rito. Mahina akong natawa at nauwi sa hagikhik ng kilitiin nila ang tagiliran ko.
"Ang dami na pong nakatigin sa atin, ate," nahihiya kong wika sa kanila habang nakakulong ako sa kanilang bisig.
Mahina silang natawa at kumalas na sa pagkakayakap. Naglakad na kami paalis sa palengke habang bitbit ang aming pinamili, didiretso pa kami sa basketball covered court para malaman ang anunsyo ng kapitan nitong baryo namin.
"Naririndi kana sa mga pinagsasabi nila hindi ba?" biglang usal ni Ate Mae habang naglalakad kami.
Hindi ko na rin napansin ang paglipas ng oras dahil sa pinaguusapan namin. Kitang kita na naman ang pagbaba ng araw at sa kabilang dako naman kitang kita ko ang pag angat ng buwan.
Napakamot ako sa aking pisngi dahil nabalik na naman kami sa usapan na 'yan. Tumango lang ako at sumimangot. Nakita nila ang aking ginawa, kaya tinawanan nila ako.
"May naririnig pa nga ako na gusto raw mag-pareto kay Steven," halos hindi ko makapaniwalang sambit sa kanila.
Nauna akong naglalakad habang sila ay nasa aking likuran. Tumalikod ako para sana pantayan ang lakad nila ng makitang nakangisi silang tatlo sa akin. Lalong sumimangot ang aking mukha at humalukipkip.
"Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" tanong ko sa kanila.
Umiwas ng tingin si Ate Rica at Ate Mae habang si Ate Pia naman ay nakangiti na ngayon sa akin.
"Nagseselos ka?" panunudyo ni Ate Pia.
Naramdaman ko ang malakas na kabog sa aking dibdib, at pakiramdam ko ay mabibingi ako sa sobrang lakas no'n. Umismid lang ako at hindi sinagot ang tanong ni Ate Pia. kahit hindi ko sagutin ang kanyang tanong ay alam ko naman na alam nila ang magiging sagot no'n.
"Sabi ko sa 'yo, Lilianna. Huwag mag-selos kapag walang..." pambibitin ni Ate Mae.
"Label!" pagtutuloy ni Ate Rica at Ate Pia.
Hindi ko na napigilan na irapan silang tatlo at nauna ng naglakad patungo sa basketball covered court dahil tanaw ko na siya. Narinig ko pa ang kanilang pagtawag sa aking pangalan, pero hindi ko na 'yon pinansin.
"Hoy! Lilianna. Binibiro ka lang namin," natatawang usal ni Ate Mae.
Napailing na lang ako at naglakad patungo sa covered court at hinintay sila sa labas ng court.
NABABAGOT NA AKO SA AKING pwesto. Nasa bandang dulo kami dahil wala ng bakanteng upuan. Marami na rin pa lang tao na nandito at halos mapuno na rin ang covered court.
"Good evening, people of Cierra. I apologize for the unexpected announcement. I am aware that a few of you have been tired from work." panimula nito ng makapunta sa gitna ng court. "This announcement is quick, so don't worry. I just wanted to let you know that my mansion will be open to you all at an upcoming fiesta in our district. I look forward to having all of you around for a small feast that I have planned for my home. Don't forget to dress appropriately." dugtong nito habang may ngiti sa kanyang labi.
"Alam ko na kung bakit 'yan ganyan," sambit ng hindi ko kilala na ginang sa harapan namin.
"Ano?"
Nagkatinginan kaming apat dahil do'n. Wala ni isa sa amin nagsalita at binalingan ng tingin ang ginang sa harapan namin.
"Nag-papagoodshot 'yang si Kapt. Cillian kasi ilang taon na lang may eleksyon na. Naririnig ko rin sa mga tanod na gumagala rito na balak niyang tumakbo bilang mayor sa Monterico," wika ng ginang sa kanyang kausap.
Tatakbong mayor ng Monterico? Kunot noong tinignan ko si Kapt. Cillian na patuloy sa pagsasalita dahil may nagtatanong sa kanya. Nakangiti siya, pero hindi ako kumbinsido sa mga ngiti na 'to na may maganda siyang gagawin. Hindi naman sa nanghuhusga, pero hindi maganda ang kutob ko sa kanya.
"Talaga ba?" tila hindi makapaniwalang tanong ng katabi ng ginang.
"Oo nga. Tignan mo, 'yang anunsyo niya ngayon. Sa tingin mo sinong matinong tao ang magsasabi ng ganyan? Kung kakalkulahin mo ang magiging gastos niya sa lahat lahat sobrang laki no'n," sagot nito. "Atsaka imposibleng walang magiging disenyo ang mansyon niya simula sa labas at loob. Isama mo na rin yung magiging pagkain na kakainin ng mga pupunta ro'n sa mismong fiesta. Paniguradong may kapalit 'tong sinasabi niya."
"Tama ka nga 'no. Bakit hindi ko naisip 'yon?"
"Kailan ka pa ba nag iisip," pamimilosopong sagot ng ginang.
Hindi na kaming apat nakapag-pokus sa sinasabi ni Kapt. Cillian dahil mas nakinig kami sa pinaguusapan nitong nasa harapan namin. Napailing na lang ako at napatingin sa gitna ng marinig muli na magsalita ang kapitan ng baryo namin.
"That's pretty much all I have to say for tonight. Once more, please dress appropriately. I let the mansion open at night so we can gather outside in the backyard for dinner. The more, the merrier!"
Narinig ko ang mga palakpakan ng ibang tao sa covered court. Nagsimula na kaming maglakad palabas at nagtungo na sa aming tirahan.
"Sa tingin mo totoo yung sinasabi nila?" tanong ni Ate Rica.
Tahimik lang akong nagkibit balikat. Hindi ko alam dahil hindi ko naman nakikita ang hinahaharap. Kung totoo man 'yon ay parang hindi maganda ang magiging kakalabasan, kutob ko lang naman.
"Hindi ko alam," sagot ni Ate Pia.
"Okay, change topic na lang. Pupunta ba kayo sa mansyon niya?" tanong ni Ate Mae.
"Ay, oo naman 'no. Minsan lang naman 'to kaya sulitin na natin," sagot ni Ate Rica.
"Oo, pupunta ako," sagot naman ni Ate Pia.
Dahan dahan akong napasulyap sa kanila ng maramdaman na nakatingin silang tatlo sa akin.
"Bakit mga ate?" tanong ko.
"Pupunta ka ba sa mansyon ng Donovan sa fiesta?" tanong ni Ate Pia.
Tumango ako tipid silang ningitian. "Oo naman. Pupunta kayo, eh," tugon ko.
Napapalakpak si Ate Mae sa sobrang tuwa. "E'di mas okay! Hindi na tuloy ako makapaghintay sa araw na 'yon," nakangiting usal nito.
"Si Steven yata pupuntahan mo ro'n, eh," pangaasar ni Ate Rica.
Sumimangot ako. Patuloy lang kami sa paglalakad. Madilim na pero may mga ilaw naman sa gilid ng daan kaya ayos lang, isama mo na rin ang sinag ng buwan kaya hindi kami natatakot na maglakad dito.
"Ano naman po," sagot ko. "Hindi ko naman siya lalapitan, eh. Makita ko lang siya ay sapat na 'yon," dugtong ko.
Narinig ko ang mahinang singhapan nilang tatlo sa aking sinabi.
"Grabe iba na ang Lilianna na kaharap natin ngayon," tila hindi makapaniwalang wika ni Ate Mae.
Umismid na lang ako at nauna ng naglakad. Hinabol naman din nila ako agad at hindi maalis ang ngiti sa kanilang labi.
"Hindi 'yon pang-aasar, Lilianna. Paunti unti ka ng hindi nahihiya, na sabihin yung mga gusto mong sabihin. Kapag nagdadalawang isip ka sa mga ganoong bagay huwag kang mahiya na magsabi sa amin, okay? Open-minded kaming tatlo, siguro aasarin lang kita yung sakto lang," alanganin pang tumawa si Ate Mae dahil sa sinabi nito sa bandang dulo.
Tipid ko silang ningitian. "Salamat po mga ate. Huwag po kayong mag-alala palagi na po ako magiging open sa inyo. Minsan kasi may mga bagay rin na wala pa akong masyadong maalam kaya sa inyo po ako hihingi ng tulong," tugon ko.
"Mabuti naman kung gano'n, Lili," lumapit sa akin si Ate Pia at hinaplos ang aking braso.
Nang makarating na kami sa kanilang bahay ay humiwalay na agad ako. Mabilis lang ang aking kilos ng balak kong dumaan sa bakuran ng dati kong tinitirhan. Mukhang tulog na ang nakatira roon.
Mabilis ang naging kilos at nakarating din agad sa treehouse. Napabuga ako ng hangin dahil sa wakas ay nakauwi na ako. Kinuha ko ang binaba kong lampara at sinindihan 'yon gamit ang apoy na aking ginawa.
Binitbit ko 'yon hanggang makaakyat sa taas kasama ang ulam na binili ko kanina. Binuksan ko ang pintuan ng treehouse at muntik ng mabitawan ang hawak kong lampara ng may nakitang lalake na komportableng nakahiga sa duyan habang may hawak na stick ng sigarilyo, umuusok pa ang dulo no'n.
"Hi, Lilianna. Good evening," dinig kong bati ni Steven habang nakatingin sa akin, malawak ang ngiti sa kanyang labi.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top