CHAPTER 6

CHAPTER 6

NANG MAGISING AKO KINABUKASAN ay wala na si Steven sa aking tabi. Mag-isa na lang akong nakahiga sa foam at nakakumot. Buong umaga no'n ay para akong tanga na tulala habang inaalala ang nangyari kaninang madaling araw. Kahit sa pag-ligo ko sa sapa ay hindi pa rin siya mawala sa aking isipan.

Nakahawak ako sa aking labi habang tulala na nakatayo sa sapa. Basang basa na ang aking buhok at katawan dahil pagkatapos ko nito ay diretso na agad ako sa bukid para magtanim ng palay.

Hindi ko maalis sa aking isip, at parang sirang plaka na paulit ulit kong naalala ang nangyaring halikan naming dalawa ni Steven. Nilublob ko ang aking sarili sa tubig at niyakap ang tuhod. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi dahil do'n.

Kumawala ang ngiti sa aking labi at nauwi sa ngisi 'yon. Kinukuyakoy ko ang aking katawan at napatingala sa kalangitan. Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang sikat ng araw sa aking balat, hindi pa 'yon masakit dahil maaga pa.

"Nababaliw kana, Lilianna," sambit ko sa aking sarili at napailing na lang.

Umahon agad ako sa sapa ng nakahubad at nagtungo agad sa treehouse para mag-bihis. Ang basa kong damit ay nilabhan ko rin agad pagkatapos ay isinampay sa barandilya. Nagbihis ako ng itim na longsleeve at manipis na pants. Hinayaan ko lang din na matuyo ang mahaba kong buhok at nagtungo na agad sa bukid.

KUMUNOT ANG AKING NOO ng marinig ang pinaguusapan nila Ate Rica at Ate Mae. Katabi ko ngayon si Ate Pia na nagtatanim na rin. Mabilis ang kanyang kilos dahil nakatuon lang talaga ang atensyon nito sa pagtatanim.

"Nabibingi na ko sa mga pinagsasabi nila sa totoo lang," reklamo ni Ate Rica habang nagtatanim.

"Ano magagawa mo, eh may tenga ka," sagot ni Ate Mae. "Kahit ako puro na lang naririnig ko, hala pauwi na yung apo ni Kapitan Cillian," lumiit ang boses ni Ate Mae na akala mo ay ginagaya niya ang boses ng nagsabi n'yan.

"Pauwi?" kunot noo kong tanong.

Sabay na napatingin sa aking ang tatlo kong kasama. Nagtaka naman ako na mabilis silang pumunta sa aking pwesto habang hawak hawak ang palay.

"Oo, bakit?" tugon ni Ate Mae.

"Kung tumagal ka ng mga ilang oras sa palengke maririndi ka nalang talaga, Lilianna. puro bukambibig ay si Steven. Steven dito. Steven doon. Lalo na yung mga dalaga malapit sa barangay hall. Ay, sinasabi ko sa 'yo parang hindi yata buo ang araw nila kapag hindi binabanggit si Steven," pag-singit ni Ate Rica.

Si Ate Pia naman ay napailing na lang ng tignan ko dahil baka gusto niyang magsalita.

Napantig naman ang aking tenga dahil sa kanyang sinabi. Umiwas ako ng tingin dahil kung ano ano na ang pumapasok sa aking isipan. Mga babae malapit sa baranggay hall? Hindi ko alam pero bakit ganito ang aking pakiramdam. Naiinis ako dahil sa narinig ko, pinaguusapan nila ang pagdating ni Steven dito? Eh, nandito na nga siya at kasama ko pa ito kagabi.

Nang bumalik ang tingin ko sa kanila ay nakita ko na naman na nagsikuhan silang tatlo sa aking harapan.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Dapat hindi mo na lang binanggit, Rica. nakakatakot pala mag-selos 'tong si Lilianna. Kulang na lang mag linya yung kilay niya, oh," sambit ni Ate Mae kay Ate Rica ng pabulong, eh naririnig ko naman.

Napabuntong hininga si Ate Pia at nilapitan ako. "Kalma mo lang puso mo, Lili."

Napalunok ako at tinalikuran silang tatlo. Nagsimula na ulit akong magtanim habang sila ay naririnig ko kung sino ang unang kakausap sa akin, natuturuan pa sila. Tirik na tirik ang araw at napapunas na lang ako sa aking pawis na gumagapang pababa sa aking pisngi.

"Okay ka lang, Lilianna?" dinig kong tanong ni Ate Mae.

Tinuwid ko ang aking katawan dahil nakayuko ako. Nakalapit na sila sa akin habang parang kinakabahan pa. Bakit ba ganito sila palagi sa tuwing hindi maganda ang aking mood?

"Okay lang po ako mga ate," mahina kong wika.

Sabay sabay silang napabuga ng hangin na akala mo ay nilunod sila sa tubig. Nahigit ko ang aking hininga ng bigla nila akong yakapin ng mahigpit. Sa kalaunan ay hindi ko na napigilan na tumawa at niyakap din sila pabalik.

"Ay nako, Lilianna. Huwag kang magseselos doon," dinig kong wika ni Ate Rica.

"'Di hamak na mas maganda ka kaysa sa kanila," pagdugtong ni Ate Mae.

"Tama," tumatangong sagot ni Ate Pia.

Naglaho ng parang bula ang aking inis dahil sa ginawa nila. Nauwi sa halakhak ang aking tawa at hinigpitan ang yakap sa kanila.

"Ang tanong bakit nagseselos wala namang..." pabitin ng sambit ni Ate Mae.

"Label!" pagtutuloy ni Ate Rica.

Napanguso na lang ako at napabuntong hininga na lang. Tama naman sila, bakit ganito ang nararamdaman ko. Eh, wala naman kami? Wala akong karapatan magselos dahil una sa lahat hindi ko siya pagmamay ari.

Ako na ang unang kumalas sa pagkakayakap sa kanila at tinalikuran na ito. Dumampot ulit ako ng palay at nagsimula na rin mag tanim.

"Walang label pero bakit kami naghalikan nung madaling araw," mahina kong sambit ko sa aking sarili habang nagtatanim.

"Huh? Anong naghalikan?" tanong ni Ate Rica.

"Halikan!?" sigaw ni Ate Mae kaya napalingon ako sa kanya. "Sinong nakipaghalikan? Sino?" mabilis na sambit nito at lumapit sa aking pwesto. Napailing na lang si Ate Pia at napahalukipkip. "Sinong nahalikan? Huwag mong sabihin na nahalikan kana, Lilianna!?" naghehesterikal na tanong sa akin nito.

"Masyado ka ng oa, Mae. Kumalma ka nga," salita ni Ate Pia. "Ano naman kung nahalikan na 'yan si Lilianna. Eh, matanda na 'yan."

Napapailing na lumapit sa akin si Ate Mae at hinawakan ang aking braso. "Alam ko, Pia. Pero kasi hindi ako sanay, baby natin 'tong si Lilianna. Tapos ngayon nahalikan na siya—"

"Ate Mae, hindi ako nahalikan," pagsisinungaling ko para kumalma naman ito.

Natigilan siya sa aking sinabi. Agad niyang binitawan ang aking braso at malambing na ngumiti sa akin. Mukhang natauhan na yata siya sa aking sinabi.

"Para ka talagang ewan, Mae. tinatakot mo lang 'tong si Lilianna sa kabaliwan mo," pagsingit ni Ate Rica.

"Ay malay ko bang hindi siya nahalikan. Masyado lang akong advance mag-isip. Alam mo naman na parang anak na rin ang turing natin diyan kay Lilianna kaya ganito ako mag-isip," seryoso niyang sagot at sinulyapan ako, sumilay ang ngiti sa kanyang labi pero agad din napawi ng may mapansin sa aking mukha.

Agad naman akong nailang dahil doon. Pati tuloy sila Ate Rica at Ate Pia ay napatingin din sa akin. Dahan dahang umangat ang kanyang kamay at may tinuro sa isang parte ng aking mukha.

"Heto na nga ba ang sinasabi ko, oh," sambit nito. "Namamaga ang labi niya!" sigaw nito.

Mabuti na lang at malawak ang bukid kaya kami lang ang nagagambala sa sigaw nito. Awtomatik naman na napatingin sila Ate Rica at Ate Pia sa aking labi.

"Sinong humalik sa 'yo?" osyosong tanong nito sa akin.

Napahawak ako sa aking labi at umiwas ng tingin. Umiling ako ng ilang beses at tinalikuran sila.

"Wala!" mabilis kong sagot. "Wala akong kahalikan, Ate Mae. Nakagat lang 'to ng lamok kaya ganito," pagsisinungaling ko.

"Anong nakagat?" naguguluhang tanong ni Ate Mae. "Hoy, alam ko pinagkaiba ng kagat ng lamok. Eh, yung sa 'yo parang pinapak pa yata 'yang labi mo," wika nito.

Gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa hiya. Bakit ba ang galing nila sa mga ganito! Hindi ako makatakas dahil kahit anong gawin ko nakakahanap sila ng palusot. Muli ko silang tinalikuran at tinapos na ang pagtatanim. Palagi kami minsan nauubusan ng oras dahil nakikipagdaldalan pa kami sa isa't isa.

"Alam na alam, ah," natatawang sambit ni Ate Rica.

"Ay malamang ganyan din ang mister ko kapag matagal kaming hindi nagkita. Ginagawa ba namang hapunan ang labi ko," tugon nito.

"Itigil niyo na nga 'yan halatang hindi komportable si Lilianna sa mga pinagsasabi niyo," pag-awat ni Ate Pia.

Nang muli ko silang harapin para sana silipin ay naitikom nila ang kanilang bibig at parang nagpipigil pa ng tawa.

"Grabe, Lilianna. Mukha ka ng kamatis ngayon," natatawang sambit ni Ate Mae.

"Para kang strawberry na walang buto," wika ni Ate Pia.

Sinimangutan ko na lang sila dahil heto na naman, inaasar na naman nila ako. Hindi nakaligtas ang pagsuot ko ng nipa na kalo dahil litaw na litaw parin ang pagkapula ng aking pisngi.

"Pero sino ba talaga humalik sa 'yo? Ano 'yon smack? Torrid ba?" biglang singit ni Ate Mae.

Masama ko itong tinignan at tinakpan ang aking tenga. "Wala!" sigaw ko sa kanya.

Napuno ng tawanan ang buong bukirin. At hanggang matapos ang aming trabaho rito ay inaasar na nila ako.

NANG MATAPOS ANG TRABAHO ay sabay sabay na kaming umuwi. Parehas na pagod at gusto ng magpahinga sa kaniya-kaniyang bahay.

"Baliw pa lang 'yang tita mo, eh," naiinis na Wika ni Ate Mae.

"Gusto mo ba na sa amin ka muna tumira, Lilianna? Parang hindi yata safe na sa treehouse ka tumuloy," nag-aalalang sambit ni Ate Pia.

Tipid ko siyang ningitian habang patuloy lang kami sa paglalakad. Kitang kita na naman ang kalsada kaya malapit na kami.

"Okay na po ako ro'n, Ate Pia. Ayaw ko rin ng makaabala. Matibay naman po yung treehouse roon at saka kaonti lang naman ang aayusin ko," tugon ko.

"Hindi ka nakakaabala, Lilianna. Okay? Kung 'yan ang gusto mo rerespetuhin namin 'yon. Pero kung kailangan mo ng tulong sabihan mo lang kami, ah," malambing ng wika ni Ate Rica, umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang aking buhok.

Tumango ako. "Salamat po," nakangiti kong sagot.

Nang makarating kami sa kalsada ay dumiretso kami agad sa palengke para mamili ng ulam namin. Nabanggit ko rin sa kanya na wala ako mapang gagamitan ng pangluto ng ulam at saing kaya pinahiram nila muna ako ng mga lutuan. Wala namang problema sa apoy dahil marunong naman ako gumawa ng apoy gamit ang kahoy.

"Totoo nga talaga yung sinasabi nila. Uuwi na talaga yung apo ni Kapt. Cillian."

Napalingon ako sa gilid ng marinig ang sinabi ng babae. Mukha siyang sinisilihan sa pwet habang binabanggit 'yon, kilig na kilig siya. Napadako naman ang aking tingin sa kabila ng marinig ko na naman ang pangalan ni Steven.

"May asawa na kaya 'yon? May kakilala ka ba na kaibigan no'n dito? Baka puwede tayo ma reto no'n sa kanya."

Kumunot ang aking noo at umasim ang aking reaksyon sa sinabi nito. Nakakainis marinig ang mga pinagsasabi nila. Alam kong wala akong karapatan kay Steven pero lumalabas na masyado akong mapang-angkin sa kanya. Hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko.

"Reto. Reto," naiirita kong bulong sa aking sarili.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa tindahan ng mga isda at karne kung saan ay suki na kami roon.

Tama nga sila ate. Nakakarindi pakinggan ang mga sinasabi nila. Lalo na at malalaswang bagay pa ang pinaguusapan nila tungkol kay Steven. Halos mag linya na ang aking kilay dahil sa mga naririnig ko.

At saka, pauwi? Pauwi pa lang siya? Eh, sino yung kasama ko nung madaling araw? Sino ang kahalikan ko no'n kung sinasabi nila na pauwi pa lang si Steven? Ano 'yon panaginip lang? Kung panaginip lang, bakit parang totoo 'yon. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang malambot nitong labi sa akin. Paulit ulit na pumapasok sa aking isipan ang mga turo nito kung paano humalik ng tama.

"Lilianna!"

Nabalik ako sa huwisyo ng may sumigaw sa aking pangalan at napakurap ng ilang beses. Nasa gilid pa rin kami ng kalsada, ang tatlong ate na kasama ko ay nakatingin sa akin na may bahid ng pag-aalala.

"Okay ka lang?" tanong ni Ate Pia.
Umiwas ako ng tingin at dahan dahang tumango. Akmang uunahan ko na sana sila sa pag-lakad ng may humawak sa aking braso para pigilan ako.

"Lilianna, kailangan nating dumiretso sa covered court. May sasabihin daw si Kapt. Cillian sa atin," sambit ni Ate Mae.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top