CHAPTER 5

CHAPTER 5

PARANG NAGSISISI na tuloy ako na dumiretso pa ako rito sa treehouse. Nakaupo pa rin ako sa terrace at natanaw lang sa sapa habang nagmuni muni. Mga kuliglig ang aking naririnig at wala ng iba. Bukod sa sinag ng buwan ay lampara rin ang nagsisilbing ilaw rito sa akin pwesto.

Pinapapak na ako ng lamok pero binalewala ko na lang 'yon. Bukas ay kailangan ko ng simulang asikasuhin ang mga bagay na puwedeng maayos dito dahil ito muna pansamantala ang magiging tirahan ko.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na sa aking kinauupuan. Kinuha ko na rin ang lampara at pumasok na sa loob ng treehouse. Sinarado ko ang pintuan at hinayaan lang na nakabukas ang pintuan na nakapwesto sa terrace. Yung isang bintana ay nakabukas din pero hindi ito kagaya sa isang bintana na nakapwesto malapit sa terrance dahil pagdungaw mo roon ay ibaba na 'yon.

Kinuha ko ang picture frame ni mama at papa pagkatapos ay pinatong 'yon sa maliit na lamesa. Mapait akong ngumiti at hinaplos ang kanilang litrato. Naupo ako sa lumang foam at niyakap ang aking tuhod.

"Goodnight po, 'ma, 'pa," mahina at malambing kong tono.

Tumagal saglit ang aking tingin sa litrato ni papa. Nakangiti ito at may hawak na isang malaking isda. Heto yata yung araw na may nabili siyang malaking tulingan at inulam namin 'yon pagkagabi. Dahil sa pagkatuwa ay kinuhaan ko siya ng litrato sa digital camera nito.

"Ang sakim lang po ng kapatid mo, 'pa," pagsusumbong ko, halata nasa aking boses ang pagkapagod dahil sa kaganapan ngayong araw. Sa kalaunan ay ngumiti na lang ako at muling hinaplos ang litrato. "Pero okay lang, kung doon siya masaya sa bahay natin hindi na ako mamimilit. Pasalamat na lang dahil ginawa mo 'tong tree house, 'pa. Kahit papaano may bago akong matitirahan," mahina kong sambit.

Huminga ako ng malalim at dinala sa aking dibdib ang picture frame nito. Nang makita ang litrato ni mama ay kinuha ko rin 'yon. Nakangiti siya sa litrato at nakasout na kulay puting dress. Ang itim at bagsak nitong buhok ay nakalugay habang ang bangs nito ay umabot lang sa taas ng kilay niya. Ang kanyang kamay naman ay nakahawak sa bilugan nitong tyan habang naka side view naman ang posisyon ng kanyang katawan sa litrato, ako 'yong nasa loob ng tiyan na. Ang ganda niya no'ng pinagbubuntis niya ako.

"Marami pong salamat sa lahat, 'ma, 'pa," mahina kong sambit habang mahigpit na niyakap ang picture frame.

Bago pa tuluyan tumulo ang aking luha ay binalik ko na sa maliit na lamesa ang picture frame at pinagpag muna ang foam. Binalutan ko 'yon ng tela na nakuha ko lang sa loob ng bag na dala ko. Kulay itim 'yon kaya ginawa ko na lang 'yon na bedsheet.

May maliit na unan akong nakita sa loob ng bag kaya nilabas ko 'yon kasama ang manipis na puting kumot. Pinatay ko na ang lampara at nahiga na sa foam. Tulala na nakatingin ako sa labas ng bintana kung saan dumadaan ang sinag ng araw.

Hindi ko alam pero bakit hindi ako natatakot ngayon, sobrang dilim sa buong pwesto ko lalo na sa labas at ang sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob.

Takot ako sa dilim yung tipong wala na ako halos makita, pero bakit ang pagiging matatakutin ko sa dilim ay parang naglaho. Pakiramdam ko ay may nagbabantay sa akin kaya dapat hindi ako makaramdam ng takot.

Napailing na lang ako at ipinikit ang aking mata para matulog.

HINDI KO ALAM KUNG ANONG oras na ngayon, naalimpungatan ako sa mahimbing kong pagkakatulog dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Hindi ako sanay at naiilang ako.

Kahit na inaantok ay dinilat ko ang aking mata at dahan dahang bumangon galing sa pagkakahiga. Bahagya pang nanlabo ang aking paningin ng tumingin ako sa bintana. Isang rebulto ng tao ang nandoon at alam kong sa akin nakatingin iyon.

Mahina akong napasinghap at napaatras dahil sa takot. Hindi pa rin gumagalaw ang tao na 'yon at nanatili lang siyang nakatayo sa kanyang pwesto. May gagawin ba siyang masama sa akin? Papatayin niya ba ako? Wala naman akong nagawang atraso maliban na lang sa away namin kanina ng magaling kong tiyahan.

Paano kung nagpautos siya ng ibang tao para patayin ako? Halo halo na ang nasa aking isipan dahil hindi ko kilala o hindi pamilyar sa aking isip ang lalake na nasa harapan ko ngayon.

"S-sino ka?" nauutal kong tanong dahil sa takot.

Napalunok ako at dahan dahang tumayo, natatakot na umatras ako habang hindi inaalis ang aking tingin sa kanya. Mas dumoble ang kaba na aking naramdaman ng marinig ang pagtikhim nito. Malalim at baritono ang kanyang boses. Napahawak na lang ako sa kahoy na pader dahil wala na ako ibang maaatrasan. At ng may nahawakan na mabigat na bagay ay basta ko na lang binato 'yon.

"Shit!" dinig kong daing ng lalake na nasa labas.

Nagmamadaling lumabas ako at hindi ko alam bakit ko unang dinampot ang lampara. Mabilis ang aking takbo patungo sa kanyang pwesto at inangat ang aking kamay para ihampas sa kanya 'yon pero hindi natuloy dahil nahawakan niya agad ang aking kamay.

"Anong ginagawa mo rito!?" malakas kong wika kahit na natatakot. Nanginginig ang aking kalamnan sa takot. "Papatayin mo ba ako!? Sino nag utos sayo—"

Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa aking bibig dahil sa takot. Hindi natuloy ang sasabihin ko sa dulo ng magsalita ang lalake.

"It's me, Steven," narinig ko ang mahina niyang pag daing. "Fuck, why did you do that to me?" dinig kong reklamo nito.

Kusang nawala ang nararamdaman kong kaba. Pero ang pagbilis ng tibok ng aking puso ay nandito pa rin, dahil ang lalaking matagal ko ng hinihintay ay nandito na sa aking harapan. Kahit hindi ko makita ang kanyang mukha ay nagsisimula ng maglikot ang aking utak para isipin kung ano na ang hitsura nito ngayon.

Dahan dahang bumaba ang aking kamay at nabigla ng kinuha niya ang hawak kong lampara. May nilabas siya sa kanyang bulsa at sa tingin ko ay lighter iyon dahil sinusubukan niyang lagyan ng apoy ang lampara.

At nang malagyan niya ng apoy 'yon. Doon nagka ilaw ang aming pwesto. Naka-ayos ang kanyang makapal at itim na buhok. Ang kilay naman nito na makapal ay halos maging linya na dahil sa pagkunot ng kanyang noo. Mas lalong nagmatured ang kanyang mukha isama na rin ang kapansin pansin niyang panga na umiigting. Kumislap ang light brown nitong mata habang seryosong nakatingin sa akin.

Ang peklat sa kanyang mukha ay na doon pa rin. Hapit na hapit sa kanyang katawan ang sout nitong kulay itim na tshirt, hindi rin nakatakas sa akin ang tattoo sleeves sa magkabilaang braso. Napalunok ako habang pinagmamasdan 'yon hindi ko alam pero bakit parang nakakadagdag 'yon sa pagiging guwapo nito sa aking paningin.

Nakapamulsa siya ngayon sa kanyang itim na short habang nakahawak sa kabilang kamay ang lampara. Hindi na ako umatras ng dahan dahan siyang lumapit sa akin.

"Kumusta, Lili?" tanong nito sa akin na may ngiti sa kanyang labi.

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil ang puso ko ay akala mo nakikipagkarerahan sa mga kabayo. Sobrang bilis at parang gusto pa yatang lumabas sa aking ribcage. Agad naman napako ang aking tingin sa noo nitong may kaonting dugo.

"I'm sorry, tara sa loob gamutin natin 'yang sugat mo," nag-aalala kong wika sa kanya at hindi na nasagot ang tanong nito sa akin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila papasok sa loob ng treehouse. Pinaupo ko siya sa foam at nilapag niya naman malapit sa tabi niya ang lampara. Nagkalkal pa ako ng puwedeng makita rito. Alam ko may tinatago ako rito na first aid kit. Gumuhit ang ngiti sa aking labi ng may nakita sa drawer.

Nagmamadali akong bumalik sa kanyang pwesto at naupo sa foam, paharap sa kanya.

"I'm sorry, akala ko kung sino ikaw lang pala," paghingi ko ng paumanhin habang nilalagyan ng betadine ang kanyang sugat sa noo.

"It's fine. At least I know that you know how to defend yourself, just in case the person you saw a while ago is not me," tugon nito habang nakatingin sa akin.

Ang laki niyang tao, kahit na nakaupo siya paharap sa akin ay halos hindi ko na makita ang bintana sa kanyang likuran. Ang lapad ng kanyang dibdib na sa tingin ko ang sarap no'n gawing sandalan. Napatigil pa ako ng ilang segundo dahil sa aking pinagiisip, bakit ganito pinagiisip ko sa kanya?

"Puwede mo naman agad ipakilala sarili mo sa akin," mahina kong wika sa kanya. "Nabato pa tuloy kita dahil sa takot."

Magaan lang ang aking kamay habang dinadampian ng betadine ang sugat na 'yon. Ilalapag ko na sana ang hawak kong cotton ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. Natigilan ako at napasulyap agad sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

Hindi siya sumagot sa halip ay nanatili siyang nakatingin sa akin. Ang light brown nitong mata ay seryosong nakatingin sa akin, wala man lang akong mabasang expresyon sa kanyang mata. Para akong nanghihina, nanlalambot at nalulunod sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin ngayon.

"How's your life here?" malambing ang tono ng kanyang boses. "Can I hug you?" tanong nito.

Hindi na agad ako sumagot dahil mabilis kong pinulupot ang aking braso sa kanyang leeg at sinubsob ang mukha sa malapad nitong dibdib. Hindi pa ako nakuntento dahil siniksik ko pa ang buong sarili sa kanya. Dahil maliit lang ang aking katawan kumpara sa kanya na sa tingin ko ay araw araw yata itong nag eeherhisyo, awtomatikong nanliliit ako. Pero ayos lang, 'yon ang gusto ko dahil sa tingin ko ay parang may pumoprotekta sa akin at siya 'yon. Naramdaman ko ang kanyang braso na niyakap niya 'yon sa aking maliit na bewang at niyakap ako ng mahigpit.

"Masaya ako na bumalik kana rito sa Cierra, Steven," sambit ko habang nanatili nakasubsob sa kanyang dibdib. "Ilang taon na lumipas bago ulit tayong mag-kita."

Hindi ko mapigilan na ngumiti ng maramdaman na humigpit ang yakap niya sa akin. Ang tagal ko ng gustong gawin 'to sa kanya, ang yakapin siya.

"Apat na taon ng patay si papa, Steven. Yung bahay namin ay kinuha na ng kapatid ni papa. Dumiretso na lang ako rito dahil ito lang yung puwede kong matirhan ngayon," tugon ko sa tanong nito kanina.

Naramdaman ko na gumapang ang kanyang palad paakyat sa aking likod at tumigil lang 'yon ng umabot siya sa aking ulo. Napapikit ako ng dahan dahang niyang hinaplos ang aking buhok.

"Condolence, Lili," bulong niya sa akin. "That hurts you a lot, especially now that you're by yourself."

Inangat ko ang aking ulo at sinalubong ang kanyang tingin. Tipid lang akong ngumiti sa kanya at pabirong pinisil ang kanyang pisngi. Hinayaan niya naman ako na gawin lang 'yon.

"Masakit pero nakaya ko naman. Matagal na rin naman kaya medyo okay na ako," tugon ko sa kanya.

Ang kaninang paghaplos niya sa aking buhok ay nauwi na ngayon sa paghaplos ng aking mukha. Malaki rin ang kanyang palad, ramdam ko ang magaspang niyang palad sa aking mukha.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong ko. "Anong oras na ba?"

Mabilis siyang tumingin sa kanyang relo at tinignan ako. "2:30 am," sagot niya. Napipikit ako ng mahina niyang pisilin ang aking maliit na ilong. "At hindi nila ako hahanapin kung saan ako pupunta dahil matanda na ako, Lili."

Tumango na lang ako. "Sabagay tama ka naman."

"And you said that if I come back here to Cierra, you are the one I will visit first. That's why I'm here. To visit you," walang emosyon ang kanyang mukha pero pansin ko sa tono ng kanyang pananalita ay masaya ito.

"Salamat, Steven," nakangiti kong sambit sa kanya.

May kung anong paruparo na nagsiliparan sa aking tyan ng marinig ko ang sinabi nito. Tinupad niya yung pangako niya sa akin bago siya umalis dito.

Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan para isara 'yon.

"Steven?" wika nito kasabay ang mahina niyang pagtawa kaya napalingon ako.

"Bakit?" tanong ko. "Ang weird din kung Kuya Steven pa rin ang tawag ko sa 'yo eh ilang taon na rin naman lalagpas na sa kalendaryo ang edad ko. Matanda na tayong dalawang kaya hindi ko na binabanggit 'yang kuya," tugon ko at natawa na rin.

Tinalikuran ko na siya at tuluyan ng sinarado ang pintuan.

"You're right. We're both adults," dinig kong sambit nito sa mahinang tono.

Hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking labi at nilingon ito. Mahina akong napasinghap ng makita siya sa aking harapan. Nakaangat ang tingin ko sa kanya, ang kayang kaliwang braso ay nakadukot sa pintuan habang nakababa ang tingin sa akin.

"Steven?" nanghihina kong sambit sa kanya.

Heto na naman ang pakiramdam na parang nanlalambot ako. Nanghihina ang aking kalamnan sa paraan ng pagtitig nito. Malambot ang ekspresyon ng kanyang mukha, ang kanyang kanang braso ay unti unting umaangat at hinawakan ang aking baba.

"I really like your doe eyes, Lili," pagpuri nito sa akin. "You look so innocent with these kinds of eyes."

"Sakto lang," sagot ko. "Hindi naman ako sobrang inosente 'di ba?" tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawag at napayuko pa ito. Ang kanyang balikat ay umaalog pa dahil sa pag-tawa. Humaba na lang ang aking nguso at akmang aalis na sa pwesto ng hawakan niya ang aking kamay at hinila papalapit sa kanya.

"Nagtatampo ka agad," wika nito habang hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi.

Pumasok sa aking isipan ang mga pinagkukwentuhan nila Ate Rica at Ate Mae kapag magkasama kami. Inosente raw ako, oo nga pero hindi sa lahat ng bagay. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang kanilang mga sinasabi lalo na kapag tungkol sa kanilang asawa. Hindi lang ako sanay at naiilang lang kaya gano'n ang aking reaksyon palagi.

"You're so cute, Lili," wika niya habang natatawa parin.

Ganoon pa rin ang pwesto naming dalawa. Muli ko na naman naramdaman ang magaspang niyang palad sa aking pisngi. Namayani ang katahimikan sa buong treehouse, ang kanyang hinlalaki ay unti unting napupunta sa malambot kong labi habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Parang may sariling utak ang aking kamay dahil hinawakan ko ang kanyang batok at nilapit ang kanyang mukha sa akin. Doon ay nagtapo ang aming labi, naramdaman ko na nagulat siya dahil sa aking ginawa, parang naestatwa pa ito ng ilang segundo bago tugunin ang aking halik.

Halo halo ang aking nararamdaman ngayon. Bumaba ang kanyang kamay sa aking bewang at mas lalong nilapit ang katawan ko sa kanya. Hindi ko alam kung takot o pananabik ba ang aking mararamdaman dahil parang naging agresibo ang halik nito sa akin.

Natigil lang ang aming ginagawa ng buhatin niya ako. Agad namang pumulupot ang aking binti sa kanyang bewang habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso at parang 'yon na lang ang aking naririnig bukod sa paghabol namin ng hininga.

"When did you learn how to kiss?" tanong nito at para bang namangha pa.

Napakurap ako sa kanya ng ilang beses. Nakahawak ako sa kanyang balikat habang nakatingin sa kanya. Umiling lang ako bilang sagot.

"Wala. Sinunod ko lang kung ano yung dapat gawin kapag naghahalikan," mahina kong sagot sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa nito at naglakad pabalik sa hinigaan ko kanina. Maingat niya akong nilapag doon at yumuko. Awtomatikong napapikit ang aking mata ng lumapat na naman ang kanyang mainit at malambot na labi sa akin.

"Let me teach you how to kiss perfectly," mahina nitong bulong sa akin bago ulit ako halikan.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top