CHAPTER 4

CHAPTER 4

KUMIROT ANG AKING DIBDIB ng makita na basta na lang binato sa labas ng bahay ang mga gamit ko. May mga humahakot no'n at ang magaling kong tiyahin ay nasa labas lang ng bahay, nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang mga inutusan nitong mga naglalakihang lalaki na bitbitin ang mga gamit ko.

"Tita!" muli kong sigaw.

Kumaripas na ako ng takbo ng makita ng hawak ng isang lalaki ang picture frame ni mama at papa na laging naka pwesto sa altar. Akmang ibabagsak nito ang picture frame ng magulang ko kaso hindi 'yon natuloy dahil hinablot ko agad 'yon at niyakap ng mahigpit.

"Nandito kana pala, Lilianna. Ayan na ang mga gamit mo," sambit nito ng makita niya ako. Nakahalukipkip parin siya sa harapan ko. "Nilagay na namin mga damit at kung ano ano pa d'yan sa malaking bag na 'yan. Makakaalis kana."

Hindi ko napigilan na mangilid ang aking luha. Ayaw kong umiyak sa kanyang harapan pero parang may sarili utak yata 'tong mga luha ko.

"Wala pa po akong nahahanap na bagong matitirhan, Tita—"

"Lilianna, uulitin ko na naman ba yung sinasabi ko sa 'yo?" pagputol nito sa aking sinabi.

Naging malikot ang aking mata dahil hindi ko alam kung saan ako mag fofocus, kung sa mga gamit na nilalabas ng mga inutusan ni tita o itong tiyahin ko na wala man lang awa sa akin.

"Kahit sa susunod na lang po na linggo, Tita. Basta makahanap lang po ako ng matutuluyan ko," nagmamakaawa kong wika sa kanya.

Napakamot siya sa kanyang buhok dahil sa inis.

"Hindi ka ba talaga nakakaintindi, ha!" sigaw nito sa akin, halatang nauubusan na ng pasensya.

Tinalikuran niya ako at binuhat ang malaki ng bag na kulay itim. Pagkatapos ay bumalik sa akin at basta na lang hinagis sa aking pwesto 'yon. Napaatras pa ako dahil nabagsakan no'n ang aking paa.

"Aray," mahina kong daing.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Walang mangyayari kung iiyak pa ako sa kanyang harapan. Kahit anong pagmamakaawa ko ay alam kong papalayasin niya pa rin ako sa dulo.

"Lumayas kana rito!" singhal niya sa akin.

Hindi ako nagsalita at binuhat ang bag na basta niya na lang binato sa aking harapan. Napakabilis ng tibok ng aking puso na akala mo ay nakipagkarerahan ako. Halos 'yon na nga lang aking naririnig dahil sa aking nararamdaman.

Naiatras ko ang aking mukha ng hawakan niya ang braso ko at nalapit ang sarili sa akin. Nanlilisik ang kanyang mata at nag-taas baba ang dibdib dahil sa galit.

"Huwag na huwag kang babalik dito at baka ipakaladkad pa kita," mahina niyang sambit sa akin habang pinanlalakihan ako ng mata. "Kung gusto mo bumalik ka saan na nararapat, Lilianna. Kayo ng ina mo ay hindi taga rito, tandaan mo 'yan. Dayo lang kayo ni Alejandra rito sa Cierra," madiin niyang wika sa akin.

Kumunot ang aking noo sa sinabi nito. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa aking payat ng braso. Hindi ko alam pero naiinis ako dahil binabanggit niya pa si mama ngayong wala na ito. Wala ba siyang respeto kahit man lang kahit sa espiritu nito?

"Naiintindihan ko po na wala na akong karapatan sa bahay na 'to, Tita," malamig kong sambit sa kanya.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Mabuti naman kung gano'n—"

"Pero wala kang karapatan na banggitin si mama ngayong patay na siya," pagputol ko sa kanyang sinabi at tinanggal ang kamay niya sa aking braso. "Wala kang karapatan na pag sabihan siya ng kung ano ano. Naiintindihan ko na kayo lang ni papa ang taga rito sa Cierra at dayo lang kami. Pero kahit dayo lang kami ni mama rito wala kaming ginawa ni isang bagay na ikakasira ng Cierra," seryoso kong sambit.

"Kapal din ng mukha mo na sagutin ako ng ganyang tono, ah," halos hindi makapaniwalang wika nito sa akin.

Hindi pa rin tapos sa paghahakot ang mga inutusan ng tiyahin ko. Parami na rin nang parami ang mga gamit na nilalabas sa bahay. Naglakad ako sa isang lumang kabinet na nakalabas malapit sa kahoy at pahabang lamesa, kung saan kami kumakain nila Ate Rica, Ate Mae, at Ate Pia. may maliit na drawer sa likod no'n at doon nakatago ang mga pera na naipon ko kaya kinuha ko 'yon.

"Nagsasabi lang po ako ng gusto kong sabihin, Tita," sagot ko sa mababang tono ng makabalik sa kanya. Hinawakan ko na ang bag ko at binitbit 'yon kahit na sobrang bigat. "Kahit isang linggo lang hindi mo maibigay sa akin? Maghahanap naman talaga ako ng bagong matutuluyan pero hindi ka nakinig."

"Ang dami mong satsat!" sigaw nito sa akin.

Muli niyang hinablot ang aking braso at kinalakadkad ako palabas ng gate. At dahil maggagabi na halos wala ng tao rito sa kalsada dahil nasa loob na sila ng kanilang bahay. Hindi rin dikit dikit ang mga bahay rito kaya hindi kami nakakaagaw ng atensyon bukod sa may dumadaan dito.

"Lumayas kana! Layas!" nanggigil niyang wika sa akin. "Aalis ka na nga lang dito ang dami mo pang sinasabi!"

Muntikan pa akong masubsob sa kalsada kung hindi ko nabalanse ng maayos ang aking katawan. Pagalit kong tinanggal ang kanyang kamay sa akin at matalim itong tinignan.

"Aalis na nga po 'di ba?" sarkastiko kong sambit.

Pinagpag ko ang aking sarili at inayos pa ang nagulo kong buhok. Pagod na pagod na nga ako kakatanim sa bukid, ang likod ko nananakit na rin kakayuko roon tapos heto agad maabutan ko? Hindi man lang ako nakapag pahahinga kahit saglit man lang?

"Lumayas kana at huwag kang babalik dito!" nagngangalaiti nitong wika. "Pinipikon mo ako sa mga sinasabi mo, Lilianna! Umalis kana at baka hindi kita matansya rito!"

Huminga ako ng malalim at tinalikuran ko siya. Ilang segundo ako nakapikit at kinalma ang aking sarili dahil parang nararamdaman ko ang aking dugo na unti unting umaakyat sa aking ulo dahil sa galit. Kasabay no'n ang pagmuo ng aking luha, pinilit ko 'yong huwag tumulo dahil wala 'yong saysay ngayon.

Hindi ako makakahanap ng bagong matutuluyan kung iiyak lang ako. Idinilat ko ang aking mata at isang lugar ang pumasok sa isip ko ngayon.

Ang treehouse.

HINIHINGAL NA BINAGSAK KO ang dala kong bag ng makarating sa tree house. May daanan papunta rito sa likod ng bahay pero ayaw ko ng bumalik doon kaya sa ibang ruta ako naglakad, ang kaso sobrang layo. Tiniis ko na lang 'yon at nakarating naman ako.

"Nakakapagod," nanghihina kong wika.

May nakita akong lampara sa gilid ng hagdanan kaya kinuha ko 'yon. Nag-ipon ako ng mga tuyong dahon at gumawa ng apoy gamit sa kahoy pagkatapos no'n ay nagsimula na 'yon sumiga. Naglagay ako ng apoy sa lampara at 'yon na ang nagsilbing liwanag ngayong gabi.

Hindi na ako natatakot dito mag-isa dahil kabisado ko na ang pasikot sikot dito. Halos ito na rin ang pangalawang tahanan ko. Ginawa ko na lang maleta ang bitbit kong bag kanina dahil hindi ko na talaga kaya na buhatin pa 'yon ng matagal.

Binuksan ko ang pintuan at napaubo pa ako dahil sa mga alikabok. Muli akong bumaba para kunin ang lampara. Nakita ko agad ang ayos bago kong matutuluyan. Maraming alikabok pero maayos parin ang mga gamit. Nakasabit pa rin ang lumang duyan na kinabit ni papa sa akin dahil 'yon ang request ko sa kanya. Nakatupi parin ang mga sapin at may lumang foam pa ro'n. Bukas ko na lang aayusin ang lahat ng ito dahil pagod na pagod ako ngayon.

Binuksan ko ang dalawang bintana para pumasok sa loob ang malamig na simoy ng hangin. Bilog ang buwan, kaya nagsisilbing dagdag ilaw siya ngayong gabi. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas. Tumambay ako saglit sa terrace at nakadungaw sa malinis na sapa sa tapat nitong tree house.

"Kailangan ko munang maligo," sambit ko sa aking sarili.

Dala dala ang lampara, dumiretso ako sa sapa at hinubad ang aking saplot. Wala akong tinira kahit isa. Ang mahaba, itim, at maalon kong buhok ay tinanggal ko sa pagkakatali kaya bumagsak 'yon sa aking katawan. Nagmistulang takip 'yon sa aking dibdib na hindi kalakihan.

Nagsimula akong maligo at nilinisan ang aking sarili. Nagbabad pa ako ng ilang minuto dahil ang sarap sa pakiramdam ng malamig na tubig sa aking balat. Nakakarelax siya at parang lumamig ang ulo ko dahil do'n.

Nang matapos ay basta na lang ako umahon sa tubig at binitbit ang mga pinaghubaran ko. Umakyat na ako sa taas at doon nagbihis, wala naman makakakita rito sa akin dahil gabi na. Kung meron man, asawang 'yon.

Simpleng puting duster ang aking sinuot at hinayaan na matuyo ang aking buhok. Nakatambay lang ako sa terrace at tulala sa sapa. Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa kahoy habang nakatingin doon.

"Uuwi ka raw, Steven," mahina kong wika sa aking sarili. "Aasahan ko na ako ang una mong kikitain dito sa Cierra. Pangako mo 'yan."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top