CHAPTER 30: PART 3

CHAPTER 30: PART 3

"What's happening?" dumako ang tingin ko kay Cillian ng bigla itong magsalita sa mikropono. "Stop the video!" tumaas ang kanyang boses.

"Huwag po kayong mag-alala, Mr. Donovan. Hindi ka po namin bibiguin," sagot ng lalake na kausap ni Cillian.

"Good. I want him dead on the spot on stage. Mataas ang stage kaya walang ibang tao na matatamaan dapat kundi siya lang. Kung kasama niya ang kaisa-isa niyang apo idamay mo na rin 'yon," wika ni Cillian at tumawa pa dahil sa huli nitong sinabi.

Napatakip ako sa aking bibig ng marinig ang kanyang sinabi. Kasabay ng pagsinghap at bulungan ng maraming tao ay biglang sumigaw si Cillian.

Umalingawngaw ang sirena ng kotse ng pulis. Pamilyar na tunog iyon kaya alam ko na sila 'yon.

"Stop the video! that's not me!" galit niyang sigaw sa mikropono. "Sinisiraan lang ako ng may gawa niyan! Sino ang event coordinator ng event na 'to!? Stop the video!" halos mamula na sa galit si Cillian habang hinahanap ang event coordinator nito.

"Nangangatwiran ka pa, Cillian. Nandiyan na ang ibidensya!" malakas kong sambit nang makatayo.

Lumipat ang tingin ng maraming tao sa akin dahil sa sinabi ko. Mabilis ang aking paghinga at lakad takbong nagtungo paakyat ng stage.

"Lilianna!" dinig kong sigaw ni Abuelo ng makaakyat ako.

"Gusto mo kaming mawala ni Abuelo para ikaw ang mamuno sa Monterico, tama ba? Hindi kami papayag na ang isang sakim at kurakot na taong kagaya mo ang magiging bagong mayor sa Monterico!"

"Get him," isang pamilyar na boses ang aking narinig. Nang tignan ko kung sino 'yon ay si Mayor Jacob pala.

Kasunod ng kanyang sinabi ay nagtungo agad ang dalawang pulis kay Cillian para posasan 'yon.

"Boo!"

"Umuwi kana, Cillian!"

"Ikulong niyo na 'yan! Mamatay tao ka!"

Nagpumiglas si Cillian ng mahawakan siya ng pulis. Namumula ang kanyang mukha sa galit habang nakatingin sa akin.

"Ikaw siguro ang may pakana nito!? Anong mapapala ng magaling mong lolo kung siya ang magiging mayor ng Monterico?! wala?!"

"Huwag na po kayo pumiglas Mr. Donovan. Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag sa lahat para mapag-usapan ito," seryoso at mahinahong saad ng pulis.

"Don't touch me!" protesta ni Cillian.

"May karapatan kang manahamik, ang anumang sabihin mo ay maaaring gamitin pabor o laban sayo sa anumang hukuman. May karapatan kang kumuha ng tagapagtanggol, kung wala kang kakayahan ay ipagkakaloob sa 'yo ito ng gobyerno," sambit ng pulis habang pinoposasan si Cillian.

Bahagyang nakayuko si Cillian dahil sapilitan siyang pinoposasan ng pulis. Ang emcee naman at ang event coordinator ay lumabas na galing sa likod ng stage. Sinusubukang pakalmahin ang mga taong nagiingay dahil sa kanilang nasaksihan.

Lalo itong nagpumiglas ng tuluyan siyang maposasan. Para siyang tigreng galit, nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa amin ni Abuelo. Si Steven ay nakarating na sa aming pwesto. Tumabi siya sa akin habang walang emosyong nakatingin sa kanyang lolo.

"You deserve it. You should rot in jail, Grandpa," malamig na sambit ni Steven.

"You did this?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Cillian. "You're the one who took that video, Am I right?! You fucking traitor!"

"Inamin mo na rin na hindi ka inosente, Cillian," malamig kong sambit sa kanya.

Nakita ko na naestatwa siya sa aking sinabi, nanlaki ang kanyang mga mata at halatado sa kanyang mukha ang gulat.

"Inamin mo na rin na ikaw ang may pakana kung bakit may nangyaring sunod-sunod na pagbaril noong unang campaign event dito sa city hall. Balak mo kaming patayin para ang mga kalaban mo sa pagiging mayor ay mahihina na, tama ba?" madiin kong wika sa kanya.

Hindi siya makasagot sa aking sinabi. Nanginginig ang kanyang katawan sa galit habang nakatingin sa amin.

"Tara na po, Mr. Donovan," wika ng pulis.

"Traitor! you're a traitor!" bigla niyang sigaw. "I'm innocent!"

Napailing na lang ako habang pinanood siyang dalhin ng dalawang pulis. Nahuli na nga siya pero nagsisinungaling pa rin.

Naramdaman ko ang mainit na palad ni Steven sa aking baywang. Hinila niya ako malapit kay Abuelo na tahimik lang sa kanyang pwesto. Nakamasid lang siya kay Cillian na kinakaladkad na ngayon ng pulis dahil nagpupumiglas pa rin siya.

"Mr. Villafuerte, bumaba na po kayo. Na escort na po ang ibang candidate sa baba ng stage. Kami na po bahala rito sa taas. Please be safe and go home."

Nagmamadaling wika ng event coordinator. Halata na sa kanyang mukha ang pag ka-istress dahil sa nangyari.

"I'm so sorry for this. Nagka-error sa backstage and we're still looking into the source of this inconvenience," paliwanag nito sa akin.

"It's okay, Miss," tipid kong tugon.

Napabuntong hininga ito at tinuro ang hagdanan pababa ng stage. "Thank you, Ms. Abella. Baba na po kayo, dahil sa nangyari ngayon mas mainam na umuwi muna kayo para sa kaligtasan niyo."

"Sure. Mauuna na kami," sagot ko.

"Let's go home," pag aya ni Steven. "It's dangerous for us to stay here for a longer time. Now that Cillian has been caught, you'll surely be needed at the precinct later."

Nauna na si Abuelo kaya sinundan namin siya. Hindi siya nagsalita kaya kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isipan ngayon.

Kasama namin si Steven ng makapasok sa loob ng van. Siya na rin ang nagsara no'n at bumyahe na pauwi sa hacienda.

"Lilianna will stay at the hacienda," seryosong sambit ni Abuelo ng tignan ako. "Because Steven will go with me to the police station," dugtong ni Abuelo na ikinatigil ko.

Gusto kong mag protesta sa sinabi ni Abuelo pero hindi ko magawang magsalita hanggang sa makarating sa hacienda. Ngayon nasa labas kami ng malaking gate ay hindi ako umalis sa aking kinauupuan ng paalisin ako ni Abuelo.

"No," matigas kong wika. "Hanggang police station sasama ako, Abuelo."

"Lilianna, it would be best if you didn't go with us. Just wait for us to come home. Your daughters are waiting for you," sagot ni Abuelo.

Humalukipkip ako at hindi siya sinagot. Nakabukas na ang pintuan ng van at ako na lang ang hinihintay na lumabas, si Steven ay nanatiling walang imik sa aking tabi at para bang malalim ang kanyang iniisip.

"Kuya, paki-andar na po ng sasakyan. Sa police station po ang punta natin," utos ko.

"Lilianna—" biglang wika ni Abuelo pero hindi niya natapos dahil inunahan ko na siya.

"Abuelo, sasama ako," pagputol ko sa kanyang sinabi.

"Let's do whatever she wants, Abuelo," pagsingit ni Steven.

Nanglingunin ko si Abuelo ay napabuntong hininga na lang ito. Sa wakas at pumayag na rin siya, umandar na ang sasakyan namin at bumalik sa Monterico City. Dinala si Cillian ng mga pulis sa pinakamalaking police station sa Monterico at 'yon ang Monterico City Police District o MCPD in short.

Bumaba agad kami sa van at nagtungo sa loob ng police station. Nauna lang si Abuelo dahil dumiretso siya sa isang police at mukhang may importante siyang kakausapin.

Hindi pa kami tuluyang nakapasok ni Steven sa loob dinig na dinig ko na ang boses ni Cillian, nangingibabaw 'yon at akala mo ay masisiraan na siya ng bait kasisigaw. Nagtungo agad kami roon dahil nauna na rin pumasok si Abuelo kasama ang police, na sa tingin ko ay ito ang police captain nila.

"Hindi ako 'yon. You don't have the right to do this to me! My lawyer will be here, makikita niyo!" pagprotesta nito. Nakaposas pa rin siya habang nagsisigaw.

"Sir, please calm down. Let's just wait for your lawyer."

The police officer guided Cillian to the interrogation room but he still continued to make a scene. Para siyang nawawala sa katinuan sa inasal nito.

"Are you idiot?! Sinong papaniwalaan niyo, ako o sila?! Ako ang biktima rito hindi sila! Framed up lang 'yon—"

Nilingon kami ni Cillian ng makitang pumasok kami sa interrogation room kung saan kakausapin ang mga nahuhuling tao. Doon siya dinala dahil masyado siyang nakakaagaw ng atensyon sa ibang tao na nandito sa loob ng police station.

"Sila!" sigaw niya ng makita kami. "Sila ang may kasalanan! You should arrest and handcuff them, not me!"

Pumasok sa silid sa isang lalaking naka business attire. Nagpakilala itong legal counsel ni Cillian.

"I'm Mr. Camino. I'm Mr. Donovan's legal counsel—"

"Atty! You're here! They were accusing me!" kahit nakaposas ay nagawa pa rin kaming iduro.

Wala sa sarili na nilingon ko si Steven, walang imik sa aking tabi at walang buhay na tinignan ang kanyang lolo.

"We have enough proof of what you did, Cillian. Instead of admitting the problem, you're worsening it. I can see what you did on video. You intended to kill us, but you did not succeed," seryoso ang tono ng boses ni Abuelo ng magsalita ito.

Nilingon ni Abuelo ang police sa gilid ni Cillian. "I will file a case for what he did, as well as what he did to my granddaughter and his grandson."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Abuelo. Naramdaman ko ang paghawak ni Steven sa aking kamay, humigpit ang hawak niya roon kaya napatingin ako sa kanya. Nanatiling nakakunot ang noo ko habang nakatingala sa kanya.

"It was his fault that we had an accident five years ago," seryosong niyang sambit sa akin. "Siya ang may kasalanan kung bakit nawalan ng preno ang kotse na sinasakyan natin," dugtong nito. "May inutusan siya sa mga tauhan niya na sundan ako hanggang makarating sa bahay natin. Umamin din sa akin ang may gawa no'n kaya nalaman ko rin."

Napakurap ako ng maraming beses at hindi makapaniwala na nilingon si Cillian. Ang daming tumatakbo sa aking isipan, halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.

"I did nothing to your granddaughter, Emilio!" singhal ni Cillian. "I did nothing—"

Hinawakan ng abugado ni Cillian ang braso niya para awatin ito sa pagsasalita. Nakita ko na binulungan niya si Cillian pero parang wala siyang narinig. Hindi pa rin siya kumakalma.

"Grandpa, stop it. Refusing won't change anything, we have all the right evidence. You're only making things worse."

"You're the one making things worse, Steven!"

"Mr. Donovan, calm down. Hindi mapaguusapan ng maayos ang gulo kung ganyan ang gagawin mo," pag-awat ng lawyer nito.

Napakurap ako ng ilang beses ng maramdaman na umikot ang aking paningin. I unconsciously grasped Steven's hand as my knees weakened. He quickly grabbed my hands and placed his hand on my back to support me. I'm feeling lightheaded. I think I'm going to pass out after what I heard.

Siya ang may kasalanan kung bakit kami naaksidente? Siya ang may kasalanan kung bakit nawalan ng preno ang sasakyan namin ni Steven noong aalis kami sa dati naming tinitirhan? Kasalanan niya rin na nanganib ang buhay naming magpamilya dahil sa ginawa niya!

"Lilianna, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Steven ng maramdaman na parang matutumba ako.

Umiling lang ako habang namumuo ang luha sa aking mga mata. Nakababa ang aking tingin at tuluyan ng tumulo ang aking luha. Kahit hindi ko nakita si Abuelo ay alam kong nakatingin ito sa akin dahil ramdam ko 'yon.

Napalingon ako kay Steven ng makitang nagmamadali itong kumuha ng monoblock chair at nagtungo sa akin. Inalalayan niya akong makaupo roon habang tahimik akong lumuluha.

"Don't worry, makukulong na siya," pagpapakalma sa akin ni Steven. "Calm down, doll. You're trembling."

Napalunok ako at muling pinunasan ang aking luha. Pasalamat na lang talaga na makukulong siya, pinipigilan ko lang ang aking sarili na sugurin ito dahil may respeto pa rin ako sa kanya kahit kaonti.

"Kasalanan niya," bulong ko habang pinupunasan ang aking luha. "Kasalanan niya kung bakit tayo naaksidente," lumuluha kong sambit.

Pumasok sa aking isipan ang araw na lalayas sana ako sa tinitirhan namin pero hindi 'yon natuloy. May narinig akong kaluskos sa labas ng bahay, sa tingin ko ay 'yon na 'yon.

Ang tanga ko at bakit hindi ko naisipan na tuluyang tignan 'yon. Baka makita ko pa ang may gawa no'n. Akala ko ay guni-guni ko lang 'yon pero hindi pala.

"My lawyer will handle this! Sa akin niyo lahat tinatapon ang akusasyon niyo! I'm innocent!" muling singhal ni Cillian.

Umangat ang aking tingin ng marinig ang boses ni Cillian. Walang ka emosyon emosyon na nakatingin lang si Abuelo sa kanya. Nakahalukipkip ito at pinagmamasdan lang siya.

Nakita ko na dinuro niya si Steven habang nanlilisik ang mga mata.

"And you! You should be here by my side, but you chose to side with them! You betray me! I'm your only family!"

Napapikit na lang ako at hinilot ang sentido ng maramdamang sumakit 'yon. Sigaw niya lang ang nangingibabaw sa kuwartong ito.

"You never treated me like family, grandpa," tugon ni Steven. "Why should I stay by your side when you treated me like shit, you treated me like one of your men who'll kiss your feet. I already disown you as my grandfather. Sumunod lang ako sa utos mo dahil tinatakot mo ako na may gagawin kang masama kay Lilianna at ayaw kong mangyari 'yon."

"And don't think that you're the only family that I have, you're wrong, Grandpa. I have my own family," madiin niyang wika. "I have Lilianna and our kids."

Lalong nandilim at nanlisik ang paningin ni Cillian kay Steven. Tumayo pa ito para sugurin si Steven pero hindi siya nagtagumpay dahil hinawakan agad siya ng pulis. Awtomatiko akong napahawak sa braso ni Steven dahil sa pagkabigla.

"You're an ungrateful bastard! I fed you! you sleep at my house and this is how you repay me?!" sigaw niya. "I'll prove that your accusations are wrong! You're all wrong!"

"Mr. Donovan!" sigaw ni Mr. Camino para muling awatin si Cillian.

"Try hard, Donovan," malamig na sambit ni Abuelo. "I'll make sure that you'll go to jail after this and you'll never come out again and you'll never see the light of day."

"Are you threatening me!"

Tumayo ako at lumabas sa interrogation room. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Kumikirot ang ulo ko sa aking nasasaksihan at naririnig.

Nakahalukipkip ako habang ang kanang kamay ay hinihilot ang sintido. Hindi ko pinansin ang mga tao sa loob ng malaking police station hanggang sa makalabas ako. Napabuga ako ng hangin ng makalabas, para akong nilulunod at ngayon lang nakaahon.

"Lilianna, are you okay?"

Mabilis akong napalingon sa likod ng marinig ang boses ni Steven. Gumilid ako sa side walk at nakitang sinundan niya ako. Wala pa rin akong imik, pumikit ako at hinilot muli ang sintido.

Nagkukulay kahel na ang kalangitan dahil palubog na ang araw. Ang mga streetlamp post ay nakabukas na rin dahil pagabi na talaga. Marami pa ring mga sasakyan ang dumadaan sa kalsada habang ang malakas na hangin ay sinasayaw ang buhok ko.

"You're Abuelo is right, Lilianna. You should not come with us. This is too much for you," salita niya.

Umiling ako. "It's fine. I can handle myself."

Dinilat ko ang aking mata at nilingon siya. Nagsalubong ang aming paningin. Wala na ang ekspresyon sa kanyang mukha na walang buhay at malamig. Naging malambot na 'yon at malumanay sa akin.

Palaging ganito ang kanyang mukha. Parang nanlalambot ang kanyang paningin sa tuwing kaharap o kausap ako.

"You're stressed."

Hindi na ako nakaatras ng lapitan niya pa ako. Naramdaman ko na lang ang mainit niyang kamay sa akin, pinagsaklop niya ang palad sa akin kaya magkahawak kamay kaming dalawa.

"Hayaan mo na kami ni Abuelo ang bahala sa kaso ng lolo ko, Lilianna. I promise he'll rot in jail. Mayor Jacob will help us, he will make sure that my grandpa will go to jail."

Nagiging komportable na ang aking pakiramdam sa paghawak niya sa akin. Kung noong una ay tinataboy ko siya sa tuwing hahawakan ako o maski lapitan pero ngayon ay hindi na.

Unti-unti na rin akong nagiging komportable sa kanyang presensya at paminsan-minsan ay hinahanap na rin siya. 'Yon ang pinipigilan ko, pero ang hirap. Ang hirapan labanan kung ang mismong puso na ang kumilos.

"I want to help," mahina kong wika ng tignan siya. "I want to help but how? I want to help Abuelo."

He took a deep breath and held my hands tightly. "You don't have to, doll. We will file a case against my grandpa and you don't need to help with that. Merong lawyer na tutulong sa atin, Mayor Jacob will provide it," he whispered while looking at me sincerely.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. "Paano ako tutulong—"

"Just be with our daughters," binigyan niya ako ng tipid na ngiti. "Spend your time with them, not with this problem. Alam kong gusto nilang makasama ka dahil ilang taon silang hindi ka nakasama."

"A-are you sure?" nauutal kong tanong.

He nodded, he put his left hands and started to carresing my cheeks with his thumb.

"Yes, doll. Your graduation is coming up soon, so you need your beauty rest. Kaya mas maganda kung kami na lang ang bahala rito," ngumiti siya sa akin habang sinasambit 'yon. "Congratulations, Lilianna."

Umismid ako at tinanggal ang kanyang kamay na nasa pisngi ko. Umiwas ako ng tingin at kunwaring may tinitignan sa kalsada.

"T-thank you," nauutal at nahihiya kong sagot. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa kanya.

Tama nga siya, malapit na rin ang graduation ko. Nakalimutan ko pa dahil sa problemang ito. At tama rin siya na kailangan kong mag beauty rest dahil naalala ko na nabanggit na rin pala sa akin ni Francheska 'yon.

"Are you blushing?" panunudyo nito.

Mahina kong tinulak ang kanyang kamay papalayo sa akin ng marinig ang pangaasar sa kanyang tono. Inirapan ko siya ng lingunin ito.

"Stop teasing me," naiirita kong sambit at nilagpasan siya dahil babalik na ako sa loob.

Mabilis niyang hinuli ang aking kamay at pinaharap ako. "I'm not teasing you," maang-maangan nito.

Inirapan ko siya. "Kailangan kong ng bumalik sa loob—"

"Let them be, Lilianna. sasakit lang ulo mo kung makikisali ka pa sa kanila," pagputol ni Steven sa aking sinabi.

"But—"

Sabay kaming natigilan ng magring ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko 'yon at tinignan kung sino ang caller.

'Francheska'

"It's Francheska."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Steven. Hindi ko alam pero hindi maganda ang kutob ko rito.

"Do you want me to leave?" tanong ni Steven. "I'll go back to the police—"

"No," mabilis kong sagot.

Natigilan pa ako dahil sa aking inakto. Bakit ko sinabi 'yon!? Pati tuloy siya ay nagulat din dahil hindi ko siya pinaalis.

"Okay..." mahina niyang tugon. Dinala niya ako sa gilid ng sidewalk. "Answer the call, baka importante 'yan."

Tumango na lang ako at sinagot ang tawag. Sinagot ko ang tawag at nilagay ko ang cellphone sa kanang bahagi ng aking tenga.

"Hello, Francheska? Anong meron bakit ka napatawag?"

"Lilianna, can you come home? The triplets won't stop crying. They just woke up from their afternoon nap. Cordelia started bawling, and then her sisters too," tugon ni Francheska.

"Okay, okay. Pauwi na ako," tugon ko.

Dinig na dinig ko ang iyak ng triplets sa kabilang linya. Hindi ko tuloy alam bakit ako kinabahan dahil sa iyak nila, sobrang lakas no'n.

"Please, hurry up. I can't calm them down. Cordelia is looking for Steven. Paki-sama na rin siya, please."

"Okay, okay."

Binaba ko ang tawag at tinignan si Steven. Mukhang nag-aabang din siya sa akin. Binulsa ko ang cellphone at sumenyas na sundan ako.

"Umiiyak ang triplets. Hindi alam ni Francheska kung anong dahilan. Kailangan mong sumama sa akin kasi si Cordelia hinahanap ka."

"Sure, magpapaalam lang ako kay Abuelo," pagmamadali ni Steven. Hindi na siya nagtanong ng marami at sumang ayon lang siya sa akin. "Mauna kana sa van at susunod na lang ako."

"Okay."

Nagtungo ako sa parking area, nakabukas ang bintana ng van kaya ng makita ako ng driver namin ay naging mabilis din ang kanyang kilos para paandarin ang van.

"Kuya, please go back here after you drop us off at the hacienda. Kailangan lang kami ng anak namin ni Steven."

"Masusunod po, señorita."

Naupo ako sa tabi ng bintana at sakto no'n ay dumating na si Steven. Hinihingal pa dahil mukhang tumakbo na siya papunta rito.

"Let's go," pag-aya ni Steven.

· · ─ ·𖥸· ─ · ·

Nakarating agad kami sa hacienda. Dumiretso kaming dalawa ni Steven sa aking kuwarto dahil doon namin narinig ang malakas na iyak ng triplets.

"What happened?" nag-aalala kong tanong ng makapasok kami sa loob.

Nakaupo si Francheska sa gilid ng kama, pinapakalma niya ang tatlo na hanggang ngayon ay lumuluha pa rin. Namumula na ang kanilang mukha dahil sa pag-iyak. Magkatabi ang tatlo, nakasandal sa headboard ng kama habang walang tigil sa pagtulo ang kanilang luha.

Sinenyasan ko agad si Steven na puntahan si Cordelia dahil sabi ni Francheska ay kanina pa siya hinahanap ng anak namin. Sumunod naman siya sa sinabi ko.

"I don't know, Lilianna," tumayo si Francheska at ako ang pumalit sa pwesto niya kanina. "Basta nagising na lang sila tapos biglang umiyak," paliwanag nito.

I nodded. "Okay, kami na ang bahala rito. Pasensya na sa abala."

"I'll go back to Emilio's office, Lilianna. Kakalma na 'yan silang tatlo nandito na kayo."

Ningitian ko siya. "Thank you, Francheska."

"You're welcome," sagot niya. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalabas sa aking kuwarto.

Ngayong wala na siya ay tinuon ko ang pansin sa triplets. Namumula ang tungki ng kanilang ilong at pisngi. Pati ang mata nila ay namumula at namamaga na rin.

"What happened? I'm sorry ngayon lang nakauwi si mommy," malambing kong wika kay Aquina at Selene.

Nilapitan ko silang dalawa at niyakap. Awtomatikong pumalibot ang maliit nilang braso sa akin at tumigil sa pag-iyak. Mahihinang hikbi na lang ang aking narinig habang nakayapos sila sa akin.

"Daddy..." impit ng iyak ni Cordelia sa bisig ni Steven.

Nilingon ko ito, malambot ang ekspresyon sa kanyang mukha habang hinihele ang bunso naming anak. Nakayakap sa leeg si Cordelia habang nakatanday ang ulo sa kanyang balikat.

"Mommy, don't go away na please," humihikbing sambit ni Aquina ng tingalain ako.

"Don't leave us, mommy," segunda ni Selene, parehas sila ng ate niya na lumuluha sa aking harapan.

Wala sa sarili na sinulyapan ko si Steven. Nakamasid din pala siya sa aming tatlo, halata sa kanyang mukha na malalim ang iniisip nito. Nang magtapo ang aming tingin ay wala ni isa sa aming dalawa ang pumutol no'n.

"Don't leave us, mommy," paguulit ni Selene.

Binalik ko ang aking atensyon kay Aquina at Selene. Nanginginig ang kanilang labi habang nakatingin sa akin. Tipid akong ngumiti at pinunasan ang kanilang luha. Yumuko ako para patakan ng halik ang noo nilang dalawa.

"I'll never gonna leave you," malambing kong tugon, umangat ang aking kamay para suklayin an mahaba nilang buhok. "Do you had a nightmare?" tanong ko.

Dahan-dahan silang tumango. Muli na naman silang napalabi at nakita ko ang pamumuo ng kanilang luha.

"You leave us, mommy," naiiyak na sambit ni Aquina. "You tired to take care of us because makulit na kami."

Kumunot ang noo ko at mabilis na umiling. "No, I'll never get tired of taking care of all of you," malumanay kong sagot. "Baby, all bad dreams are not true. Hindi ko kayo iiwan dahil mga anak ko kayo at mahal na mahal ko kayong tatlo."

"But mommy, sometimes dreams come true, and I don't want that to happen," bakas sa boses ni Aquina ang takot ng magsalita ito.

"Hindi na po kami magiging makulit, mommy. Basta don't leave us. Don't leave daddy because he will get sad too," pagsingit ni Selene.

Napalunok ako at ngumiti na lang sa kanila. Muli nila akong niyakap at kapag susubukan kung alisin para sana ihiga sila sa aking kama ay humihigpit ang yakap nilang dalawa sa akin. Kaya ang nangyari ay parehas kaming tatlo na nahiga sa kama.

"I'll never leave you, I promise," mahina kong tinapik ang kanilang binti para makatulog ulit.

Nakaharap ako kay Aquina at Selene, magkayakap ang dalawa habang nakatingin sa akin. Mukhang malungkot pa rin ang kanilang mukha dahil sa napanaginipan nito. Ningitian ko silang dalawa at yumuko para halikan ang kanilang pisngi.

"Promise mo po 'yan, mommy," paninigurado ni Selene.

Tumango ako. "Yes, Selene. I promise."

Pinunasan ko ang kanyang luha gamit ang aking hinlalaki. Ginawa ko rin kay Aquina 'yon, humihikbi na lang ito katulad ni Selene. Mabuti na lang at napakalma ko.

"Don't leave daddy too, mom. We'll be sad if you do that. You're our only mommy, and we don't want another mommy," pag-singit ni Aquina.

Napalunok ako at hindi makasagot sa kanyang sinabi. Ang pamilyar na pagtibok ng aking puso sa tuwing naiisip o nakikita ko noon si Steven ay nararamdaman ko ngayon. Kahit anong pigil ko sa aking nararamdaman ay hindi ko kaya dahil kusa siyang bumabalik.

"I'll never leave your daddy too. I promise," I said, softly.

"Pinky swear, mommy," sabay na wika ni Aquina at Selene. Umangat ang kamay nila habang nakataas ang hinliliit sa akin.

Ginawa ko naman 'yon at naki-pinky swear sa kanilang dalawa. Umabot pa yata ng ilang minuto bago sila makatulog ulit. Patuloy pa rin ako sa pagtapik ng kanilang binti at tumigil lang ng marinig ang malalim nilang paghinga, senyales na malalim na ang kanilang tulog.

Napabuntong hininga ako at hinarap si Steven sa aking likuran.

"Kumusta si Cordelia—"

Natigilan ako ng makita na seryoso silang dalawa na nakatingin sa akin. Karga pa rin ni Steven si Cordelia kahit na nakaupo siya sa kama. Tipid ko lang silang ningtian at nilapitan.

"Kanina pa kayo nanood sa aming tatlo?" mahina kong tanong ng makalapit sa kanila.

Tumango lang si Steven at sumenyas na lumapit pa lalo sa kanila. Wala rin naman akong nagawa dahil sumenyas din sa akin si Cordelia, ginagaya niya si Steven.

Parehas na seryoso ang kanilang mukha habang nakatingin sa akin. Even though Cordelia inherited my doe eyes I can still see in her face that she's like a mini version of Steven. Halo 'yon, dahil habang tumatagal ang triplets sa hacienda at bukod sa alam ko na ang personality nila ay alam ko na rin kung sino ang kanilang mga hawig.

Ang panganay na si Aquina ay kamukhang-kamukha si Steven. Si Selene ay sa akin naman habang ang bunso sa triplets ay kahawig naming dalawa ni Steven.

"She's also having a nightmare," he whispered. Mabilis niyang sinulyapan si Cordelia na tahimik na nakatingin sa akin.

"Are you okay now, baby?" malambing kong tanong sa kanya.

"Mommy, come here," utos sa akin ni Cordelia.

"Okay," sagot ko at sumunod na lang sa gusto nito.

Umusog pa ako at tinignan siya. "Is this okay?"

Dahan-dahan itong umiling. "Closer, mommy."

Napaigtad ako ng maramdaman ang kamay ni Steven na pumalibot sa aking baywang at hinapit papalapit sa kanya.

"Much better, Mar?" tanong ni Steven kay Cordelia.

Tahimik na tumango si Cordelia at tinanday ang ulo sa malapad na dibdib ni Steven habang nanatiling nakatingin sa akin.

"Yes po, daddy," mahinang sagot ni Cordelia.

Hindi ako makagalaw ng maayos dahil ang kanyang kamay ay nasa baywang ko pa rin. Hindi niya pa rin 'yon inaalis. Wala sa sarili na napasiksik ako sa kanya ng maramdaman na humigpit ang hawak niya roon.

Gumalaw ang aking kamay para tanggaling sana ang kanyang kamay na nasa baywang ko pero hindi 'yon ang nangyari. Sa halip ay hinuli niya ang aking kamay at pinagsaklop 'yon!

"Steven!" I hissed.

"What?" maang-maangan nito.

"Are you fighting?" pagsingit ni Cordelia. "Our teacher says that fighting in front of kids is not good po."

Agad naman akong umiling at hinawakan ang kanyang kamay. Napalitan ng lungkot ang kanyang mukha ng mapansin yata ang pag-awat ko kay Steven.

"No, baby. We're not fighting," sagot ko at ningitian ka.

"We're not fighting," paguulit ni Steven at sinuklay ang buhok ni Cordelia.

"Mommy, I know you're not good with Daddy."

Parehas kaming natigilan ni Steven ng manggaling 'yon sa kanya. Mahina ang kanyang boses habang ang mga abo nitong mga mata ay napakainosente ang tingin sa amin.

"My sisters and I know that you're mad at daddy. Kung hindi po kayo magbabati ni daddy ibig pong sabihin hindi kana po magiging mommy namin? You're gonna marry someone else and daddy will do the same."

Sumikip ang dibdib ko sa kanyang sinabi. Kasabay no'n ang pagbilis ng kabog ng aking dibdib. Parang piniga ang puso ko ng makita na namumuo ang kanyang luha habang nakatingin sa akin.

"I'm not going to marry anyone, Mar," naunahan ako ni Steven sa pagsalita.

Napalunok na lang ako at naramdaman ang paghapdi ng aking mata, namumuo na rin ang luha ko at nasasaktan dahil sa sinabi ni Cordelia.

"But mommy will do," naiiyak na tugon ni Cordelia. Nakatingala siya kay Steven, nanginginig ang baba nito at pinipigilan na huwag umiyak. "Mommy will marry someone and you're not our daddy anymore."

"N-no," mabilis kong sagot at napiyok pa.

I cleared my throat and took a deep breath. "No, Cordelia. I'll never marry anyone else," mahina kong sagot. "Hindi ko kayo papalitan. Kayo lang ang pamilya ko at wala ng iba."

Nanginginig din ang aking baba at kasabay no'n ang pagtulo ng luha ko ng lingunin ako ni Cordelia. Nakita ko kung paano punasan ni Steven ang kanyang luha at sinunod ako.

"Stop crying," malambing na sambit ni Steven, nanatili ang kanyang palad sa aking pisngi.

Hinahaplos niya 'yon at ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang palad sa akin.

"Promise, mommy? You're never going to marry anyone else? Si daddy lang po ang papakasalan niyo?" tanong nito sa akin. "Daddy won't marry another woman because he loves you so much."

"Mar," pag awat ni Steven. "Baby, I'm slowly working on fixing our problem, and it takes time, okay? Hindi gano'n kadali na ayusin 'yon," pagpapaliwanag ni Steven.

Hindi sumagot si Cordelia dahil niyakap niya na lang si Steven at subsob ang mukha sa dibdib. Nagkatinginan kaming dalawa ng marinig ang hikab ng aming anak.

"Magbati na po kayo," wika ni Cordelia habang nakasubsob sa dibdib ni Steven.

Napalunok ako at naitikom na lang ang bibig. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa lahat ng sinabi niya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong sagot na maibigay kay Steven.

"It's not easy like that, baby," si Steven na ang nagsalita. "Let's not pressure your mom. You know that I hurt her, right?"

Wala na kaming nakuhang sagot sa bunsong anak namin dahil nakatulog na pala ito sa dibdib ni Steven. Kumilos na agad kaming dalawa para ayusin ang mahihigaan nito.

"Daddy, mommy," mahina niyang wika ng maihiga namin siya.

Kumunot ang kanyang noo habang nakapikit. Umangat ang kanyang kamay at parang hinahanap kami. Mabilis kong kinuha ang kanyang kamay at nagsabay pa kaming dalawa ni Steven. Kaya ang kinalabas ay hawak ko ang kamay ni Cordelia habang siya ay hawak ang kamay ko.

"Sleep... beside me," she whispered slowly as she gradually drifted off to sleep.

Pinanood ko ang ginawa ni Steven. Nahiga siya sa tabi ni Cordelia. Nagtagal pa yata ng ilang segundo bago ako tumabi sa kanya. Nasa aking pwesto ang dalawang ate ni Cordelia na mahimbing ng natutulog.

"Is it okay if you stay here a little longer?" tanong ni Steven sa mahinang tono.

"Yes," tipid kong tugon at tumango.

"You can tell me if you feel uncomfortable. Aalis na ako para masamahan mo silang tatlo rito sa loob."

I shook my head. "You don't need to leave. Cordelia needs you and maybe she'll look for you if she wakes up."

"Are you sure?"

Kumunot ang noo ko at tumaas ang tingin sa kanyan. "Do I look like I'm joking to you?" I asked.

"No, I was just thinking that you might not like my presence and you rarely get angry with me anymore. I guess you're giving me a chance?" panunudyo nito.

"Kapal mo," naiirita kong sagot at inirapan ito.

Umismid ako at tinalikuran siya para harapin si Aquina at Selene pero hindi 'yon nangyari. Muli niyang hinawakan ang aking baywang para ilapit ang aking katawan sa kanya.

Sobrang dikit namin sa isa't isa kahit na napakalawak ng aking kama. Damang-dama ko ang init ng kanyang katawan sa akin. Nagsitaasan ang balahibo sa aking katawan ng gumapang ang kanyang palad sa likod ko.

"I'm just joking," he whispered. "I know you still hurt. I'll do my best to fix our relationship, Lilianna. Because I don't want our daughters to have a stepmother. I want you to be their mom and no one else."

Napapikit ako ng maramdaman na pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Pagkatapos ay isang malambot na bagay ang naramdaman ko roon, pinatakan niya ng magaan na halik ang aking noo.

"There's no pressure, Doll. Take your time and I'm willing to wait," he whispered.

Hinawakan niya ang aking kamay at pinalibot niya 'yon sa sarili niyang katawan kaya ang kinalabasan ay nakayakap ako sa kanya. Awtomatiko akong napapikit ng maramdaman ang mahaba niyang daliri sa aking buhok.

Para akong dinuduyan sa ginagawa niya. Dapat mamaya pa ako matutulog dahil gusto ko pang hintayin si Abuelo sa pagbalik dito sa hacienda. Makikibalita ako sa nangyari sa presinto pero hindi ko na magawa dahil inantok ako sa ginawa ni Steven.

At bago pa tuluyang lamunin ng antok at pagod sa lahat ng nangyari ay narinig ko ang sinabi nito. Malambing at ang lambot ng kanyang boses.

"Sleeplwell, Doll. Goodnight, I love you."

· · ─ ·𖥸· ─ · ·

"Mommy, I want bacon po," request ni Selene.

Yumuko ako para sana abutin ang bacon na nakalagay sa center table rito sa sala pero naunahan na ako ni Steven. Siya na ang kumuha no'n at naglagay sa plato ni Selene.

"Thank you, daddy," pagpapasalamat ni Selene.

"You're welcome, baby," malambing na sagot ni Steven.

Napagdesisyonan ni Abuelo na mag-almusal dito sa sala imbis na sa dining area. Katabi ni Steven si Cordelia sa kabilang sofa, mukhang nagpapalambing agad sa kanyang ama. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magselos, minsan lang maging malambing sa akin si Cordelia dahil lagi siyang nagpapa baby sa daddy niya.

Sinusubuan siya ni Steven habang nakatingin sa malaking flat screen tv. Nakapirmi lang ito sa kanyan pwesto at hindi mahirap pakainin. Ang dalawang ate niya naman ay nandito sa magkabilaang gilid ko, tahimik lang na kumakain. Si Abuelo ay nasa one seater sofa malapit sa malaking flat screen tv, nakabukas 'yon at nakikinig lang kami sa balita.

"Abuelo, nasaan po si Francheska?" tanong ko habang ngumunguya ng pagkain.

Binaba niya nag iniinom nitong kape sa lamesa at tinignan ako. "She's still sleeping. Baka mamaya bababa rin 'yon."

Napatango na lang ako sa kanyang sinabi. Maaga lang kaming nakapag almusal ngayon dahil ang oras na kain namin sa almusal ay alas otso pero ngayon ay ala syiete pa lang ay kumakain na kami. Aalis din kasi itong si Abuelo para pumunta sa barangay hall kaya sinamahan na rin namin siya.

Sinunod ko ang sinabi ni Steven na hindi na lang ako tumulong sa kanilang dalawa ni Abuelo para maikulong si Cillian. Umabot na 'yon sa korte at hindi ko na alam ang sunod na nangyari, lumipas na 'yon ng ilang linggo at hanggang ngayon ay wala pa akong balita.

Tinuon ko na lang ang pansin sa tatlong kong anak at nagpahinga rin dahil sa darating na graduation ko.

"Abuelo, aalis ka ngayon hindi ba?" muli kong tanong.

Bumaba ang tingin ko kay Aquina ng gusto niyang abutin ang plastic na baso na naglalaman ng gatas nito. Kinuha ko 'yon at binigay sa kanya. Inabot ko na rin ang kay Selene dahil kinalabit niya rin ako.

"Thank you, mommy," sabay nilang bulong sa akin.

Ningitian ko lang silang dalawa at hinaplos ang mahaba, itim, maalon na buhok.

"Yes, I'll handle the issues there. Someone mentioned last night that there seemed to be an argument on the other street, and they filed a complaint today—"

Lahat kami ay napatingin ng biglang may nag appear sa TV namin. It's a news flash.

"Si bisabuelo na bad, daddy," biglang sambit ni Cordelia.

Dumako ang tingin ko sa bunsong anak naming dalawa ni Steven. Nakatingin siya sa kanyang ama habang nakaturo ang index finger sa TV.

"Magandang umaga sainyong lahat, ako si Rosena Milla ang inyong reporter ngayong umaga. Nahatulan ng guilty sa dalawang counts ng frustrated murder si Mr. Cillian Donovan o kinikilalang Kapt. Cillian sa baryo ng Cierra.

"Kung matatandaanan na noong unang campaign event na para sa eleksyon ng magiging bagong uupong mayor sa Monterico City ay may nangyaring putukan ng baril, hindi nahuli kung sino ang may pakana no'n pero dahil nasundan ng pangalawang campaign event para sa tatakbong mayor may isang bidyo ang lumabas sa malaking LED screen habang nagsasalita ng speech ang kapitan ng Cierra."

Lumabas sa screen ang isang video kung saan nagwawala si Cillian sa itaas ng stage at sinasabi na itigil ang naka play na video sa malaking LED screen. May mga nakakuha na pala ng video sa kanya dahil sa pagwawala nito.

Bumalik kay Rosena ang camera at nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"At doon nalaman na si Mr. Cillian Donovan ay may kasalanan sa putukan ng baril sa unang campaign event. Hindi lang 'yon, siya rin ang mastermind sa aksidenteng kinasangkutan ng kanyang sariling apo na si Steven Donovan at ang nobya niya na apo ng Kapitan ng Pazamor na si Lilianna Sia Abella. Iyon lang ang aming news flash ngayon umaga, God bless and keep safe."

Napalitan na agad ng ibang balita ang nasa screen pagkatapos no'n. Namayani ang katahimikan at mga kalansing ng kutsara sa plato ang naririnig namin dahil patuloy pa rin ang triplets sa kinakain nito.

"Kailan pa siya nakulong?" wala sa sariling tanong ko ng lingunin ko si Abuelo at Steven.

"2 days ago," sagot ni Steven.

"What happened in court wasn't difficult, Lilianna. We had enough evidence to present. It was only a bit challenging because they were still in denial and making up a story," pagsingit ni Abuelo.

"Paano 'yan? Sino yung pumalit sa lolo mo sa Cierra?" tanong ko kay Steven.

"Captain Soriano took over as the new captain of Cierra right after my grandfather was imprisoned," tugon niya habang pinapainom niya si Cordelia ng gatas, pinatong niya rin sa lamesa ang baso ng maubos ng bata ang iniinom nito.

Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi. Nilapag ko ang kutsara sa aking plato at napahawak sa aking dibdib ng maramdamang bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi sa takot dahil sa tuwa, para akong nabunutan ng tinik dahil doon.

Nakakulong na siya, 'yon lang naman ang gusto ko. Ang makulong at pagbayaran niya lahat ng kasalanan niya. Sa akin, kay Steven at kay Abuelo.

"Are you okay?"

Biglang tanong ni Steven sa akin. Nang tumingin ako sa kanya ay tipid ko lang siyang ningitian at tumango.

"Yes."

Bumaba ang tingin ko kay Aquina at Selene ng kalabitin ako nito.

"Mommy you're not sad na?" Aquina asked.

"Our bisabuelo is in jail na po, right?" Selene asked.

"Yes, baby. Nakakulong na si bisabuelo niyo," sagot ko. Nilapag ko sa lamesa ang plato at niyakap silang dalawa. "He deserve it, he deserve to be in jail."

"Mommy is right," biglang singit ni Cordelia.

Nagkanda ugaga si Steven sa paglapag ng plato sa center table biglang yumakap sa kanya si Cordelia.

"He treated daddy badly. He's a bad person," nataranta kaming lahat ng marinig na gumaralgal ang boses nito. Bumaba ang tingin ko kay Aquina at Selene dahil nanahimik silang dalawa sa aking bisig habang nakatingin sa kanilang kapatid.

Right now, I'm praying that Aquina and Selene don't cry as well, because it will be difficult to calm them back down. I can tell that they feel Cordelia's feelings because they're triplets. Triplets seem to have a special bond since they share each other's emotions.

"Mar, your other bisabuelo will not come near us because he is now in jail," pagpapakalma ni Abuelo kay Cordelia.

Alanganin akong ngumiti at hinimas ang likod ni Aquina at Selene para hindi umiyak. Pati tuloy si Steven ay nakaabang din sa dalawa kung iiyak ba ito o hindi habang inaalo si Cordelia.

"He's not gonna hurt my daddy na, bisabuelo?" tanong ni Cordelia.

"Yes. So don't cry, okay?" malambing na tugon ni Abuelo.

Tumango na lang si Cordelia at muling niyakap si Steven. I remember the first time I met the triplets and also the first time that they slept here. Before Cordelia sleeps, She told me that Steven had been mistreated by his grandfather. I can't stop thinking about it. I'm curious, and I want to know more.

Humigpit ang yakap ko ng bigla akong dinamba ng yakap ni Aquina at Selene. Sumikip ang aking dibdib dahil do'n. Nasasaktan din sila.

"It's okay, baby," malambing kong sambit sa kanilang dalawa. Hinalikan ko ang kanilang ulo at hinimas ang kanilang likod. Hindi nila ako sinagot, humigpit lang lalo ang kanilang yakap sa akin.

Nagtagal kami sa gano'ng posisyon. Kung hindi ko lang niyaya silang dalawa na maligo na kasama si Cordelia ay hindi pa yata sila kikilos. Basta may tubig na involve sa kanilang gagawin ay excited sila.

· · ─ ·𖥸· ─ · ·

Kahapon pa natapos ang eleksyon para sa mayoral race, naging malinis at swabe naman ang nangyari sa botohan. Ngayon ay kakauwi lang namin galing sa Mall malapit sa Monterico City para mananghalian. Ngayon ay hatinggabi na kami nakauwi sa hacienda kasama ang mga bata dahil gumala pa kami sa mall at naglibot.

"Are you sure that we don't need to wake them up? Hindi pa sila nakakaligo," tanong sa akin ni Steven ng mailapag niya si Cordelia sa kama.

Bagsak na bagsak ang triplets pagkauwi namin. Mula sa van ay tulog hanggang pauwi, hindi na rin namin ginising dahil baka umalanganin ang kanilang tulog at topakin pa.

I nodded. "Yes, papaliguan ko na lang sila bukas ng maaga. Alanganin ang tulog nila at baka topakin 'yan kung gigisingin natin," nilapitan ko ang tatlong anak namin na mahimbing na natutulog sa aking kama.

Tinaas ko ang comforter at kinumutan silang tatlo na ngayon ay magkayakap. Napagigitnaan ni Aquina at Selene si Cordelia at nakayakap pa.

"Okay, if that's what you want," he answered.

Nang lingunin ko ito ay napakamot siya sa kanyang ulo. Umiwas siya ng tingin at nakaharap na sa nakasaradong pinto ng aking kuwarto. Kunot noo na pinanood ko ito sa sunod nitong ginawa, lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Inangat niya 'yon at pinatakan ng magaan na halik ang likod ng aking palad.

Nagsitaasan ang lahat ng balahibo sa aking katawan ng gawin niya 'yon. Mahilig siya sa gano'ng bagay, kung hindi naman ay noo ko o tuktok ng aking ulo ang kanyang hinahalikan.

"I'll go ahead. Maliligo muna ako," malambing nitong paalam sa akin.

"Okay—"

"Lilianna? Steven? Can you go to the living area? Ngayon na ibabalita ang resulta sa mga votes sa eleksyon magiging bagong mayor."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Steven ng marinig ang boses ni Francheska sa labas ng aking kuwarto. Naunahan na agad ako ni Steven, siya na ang nagbukas ng pinto.

"Go, mauna kana," sambit niya habang nakahawak sa doorknob ng pintuan.

"Thanks," tipid kong sagot.

"Let's go? Nasa baba na si Emilio," nakangiting aya ni Francheska sa akin.

"Tara," ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay para bumaba.

Bago pa kami tuluyang makababa sa hagdanan ay sinulyapan ko si Steven. Dumiretso siya sa pinakadulong bahagi ng pasilyo. Nandoon kasi ang guestroom at iyon ang pansamantalang kuwarto niya.

Nang sandaling magtagpo ang aming paningin ay parehas kaming natigilan. Wala ni isang umiwas ng tingin sa aming dalawa, ang kanyang light brown na mata ay wala pa rin pinagbago sa tuwing titignan niya ako. Pakiramdam ko ay para akong nanlalambot, nakakatunaw siya. Umangat ang kamay ni Steven para kawayan at sumilay pa ang ngiti sa kanya labi bago siya tuluyang pumasok sa kuwarto nito.

"Lilianna, are you okay?"

Nilingon ko si Francheska ng bigla siyang magsalita. Pati tuloy siya ay napatingin sa kung saan ako nakatingin. Binalik ko ang tingin sa kanya at ningitian na lang.

"Oo, okay lang ako. Tara na," pag aya ko sa kanya.

Nang makababa sa sala ay nakita namin na nakatayo si Abuelo sa harap ng malaking flat screen TV. Nakahalukipkip at nanlalaki ang mata habang nakatingin doon.

"I won," he whispered.

"Abuelo?" sambit ko at nilapitan siya. Nagmamadali pa ang kilos naming dalawa ni Francheska, mukhang hindi na naabutan ang salita ng reporter sa TV kung sino ang nanalo.

Pinakita sa screen ang mga final votes. Nasa pinaka taas ang pangalan ni Abuelo at ang kasunod nito ay kapitan sa kapit baryo lang din namin.

"I won, I'm the mayor now!" malakas niyang sigaw.

"Omg, Abuelo!" sigaw ko.

Napatalon ako sa tuwa at dinamba siya ng yakap. Halos mapunit ang aking labi sa aking ngiti na halos umabot 'yon sa tenga ko.

"Omg! Congratulations, Abuelo. Congratulations!" masaya kong sambit.

"Congratulations, Emilio," segunda ni Francheska.

"Thank you, Thank you," masayang sambit ni Abuelo. Niyakap niya ako at sinunod si Francheska. Parehas kaming dalawa nakakulong sa bisig ni Abuelo.

"Thank you for all of your support," he whispered, napapikit ako ng maramdaman na halikan ni Abuelo ang aking noo. "I appreciate it."

Sinunod niya si Francheska, hinalikan niya ang kanyang noo at mahigpit kaming niyakap.

"Congratulations, Abuelo," dinig kong sambit ni Steven.

Kabababa niya lang sa hagdanan ng tignan ko ito. Nakasout siya ngayon ng puting cotton shirt at gray pajama. Kahit na hindi pa siya nakakalapit sa akin ay naamoy ko na ang bodywash nito at shampoo na gamit niya.

Ako na ang umalis sa pagkakayakap kay Abuelo at nanatili sa kanyang gilid. Nakangiti pa rin ako at panay tingin sa TV dahil hindi ako makapaniwala na mayor na si Abuelo sa Monterico City!

It's all worth it! I know my Abuelo deserves this.

"Thank you, Steven," sagot ni Abuelo.

Sumenyas si Abuelo para palapitin si Steven. Nakita ko kung paano natigilan si Steven sa ginawa ni Abuelo. Sinunod niya na lang ang gusto nito at nagtungo kay Abuelo.

"Thank you for your help, Steven," pagpapasalamat ni Abuelo at niyakap si Steven.

"You deserve it, Abuelo. You deserve to be the mayor of Monterico City," sagot ni Steven.

"Alam namin kung gaano ka ka-hands on kaya hindi kami magdadalawang isip kung ikaw ang magiging mayor sa Monterico, Emilio," dugtong ni Francheska.

Tuwang-tuwa ang puso ko at impit na napatili dahil hindi pa rin ako makapaniwala.

"I'm happy, Abuelo. You really deserve it. Congratulations again!" muli kong bati.

"Come here, I want to hug you all," wika ni Abuelo.

Sumunod kami agad sa kanya. Hindi agad ako nakakilos ng bigla akong hilain ni Steven papalapit sa kanya. Ang kanyang mainit na kamay ay pumalibot sa aking baywang bago pa kami mayakap ni Abuelo.

"I want to thank you once more. I appreciate all of your help, and I promise that I won't disappoint you."

"You're welcome, Abuelo," sabay naming sambit.

· · ─ ·𖥸· ─ · ·

"Abella, Lilianna Sia V., Bachelor of Science in Business Administration. Cum laude."

Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad patungo sa malaking stage. Nasa MICC kami ngayon o Monterico İnternational Convention Center, dito ginanap ang graduation sa UMC.

Ilang oras ako naghantay para matawag ang aking ngalan at sa wakas ay heto na. Nangyari na ang aking gusto, ang makapagtapos ng pag-aaral.

Nang makarating sa gitna ng stage ay nag-bow ako at nakipaghandshake sa mga nakatayo sa gilid ng stage ng matanggap ang kanilang binigay. Kahit nasa malayo ay tanaw na tanaw ko ang triplets at ang kanilang daddy.

Kitang-kita ko na pumalakpak silang apat at panay talon nang talon ng makita ako sa malaking stage. Kinawayan ko lang sila at bumaba.

"Mommy, congratulations po! we are so proud of you!" hyper na hyper si Selene ng makalapit sa akin.

Tapos na ang graduation event sa MICC. Nasa parking area na kami ng convention center. Kaming lima lang ang nandito ngayon dahil si Abuelo ay nasa city hall. Dahil kakaupo niya lang bilang bagong mayor sa Monterico City ay mas lalong naging busy ito.

"Congratulations, mommy!" segunda ni Aquina.

"Congratulations, mommy. We love you," malambing ang tono ng boses ni Cordelia ng magsalita ito.

Pinantayan ko ang kanilang height sa pamamagitan ng pagsquat sa kanilang harapan. Nakahilera silang tatlo sa aking harapan habang nasa likuran nila si Steven. Parehas ang kulay ng sout naming lima.

I'm wearing an elegant plain white backless dress. Nakalugay lang ang aking itim, maalon, at mahabang buhok at gano'n din ang triplets. Kaparehas lang kami ng hairstyle maliban lang sa hairclip nilang pearl ang design. Bumagay iyon sa sout nila na white puff midi dress at white doll shoes.

Kay Steven naman ay gano'n pa rin, wala pa rin namang pinagbago sa kanya. As usual naka white button down polo ito na nakatuck in sa itim na slacks. Naka brush up ang buhok kaya kitang-kita ko ang kanyang mukha. Lalo na ang mata nitong parang kumikintab pa kapag natatapatan ng araw.

Halos pumutok na ang sleeves sa biceps nito pero normal na lang talaga 'yon sa katawan niya. Napalunok na lang ako ng maalala kung paano 'yon nakayapos sa akin sa tuwing naglalambingan kaming dalawa noon. Kung sa iba ay madumi ang tattoo sa katawan para sa akin ay hindi. Bagay na bagay sa kanya ang tribal tattoo sa braso nito at habang tumatagal ay umiiba ang tingin ko sa kanya—

"Mommy, are you okay? Tulala ka po kay daddy. He's handsome, right?" humagikhik si Selene at narinig ko rin ang kanila Aquina at Cordelia.

"Daddy, tulala sa 'yo si mommy. You're handsome kasi," bulong ni Cordelia kay Steven kahit na naririnig ko.

"Stop teasing your mommy, kids," pag-awat ni Steven pero halata sa kanyang boses na nagpipigil ito ng tawa.

Agad naman akong pinamulahan sa sinabi ng bunso kong anak. Hindi ko rin naman maitatago 'yon dahil alam kong malalaman din nila! Maputi ang aking kutis kaya paniguradong kulay kamatis na naman ako sa kanilang harapan! Nakakahiya!

"Mommy, you like our daddy na? Hindi kana mad sa kanya? Bati na kayo?" sunod-sunod na tanong ni Aquina sa akin.

Wala sa sariling ningitian ko si Aquina at hinaplos ang kanyang buhok. Nanatili siyang nakatingala sa akin, seryoso ang kanyang mukha. Ang abo nitong mga mata ay tulala at para bang hinihintay ang magiging sagot ko.

"We're good now. B-bati na kami ng daddy niyo," tipid kong sagot sa kanya. Ningitian ko siya at tinignan si Selene na katabi ni Cordelia. Nakatingin na rin pala silang dalawa sa akin, walang emosyon kaparehas sa kanilang ate.

Ang walang emosyon nilang mukha ay unti-unting nagbago. Sumilay ang ngiti sa kanilang labi at akala mo ay lumiwanag ang kanilang mukha.

"Yehey! Yehey! Yehey!" the triplets chanted.

Para akong mahihilo sa ginawa nila. Umikot ikot sila sa akin habang paulit ulit na nagsasabi ng 'yehey'.

"We're a happy family!" sabay-sabay nilang bigkas.

Kung kanina ay ako ang iniikutan nila ngayon ay si Steven naman. Nakababa ang tingin naming dalawa sa triplets, pinagtitinganan na nga rin kami ng ibang tao na dumadaan sa parking lot pero wala kaming pake.

Ang saya pagmasdan na masaya ang mga anak ko.

"Careful, Mar," mabilis na sambit ni Steven ng makitang muntik ng matapilok si Cordelia. Hinawakan niya ang braso nito at pinatigil si Aquina at Selene sa ginagawa.

"Daddy, I feel dizzy," natatawang pahayag ni Selene.

"The world are spinning, daddy," humahagikhik na sambit ni Aquina.

Napailing na lang si Steven at hinawakan ang kamay ng isa sa triplets. Awtomatik naman na hinawakan nilang tatlo ang isa't isa sa kamay at nagtungo sa kotse ni Steven na kanina pa nakabukas.

"Stay here and I'll take to your mom, okay?" dinig kong wika ni Steven ng makapasok ang tatlo sa backseat.

"Yes, daddy!" dinig kong sabay nilang sagot.

Kumunot ang noo ko dahil do'n. Sinarado niya ang pinto ng kotse, nakabukas naman ang aircon doon kanina pa kaya hindi maiinitan ang tatlo.

"What are you doing—"

Hindi ko natuloy ang aking sinabi ng hawakan niya ang aking kamay. Nakapwesto kami sa bandang likod ng kotse nito kung saan nakasilong sa puno.

"Is it true? Are you giving me a chance?" hindi niya makapaniwalang tanong.

Napalunok ako at dahan-dahang tumango. "Y-yes. I'm sorry kung natagalan. Natatakot lang ako—"

"I understand, Lili. I understand why it took you a long time to answer all my questions that day. I will not force you and I give you a time to think if you're going to give me a chance or not," pagputol niya sa aking sinabi.

Hawak-hawak niya ang dalawa kong kamay at malambot ang ekspresyon ng kanyang mukha ng tignan ako.

"H-hindi ko rin kaya na makitang may ibang kikilalanin na ina ang triplets, Steven," nakayuko kong tugon at parang nahihiya pa. "Nasasaktan at nagseselos ako kapag naiisip ko 'yon kaya hindi ako papayag na mangyari 'yon."

Hinawakan ko ang kanyang kamay at humigpit ang hawak doon. Bahagyang namuo ang aking luha at kasabay no'n ang panlalabo ng aking mga mata ng salubungin ko ang kanyang tingin sa akin.

"And... I don't even see myself getting married to another man and build a different family when I have you," napalunok ako ng maramdaman na may nakabara sa aking lalamunan. Kasabay ng paninikip ng aking dibdib ay siyang pagtulo ng aking luha sa kanyang harapan. "I'll give you a chance. Hindi lang para sa ating dalawa kundi para na rin sa triplets. Don't break your promise to me, Steven."

Sunod-sunod na tango ang kanyang ginawa sa aking harapan. Hindi na niya napigilan na lumuha, walang tigil sa pagtulo ang luha nito pababa sa kanyang pisngi.

"I promise," he cried. "I'll never break my promise, Lilianna. I'm going to rebuild your trust in me, I'm going to work on it until you regain your trust."

Halos hindi ko na makilala ang kanyang boses dahil sa pag-iyak nito. Hinila niya ang aking kamay ay kinulong sa kanyang bisig.

"You promise, Steven. Please don't hurt me again. If you do, I don't know how I'll handle it. Don't lie and let's honest with each other—that's all I want," pinunasan ko ang aking luha ng tumulo 'yon habang nakayakap sa kanya. "Iyon lang naman hinihingi ko noong una pa lang kaya ngayong pangalawang pagkakataon sana hindi mo ako biguin. Iyon lang ang gusto ko at wala ng iba."

"We already have kids. Hindi na sarili natin ang iisipin kundi ang triplets na rin. I don't want a broken family, that's why we will try to fix our problem. Let's take it slow," dugtong ko. Pinagtitinginan na kami ng dumadaan na tao rito pero hindi namin pinansin 'yon.

Ang mahalaga ay maayos na itong problema naming dalawa. Hindi lang para sa amin kundi para sa mga anak namin.

Dahan-dahan itong tumango at nanatiling lumuluha sa aking balikat. "I'm going to be honest with you from now on."

"No more lies?" I asked while sobbing.

"Yes. I'll never going to lie you again," parang bata nitong tugon.

Hinarap niya ako. He smiled at me, his tears still rolling down to his cheeks. Pinunasan niya ang aking luha, kahit anong punas niya ro'n ay walang nangyayari dahil muli na naman akong naiiyak.

Napapikit ako ng ipagdikit niya ang noo nito sa akin. May kung anong mainit na humaplos sa aking puso ng maramdaman 'yon. It's been a year since he did this to me. Kung hindi pagpisil ng aking ilong ay ganito ang kanyang ginagawa at siguro ito na rin ang isa sa namiss ko na ginagawa niya sa akin.

"Thank you, Lilianna. Thank you very much," he whispered while silently crying. "Thank you for giving me a chance."

Napalabi ako at hindi ko na napagilan na muling lumuha habang magkadikit ang aming noo. Nanginginig ang kanyang boses ng banggitin niya ang huli sinabi nito.

"Let's move forward and forget the past, Steven," I whispered.

"That's a good idea. I'll be focus to be your perfect partner—"

"No one's perfect, Steven. Let's try to be better than to be perfect. Much better, right?"

"Yes."

Hindi ko kaya magtanim ng sama ng loob ng sobrang tagal kaya heto. Susubukan ulit namin maayos ang nasirang relasyon kung kaya pa, kung kaya pa maisalba.

Nasaktan talaga ako sa ginawa nila pero ng unti-unting humupa ang galit na naramdaman ko sa kanila at parang napatawad ko na ito, pero may kirot pa rin talaga kapag naaalala ko 'yon.

"Let's go home, Doll," he said, softly. "Our kids are waiting for us."

Kumalma na siya base sa tono ng kanyang boses. Wala na ang panginginig, pangangamba o takot sa boses nito katulad kanina. Humigpit ang hawak ko sa kanyang braso ng maramdaman na mabilis niyang nilapat ang kanyang labi sa akin.

Saglit lang 'yon at parang nakaw na halik lang.

"Let's go home," tugon ko ng magsalubong ang aming tingin.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at pinagdaop ang aming palad. Nang sabay kaming humarap sa kotse nito ay nakita namin ang triplets na mukhang kanina pa kami pinapanood. Nakasilip silang tatlo sa backseat at kita namin sila sa mahabang bintana sa likod.

Nakatakip sila sa kanilang labi at para humahagikhik pa. Naririnig ko 'yon kahit wala kami sa loob. Sabay silang natigilan ng makita na nakatingin kami ni Steven sa kanilang tatlo. Mabilis silang bumaba at nagtago ng makita kami. Naiwan pa si Selene na ngumisi-ngisi sa aming dalawa.

Nakita namin kung paano siya hilain ni Aquina para magtago pero huli naman na ang lahat dahil huli na namin silang tatlo.

"They're cute," wala sa sarili kong wika.

"You're right, they're very cute," sangayon nito sa akin. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. "Let's go?"

"Tara na," sagot ko at tumango. "Let's go home."

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi ng maglakad kami papunta sa kotse nito. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat at umikot papunta sa driver seat para makasakay. Pinaandar niya ang kotse pabalik sa hacienda.

Napuno ng asaran, tawanan, at hagikhik ang buong kotse dahil sa tatlo naming anak. Habang pinagmamasdan ko ang mag-ama ko ay hindi ko maiwasan na hindi maging masaya.

I can't replace them with anyone else because I love them. I can't marry another man and leave this family that I built with Steven.

I love them, I love my triplets. I love Steven, My family. My home.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top