CHAPTER 30: PART 2
CHAPTER 30: PART 2
NAPUNO NG MAHINANG TAWA AT HAGIKHIK ANG BUONG hardin dahil kay Aquina, Selene at Cordelia. Nakatanaw ako sa kanilang apat kasama ang ama nila dito sa balkonahe ng aking kuwarto, umaga ngayon at nakasakay sa likod ni Steven ang tatlo habang nagpupush up ito.
"Daddy is strong!" malakas na sambit ni Aquina.
Patuloy pa rin si Steven sa kanyang ginagawa. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako napansin na nakamasid lang sa kanila.
"Yehaw! Go, horsey!" parang bulate na inasinan si Selene dahil ang kulit niya sa likod ni Steven.
Si Cordelia naman ay nakayakap sa baywang ni Aquina, napagigitnaan siya ni Aquina at Selene.
"Ate, don't move too much," dinig kong usal ni Cordelia, bakas sa kanyang boses ang kaba.
Napapailing na ngumiti ako at bumalik na sa loob ng kuwarto. Dumiretso ako sa walk in closet para kumuha ng damit para maligo. Natapos din ako, Lumabas ako sa walk in closet na may nakabalumbon pang tuwalya sa ulo at saktong kapapasok lang ni Steven sa kuwarto kasama ang triplets.
"Mommy!" sabay nilang usal nang makita ako.
Kumaripas sila ng takbo patungo sa akin, malawak ang ngiti at tumatawa pa. Tumigil lang sila sa harapan ko ng makalapit sa akin.
"Daddy said that we should take a bath. We're full of sweat," nakangiting sambit ni Aquina.
"Mommy, let's take a bath po," pag-aya ni Cordelia.
"Let's wash together!" hyper na usal ni Selene.
Umangat ang tingin ko ng makitang naghubad si Steven ng gray sando. Nakatalikod ito sa akin kaya kitang-kita ko ang malapad nitong likod. Naestatwa ako saglit ng makita ang tattoo roon.
May bago siyang tattoo, sa bandang baba ng kanyang batok. Pamilyar 'yon. Napakapamilyar dahil nang mapagtantong kung ano ay 'yon ang aking mata!
Bilugan na mata, makapal at mahabang pilik mata. Kahit medyo nasa kalayuan ito ay kitang-kita ko 'yon.
"Mommy, let's go na po."
Bumaba ang tingin ko nang marinig ang boses ni Cordelia.
"Baby, I'm sorry. Tapos na akong maligo. Samahan ko na lang kayo sa loob, is that okay?"
"Dapat nagwait ka na lang sa amin, mommy," pagsingit ni Selene.
Alanganin akong ngumiti at hinaplos ang kanyang buhok. "I'm sorry, baby. Next time sabay tayo maligo, okay? May pupuntahan kasi si mommy kaya kailangan maaga ako maligo," sagot ko.
"Okay po, mommy!" sabay nilang tugon.
Mabuti na lang at nakinig sila. Nagtungo na sila sa aking banyo para linisan ang kanilang sarili.
"I'll just take a shower in the guest room."
Napalingon ako kay Steven nang marinig ang kanyang boses. Nang lumipas ang araw simula nang kausapin niya ako tungkol sa relasyon naming dalawa ay hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang sagot ko.
"I'll just stop by here before heading off. Maybe Grandpa is looking for me already," dugtong nito.
"Okay," tipid kong sagot.
Nakakausap niya naman ako nang maayos at napapansin ko na rin sa aking sarili na madalang ko na lang siyang sinusungitan. Kaya siguro malakas na rin talaga ang loob niya na kausapin ako kung gugustuhin niya, dahil noon ay todo iwas din talaga ako.
Pumasok ako sa walk in closet para maghanap ng sosouting pamalit na damit. Naramdaman ko ang kanyang presensya sa aking likuran. Kumunot ang aking noo at mabilis na humarap sa aking likuran.
Nanlaki ang aking mata at napaatras nang sumalubong sa akin ang malapad niyang dibdib.
"Akala ko ba maliligo ka sa guest room. Bakit ka pa nandito?" tanong ko sa kanya ng tingalain ito.
"Baho mo," reklamo ko at kunwaring tinakpan ang ilong pero ang totoo ay napakabango niya. Kahit pawisan galing sa pagpupush-up kanina.
Wala namang amoy sadyang sinabi ko lang 'yon para lumayo siya sa akin at mukha namang epektibo 'yon. Topless pa rin ito at may nakasabit na puting tuwalya sa kanyang balikat.
"I just want to say that please stay safe. It's much better if you stay near your abuelo's bodyguards," mahina niyang wika.
Wala sa sarili na tinanguan niya ako at umangat ang kanyang kamay. Parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang maramdaman ang kanyang palad sa aking mukha.
He gently caressed my face, his light brown eyes soft as they gazed at me. I felt like I might melt, but nothing had changed. His expression toward me remained the same. I could see in his eyes that he still cared for and loved me.
"I understand that you can't leave your Abuelo. I know you won't let him go to the campaign event alone, so I'm sure you'll accompany him," mababa ang kanyang boses habang nakatingin sa akin.
Ngayon araw ang pangalawang campaign event na magaganap ulit sa city hall ng Monterico. Nadelay pa nga iyon ng ilang araw dahil sa nangyari sa unang event. Pero ngayong araw ay tuloy na, kaya kailangan kong makabihis agad para makarating na kami roon.
Ang mga bata ay maiiwan dito kasama si Francheska. Doon lang naman din silang apat sa opisina ni Abuelo, kampante na rin naman na kami dahil bukod sa apat na bodyguards na nahire ay may panibagong bodyguards na naman ang kinuha ni Abuelo para maiwan dito sa hacienda.
Bumaba ang tingin ko nang maramdaman ang kanyang kamay ng pinasaklop niya ang aking kamay. Ramdam ko ang init ng kanyang palad.
"He needs a support that's why I will go there," tugon ko habang nakatingin sa kanya.
Tumango siya. "I know, just be safe. I need you to be safe, okay?" malumanay niyang sambit sa akin.
Napalunok ako at dahan-dahang tumango. "O-okay," nauutal kong wika.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at nabigla sa sunod nitong ginawa. Nanlaki ang aking mata nang maramdaman ang kanyang labi sa akin, magaan lang 'yon at ramdam ang init ng kanyang labi.
Mahina kong tinulak ang kanyang dibdib at kunot noong tinignan siya—
"Yuck! Kiniss si mommy!"
Sabay kaming napalingon ni Steven nang marinig ang boses sa isa sa triplets. Si Selene 'yon, parehas silang nakasout ng bathrobe habang nakaturo sa amin. Basa ang buhok nilang tatlo at kapansin-pansin ang pamumula ng kanilang ilong at pisngi, mukhang malamig ang tubig sa banyo.
"Daddy, you should take a bath before you kiss our mommy's lips! Kadiri, dirty ka po," humalukipkip si Aquina habang nakatingin sa amin.
"Eww," sumilay ang ngiti sa labi ni Cordelia habang nakatakip sa kanyang bibig, nakaturo siya sa amin at humahagikhik ito.
"I'll take a bath now," pagpapaalam ni Steven sa akin at nilingon ang triplets. "Magbihis na rin kayo para hindi kayo magkasakit, okay?"
Mabilis na tumango si Aquina, Selene at Cordelia. "Okay po, daddy!"
Dumiretso agad sila sa malaking itim na bag at naghanap ng masosout nilang damit. Napasulyap ulit ako kay Steven nang maramdaman ang kanyang kamay sa akin, mahina niyang pinisil 'yon.
"I'll go now, Lilianna. Dadaan na lang ako rito mamaya. Don't forget what I said, okay? Be safe until the campaign event is done," seryoso niyang wika sa akin.
I nodded. "Okay."
Hindi na naman ako nakakilos nang nakawan niya ulit ako ng halik sa labi bago tuluyang umalis. Mabilis lang 'yon, sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas sa walk in closet. Nakita ko na naman ang tattoo niya sa likod.
Bago pa siya makaalis ay dumungaw na naman ito sa pintuan at kumaway.
"Bye, doll. Stay safe later," pagpaalam nito sa akin.
PAGKATANGHALI AY NAG-ASIKASO na kami ng mga kakailanganin para sa city hall ng Monterico. Ang mga bata ay nasa opisina na ni Abuelo, nakapagpaalam na rin ako sa kanila gano'n din si Steven bago siya naunang umalis sa hacienda.
"Señorita, nasa labas na po si Kapt. Emilio. Tara na po ba?"
Nilingon ko ang isang bodyguard nang marinig ang kanyang sinabi. Sumenyas muna ako na saglit lang at tinalikuran ito. Dahil may hinihintay lang ako.
"Mommy!"
Awtomatiko akong napangiti nang marinig ang boses nilang tatlo. Naguunahan silang tatlo hanggang sa makarating sa akin. Nakasunod lang sa kanila si Francheska, tipid itong nakangiti sa akin at kumaway.
"Take care po, mommy," malambing na wika sa akin ni Cordelia ng makalapit.
"We will wait po," masayang usal ni Aquina.
"Mommy, take care po kayo ni Bisabuelo. We will wait po rito with Tita Francheska," pagsingit ni Selene.
Nakalugay ngayon ang kanilang buhok habang nakatingin sa akin. Ang ganda talaga ng mga anak ko, lumuhod ako at pinantayan sila.
"Behave lang kayo rito, okay? Huwag niyong pasakitin ang ulo ni Tita Francheska niyo, uuwi lang din kami mamayang hapon," mahinahon kong sambit sa kanila.
Sabay sabay silang tumango. Nakita ko na hinawakan ni Aquina ang kamay ni Selene at Cordelia.
"Don't worry, mommy. ako po ang bahala sa kanila," nakangiti si Aquina sa akin habang nanatiling nakahawak sa kamay ng kanyang dalawang kapatid.
Niyakap ko siya at sinunod si Selene at Cordelia.
"Thank you, ate. Doon lang kayong tatlo sa loob ng office ni Abuelo, okay? Kung may gusto kayong kainin or gawin laging mag sabi kay Tita Francheska niyo, nakakaintindi ba?"
Mabilis silang tumango. "Yes, mommy! Bye bye!"
"Bye," malambing kong wika at binigyan sila ng tig-iisang halik.
Tumayo na ako at tinignan si Francheska.
"Ikaw muna bahala sa kanila. I-tetext na lang kita kapag pauwi na kami," salita ko nang makatayo na.
Tanging tango lang ang naitugon niya bago magsalita. "Sure, ingat kayo ni Emilio."
"Thank you."
Sa huling pagkakataon ay nagpaalam ulit ako sa tatlo kong anak bago lumabas ng bahay. Nakabukas ang pintuan ng van, nakita ko agad si Abuelo na nakaupo sa bandang dulong bahagi ng sasakyan.
Galing ito sa barangay hall, sinundo lang siya ng driver namin gamit nitong van at dumiretso na rito dahil kasama ako ni Abuelo.
"Are you okay?"
Nilingon ko si Abuelo nang magsalita ito. Isang tipid na ngiti ang binigay ko sa kanya bago magsalita.
"I'm kinda nervous," I whispered. "Nervous for you and for the kids. Kinakabahan na ako sa lahat, Abuelo."
Umangat ang kanyang kamay at mahinang tinapik ang aking balikat. Maingat at mabilis ang byahe namin patungong city hall, doon pa rin ang ganap. Kailangan na lang namin mag-ingat para—
"Don't be nervous, Lilianna. We will make sure that Cillian is going to jail after this. Jacob will help us also Steven. Don't worry," pagpapagaan niya ng loob sa akin.
Kahit na pinapagaan niya ang loob ko ay hindi ko pa rin maiwasan na kabahan at mag-alala para sa kanila lalo na sa tatlo kong anak. Nalaman na ni Abuelo na alam na ni Cillian na anak naming dalawa ni Steven ang triplets at hindi niya ampon ito.
Iyon ang sobra kong kinababahala. Kaya sumang-ayon na rin ako sa kanya nang malaman na kukuha ulit siya ng bodyguards na maiiwan sa hacienda pansamantala para kay Francheska at sa triplets.
Dahil paano kung habang abala kami sa event sa city hall ay may gawin si Cillian sa hacienda? Alam kong masyadong cliche ang pagkidnap sa kanila pero may malaking chance na puwedeng gawin niya 'yon, gagamitin niya ang triplets laban kay Abuelo.
Ngayong alam niya na hindi na ako ang Lilianna na takot at hindi marunong lumaban kaya gagamitin niya ang triplets laban sa amin.
Hindi ako papayag na gawin niya 'yon. Kaya hangga't maari magkulong muna silang apat sa opisina ni Abuelo hanggang makauwi kami o hanggang matapos itong campaign event.
"I know your plan will be successful, Abuelo. I just can't help feeling nervous. My children are at the hacienda, and we're far away from them," sagot ko.
"Calm down, Lilianna. I already hired a bodyguard for them."
"Alam ko Abuelo. Hangga't hindi natatapos itong campaign event at 'yang plano niyo ay hindi ako makakalma."
Napabuga ako ng hangin at napahilot na lang sa sintido ko. Bukod sa bodyguard ay nagpaiwan din siya ng tanod sa hacienda.
Alam kong masyado ng oa pero para sa kaligtasan ng aking mga anak 'yon kaya ayos lang.
Malalim pa rin ang aking iniisip hanggang sa makarating sa city hall ng Monterico. Gano'n pa rin naman, marami tao at naglagay na rin nag barikada. Puno na rin ang loob no'n kaya ang iba ay nasa labas no'n.
"Tinatawag na tayo, Abeulo. Tara na po," pag-aya ko sa kanya ng makababa sa van. Nakita ko na kasi sa malayo ang isang babae na naglalakad patungo sa amin. Siya rin ang nag-assist sa amin nung unang campaign event.
"Okay, okay. I'll just get my bucket hat," sagot nito.
Mabilis ang naging kilos namin at umakyat na sa stage. Nakaakyat na si Abuelo sa taas pero ako hindi dahil may humarang sa akin.
"Hindi raw po puwede umakyat sa taas ang hindi candidate, Ms. Abella. Doon po kayo sa gilid maupo. Para po 'yon sa mga kasama ng mga candidate," tinuro niya ang mga nakahilera na upuan sa gilid. Sa harapan din nag pwesto no'n kaya kitang-kita ko pa rin si Abuelo.
"No, I need to go with my Abuelo—"
"Lilianna, It's okay. Just follow her," pagputol ni Abuelo sa aking sinabi.
Mas lalo naman akong kinabahan dahil doon, namamawis ang palad ko at ang pamilyar na nakakabinging malakas na kabog ng dibdib ay naririnig ko. Agad naman naglaho ang aking naramdaman na kaba nang makita ang pag-ngiti sa akin.
Ngiti na para bang sinasabi na ayos lang at huwag akong mag-alala. Wala na akong nagawa kundi tumalikod at sinunod ang sinabi ng lalake. Muli kong nilingon si Abuelo sa huling pagkakataon, nakaupo na siya sa kanyang upuan at tahimik na nagmamasid sa maraming tao sa baba ng stage.
"Dito po tayo, ma'am," sinamahan ako ng babae hanggang sa makarating sa aking magiging upuan.
"T-thank you," nauutal kong tugon sa hindi malamang dahilan.
Nang makaupo sa upuan ay hindi pa rin ako mapakali. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng aking pantalon .
Lilianna:
What's happening? bakit hindi ko puwedeng samahan si Abuelo sa taas?
Halos tumunog ang kuko ko dahil mabilis ang aking pag tipa no'n, ma-text lang si Steven. Kakasend ko pa lang sa kanya ay mga ilang segundo may reply na agad ito.
Steven:
I didn't know. Let's wait for a while. The event might start sooner.
Sakto pagkabasa ko sa huling sinabi niya ay nagsalita na ang isang emcee para sa event.
"Good afternoon, everyone! This is the second campaign event for the candidates vying for the position of Monterico City Mayor. I'm so glad that you all came here...."
Mahaba haba pa ang sinasabi ng emcee. Pero halos lahat ng sinabi no'n ay walang pumapasok sa aking isipan. Nanatili akong tulala hanggang sa matapos na ang naunang nag speech at sumunod na si Abuelo.
"Good day to everyone. Some of you know me, while others don't. Therefore, I'd like to introduce myself in front of you. I'm Emilio Villafuerte, the barangay captain of Pazamor," pagpapakilala nito, seryoso ang kanyang mukha at paminsan-minsa ay sumisilay ang ngiti sa kanyang labi. "I am running for mayor of Monterico City, a great city. Before becoming a barangay captain, I dreamed of being mayor of this beautiful town. People from Pazamor are aware of how well I rose to the position of barangay captain. They know how I am careful, hardworking, and quick to address problems that could arise in Pazamor. I understand that becoming mayor of Monterico is a huge job, but I tell you that if you vote for me, I will go above and beyond."
"Finally, I want to express my commitment to being an open and responsible mayor. I believe in transparency and open communication, and I will strive to make our municipal government trustworthy and accessible to all citizens. Together, we can build a better city—one that is more affordable, supportive, safe, and connected. Thank you."
Pagkatapos niyang sabihin ang huling linya sa kanyang speech ay isang malakas na palakpakan ang aming narinig. Sumilay ang ngiti sa aking labi at nakipalakpak din. Kung ano-ano pa ang naririnig kong bulungan sa palagid, merong sang-ayon meron din na hindi sang-ayon.
Expected naman na may gano'n talaga dahil hindi naman natin hawak ang desisyon at opinyon ng ibang tao.
"Thank you, Mr. Villafuerte, for your speech. And now, let's go on to the last candidate. Let's welcome Mr. Cillian Donovan."
Katulad lang din kanina ay marami rin ang nagsipalakpakan nang tumayo na si Cillian sa kanyang kinuupuan. May ngiti sa kanyang labi ng kunin niya ang mikropono sa emcee, nabasa ko pa sa kanyang labi ang pagpasalamat nito bago magtungo sa gitnang bahagi ng stage.
"Hello everyone. I'm glad to see so many people attending this campaign event. I am also grateful that none of you were hurt in that incident. Ladies and gentlemen, people of this beautiful city, I stand before you today as a candidate for mayor," nakangiti ito habang nagsasalita sa harap ng maraming tao.
Kumunot ang aking noo ng maramdaman na parang may nakamasid sa akin. Halos mabali ang aking leeg kalilibot para lang mahanap kung sino 'yon. Napapikit pa ako dahil sa malakas na sikat ng araw, mabuti na lang at medyo may silong ang pwesto ko.
At nang dumako ang aking tingin sa bandang dulo, tanaw na tanaw ko si Steven na halos parehas lang din kami ng sout na damit, naka puting polo shirt. Nanatili itong nakatingin sa akin kahit na nahuli ko siya.
Nanatiling normal ang ekspresyon ng aking mukha habang nakatingin sa kanya. Sa kalaunan ay ako na rin ang umiwas ng tingin, wala sa sarili na hinawakan ko ang aking dibdib ng maramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso.
Bumalik na naman sa aking ala-ala ang pagmamakaawa nito sa akin na ayusin ang nasirang relasyon namin. Na hindi niya kayang may bagong tatayong ina sa triplets, at mas lalo na hindi niya kaya na ikasal siya sa iba.
Galit ako, galit ako sa ginawa niya pero parang unti-unti 'yong natutunaw.
Muli ko siyang sinulyapan sa huling pagkakataon, nakita ko na may kausap siyang lalake na nakasout na sumbrero na itim. Mukhang seryoso ang kanilang pinaguusapan, nacucurious tuloy ako nung ano 'yon.
Parang may pumitik sa hangin ng may maalala ako, heto na ba 'yon? Ngayon na ba mangyayari?
Noong gabi na umamin silang dalawa sa akin at dumating si Mayor Jacob ay sinabi na rin nila sa ang kanilang plano para kay Cillian dahil kahit si Mayor Jacob ay hindi gustong maging mayor si Cillian sa Monterico City.
Wala akong naging ambag sa kanilang gagawin kundi taga kinig lang. Kailangan kong malaman at kailangan nilang sabihin 'yon sa akin.
"I'm here to seek your vote and offer my vision for this community. Also, I am determined to make our city a safer place to live. We must work together to address crime and violence. I will work together with law enforcement authorities to keep our streets safe and our citizens secure—"
Isang malakas na kaluskos ang aming narinig sa malaking speaker na nakadisplay rito sa city hall. Sa likod kung saan nakapwesto ang mga upuan ay may malaking screen doon na may video, ang kaninang banner for the campaign event na nakalagay ay napalitan.
Tumambad sa malaking LED screen ang video ni Cillian, na sa tingin ko ay itong video na ipinalabas sa LED screen ay ikakasira sa kaniya lalo na ang reputasyon nito.
"I've already transferred money to your bank, so please follow my instructions exactly. Make sure Emilio Villafuerte is dead, especially in front of many people," sambit ni Cillian sa video.
Nanlaki ang aking mata nang marinig 'yon, lahat ng tao ay natahimik dahil sa nangyari. Halata sa camera na nakatago ito, nasa isang opisina si Cillian at nakaharap sa kausap nito.
Heto na ang kanilang plano. Ang pahiyain at ilabas ang baho ni Cillian sa harapan ng maraming tao ngayong campaign event. Nangyari na nga, maraming tao ang nakarinig at nakakita sa totoong ugali nito.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top