CHAPTER 30: PART 1
CHAPTER 30: PART 1
A FEW DAYS LATER...
"Mommy, sa susunod po na pasukan doon na kami sa UMC mag study sabi ni daddy," daldal ni Aquina habang ngumunguya ng pagkain.
Ala sais pa lang ng umaga ay gising na agad ako. Nagising ako ng may lumulundag sa kama, nagtataka pa nga kung ano 'yon pero agad din naalala na kasama ko ang triplets na matulog sa aking kuwarto.
Nasa malawak kaming hardin ngayon kung saan nag aalmusal sa lanai na pinagawa ni Abuelo para sa akin.
"Yes," nakangiting segunda ni Selene at uminom ng orange juice sa kanyang baso.
"Where's my daddy?"
Mabilis akong napalingon sa tabi ni Selene ng marinig ang boses ni Cordelia. Bagsak ang balikat nito at nilalaro lang ang sausage sa kanyang plato.
"Mar, daddy will go home later," sagot ni Aquina sa kanyang kapatid.
"Don't be sad, Marimar. Nandito naman si mommy. She will be with us now, we're not lonely anymore," pagsingit ni Selene.
Habang pinagmamasdan ko ang dalawang kapatid ni Cordelia ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kirot sa aking dibdib. Kino-comfort ni Aquina at Selene ang bunso nilang kapatid na nandito ako sa kanilang tabi para hindi siya malungkot.
"Iniiwan ba kayo mag-isa ng daddy niyo?" kunot noo kong tanong kay Selene.
"He left us to Tita Agatha sometimes. Kailangan pong sumama ni Daddy kay bisabuelo sa barangay hall everyday kasi busy po sila sa work," nakangiting sagot ni Selene. "But we still felt lonely because Tita Agatha is not our mommy."
Napalunok ako at tahimik na binaba ang kutsara sa ibabaw ng plato. Maliit na pahaba ang lamesa na nakalagay rito, katapat ko silang tatlo. Nakahilera paharap sa akin kaya kitang kita ko sila.
Tumayo ako ay naglakad papunta sa kanilang pwesto. Ang mga mata nila na kulay abo ay nakatingin sa akin, sinusundan ako hanggang makapunta sa kanilang pwesto.
Binigyan ko sila ng tig-iisang halik at niyakap pa.
"I'm sorry, you'll never feel lonely from now on because I'm here. Nandito na si mommy," malambing kong sambit. "I'm sorry kung natagalan si mommy."
"It's okay mommy," dinig kong sambit ni Selene.
"Daddy said that we need to wait until the right time comes so we can meet you," nakangiting wika ni Aquina ng sulyapan ko ito.
"Daddy will get home to our home at Cierra or here?" biglang singit ni Cordelia.
Malumanay na tinignan ko ang bunso kong anak. Ibang-iba siya sa dalawang ate nito, tahimik, at mapang obserba siya. Si Aquina naman ay parang nagmistulang leader sa kanilang tatlo, dahil na rin siguro siya ang panganay kaya gano'n. Si Selene naman ay kaparehas lang din kay Aquina, makulit nga lang.
Makulit silang tatlo kapag gusto nila, pero masasabi ko na may pinagkakaiba pa rin sa kanilang tatlo.
"Daddy said that he will go home here, Mar. Don't worry," pagpapagaan ng loob ni Aquina sa kanyang kapatid.
"Don't be sad, Marimar. We can play later in mommy's room!" masayang wika ni Selene.
Nakangiting tumango ako at tumayo. Sinuklay ko ang mahaba nilang buhok na nakalugay ngayon, parehas kaming nakapantulog at hindi pa naliligo.
Malapit na mag-isang linggo ang triplets dito sa hacienda pero mukhang hindi pa nakakapag adjust si Cordelia. Naiintindihan ko naman 'yon at nililibang na lang siya sa ibang bagay.
"Your Ate Selene is right, Cordelia. You should finish your breakfast now and don't play your food because that's bad, okay?" patuloy pa rin ako sa paghaplos sa kanyang buhok habang nakangiti sa kanya.
"Hindi na babalik si daddy sa bahay ni bisabuelo sa Cierra, mommy?" mahinang tanong ni Cordelia sa akin.
Alanganin akong ngumiti sa kanya. Wala namang nabanggit sa aking si Steven tungkol doon dahil iwas na iwas pa ako sa kanya. Ilang araw na ang nakalilipas ay wala pa kaming maayos na usap.
Ilang araw na rin ang nakalilipas simula ng malaman ko na buhay ang mga anak ko at ang mga dahilan nila bakit sila nagsinungaling at naglihim sa akin.
"I think so, baby," mabagal kong tugon.
Namayani ang katahimikan sa aming pwesto, kumurap ang bilugang mata ng bunso kong anak sa aking harapan.
"You think so, mommy?" malungkot na tanong niya sa akin. "Hindi ka po sure? I miss daddy na po," mahina niyang saad sa akin.
"Uhmm–"
Hindi natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Aquina.
"We can call daddy later, Mar. Don't be sad," pagpapagaan ng loob ni Aquina sa bunsong kapatid nito.
Nilingon ko silang tatlo. Naiinggit ako, hindi ko alam kung bakit naiinggit ako. Gusto kong pagaanin ang loob ni Cordelia ng hindi nagaalangan. Hindi ko alam kung paano siya ma-assure ngayong gusto niyang makita ang ama nito.
Ngayon lang din kami nagsama ng triplets dahil matagal silang nawala sa akin kaya hindi ko alam kung paano sila icocomfort kung sakaling malulungkot ang isa sa kanila.
Aquina and selene are too mature for their age. Alam na alam nila kung paano icomfort si Cordelia. I envy them, pero ayos lang, naiitindihan ko naman kung bakit gano'n. Masasanay rin ako, masasanay rin sila. Makakapag-adjust kaming apat sa isa't isa. Dadating din ang araw na malalaman ko at makakabisado ko rin silang tatlo lalo na si Cordelia.
"Yes! Don't be sad na Marimar," malambing na wika ni Selene.
Pinanood ko ang sunod niyang ginawa. Pinunasan niya ang ketchup sa gilid ng labi ni Cordelia at ningitian ang kapatid. Hindi ko alam pero parang may humaplos sa aking puso ng makita 'yon.
Baby na baby si Cordelia sa kanilang dalawa. Mabagal na tumango si Cordelia at sinimulan na niya kainin ang almusal nito.
"Okay..." mahina niyang sambit. "Mommy, let's call later daddy. I miss him na po."
Lumawak ang ngiti sa aking labi at tumango. "Sure, baby. Tatawagan natin siya mamayang tanghali. It's that okay?"
Tumango ito. "Yes po. Basta i-video call natin si daddy later, mom."
Yumuko ako at hinalikan ang kanyang noo. Hindi pa nakuntento ay sa pisngi niya pa. Sinunod ko si Selene at Aquina kaya napuno ng mga hagikhik nila ang lanai.
"Alright, girls. Finish your breakfast and after that we take a bath together. Okay?" nakangiti kong usal habang pinagmamasdan sila.
Tumaas ang kamay nilang tatlo at tumango. "Yes, mommy!" sabay-sabay nilang wika.
"MOMMY, KAPAG PO malapit na ang pasukan namin sa school samahan mo po kami mag-buy ng school supplies namin, ah," request sa akin ni Aquina.
Nakababad kaming tatlo sa malaking bath tub dito sa aking banyo. Nasa gitna ako habang napapalibutan nila ako ng mga anak ko. Nasa aking harapan si Aquina at Selene habang si Cordelia ay nasa aking likuran, gusto niya raw kasi shampoo-han ang buhok ko.
"Yes, baby. Sasamahan ko kayo," masaya kong usal.
Nakatayo siya sa aking likuran habang ako ay nakahawak sa kanyang likuran at binti para hindi siya madulas.
"Don't move too much, baby. Baka madulas ka," pagpapaalala ko sa kanya.
"Bien, mamá," malambing niyang tugon, sinasabon niya pa rin ang ulo ko.
(Okay, mommy.)
Hindi ko alam kung sinasabon niya ba o pinaglalaruan niya na ngayon ang buhok ko. Sobrang daming bula at halos matakpan na ang mukha ko kaya panay hilamos din ako. Naramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking pisngi, mahina akong natawa at hinawakan ang kamay niya at dinala sa aking harapan.
"Come here, my babies. Mommy wants to hug you," tawag ko sa kanilang tatlo.
"Yay! Hug! Hug!" hyper na usal ni Selene.
Agad nila akong dinumog, niyakap ko silang tatlo ng mahigpit na akala mo ay takot na mawala sa akin.
"I love you," mahina kong saad habang nakayapos sa kanilang tatlo. Nakatingala silang tatlo sa akin kaya kitang kita ko ng malinaw ang mga mata nilang kulay abo, Aquina and Selene siren's eyes that they inherited from their father while for Cordelia she inherited my doe eyes.
"Mahal na mahal ko kayo mga anak," mahina kong sambit, nag-init ang gilid ng aking mata habang nanatiling nakatingin sa kanilang tatlo. Yumuko ako at hinalik ang kanilang noo. "Always remember that mommy will always love you."
"I love you too, mommy," masayang tugon ni Aquina.
"Me too. I love mommy so much!" sigaw ni Selene at niyakap ako.
"Yo también te quiero, mami," malambing na usal ni Cordelia.
(I love you too, mommy.)
Parehas nilang hinalikan ang aking pisngi, sabay sabay nilang ginawa 'yon. Kumurap ako ng maraming beses dahil sa aking luha na nagbabadyang tumulo. Natawa na lang ako at hinarot silang tatlo hanggang sa mag-sawa.
Nang matapos kaming maligo ay binihisan ko agad sila ng damit. Manipis na tshirt na kulay pink ang sout nila pinagkaiba lang ay ang mga fruit patterns na naka-design doon. Sa pang ibaba naman ay pambahay na short ang suot nila.
Ngayon ay mahimbing na natutulog ang triplets sa kama, nap time nilang ngayon dahil tanghali na. Hindi na nga nila nagawang tawagan ang daddy nila dahil inaantok na.
Lilianna:
What time are you going home? Your kids have been looking for you for a while now.
Nakatayo ako sa harap ng nakasaradong glass sliding door, nagmumuni muni habang nakatanaw sa malawak ng hardin sa hacienda. Nakahalukipkip ako at ilang beses na tinatap ang paa sa carpet dahil hinihintay ang reply ni Steven.
Agad naman akong natigilan sa aking inisip. Ako? Hinihintay agad agad ang reply niya? Wala sa sariling umismid ako, bakit ko hihintayin ang reply niya eh noong dati nga ay halos buong araw walang reply–
Tumaas ang isang kilay ko ng marinig ang tunog ng notifications ko sa message. Tuloy-tuloy ang tunog no'n.
Steven:
Hi. I'm sorry late reply, busy sa barangay hall.
Probably around 5 pm or 6? I can't go home early, I'll just text you when I get home.
Where are they? Are they still looking for me?
Kumusta na sila?
Hindi ba ako hinanap ni Mar?
Lilianna:
They are currently sleeping, and Cordelia was looking for you earlier. Mabuti nalang at nililibang siya ng dalawa niyang ate.
Steven:
That's good.
Lilianna:
Susubukan nilang mag-video call sa 'yo kaya pakisagot na lang. Huwag mong paasahin ang mga bata, Steven.
For sure, tatawag agad 'yon kapag nagising na sila sa afternoon nap nila.
Steven:
Noted. They just call me right away, sasagutin ko agad.
Lilianna:
Okay.
Pinatay ko ang phone at hinila ang blackout curtain para hindi masilawan ang triplets. Hindi naman sobrang dilim ng aking kuwarto dahil nakabukas ang dim lights. Medyo maliwanag pa rin naman sa loob.
Maingat akong naglakad patungo sa pang-isahang sofa ng bigla na namang nagring ang aking phone. Bumaba ang tingin ko roon at tinignan kung sino ang nag text.
Steven:
Do you want anything?
Kumunot ang noo ko at pabagsak na naupo sa upuan. Sinandal ko agad ang aking likod sa sandalan, ilang beses pa akong tulala sa text nito sa akin.
Lilianna:
What?
Kakasend ko pa nga lang ng reply sa kanya ay may text na agad ito. Nag-aabang ba siya?
Steven:
Do you want food? Pastries? Drinks? I'll stop by the triplets' favorite pastry shop later. Maybe you want something to buy.
Lilianna:
Just buy whatever the kids want. That's fine with me. Hindi ako mahilig sa matamis, I'm trying to lose some weight.
Oh talaga ba, Lilianna? Palusot mo lang 'yang gusto mong bawasan ang timbang mo. Napairap ako sa ere ng marinig ang boses ng aking sarili sa isipan ko. Nagtatalo na naman ang puso at isip ko sa mga ganitong bagay.
Steven:
Is that so. Okay, i-tetext na lang kita kapag pauwi na ako.
Lilianna:
Kahit mag text ka na lang sa mga bata hindi na sa akin. Sila naman ang naghahanap sa 'yo at hindi ako.
Steven:
Okay, if that's what you want.
Lilianna:
Okay. Huwag mong kakalimutan na tatawagan ka ng triplets mamaya.
Steven:
Sure.
Muli kong pinatay ang cellphone at napabuntong hininga na lang. Kami lang ang nandito ngayon sa hacienda dahil si Abuelo at Francheska ay nasa barangay hall. May kailangan yatang asikasuhin dahil magkakaroon ulit ng campaign event, naudlot kasi ang unang event dahil sa aksidente na nangyari sa Monterico City Hall.
Napahilamos ako sa aking mukha at bumaba ang tingin sa cellphone ng bigla na namang may nagnotif sa aking phone. Nababagot na muli kong dinampot iyon at binasa kung sino ang nag text.
Steven:
Are you still mad?
Halos tumunog ang kuko ko sa screen ng aking cellphone para ma-replyan ang text niya.
Lilianna:
What do you think?
Steven:
I can clearly hear your voice from here.
Lilianna:
Okay and? It's good to know that you're aware that I'm still mad at you.
Steven:
I'm really sorry, Lilianna.
Malamig sa loob ng kuwarto pero ang ulo ko ay unti-unti na namang umiinit dahil sa kanya. Ready na sana ako na isend ang reply ng biglang mamatay ang phone ko. Nag-appear sa screen ang icon na lowbat na ang phone ko at kulay pula na ang bar no'n.
Napabuga na lang ako ng hangin at kinuha ang charger sa bedside table para ma charge na ang phone ko.
Maingat akong nahiga sa tabi ni Cordelia, natigilan pa ako ng bigla itong gumalaw at humarap sa akin. Nakapikit ang kanyang mata, kitang kita ko ang makapal at mahaba niyang pilikmata habang nakaharap sa akin. Sumilay ang ngiti sa labi ko ng maramdaman na niyakap niya ako.
Magaan kong hinalikan ang kanyang noo at tuluyan ng nahiga sa kanyang tabi. Pinikit ko ang aking mata at agad naman nilamon ng antok dahil parang napagod ako sa hindi malamang dahilan.
SUNOD-SUNOD NA HAGIKHIKAN ang aking narinig habang mahimbing na natutulog. Idinilat ko ang aking mata, nakita ko agad ang tatlo kong anak na nakadapa nakabaliktad ang kanilang puwesto. Nakadapa at nakapaharap sa paanan ng kama.
May hawak na malaking ipad si Cordelia, napagigitnaan siya ni Aquina na nasa kaliwa habang si Selene naman ay nasa kanang bahagi nito.
May kausap silang tatlo sa ipad, mukhang ang daddy nila 'yon. At sa tingin ko ay kanina pa ito gising dahil ang taas na ng energy nilang tatlo. Mabuti nga at hindi nila naisipan na lumundag na naman sa kama para magising ako.
"¿A qué hora vuelves a casa, papá?" dinig kong wika ni Cordelia. "Te extraño."
(What time are you coming home, Daddy?) (I miss you.)
"Me iré a casa más tarde, Mar. No te preocupes, te conseguiré galletas favoritas para ti y tus hermanas," malambing ang tono ng kanyang boses ng sagutin ang kanyang anak.
(I'll go home later, Mar. Don't worry, I'll get you and your sisters favorite cookies.)
Tumaas ang isa kong kilay ng marinig na nag-espanyol ito. Kailan pa ito natutong mag-espanyol? Nabanggit sa akin ni Abuelo na siya ang naghanap at nagbayad ng private teacher para sa triplets ng maturuan ito mag espanyol habang bata pa.
Hindi ko alam na pati si Steven ay natuto na rin mag salita ng espanyol.
"We will wait, daddy!" excited na sambit ni Selene.
"Daddy, I want a cheesecake too," pagsingit ni Aquina.
"Me too!" sigaw ni Selene.
"Me too," wika ni Cordelia.
Siksikan kung siksikan ang ganap nilang tatlo sa kama, ang lawak lawak naman ng kama pero mas pinili nilang gitgitin ang isa't isa.
"Okay, I'll buy want you want. Ano pa bang gusto niyo?" dinig kong tanong nito sa akin.
"Wala na po," sagot ni Aquina.
"Wala na po basta umuwi ka na daddy," singit ni Cordelia.
"Daddy, buy mo ako ng garlic bread. Tig-iisa kami ni Sol and Marimar," segunda ni Selene.
"Alright , my princesses."
"Thank you, daddy!" sabay nilang sabing tatlo.
Maingat akong bumangon at sumandal sa malambot na headboard ng aking kama. Humalukipkip ako at nakangiting pinapanood nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila napansin na gising na ako–
"How's your mommy? Is she still sleeping?"
Natigilan ako ng marinig ang kanyang sinabi. Bakit na naman ako nadamay sa kanilang usapan?
"Mommy is still sleeping, daddy," salita ni Aquina.
"She's look like a sleeping beauty," mahinang wika ni Cordelia.
"Pretty ni mommy, daddy. Kaya kami maganda dahil sa kanya hindi po ba?" usal ni Selene.
"Of course, you all look very beautiful just like your mom."
"Yehey! We're pretty!" masayang sigaw ni Selene.
"Ciela, tu voz es muy fuerte. mamá podría despertar," saway ni Aquina kay Ciela.
(Ciela, your voice is very loud. Mommy might wake up.)
"Opss," dinig kong sambit ni Selene. "I'm sorry, Sol."
Naitikom ko ng mariin ang aking labi dahil pinipigilan ko ang aking sarili na tumawa.
"Look at mommy, daddy. She's still sleeping," usal ni Cordelia.
Nanlaki ang aking mata at mabilis na humiga pero hindi agad ako nakahiga dahil huli na ang lahat. Nahuli nila ako sa akto na hihiga na sana, parehas kaming apat na naestatwa dahil doon.
Si Steven ay mukhang natigilan din sa malaking screen ng ipad na hawak ni Cordelia. May sout siyang salamin na sa tingin ko kay anti-radiation 'yon. Ang ayos ng damit nito sa pang-itaas ay simpleng polo shirt na itim, gano'n naman palagi ang sout niya.
Ang sleeves ng polo nito ay akala mo parang puputok na dahil sa biceps nito, isama mo na rin ang tattoo sa kanyang biceps pababa sa kanyang braso. Kitang-kita siya sa screen dahil mukhang nakapwesto ang ginagamit nitong pang video call sa triplets sa isang lugar.
"H-hi?" naiilang at nauutal kong wika sa kanila.
Napaubo ako at inayos ang sarili. Muli kong sinandal ang likod sa headboard ng kama at wala sa sarili na napasuklay sa aking buhok.
"Mommy!" dinig kong wika ni Selene.
"Gising na si mommy, daddy," dinig kong wika Cordelia.
"Hi, mommy!" bati sa akin ni Aquina.
Agad nila akong dinumog, mabilis ang kanilang gapang hanggang makapunta sa aking puwesto. Nasa gitna ako habang si Aquina ay tumabi sa aking kanan. Si Selene at Cordelia naman ay nasa kabilang gilid.
"Tinawagan namin si daddy, mommy," nakatingalang saad sa akin ni Cordelia.
"That's nice, baby," malambing kong tugon at hinalikan ang kanyang noo.
"Mommy ang haba po ng sleep mo kanina," pagsingit ni Selene.
"I'm sorry, mukhang inantok din ako nung nakita ko kayong tulog," tugon ko at hinaplos ang kanyang buhok.
"It's okay po, mommy. You also need to rest. Baka po kasi napagod ka mag-bantay at mag-alaga sa amin."
Napalingon ako kay Aquina ng sabihin niya 'yon sa akin.
Ningitian ko lang siya at hinalikan din ang kanyang noo. Niyakap ko siya at sinunod ang dalawa niyang kapatid.
"I'll hang this up."
Sabay kaming napatingin sa malaking ipad na hawak ni Cordelia.
"I can go home early so I need to hang this up and fix my things before I go there," pagpapaalam ni Steven.
"Okay, daddy!" hyper at masayang sabi ni Selene.
"Bye, daddy! ingat ka po," nakangiting wika ni Aquina. Kumaway pa siya sa camera.
Umangat din ang kamay ni Steven sa screen at kumaway rin.
"Daddy, drive safely po. Don't forget to buy our food," paalala ni Cordelia.
"Yes, Marimar. Don't worry hindi ko kakalimutan ang pagkain niyo. Bye, I love you," pagpapaalam ni Steven.
"Bye, Daddy! I love you too," sabay na sabi ng triplets.
"How about mommy, daddy? say I love you to her," pahabol ni Cordelia.
Para namang sinuntok ang aking dibdib dahil sa sinabi ni Cordelia. Nanlalaki ang aking mata na napatingin sa kanya, ang bilis ng tibok nang aking puso na halos mabingi ako no'n.
"A-anak, okay na 'yon," nauutal kong usal sa kanya. "Come on, aalis na si daddy mo. Hindi niyo ba gusto na uuwi na siya?" panguuto ko kay Cordelia.
Mabilis kong nilingon si Aquina at Selene ng marinig ang hagikgik nito sa aking gilid.
"Mommy, siyempre po gusto namin na umuwi na si daddy pero, they say that our parents should say, I love you to each other," sagot sa akin ni Cordelia.
"Marimar is right, mommy," singit ni Selene.
"Yes," sang ayon na saad ni Aquina.
"Anak, sige na. Ibaba mo na ang call—"
"Mommy..." naging malungkot ang boses ni Cordelia, bahagya pang bumagsak ang kanyang balikat habang nakatingin sa akin. "You don't love daddy? our teacher said that every kid is made of love, so you don't love daddy? bakit kami nabuo kung hindi mo love si daddy?"
Sabay kaming napaubo ni Steven dahil sa sinabi nito. Alanganin akong ngumiti sa kanya at napakamot sa aking ulo.
"You don't love daddy, mommy?" paguulit ni Cordelia.
Napalunok ako habang nanatiling nakatingin sa kanya, ang kanyang abong bilugang mata ay sobra kung makatingin. Ang kanyang dalawang kapatid ay gano'n din makatingin sa akin, akala mo ay nagmamakaawa.
Napabuntong hininga ako, hindi ko naman sila matitiis. No choice ako–
"It's okay, Marimar. Let's not force your mommy," salita ni Steven sa ipad.
Mabilis siyang nilingon ni Cordelia. Para akong pinagpapawisan ng marinig ang mahihinang singhot ni Cordelia, mabilis ang pagtaas baba ng kanyang dibdib.
"You don't love mommy, daddy?" nabobosesan ko na malapit ng umiyak si Cordelia.
"I love your mommy, baby. Don't cry, okay? I love your mommy so much," malambing na sagot ni Steven sa kanya.
Kung kanina mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa sinabi niya.
Napalunok ako at pasimpleng huminga ng malalim. Nang lingunin ako ni Cordelia ay may munting luha na sa kanyang pisngi.
"Don't cry, Cordelia. I-i love your daddy too, don't worry," nauutal kong sambit sa kanya.
Yumuko ako at hinalikan ang kanyang noo, sumenyas ako ng lumapit sa akin si Aquina at Selene para mayakap din sila. Natahimik ang dalawang ate ni Cordelia sa aking bisig.
"Is that true, mommy? You love our daddy?" paninigurado niya sa akin.
Sinalubong ko ang abo niyang mata, namumula na agad ang kanyang ilong dahil sa pag-iyak. Tumango ako at pinunasan ang kanyang luha.
My poor baby.
"Yes, Cordelia. I love your daddy," malambing kong sambit sa kanya.
Nang tignan ko ang kanilang ama sa screen ng ipad ay gusto kong irapan ito pero pinigilan ko ang aking sarili. Paano ba naman ay ang laki ng ngisi sa kanyang labi. At bago pa ibaba ang tawag sa ipad ay hindi pa rin talaga naalis ang ngiti sa kanyang labi.
"Alright, I'll hang up the video call now. Bye, kids. Bye, Lili. I love you," pagpaalam ni Steven sa huling pagkakataon.
"Bye, daddy," sabay-sabay na tugon ng tatlo kong anak.
Habang ako ay heto hindi na naki-epal sa kanilang pag-uusap. Hindi ko na napigilan na umirap sa ere, kanino siya nagsasabi ng I love you? Sa akin ba o sa anak niya?
KALALABAS KO LANG SA ST. DOMINIC church malapit sa UMC. katatapos lang ang misa para sa mga gagraduate sa UMC this year. Required para sa mga graduates ang umattend para sa misa.
Gumilid ako sa side walk at nanatiling nakatayo roon. Pinagpag ko ang u-neck line white long sleeve dress na sout ko. Mahigpit kong hinawakan ang biege handbag at palipat-lipat ang tingin sa gilid ko, nasaan na ba sila?
"Mommy!"
Awtomatik na sumilay ang ngiti sa akin labi ng marinig ang pamilyar na matinis na boses. Nangingibabaw ang boses ni Selene. Nang tumingin ako sa aking kaliwa ay agad kong nakita ang triplets. Unang-una si Selene habang nakasunod sa kanya si Aquina, si Cordelia naman ay tumatakbo rito habang may ngiti sa kanyang labi.
Nakasunod sa kanila ang daddy nila na nakapamulsa habang naglalakad papunta sa aming pwesto. Tumaas ang isang kilay ko ng mapansin na nakaputing plain tshirt ito. Nakatuck in pa sa pants niya na kulay light brown at ang sapatos na sout ay itim na topsider.
"Hi!" mataas ang aking tono ng batiin ito.
"Mommy! Nag buy po kami ng ice cream together with daddy," salubong sa akin ni Selene.
Mahina akong natawa ng yakapin nilang tatlo ang binti ko. Hinaplos ko ang kanilang buhok, naka pigtails 'yon at naka tirintas pa. May maliliit na sunflower na hairclips naka ipit sakanilang buhok. Parehas din na kulay puti ang sout nilang dress pero sundress ang style ng kanilang damit.
"Do you want mommy?" alok sa akin ni Aquina.
May hawak silang maliit na white cup at nag lalaman 'yon ng chocolate ice cream. Umiling ako at ningitian siya.
"Busog pa si mommy, Aquina. Ubusin mo na lang 'yan," tugon ko.
Ngisi-ngisi itong tumango sa akin. "Okay, mommy!"
Nang makarating si Steven sa aming pwesto ay agad niyang binuhat si Cordelia ng magpakarga siya sa kanya.
"Mommy, I miss you po," malambing na wika sa Cordelia.
Nilipat ko sa gilid si Aquina at Selene para hindi mahagip ng kotse habang nakatingin kay Cordelia. Nangaasar na ningitian ko si Cordelia at pinisil ang kanyang pisngi.
"Is that true? Parang ngayon ko lang narinig na miss mo ako, ah. Palaging si daddy mo na lang ang namimiss mo, eh."
Sumimangot si Cordelia at tinalikuran ako. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pagtawa pero agad din naman naglaho 'yon ng makitang nakatingin sa akin si Steven.
Naging seryoso bigla ang aking mukha dahil doon. Nanatili pa rin siyang natitig sa akin.
"Hala, mommy. Sad na si Mar kasi tinitease mo siya," pang-aasar sa akin ni Aquina habang kumakain ng ice cream.
"Nagtatampo na sa 'yo si Marimar, mommy," segunda Selene.
Bumaba ang tingin ko sakanila. Patuloy pa rin sila sa kanilang kinakain habang nagsasalita.
Mahina akong natawa at lumapit kay Steven dahil karga niya si Cordelia.
"Inaasar lang kita, baby. Huwag kana mag tampo," paglalambing ko sa kanya.
Humigpit ang yakap ni Cordelia sa leeg ni Steven. Narinig ko ang tawa ni Steven at binuhat ng maayos para maiharap sa akin.
"I'm sorry na, baby," malambing kong wika.
Nakasimangot na siya sa akin. She frowned when she looked at me. While her expression remains the same, she looks very similar to Steven. Kung paano ito nakabunsagot at halatang hindi kami bati.
"Mommy, let's go home na po," saad ni Aquina.
"Daddy, I want to go to the playground po," singit ni Selene.
"Stop frowning, Mar. your mommy is just teasing you," wika ni Steven. Bumaba naman ang tingin niya sa dalawang ate ni Cordelia. "Let's go to the playground before we go back to your bisabuelo–"
Kinuha ko si Cordelia sa kanya at umiling. "No, we can't stay longer here. It's too dangerous."
Mabuti na lang at nagpakuha sa akin si Cordelia. Nanahimik na lang siya sa aking bisig.
"Mommy, sige na po please—"
"There you are, Ms. Abella."
Parehas kaming naestatwa ng marinig ang isang pamilyar na boses. Naramdaman ko ang paghapit ni Steven sa aking baywang papunta sa kanya. Hindi agad ako nakakilos sa kanyang ginawa.
"Come here, Lilianna," seryosong sambit ni Steven habang nakatingin pa rin sa kanyang lolo.
Nasa harapan namin si Cillian. May maliit na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa amin.
"Daddy!" dinig kong sabay na bigkas ni Aquina at Selene, bakas sa kanilang boses ang takot.
Dali-dali kong hinuli ang kanilang kamay at tinago sa aking likuran. Muntik pa akong ma-out of balance ng biglang pumiglas si Cordelia sa aking bisig, bigla siyang tumawid sa bisig ko papunta kay Steven.
Awtomatik na nahulog ang ice cream na bitbit nito at namantsahan pa ang sout na damit ni Steven. Niyakap niya si Steven sa leeg ni sinubsob ang kanyang mukha roon.
"Go home, I want to go home," naiiyak na bigkas ni Cordelia habang nakasubsob sa leeg ni Steven.
"Mommy," mukhang natatakot na sambit ni Aquina at Selene.
"It's fine, baby. Mommy is here," mahina kong wika.
"It's nice to meet you, Ms. Abella," pagbati ni Cillian sa akin.
Nanatiling seryoso ang aking mukha kahit na pinagpapawisan sa kaba, nakakabingi ang tunog ng tibok ng aking puso pero hindi ko 'yon pinahalata.
Dumako ang tingin niya kay Steven na seryoso pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Adopted, huh," natatawang sambit ni Cillian. Naglakad siya patungo sa aming pwesto. "I thought you already broke up. What is this? May kutob na rin talaga ako na baka hindi mo talaga adopted ang tatlo, Steven. In fact, they are your daughters with Lilianna. Am I right? You've been lying to me the entire time."
Isang malakas na iyak ang aming narinig, natataranta na nilingon ko si Cordelia na ngayon ay pumalahaw ng iyak sa bisig ni Steven.
"No! Vete! No te acerques a nosotros. ¡Eres una mala persona! bad! Aléjate de nosotros!" nilingon ni Cordelia si Cillian at umiiyak na tinuro ito. Umakto pa ito na pinapaalis si Cillian.
(no! Go away! Don't come near us. You are a bad person! bad! Stay away from us!)
"Cordelia," nag-aalala kong wika, nagsimula manubig ang aking mata dahil sa aking nakita.
Dahil umiyak si Cordelia ay sumunod na ang dalawa niyang ate na nakatago sa aking likuran. Hindi ko alam kung ano at sino ang uunahin ko.
"You fooled me. You fooled me with this—"
Matalim na titig ang binigay ko sa kanya ng sinubukan niyang hawakan si Cordelia na umiiyak pa rin sa bisig ni Steven. Hinawakan ko ang kanyang kamay para pigilan 'yon.
"Don't touch my daughter, Cillian," galit kong wika sa kanya. "Gusto mong gumawa ng gulo rito? Sa tingin mo sino ang mapeperwisyo? Kami o ikaw? Gusto mo yatang madumihan ang pangalan mo. Tandaan mo malapit na ang eleksyon," madiin kong sambit sa kanya.
"Ma'am," dinig kong wika ng isa sa bodyguard ni Abuelo.
Ngayon lang nakarating ang van na minamaneho ng isa sa bodyguard ni Abuelo. Sila rin ang naghatid sa akin sa labas ng church at sa pagsundo ay sila pa rin.
"Get the kids. Papasukin mo siya sa loob ng van," seryoso kong sambit sa bodyguard. Tumango naman ito.
Inuna niya si Aquina at Selene na umiiyak pa rin. Sumunod naman sila dahil tinalikuran ko na si Cillian.
"Daddy, let's go home. Ayaw ko na po rito," umiiyak na wika ni Aquina ng makapasok kaming lahat sa loob ng van.
Para akong kakapusin ng hininga ng makapasok kami sa loob ng van. Nakapwesto si Aquina at Selene sa tabi ng bintana habang ako ay malapit sa pintuan, si Steven naman at Cordelia ay nasa bandang likuran. Mabilis ang pag hinga at parang maiiyak pa.
Don't cry, Lilianna. Don't cry, Lilianna.
"We're going home now, baby. Don't worry, stop crying," pag-aalo ni Steven kay Aquina.
Mahinang hikbi na lang ang aking narinig sa kanilang tatlo at sa kalaunan ay tumigil na. Hanggang makapasok sa arko ng Pazamor ay hindi ko na napigilan na lumuha, hindi ko alam bakit ako naiiyak.
Kinakabahan at natatakot ako para sa mga anak ko. Hangga't hindi natatapos ang eleksyon ay dapat hindi kami maging kampante na magiging ligtas kami.
Lalo na ngayon alam na ni Cillian ang totoo. Na hindi ampon ni Steven ang triplets kundi anak naming dalawa.
Hindi ko makontrol ang panginginig ng aking katawan habang tahimik na umiiyak. Tinakpan ko ang aking bibig habang lumuluha.
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Steven ng hawakan niya ang aking balikat. Marahas kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking balikat at nilingon ito, sinalubong niya ang mga mata kong lumuluha.
"Lilianna, calm down," malumanay niyang usal sa akin.
"Don't touch me," malamig kong sambit sa kanya.
NANG MAKARATING SA HACIENDA AY diniretso ko agad ang mga bata sa aking kuwarto. Pabagsak kong nilapag ang bag sa pangisahang at pabalik-balik ang lakad habang sinusubukang tawagan si Abuelo.
"They're in danger. They're in danger," paulit ulit kong sambit habang sinusubukang tawagan si Abuelo.
Wala sila rito dahil nasa barangay hall sila kasama si Francheska.
Hinayaan ko na makapasok sa loob si Steven habang bitbit si Cordelia. Nakatulog siya sa bisig ni Steven pagkatapos umiyak, namumugto tuloy ang kanyang mata at namumula ang tungki ng ilong.
"Abuelo, come on. Answer it," mahina kong bulong.
"Lilianna," tawag sa akin ni Steven ng mailapag sa kama si Cordelia.
Si Aquina at Selene naman ay naupo sa mahabang upuan sa dulo ng kama. Nanatiling nakatingin silang dalawa sa akin at hindi nagsalita.
"Aquina, Selene go to my walk in closet. Change your clothes na," malambing kong wika at tinago ang nanginginig na boses.
"Okay po, mommy," sabay nilang sagot.
Agad naman nilang sinunod ang aking utos at naglakad na patungo sa walk in closet para makapagpalit ng damit.
"Are you okay? You look tense," usap sa akin ni Steven ng makalapit. "Calm down," pagpapakalma nito sa akin.
Kahit na masama pa rin ang loob ay hinirap ko siya. Ang luha na pinipigilan ko ay hindi ko na nakontrol. Basta na lang 'yon tumulo pababa sa aking pisngi sa kanyang harapan.
"Paano ako kakalma, ha?" lumuluha ako sa kanyang harapan. "Paano ako kakalma na ngayon alam na ng lolo mo na totoong anak mo ang triplets!" malakas kong bulong sa kanya. "Paniguradong idadamay niya ang anak ko sa mga plano niya sa amin," madiin kong wika sa kanya.
"Abuelo need to know this," umiiyak kong wika.
Sinusubukan kong tawagan ulit si Abuelo pero wala pa rin siya. Hindi niya pa rin sinasagot ang aking tawag. Napahagulgol na lang ako at unti-unting naupo sa upuan.
"Don't worry, I'll protect you. I'll protect you and our daughters I promise, Lilianna," mahinahong wika ni Steven.
"Paano ka nakakasigurado?" umiiyak kong tanong sa kanya habang nakatingala. "Kapag bumalik ka roon sa tingin mo maniniwala pa 'yan siya sa mga pinagsasabi mo?"
"Paano kung alam niya na rin na may koneksyon ka kay Abuelo? e'di mas lalong nasa peligro tayong lahat lalo na ang mga bata," umiiyak kong wika sa kanya.
Sinundan ko siya ng tingin ng makitang lumuhod sa aking harapan. "Don't worry, hindi niya malalaman. I promise."
I'm scared. Natatakot ako hindi para sa akin kundi para sa mga anak ko.
"Don't cry, Lili. I promise to myself that I'm going to protect my family until I die."
Nanatiling nakatingin ako sa light brown nitong mata. Malumanay ang titig nito sa akin, ngayon ko lang din napansin na nakahawak siya sa aking kamay.
Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang kamay sa aking kamay. Ang hinalalaki nito ay gumagawa ng circular motion sa likod ng aking palad para pakalmahin ako.
"Why are you holding my hands?" naiinis kong wika. "Let me go," lumuluha ko pa rin wika habang pilit na tinatanggal ang aking kamay sa kanya.
"Lilianna," mahina niyang tawag sa akin.
Bumilis ang tibok ng aking puso ng marinig ang pangalan ko sa kanya. Hindi ko alam pero bakit ako kinakabahan ng banggitin niya ang pangalan ko.
"Bitawan mo ang kamay ko, Steven," madiin kong wika.
"I know you're still mad at me and I'm really sorry again for everything I've done to you. Alam kong nasaktan kita ng sobra. Ginawa ko lang 'yon para sa 'yo, para sa inyo ng anak natin," mahinahon niyang wika sa akin, mababa ang tono ng kanyang boses.
"Bakit mo ba sinasabi 'yan?" naiirita kong tanong sa kanya.
Muling namuo ang aking luha sa hindi malamang dahilan.
"I want to try it again if there's still a chance to be with you. I want to give our daughters a happy and complete family. Let's give it another shot, and if it doesn't work the way it used to, it's okay. Tatanggapin ko pa rin," seryoso niyang sambit sa akin habang sinasambit 'yon.
Hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng kanyang mata at unti-unting namumuo ang kanyang luha habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nanatili pa rin itong nakaluhod sa akin at nakahawak sa aking kamay.
Para akong napipe sa kanyang sinabi, para akong nawalan na kakayahang magkapagsalita. Napalunok ako at hindi namalayan na tumulo ang aking luha sa kanyang harapan habang nakatingin sa kanya.
"I'm sorry, Lilianna. Let's try it again, please? I do whatever you want, ano bang gusto mo? If you want to stay here with our daughters, that's fine. You deserve it, ilang taon kong kinuha sa 'yo ang anak natin kaya hindi kita pipigilan sa gusto mong gawin sa kanila."
Nagmistulang talon ang aking luha, patuloy lang sila sa pag-tulo ng yumuko si Steven at umiyak sa aking hita. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay habang lumuluha. Sumikip ang aking dibdib ng makita 'yon.
"I love you, Lilianna. I still love you today, and I love you much more after you gave birth to our daughters," nanginginig ang kanyang boses, at ng umangat ang kanyang ulo para tignan ako ay nagmumukha siyang nakakaawa sa aking paningin.
Bakit ganito? Ang pagmamahal ko sa kanya noon na nabalot ng poot at galit ay unti-unting naglalaho dahil sa kanyang sinabi. Ganito na ba ako karupok? Dapat akong magalit, dapat ko siyang kamuhian dahil sa ginawa niya sa akin.
Kahit sinong ina ay magagalit kung sila ang nasa posisyon ko. Pero bakit lahat ng 'yon ay naglaho ng parang bula? Gusto kong sampalin ang sarili dahil do'n. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil dapat hindi ako makaramdam ng gano'n.
"Lilianna, I just can't see myself getting married to someone else. I can't imagine our daughters having a new mother. Hindi ko kaya at hindi ko hahayaan ng mangyari 'yon. Because it's still you, ikaw pa rin ang gusto kong makasama, pati na rin kami ng mga anak mo."
Parang may kumurot sa aking puso ng marinig ang kanyang sinabi. Hindi ko gusto at hindi ko rin kaya na may kikilalanin silang bagong ina. Makasarili na kung makasarili pero gusto kong ako lang, ako lang ang ina nila at wala ng iba.
"I love you so much, Lilianna. I really do," bulong niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. "Give me a chance and I promise you will not regret it."
Hindi ako nakakilos ng pinunasan niya ang aking luha. Kahit nanlalabo ang aking paningin ay hindi nakatakas sa akin ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
Ang alam ko ay tapos na, tapos na ang nararamdaman ko sa kanya pero hindi pala. Akala ko lang pala 'yon. Dahil ang pamilyar na pagtibok ng aking puso sa tuwing nakikita at nakakasama siya ay nanumbalik na.
"I-i'll think about it. I'm sorry, I can't think straight right now," nauutal at lumuluha kong wika.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top