CHAPTER 3

CHAPTER 3

NAPAKURAP AKO NG ILANG beses dahil sa kanyang sinabi. Bumilis ang tibok ng aking puso dahil doon. Kukunin? Bakit niya kukunin 'tong bahay namin ni papa.

"Tita, bakit po?" tanong ko. "Si papa at saka si mama po may ari nitong bahay," paliwanag ko sa kanya.

Dahan dahang humina ang aking boses ng marinig ang kanyang tawa. Humalakhak ito na akala mo ay may nakakatawa sa aking sinabi. Hindi ko maiwasan na mainis sa inasal nito. Tumitingin tuloy sa kanya ang mga dumadaan na tao sa kalsada. Muli niyang sinulyapan ang bahay bago ako tignan.

"Ang bahay na tinitirhan mo, Lilianna. Galing 'yan sa akin at hindi kay Arturo," ang mga ngiti nito sa labi dahil sa pagtawa ay nawala ng parang bula.

Napaatras pa ako ng lumapit siya sa akin. "Pinatira ko lang 'yan sa kanya noong nagtanan 'yang mga magulang mo. Hindi mo alam na galing sa mayaman na pamilya ang ina mo?" sambit nito sa akin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Wala ng nabanggit sa akin si papa tungkol kay mama kahit na nagtatanong ako dahil parang nasasaktan siya kapag naaalala niya si mama.

"Galing Baryo Pazamor ang ina mo, Lilianna. At kahit banggitin mo ang pangalan ni Alejandra sa Pazamor awtomatikong makikilala na nila kung sino 'yon," seryoso niyang wika sa akin.

Pazamor? Sa kabilang baryo nitong Cierra. Hindi ako makapagsalita dahil ngayon ko lang din naman nalaman ang lahat lahat tungkol sa aking ina, bukod pa sa litrato nilang dalawa ni papa sa city hall ng Monterico kung saan ginanap ang kanilang kasal.

"Swerte lang ni Arturo na sumama si Alejandra sa kanya kaya napadpad silang dalawa rito sa Cierra. At ngayong wala naman na si Arturo," wika nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago magsalita. "Kukunin ko na 'tong tinitirhan mo. Bukas humanap kana ng bago mong matitirhan kasi lilipat ang panganay ko rito kasi may pamilya na. Ipaparenovate na rin 'tong bahay para hindi na mag mukhang tinitirhan ng pulubi," pagtutuloy nito.

Nagsimula na akong hindi mapakali sa aking kinatatayuan habang kaharap ito. Namamawis na ang aking palad at ang malakas na pagtibok ng aking dibdib ang naririnig ko.

"Tita, ang bilis naman po. Bigyan niyo po ako kahit isang buwan—"

"Buwan?" natatawa niyang tanong sa akin. "Isang buwan? Ano ka hello? Hindi ko na kasalanan kung hindi ka makakahanap ng bago mong matitirhan bukas, Lilianna," iritado nitong wika.

"Wala pa po akong mahahanap, tita," nagsimulang mangilid ang aking luha.

"Ay e'di simulan mo na ngayon mag hanap!" sigaw nito sa akin kaya muli akong napaatras. "Poproblemahin ko pa ba 'yan, ha!? Marami akong problema at hindi ko na idadagdag 'yang sa 'yo!" singhal nito. "Magsimula ka ng mangahoy diyan sa gubat at magtayo kana ng sarili mong bahay!"

Nilagpasan niya ako at binangga pa ang aking balikat. Hinayaan kong tumulo ang aking luha pababa sa aking pisngi, kinuyom ko ang aking kamao at nilingon ito. Matalim na tingin ang binigay ko sa aking tiyahin na ngayon ay naglalakad papalayo sa akin.

Nang humarap ay nagbago agad ang aking expresyon para itago na galit ako rito. Walang emosyon ang aking mukha na bumungad sa kanya. Umismid pa ito sa huling pagkakataon hanggang sa tuluyan ng umalis.

Ngayon saan ako titira?

NAHAHAPONG NAHIGA AKO SA DAMUHAN ng makarating kami sa ilalim ng puno ng alatiris. Dito kami palagi nagpapahinga kapag gusto namin, nakapagtanim na kami at mamaya ay babalik ulit doon para tapusin na 'yon.

"Magsimula ka ng mangahoy diyan sa gubat at magtayo kana ng sarili mong bahay!"

Tulala akong nakatingin sa asul na kalangitan, umaalingawngaw sa aking isipan ang sinabi ni Tita kahapon. Pumasok sa aking isipan ang lugar kung saan kami palagi naglalaro ni Steven. Kung saan din kami unang nagkakilala bilang kaibigan.

Huling bisita ko roon ay araw na nilibing si papa. Lumang tree house ang nandoon pero naayos ni papa ang mga dapat ayusin doon bago siya mamatay. Hindi ko na lang alam kung okay pa ba 'yon o hindi.

Nakaupo ako sa unang baitang ng hagdanan ng tree house habang umiiyak. Nakayuko ako sa aking tuhod at walang tigil ang aking luha sa pagtulo.

Bakit gano'n sila? Gusto ko lang naman makipagkaibigan. Bakit ang sama ng ugali nila sa akin? Gusto ko lang naman makipaglaro sa kanila, eh.

Sunod sunod na hikbi ang aking pinakawalan. Pumalahaw na ako ng iyak dahil ang sakit ng dibdib ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag walang gustong makipagkaibigan sa 'yo.

"Why are you crying?"

Mabilis na umangat ang aking ulo ng may nagsalita. Pamilyar ang lenggwahe no'n dahil nabanggit na rin sa akin ni papa kung ano 'yon. Nang makita ang kung sino 'yon isang batang lalake na sa tingin ko ay mas matanda sa akin ng ilang taon.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at pinunasan ang aking luha habang humihikbi. "Aawayin mo rin ba ako?"

Kahit naguguluhan ay umiling siya sa akin. Doon ko napansin ang peklat sa kanyang mukha. Tinuro ko 'yon at tumayo sa aking kinauupuan.

"Ano 'yan? Inaway ka rin ba nila?" tanong ko.

Umatras naman ito dahil sa aking ginawa. Tinaas ko hanggang tuhod ang sout kong puting dress para ipakita sa kanya ang nagdudugo kong tuhod.

"Parehas din tayo," naiiyak kong wika. "Gusto ko lang naman makipagkaibigan, eh. Bakit ayaw nila ako maging kaibigan? Tinulak nila ako sa kalsada kaya nadapa ako," humihikbi kong sambit.

Muli na naman akong napaiyak dahil doon. Nararamdaman ko na naman ang paghapdi ng aking sugat sa tuhod.

"My grandpa accidentally slashed my right cheek, while my mom also accidentally did the same to the other side. I was trying to separate them because they were fighting in front of me," bigla nitong wika sa akin.

Agad na tumigil ako sa pag-iyak. Seryoso ang kanyang mukha at parang namumula ang kanyang mata. Doon ko nakita ang kanyang luha na nagbabadyang tumulo pababa sa kanyang pisngi.

"Masakit?" inosente kong tanong.

Tumango siya. "Yes."

Hindi na ako umiiyak pero humihikbi pa rin ako sa kanyang harapan. Nakasout siya ngayon ng itim na tshirt at itim din na short.

"Ako si Lilianna. Paano ka pala napunta rito?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Tumakas ako," sagot niya lang sa akin. "My name is Steven."

Lumawak ang aking ngiti at lumapit sa kanya. Ang saya sa pakiramdam dahil may gustong kumausap sa akin. Tinuro ko ang tree house habang nakatingin sa kanya.

"Gusto mo makita yung loob ng tree house? Si papa gumawa niyan, mamayang hapon babalikan niya ako rito kasi may dinaanan lang siya saglit sa palengke," nakangiti kong wika sa kanya.

Nang tumango ito at napatalon ako sa tuwa at hinawakan ang kanyang kamay para dalhin siya sa taas. May terrace roon ang kaso pinagbawalan ako ni papa na palaging dumungaw doon dahil baka mahulog ako, kaya naisip ko na doon na lang kami sa loob. Presko naman dito dahil may hangin na pumapasok sa dalawang bintana.

"Is this yours?" bigla nitong tanong ng makapasok kami sa loob, tinuro niya ang basket na nakita nito.

"Oo!" masaya kong tugon.

Isang basket 'yon ng makopa. Kakapitas lang ni papa sa tanim niya kaya may meryenda ako mamaya. Kinuha ko ang plastic na nakalagay sa loob ng ginawang maliit na lamesa na may drawer ni papa. Naglagay ako roon ng makopa hanggang sa makalahati.

"Sa 'yo na lang," nakangiti kong sambit habang nakatingin sa kanya. "Mukhang gusto mo, eh. Paborito mo?" nakangisi kong tanong.

Nakaangat ang tingin nito sa akin dahil nakaupo na siya ngayon sa nakalatag na foam.

"Oo," tipid nitong tugon.

"Parehas tayo!" masaya kong sambit sa kanya.

Naupo ako sa tabi niya at nagsimulang kumain ng makopa, nakita ko pa na tumingin siya sa akin kaya ningitian ko lang ito at tinuro ang hawak niyang prutas.

"Kainin mo na, Steven," nakangiti kong utos sa kanya. "Matamis 'yan, promise."

"Thank you," tugon nito.

Napahagikhik ako. "Walang anuman!"

Tahimik kaming kumain at nilingon ko ito. Napatingin din siya sa akin at biglang nagsalita.

"Thank you for this. We're now friends, Lilianna. If someone tries to hurt or bully you, just say my name along with my surname, and they will be scared. I promise you," bigla nitong wika at ngumisi pa siya sa akin na parang natatawa.

Sumilay ang ngiti sa aking labi. "Talaga!?" halos hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Tumango lang ito. "My full name is Steven Thomas Donovan."

"Haba," reklamo ko. "Lilianna Sia Abella naman sa akin," nakangiti kong wika.

"You have a friend now. Kaya kapag inaway kana nila sabihin mo pangalan ko, ah," wika nitong habang kumukain.

"Oo. Steven Donovan," sagot ko at natatawang binigkas ang pangalan nito at hindi na sinabi ang pangalawang pangalan.

Kumunot ang aking noo ng maramdamang may tumapik sa aking pisngi. Napabalikwas ako ng bangon ng maalalang nasa ilalim pala kami ng puno ng alatiris.

"Okay ka lang ba, Lili?" tanong ni Ate Pia.

Napakurap ako ng ilang beses at bumangon sa pagkakahiga.

"Nakatulog ako?" tanong ko habang pinagpag ang likod ko.

Tumayo na rin ako at pinagpagan ang manipis kong pants dahil nalagyanan ng mga kung ano anong bagay na nanggaling sa lupa. Inayos ko rin ang itim na longsleeve na sout ko dahil nagusot pa nga.

"Oo, kaya nga hinayaan ka na lang muna namin saglit ng maka-idlip ka. Huwag kang mag-alala kaonti na lang naman yung itatanim natin," tugon ni Ate Mae.

"May problema ka ba, Lili?" nag-aalalang tanong ni Ate Rica. "Ang tahimik mo kasi."

Mahina akong natawa at nilagay sa isang side ang nakatirintas kong buhok.

"Okay lang po ako at saka palagi naman po akong tahimik, Ate Rica," natatawa kong sagot sa kanya.

Pinanood ko silang dalhin ang kanilang gamit at lapitan ako. Halatang hindi sila napanatag sa naging sagot ko. Napakamot na lang sa ulo si Ate Mae ng lapitan ako at gano'n din sila Ate Rica kasama si Ate Pia.

"Alam naman namin na tahimik ka pero parang may mali kasi," sagot ni Ate Mae.

Tumango naman si Ate pia. "Tama."

"Kung may problema ka, Lili. Magsabi ka sa amin, ah? Makikinig naman kami kung ano pa 'yang rant mo," sambit ni Ate Rica sa akin.

Sumilay ang ngiti sa aking labi at nilingon sila. Sabay sabay ko silang niyakap ng mahigpit at parehas pa na nabigla. Sa kalaunan ay narinig ko ang mahina nilang pagbuntong hininga at niyakap ako pabalik.

"Huwag po kayong mag-alala, magsasabi po agad ako sainyo kapag may problema ako," nakangiti kong wika sa kanila.

NANG MATAPOS NA KAMI SA pagtatanim ay nagkanya kanya na agad kami. Ako na agad ang unang humiwalay sa kanila dahil nagmamadali na akong umuwi ng bahay. Ngayon lang din pumasok sa aking isipan ang sinabi ni Tita kahapon.

"Kukunin ko na 'tong tinitirhan mo. Bukas humanap kana ng bago mong matitirhan kasi lilipat yung panganay ko rito kasi may pamilya na. Ipaparenovate na rin 'tong bahay para hindi na mag mukhang tinitirhan ng pulubi."

Puro pawis na ang aking noo pero mabilis pa rin ang aking takbo hanggang sa makapunta sa labas ng bahay. Nakabukas na ang gate pati na rin ang pintuan sa mismong bahay.

"Tita!" malakas kong sigaw.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top