CHAPTER 29
CHAPTER 29
"LILIANNA, LET ME in! Sol! Ciela! Mar! Are you there!?"
Mabilis pa sa alas kwarto na nagtungo ako sa gate at binuksan 'yon. Bumungad sa akin si Steven na hinihingal at pawisan ang itsura. Nasa kabilang kalsada ang kotse nito, halatang dumiretso siya rito sa Pazamor dahil sa damit na sout nito.
Kunot noong ko siyang nilapitan pero naunahan ako ni Abuelo, napaatras ako nang bigla siyang lumabas at hinila ang damit ni Steven papasok sa gate. Laking gulat ko nang biglang siya nitong sinapak at napasalampak siya sa sahig.
"Abuelo!" malakas kong sigaw.
"Why did you bring them!?" galit na singhal ni Abuelo. "It's too dangerous for them to be there! Are you crazy?! You're putting my bisnietas in danger!"
Kumunot ang aking noo sa narinig ko. Bisnietas? Great-granddaughter?
Palipat lipat ang aking tingin sa kanilang dalawa. Dahan-dahang tumayo si Steven mula sa pagkakasalampak sa sahig. May dugo sa gilid ng kanyang labi kaya pinunasan niya 'yon.
"Abuelo, I didn't know that they came. I think they sneak out from the back of our van," pagpapaliwanag nito.
"You should have at least ensured that they could—"
"Stop!" I shouted.
Parehas silang tumigil dahil sa aking sigaw. Mabilis ang aking paghinga na akala mo ay mawawalan ako nang hangin. Kinuyom ko ang aking kamao habang hindi inaalis ang tingin sa kanilang dalawa, hindi maganda ang kutob ko rito.
Hindi maganda ang kutob ko sa kanilang dalawa.
"What's going on?" kunot noo kong tanong sa kanila. "Bisnietas?" naguguluhan kong tanong at sinulyapan si Abuelo.
Para akong kakapusin sa hangin, nagtaas baba ang aking dibdib kasabay ng pamamawis ng aking palad. Nanlalamig ako, sa mga naririnig ko ngayon.
"Bisnietas, Abuelo? I don't have any siblings, so who's your bisnietas?" sunod sunod kong tanong sa kanya. "Wala ka rin anak na iba dahil only child lang si mama."
Sumikip ang aking dibdib nang walang marinig na sagot sa kanilang dalawa. Parehas lang silang umiwas ng tingin. Napalunok ako at kulang na lang magsugat ang aking palad sa pagkuyom ng aking kamao.
Pumasok sa aking isipan ang tatlong maliit na papel kung saan nakasulat doon ang mga letter ng nag ngangalang Sol, Ciela, at Marimar. Walang bisabuelo na nakalagay pero alam kong para sa kanya talaga 'yon, at ngayon itong tatlong bata na nadala namin sa hacienda ay Sol, Ciela at Marimar ang kanilang pangalan dahil nabanggit 'yon ni Steven nang subukan niyang puntahan ang aming van.
Even worse, Abuelo referred to them as his "bisnietas" which is his great-granddaughter. I am not stupid enough to not realize that.
My triplets have been dead for five years. I still get sad every time I think of them, even though it took me a long time to accept that they were gone.
Nilagpasan ko si Abuelo na ngayon ay hindi makapagsalita. Unti-unting namuo ang luha sa aking mata habang naglakad patungo kay Steven, malamlam ang kanyang light brown na mata habang pinapanood akong maglakad patungo sa kanya.
"How old are they?" nanggigigil kong tanong sa kanya. Wala akong nakuhang sagot sa kanya, umangat ang aking kamay at malakas na sinuntok ang kanyang malapad na dibdib. "How old are they, Steven!"
"5 years old," he whispered.
Para akong mawawalan ng lakas sa aking narinig, wala sa sariling sinulyapan ko ang tatlong bata sa malaking glass window sa labas ng sala. Hindi na sila umiiyak dahil nilalaro na sila ng mga bodyguards ni Abuelo.
Napapailing na umatras ako habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Napahawak ako sa aking dibdib.
"Lilianna, we need to talk—"
Nanlilisik ang aking mga mata na sinulyapan si abuelo.
"You lied to me!"I shouted at him, tears started to rolled down to my cheeks. "Ano 'to? Ano 'tong nakikita ko Abuelo? Matagal na ba kayong magkakilala at hindi mo sinabi sa akin!?"
"It's for your safety, Lilianna," pag singit ni Steven.
Matalim na nilingon si Steven. "Fuck your safety, Steven!"
Lumagapak ang palad ko sa kaliwang pisngi nito na halos umalog ang kanyang ulo sa sampal na ginawa ko. Hindi ako nakapagtimpi, hindi ko napigilan ang aking sarili na gawin 'yon. Nanginginig ang aking balikat dahil sa galit. At kung nakakamatay man ang titig ko ay baka kanina pa siya nakahandusay sa sahig ng walang buhay.
"You fucking hide my daughters!" nararamdaman ko ang panginginig ng aking katawan dahil sa galit sabayan pa ng walang tigil sa pagtulo ng aking luha sa harapan nito. "You hide my daughters for 5 years! Ang kapal ng mukha mo para gawin 'yon! I know it, I already know that they're mine! Buhay sila tama ba? At 'yang tatlong bata na nasa sala ay mga anak ko!"
"Lilianna..." sambit ni abuelo.
"At alam mo rin 'to, Abuelo?" nasasaktan kong wika, napahawak ako sa maliit na poste ng garahe habang nakatingin sa kanya. Nanghihina ako sa aking nalalaman.
Napalabi ako habang palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Akala ko ba hindi ka magsisinungaling, Abuelo? Ano 'tong nalalaman ko?"
"I'll explain everything, Lilianna. Stop crying," pagpapakalma ni Abuelo.
Napahagulgol ako habang umatras nang makita na sinusubukan nila akong lapitan.
"Paano ako kakalma sa lahat ng nalalaman ko!" singhal ko sa kanilang harapan. "Paano ako kakalma na ang tatlong bata na pinagluksaan ko ng limang taon na nakalilipas ay buhay pala! Buhay ang mga anak ko at hindi patay!"
Napasalampak ako sa sahig habang walang tigil sa pagluha sa kanilang harapan. Naramdaman ko ang kamay ni Steven na sinubukan akong itayo mula sa pag kakaupo sa sahig.
"No!" I shouted. "Don't you dare touch me! Bitawan mo 'ko! Don't touch me!" nagwawala kong sambit nang hawakan niya ang aking braso.
Sa sobrang inis dahil hindi niya pa rin ako bininitawan ay malakas ko itong tinulak papalayo sa akin.
"Are you happy?" galit kong wika sa kanilang dalawa. "Masaya na ba kayo na ganito nangyayari sa akin!?" tinuro ko ang aking sarili. "Hindi mo alam lahat ng pinagdaanan ko nang malaman na patay ang triplets, Steven. Tapos malalaman ko lang na buhay pala ang mga anak ko dahil tinago mo sila sa akin!"
"I'm sorry, Lilianna—"
"Kailan pa kayo magkasabwat?" lumuluha kong wika. Marahas kong pinunasan ang aking luha habang tinitignan silang dalawa, nanlalabo ang aking mga mata dahil sa pagluha pero hindi pa rin maalis doon ang tingin kong nanlilisik sa kanilang dalawa.
"Kailan pa!" sigaw ko nang walang narinig na sagot sa kanilang dalawa. "Please answer me, this is too much. Hindi ko kinakaya lahat ng nalalaman ko kaya parang awa niyo na mag-salita naman kayo," nanghihina kong usal.
"Matagal na, Lilianna," sagot ni Steven.
"Nung naaksidente tayo, magkasabwat na ba kayo no'n?"
"Yes, Lilianna," sagot ni abuelo.
"This is unbelievable," nanghihina kong wika habang nakatingin sa kanila. "Paano niyo nagawa sa 'kin 'to?"
Hindi ko na hinintay ang sagot nila at nilagpasan ko silang dalawa. Tinalikuran ko sila at akmang maglalakad nang maramdaman ang mainit na bisig ni Steven sa akin.
"Lilianna, I'm sorry. I'll explain everything I promise. May dahilan kung bakit ko ginawa 'yon."
Impit akong napaiyak at hinarap ito nang marahas kong tinanggal ang bisig niya sa akin. Malakas kong tinulak ang kanyang dibdib papalayo sa akin at dinuro siya.
"Sa tingin mo ba makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo? Hindi, Steven! Hindi! Masakit para sa akin ang ginawa mo! Ninakaw mo sa akin ang pagkakataong maging ina! Limang taon, Steven! Naririnig mo ba ang sinasabi ko? Limang taon! Halos mamatay ako sa loob ng limang taon sa sakit, sa pangungulila! Sa lahat lahat!" singhal ko sa kanyang harapan, nanginginig ang aking boses at halos mamaos na kakasigaw.
Gusto ko siyang sabunutan o sapakin pero nanghihina na ako sa nararamdaman ko. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa biglang pagkirot nito at isama na rin na parang milyon milyong karayom ang tumusok sa aking puso.
Nandidilim ang aking piningin at nanlilisik ang aking mga mata na muling hinampas ang kanyang dibdib. Hindi pa nakuntento ay dinuro pa ito.
"Tapos ikaw? Nagpapaka-ama ka sa kanilang tatlo? Nakilala ka nila samantala ako?! Halos mabaliw dito sa hacienda! Kasama mo sila araw-araw!" kinuyom ko ang aking kamao at pinaghahampas ang kanyang dibdib. "Lagi mo na lang ako sinasaktan! Lagi na lang! You're selfish! Sarili mo palagi ang iniisip mo! I will never forgive you!"
"They know you, Lilianna. Pinakilala kita sa kanila—"
"Pinakita mo picture ko sa kanila!? Sa tingin mo sapat 'yang ginawa mo? Sa tingin mo magbabago yung galit na nararamdaman ko sa 'yo dahil lang diyan sa pagpapakita mo ng litrato ko sa kanila!?"
Hindi na naman siya nakasagot na mas ikinainis ko. Namumula ang kanyang mga mata at may bahid na ng luha ang kanyang pisngi.
Napapailing na tinalikuran ko siya at lumuluha na naglakad sa loob nang bahay.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa makapasok sa sala, napaatras ako nang sumalubong sa akin ang batang babae na morena ang balat.
"You're our mommy right?" inosente niyang tanong. "Why are you crying, mom?"
Napaluhod ako sa tiles at malakas na hikbi ang kumawala sa aking labi. Kahit malabo ang mata ko ay pilit ko pa rin tinitignan ang kabuuhan ng kanyang mukha.
Maliit, bilugang abo na mata at napakainosente nito. My baby, ang ganda ganda ng anak ko. Para siyang manika. Pinagtataka ko lang ang kanyang mata na kulay abo, light brown ang mata ng kanilang ama samantala sa akin ay itim naman.
"My b-baby," nanginginig kong wika sa kanyang harapan. Umangat ang aking braso para iparating na gusto ko itong yakapin. "Can mommy hug you?" humihikbi kong tanong.
Napakurap pa siya ng ilang beses bago ko makita ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mapupulang labi. Hindi siya nagsalita, basta niya na lang ako niyakap.
Nang maramdaman ang kanyang maliit na katawan sa akin ay mahigpit ko itong niyakap na akala mo ay maglalaho siya ng parang bula.
"I want a hug too!" dinig kong wika ng batang light brown ang kutis ng tignan ko ito.
"Me too!" nakangiting sambit ng maputing batang babae.
Mahina akong natawa sa pagitan ng aking pag-iyak. Umakto ako ng pag-yakap sa kanilang dalawa at kinulong sa aking bisig. Napuno ng hagikhikan ang pwesto namin ng magyakapan kaming apat.
"Papá, ven aquí! vamos a abrazarnos!" sambit ng morenang batang babae.
(Daddy, come here! Let's hug each other!)
Para silang mga sinisilihan sa pwet sa sobrang kulit sa aking bisig pero ayos lang. Ayos na ayos lang sa akin kung gano'n sila. Ang mahalaga nandito na sila sa akin, buhay at kasama ko.
"Papá, come here please," wika ng babaeng light brown ang kutis.
Wala sa sariling nilingon ko si Steven sa likuran. Nakangiti ito sa aming apat habang ang kanyang luha ay tumutulo pababa sa kanyang pisngi, nagmamadaling pinunasan niya ang kanyang luha ng makitang tinignan ko ito. Binalik ko ang aking paningin sa tatlo kong anak na mahaba na ang nguso ngayon.
"Daddy, ang slow talaga," reklamo ng maputing babae.
"It's fine. Go spend your time with your mommy—"
"Daddy!" sabay na sambit ng triplets.
Wala ng nagawa si Steven. Narinig ko ang bugtong hininga nito at yabag ng kanyang paa patungo sa amin. Akmang sisilipin ko sana ito sa aking likuran ng sumalubong sa akin ang malapad nitong dibdib kasabay no'n ang pagyapos niya sa akin kasama ang mga bata.
Hindi ako nakapagsalita at inisip na lang na para sa mga bata itong ginawa namin. Nabawasan ang galit na aking nararamdaman nang marinig ang mga tawa ng anak namin, para 'yong musika sa aking pandinig habang magkayakap.
"Yehey! somos una familia feliz ahora!" masayang wika ng babaeng morena sa loob ng aming bisig.
(Yehey! We're a happy family now!)
HALOS MAPUNIT ANG NGITI SA AKING labi habang pinagmamasdan ang tatlo kong anak na ngayon ay parehas nakahiga sa malaki kong kama.
Si Steven at Abuelo ay hindi ko muna pinansin dahil sa sama ng aking loob sa kanila. Wala ni isang kumausap sa akin at wala pa akong balak na kausapin sila ngayon. Kapag natulog na lang ang mga bata ay kailangan naming pagusapan lahat-lahat ng mga bagay na tinago nila sa akin.
"My dad said that we inherited our bisabuelo eyes. That's why we have gray eyes," ngising sambit ng batang babae na maputi.
"Yes!" masiglang singit ng batang babae na morena.
"We're cute, right, mommy? Tita Agatha always compliments us because our eyes are beautiful," masayang sambit ng bata na light brown ang kutis.
Gusto kong umirap sa hangin dahil sa aking narinig. Inggit at inis ang naramdaman ko dahil sa aking naiisip, malaking ang chance na nasubaybayan ni Agatha ang paglaki ng triplets kesa sa akin.
"Of course, my baby," malambing kong wika. Niyakap ko siya at hinalikan ang kanyang noo, narinig ko ang mahina niyang hagikhik dahil sa aking ginawa.
"You're so cute," mahina kong wika, bumangon ako kaunti at hinalikan din sa noo ang dalawa ko pang anak. "My babies are the cutest."
Nakapamalit na sila ng damit pantulog dahil sa tulong ni Steven. Nagpadala siya ng damit ng mga bata mula Cierra hanggang Pazamor. Hindi rin naman ako papayag na uuwi silang apat.
Dahil simula ngayon ay dito na matutulog ang triplets kasama ako.
"What's your name?" tanong ko sa kanilang tatlo. Nakahiga kami ngayon sa malaki kong kama. Nakahiga ako sa gitna, napagitnaan ako ng tatlo kong anak. Sa kanang bahagi nakapwesto ang batang babae na maputi at isang bata na light brown ang kutis. Samantala ang Morenang batang babae ay nakapwesto sa kabilang bahagi.
"May I know who's the eldest to youngest?" muli kong tanong sa kanilang harapan.
Kitang-kita ko ang kanilang mukha na mukhang na excite sa aking tanong. Para na naman silang sinisilihan sa pwet sa sobrang kulit sa aking harapan.
"Of course, mommy!" sabay nilang wika.
Mahina akong natawa at tumango na lamang. Para silang mga inasinan na uod sa pinaggagawa nila, sinusubukan nilang mahiga sa katawan ko.
"Hindi kayo kasya diyan," natatawa kong sambit.
"I'm the eldest, mommy!" masayang wika ng batang babae na maputi. Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo sa likuran ng kanyang binti. Kumaway siya sa akin kaya kitang-kita ko ang kumpleto nitong ngipin.
"I'm Maria Sol Aquina Donovan. It's nice to meet you, mommy!"
Napalabi ako at nanginit ang gilid ng aking mga mata, namumuo ang aking luha. Nilaban ko 'yon na huwag tumulo sa kanilang harapan.
She's Aquina, tinuloy ng kanilang ama ang gusto kong pangalan sa kanila. Pinanood ko ang sunod na ginawa ng isa sa mga triplets, light brown ang kutis ng batang babae na tumabi kay Aquina.
"Hi, mommy! I'm Maria Ciela Selene Donovan," kumaway pa ang pangalawang anak ko sa aking harapan. "I'm the middle child!"
Hindi mawala wala ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ko siya, ang bunsong kong anak ay tahimik sa aking gilid kaya pasimple ko itong tinignan. Nanlalaki ang kanyang mga abo na mata habang tahimik lang na pinagmamasdan kami.
"Baby, may problema ba?" malambing kong tanong.
Umangat ang aking kamay at hinaplos ang itim nitong buhok. Pareho silang tatlo na nakalugay ang buhok, mana sa akin, maalon at itim na itim na buhok.
"Mommy, I think Marimar misses daddy that's why she is quiet," pag singit ni Aquina.
Sinulyapan ko si Aquina. Nakatingin siya ngayon sa bunso nilang kapatid, gano'n din si Selene.
"Hindi po buo ang araw niya kapag hindi niya kasama si daddy, mommy," segunda ni Selene.
Nag-aalala na binalik ko ang tingin sa bunso kong anak. Gano'n pa rin ang kanyang pwesto. Nakapirmi lang talaga siya sa kanyang kinauupuan habang nakatingin sa akin.
"Do you want your daddy?" I asked, softly.
Nagulat ako sa sunod nitong ginawa. Ang maliit niyang bisig ay pinulupot sa aking leeg at sinubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib.
"Group hug!" malakas na usal ni Aquina at Selene.
Tuluyan na akong nahiga sa malambot kong kama habang silang tatlo ay nag-sisiksikan sa akin.
"Mommy, don't leave us, okay?" mahinang wika ni Marimar.
Napalunok ako at hinigpitan ang yakap sa kanilang tatlo. Umiling ako nang maraming beses habang nakakulong sila sa aking bisig. Hindi ko na napigilan na lumuha habang yakap sila.
"Never, At kahit kailan hindi ko kayo iniwan," mabilis kong pinunasan ang aking luha. "We haven't seen each other since your father took you away from me. Limang taon akong nangulila sa inyong tatlo. Masaya ako na nakilala ko kayo, and I'm really sorry that I wasn't there when you were babies until you grew up. I wish I had been there."
"It's okay po, mommy," pagpapagaan nila ng loob ko.
"Mommy, she's Maria Mar Cordelia Donovan," mahinang pagpapakilala ni Aquina sa kanyang bunsong kapatid.
"We call her Marimar," nakangiting pag-singit ni Selene.
Muling nanlabo ang aking paningin, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Habang pinagmamasdan ko ang aking mga anak ay mas lalo lang lumalaki ang galit ko kay Steven.
He kept these beautiful babies from me. Tinago niya ang anak ko at hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin 'yon.
Halos maubos ang enerhiya ko sa sobrang kakulitan nila, maliban na lang kay Cordelia na tahimik sa aking bisig. Nakahiga na ako ngayon sa gitna ng kama at ang pwesto ay gano'n pa rin.
Mamaya kapag tuluyan na silang nakatulog ay aalis ako sa aking pwesto para magkatabi silang tatlo sa kama, natatakot din ako na baka mamaya mahulog ang isa sa kanila kung hindi maayos ang kanilang pwesto sa pagkakatulog.
"Are you okay, Cordelia?" I whispered while tapping her thighs slowly. Ginagawa ko 'yon para makatulog siya agad.
Nakababa ang tingin ko sa kanya. Paharap itong nakatagilid sa akin. Bilog na bilog ang kanyang mata, kitang kita ko tuloy ang mga mata nitong abo. Si Aquina at Selene ay bagsak sa aking tabi, naririnig ko pa ang mahihinang hilik nilang dalawa.
"Mommy," malumanay na tawag sa akin ni Cordelia, umusog pa siya lalo sa akin at niyakap ako. Yumuko ako at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.
"What is it? Okay ka lang ba? You can tell Mommy what's the problem," malambing kong sambit sa kanya.
Sinimulan kong himasin ang kanyang likod nang marinig ang hikab nito.
"Don't be mad at Daddy, Mom," pahina nang pahina ang kanyang boses habang nakasubsob sa aking dibdib. "Our bisabuelo treated him badly."
Wala na akong narinig pagkatapos no'n. Naestatwa na lang ako sa aking kinahihigaan nang marinig ang kanyang sinabi. Nang silipin ko ang aking anak, nakapikit na ito at malalim na ang kanyang pag-hinga.
Bagsak na rin siya, nakatulog agad-agad. Napabuntong hininga na lang ako at dahan-dahang bumangon sa kama. Inusog ko siya sa tabi ni Selene at awtomatikong niyakap siya nang kanyang kapatid kahit na nakapikit.
Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita 'yon. Inayos ko ang silk robe na terno nang aking silk dress, kulay itim 'yon.
Binigyan ko ng tig-iisang halik ang aking mga anak. Magaan ko itong niyakap, napatingala ako habang nilalabanan ang luha na gustong kumawala sa aking mata. Kanina pa ako nagpipigil na huwag ulit umiyak sa harapan nila, at ngayong parehas nang tulog ang triplets hinayaan ko na manalo ang emosyon ko ngayon.
Tear of joy yata ito dahil kasama ko na sila. Nanatili akong nakamasid sa aking mga anak na mahimbing na natutulog, pinunasan ko ang aking luha at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"Goodnight and sweet dreams, my babies," mahina kong wika at kinumutan sila.
Nagtungo agad ako sa pinto ng aking kuwarto. Ngayong tulog na ang triplets may kailangan akong kausapin, si Abuelo at Steven. Hindi pa ako tapos na kausapin silang dalawa.
Sinulyapan ko ang triplets sa huling pagkakataon bago binuksan ang pinto. Napaatras ako nang bumungad sa akin si Steven sa harap ng pintuan, may itim na bag sa gilid niya at mukhang naghihintay lumabas ako sa aking kuwarto.
"Lili," tawag nito sa aking ngalan ng makita ako.
Humalukipkip ako at tinignan ang kabuuhan ng kanyang katawan, hindi pa rin siya nakakapagpalit ng damit. Ang damit niya noong campaign event kaninang hapon ay suot-suot niya pa rin.
"Nasaan si abuelo?" tanong ko sa kanya.
"In his office, I think he is talking to someone on the phone," tugon nito.
Bumaba ang tingin ko sa itim na bag na inabot niya sa akin. Nanatiling nakahalukipkip ako sa kanyang harapan at tinaasan ng isang kilay.
"I have already put their belongings here. May mga shampoo at sabon na rin. Yung damit nila—"
"I don't need that," pagputol ko sa kanyang sinabi. "Kaya kong bilhan ng bagong damit ang triplets, Steven."
"Baka hanapin nila 'to. Their favorite belongings are inside this bag—"
"Daddy. Daddy... Where's my daddy?"
Sabay kaming napalingon sa nakasaradong pinto nang marinig ang boses ni Cordelia sa loob ng kuwarto. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.
"Baby, what's wrong? Did you have a nightmare?" nag-aalala kong tanong sa kanya nang makalapit. Siya lang ang nagising ngayon dahil ang dalawa niyang ate ay mahimbing pa rin natutulog.
Narinig ko ang yabag ng paa ni Steven patungo sa aking pwesto. Dahan-dahang bumangon ang bunso kong anak habang kinukusot ang kanyang mata.
"I want daddy," napalabi si Cordelia ng tignan ako kasabay no'n ang pamumuo ng kanyang luha. "I want my daddy. I want daddy," paulit ulit niyang sambit.
Napalunok ako kasabay ng pagkirot ng aking dibdib sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay parang tinutusok nang maraming beses ang aking puso gamit ang karayom.
She wants her daddy...
Dahan-dahan akong tumango at malungkot na ngumiti sa bunso kong anak. Naiintindihan ko, baka nanininabago lang siya. Kahit nasasaktan ay pilit pa rin akong ngumiti.
"Alright, your daddy is here," I whispered.
Gumilid ako nang kaonti para makasingit si Steven. Naupo siya sa bakanteng pwesto sa gilid nang kama at binuhat si Cordelia. Hinele hele niya ang anak nito at awtomatikong tinanday nang aking anak ang ulo sa balikat ng ama niya. Nakapikit na agad ang mata at tuluyan ng nakatulog ulit.
Agad din nakatulog si Cordelia pero nanatili pa rin siyang nasa bisig ni Steven. Dahil kapag sinusubukan niyang ihiga ito sa kama ay umuungot ito at ayaw magpababa, humihigpit ang yakap niya sa leeg ni Steven.
Namayani ang katahimikan sa aming pwesto, nakaharap sa pinto ang aming katawan.
"I'm sorry," he whispered. "She usually sleeps beside me. Hindi siya sanay katulad ni Sol at Ciela na kayang matulog ng wala ako sa tabi," sambit nito habang nakatingin sa nakasaradong pinto.
"I want to know everything about them," sambit ko.
Nang sulyapan ko ito at tumango siya. "Sure," sagot nito. "I think they already introduced their name to you. Am I right?" he asked.
I nodded. "Yeah. Maria Sol Aquina, Maria Ciela Selene and Maria Mar Cordelia," pag-isa isa ko sa pangalan ng triplets.
"Eldest to youngest," pagsingit ni Steven at tumango. "Cordelia has the shape of your eyes, Lilianna, while Aquina and Selene have mine," malumanay niyang usal. "They inherited our gray eyes. I am the only one who didn't inherit my grandfather's eye color because it seems that my mother's blood is strong."
Hindi siya nagkakamali dahil may mga gano'n case talaga. Namamana ng triplets ang kulay abo na mata dahil sa genes ng mga Donovan.
"Aquina and Selene are quite independent for their age. While for our youngest," wika niya at parang nambibitin pa.
Pinanood ko ang sunod nitong ginawa. Maingat niyang nilapag si Cordelia sa higaan at muling kinumutan.
"She's daddy's girl," mahina niyang wika. Bahagya siyang nakatalikod sa akin dahil nakaharap siya roon pero hindi nakatakas sa aking paningin ang paghaplos niya sa maliit na mukha ni Cordelia. "Lahat naman sila daddy's girl pero mas sobra siya," pagtutukoy ni Steven kay Cordelia.
"Maraming bagay akong nakaligtaan sa triplets, Steven," madiin kong sambit sa kanya. "Hindi sapat para sa akin lahat ng sinasabi mo ngayon. Lahat-lahat kahit maliliit na bagay gustong-gusto kong malaman. Mula sa unang pag-iyak nila na hindi ko man lang narinig. Hindi ko alam kung sino ang unang tinawag nila, kung mama ba o papa. Hindi ko rin naabutan ang unang dapa o pag-gapang hanggang sa makalakad sila. Kahit ultimong unang tubo sa kanilang ngipin, at marinig ang unang hagikhik nila ay wala. Kasi kinuha mo sila sa akin, ninakaw mo ang pagiging ina ko sa kanila sa loob ng limang taon," sunod-sunod kong wika sa kanya ng lingunin ako nito.
Namuo ang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan siya. Muli na naman sumikip ang aking dibdib, nakikipagtagisan ang tingin namin sa isa't isa at parang walang gustong pumutol no'n.
Sa isang iglap ay naramdaman ko ang kanyang palad sa aking pisngi, pinunsan niya ang luha na tumulo roon. Hindi ko alam na lumuluha na pala ako.
"I'm sorry. I'm very sorry, doll," bigla niyang bigkas.
Umangat ang aking kamay at marahas na tinanggal ang kanyang palad sa aking pisngi.
"Don't call me, Doll," I hissed.
"Their first word was mama," pagkukwento nito. "I always remind them of you so they don't forget you. I showed them your photo up until now so they wouldn't forget your face. I want to show them how gorgeous their mother is. I want them to see how beautiful they are, just like their mother."
Mas lalong sumikip ang aking dibdib ng marinig 'yon. Ano kayang boses nila habang binabanggit 'yon? masaya ba sila? excited? kung puwede lang bumalik sa nakalipas na limang taon ay gagawin ko para lang makita at maranasan maging ina sa kanilang tatlo.
"I sincerely apologize for everything I have done to you. For hiding our daughters, leaving you when you are pregnant with them, and not telling you the truth," malumanay niyang wika.
Hinuli niya ang aking kamay at pinatakan ng magagaan na halik ang likod ng aking palad habang nakatingin sa akin. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata, nakikita ko 'yon dahil sa sinag ng buwan na nanggagaling sa glass sliding door sa balkonahe ng aking kuwarto. May pagkislap ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.
Masama pa rin ang loob ko sa kanya kaya tinanggal ko ang aking kamay sa pagkakahawak nito at nilapag sa aking hita.
"I promise, I only did that for your safety. I know you're already upset because I always say that, but that's the truth, Lilianna. It's really hard, he always threatens me with terrible consequences if I don't obey his orders."
Tumayo ako at naunang maglakad patungo sa pinto. Binuksan ko 'yon at sinulyapan siya.
"Hindi maganda na pag-usapan 'yan lalo na nandito ang mga bata," malamig kong sambit. "Hindi pa 'ko tapos sa inyong dalawa ni Abuelo, Steven. Kaya mag-uusap tayong tatlo sa opisina niya at lahat-lahat ng tinago niyo sa akin sasabihin niyo. Lahat-lahat, walang labis walang kulang," seryoso kong wika.
He nodded. "Sure. I will tell you everything."
Tinalikuran ko na siya at lumabas na sa kuwarto. Nakahalukipkip akong naglakad patungo sa opisina ni abuelo at ang boses ng bunso kong anak ang aking narinig sa isipan ko.
"Don't be mad at daddy, mom,"
"Our bisabuelo treated him badly."
MALALIM NA ANG GABI pero gising na gising pa rin kaming tatlo. Nakaupo si Abuelo sa swivel chair nito habang kaming dalawa ni Steven ay nakaupo sa dalawang pang isahang upuan na nakapwesto sa gilid ng harapan ng lamesa ni abuelo.
"I want you to tell me everything you know, abuelo. Simula una hanggang ngayon," wika ko habang blanko ang aking mukha. "Habang nandito pa tayo at habang tulog pa ang triplets sa kuwarto ko."
Tahimik na tumango si abuelo at nilingon si Steven. Tumaas ang isang kilay ko at sinulyapan si Steven. Magkaharap kaming dalawa ngayon.
"Everything started when Grandpa discovered you were a Villafuerte, Lilianna. He blackmailed me by threatening to harm you if I didn't do his orders. That is why I have been away and lying to you for the past few days or months," sambit nito habang nakatingin sa akin.
"After that, I tried to call for some help from your abuelo," pagdudugtong nito. "I'd like to take you to him while it's still early, but I can't. When Grandpa found that your grandfather was running for mayor of Monterico, he also planned to use you to blackmail Abuelo so that he would not run in the election because of you."
"I'm very sorry, Lilianna. I just did this for you and for the triplets. Things got harder when I found out that you're pregnant. I need to protect the four of you from Grandpa. It was not easy for me."
Namamawis ang aking palad sa sinabi nito. Ang bilis ng tibok ng aking puso na akala mo ay nakikipagkarerahan sa kabayo, napahawak ako roon habang nanatiling nakatingin sa kanya.
"I really want to spend my time with you and with our babies when your due date is near, but I can't. It's really hard, and I'm really sorry," malamlam ang kanyang light brown na mata habang nakatingin sa akin, namumula at nagbabadyang tumulo ang kanyang mga luha.
Kinuyom ko ang aking kamao. Napalunok na lang ako at kinalma ang sarili, sumisikip ang aking dibdib. Bakit ako nasasaktan?
"I've lied to you several times, and I'm not always telling you the real reason because I don't want you to be involved in this situation—"
"Simula una pa lang damay na ako sa plano niya, Steven. Si Abuelo ang pakay niya kaya pati ako nadamay na rin dahil may dugong Villafuerte ako? Kaya pala tinanong niya ako kung anong apelyido ni mama dahil pala roon. Kinumpirma niya na Villafuerte talaga si mama at may dugo rin ako no'n. Kahit anong gawin mo damay na talaga ako sa gulo na gusto niyang gawin kay Abuelo," pagputol ko sa kanyang sinabi. "Pero mas pinili mo lang na hindi sabihin sa akin—"
"Because I don't want to," pagputol niya naman sa akin. "I don't want to, Lilianna. Ayaw ko, kaya hindi ko sinabi sa 'yo."
"Kaya kitang tulungan!" tumaas ang aking boses.
"I-i don't want to, Lilianna," nauutal niyang wika.
Naiinis ako sa aking sarili. Bakit ba pakiramdam ko ay naaawa ako sa kanya? bakit ba ganito nararamdaman ko?! Gusto kong sabunutan at sampalin ang sarili dahil sa nararamdaman ko.
"Lilianna, the day he knows you are pregnant with triplets, he will involve them in his plans. Our children will be in danger. I don't want that. I don't want to risk your life or our children. That's why I always do what he says," garalgal na ang kanyang boses habang nagsasalita.
Nakikinig lang kami ni abuelo, na sa tingin ko ay pati itong sinasabi niya ay alam niya na rin. Ano pa nga ba? hindi na ako magugulat kung alam niya 'yon.
"When you tell me that you were going to run away and live at your friend's place, all I did was leave our house with you. Gusto ko kung nasaan ka ay nandoon ako, hindi ako papayag na umalis ka ng ikaw lang mag-isa," muli nitong pagkukwento. "And on that day, I'm going to take you to Pazamor, to your Abuelo's house. But we had an accident. Thanks to your Abuelo, we immediately rushed to the hospital. You lost too much blood, and our babies are in danger, so they performed an emergency cesarean on you. The operation went well, and the triplets are fine."
"Then why did you tell me that my children are dead?" tanong ko sa kanya. Nilingon ko si abuelo na nakatingin na rin pala sa akin. "Bakit niyo pinalabas na patay ang triplets kung buhay naman pala sila."
"It was my plan," pagsingit ni abuelo. "I ordered him to hide the triplets from you. It's for their safety that's why I did that."
Kumunot ang aking noo nang tignan ko siya. Nararamdaman ko na naman ang pag-usbong ng aking galit sa kanilang dalawa.
"Paano mo nakakaya na gawin 'yon, Abuelo? Paano nakakaya ng konsensya mo na makita akong lugmok sa nakalipas na limang taon," nasasaktan kong tanong sa kanya. "Alam mo lahat ng pinagdaanan ko. Alam mo lahat-lahat, abuelo," naiiyak kong sambit.
"I know, and I'm very sorry," mahinang wika ni abuelo.
"I plan for Steven to hide the triplets since they will be in danger if all three of them stay at the hacienda. Cillian is after us, he is after everyone that is close to us," seryoso ang ekspresyon ng mukha ni abuelo.
"I told them that I adopted the triplets. I informed the maid, who was leaving the mansion, that she would leave the triplets with us because their mother had died and no one will take care of them. The three of them are safer than I am since my grandfather has no use for such things. He only thinks of Villafuerte in Pazamor," pagdudugtong ni Steven kaya napalingon ako sa kanya.
Pinalabas niya na ampon niya ang triplets? Kakuntsaba niya ang maid nila na aalis sa kanilang mansyon na ipalabas na ipapaampon sa kaniya ang triplets?
"Our maid resigned, so I just asked for her to do that, and then she left the Cierra to make sure that Grandpa would not follow if he had doubts about the triplets. I'm really sorry, Lilianna. We're sorry for everything," ang boses nito ay halatang nagmamakaawa sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko alam kung magagalit ako o magpapasalamat sa kanila dahil sa ginawa nito.
Kinuyom ko ang aking kamao. "Anong gusto niyong sabihin ko? Thank you?" sarkastiko kong tanong sa kanilang dalawa. Tumayo ako at humalukipkip, nilalabanan ko ang namumuong luha na gustong tumulo pababa sa aking pisngi.
"Thank you, ah. Thank you sa inyong dalawa kasi tinago niyo anak ko," sarkastiko kong wika. "Thank you sa inyong dalawa dahil limang taon niyong kinuha sa akin ang pagiging ina sa triplets!" tumaas ang aking boses.
"Iniisip niyo ang kaligtasaan naming apat? Nagdedesisyon kayo agad-agad ng wala ako! Marami pang paraan, sobrang dami pa pero mas pinili niyo 'yang plano niyong makasarili!"
Madiin ang bawat salita na binitawan ko sa kanila. Mabilis ang pag-hinga ko. Ang hirap pa rin tanggapin. Ang taong minahal, sinaktan ako at ang natirang pamilya ko ay magkasamang niloko ako. Ginawa nila akong tanga.
Akala ko ay tapos na sa ganito pero hindi pa pala.
"Lilianna, we need to—"
"Please, stop," nanghihina kong saad. "Sobra ang pagod ko ngayon araw dahil sa mga nalalaman ko Abuelo. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa mga sasabihin niyo sa akin. Mas lalo niyo lang pong pinalala ang trust issues ko."
Napapailing na tinignan ko silang dalawa. Para silang aso na nabahag ang buntot. Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman kumirot 'yon.
Bakit parang ako pa ang lumabas na masama rito? bakit gano'n ang pakiramdam ko?
Tinalikuran ko sila at nagtungo sa nakasaradong pinto. Hinawakan ko ang seradura at bago pa tuluyang makalabas sa opisina ni abuelo ay napaatras ako ng may sumalubong sa aking matangkad na lalake.
Napaawang ang aking labi ng makita kung sino 'yon. Mabilis kong pinunasan ang aking luha ng makita siya.
"Mayor Jacob, what are you doing here," bigla kong tanong habang nanlalaki ang aking mata.
Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang pagtikhim ni Abuelo. Nakalapit na siya sa akin at gano'n din si Steven.
"Emilio, you didn't tell her?" mahinang tanong ni Mayor Jacob kay abuelo.
"I was about to say it," tugon ni Abuelo.
Kunot noong tinignan ko silang tatlo. May plano na naman sila na hindi sinasabi sa akin. Nagmumukhang tanga na naman ako sa kanilang harapan.
"Oh, is that so," wika ni Mayor Jacob.
Lumawak ang ngiti sa kanyang labi at nakangising humalukipkip. Sumenyas si Steven na pumasok sa loob ng opisina ni abuelo kaya sumunod si Mayor Jacob.
"So, what is the plan? I suppose that our plan is for Cillian to be imprisoned during the second campaign event. Am I right?"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top