CHAPTER 28
CHAPTER 28
NANLAKI ANG AKING mata nang nilingon ko ito. Kunot noo ko siyang tinignan simula ulo hanggang paa, naka-suot ito ng white longsleeve button down polo. Nakatupi ang manggas no'n hanggang sa kanyang siko kaya kitang-kita ko ang tribal tattoo sa kanyang braso.
Ang isa niyang kamay ay nakapamulsa sa sout nitong itim na slacks. Bagsak ang itim na buhok at malamlam ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"About Steven."
Pumasok sa aking isipan ang binanggit ni Abuelo kanina.
Don't tell me inimbitahan siya ni Abuelo na pumunta rito sa congratulation party ko!?
Hindi makapaniwala na tinignan ko si Steven. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin, kahit na nakapatay ang ilaw dito sa aming puwesto ay kitang kita ko pa rin ang kanyang mukha dahil sa sinag ng buwan na tumatagos sa malaking balkonahe.
Sa paraan ng pagtitig nito sa akin ay hindi pa rin nagbabago, nakakatunaw at nakakapang lambot pa rin. Malumanay ang kanyang mukha, tingin na akala mo ay nagmamakaawa, hindi bagay sa kanya 'yon lalo na sa pilat sa mukha nito.
"Anong ginagawa mo rito?" kunot noo kong tanong. "Bawal umakyat ang mga bisita rito unless inimbitahan namin na umakyat."
Hindi siya sumagot, napailing na lang ako at tinalikuran siya. Ano pa nga bang mapapala ko sa kanya? parati naman siyang ganito kaya aasahan ko na lang na hindi siya makakasagot sa tanong ko.
"Hindi ko alam na hanggang ngayon nahihirapan ka pa rin mag-salita, Donovan," mahina kong sambit habang sinasalinan ng red wine ang wine glass.
"Ang kapal din ng mukha mo na pumunta talaga rito, ano?" wika ko ng harapin siya, sinandal ko ang aking pangupo sa lamesa at humalukipkip habang ang kanan na kamay ay nakahawak sa wine glass, paunti unting sumisimsim sa alak. "Mabait si Abuelo kaya alam kong inimbitahan ka niya sa party na 'to, Donovan. Gumawa ka na lang sana ng dahilan para hindi ka makapunta rito," iritable kong saad.
"Lilianna," he whispered.
Nararamdaman ko na naman ang pag-init ng aking ulo. Ayan na naman siya sa pagiging ganyan niya, nakakapikon.
"Umalis kana, wala kang mapapala rito," pangtataboy ko sa kanya.
"Can we talk? I need to tell you something," humakbang siya papalapit sa akin.
Amoy na amoy ko tuloy ang palagi nitong ginagamit na pabango. Bumalik sa aking memorya ang lahat ng alaala na magkasama kaming dalawa, imbis na matuwa ay parang kinilabutan pa ako dahil do'n. Ang tanga ko dahil nagpa-uto ako sa kanya.
Hinayaan ko ang sarili ko na maging tanga sa mga kasinungalingan niya.
"Sa tingin mo maniniwala ako sa mga sasabihin mo, Donovan?" pagak akong tumawa at napapailing na naupo sa pang isahang upuan. "Mas mainam pa na umuwi kana sa inyo at baka hinahanap ka na ng lolo mo," mariin kong wika.
"Just hear me out, I know you will get mad on what I will say but this is importan-"
"Mad?" pagputol ko sa sinabi nito. Sinalinan ko muna ang baso ko ng red wine bago lumapit sa kanya. "For your information, Donovan. Simula ng nawala ka pagkatapos ng aksidente ay galit na galit ako sa 'yo hanggang ngayon," mahina kong wika habang may gigil sa boses ng malapitan siya.
"I know you will get mad," I mocked. "Of course, I'm fucking mad at you. I'm still mad at you Donovan," I hissed.
"Lilianna, I understand that you're mad at me. But please just this one? Can you listen to me?"
"No!" I shouted. "Hinding hindi na ako makikinig sa 'yo, Donovan," galit kong usal.
"It's all about-"
Parehas kaming natigilan ng biglang nag-ring ang cellphone nito sa bulsa ng kanyang itim na slacks. Nagmamadali na kinuha niya 'yon at tinignan pa ako na parang bang nagpapaalam na sasagutin niya muna ang tumatawag sa kanya.
Inirapan ko siya at tinalikuran, muli akong naupo sa malambot na upuan at uminom na lang ng alak. Naririnig ko pa ang kausap nito sa kabilang linya dahil napaka tahimik sa aming pwesto.
"What time will you go home, Steven? Ang hirap nilang patulugin ng wala ka rito. Ang kulit nila."
"Mag-tetext na lang ako kung pauwi na ako."
Tumaas ang isang kilay ko ng marinig ang sinabi ng babae sa kabilang linya. Isang babae lang ang unang pumasok sa aking isipan kung sino 'yon.
Si Agatha.
"Go home! Go home!"
Isang matinis na boses ang narinig ko sa kabilang linya bago mamatay ang tawag sa cellphone nito. Nababagot na tumayo ako sa akong kinauupuan at niligpit sa lamesa ang mga ginamit kong inumin.
Bago pa siya malagpasan ay tinignan ko ito.
"Go home, Donovan. You wife and your kids are waiting for you."
Hindi ko na hinintay ang magiging sagot nito dahil tuluyan ko na siyang nilagpasan para magpahinga sa sariling kuwarto. Siya lang ang nakaubos ng enerhiya ko ngayong gabi, gusto ko ng matulog.
"Lili," pagpigil niya sa akin, hinawakan niya ang aking braso para pigilan.
"Bitawan mo nga 'ko!" marahas kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking braso. "Umuwi kana dahil may pamilya na naghihintay sa 'yo. Matagal na tayong tapos, Donovan. Kaya unahin mo 'yang pamilya mo at hindi kami," nanggigigil kong usal sa kanya.
"Ganyan ka pa rin ba, ha?" halos hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. "Gano'n pa rin ba ginagawa mo sa kanila? Igagaya mo sila sa ginagawa mo sa amin dati? May pamilya kana kaya sana sila ang una mong iisipin at hindi yung mga walang kwentang bagay!"
Sumikip ang aking dibdib ng maalala ang pag-iwan nito sa akin habang pinagbubuntis ko ang triplets, kung paano ako magmakaawa sa kanya na huwag akong iwan dahil natatakot ako.
Alam kong hindi nakatakas sa kanya ang pamumuo at panginginig ng aking labi. Dumaan ang sakit sa kanyang mukha ng makita ang pamumuo ng aking luha.
"Lilianna, this is the last time that I will be here so please listen to me. And also I don't have a-"
"Pangalawa mo na 'yan kaya sana ayusin mo na. Huwag mong hayaan na mag-makaawa pa 'yang misis mo!"
Malakas kong tinulak ang kanyang dibdib at dumiretso sa aking kuwarto. Bago pa tuluyang maisara ang pinto ay hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng kanyang mata.
Bakit siya iiyak!? Wala siyang karapatan na umiyak dahil siya ang nang-iwan! siya nang-iwan sa aming apat, kaya kung sino man ang dapat masaktan ay dapat ako lang!
Malakas kong sinarado ang pintuan, naglikha 'yon ng malakas na tunog sa pasilyo ng ikalawang palapag nitong bahay. Sumandal ako sa likod ng pinto at padausdos na napaupo sa sahig habang nakahawak sa aking dibdib.
Masakit pa rin hanggang ngayon. Sobrang sakit pa rin, dumako ang aking tingin sa urn ng triplets na hanggang ngayon ay nakapatong sa bedside table.
Humihikbi na tumayo ako at naglakad papunta roon. Kinuha at niyakap ko ang urn ng triplets. Napahagulgol na lang ako habang yakap yakap sila.
Ang dali lang sa kanya na palitan kami. Samantala ako ay hirap na hirap pa rin makausad sa nakaraan.
Sobrang hirap.
"PA-DOUBLE CHECK na lang yung mga gamit sa loob ng van," utos ko sa isang bodyguards.
Lumipas ng isang linggo at ang pinakahihintay naming lahat ay dumating na. Ang campaign event, naka-ayos na lahat ng kailangan namin at kami na lang ang hihintayin doon at ang iba pang tatakbo bilang mayor ngayong eleksyon.
Bago pa dumating ang araw na ito ay naka-pili na ng apat na bodyguards si Francheska. Naaawa na nga ako sa kanya dahil busy na ito sa lahat ng gawain.
"Kanina pa po tapos, señorita. Kayo na lang po ni Kapt. Emilio ang hihintayin," sagot ng isang bodyguard na inutusan ko.
I nodded. "Okay, thank you. Pababa na rin naman na si Abuelo. Kinakausap niya pa si Francheska sa taas," tugon ko.
Tumango lang ang lalake sa akin at sumunod na sa tatlo pa nitong kasamahan.
"Let's go, Lilianna."
Mabilis akong napalingon ng marinig ang boses ni Abuelo. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita siya. Parehas kaming nakasout ng puting polo shirt naka bukas ang dalawang butones ng aking damit at gano'n din kay Abuelo. Ang favorite na bucket hat nito ay nakasabit na naman sa kanyang leeg. Pinaresan ko lang ng itim na mom jeans ang puting damit samantala kay Abuelo ay itim na short lang.
"Si Francheska hindi makakasama, Abuelo?" tanong ko ng makalapit sa kanya.
Umiling ito. "No, she needs to visit her shop today. I think she needs to measure her client's size because she is making her a wedding dress," tugon nito.
Napatango na lang ako. "Oh, it's that so. Tara na? baka ma-late tayo sa event nakakahiya naman sa mga boboto sa 'yo," biro ko.
Mahina siyang natawa at tumango. "Let's go."
Ngumisi ako at hinawi ang nakalugay kong itim, mahaba, at maalon kong buhok. Kinawit ko ang aking kamay sa braso ni Abuelo at nakangiting nagtungo palabas ng hacienda.
Nakabukas na ang pintuan ng van at nasa loob na rin ang mga bodyguards. Nang makapasok na sa loob ay pinaandar na ng driver ang van patungong Monterico City.
"Are you excited, Abuelo?" nakangiti oong tanong. "Ipagdadasal ko na sana ikaw manalo bilang mayor ng Monterico City."
Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang aking buhok.
"Let's see who will win," malumanay niyang saad sa akin.
Humaba ang aking nguso. "Alam kong gustong gusto mo maging mayor, abuelo. Atsaka magiging panatag naman kaming lahat kung sakaling ikaw mamamahala sa Monterico dahil mabuti kang tao."
Napailing na lang siya sa aking sinabi at mahinang pinisil ang aking ilong. Naging tahimik ang buong byahe hanggang sa makarating kami sa Monterico.
Naging mabilis lang ang byahe dahil hindi traffic sa kalsada. Papunta na kami sa parking area kaya kitang kita ko ang mga tao sa baba ng malaking stage.
"Ang daming tao," mahina kong wika.
Napalingon ako ng haplusin ni abuelo ang aking buhok.
"You need to stay by my side, Lilianna," seryosong sambit nito.
Tumango na lang ako habang pinagmamasdan ang mga tao. Nakapag park agad kami kaya inasikaso na namin ang mga dadalhin namin sa taas ng stage.
"Sa gilid lang po kami mamaya, Kapt. Emilio," sambit ng isang bodyguard.
"Sure," tugon ni abuelo.
"Maganda hapon, Kapt. Emilio. Mabuti at nakarating na kayo. Mga ilang minuto na lang po mag sisimula na ang event. Akyat kana po sa taas," wika ng babae, isa ito sa mga coordinator ng event.
"Lilianna will go with me," sambit ni Abuelo.
Nakangiting tumango ang babae. "Sure, Kapt. Emilio. Tara na po?" pag aya ng babae.
Tumango lang kami at sumunod sa kanya. Pag-akyat namin sa taas ay tanaw na tanaw namin ang mga tao sa baba ng stage. Parang gusto ko tuloy sa van na lang mag-hintay. Hindi ako sanay sa ganitong ganap, sobrang daming tao sa baba.
Malakas ang ihip ng hangin at napakatirik ng araw ngayon sa aming pwesto kahit na maraming puno sa paligid. Nandito kami ngayon sa labas ng city hall ng Monterico dahil sa isang campaign event na magaganap.
"Abuelo, kailangan ba talaga na nandito ako sa tabi mo? Puwede naman ako na maghintay na lang sa baba nitong stage hanggang sa matapos ang event," tanong ko sa kanya.
Ang seryosong mukha nito na nakatingin sa maraming tao ay biglang lumambot ng sulyapan ako. Sumilay sa ngiti sa kanyang labi at hinaplos ang mahaba kong buhok.
"Sí, querida. Y tanto como sea posible necesitas estar cerca de mí. Este evento podría ser peligroso para nosotros," malumanay niyang tugon sa akin.
(Yes, my dear. And as much as possible you need to be close to me. This event could be dangerous for us)
Nakita ko na sinulyapan niya ang isang hindi katandaan na lalaki sa bandang dulo ng kinauupuan namin.
"Especialmente que Cillian està aquí. Nunca sabemos lo que puede hacer en esta situación," dugtong nito.
(Especially that Cillian is here. We never know what he can do in this situation)
Napatingin din tuloy ako sa tao na 'yon. Ngayon araw ay isang major campaign event dahil tatakbo si abuelo bilang isang mayor dito sa Monterico City.
Syempre kapag ganito ang nangyayari. Hindi mawawala ang kalaban mo sa pagiging mayor. Isa na roon si Cillian Donovan. Parehas silang tumatakbo ni Abuelo bilang isang mayor sa Monterico City.
"Hindi pa rin po ba sapat yung na hire na bodyguards para sa atin?" tanong ko sa kanya.
Nakatingin na ito sa baba ng stage kung nasaan ang mga tao. Nakikita ko ang mga ibang banner ng tao na gustong gusto sa side ni abuelo at meron naman din para sa side ni Cillian.
Maingay sa baba at may malakas na tugtog kaya kapag nag uusap kami ay lumalapit talaga ako sa kanya.
"Nuestros guardaespaldas son suficientes para protegernos, pero todavía tenemos que tener cuidado, Lilianna," tugon nito habang nakatingin pa rin sa mga tao sa baba ng stage.
(Our bodyguards are enough to protect us, but we still need to be careful, Lilianna)
Napatango na lang ako sa kanyang sinabi at napatingin sa harapan ng biglang nag salita ang emcee. Nagsisimula na ang event. Halo halo ang mga taong boboto kay Abuelo at kay Cillian.
Nang lumingon ako sa pwesto ng kalaban ni abuelo bilang mayor ay hindi nakaligtas sa akin ang lalaking nakita ko. Nandito rin siya katulad ko, sinasamahan ang lolo namin. Puting short sleeve polo at nakabukas ang ilang butones no'n. Naka tuck in 'yon sa black pants na sout niya habang ang buhok ay nakaayos. Lalong naging seryoso ang kanyang mukha dahil sa peklat sa mukha nito.
Parang may hinahanap siya sa paligid at nang dumako ang tingin nito sa akin ay naestatwa ito pero ako na agad umiwas ng tingin. Inayos ko ang aking upo sa monoblock at napahawak sa aking dibdib ng biglang sumikip 'yon.
Limang taon ng nakalipas pero parang wala lang sa kanya na namatayan kami ng anak. Wala sa sariling napahawak ako sa aking manipis na tyan. Tatlong anghel ang kinuha sa akin dahil sa isang aksidente pero parang hindi siya apektado sa nangyari.
At nasasaktan pa rin ako dahil do'n.
Kung hindi ko lang naramdaman ang mahinang pagtapik ni abuelo sa akin ay hindi ko pa malalaman na ang bilis ng aking pag hinga.
"Are you okay?" tanong nito sa akin.
Umiling ako. "Hindi. Naalala ko lang yung tatlo," mahina kong bigkas sa kanya.
Napabuntong hininga ito at ngumiti sa akin. "No te preocupes, querida. Están en manos de Dios. Ahora están a salvo allí."
(Don't worry, dear. They're in God's hands. They're safe there now)
Hindi na ako nakasagot sa sinabi nito. Alam ko, pero bakit sila pa?
Sa sobrang dami kong iniisip ay muntik na akong mabuwal sa pagkakaupo ng may malakas na pagsabog. Kasunod ay ang tilian at sigawan ng mga tao sa baba ng stage.
"¡Mierda! Esto es lo que estoy diciendo. vamos, Lilianna!" sigaw ni abuelo.
(fuck! This is what I'm saying. Let's go, Lilianna!)
Tinaas ko ang aking kamay para sumenyas sa mga bodyguard na i-cover si abuelo. Agad naman nilang ginawa 'yon at inassist hanggang sa makababa ng stage. Nag kanya-kanya na kami dahil natataranta na ang mga tao rito sa labas ng city hall ng Monterico. Nauna na sila at nasa hulihan ako.
"Lilianna, vamos a ir!" sigaw ni abuelo sa akin.
(Lilianna, let's go!)
Bago makababa ng stage ay sinulyapan ko ang pwesto nila Cillian. Umigting ang aking panga ng makitang wala na sila roon.
Cillian and his dirty games.
Napasigaw ako ng biglang nakarinig ng pagputok ng baril. Nanlamig ang aking katawan at bumilis ang tibok ng aking puso, sa sobrang bilis ng tibok parang gusto nila lumabas sa ribcage ko. Mabilis na ang naging kilos ko at bumaba na.
Napukaw ang aking atensyon ng may nakitang nakaupo sa ilalim ng stage. Parehas na magkayakap ang tatlong batang babae habang nakatakip sa kanilang tenga. Nasa gitna ang maputi na bata at sa kanan nito ay katabi niya ang bata na light brown ang kutis habang sa kaliwa naman ay kulay morena ang balat. Ang mga buhok nila ay parehas na naka pigtails at nakatirintas.
"¿Qué está pasando, Sol?" tanong ng batang babae na light brown ang kutis, walang tigil ang pagtulo ang kanyang luha pababa sa namumula at bilugan nitong pisngi.
(What's happening, sol?)
"Sol, tengo miedo. Quiero ir a casa," umiiyak na wika ng bata babaeng morena habang nakatakip sa kanyang tenga.
(Sol, I'm scared. I want to go home.)
"No tengas miedo. Tu hermana mayor está aquí, te protegeré pase lo que pase," malambing at mumanay na sagot ng batang babae na maputi. Matapang ang mukha nito pero ang kanyang luha ay nagbabadya na rin tumulo.
(Don't be scared. Your big sister is here, i'll protect you no matter what happens.)
"Delikado na po rito, señorita. Tara na po," dinig kong wika ng bodyguard.
Mabilis akong napatingin sa bodyguard at parehas kaming napayuko ng sunod-sunod na naman na putok ng baril ang aming narinig. Kasabay no'n ang tilian ng tatlong bata sa harapan ko at malakas na iyak.
Hindi ko alam kung anong tumulak sa akin para hawakan ang kamay ng batang babae na morena at binuhat. Tinuro ko ang bodyguard at sinunod ang dalawang batang babae na natira.
"Buhatin mo sila. Bilisan mo," utos ko at nauna na sa kanya pero ng makitang naguguluhan siya sa sinabi ko matalim ko itong tinignan.
"What!? Get the kids!" sigaw ko.
"Masusunod po, señorita," natatarantang sagot nito.
Binuhat niya ang dalawang natira dahil nasa akin ang isa. Umiiyak pa rin ang tatlo kaya mabilis ang kilos namin. Nakakabingi ang pagsabog kanina paano pa ang putok ng baril na narinig nila?
"Lilliana! Get on the van, faster!" dinig kong sigaw ni abuelo. Nasa loob na ito ng van at pinagmamadali na kami.
Mabilis kaming tumakbo roon at awtomatikong pinatong ang kamay sa ulo ng bata na karga ko. Wala pa rin itong tigil sa pag iyak, hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko dahil doon. Pati na rin sa dalawang bata na karga ng bodyguard na nakasunod sa akin ay patuloy pa rin sila sa pag-iyak.
"I want daddy!" malakas na iyak ng karga kong bata. "Where's my daddy!?"
Hinagod ko ang kanyang likod para kumalma pero lalong lumakas ang kanyang iyak. Pumasok na kami sa van at akmang isasara na ng isang bodyguard ng may sumigaw sa amin.
"Lilianna!"
Mabilis ang takbo ni Steven papunta sa amin. May bahid na pag-alala ang kanyang mukha.
"Daddy!" dinig kong sambit ng tatlong bata na katabi ko ngayon sa upuan.
Mabilis kong sinarado ang pintuan ng van bago pa tuluyan na masarado at mailock 'yon ay nakita ko ang pag-laki ng light brown nitong mata. Pagkatapos ay sinulyapan ang tatlong bata na nakadungaw ngayon sa gilid ko.
"Sol! Ciela! Mar!"
Mabilis ang aking paghinga habang yakap-yakap ang tatlong bata na wala pa rin tigil sa pag luha. Hindi ko alam kung bakit ko nagawang dalhin itong tatlo kasama namin.
Sinong matinong tao na magdadala ng bata sa ganitong event!?
"Where's my daddy?" pumalahaw na iyak ng babaeng bata na karga ko kanina.
Punong puno ng pawis ang kanyang mukha at luha na rin. Magulo na rin ang kanilang buhok kahit na nakaayos 'yon.
"Shh. Stop crying, baby. You're all safe here," pagpapakalma ko sa kanila.
Pero mukhang hindi yata 'yon naging epekto. Mas lalong lumakas ang kanilang iyak. Namuo ang aking luha sa hindi malamang dahilan.
"I want to go home," lumuluhang sambit ng maputing batang babae.
"Kuya, can you drive a little bit faster?" utos ko sa driver.
Hindi sumagot ang driver sa halip ay binilasan niya ang pag drive. Si Abuelo naman ay may kausap sa telepono sa likurang bahagi ng van kaya hindi kami naasikaso.
"I want to go home, daddy," wala sa sariling sambit ng medyo kaputian na bata.
They were all traumatized! Habang umaandar ang van pauwi sa hacienda ay wala rin akong tigil sa pag-aalo sa umiiyak na bata.
Namamawis ang aking palad at walang tigil sa pag kabog ng mabilis ang aking puso. Nakakabingi at para pa akong kakapusin ng hangin.
Papalubog na ang araw ng makarating kami sa Pazamor. Tumahan na ang mga bata pero paminsan minsan naman ay muling umiiyak. Binuhat ko ulit ang morenang bata at ang dalawa ay pinabuhat ko sa dalawang bodyguards.
Nagmamadali kaming pumasok sa loob at sinarado ang pintuan. Pinaupo ko ang batang morena sa malambot na sofa at hinaplos ang kanyang ulo.
"You're safe here, okay? Ligtas na kayo ng kapatid mo," malambing kong usap sa kanya.
Nanatiling nakatulala ang batang babae sa akin. Ang bilugan niyang abo na mata ay nakatingin sa akin. Unti-unting namuo ang kanyang luha at muling pumalahaw ng iyak.
Sumunod naman ang dalawa niyang kapatid, nabalot ng malakas na iyak nilang tatlo ang sala.
"Lilianna-"
"Abuelo, anong gagawin natin sa kanilang tatlo?" salubong ko sa kanya ng lumapit ito sa akin.
Nakita ko kung paano siya nabato sa kanyang kinatatayuan ng makita niya ang tatlong bata na nakaupo ngayon sa sofa, magkatabi at patuloy pa rin sa pag-iyak.
"I need to call someone," nagmamadaling wika ni Abuelo at tinalikuran ako.
"Abuelo!" tawag ko sa kanyang ngalan ng naglakad ito palabas ng hacienda. "Wait! We need to do something about them!" sigaw ko habang hinahabol siya.
"I need to call, Steven! That asshole!" galit niyang wika.
Lumalim ang kunot sa aking noo. Anong meron kay Steven? Agad kong naalala ang pag-habol niya sa amin, lalo na sa pagtawag ng pangalan nitong tatlong babaeng nadala namin.
Wala sa sarili na nilingon ko ang malaking glass window, kitang-kita ko ang tatlo na umiiyak pa rin at ang dalawang bodyguards naman ay abala ngayon sa pagpapatahan sa kanilang tatlo.
"Why? Related ba 'tong tatlo sa kanya-"
Hindi ko natapos ang aking sinabi ng biglang kumalabog ang gate sa labas. Nagmamadali na nagtungo ako roon at tinignan kung sino 'yon.
"Lilianna, let me in! Sol! Ciela! Mar! Are you there!?"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top