CHAPTER 27

CHAPTER 27

"LET GO of me!" malakas kong sigaw.

Natigilan ako sa akto ng pagtanggal nang kung sinong tao ang may hawak sa aking braso. Sa pamilyar na tattoo nito sa kanyang braso ay kilala ko na agad kung sino ito. Umangat ang aking ulo para makumpirma kung tama ba ang tao na nasa isip ko.

Hindi nga ako nagkakamali dahil totoo ang hinala ko. Steven Thomas Donovan is in front of me, holding a one bouquet of red roses. Tunog lang ng mga dumadaan ng kotse ang naririnig namin dahil wala ni isa sa aming dalawa ang nag-salita.

"Anong ginagawa mo rito?" galit kong wika.

Marahas kong tinanggal ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso. Umatras ako habang matalim na nakatingin sa kanya. Hindi niya naman sinubukan na humakbang papalapit sa akin.

Mabuti 'yon at baka maihampas ko sa pagmumukha niya ang hawak kong handbag.

Humalukipkip ako at tinignan ang kabuuhan nito, nakasout ito ng cream polo shirt na halos pumutok na ang biceps no'n sa sleeves ng polo niya. Nakabukas ang dalawang butones nito at pinaresan niya 'yon ng kulay puti na short at puting sapatos. Lalo tuloy tumingkad ang kutis nitong moreno sa suot niya, ang tattoo sa kanyang braso ay kitang kita lalo na ang peklat sa kanyang mukha.

"I heard that you're Cumlaude, Lilianna," inabot niya sa akin ang hawak nitong bulaklak. "Congratulations."

Nanatili akong nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya, sinunod ko ang bulaklak na hawak nito na nilahad niya sa akin.

Umasim ang aking mukha, unti-unti akong napipikon. Ano ba ang ginagawa niya rito? Paano niya nalaman na nandito ako?

"I don't need your congratulations and roses, Donovan. So you better go home and stay away from me," naiinis kong tugon.

Tinalikuran ko siya at nagsimula maglakad palayo pero hindi 'yon natuloy dahil sa ginawa nito. Hinawakan niya ang aking kamay para pigilan. Sa aking inis ay umangat ang aking kamay at Pinadapo ang palad ko sa kanyang mukha ang handbag na dala ko.

"¿No entiendes lo que digo? ¡Aléjate de mí!" I shouted in front of his face.

(Don't you understand what I'm saying? Stay away from me!)

"Just accept the roses," pagpupumilit niya. Nagpumiglas na naman ako dahil pinipilit niya na hawakan ko ang bulaklak. Nakakapikon na talaga siya sa ginagawa nito.

"Ano bang problema mo!? Nakakapikon kana kung alam mo lang, simula noong nakita kita sa hospital hanggang ngayon ba naman? Tantanan mo na nga ako at baka hindi kita matansya d'yan!"

"Come on, Lilianna. Just accept this flowers and I'll go home, I promise," nagmamakaawa na ang tono ng kanyang pananalita.

Para kaming tanga sa sidewalk na mukhang nagtatug of war at braso ko ang gamit!

"Bakit ko naman tatanggapin 'yan, ha!" galit kong wika sa kanya. Binawi ko ang braso sa kanya pero mas malakas ito, muli niya na namang kinuha ang aking braso at pilit na pinapahawak ang bulaklak. "Hinding hindi ko tatanggapin 'yan lalo na at nanggaling sa 'yo!"

"¡Deja ir mi brazo!" singhal ko.

(Let go of my arm!)

Wala akong nagawa ng basta niya na lang iniwan sa akin ang bulaklak at bago pa siya makatakbo patungo sa sarili nitong sasakyan ay narinig ko ang sinabi nito.

"Someone will upset if I don't give you the flower," basta niya nalang akong tinalikuran at umalis na.

Bumaba ang tingin ko sa bulaklak na nasa aking dibdib. Mabilis ang pag-taas ng aking dibdib dahil sa pangyayari, hinihingal ako sa pag-aagawan ng braso sa kanya kanina!

"Lilianna? I'm so sorry, I just got my period. Umikot muna ako para maghanap ng gas station para makabili ng pads and underwear. I'm so sorry kung natagalan—are you okay? Namumula mukha mo."

Napasulyap ako sa gilid ng makita si Francheska. Nakababa ang bintana nito sa driver seat at kunot noo ang nakatingin sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako sa inis ng maalala si Steven, lalo na itong bulaklak na iniwan niya sa akin.

Pumasok na ako sa passenger seat at basta na lang binato ang bulaklak sa backseat. Nilapag ko ang handbag sa hita at napahilot sa aking sentido.

"Are you okay, Lilianna? Is there something wrong?" nag-aalalang tanong ni Francheska habang nakatingin sa akin.

"Yeah, I'm just pissed. Don't worry it's not you. May na-encounter lang akong nakakabwisit na tao," sagot ko habang hinihilot ang aking noo.

Nilingon ko siya at ningitian. "Can we go home and grab some iced coffee? Baka sakaling bumaba lang ang init ng ulo ko."

Tumango siya. "Sure."

Pinaandar niya na ang kotse pauwi sa hacienda habang ako ay nanatiling tahimik buong byahe. Iniisip ko pa rin na paano niya nalaman na nasa UMC ako, paano niya nalaman na nag-aaral ako.

Sinandal ko ang aking likod sa kinauupuan ko at pinikit ang mata. Lalo lang sumasakit ang ulo sa mga pinagiisip ko.

LUMIPAS NA ANG ISANG ARAW, para pa rin akong tanga na nakatingin sa bulaklak na binigay ni Steven. Ang sabi ko sa aking sarili ay hindi ko 'yon itatapon pero heto siya nakalagay sa vase at nakadisplay pa talaga sa gitna ng center table ng sala.

"Hindi 'yan mawawala ng tinitignan mo lang, Lilianna."

Nilingon ko kung sino ang nagsalita, si Francheska iyon. Galing siya sa labas ng hacienda at may bitbit na naman na mga papel. Si Abuelo ay wala rito dahil nasa barangay hall siya.

Sumimangot na lang ako at humalukipkip, nang makaupo siya sa aking tabi ay kinuha ko ang kalahati ng kanyang papel na bitbit at binasa ang laman no'n.

Habang wala pa si Abuelo ay nag-aasikaso na kami sa pag-hire ng bodyguard niya hanggang matapos itong eleksyon. May isang security agency ang nag-offer sa amin na kaya nila mag provide ng bodyguards para kay Abuelo hanggang matapos ang eleksyon dahil pati sa kanila pala ay dumating ang balita na kamuntikan na itong mabaril.

"Okay na ba yung apat?" tanong ko sa kanya habang binabasa ang mga CVA ng mga mapipili naming bodyguards ni Abuelo.

"I think so," she answered while scanning the papers.

Malalim ang kanyang iniisip habang binabasa ang papel. Ningitian ko siya ng sinulyapan ako. Nagtataka na tinignan ko siya dahil ang tagal niya ako tinignan, nakakailang tuloy.

"Francheska? Are you okay?" kunot noo kong tanong sa kanya.

Napakurap siya ng ilang beses at tipid akong ningitian.

"Yes," bumaba ang tingin niya sa hawak nitong papel bago ako muling sulyapan. "Lilianna, puwede ba na ako na lang mamili ng magiging bodyguards ni Emilio?"

Dahan-dahan akong tumango kahit na nagtataka pa rin sa kanyang inakto. "Of course, hindi rin kasi ako marunong mamili sa mga ganyan."

"Thank you," nakangiti niyang tugon.

Buong hapon kaming nasa sala, ako na nakahiga na ngayon sa sofa habang si Francheska ay hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin.

Isang malakas na busina ang narinig namin sa labas ng hacienda kaya napabangon ako. Kasabay no'n ang pagpasok ni Abuelo sa loob ng bahay.

"Abuelo," tawag ko sa kanya.

Bumangon ako at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik at naupo kami sa sofa kung saan ako nakahiga kanina, nakita ko na nilingon niya si Francheska na abala sa pagbabasa.

"Mag-hahire na tayo ng bodyguards mo Abuelo hanggang matapos ang eleksyon, okay? Kailangan mo no'n lalo na campaign event sa Monterico city hall."

Tumango na lang siya habang nakatingin pa rin siya kay Francheska. Tinaguan lang siya nito ng lingunin siya ni Francheska.

"Can I ask something, Abuelo?"

Nilapag niya muna sa center table ang bucket hat nito bago ako sulyapan. Sakto naman na si Manang Minda ay binigyan kami ng mango juice kaya nag salin muna kami ng maiinom sa baso.

"What is it?" he asked.

"Si Steven, nakita ko sa labas ng school. Ang weird naman paano niya nalaman na graduation pictorial namin kanina. At sa hospital naman 'di ba sabi mo siya nahatid sayo sa MPH. Para lang kayong mag kaibigan kung mag-usap ng maabutan ko kayo sa loob ng kuwarto, parang matagal na kayong magkakilala. May hindi ka ba sinasabi sa akin? Don't tell me may koneksyon ka diyan sa lalake na 'yan?"

Kumunot ang noo nito sa akin sinabi. "Me? Have a connection with him? Of course not," tugon nito habang nagtataka pa rin sa akin. "Why would you think like that?"

Napabuntong hininga na lamang ako at umiwas ng tingin. "N-nothing," nauutal kong tugon. "I was just thinking that maybe you became close since he took you to the hospital. Abuelo, please don't make me hate you. I hate liars, and you know that," mahina kong sambit sa kanya.

Nanatili itong nakatingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya lang ang sarili na banggitin ito sa akin. Mapait akong ngumiti at tumayo.

Ang pamilyar na nararamdaman ko noon sa tuwing tinitignan ako ni Steven ng gano'n ay muli ko na namang nararamdaman. May tinatago siya at ayaw niya 'yong sabihin.

"You know what he did to me, so please don't be like him. I know you're hiding something, and you just can't say it to me. I can see it in your face, Abuelo," I whispered while looking at him.

"Lilianna," tawag nito sa aking ngalan.

Ningitian ko siya at sinulyapan si Francheska na ngayon ay nakatingin na pala sa aming dalawa ni Abuelo.

"Magpapahinga po muna ako sa kuwarto," pagpapaalam ko.

Ningitian ko silang pareho at tinalikuran para umakyat sa taas.

TODAY IS THE DAY OF MY CONGRATULATIONS party. Ala sais na ng gabi ako nakapag-asikaso ng sarili. Dahil halos lahat ng party na magaganap ay laging gabi nagsisimula. Wala na rin kasi gagawin si Abuelo sa barangay hall sa mga oras no'n kaya palaging tuwing gabi ang pinipili niyang oras.

Nasa baba na rintalaga ang mga bisita ni Abuelo. Naka bukas ang malaking gate ng hacienda para sa mga tao rito sa Pazamor na sa tingin ko ay nakapagsimula na rin kumain ng hapunan. Hindi lang agad ako nakababa dahil mga bandang ala singko ng hapon na ako nagising.

Nakapag bihis na ako at pagmamake-up na lang ang aking ginagawa. Simpleng plain structure line pleated dress na color off white ang sout ko. Pinaresan ko lang 'yon ng itim na sandals, 2inch lang ang takong no'n. Inayos ko ang sout kong pearl necklace at kinuha ang boar brush para ayusin ang clean bun hair ko.

"Lilianna?"

Tumayo ako at binaba ang hawak na hair brush ng biglang bumukas ang pintuan ng aking kuwarto. Pumasok si Abuelo, may dalang puting rosas. Kahit na nagtatampo sa kanya ay napangiti na lang ako.

"Abuelo..."

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at inabot ang hawak nitong bulaklak. Tinanggap ko 'yon at nagpasalamat sa kanya.

"Thank you, Abuelo," pagpapasalamat ko habang nakatingin pa rin sa bulaklak na binigay niya.

"Huwag ka ng magtampo, Lili. Patawarin mo na si Abuelo mo."

Mahina akong natawa ng bigla itong nagtagalog. Halos mapunit na ang aking labi dahil sa pag ngiti ng tignan ko ito.

"Bakit bigla kang nag tagalog, ha?" pang-aasar ko.

Sumimangot ito sa akin. "Because you're still mad at me. I don't want you to be mad at me, Lilianna."

Napailing ako sa sinabi nito. Nilapag ko sa kama ang binigay niyang bulaklak at niyakap siya. Niyakap niya rin ako at naramdaman pa ang paghalik niya sa aking noo, magaan lang 'yon.

"Hindi na ako galit sa 'yo, Abuelo. Huwag kang mag-alala."

Nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya ay tinignan niya para kumpirmahin na nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Are you sure?" he asked.

I smiled and nodded at him. "Yes, Abuelo. Just don't talk to Steven or go near him."

Tinalikuran ko siya at dinala ang bulaklak sa isang vase na walang laman sa labas ng balkonahe ng aking kuwarto. Doon ko nilagay ang binigay niyang bulaklak.

"About that," nakangiwing sambit ni Abuelo.

"About what?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Napawi ang ngiti sa aking labi ng makita ang reaksyon niya. Mukhang hindi maganda ang kutob ko sa nagiging reaksyon niya.

"About Steven—"

"Emilio? There you are. Kanina pa naghahanap yung kakilala mo sa sala. Babaan mo muna sila sa sala, mukhang gusto kang makausap."

Dumungaw sa pintuan ang ulo ni Francheska, nang tignan niya ako ay kumaway siya at ngumiti sa akin.

"Hi," pagbati ko.

"I'll go first, Lilianna. The foods are still in the dining room," pagpapaalam ni Abuelo.

Hindi na niya natuloy ang sasabihin nito tungkol kay Steven na hanggang ngayon ay hindi mawala sa aking isipan. Napailing na lang ako sa aking pinagiisip at nilapitan si Francheska.

"Kumain kana ba?" tanong ko sa kanya ng malapitan ito.

Tumango siya. "Yes. samahan na lang kita sa dining area kung gusto mo. Medyo busy mga tao ngayon kaya baka hindi ka maasikaso roon."

Hinawakan ko ang kanyang braso at sinakbit ang aking kamay. Sinarado ko ang aking kuwarto at hinila siya patungo sa dining area.

"Salamat. Hapon na rin kasi ako nagising kaya medyo late na ako nakapag-ayos ng sarili," wika ko habang naglalakad kami pababa ng hagdanan.

Nang makarating sa dining area ay naghanap agad ako ng puwesto para maupo roon. May mga bawas na mga pagkain sa mga lalagyanan ng mga ulam.

"Uhm, Lilianna. Puwede bang mauna na muna ako sa 'yo? I'm sorry may aasikasuhin muna ako sa office saglit ni Emilio. Tungkol lang sa Hermosa Botique."

"Okay, goodluck," nakangiti kong wika habang kumakain.

Mahina niyang tinapik ang aking braso at nagmamadaling umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan ng mawala sa aking paningin. Nagkibit balikat lang ako at pinagpatuloy ang aking kinakain.

Niligpit ko ang pinagkainin ko nang matapos ako. Nilapag ko 'yon sa lababo at nagmumog. Sakto pag-labas ko sa dining area ay sumalubong sa akin si Abuelo kasama si Mrs. Acasio.

"Oh, there you are," nakangiting wika ni Abuelo.

Ningitian ko sila at tinuwid ang aking tayo. "Goodevening po, Mrs. Acasio," pagbati ko. "Salamat at nakapunta ka po ngayong gabi."

Lumapit ako sa kanya at bumeso. Mukhang kagagaling pa ito sa school dahil naka formal attire pa siya. Niyakap niya ako at bumeso sa aking pinsgi.

"Mabuti at nakapunta ako ngayon dito. Medyo busy kasi sa school. Anyways, congratulations Lilianna," nakangiting bati nito sa akin. Nilingon niya si Abuelo nang may ngiti sa kanyang labi. "Napakatalinong bata pala itong si Lilianna, Emilio."

Mahina akong natawa at naramdaman ang pag-akyat ng dugo sa aking pinsgi. Paniguradong namumula ang pisngi ko ngayon dahil sa pagpuri niya.

"Of course it's runs in our blood. I'm smart, her mother is smart so she is," pagmamalaki niya.

Napuno ng tawanan ang puwesto namin. Sumama ako sa kanila ng balak nilang magtungo sa sala, para na rin mabati ang mga bisita ni Abuelo. Nakakangalay rin pala na palaging nakangiti, habang abala si Abuelo sa mga kausap nito ay dahan-dahan ang aking kilos para tumakas.

Lakad takbo akong nagtungo sa pangalawang palapag ng bahay. Dumiretso ako sa malaking balkonahe, may nakalagay na malaking sofa roon para puwedeng maupuan habang nakatanaw sa malaking hardin ng hacienda. Malapit lang ito sa aking kuwarto halos parang katapat na rin, pero ito ang pinakamalaking balkonahe sa taas.

Hinihingal na naupo ako sa sofa at kumuha ng red wine sa mini fridge na nakapuwesto sa gilid ng sofa. Nilapag ko muna ang bote sa maliit na lamesa at kumuha ng wineglass sa maliit na kabinet.

Kamuntikan ko nang maibagsak ang hawak kong wineglass ng may tumikhim sa aking likuran at nagsalita.

"I've been looking for you for a while. Dito lang pala kita makikita."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top