CHAPTER 26
CHAPTER 26
"¿Qué demonios está pasando aquí? ¿Por qué estás aquí? ¿Qué estás haciendo aquí?" sunod-sunod kong tanong kay Steven habang pinipigilan ang galit na gustong sumabog ngayon sa kanyang harapan.
(What the hell is happening here? Why are you here? What are you doing here?)
Galit na nilingon ko si Abuelo, katabi niya na ngayon sa gilid ng kama si Francheska na tahimik lang na nakamasid sa amin. Muling dumako ang aking tingin kay Steven na ngayon ay nakatayo pa rin sa kanyang puwesto.
"Él es quien me ayudó a llegar aquí," tugon ni Abuelo.
(He is the one who helped me get here.)
"I don't care!" I shouted. "You should call someone! You should call me," galit kong sigaw sa kanya. "Bakit 'yan pa! Sa dinami-daming tao bakit siya pa!?"
"Lilianna!" dumagundong ang malakas din na sigaw ni Abuelo.
Tuluyan nang tumulo ang pinipigilan kong luha sa kanyang harapan.
"Don't you dare raise your voice at me. We should be thankful that he saved me before I lost much blood," may awtoridad ang kanyang boses ng sabihin niya iyon.
"Kung hindi ka umalis sa hacienda, hindi ka maaksidente, Abuelo," lumuluha kong sambit. "But you still go outside! And look what happened to you! You almost got shot!"
"Atleast let's be thankful to Mr. Donovan, he saved me—"
"No!" malakas kong sambit, ang aking boses ay nanginginig dahil sa sunod sunod na hikbing kumawala sa aking labi.
Tinuwid ko ang aking tayo at umatras kay Abuelo. Mabilis ang aking paghinga dahil ang galit sa aking dibdib ay nandito pa. Nararamdaman ko ang panginginig nang aking katawan sa galit, pakiramdam ko ay umaakyat ang dugo ko sa aking ulo.
Alam kong namumula na rin ako sa harapan nila. Parang may sariling utak ang aking mga paa. Humakbang 'yon at nagtungo ako kay Steven. Wala pa rin namang pinagbago sa kanya, gano'n pa rin siya tumititig sa akin.
He gave me such a tender gaze in his attractive brown eyes that you'd think I was going to break. Pakiramdam ko ay para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig nito sa akin. It continued to have the same impact on me, and I despised it.
Malakas na dumapo ang aking palad sa kanyang kaliwang pisngi, halos umalingawngaw pa ang tunog no'n sa apat na sulok nitong kuwarto. Nabalot ng malakas na singhap ni Francheska at boses naman ni Abuelo ang nangingibabaw sa buong kuwarto.
"Lilianna!" sigaw ni Abuelo pero hindi ko siya pinakinggan.
Napabaling sa kanang bahagi ang kanyang ulo at umabot pa ng ilang segundo bago 'yon humarap sa akin. Walang emosyon ang kanyang mukha, nakakainis. Gano'n pa rin siya, hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mukha.
"After 5 years, Steven," nanginginig ang boses ko sa galit. Matalim na titig ang binigay ko sa kanya habang ang aking luha ay walang tigil sa pag-tulo. "After all fucking 5 years. Do you hear me?" nangangalaiti kong sambit sa kanyang harapan habang nakaduro sa kanya. "Ngayon ka lang magpapakita na akala mo walang nangyari? I waited you, naghintay kami sa 'yo pero nasaan ka? Para kang bula na naglaho!"
Malakas kong tinulak ang kanyang dibdib pero hindi man lang siya umatras.
"You never visit me! Hindi mo alam lahat ng pinagdaanan ko sa loob ng limang taon na nakalipas lalo na sa anak nating dalawa na namatay!" singhal ko, sobrang labo ng aking paningin dahil sa mga luha kong walang tigil sa pagtulo. "Tapos pumayag ka ng macremate sila ng hindi ko pa nakikita? This is unbelievable! I didn't know that you would do this! I'm the one who carry them for nine months, Steven! Nine fucking months! Kaya kung may mag dedesisyon kung anong gagawin sa bangkay nila ay ako at hindi ikaw!"
Hindi ko na nakayanan ang aking emosyon at humahagulgol na bumagsak sa lapag. Sumisikip ang aking dibdib at parang milyon-milyong karayom ang tumutusok sa aking puso. Dahil sirang plaka na naalala ko ang lahat ng nangyari sa akin bago lumipas ang limang taon.
"Lilianna, stand up," hindi ko na namalayan na tinutulungan ako ni Francheska na tumayo mula sa pakakasalampak sa sahig. Dahan-dahan akong tumayo habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
My babies, my triplets. My poor babies. Madiin ang hawak ko sa aking dibdib dahil hanggang ngayon ay sumisikip pa rin iyon sa tuwing pumapasok sa aking isipan ang mga anak ko.
"I fucking hate you, Steven. I fucking despise you for everything you've done to me. For all your lies and bullshits! I fucking loathe you for not visiting us after the accident. I fucking hate you for what you did to our daughter—no, my daughter. It's my daughter, not yours," madiin kong wika. "I hate you because you were not there when I needed you before!"
"Lilianna..." mahinang sambit ni Steven.
Parang baliw na tumawa ako sa kanyang harapan, ang luha sa aking mata ay tumutulo pa rin pababa sa aking pisngi.
"What? Kasinungalingan na naman ba ang sasabihin mo?" natatawa kong sambit.
Tinuro ko ang pintuan habang nakatingin sa kanyang mga mata. "Get out, Steven. Huwag na huwag kang magpapakita sa akin o sa amin. Naiitindihan mo ba?" madiin kong sambit.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin at parang naestatwa na lang sa aking harapan.
"What are you waiting for? Get out!" I shouted.
"Lilianna, I haven't talked to him yet," pagpigil ni Abuelo sa akin.
Mapait akong ngumiti at lumingon kay Abuelo.
"You haven't talked to him?" tanong ko.
"Alright, ako na lang ang aalis dito at sa pagpasok ko rito ulit kailangan wala na 'yang lalake dito," muli kong sinulyapan si Steven. "Nakakaintindi ka naman ng tagalog hindi ba? Umalis kana pagtapos na kayo mag-usap ni Abuelo, Donovan."
Tinalikuran ko silang lahat at naglakad patungo sa pintuan at binuksan. Bago pa tuluyang makalabas ay sinulyapan ko si Steven.
"Alam mo ang nakakatawa? Hinayaan ko na magpauto at maging tanga sa 'yo noon. Pero ngayon hindi na mangyayari 'yon, kung noon hindi ko kaya na wala ka nagkakamali ka. Nakaya ko ng limang taon, panghabang buhay pa kaya?"
Tinalikuran ko na sila at malakas na sinarado ang pintuan, napatakip na lang ako sa aking bibig ng maramdaman na naman ang paninikip ng aking dibdib.
Tahimik akong lumuha at napagpasyahan ng magtungo sa cafeteria ng MPH.
NANATILI AKONG NAKATINGIN sa iced coffee na inorder ko rito sa cafe ng MPH. Nandito ako napadpad at napagdesisyonan na uminom na lang nang kape para mabawasan ang init ng ulo ko.
"Nandito ka lang pala."
Awtomatikong umangat ang aking ulo para tignan kung sino 'yon. Malambot nag ekspresyon ng mukha ni Francheska sa aking harapan. Nginuso ko ang bakanteng upuan sa aking harapan.
"Take a seat," mahina kong usal.
Tumango lang siya at naupo sa upuan. Namayani ang katahimikan sa aming puwesto, wala ni isang nagsalita. Malapit kami nakapwesto sa glass window nitong coffee shop. May mahina rin na tugtog sa loob, kaya kahit papaano ay nakakarelax.
Nakakatanggal siya ng init ng ulo.
"Umuwi na siya," pagtutukoy niya kay Steven. Tipid niya akong ningitian at inabot ang aking kamay na nakapatong sa lamesa. "How are you? Are you okay?" malambing ang kanyang boses.
Napayuko na lang ako at mahinang natawa ng maramdam na namumuo ang aking luha.
"Okay naman ako, eh," bulong ko, inangat ko ang aking ulo at sinalubong ang singkit na mata ni Francheska. "Pero nung makita ko siya kanina bumalik na naman, lahat ng kinalimutan ko bumalik na naman sa isang iglap. 'Yon ang kinaiinisan ko."
I brushed away my tears and took a long breath to calm myself down. It's like a broken plate that continues replaying in my head everything I went through when he wasn't there.
If I had been with him during those days, I would not have had such a difficult time healing from what I had been through, but he chose to leave rather than staying by my side. The most terrible thing is that there is no text asking whether I am okay or not.
"I'm sorry for what I did, Francheska. For shouting at Abuelo and everything. I was simply furious at him. You know what I've gone through, so I hope you understand why I acted the way I did a while ago," malumanay kong sambit.
Tipid niya akong ningitian at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.
"Naiintindihan kita, Lilianna. Your feelings are valid. Don't worry, I won't judge you," malambing niyang sambit sa akin.
Mabilis kong pinunasan ang aking luha ng tumulo 'yon, ningitian ko siya at tumayo na habang ang isang kamay ay inabot ang iced coffee na kalahati pa lang ang bawas.
"Let's go?" pag-aya ko sa kanya. "Para makapagpahinga na si Abuelo. Gusto ko na rin magpahinga sa sobrang daming ganap ngayon. Inaantok na ako," reklamo at humikab.
Mahina siyang natawa sa aking sinabi. "Yeah, sure. Nakaready na rin naman na ang van sa labas ng hospital. Nagbayad na rin ako ng bills kaya puwede ng madischarge si Emilio," sagot ni Francheska.
Tumango ako at naglakad na kami pabalik sa kuwarto ni Abuelo. Nang makapasok sa loob ng kuwarto ay kaming tatlo na lang ang nasa loob. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makumpirmang wala siya.
Thank God, he's already left.
Naunang pumunta si Francheska kay Abuelo at sumunod naman ako. Agad ko siyang sinugod ng mahigpit na yakap at tinanday ang ulo sa kanyang balikat.
"Siento haberte levantado la voz, Abuelo," I whispered at him.
(I'm sorry for raising my voice at you, grandpa.)
Isang mainit na bisig din ang yumakap sa akin. Sinimulan niyang suklayin ang buhok ko bago ako tignan. Nakangiti ito sa akin.
"I'm sorry too, Lilianna. If I just listen to you I wouldn't be here. I'm really sorry, my dear," paghingi niya ng tawad.
Tumango ako. "Makinig kana po sa akin, Abuelo. Para naman po 'to sa inyo kaya pinagbabawalan po kita. Malapit naman na rin po ang campaign event at botohan na rin ang manyayari makalipas din ng ilang linggo."
"Don't worry, this will be the last," tugon niya.
Ngumiti ako at muli siyang niyakap. Mabuti naman at sang-ayon na siya sa aking sinabi. Delikado sa amin na palagi kaming umaalis lalo na sa labas ng Pazamor. Hangga't hindi pa tapos ang eleksyon sa magiging bagong mayor ng Monterico City hindi ako mapapanatag na ayos lang kami.
Dahil kay Cillian Donovan, naikwento na rin sa akin ni Abuelo noon na ang mga naunang Donovan na tumakbo bilang mga mayor sa Monterico City ay mga sakim. Tumagal pa yata ng ilang taon 'yon dahil sunod sunod ang pagkapanalo ng mga Donovan sa mga eleksyon.
At ngayon naman ay si Cillian Donovan na ang tatakbo bilang bagong mayor at siya ang kalaban namin ngayon ni Abuelo. Isa rin naman talaga sa pangarap ni Abuelo ang mamuno sa Monterico City kaya suportado ako sa gusto niya.
Ang kaso ang hirap naman siguro kung ikaw mismo patas sa labanan pero ang isa nandadaya. Anong silbi ng pagiging patas kung may kalaban kang mandaraya.
"NEXT! WHERE'S MS. Lilianna Sia Abella? Mag-proceed na po sa room para ma-picture-ran na."
Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumasok sa loob. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nanggagaling sa split type aircon.
"I'm Lilianna," wika ko ng makapasok sa loob.
Inassist naman ako ng isang babae papunta sa pwesto kung saan ako kukuhaan ng litrato para sa graduation picture ko. Kulay puting modern filipiniana ang suot ko. Inabutan agad nila ako ng sablay at inayos 'yon.
Si Francheska ang gumawa nitong sout ko at siya rin ang nag make-up sa akin. May pearl necklace akong sout, kaparehas din sa earrings. Ang aking buhok naman ay kinulot niya na parang beach waves ang style at may kaonting palamuti na perlas din ang design. Maliit 'yon at nakadikit sa bandang itaas ng aking buhok.
"Two shots po ang gagawin natin, Ms. Abella. Yung isa may sout kang sablay yung pangalawa naman wala kang suot na sablay," nakangiting wika ng babae na nag-aasist sa akin.
"Okay po," tugon ko.
Nagtungo agad ako sa upuan at naupo roon. Napapikit pa ako dahil sa mga lightings, nakakasilaw siya.
Tinulungan akong mag-ayos ng babae at kumuha pa ng malaking salamin para matignan ko ang aking mukha. Hindi pa rin naman siya hulas dahil naka aircon naman kami sa labas at gano'n din dito sa loob. Nang kuntento na ako sa aking sarili ay binalik ko na 'yon.
"Ang ganda mo po, Ms. Abella. Apo ka po ni Kapt. Emilio sa Pazamor tama po ba?" tanong niya habang nakangiti sa akin.
"Opo," nahihiya kong tugon.
"Congratulations po agad sainyo, Ms. Abella," pagbati niya sa akin.
"Thank you."
Nagusap pa kami sa kung anong bagay. Madaldal din ito kaya hindi rin ako naboring. Dumating din agad ang photographer kaya nakuhaan agad ako ng litrato. Nagpapicture rin ako sa cellphone ko para ipakita rin kay Abuelo kapag okay na.
Tahimik akong naglakad palabas nang UMC, tumutunog sa bawat hakbang ko ang sout kong nude stiletto. Mahigpit ang hawak ko sa aking black handbag habang nagmamadali sa paglalakad.
Naghihintay lang kasi si Francheska sa labas ng UMC at hindi na sumama sa loob dahil tinatamad siya. Iikot pa kasi ito sa likod ng building para mag park ng kotse kaya mas gusto nalang niyang maghintay sa labas.
Tumigil ako sa sidewalk para hanapin ang kotse ni Francheska pero wala. Kunot noo na kinuha ko ang cellphone sa handbag para tawagan ito. Nang mag ring ang phone ay tinapat ko agad 'yon sa aking tenga.
"Francheska, where are you—ahh!"
Malakas akong napasigaw nang may humila sa aking braso.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top