CHAPTER 25
CHAPTER 25
NAKAPALUMBABA AKO HABANG nakatingin sa aking laptop. Nandito ako ngayon sa balkonahe ng aking kuwarto at tinitignan lang ang manuscript ng thesis namin. Magiging hardbound na ito pero gusto ko lang talagang tignan 'yon.
"Ilang beses mo ng tinitignan 'yang manuscript mo."
Humaba ang aking nguso at nilingon si Francheska, nakadekatwaro ito at sumisimsim sa iniinom niyang tsaa. Ganito palagi ang ginagawa namin sa tuwing magkasama kaming dalawa, laging nasa veranda ng kuwarto ko at papalipas ng oras o 'di kaya naman sa lanai sa hardin.
"I'm just scared, Francheska. What if there's many typos in our manuscript? Nakakahiya naman kung maraming typos pag na hardbound na 'to," sagot ko at sumandal sa aking kinauupuan.
Nilapag niya ang kanyang tasa sa lamesa at pinatong ang kanyang palad sa ibabaw nang kanyang hita.
"You already checked it thrice. Sasakit lang ulo mo kung lagi mong iniintindi 'yan," nakangiti niyang sagot.
Ngumuso na lang ako at sinarado ang laptop. Pinatong ko ang aking paa sa aking kinuupuan at niyakap ang tuhod ko.
"Okay..." I whispered.
"Chill out, Lili. Masyado mong iniistress ang sarili mo. secured na Cumlaude kana," pagbibiro niya sa akin.
Nilagay ko ang aking baba sa tuhod habang pinagmamasdan siya. Ngayon ko lang nakita na nakalugay ang kanyang buhok dahil palagi siyang naka clean bun, maalon din ang buhok niya katulad sa akin.
"Francheska, you look more beautiful if you let your hair down," pag-iiba ko ng topic.
Ang singkit niyang mata ay bahagyang nanlaki sa akin sinabi. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pamumula ng kanyang pisngi. Muli niyang kinuha ang tasa sa lamesa at sumimsim doon.
Umaga ngayon at parehas na kagigising lang. Kaya nakalugay ang buhok nito, naka terno silk pajama lang kami ang pinagkaiba lang ay ang kulay, puti sa kanya at sa akin naman ay pula.
"Hindi ka sanay sa mga sinasabi ko 'no?" panunudyo ko.
Mahina akong natawa ng makitang inirapan niya ako habang ang tasa ay nasa kanyang bibig. Sumisimsim pa rin ito ngayon.
"Stop teasing me, Lilianna. Your Abuelo, tell me that you're also teasing him," malumanay niyang wika.
Inayos ko ang aking pagkakaupo at binigyan siya ng nakakalokong ngiti.
"I tease him about you," nakangiti kong sambit at tinuro siya. "Alam ko naman na may relasyon kayo ni Abuelo ayaw niyo sabihin sa akin, eh," pang-aasar ko.
Nasamid siya bigla sa aking sinabi. Naitikom ko ang aking bibig at hindi na nagsalita. Mukhang hindi niya talaga inaasahan na manggagaling 'yon sa aking bibig.
"I thought he told you about our relationship," she stuttered as she recovered from choking on her tea.
Nakangiting umiling ako. "Siguro nahihiya pa siya na sabihin sa akin, Francheska," sagot ko.
Napalunok siya sa aking sinabi. Nanlambot ang expresyon ng kanyang mukha. Nilapag nito ang hawak na tasa at tumayo. Sinundan ko siya nang tingin hanggang makarating sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at tipid na ngumiti.
"Are you mad or somehow upset at me? Or in the relationship between me and your Abuelo?" she asked nervously.
I took a deep breath and hold her hands. "No, Francheska. I'm not mad," I answered. "Masaya ako para sa inyong dalawa ni Abuelo, kaya tanggalin mo na 'yang kaba sa dibdib mo. parehas naman kayong nasa tamang edad kaya gawin niyo kung anong nararapat."
Tipid niya akong ningitian. "Thank you, Lilianna. Thank you for accepting our relationship. I know that he still loves your Abuela. Nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang pagmamahal niya sa kanya."
"Francheska," malambing kong sambit sa kanyang pangalan. "Alam ko–"
Naglaho ang ngiti sa aking labi nang makita ang pamumula ng kanyang mga mata.
"I know he still loves her, but I won't replace her in his heart. Naiitindihan ko naman siya, gusto ko lang na samahan siya hanggang pagtanda namin kahit 'yon lang," seryoso ang tono ng kanyang boses habang nakatingin sa aking mga mata. "I love your Abuelo, Lilianna."
I just smiled at her and wiped the tears that ran down her cheeks. "I know, Francheska. Tanggap ko naman kayo ni Abuelo," nakangiti kong tugon.
Hindi agad ako nakakilos ng bigla niya akong yakapin. Niyakap ko siya pabalik at kasabay no'n ang biglang may pumasok sa loob ng kuwarto.
"Lilianna? I'm sorry if I came in. I just want to say that I'm going somew–Francheska? What are you doing here? I thought you were at the garden." Biglang sambit ni Abuelo nang makitang magkasama kaming dalawa.
"Nag-bobonding lang kami ni Lilianna," sagot ni Francheska at pasimpleng suminghot.
"Where are you going, Abuelo?" I asked and walked towards him.
Iniba ko na agad ang usapan at baka mapansin pa ni Abuelo na galing sa iyak si Francheska.
"I'm just going somewhere near Monterico. I'll just meet my friend there, and that's all," he answered.
Napalingon ako sa aking gilid ng maramdaman ang kamay ni Francheska sa aking balikat. Nakalapit na siya sa amin at pinapakinggan ang aming pinaguusapan.
"Abuelo, puwede bang sa susunod na lang kayo magkita ng kaibigan mo?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
Naglaho ang ngiti sa kanyang labi. "Just this one, please?"
"It's too risky for you if you always go outside. Much better if you stay here after the campaign event."
"I'll be safe, I promise. This is important; that's why I need to see them," pamimilit nito sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako. Nang magkatinginan kaming dalawa ni Francheska ay nagkibit balikat lang ito at binalingan nang tingin si Abuelo.
"Are you sure that this is very important?" paninigurado ko.
He nodded. "Of course. This is very, very important."
Napabuga na lang ako nang hangin at tumango. Wala naman akong magagawa kung importante talaga ang kikitain niya.
"Okay, Abuelo. But please take care of yourself, okay?" malumanay kong sambit sa kanya. "Alam mo naman ang puwedeng gawin ni Cillian. Mainit ka sa mata niya ngayon, Abuelo. Kaya sana maintindihan mo kung bakit ayaw ko na laging kang lumalabas sa baryo natin," malambing kong wika.
Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tipid niya lang akong ningitian at mahinang tinapik ang tuktok ng aking ulo.
"Don't worry, Lilianna. I'll be safe, I promise," nakangiti niyang wika.
I just nodded, even though I was worried. "Okay, Abuelo. Please be safe, and text us if something bad happens to you."
"Yes, I will."
IT'S ALREADY BEEN 5 HOURS since Abuelo left the hacienda. Nasa sala na kami ngayon ni Francheska at tinutulungan siyang iorganize ang mga papers na kakailanganin para sa campaign event.
Meron pa ngang gaganapin na congratulations party para sa akin. Napahilamos na lang ako sa aking mukha nang maalala 'yon, wala rin naman akong choice dahil mas pipiliin ko na rin na sa hacienda na lang din imbis na kumain sa labas.
Sa ngayon ay wala pa naman na natatayo na restaurant dito sa baryo namin, kaya palagi kami sa Monterico City kumakain kung gusto namin mag dinner doon.
"This white folder, Francheska, is already done," wika ko at inabot sa kanya ang hawak kong puting folder.
Tinanggap niya naman, 'yon habang nakatingin pa rin sa mga nagkalat na papel sa lamesa. Napabuntong hininga na lang ako at dahan-dahang humiga sa malambot na sofa.
"My back hurts," I complained.
Nakita ko siyang napatingin sa aking direksyon. Nanatili akong nakatingin sa mataas na kisame at hindi siya nilingon.
"Do you want to get a massage? I know a good masseuse. Sakto puwede siyang mag home service," sambit niya.
Napaupo ako sa sinabi niya. "Pinagiisipan ko nga 'yan. Kaso baka sa susunod na lang, kulang lang yata ako sa higa," pagbibiro ko.
Narinig ko ang mahina niyang tawa, kaya napailing na lang ako. Hinilot-hilot ko ang balikat ko at napabuga nang hangin.
"Nakailang tulog kana nga-"
Napalingon kami sa telepono na nakapatong sa gilid nang sofa nang biglang mag-ring 'yon. Nagkatinginan kaming dalawa ni Francheska at tumagal pa 'yon ng ilang segundo.
"Something is off here. I don't feel good," I whispered to her.
Medyo kakaiba ang nararamdaman ko sa tawag na 'yon. Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng aking puso na akala mo ay nakipag karerahan sa kabayo, halos dinig na dinig ko ang tunog ng tibok no'n hanggang sa aking tenga.
"Can you answer the call?" Francheska nervously asked.
Tumango ako. "Sure."
Namayani ang katahimikan sa buong sala. Tumayo na ako at nagtungo sa telepono na hanggang ngayon ay nag-riring pa rin.
"Mango juice, po?"
Sumilay ang ngiti sa aking labi ng makita si Manang Minda. May hawak siyang malaking pitsel ng mango juice na may kasamang dalawang baso na nakalagay sa tray.
"Thank you po, Manang Minda. Pakilapag na lang po 'yan sa center table," tipid ko siyang ningitian at tinalikuran na. Narinig ko pa ang pagkalansing ng mga baso nang ilapag niya lahat ng 'yon sa center table.
I took a deep breath and answered the call. I put the telephone in my left ear and talked.
"Hello?"
"This is Dr. Clark from Monterico Private Hospital. Can I please talk to Ms. Lilianna Sia Abella?"
Monterico Private Hospital? Mabilis pa sa alas kwatro na nilingon ko si Francheska. Nanlalaki ang aking mata na tinignan ito. Tinakpan ko ang telepono gamit ang aking palad.
"It's from Monterico Private Hospital," I whispered.
Her narrow eyes widened. "What?!" malakas pero pabulong niyang usal sa akin.
Napalunok ako at nanginginig ang aking kamay na dinala ang telepono sa aking tenga. Para akong kakapusin ng hininga, dahil si Abuelo lang ang aking nasa isip ngayon.
"It's me. I'm Lilianna Sia Abella," salita ko.
"Good afternoon, Ms. Abella. I want you to come here at MPH because Mr. Villafuerte is here," mahinahon na sambit ng doktor.
Kusang nanlambot ang aking tuhod sa narinig. Pabagsak akong naupo sa malambot ng sofa, habang ang aking puso ay walang tigil sa pagtibok ng mabilis na akala mo ay gusto niyang kumawala sa dibdib ko.
"W-what happened?" kinakabahan kong tanong. "Is he okay? Is my Abuelo okay?" naiiyak kong sambit.
"Lilianna, what happened to Emilio?" tanong ni Francheska sa akin.
Nag kibit balikat ako sa kanya at sumenyas na maghintay dahil gusto kong marinig ang susunod na sasabihin ng doktor.
"Paki-utusan na lang si manong na ilabas ang van sa grahe, Francheska. Sabihin mo sa MPH ang punta natin," utos ko sa kanya.
"Okay," tipid niyang tanong at nagtungo sa labas para hanapin ang magiging driver namin.
"He was shot, but gladly, he's okay now. He just wants you to come here."
"Papunta na po ako," pagputol ko sa kanyang sinabi.
"Okay, Ms. Abella. I'll hang up the telephone call," said the doctor.
Tumango ako na akala mo ay nandito siya sa aking harapan. "Okay, doc. Thank you very much."
"You're very welcome."
Pagkababa nang tawag ay nag-asikaso na agad ako ng sarili. Mabilis akong umakyat sa taas at pinalitan lang ang sout kong damit. Hindi na agad ako namili sa closet at unang dinampot ko lang ang sinuot ko.
Isa 'yong white sleeveless top na pa-scoop ang neckline. Nakasout naman ako ng kwintas na hierloom, kaya hindi rin naging boring ang outfit ko. Bumagay rin naman ang top sa sout kong maong na short. Kinuha ko ang sandal na regalo sa akin ni Abuelo last year.
It was a dioract sandal, a white quilted cannage calfskin. It's from Dior; may color nude pa akong ganito nabigay rin ni Francheska noong pasko. Bago tuluyang bumaba ay kumuha rin ako nang maliit na sling bag at sinakbit sa aking balikat.
Lumabas na ako sa walk-in closet at napatingin sa urn ng triplets. Sumilay ang ngiti sa aking labi at naglakad patungo ro'n. Hinaplos ko ang takip no'n at yumuko para halikan.
"Aalis muna si mommy mga anak," mahina kong sambit. "Don't worry, I'll be back. Your Abuelo needs me. Bye," pagpapaalam ko.
Lakad takbo akong bumaba at dumiretso sa labas nang hacienda. Nasa loob na ng van si Francheska ng makalabas ako ng gate. Ang palaging ayos ng kanyang buhok ay wala na, nakalugay na naman ito. Mukhang naiistress na naman kay Abuelo.
"Let's go, Francheska," pag aya ko ng makapasok sa loob ng van.
"Manong, tara na po. Dahan-dahan lang po sa pag drive," wika ni Francheska.
Napabuga ako ng hangin at nilagay ang sling bag sa ibabaw ng aking hita. "Nakalugay na naman ang buhok mo, halatang naiistress kana."
"How can I not stress? Your Abuelo is so hard headed. We already talked about this. We can't go outside for the longest time because it's dangerous. Alam naman natin na maraming gustong tumakbo bilang bagong mayor ng Monterico City pero iba 'tong si Cillian. Siya lang naman ang hindi patas pag dating sa ganitong eleksyon," mahaba nitong lintayan at napasuklay na lang sa mahaba nitong buhok.
"I know, right? Mabuti nga at napagsasabay mo pa na tulungan si Abuelo. Meron kang naiwang business hindi ba? Kumusta na 'yon?" tanong ko.
Napabuntong hininga ito. "Okay naman 'yon. Ang assistant ko muna ang nag-aasikaso no'n. Gusto ko ng gumawa ng bagong design. Sa ngayon tutulungan ko muna si Emilio sa mga gagawin niya ngayon," tugon nito.
Tumango na lang ako at sinandal ang likod sa upuan. Namayani ang katahimikan sa buong van, wala ni isang nagsalita dahil parehas kaming iniisip ang kalagayan ni Abuelo.
Nang makarating sa MPH ay lumabas na agad kami sa van at nagtungo sa front desk nang ospital para malaman ang kuwarto ni Abuelo.
"Hi, I'm Lilianna Sia Abella, granddaughter of Emilio Villafuerte. May I know where's his room?" hinihingal kong tanong sa kanya.
Bahagya pang nagulat ang babae ng makita ako. Nasa likuran ko lang si Francheska na parang natatae na sa sobrang kaba. Kahit naman din ako, hindi mapapanatag ang kaba na nararamdaman namin hangga't hindi namin nakikita na okay si Abuelo.
"Goodafternoon po, Ms. Abella. Third floor, room 4 po ang kuwarto ni Kapt. Emilio," sagot ng babae.
"Thank you," I answered, and I gave her a smile.
Hinawakan ko ang kamay ni Francheska at nagmamadali na pumasok sa elevator. Hindi mapakali ang paa ko sa pag galaw dahil parang ang bagal ng elevator. Nang makalabas kami ay hila hila ko pa rin si Francheska.
"This is his room," Francheska whispered as she stared at the door number.
Tumango ako. "Let's go."
Tatlong beses akong kumatok at dumiretso na agad sa loob. Binuksan ko ang pintuan at nakita agad si Abuelo na nakaupo sa kanyang higaan, parang may kausap pa ito sa harapan, pero hindi ko na ;yon pinansin dahil dumiretso ako sa kanya.
Mukhang naramdaman niya na may nakapasok sa loob ng kuwarto nito, kaya napatingin siya sa aking gawi.
"Lilianna–"
Nakakunot ang aking noo at binagsak ang sling bag sa gilid ng kanyang kamay.
"Ya te lo dije, abuelo. Pero no me escuchaste. Es muy peligroso para nosotros salir siempre, especialmente para ti. ¡Te dispararon, como me informó el Dr. Clark por teléfono! Esta será la última vez que saldrás de Pazamor, ¿Me entiendes?"
(I already told you, Abuelo. But you didn't listen to me. It's very dangerous for us to always go outside, especially you. You were shot, as Dr. Clark informed me over the telephone! This will be the last time that you will go outside Pazamor, Do you understand me?)
Mabilis at habol ang aking hininga ng banggitin 'yon sa kanyang harapan. Namumuo ang mga luha sa aking mata habang binabanggit 'yon. Si Francheska naman ay nasa kabilang gilid na ni Abuelo at chinicheck siya.
"He wasn't shot completely. Daplis lang naman yung nangyari sa kanya."
Isang pamilyar at baritonong boses ang aking narinig. Parang bumagal ang ikot ng aking mundo. Lalo nang tignan ko ang puwesto kong saan nanggaling ang boses na 'yon.
Nang makita kung sino 'yon ay hindi nga ako nagkakamali dahil ang unang lalakeng pumasok sa aking isipan ng marinig ang boses na iyon ay tama. Wala pa rin palya, iba pa rin ang impact ng kanyang boses sa akin kahit wala na kami.
After five years, he was suddenly here in front of me.
After five years, he's casually talking to me like he didn't do something? Ngayong nakita ko ang kanyang pagmumukha ay unti-unting pumasok sa aking isipan ang lahat ng pinagdaanan ko noong nalaman ko na namatay ang aming anak.
Naglaho siya ng parang bula kung kailan kailangan ko siya. Kung kailan na kailangan ko ng karamay at masasandalan dahil sa pagkamatay ng anak namin.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top