CHAPTER 23
CHAPTER 23
PARA AKONG BALIW na nakatulala sa madilim na kalangitan. Nasa balkonahe ako at nagpapahangin. Malamig na hangin ang bumalot sa aking katawan at sinasayaw no'n ang aking itim, mahaba, at maalon na buhok.
Kagigising ko lang dahil nakatulog ako pagkatapos kong umiyak. May gatas ang aking dibdib pero ang iinom no'n ay wala, kumirot ang aking puso dahil do'n. Paano ko makakalimutan o matanggap ang pagkawala ng tatlo kung may naiwan pa rin sa akin?
Nag-pump ako nang gatas dahil sayang naman kung hindi ko gagawin 'yon. Balak kong idonate ang lahat ng 'yon pero nag tira ako para sa tatlo. Nilagay ko ang tatlong bote nila na pina-customized ni Steven, may pangalan nila ang tatlong bote. Tinabi ko na lang 'yon sa urn nila, alam kong kailangan nila 'yon.
Napalabi ako at huminga ng malalim. Nanginit ang gilid ng aking mata, nagbabadya na namang tumulo ang aking luha sa tuwing naaalala ko ang tatlo. Ang hirap pa rin, sobrang hirap.
Naupo ako sa bakanteng upuan at hinigpitan ang hawak sa manipis na balabal habang nakatingin sa magandang tanawin sa labas ng aking kuwarto. Hardin ito ng hacienda ni lolo, malaking tulong din ito dahil makukulay na bulaklak ang aking nakikita.
"Lilianna?"
Mabilis akong lumingon sa aking likuran nang marinig ang boses ni lolo. Nakadungaw ang kanyang ulo sa pintuan at nakatingin sa akin.
"Pasok po," malumanay kong tugon.
Hinawi ko hanggang dulo ang kurtina na nakaharang sa glass sliding door para makita ko siya ng tuluyan.
"I'm sorry, my dear. I just finished my paperwork at my office," pagpaumanhin nito ng makapasok sa loob.
Hindi ko na siya nilapitan dahil dumiretso na ito sa aking puwesto. Naupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ko, ang kanyang damit ay gano'n pa rin. Hindi pa napapalitan dahil busy siya siguro sa ginawa nito.
"Okay lang po," mahina kong sagot sa kanya.
"I tried to talk to your mother, but she cut me off," panimula nito, may lungkot na ngiti sa kanyang mukha ng banggitin niya 'yon.
"A-alam ko naman na kasalanan ko iyon," pagdugtong nito.
Naestatwa ako sa aking kinauupuan ng marinig na nagtagalog ito. Hindi yata siya sanay mag tagalog kaya gano'n ang salita niya.
"Bakit po kasalanan niyo?" kunot noo kong tanong.
Wala talaga akong alam sa buhay ni mama noon bago pa ako mabuo. Hindi sinasabi sa akin ni papa dahil mukhang nasasaktan siya kapag sinasabi 'yon. Sa tuwing tinatanong ko siya tungkol kay mama nababasa ko sa reaksyon ng kanyang mukha ang pagiging malungkot nito. Kaya kahit gustuhin ko man malaman ay hindi ko na lang pinilit alamin.
"I'm sorry, my dear," paghingi ng paumanhin nito sa akin. "I am against your parents' love. That's why they ran away. I'm angry because she ended up marrying Arturo. I don't like Arturo for her because he didn't finish school. He just graduated elementary. That's why I'm angry when I found out they have a secret relationship," pagkukwento nito.
Bumilis ang tibok ng aking puso ng marinig 'yon. Halos dinig ko ang pintig no'n hanggang sa aking tenga. Isang tao lang ang pumasok sa aking isipan dahil sa sinabi niya.
Ang lolo ni Steven. Parehas na gano'n ang sinabi ng lolo ni Steven sa akin, hindi niya ako gusto para sa kanyang apo dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral.
Kasabay ng pagsikip ng aking dibdib, ang aking luha ay nangilid.
"B-bakit po?" nauutal kong sambit. "H-hindi niyo po ba gustong maging masaya si mama kay papa?" naluluha kong sambit.
Napayuko siya sa aking sinabi at parang nahihiya. Parehas kami ng pinagdaanan ni mama. Parehas na ayaw ng magulang ang kaso pinagkaiba lang ay mismong ama nito ang tutol sa pagmamahalan nila samantala sa amin ni Steven ay ang lolo nito.
"I'm sorry, my dear," paghingi ulit nito ng tawad. "At first, I disliked their relationship. They left when I refused to agree to her marrying your father, and they eventually settled in Cierra. My friend, who works in Monterico's municipal hall, just informed me that they are married," pagkukwento nito.
Nang umangat ang kanyang ulo ay may bahid na luha sa kanyang pisngi. Malungkot ang sumilay ng ngiti sa kanyang labi.
"I did not accept it right away, but in the end, I realized there was nothing I could do if I knew Alejandra was happy with Arturo. So I want to talk to her again so that we can be okay. I found out a few months after their marriage that she was pregnant with you, so I want to Alejandra and me to be okay, and also I want to meet you too. I want to meet my granddaughter."
Garalgal ang boses nito habang nagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil ngayon ko lang din narinig ang storya tungkol sa pag-ibig nilang dalawa.
"When she gave birth to you, she also died. It stills hurts since we did not even make up before she passed away." hindi nakaligtas sa akin ang pagtulo ng kanyang luha.
Sumikip ang aking dibdib dahil do'n. Napalunok ako at pinaglaruan ang aking daliri. Masaya ako na marinig ang love story ni mama at papa, matagal ko ng gustong malaman 'to at sa wakas alam ko na.
"Lolo, kung alam niyo po na masaya si mama kay papa sana po pumayag na lang kayo," naiiyak kong wika. Sinalubong ko ang kanyang tingin. Namumula pa rin ang kanyang mata dahil sa pag-iyak. "Alam ko po yung nararamdaman ni mama dahil gano'n din po ang sinabi ng lolo ni Steven sa akin."
Sinubukan kong alisin ang nakaharang sa aking lalamunan dahil nahihirapan akong magsalita. Parang may nakaharang doon kaya napipiyok pa ako.
"H-hindi niya ako gusto para kay Steven kasi hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral at mababa ang estado sa buhay," humihikbi kong sambit. "Masakit po para sa akin ang masabihan ng gano'n. Nagmamahalan lang naman kaming dalawa ng apo niya pero bakit ayaw niyang matanggap?" nasasaktan kong sambit.
Paulit ulit na pumasok sa aking isipan ang sinabi ni Kapt. Cillian sa akin. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Alam ko naman na may mga tao talaga na humahadlang sa pagmamahalan niyo pero ang sakit pa rin pala kapag sa 'yo nangyari 'yon.
"Kung nung una pa lang po tanggap niyo sila hindi nila maiisipan na magtanan," lumakas ang aking iyak nang maramdaman ang mainit ng bisig ni lolo sa akin. "Alam na alam ko ang nararamdaman ni mama dahil gano'n din ang nangyari sa akin. Masakit lang ngayon, wala si Steven sa tabi ko kung kailan kailangan ko siya. Mas pinili niya yata ang lolo niya kesa sa amin ng anak niya," humahagulgol kong wika sa kanyang bisig.
"I'm sorry to hear that, my dear," pag-aalo niya sa akin. "I'm really sorry, for everything I do to your parents. I'm not the same as before, I'm sorry if Cillian said that to you."
Umiling ako at pinunasan ang aking luha. "Hindi mo po kasalanan 'yon, lolo kaya huwag ka pong magsorry sa sinabi ni Cillian sa akin."
Siya na ang kumalas sa pagkakayakap namin at bumalik sa kanyang kinauupuan. Parehas kaming emosyonal ngayon. Wala ng bahid ng luha sa kanyang pisngi pero medyo namamaga ang kanyang mata at gano'n din sa akin.
"Lili, I'm happy that you still wearing her necklace," biglang wika nito.
Bumaba ang tingin ko sa sout kong kwintas. Pinalitan ko 'yon, isa 'yong gintong kwintas na ang pendant no'n ay kulay pula na dyamante. Sa gitna no'n ay may nakaukit na VF pero cursive ang style.
Abot hanggang tenga ang aking ngiti dahil napansin niya 'yon. Hinawakan ko 'yon at tinignan.
"Sabi po ni papa ay heirloom daw ito," dumako ang tingin ko sa kanya. "Galing daw po ito kay lola na binigay niya kay mama at sa akin naman po."
"You're right," pagsang ayon nito. "I'm happy that she's still taking care of that. That's very precious to me because it came from our family," tumayo siya at nagtungo muli sa akin.
"And hopefully you'll pass this to you babies soon," malambing niyang wika.
Napalabi ako at wala sa sarili na nilingon kung saan nakapwesto ang urn ng triplets.
"Meron na sana pero maaga lang silang kinuha sa akin," nanginginig ang boses ko ng sabihin 'yon.
Malungkot ang kanyang mukha ng haplusin nuya ang aking buhok. "Maybe in the right time, Lilianna. God will give them back to you."
Huminga ako ng malalim at tumango. Malamig ang simoy ng hangin na dumaan sa aming puwesto.
"Pero sila pa rin ang gusto ko," hindi ko na napigilan na tumulo ang pinipigilan kong luha.
"I know, my dear. I know."
LUMIPAS NG NAGDAAN NA ILANG LINGGO ay nakapag-adjust naman ako sa bagong tinitirhan ko. Ang kaso pinagbago lang ay hindi nila ako pinapatulong sa gawaing bahay.
"Nako, señorita Lili kami na po ang bahala rito. Kami kasi ang papagalitan kung malaman ni Kapt. Emilio na tinutulungan mo kami."
"Kahit pag wawalis na lang po, Ate Nina," pamimilit ko.
Hindi ako sanay ng walang ginagawa. Gusto ko palagi ay kumikilos ako.
Umiling si Ate Nina. "Hindi talaga puwede, señorita. Baka gusto niyo pong magpahinga sa hardin. Kakagawa lang kasi ang lanai roon at para po sainyo 'yon," nakangiti niyang wika sa akin. "Atsaka po CS po kayo hindi ba? Mabuti nga po at nakakalagaw kayo ng maayos ngayon. Alam ko pong matagal mag heal ang tahi sa tyan mo."
Napangiwi ako at umiling. "Nakakaya ko naman na po ngayon."
"Nako, señorita. Hindi pa rin po ako papayag. Atsaka mainit po rito, hindi pa kasi naaayos ang aircon. Sa kuwarto na lang po ninyo kayo magpahinga."
Totoong ang sinasabi nito. Parehas din kaming pawisan dahil na rin sa init ng panahon ngayon, summer kasi. Wala akong nagawa kaya bumalik na lang ako sa aking silid.
Umakyat na ako sa hagdanan at ng makarating sa pintuan ng aking silid ay pinihit ko ang seradura. Pumasok ako sa loob at sumalubong sa akin ay malamig na hangin, dahil 'yon sa nakabukas na aircon.
Hindi 'yon pinapapatay ni lolo dahil ayaw niya ako na mainitan. Napasulyap ako sa urn ng kambal, araw araw ko 'yong nililinisan para hindi madapuan ng alikabok. Ang kanilang bote na naglalaman ng gatas na galing sa akin ay pinapalitan ko rin araw araw.
Kahit wala na sila gusto ko na may pakinabang pa rin ang gatas na nanggagaling sa aking dibdib. Alam ko kailangan nila 'yon. Mapait akong ngumiti at nagtungo sa kama, naupo ako roon. Pinagmamasdan ko ang lalagyan ng abo ng aking mga anak.
"Kumusta kayo diyan?" mahina kong tanong, umangat ang aking kamay at hinaplos ang kanilang urn. "Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin tanggap ang pagkawala niyo," napalunok ako ng maramdaman na para bang may nakabara sa aking lalamunan.
Binuhat ko ang urn ng triplets at niyakap 'yon. Pakiramdam ay milyon milyong karayom ang tumusok sa aking puso ng makulong sila sa aking bisig.
Sinusubukan kong maging malakas pero hindi ko pala kaya. Sobrang sakit ng puso ko, sa loob ng ilang araw na nakatira ako rito ay walang araw na hindi ako umiiyak dahil sa triplets, walang gana kumain pero nagagawa ko naman lagyan ng pagkain ang tyan dahil si lolo naghahatid. Minsan naman ay sinasabayan ako para lang makakain.
Nakakaya ko naman ang postpartum ko, si lolo na nagsabi no'n na laging napagdadaanan ng mga nagiging ina ang postpartum. Naglalagas ang buhok at iba pa.
Hindi ko na napigilan na lumuha habang yakap yakap ang aking mga anak. Nararamdaman ko ang pamamasa ng aking dibdib, kailangan ko ng magpump dahil bumibigat din siya kapag hindi ko 'yon nagawa. Lumakas ang aking hikbi, hindi ko na tinakpan ang aking bibig dahil ako lang naman nandito.
Lungkot, inis at galit ang nangingibabaw sa aking puso. Hindi ako mahihirapan ng ganito kung nandito sa Steven. Kung nandito lang siya sa aking tabi mas makakaya ko.
Gusto ko na rin sumuko dahil akala ko walang wala na ako pero hindi pala. May natirang pamilya pa pala ako at nandito sa Pazamor 'yon.
"Lilianna—"
Malabo ang aking mata nang umangat ang aking ulo. Boses ni lolo 'yon, at ng makita ang babae sa kanyang gilid ay namukhaan ko agad kung sino 'yon.
"Francheska, go and please check her," utos ni lolo.
Umiiling ako sa kanilang harapan habang yakap yakap ang lalagyanan ng abo ng aking mga anak.
"Ang baby ko," humihikbi kong wika. "Bakit ang baby ko pa, kawawa sila," paulit ulit kong sambit na parang sirang plaka.
"I'm sorry, she just diagnosed that she has a postpartum," dinig kong sambit ni lolo.
"Emilio, you should tell me so that I can help," tugon ng babae ng makarating sa akin.
"Lilianna, do you remember me?" malambing ang kanyang boses. "Mahiga ka muna para makapag pahinga ka, okay?"
Hindi ko na marinig ang kanyang sinasabi. Malabo ang aking pandinig dahil halos hikbi at hagulgol ko ang naririnig. Walang lakas na tinulungan niya akong mahiga sa kama at kinumutan nang makuha niya sa akin ang urn ng triplets.
"Ang t-triplets," humihikbi kong wika habang nakatingin sa kisame. Hinayaan ko lang na tumulo ang luha sa gilid ng aking mata. "Ang mga baby ko. Bakit sila pa? Gusto ko pa silang makita, hindi ko man lang nahawakan ang mga anak ko."
"My deepest condolences, Lilianna," mahinang wika ni Francheska. "Nandito kami para sa 'yo. Hindi ka nag-iisa, okay? Kung pumasok sa isip mo na sumuko ka ay huwag mong gagawin 'yon. Nandito kami ng lolo mo para sa 'yo. May masasandalan ka kung kailangan mo no'n. May matatakbuhan ka kapag kailangan mo ng kausap sa mga problema na hinaharap mo," malambing ang kanyang tono habang hinahaplos ang aking ulo.
Napalabi ako at muling tumulo ang aking luha. Hindi ko man lang narinig ang kanilang pag-iyak ng mailabas siya sa akin. Iiyak? hindi nga pala dahil lumabas sila sa akin wala ng buhay.
Malakas na hagulgol ang kumawala sa aking labi habang mahigpit ang hawak sa aking comforter.
"Francheska, what happened? Can you do something? She's trembling," kinakabahan ng wika ni lolo. "She's still recovering from her emergency CS."
"Calm down, Lilianna. Take a deep breath," dinig kong wika ni Francheska.
Sinubukan kong gawin ang sinabi niya pero hindi ko magawa. Nahihirapan akong huminga dahil sa baradong ilong ko, naninikip din ang aking dibdib dahil sa nararamdaman ko.
Si Steven lang ang nakakapagpakalma sa akin ng mabilis, pero ang taong 'yon ay wala sa aking tabi. Walang iniwan na dahilan at walang man lang iniwang mensahe sa akin bago hindi magpakita.
Kinuyom ko ang aking kamao at matalim na tumingin sa kisame.
"H-huwag na huwag niyo pong ipakita s-sa akin si S-steven," nahihirapan kong usal dahil sa pag hikbi. "Ayaw k-kong makita ang p-pagmumukha niya."
Ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanyang ay wala na. Napalitan 'yon ng poot, galit, ay hinagpis.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top