CHAPTER 22

CHAPTER 22

"DON'T MOVE too much, Lilianna. I'll ask the doctor later if you can discharge early so you can take a rest at home."

Nilingon ko si Mr. Villafuerte nang magsalita ito. Nakaupo siya sa pangisahang upuan habang nakatingin sa akin. Gusto ko man umiyak pero wala na, wala ng luha na gustong tumulo.

Bago pa ako kumalma kanina ay na-check na ng nurse ang tahi sa tiyan ko. Delikado raw ang ginawa ko kanina, may kaonting dugo pa nga ang nakita roon kaya pinagpahinga ako.

Masakit pa rin ang aking dibdib dahil wala na ang tatlo. Sobrang nipis na ng tyan ko katulad ng dati noong hindi pa ako buntis. Nangungulila na agad ako sa anak ko, gusto kong maramdaman sila sa akin.

"Paano po ako napunta rito?" tanong ko sa kanya. "Kilala mo ba si Steven? Ikaw ba yung tinutukoy niya na mag-aalaga sa akin? Umalis kami sa bahay kasi may pupuntahan kami pero hindi niya sinabi sa akin ang dahilan kaya iniisip ko na baka ikaw 'yon," sunod sunod kong tanong sa kanya.

Halos maging linya ang kanyang kilay sa aking sinabi. Umiling siya at nilapitan ako.

"He's Cillian's grandson am I right?" tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Opo."

Hindi na ako magtataka kung kilala ni Mr. Villafuerte si Steven. Maliit lang ang baryo nila kaya mabilis lang naman kumalat ang mga balita sa kabilang baryo. Lahat din talaga ng tao ay kilala si Steven lalo na ang lolo nitong matapobre.

"Lilianna, I know him. But I have no idea what you are saying. Because of the large number of patients at the hospital in Cierra, you and Steven decide to move here to VPH. You are losing too much blood and Monterico City is too far away to be able to transport you there," paliwanag nito sa akin.

Napayuko ako at wala sa sariling hinawakan ang aking tyan. Hindi pa rin ako sanay na ganito ang aking tyan. Ang tagal ko silang pinagbuntis pero lahat ng 'yon ni isa wala man lang naka survive sa aksidente. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili, walang mapapala ang aking pag-iyak dahil hindi naman 'yon maibabalik ang tatlo. Pero ang sakit lang talaga dahil ako ang nagdala sa kanila hanggang anim na buwan.

"Can I ask something-"

"Kaano ano mo po si mama? Villafuerte ka po hindi ba–"

Parehas kaming natigilan ng sabay kaming nagsalita. Namayani ang katahimikan sa buong kuwarto, tanging tunog lang ng split type aircon ang naririnig. Narinig kong tumikhim ito at nagsalita.

"You go first," sambit nito.

Dahan dahan akong tumango. "Gusto ko pong malaman kung kaano ano mo po si mama. Parehas po kasi kayo ng apelyido."

Mapait siyang ngumiti sa akin at bigla na lang hinaplos ang aking buhok. Dapat ay maiilang ako dahil isang estranghero ang humahawak sa aking buhok, pero imbis na gano'n ang maramdaman ko parang naging komportable pa ako.

"Lilianna Sia Abella is your full name right?" mahina niyang tanong sa akin. Nakaangat ang ulo ko sa kanya habang siya naman ay nakababa ang tingin.

Namumula ang kanyang mata at ang mga luha nito ay nagbabadyang tumulo.

"Opo. Bakit po?"

"Abella..." mahina niyang wika at dahan-dahang tumango na akala mo ay may nakumpirma sa aking sinabi. "My only daugther is Maria Alejandra Villafuerte," hindi ko alam pero sumikip ang aking dibdib ng marinig ang boses nitong gumagaralgal. "You're my granddaughter, Lilianna."

"I'm happy to meet you, Lili," wika niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. Siya ang papa ni mama? Unti-unting pumasok sa aking isipan ang binanggit ni tita sa tuwing gusto niya akong paalisin sa Cierra. Kilala ang Villafuerte sa Pazamor. Ang hospital na ito ay Villafuerte Pazamor Hospital, ibig sabihin ay sa papa ni mama ito.

"I know that there are so many questions running through your mind. You can ask me anything after we go back to the hacienda," wika nito sa akin ng makitang parang hindi ako makapagsalita.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung sa kaba ba o sa saya. Masaya ako dahil may nag-iisang pamilya pa pa lang natitira para sa akin at kaba naman dahil siguro unang pagkikita o kilala ko lang sa kanya.

Nang mamatay si mama at papa ay mahirap ang naging adjusment ko no'n dahil sanay ako na kasama ko si papa. Si mama naman ay wala na rin talaga dahil namatay siya noong pinanganak ako. Hindi ko alam pero nanginit ang aking mata, nagbabadya siyang tumulo kaya nilabanan ko 'yon.

Tinignan ko ang lolo ko, istrikto ang kanyang mukha, pero mabait naman siya. Nararamdaman ko 'yon. Simple lang din ang kanyang pananamit, pero may bucket hat itong kulay army green na may string. Naka laylay lang ang bucket hat sa likod niya dahil nakasabit naman ang string sa kanyang leeg.

"You won't be sad since I'm here," pag-aalo nito sa akin.

Tumango ako at tipid siyang ningitian. Dumako ang aking tingin sa cellphone ko na nakapatong sa maliit na lamesa sa gilid ng aking kama. Wala akong text na natanggap galing kay Steven. Habang iniisip ko 'yon ay sumisikip ang aking dibdib.

"Si Steven po? Sa loob po ba ng isang linggo na na-confine ako rito hindi man lang po ba siya bumisita?" tanong ko sa kanya.

Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo ito at nagtungo sa pintuan ng kuwarto. Umiling siya sa akin at hinarap ako bago buksan ang pintuan.

"No, Lili. I already checked his name on the system. He was already discharged from this hospital. The doctor who took care of him said that he needed to go back here for the follow-up checkup, but he didn't show up," tugon nito.

"H-hindi niya man lang ba ako binisita rito?" nauutal kong sambit dahil sa pagsikip ng aking dibdib, nasasaktan ako. Ganoon na lang ba kadali na iwan niya kaming apat? Porket ba na wala na ang tatlo ay pababayaan niya na ako rito? "Pagkatapos niyang pirmahan ang waiver para maoperahan ako iiwan niya na ako rito?" naiiyak kong sambit.

"Lili, actually, I was going to sign the waiver for your emergency CS, but he insisted. He wants to sign the waiver, not me," dugtong nito. "His body suffered serious injuries in the accident, but he was able to handle it."

Napayuko na lang ako at hindi na napigilan ang pag-iyak. Nakahawak ako sa aking dibdib dahil sumisikip 'yon. Galit, lungkot, inis ang aking nararamdaman. Wala na ang tatlo naming anak tapos hindi man lang niya ako mabisita rito?! Bakit parang ang dali lang sa kanya maka-move on sa gano'ng bagay?

Bakit parang hindi man lang siya nagluluksa na nawalan kami ng anak?

"I'm so sorry for your loss, Lili," dinig kong wika nito.

Hindi ko nilingon ang aking lolo. Nanatili akong lumuluha habang ang isang kamay ay nakahawak sa manipis kong tiyan. Ang laking parte ang nawala sa akin, para lang silang kinuha sa akin ng mabilisan. Pinaramdam lang sa akin na nandito sila tapos isang iglap lang ay nawala na ang anak namin ng parang bula.

"Ang baby ko, l-lolo," humihikbi kong wika. "Hindi ko pa tanggap na wala na sila Aquina. Bakit gano'n? Bakit ang anak ko pa?" nasasaktan kong sambit.

Narinig ko ang yabag ng kanyang paa patungo sa akin. Kasunod no'n ang pagyapos niya sa akin, magaan ang yakap na binigay niya para pakalmahin ako. Ang kanyang daliri ay unti-unting sinuklay sa aking mahaba, maalon, at itim na buhok.

"I'm so sorry, Lili. I'm very sorry," wika nito sa akin.

"Sana hindi muna nila crinimate ang anak ko. Sana hinintay nila muna bago ako magising para makita ko sila bago maging abo," humahagulgol kong usal habang nakakulong sa kanyang bisig.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya humihingi ng tawad sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang minuto kami na nasa gano'ng posisyon hanggang sa kumalma ako. Hindi siya umalis hanggang sa hindi ako maging maayos.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya.

NGAYON ARAW RIN MISMO ako puwede ng madischarge sa VPH. Si lolo ang umalalay sa akin hanggang sa makaupo sa wheelchair. Siya na rin ang nagtulak no'n hanggang sa parking area nitong hospital na pagmamay-ari niya.

Habang yakap-yakap ang kulay baby pink na urn ng tatlo kong anak. May nakaukit doon na pangalan nila. Aquina, Selene, Cordelia, at parehas na Donovan ang apelyido, may Maria rin 'yon na nakalagay sa unahan ng kanilang pangalan. Ang aking luha ay wala na namang tigil sa pagtulo. Mahinang hikbi ang kumawala sa aking labi habang yakap na mahigpit ang aking anak.

Habang palabas na ng hospital ay narinig ko ang mangingilang bumabati kay lolo, hindi ko sila magawang tignan dahil nakapokus ako sa aking anak.

"Magandang hapon, Kapt. Emilio."

"Magandang hapon din," tugon ni lolo sa bumati sa kanya.

Hanggang sa makarating sa pinakalabas ay tulak niya pa rin ang wheelchair. Kahit na gugustuhin ko man maglakad para masanay na rin ako ay hindi ko magawa dahil nanghihina ang aking katawan habang nakahawak sa aking mga anak.

Tinutulak niya pa rin ang wheelchair, tumigil lang 'yon sa isang puting van. Nakabukas ang pintuan no'n at nakita ko ang mga gamit sa pinakadulong bahagi. Nilahad niya ang aking kamay at tinanggap ko naman iyon.

Dahan-dahan lang aking kilos hanggang sa makapasok at makaupo sa loob. Nanlalabo pa rin ang aking mata dahil sa mga luha. 

"Let's go back to hacienda," usal ni lolo ni makapasok sa loob ng van.

Nasa tabi ko siya, chinicheck niya ang mga gamit sa likuran kung may naiwan ba roon o wala. Isang itim na bag lang naman ang nandoon at wala ng iba.

Lumingon ulit ako sa likod ng maalala ang baby bag ng tatlo.

"L-lolo," lumuluha kong usal. "Ang bag nila Aquina? Nasaan po ang bag ng tatlo?" kinakabahan kong tanong.

Kailangan nasa akin pa rin 'yon! Dapat na sa akin pa rin ang bag ng triplets!

"Lili, don't worry nasa hacienda ang bag ng triplets," malumanay niyang wika. Pinunasan niya ang aking luha at ngumiti sa akin.

"Don't feel nervous, okay? You can keep their things in our house. I know it hurts so much, my dear. Cry all you want no one will judge you, okay?" malambing niyang wika sa akin.

Mas lalong bumuhos ang aking luha dahil sa sinabi nito. Isang mainit na bisig ang yumakap sa akin, hinaplos niya ang aking buhok habang pinapakalma ako.

"Everything will be okay, my dear. I promise. Just let go of all your emotions, your feelings are valid. I know it hurts if someone you love just passed away," mahina niyang wika sa akin.

Malakas na hikbi lang ang naririnig sa loob ng van, hindi ako makasagot dahil parang may nakabara sa aking lalamunan.

Umaandar na ang van paalis sa hospital. Hindi pa rin ako kumakalma habang makayapos sa lalagyanan ng abo ng triplets. Bago pa makarating sa hacienda ng Villafuerte ay nakatulog na ako dahil sa pag-iyak.

Masakit ang aking ulo, ang mata ko naman ay namumugto na at sobrang hapdi na no'n.

Nagising na lang ako na nasa loob na kami ng hacienda. Nakabukas ang pintuan ng van kaya pumasok doon ang malamig na hangin.

"Let's go inside, Lili."

Napalingon ako sa gilid ng marinig ang boses ni Lolo. Nakatayo siya sa labas at mukhang hinihintay akong magising.

"Welcome to your new home," nakangiti niyang wika. "You mom grew up here in this beautiful hacienda."

Kinusot ko ang aking mata at dahan-dahang bumaba sa van. Inalalayan niya rin ako kaya mabilis akong nakababa. Mahigpit ang hawak ko sa aking white sleeveless flowy dress habang nililibot ang paningin sa kabuuhan ng hacienda.

Hindi siya nagbibiro dahil ang kanyang hacienda ay napapaligiran ng bougainvillea na bulaklak. Malalaki 'yon at ang iba ay nasisipaghulugan pa sa sahig.

Ang mga kulay sa labas ay ang ganda, earthy style ng kulay. Kulay krema ang sa labas at kapansin pansin din ang malaking glass window na sobrang laki kaya nakikita ko ang loob doon. Parehas lang din ang kulay ng loob sa labas.

"Let's go inside so that you can rest in your room."

Tumango ako at tumalikod muna para kunin ang urn ng triplets. Yakap yakap ko 'yon habang naglakad patungo sa maindoor ng hacienda.

"Welcome home, señorita!"

Napapikit ako ng biglang may bumati sa amin. Nanlalaki ang aking mata habang nakatingin sa kanila. Lahat ng kasambahay ay nandito sa aming harapan. Lahat ay nakangiti at may hawak na puting rosas.

"You guys startled her," wika ni lolo.

"Pasensya na po, Kapt. Emilio," pagpaumanhin ng isang kasambahay. "Alam niyo naman po na masaya kaming makilala ang apo niyo."

"Anak ba ito ni Alejandra?" pag-singit ng isang babae.

Ngumiti siya sa akin at tinignan ang kabuuhan ko.

"Hindi naman kami magtataka kung anak ka ba ni Alejandra dahil kamukhang kamukha mo siya!" masaya niyang wika.

Napadako ang tingin ko sa gilid ng may tumikhim. Sa tingin ko ay mayordoma ito. Strikto ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Awtomatikong nanahimik ang dalawang maingay na kasambahay ng marinig ang pagtikhim ng Mayordoma.

"Ako nga pala si Minda, ang mayordoma," seryoso niyang wika. Hinawakan niya ang aking braso at sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi. "Nakikiramay ako sa pagkamatay ng anak mo," mahina niyang wika.

Napalunok ako ng maramdaman na nangingilid ang aking luha. Tipid ko siyang ningitian at tumango na lamang.

"G-gusto ko po sanang magpahinga," mahina kong sambit.

Tumango si Manang Minda. "Masusunod. Sasamahan ka naman ni Kapt. Emilio kung saan ang silid mo. Kung gusto mong kumain ay nandito lang kami sa sala. Tawagin mo nalang kung sinong kasambahay ang makikita mo," sagot nito.

"Salamat po."

Nabigla ako ng niyakap niya ako. Magaan lang 'yon at ang sarap sa pakiramdam.

"Huwag kang mahiya, Lilianna. Dito galing ang ina mo kaya dapat huwag kang mahihiya, tirahan mo na rin ito," malambing niyang wika. "Maging komportable kana rito."

"Opo."

Nagpaalam na ako sa kanila at kasama ko ngayon si Lolo sa pag-punta sa magiging silid ko. Mabagal lang ang aming lakad hanggang sa makarating sa magiging silid ko.

"This will be your room, my dear," malambing niyang wika sa akin. "Feel free to roam around in your new room."

"Thank you," mahina kong sambit habang mahigpit ang yakap sa urn ng triplets.

Nakakapanibago. Mas malaki pa ito sa kuwarto namin ni Steven. Malawak, may sariling banyo, sa labas ng sliding glass door at nandoon ang balkonahe na sa tingin ko ay puwedeng magmuni muni roon.

Malaki ang kama na kulay krema at ang comforter no'n ay kulay brown. May malaking tv din sa tapat ng kama at ang aircon ay may split type aircon.

"Salamat po, 'lo," mahina kong wika.

Nilingon ko siya. May ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin. Nahahawigan ko tuloy si mama dahil sa kanya. Nilapag ko ang urn ng triplets sa bedside table at nagtungo sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman ko ang pagkabigla nito. Niyakap niya rin ako pabalik.

"You're welcome, Lili," tugon niya.

Nang hinarap niya ako ay may luha sa kanyang pisngi. Natatawang pinunasan niya 'yon kaya nahawa ako sa kanya.

"I'm sorry. I just remembered your mother. You really look like her," mahina niyang wika.

"Ikaw rin po," lumuluha kong usal. "Kamukha mo rin po si mama, lolo. Kahit na maagang namatay si mama may litratro pa rin naman na pinapakita sa akin si papa kaya hindi ko makakalimutan ang mukha niya."

Mapait siyang ngumiti sa akin. "I know. Many people also said that," pinunasan niya ang kanyang luhabat huminga ng malalim.

"I'll be back, Lili. We will talk later. I just need to go to my office. I'll be back, I promise," pagpapaalam niya.

"Okay po," sagot ko.

Hinaplos niya ang aking buhok at lumabas na sa aking kuwarto. Napaupo ako sa malambot na kama habang tulala sa urn ng triplets.

Mapait akong ngumiti at hinaplos 'yon. Bantayan mo kami mga anak, alam kong mas tahimik na diyan.

Kinuha ko ang cell phone sa maliit na sling bag. Dumiretso agad ako sa contacts para i-text si Steven. Ang dami kong gustong itanong at sabihin sa kanya lalo na sa pag-cremate ng triplets habang tulog ako.

Mabilis ang aking paghinga habang mabilis na tumitipa sa keyboard ng aking cell phone. Dinig na dinig ko ang tunog ng kuko ko sa screen habang nagtatype.

Lilianna:
Steven, nasaan ka? mag-uusap tayo.

Lilianna:
Hindi mo na ako binisita? Gano'n na lang ba? Pagkatapos mamatay ng anak natin iiwan mo na ako?

Lilianna:
Nandito ako sa Pazamor. Nakilala ko na ang lolo ko kaya please lang pumunta ka rito at mag-usap tayo tungkol sa triplets.

Habol ang aking hininga na pinindot ang call button para tawagan ito. Nakailang tawag ako pero walang sumasagot. Out of coverage ang kanyang cellphone.

Sa sobrang inis ay binato ko sa kama ang cellphone at napatakip sa mukha. Kusang tumulo ang aking luha dahil sa inis.

Gano'n na lang ba talaga? Hindi niya ugaling iwan ako ng matagal na walang iniiwan na dahilan. Mas gusto ko pang marinig ang kasinungalingan niya basta umuwi lang siya sa akin.

Ang kapal ng mukha niya na iwan ako kasama ang abo ng anak namin.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top