CHAPTER 21

CHAPTER 21

MASAKIT ANG AKING ulo ng magising. Alam ko agad kung nasaan ako, nasa ospital ako. Mali, hindi lang ako dahil si Steven ang kasama ko ng madisgrasya kaming dalawa.

Kahit na masakit ang buong katawan at ulo ay napabalikwas ako nang bangon. Mabilis ang aking paghinga na akala mo ay nilunod ako sa tubig. Awtomatikong napahawak ako sa aking tyan dahil pumasok sa aking isipan ang tatlong anak namin ni Steven.

Bahagya akong napadaing ng maramdaman ang pagkirot sa aking tyan. Anong meron? Bakit ang sakit ng tyan ko?

"Ang baby namin," naluluha kong wika. nagmistulang talon ang aking luha ng maramdaman na manipis na ang aking tyan. "Ang baby ko..."

Walang tigil sa pagtulo ang aking luha pababa sa aking pisngi. Kahit anong punas ko ro'n ay wala namang epekto dahil hindi pa rin ako tumitigil sa pagluha. Ang daming pumapasok sa aking isipin, sana ligtas ngayon ang tatlo at baka hindi ko kayanin kung mawala sila sa akin. Alam kong delikado ang kalagayan nila ngayon dahil sa nangyari. Na advance ng ilang araw ang paglabas nila sa akin dahil sa nangyari.

Kahit na masakit ang aking tyan ay pinilit kong makababa nang kama para hanapin si Steven. Nasaan siya? Kailangan ko siyang makita.

"Steven?" humihikbi kong wika habang hinahanap siya.

Hindi ko ramdam ang presensya nito sa buong kuwarto. Habang hawak ang dextrose stand ay nililibot ko ang kuwarto, maski sa banyo ay wala siya.

"Steven, nasaan ka?" lumuluha kong wika. "Ang baby natin," parang nababaliw kong sambit sa aking sarili.

Napaupo ako sa lapag habang hawak ang aking tyan. Nanlalabo ang paningin ko. Kasabay ng paninikip ng aking dibdib.

"No sé cómo empezar una conversación con ella, Francheska—"

(I don't know how to start a conversation with her, Francheska.)

Umangat ang aking ulo nang marinig na may pumasok at nagsalita sa loob ng kuwarto. Hindi ko na nagawang punasan ang aking luha at nanatiling nakatingin sa kanya.

Matanda na ito, halata na ang ilang hibla na puting buhok niya na nakahalo sa itim niyang buhok. Pero ang kanyang katawan ay masasabi kong maganda pa rin. Halatang naalagaan pa simula pagkabinata hanggang ngayon.

Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mata ng makita ako. May kausap siya sa telepono habang nakatingin sa akin.

"Let me help you," nagmamadali siyang nagtungo sa akin. "You shouldn't do that, your stitches are still fresh."

"A-anong tahi?" umiiyak kong tanong sa kanya.

Hindi niya ako sinagot dahil tinulungan niya akong makatayo hanggang sa makarating sa aking kama kanina. Patuloy pa rin ang aking luha sa pagtulo.

May pinindot siya sa gilid ng kama bago ako tignan. Naupo siya sa gilid ng kama ko habang nakatingin sa akin.

"You have a emergency cs, Lilianna—"

"Nasaan na po ang tatlo kung gano'n—"

Parehas kaming tatlo na natigilan ng may kumatok sa pintuan. Parehas kaming tumingin doon. Pumasok ang isang doktor, tipid niyang ningitian ang matandang lalake na kasama ko rito.

Hindi ko nga kilala kung sino ito at bakit niya ako kilala. Ang daming katanungan ang pumapasok sa isipan ko at parang masisiraan ako ng ulo kapag lahat ng 'yon ay hindi nasagot.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Hindi ko nakokontrol ang aking emosyon dahil sa pinagiisip ko ngayon.

"Goodmorning, Mr. Villafuerte. Good thing that Ms. Abella are awake now," sambit ng doktor.

Kumunot ang aking noo sa sinabi nito. Villafuerte? Pumasok sa aking isipan ang apelyido ni mama. Kaano ano niya si mama?

Ningitian lang ng matandang lalake ang doktor na pumasok dito. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makarating sa aking puwesto.

"Nasaan po ako? Si Steven po nakita niyo po ba siya? Siya po kasi yung tatay ng anak ko. Kumusta na po yung triplets?" sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Ms. Abella, you're here at Villafuerte Pazamor Hospital. Si Steven na hinahanap mo ay yung Donovan tama ba?"

Pazamor? anong ginagawa ko rito?

"Steven Thomas Donovan po. Nasaan po siya? Kailangan siya namin ng triplets," sambit ko.

Nakita ko na nagkatinginan silang dalawa. Parang nagdadalawang isip sila na magsalita sa aking harapan.

Kumunot ang noo ko dahil nagmumukha akong tanga sa harapan nila.

"Doc, ang tatlo kong anak nasaan?" madiin kong wika, unti-unting umiinit ang dugo ko sa kanila.

Bakit ba hindi sila nagsasalita?

"Ms. Abella, lumipas na ang isang linggo nang maisugod ka rito sa hospital inoperahan ka agad namin. It was an emergency cs because you're losing too much blood. Nasa panganib ang buhay niyong apat kaya kailangan naming gawin 'yon. Successful naman ang operasyon sa 'yo, nailabas naman ang triplets—"

"Nasaan po sila?" pagputol ko sa sinabi nito.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Okay ang naging operasyon sa akin. Kaya naman pala ang sakit ng tyan ko. Wala sa sariling napahawak ako roon, kumikirot siya hanggang ngayon. Mali ko lang kanina ay nabigla ang katawan ko sa ginawa ko kanina, hindi ko naman alam na na-cesarean ako.

Sumilay ang ngiti sa aking labi ng maalala ang tatlo. Ang mahalaga ay buhay ko sila nailabas—

"About that, Ms. Abella. I'm so sorry for your loss. Successful namin na nailabas ang tatlo pero lahat ng 'yon ay hindi buhay."

Napawi ang aking ngiti ng marinig ang kanyang sinabi. Parang nabibingi pa ako dahil sa malakas at mabilis na tibok ng aking puso.

Successful namin na nailabas ang tatlo pero lahat ng 'yon ay hindi buhay.

"H-huh?" nauutal kong sambit ng tignan ko ang doktor. Ang matandang lalake naman na ka-apelyido ni mama ay nasa aking gilid.

"Hindi buhay? Yung tatlo kong anak? Hindi maganda biro po 'yan," sambit ko at unti-unting tumawa sa kanyang harapan na akala mo ay nagbibiro ito.

"Hindi pa patay ang anak namin ni Steven!" malakas kong sigaw sa kanya. Napahawak ako sa aking tyan at napayuko.

Mainit na luha ang tumulo pababa sa aking pisngi. Hindi puwede, hindi pa sila patay.

Aquina, Solene, Cordelia. Napahagulgol ako at yumuko pa lalo habang hawak ang aking manipis na tyan.

"I'm sorry, Ms. Abella—"

"Bakit ka humihingi ng tawad sa akin!?" galit kong wika. Sinubukan kong tumayo sa pagkakaupo sa kama pero hindi ko nagawa dahil kumirot na naman ang aking tyan.

"Buhay ang anak ko! Buhay ang triplets! Konting linggo na lang ang hihintayin namin ni Steven para makita silang tatlo pero bakit ganito!?" sigaw ko sa kanya.

Sumisikip na ang aking dibdib at sunod sunod na hikbi ang kumawala sa aking labi. Halos hindi na ako makahinga dahil do'n. Ang ka apelyido ni mama ay nararamdaman ko ang palad nito sa aking likod para pakalmahin ako.

"Buhay ang anak ko," humihikbi kong sambit. "Buhay ang t-tatlo," nahihirapan kong usal dahil pag-iyak.

"Puwede namin na maibigay na sa 'yo ang urn ng tatlo para madala mo na siya kapag discharge kana—"

"Urn?" halos hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Naramdaman ko ang pag akyat ng dugo sa aking ulo. Parang kumulo ang dugo ko sa aking narinig.

"Urn!?" hindi makapaniwalang sigaw sa kanya. "Bakit niyo crinimate ang anak ko!?"

Marahas kong sinugod ang doktor, kahit na masakit ang aking tyan ay nagawa kong sumugod sa kanya. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa walang tigil na pagtulo ng aking luha.

"Lilianna!" dinig kong wika ni Mr. Villafuerte. "Your stitches might open up if you move too much."

Hindi ko siya pinansin at nagtungo pa rin sa doktor kahit na nahihirapan. Nasaan ba si Steven? Kailangan ko siya ngayon, kung kailan na dapat nandito siya saka ito wala.

Naninikip ang aking dibdib. Ang dami kong iniisip, para akong masisiraan ng ulo.

"Bakit!? Bakit niyo ginawa 'yon? Ako nagdala sa kanila hanggang siyam na buwan! Wala kayong karapatan na gawin. 'yon! Hinintay niyo man lang sana na magising ako para makita ko man lang silang tatlo bago niyo i-cremate!" nagwawala kong usal sa kanya.

Awtomatikong nanlambot ang aking tuhod at tanggap na babagsak ako sa lapag pero hindi nangyari 'yon.

"Lilianna, calm down," mahinang wika ni Mr. Villafuerte.

Lumuluha na umiling ako. "Ang baby ko. Sila Aquina..." humahagulgol kong sambit.

"Si Mr. Donovan ang pumirma ng waiver para sa emergency cs at sa cremation ng triplets," wika ng doktor.

Napasabunot ako sa aking buhok habang hindi matigil ang sunod-sunod na hikbi na kumawala sa aking bibig.

Bakit niya 'yon ginawa!? Bakit siya pumayag!?

"Bakit kayo pumayag! Ako dapat," galit kong wika habang nakaturo sa aking sarili. "Ako ang ina nila! Kaya ako ang may karapatan—"

Mahina akong napadaing ng sumakit ang aking tiyan. Nanghihina na napahiga ako sa sahig habang nakahawak roon, patuloy pa rin ang aking luha sa pagtulo at hindi na makontrol ang aking paghikbi.

"I'll be right back, tatawag lang ako ng nurse para matignan ang tahi niya," wika ng doktor.

Hindi ko na masyado maitindihan ang sinasabi niya dahil sa aking pag-iyak. Ang triplets at si Steven nalang ang aking nasa isip.

"You need to rest, Lilianna."

Hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakasalampak sa sahig habang lumuluha. Nahihirapan na akong huminga dahil naninikip ang aking dibdib.

"Lilianna, come on. I'll help you to stand up, my dear," sambit ni Mr. Villafuerte.

Aquina... Selene... Cordelia. Bakit naman maagang niyong iniwan ang mama niyo.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top