CHAPTER 20

CHAPTER 20

NAPASINGHOT AKO HABANG pinupunasan ang luha sa aking pisngi. Nagising na naman ako ng wala siya sa aking tabi. Kaninang umaga pa siya umalis pero heto ako ngayon maghahapon na naiiyak pa rin kapag naiisip 'yon.

Nakakulong lang ako sa kuwarto namin at nag mumukmok. Kumakain lang kapag nagugutom na, kailangan kong gawin 'yon dahil may pinapakain din ako. Ayaw kong maging pabayang ina sa kanila.

Nakaupo ako ngayon sa isang upuan kung saan ko nakita si Steven na umiinom ng alak noong madaling araw. Nakababa ang aking tingin sa cellphone ko, tinitignan ang mga chat kay Steven na hanggang ngayon ay wala pa rin reply.

Lilianna:
Steven?

Lilianna:
Umuwi kana, please.

Lilianna:
Hindi ba puwedeng dito ka muna hanggang sa manganak ako? Natatakot ako baka mamaya maaga akong mapaanak dito dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Lilianna:
Ilang linggo na lang naman hihintayin natin.

Lilianna:
Steven:(

Naibaba ko na lang ang hawak kong cellphone dahil nanlabo na ang aking paningin. Walang tigil sa pagtulo ang aking luha, napahawak na lang ako sa aking ulo at napayuko. Nabalot ng sunod-sunod na hikbi ang buong kwarto.

Napahilamos ako sa aking mukha at hinawakan ang aking tiyan ng maramdaman ang paggalaw ng isa sa triplets. Maya-maya ay sumunod na ang dalawa. Ang lilikot na nila sa loob ko.

"Alam kong namimiss niyo rin siya," mahina kong usap sa pagitan ng aking hikbi habang hinihimas ang aking tyan.

Pinunasan ko ang aking luha at huminga ng malalim para kumalma. Kanina pa ako umiiyak, hindi ko magawang makontrol ang aking emosyon. Sobra akong nahihirapan.

"Ilang linggo na lang makikita na namin kayo," malambing kong sambit.

Napabaling ang aking tingin ng biglang may nag text sa akin. Nagmamadali pa ako na kunin 'yon dahil umaasa ako na si Steven ang nag text, pero hindi pala. Nang makuha ko ang cellphone at tignan kung sino 'yon ay si Ate Mae pala 'yon.

Ate Mae:
Kumusta na kayo ng tatlo diyan?

Lilianna:
Okay lang po. Pinapauwi ko si Steven pero wala pa ring reply.

Ate Mae:
Hoy, gaga ka. Huwag mong sabihin manganganak ka ngayon kaya kailangan mo ng kasama diyan?! Pupunta na ba kami diyan?

Lilianna:
Hindi pa po ako manganganak, Ate Mae. Gusto ko lang na nandito si Steven hanggang sa manganak ako. Ilang linggo na lang din naman kasi ang hihintayin namin lalabas na 'tong tatlo.

Binaba ko ang cellphone sa lamesa at nagtungo sa kabinet namin. Nilabas ko ang itim na bag, hinila ko ang drawer at nilabas ang mga damit ko. Nakatupi naman 'yon ng maayos sa loob ng drawer kaya diniretso ko na lang 'yon sa bag. Pati ang mga personal na gamit ko ay diniretso ko na rin sa loob.

"Why you packing your things?"

Mabilis akong napalingon sa bandang pintuan nang marinig na may nagsalita. Kilala ko naman kung sino 'yon kaya hindi na ako nagulat. Bakit siya nandito? Mamaya pang gabi ang uwi niya, ah.

Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi, muli ko siyang tinalikuran at pinagpatuloy ang paglalagay nang damit sa bag, saktuhan lang na makakaya ko ang bigat no'n.

"Lili, what are you doing?" tanong ni Steven, nasa gilid ko na siya at pinagmamasdan ang ginagawa ko. Nakakunot ang kanyang noo habang ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa aking bag.

"Nakapagtapos ka ng kolehiyo pero hindi mo alam kung anong ginagawa ko?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

Nang malagay ko na ang mga damit ko ay sinarado ko ang zipper at padaskol na nilapag 'yon sa kama namin. Sinalubong ko ang kanyang tingin, malumanay ang titig nito sa akin.

"Aalis na muna ako," pagpapaalam ko sa kanya. "Doon muna ako kay Ate Mae pansamantala hanggang sa manganak ako—"

"No, I will never let you do that," pagputol niya sa aking sinabi.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito at mapaklang tumawa. "Hindi mo ba naririnig ang sinasabi mo?" halos hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Lili, come on. You're safe here," malumanay niyang wika sa akin.

Umiling ako sa kanyang harapan, heto na naman ang luhang nagbabadyang tumulo pababa sa aking pisngi.

"Paano ako mapapanatag na ligtas ako rito kung araw araw kang wala, Steven," nasasaktan kong wika. "Masasabi kong ligtas kami kung nandito ka sa tabi namin. Kaunting araw na lang hihintayin natin at lalabas na 'tong tatlo. Kung ganito pa rin ang gagawin mo mas mainam na sa bahay muna ako ni Ate Mae makikitira hanggang manganak ako."

Napabuntong hininga siya sa aking sinabi at sinuklay ang kanyang itim na buhok. Umiwas ako nang tingin ng kumirot ang aking dibdib, parehas lang naman kaming nahihirapan ngayon.

"It's too risky, Lili. Delikado para sa inyong apat kung aalis ka rito," nag-aalala niyang sambit.

Napailing na lang ako at binuhat ang bag. Nilagpasan ko siya at hindi na sinagot ang sinabi nito. Napipikon lang ako dahil heto na naman, nagsisimula na naman siya paulit ulit niyang rason.

"Lilianna!" dinig kong sigaw niya.

Nagbingi bingihan ako ng marinig ko ang kanyang tawag sa akin.

Napalingon ako ng may narinig na parang kaluskos sa labas ng bahay. Binaba ko ang bag sa sofa at sumilip sa screendoor para tignan kung sino 'yon. Nakita ko na nakapark ang kotse nito sa labas ng bakod.

Nang makitang wala namang tao ay nagtungo ako sa sofa para kunin ang bag at binuhat pero may pumigil sa akin.

"Please, stop what you are doing," mahina ang kanyang boses. Nang salubungin ko ang kanyang tingin ay may pangangamba sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.  "Please, doll. Don't go away."

"Ano ba!" sigaw ko sa kanya at tinanggal ang kanyang kamay na nasa braso ko. "Huwag mo akong pigilan sa gusto kong gawin! Alam mo kung ano mas delikado? Ang manganak ako rito sa bahay ng wala ka! Hindi ko kaya isugod ang sarili ko mag-isa sa hospital, 'yon ang iniisip ko!"

Muli na namang tumulo ang aking luha sa kanyang harapan. Hindi na naman siya makasagot sa aking sinabi.

"Ano? Nawawalan ka na naman ng kakayahan na makapagsalita? Huwag na huwag mong uulitin 'yang rason mo palagi, Steven. Nakakapikon na kasi. Naririndi na ako sa tuwing naririnig ko 'yan. Kahit para sa tatlo na lang sana ang isipin mo, kasi hindi ko naman talaga kaya ng wala ka rito. Kahit ayaw mo sabihin sa akin ang dahilan, pinili ko pa rin manatili rito kasi mahal kita," humihikbi kong sambit.

Nanatili siyang nakatayo sa aking harapan. Pagod na pagod ang kanyang ayos at akala mo walang maayos na tulog. Parehas na bumaba ang aking tingin sa hawak nitong cellphone. Nakita ko agad kung sino ang tumatawag. Ang lolo na naman nito.

Muling nanikip ang aking dibdib, ayan na naman siya. Kakauwi lang ng boyfriend ko pero papapuntahin niya na naman ito ulit sa mansyon nila?

"Babalik ka na naman?" nasasaktan kong tanong.

Tumingin siya sa akin, panay baba ang tingin niya sa hawak nitong cellphone at sa akin.

"Nagdadalawang isip ka?" halos hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Dahan-dahan akong napaupo sa sofa habang nakahawak sa aking tiyan. Sunod sunod na hikbi ang kumawala sa aking bibig at napasandal sa sofa. Bakit ba ganito nangyayari sa amin ngayon?
Masyado bang maaga? Masyado bang mabilis ang nangyari sa amin ngayon kaya heto ang kapalit?

"Fuck this shit," dinig kong bulong nito.

Naupo siya sa aking tabi habang nakayuko, ang kanyang kamay ay nakalagay sa kanyang ulo. Ang siko niya naman ay nakapatong sa kanyang hita. Namayani ang katahimikan sa aming pwesto. Ang kanyang sunod sunod na paghinga at ang aking hikbi.

"Lili, don't go anywhere without me," mahina niyang sambit sa akin.

"Wala kang pakielam sa desisyon ko, Steven," madiin kong sagot.

Nakita ko na bumaba ang kanyang tingin sa cellphone nito. Napatayo siya at dinampot ang bag ko. Natataranta ako na tumayo rin ako at hinila ang bag.

"Bitawan mo nga ang bag ko!" sigaw ko sa kanya.

"You're pregnant, Lilianna. Makinig ka naman sa aking kahit ngayon lang!" tumaas ang boses niya sa akin.

Natigilan ako dahil do'n. Ngayon niya lang ako napagtaasan ng boses. Sa buong relasyon at pagsasama namin. Matalim na titig ang binigay ko sa kanya habang ang aking luha ay nagbabadyang tumulo. 

"Nakikinig ako sa 'yo, Steven! Naging uto-uto na nga hindi ba?!" singhal ko pabalik sa kanya.

Napasuklay na lang siya sa buhok nito. Humakbang siya papalapit sa akin at kinulong sa kanyang bisig. Lumakas ang aking iyak ng maramdaman ang mainit nitong yakap.

"I'm sorry, Lili. I didn't mean to raised my voice at you," malambing na ang boses nito sa akin.

Niyakap ko siyang pabalik at patuloy pa rin sa aking pag iyak. Ang isa kong kamay ay napahawak sa aking tyan ng maramdaman na gumalaw ang anak namin. Nagsisimula na naman silang magkulit sa loob ko.

"Let's go somewhere," wika nito sa akin.

"Saan?" tanong ko ng umangat ang tingin ko sa kanya.

Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa aking pisngi, hinahaplos niya 'yon habang seryosong nakatingin sa akin. Tinuyo niya ang aking luha at hinalikan ang aking noo habang ang isang kamay ay bumaba para haplusin ang malaki kong tyan.

"You will know when we get there but I can't say that I was always there. I'm sure you'll be safe there because they'll take care of you. We can still talk on the cellphone. Call or text me when your labor starts. I promise I'll be there until our babies come out," mahina ang kanyang boses habang sinasambit sa akin 'yon.

Naging kalmado na ang aking nararamdaman ngayon, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero heto ako ngayon pumayag naman sa sinabi niya. Hinawakan niya ang aking kamay at nagtungo sa labas. Siya na ang nagbitbit ng bag ko habang ang ang isa niyang kamay ay may hawak na payong.

Ang kaninang kalmado na klima ay napalitan, malakas ang buhos ng ulan kaya nagmamadali na kami sa aming ginagawa. Nang makapasok sa loob ng kotse ay muli siyang bumalik sa loob. Hinintay ko siyang makalabas sa bahay at nakita kong may bitbit siyang malaking bag, ang mga gamit ng tatlo.

Binuksan niya ang pintuan sa backseat at doon nilagay ang gamit ng kambal. Isang malaking bag 'yon na kulay pink. May maliliit na pink tulips na disenyo ang nakalagay roon. Dumiretso siya sa driver seat at pinaandar na ang kotse papalayo sa bahay namin.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Sumama ka na lang kaya sa akin, Steven," naiiyak kong sambit.

"I want to, doll. But I can't," seryoso niyang wika habang nagmamaneho.

Hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng kanyang mata. Nagbabadya rin na tumulo ang luha nito. Medyo mahirap na rin tignan ang kalsada dahil sa ulan.

"Our situation right now is very complicated," pagdugtong nito. "Hindi lang ikaw ang kailangan kong protektahan," mabilis niyang hinaplos ang aking tyan. "I also need to protect our babies. Aquina, Selene, and Cordelia. I need to protect them, doll."

Pinatong ko ang aking palad sa kamay nitong nanatiling nakapatong sa aking malaking tyan. Hindi ko alam pero naiiyak ako. Bakit ganito siya magsalita?

Mabilis akong tinignan ni Steven ng maramdaman na sumipa ang isa sa kambal. Kahit na naiiyak ay hindi ko maiwasan na tumawa.

"Naririnig ka nila," mahina kong wika. "Naririnig ka ng anak natin," sambit ko at paunti unting naluluha habang binabanggit 'yon.

Nang tignan ko siya ay may sumilay na ngiti sa kanyang labi.

"They're happy," mahina niyang sambit habang nakatingin sa kalsada. "I can't wait to see them. I wish they looked like their mom."

Hindi ako makasagot dahil pinapakiramdaman ko ang tatlo kong anak sa loob ng tyan. Ang gagalaw nila at ang active ngayon.

Mahina akong napasinghap ng may tumawid na hayop sa kalsada. Napatukod ako sa dashboard at nanlalaki ang mata na nilingon si Steven.

"Fuck," bulong niya.

"Steven," kinakabahan kong sambit sa kanya.

"I-i'm sorry, I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin. Hinawakan niya ang tyan at binilisan ang takbo. "Calm down."

"Dahan-dahan lang sa pagmamaneho," kinakabahan ko na usal sa kanya.

Napakadilim ng kalsada dahil sa malakas na ulan ngayon. Wala pa namang bagyo ngayon dahil tag-init ngayon. Baka mamaya ay mawala lang din ito.

Maayos na ang pagmamaneho niya kaya nawala na ang kaba na nararamdaman ko. Napapikit na lang ako at agad din dumilat ng marinig ang bulong nito.

"What the fuck is wrong with you," mahina niyang sambit at parang may sinisilip sa ilalim.

Napaayos ang aking upo at hinawakan ang aking tyan para tignan ang kanyang sinisilip sa baba.

"Anong meron—"

"The brake is broken. It's not working," pagputol niya sa aking sinabi. "Nagamit ko pa ito kanina bago umuwi."

Binalot ng kaba ang buong pagkatao ko. Mabilis ang tibok ng aking puso at nagsimulang mamawis ang aking kamay. Hindi gumagana ang brake ng kotse nito? Bumibilis ang aking paghinga at parang kakapusin ako.

Hindi puwede. Hindi kami puwedeng madisgrasya. Hindi pa namin nakikita ang anak namin. Ayaw ko nito, ayaw ko.

"S-steven, ang tatlo," naiiyak kong sambit.

"Calm down, doll—"

Malakas akong napasigaw ng may biglang sumulpot na aso sa kalsada, tumawid 'yon sa kabilang kalsada. At dahil sa gulat napakabig niya sa kaliwa ang manobela at lumagpas kami sa kalsada.

Isang malaking puno ang mababanggaan ng kotse nito. Alam kong huli na ang lahat bago pa kabigin sa ibang bahagi ang kotse nito.

"Steven!" sigaw ko at napayuko habang nakahawak sa aking tyan.

Isang mainit na bisig ang yumakap sa akin, pinoprotektahan niya kami sa pamamagitan ng pag harang nang kanyang katawan sa magiging impact ng pagkabangga nang kotse sa malaking puno.

Isang malakas na kalabog ang aking narinig. Kasabay no'n ang pagsalpok ng kotse sa puno, kahit na nakaharang pa rin ang malaking katawan ni Steven ay may impact pa rin sa akin 'yon. Para kaming maiipit sa lagay na 'yon at masakit sa katawan. Isang matigas na bagay ang tumama sa aking noo dahilan para mawalan ako ng malay.

Bago pa tuluyang mawalan ng ulirat, si Steven at ang triplets ang una kong naisip hanggang sa lamunin ng dilim.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top