CHAPTER 2
CHAPTER 2
UMALINGAWNGAW pa sa aking isipan ang sinabi ni Ate Pia. kumurap pa ako ng ilang beses dahil sa aking narinig. Si Steven? Uuwi na siya rito? Pinigilan ko ang aking sarili na huwag ipakita ang mga ngiti na gustong sumilay sa aking labi.
"Okay ka lang, Lili?" parang kinabahan na tanong ni Ate Mae. "Nakakatakot ka naman para kang aswang."
Napatuwid ako at tipid silang ningitian.
Nagkatinginan silang tatlo kaya nakaramdam ako ng hiya. Humaba na lang ang aking nguso at humalukipkip. Muli ko silang tinalikuran at nauna ng maglakad.
"Ano naman kung uuwi na siya," wika ko habang naglalakad.
Naabutan nila agad ako at pinantayan ang aking lakad. Nagpipigil silang tatlo na tumawa o ngumiti sa akin.
"Sus. talaga lang, ah," sagot ni Ate Mae.
"Parang kanina lang pinapagalitan mo ako na pangit yung sinasabi ko—"
"Talaga naman iisa ka pa, eh," dinig kong sambit ni Ate Pia.
Kumunot na naman ang aking noo at muli siyang hinarap. Nagkasikuhan pa silang dalawa ni Ate Mae pero itong si Ate Pia ay sumisipol lang dahil labas naman siya sa ginawa nito ni Ate Rica.
"Hindi naman po kasi maganda yung gano'n. Pinagpapantasyahan mo si Steven habang may asawa ka," wika ko.
Hindi ko talaga alam pero naiinis ako. Kahit hindi ko tignan ang sarili sa salamin alam kong halos maging linya na ang aking kilay. Sa tingin ko ay hindi lang pisngi ang namumula kundi buong mukha ko na.
Lumapit sa akin si Ate Rica at niyakap ako ng mahigpit. "Sorry na bebe namin. Hindi na 'yon mauulit."
"Ayan makulit ka, ah," singit ni Ate Mae.
Si Ate Pia ay napailing na lamang dahil sa nangyayari.
"Okay po," tugon ko at tumango.
Tumigil lang kami sa pag uusap ng makarating na kami sa pwesto na dapat naming pagtaniman. Nagsimula na agad kami at doon inubos ang oras. Hanggang sa matapos kami sa pagtatanim, inabot pa kami ng bandang alas tres ng hapon dahil nagpapahinga kami paminsan minsan. Hindi namin kaya na walang pahinga kakatanim dito at baka mawalan pa kami ng malay sa sobrang pagod.
Umuwi na agad ako sa bahay para makapagpahinga dahil pupunta pa ako sa palengke para bumili ng ulam. Nakapalit na ako ng pambahay na damit. Simpleng white dress na sleeveless ang sout ko ngayon. Nakatube na lang ko na kulay itim sa loob dahil wala naman matatakpan doon, maliit lang ang aking dibdib. Sinuklay ko na lang ang aking mahaba, itim at maalon kong buhok pagkatapos ay nag tungo na sa palengke.
Kung hindi lang ako nagugutom ay mas pipiliin ko na lang matulog.
NGUMUNGUYA AKO NG pagkain habang nakikinig sa usapan nila Ate Rica at Ate Mae. Sila lang naman madaldal dito dahil kaming dalawa ni Ate Pia ay nakikinig lang sa usapan nila.
Hating gabi na at nandito kami kumakain ngayon sa harapan na bakuran sa bahay. Wala kasi ang kanilang asawa kasi stay in sa mga trabaho kaya sinasamahan na lang namin ang isa't isa kapag kumakain.
"Sabi na eh. Confirm na talaga na uuwi na yung apo ni Kapt. Cillian," pag-uulit ni Ate Mae.
Napalingon ako sa gilid ng siniko ako ni Ate Pia. ngumunguya rin ito ng pagkain. Magkatabi kami ngayon sa isang pahabang upuan habang sila Ate Rica at Ate Mae naman ay katapat namin. Madalim na sa labas pero may ilaw naman sa pwesto namin, nasa bandang gilid lang kami at may silungan din ang pinagkakainan kaya hindi na kami mamomorblema kung may mahuhulog pa sa pagkain namin o wala.
"Sabi ko sa 'yo, eh," bulong ni Ate Pia.
"Excited kana ba, Lili?' tanong ni Ate Rica sa akin habang nakangiti.
Nagkibit balikat lang ako bilang tugon at sumubo ng pagkain. Napabuntong hininga na lang silang tatlo sa aking ginawa.
"Dapat nga matuwa ka kasi nandito na ulit yung gusto mo," sambit ni Ate Pia.
"Masaya naman po," tugon ko. "Ang kaso nahihiya lang kung sakaling magkita ulit kami."
Nang tignan ko silang lahat ay nakakunot na ang mga noo nito sa akin. Parang naguguluhan pa sa aking sinabi.
"Huh? Dapat lang na matuwa 'di ba? Eh, matagal mo ng kaibigan 'yon," usal ni Ate Mae sa akin.
Dahan dahan akong tumango at pinatong ang dalawang kamay sa aking hita.
"Childhood friend," pag-singit ni Ate Pia.
"Tama!" sang-ayon ni Ate Rica sa akin.
Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil doon. Tama si Ate Pia, childhood friend ko itong si Steven.
"Kaya nga po. Pero po yung pagiging malapit namin sa isa't isa noong bata pa lang kami hindi na 'yon magiging katulad ngayon dahil malaki na kami," tugon ko at sinalubong ang seryoso nilang tingin sa akin. "Mga inosente pa kami no'n at hindi na ngayon."
"Eh. Inosente ka pa rin naman ngayon, ah," sambit ni Ate Rica.
Nakatikim tuloy siya ng mahinang hampas kay Ate Mae kaya natawa si Ate Pia.
"Tanga!" sambit ni Ate Mae. "Hindi mo makuha ang pinupunto ni Lili. S'yempre kapag malaki kana o tumanda umiiba na tingin ng ibang tao sainyo kapag lagi kayong magkasama. Kaya umiiwas 'tong si Lili."
Umismid si Ate Rica. "Sus, nasa tao lang naman 'yon. Sa pinagiisip lang nila 'yon 'no. Puwede naman maging magkaibigan ang magkasalungat na kasarian, eh. Sila lang nagbibigay ng malisya," pangangatwiran ni Ate Rica.
"Tama," pagsang ayon ni Ate Pia.
"Ano magagawa natin eh nahulog na 'tong loob ni Lili sa apo ni Kapt. Cillian," turo sa akin ni Ate Mae.
Hinawakan ko naman ang kanyang daliri na nakaturo sa akin.
"Ate Mae, ang lakas naman ng boses mo," nahihiya kong sambit at nilibot pa ang paningin dahil baka may tao na nakasilip sa bakod na nakaharang. "Baka may makarinig."
Napatakip naman siya sa kanyang bibig at nagsorry sa akin.
"Sorry," mahina niyang wika.
Sinundan ko ng tingin si Ate Rica. Napabuntong hininga ito at biglang tumayo para pumunta sa akin. Naupo siya sa aking tabi at sinuklay ang buhok ko. Nakalugay kasi ito ngayon.
"Wala kaming magagawa sa desisyon mo na magustuhan si Steven, Lili. Masaya pa nga kami kasi akala namin magiging matandang dalaga kana—"
"Ang oa mo talaga mag-isip, Rica. Nagugustuhan pa lang hindi pa 'yan mag-aasawa," singit ni Ate Mae.
Napailing na lang si Ate Pia at nakapalumbaba na tinignan kaming tatlo. Pinanlakihan ni Ate Rica ng mata si Ate Mae.
"Manahimik ka," pabiro nitong sambit. "Gano'n din 'yon. Paputol ko hinliliit ko kung hindi niya asawahin 'tong Lili natin."
Hindi ko tuloy maiwasan na ngumiti dahil sa bangayan nilang dalawa. Parang kulang ang araw ko kung hindi ko sila nakikitang nag-aaway.
"Doon din ang punta niyan," wika ni Ate Rica. "Ang ganda ganda ng Lilianna natin kaya imposibleng hindi mabihag ang puso niyan si Steven. Basta, Lili huwag kang bibigay agad sa apo ni Kapt. Cillian. Alam namin na guwapo ang lalaki na 'yon pero huwag na huwag kang bibigay. Magpakipot ka muna kahit kaonti lang," humagikhik pa ito sa bandang dulo.
Napakamot na lang ako sa aking pisngi dahil sa kanyang sinabi. Ang hilig niya talaga akong asarin sa ganitong bagay. Hindi ako sanay at palagi akong pinapamulahan ng pisngi.
"Inaasar mo na naman ako, Ate Rica," nahihiya kong sambit.
"Kung makapagsalita ka ng guwapo diyan hindi mo pa nga nakikita ngayon yung hitsura ni Steven, eh," wika ni Ate Mae.
Tapos na siyang kumain kaya nagsisimula na siyang magligpit ng pinagkainan namin.
"Gaga ka, Mae. kung alam mo lang kung gaano kagandang ang lahi ng mga Donovan. Para kang timang diyan. Kung hindi guwapo si Steven at Donovan ang apelyido niya baka nasalisihan 'yang mama niya," irita na wika ni Ate Rica.
"Oh, baka mag away pa kayo diyan, ah," pag aawat ni Ate Pia.
Mahina na lang akong natawa dahil sa kanilang sinabi. Ilang taon na rin kasi nakalipas ng umalis si Steven dito sa baryo namin. Napaka tagal na no'n, hindi ko na maintindihan kung ilang taon kami no'n. Buhay pa nga si tatay no'n, eh. Last lang ng pag-uusap namin ay yung aalis na raw siya rito sa Cierra kasama ang kanyang papa.
Naging kaibigan ko lang itong si Steven dahil wala raw akong masyadong close na kaibigan dito sa baryo namin kaya pumayag siya. Para raw kapag may gustong umaway sa akin ay banggitin ko lang ang kanyang pangalan ay matatakot na sila.
Mahina akong kumakanta habang inaayos ang dala kong basket na puno ng makopa. Nakangiti akong naglalakad patungo sa treehouse na lagi naming pinupuntahan ni Kuya Steven, ang matalik at nag-iisa kong kaibigan. Itatago ko itong pagkain doon para kapag nagugutom ako ay may kakainin ako. Paborito rin naman ni Kuya Steven 'to kaya maghahati na lang din kami.
Agad akong natigil sa paglalakad ng makita siya na nakatayo sa baba ng hagdanan ng tree house.
"Kuya Steven!" sigaw ko at lakad takbong nagtungo sa kanya.
Umangat ang kanyang ulo at tumaas ang kanyang kamay para kawayan ako. Simula rin na lumaki kami ay tinawag ko na rin siyang kuya dahil matanda naman talaga ito sa akin ng ilang taon.
Tumigil ako sa kanyang harapan at binigay sa kanya na basket na puno ng makopa.
"Kumuha ako ng makopa, nakapagpitas si tatay kahapon kaya heto hati na lang tayo nito," nakangiting kong sambit habang hinihingal.
Ang seryoso nitong mukha ay nanatiling nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan mamangha sa hitsura nito. Bakit ang guwapo niya sa paningin ko?
Ang itim at makapal nitong buhok, ang light brown niyang mga mata na seryosong nakatingin sa akin at ang kilay din nitong makapal. Hindi ko alam pero nakadagdag sa kaguwapuhan ang pilat nito na nagmula sa kanan hanggang sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Wala sa sariling napalunok ako dahil sa aking pinagiisip. Hindi ko naman maitatanggi na may hitsura ito lalo na at may lahi siya.
Crush ko lang naman siya at hindi na lumalagpas doon. Ang sabi nila ang crush ay isang paghanga lang sa isang tao at heto ang nararamdaman ko sa kanya.
Nahihiya naman ako umamin dahil takot naman ako na baka mailang siya sa akin, siya na nga lang ang nagiisang kaibigan ko rito sa Cierra tapos masisira lang dahil sa nararamdaman ko sa kanya?
"I'm leaving Cierra tomorrow, Lilianna. That's why I'm here." wika nito sa akin.
Hindi naman ako ignorante para hindi maintindihan ang kanyang sinabi.
"Babalik ka naman hindi ba?" mahina kong tanong.
Parang lahat yata ng excitement sa aking katawan ay naglaho ng parang bula. Naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib ng umiling siya sa aking harapan. Napayuko ako at nakagat ang ibabang labi dahil namumuo na ang mga luha sa aking mata.
"Kailan ka babalik dito?" naiiyak kong tanong sa kanya ng umangat ang ulo ko sa kanya.
"Hindi ko alam, Lilianna," tipid niyang tugon sa akin.
Napatango na lang ako at pinunasan ang luha na tumulo pababa sa aking pisngi. Wala naman akong karapatan para tanungin pa siya ng madami.
"Okay. Mag-iingat ka roon, Kuya Steven. Huwag mo akong kakalimutan, ah. Ikaw na lang ang kaibigan ko kaya sana kung babalik ka rito bisitahin mo ako," humihikbi kong sambit sa kanya.
Tumango siya ng marami beses.
"I will, don't worry. You will be the first person I'll visit if I'm going back here," sagot nito sa akin.
"Pangako?" tanong ko.
Tumango ulit ito at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
"Promise."
Binigay ko na lang sa kanya ang isang basket ng makopa. Hihingi pa sana ako ng isang yakap dahil huling kita na namin ngayong hapon pero mas pinili niya na lang na guluhin ang aking buhok.
Ang sinabi niya sa akin noong hapon na 'yon ay 'yon na lang ang pinanghahawakan ko na magkikita pa kami ngayon babalik na siya. Pero may parte pa rin sa akin na nahihiya na.
Dahil ba gusto ko na siya at hindi na crush ang aking nararamdaman?
Nang matapos ang hapunan namin sa labas ng bahay ay dumiretso na agad ako sa aking kwarto at nahiga. Dahil sa aking pinagiisip ay dumapa ako sa kama at sinubsob ang aking mukha sa foam.
Ang bilis ng tibok ng aking puso sa tuwing iniisip ko siya. Gustong gusto ko na talaga siya. 'Yon na lang talaga ang aking masasabi. Tumihaya na ako habang nakapatong ang aking palad sa dibdib ko.
"Nababaliw kana talaga, Lilianna," mahina kong sambit sa aking sarili.
KINABUKASAN AY GANOON pa rin naman ang nakagawian ko. Nakakapagod pero wala naman akong magagawa dahil kung titigil ako sa trabaho ko na pag tatanim ng palay ay wala naman akong panggastos dito.
Katatapos lang ng araw ko sa pagtatanim kaya umuwi na ako. Kahit nasa malayo pa lang ay tanaw ko na ang na may isang tao na nakatayo sa labas ng gate ng bahay. Kunot noong binilisan ko ang aking lakad para puntahan kung sino 'yon.
"Tita," pagbati ko sa kanya ng makalapit sa kanya. "Nandito po pala kayo. Ano pong meron?" nakangiti kong tanong sa kanya.
Siya ang panganay na kapatid ni tatay. Nakahalukipkip ito at tinignan ako simula ulo hanggang paa. Madumi ang ayos ko ngayon, brown na ang sout kong puting longsleeves at may putik pa sa pants na sout ko. Ang nakatirintas kong buhok na gawa ni Ate Rica ay magulo na rin at may pawis pa sa aking noo.
"Kanina pa ako naghihintay rito mabuti na lang at nandito kana," sagot nito at binuksan ang hawak nitong pamaypay. Nakasout ito ng duster na green at may hawak ng bag na gawa sa banig.
"Pasensya na po, Tita. Kakagaling ko lang sa trabaho. Ang totoo niyan kakatapos ko lang ngayon," tugon ko at napakamot sa aking ulo.
Tinanguan niya lang ako at muling sinulyapan ang bahay na tinitirhan ko ngayon. Pagkatapos ay binalingan niya ako ng tingin.
"Makakaalis ka na ngayon dito, Lilianna. Kukunin ko na 'tong bahay dahil ako talaga ang may-ari nito."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top