CHAPTER 18
CHAPTER 18
HINDI AKO MAKAGALAW sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi niya. Parang nawalan din ako nang lakas na makapagsalita at parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang kanyang boses. Nanatiling nakatingin ako sa lolo ni Steven kahit na kinakabahan.
"A-ano po bang problema niyo sa apelyido ng mama ko?" matapang kong saad kahit na nauutal.
Tumaas lang ang gilid nang kanyang labi at napailing na lang sa aking sinabi. Tinalikuran niya ako at nag-simulang maglakad sa kabilang kanto. Malakas akong napabuga nang hangin na akala mo ay nilunod ako o sinakal.
Hindi ko na napigilan na umiyak habang hinihintay si Steven. Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang hikbi ng gustong kumawala. Pinunasan ko ang aking luha at kahit anong gawin ko ay may tumutulo pa rin. Hindi ko makontrol ang aking pag-iyak.
Mahihinang hikbi ang lumabas sa aking bibig kahit anong pigil ko.
Ayaw niya sa akin dahil may dugo akong Villafuerte? Ayaw niya ako para sa kanyang apo dahil mababa ang estado ko sa buhay at wala akong pinagaralan? Habang iniisip ko ito pasikip nang pasikip ang aking dibdib.
Napalingon ako sa gilid ng may naramdaman na pamilyar na presensya. Naibaba ko ang aking palad sa bibig at napalabi ng makita si Steven.
"Anong nangyari?" nagaalala niyang tanong sa akin ng makalapit siya.
Hinihingal ito dahil lakad takbo siyang nagtungo sa akin. Ang tangi ko na lang nagawa ay muling lumuha sa kanyang harapan. Dahil buntis ako, ang emosyon ko ay kakaiba. Para mas naging sensitibo pa ako lalo na sa pag-iyak.
"Doll, what happened?" muli niyang tanong, malikot ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. "May nangyari ba? Okay lang ba kayo?"
Kapansin pansin din ang pagiging kabado nito ngayon para sa akin. Pinatong niya ang dala niyang box sa ibabaw ng kotse at pinunasan ang aking luhang walang tigil sa pagtulo.
"Yung l-lolo mo," nahihirapan kong sambit dahil humihikbi pa rin ako.
Dumaan ang pagkabigla sa kanyang mukha. Ang light brown niyang mata na ngayon ay natatamaan ng sinag ng araw ay kitang kita ko. Nanlalaki 'yon at halatang nagulat sa aking sinabi.
"Wait, let's get inside," seryoso at nagmamadali niyang wika.
Hinawakan niya ang aking kamay at pinagbuksan ako nang pintuan. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo sa loob. Humihikbi pa rin ako at may luha pa rin na tumutulo. Napasulyap pa siya sa kanan at kaliwang sidewalk bago umikot para makapasok sa driver seat.
"May ginawa ba siya sa 'yo?" nagmamadali niyang tanong at pinaandar niya ang kotse.
Umuling ako. "Wala pero pinagsalitaan ng hindi maganda, oo," tugon ko.
Natigilan siya sa aking sinabi at nilingon ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking ulo para yakapin. Medyo kumalma na ako sa pag-iyak pero dahil sa ginawa niya ay muli na namang bumuhos ang aking luha.
"Ayaw niya ako para sa 'yo," pagsusumbong ko na parang bata. "Villafuerte raw kasi ako at mababa ang estado ng buhay, hindi pa raw ako nakapagtapos ng pag-aaral. Ayaw niya ako na maging asawa mo, Steven."
"I'm sorry, Lili. I'll talk to him later, okay?" pag-aalo nito sa akin. "He has no rights to decide who I am going to marry," hinaplos niya ang aking mukha at pinunasan ang aking luha.
"Our babies will cry too if they feel that their mom is crying," malambing ang kanyang boses habang binabanggit 'yon.
Tumango lang ako at huminga ng malalim. Nakakulong ang maliit kong mukha sa kanyang malaking palad. Nakapikit ang aking mata at ilang beses na huminga nang malalim hanggang sa kumalma.
"Good girl, doll," bulong niya ng mapansin na kumalma na ako.
Napahawak ako sa kanyang kamay na nasa aking pisngi habang nakatingin pa rin sa mga mata nito.
"Gano'n na ba siya ka-matapobre, Steven?" nasasaktan kong tanong sa kanya. "Bakit hindi na lang siya maging masaya sa atin? Bakit ayaw niyang makita kang masaya? Masaya ka naman sa akin hindi ba?" naiiyak kong tanong sa kanya.
"Doll, I'm happy with you. I am happy with the relationship we have. So don't think anything negative. Do you understand me?" mariin at seryoso niyang sambit sa akin. "And I'm really sorry if my grandfather is very rude at you a while ago. I promise I'll talk to him, don't worry. Hindi na maalis sa sarili niya ang gano'ng ang ugali kaya ako na ang humihingi ng pasensya."
Dahan-dahan akong tumango at niyakap ang kanyang braso. "Naiintindihan ko, Steven. Mahal na mahal ka namin ng anak mo," malambing kong wika. "Atsaka hindi mo kailangan humingi ng patawad dahil hindi mo kasalanan kung bakit gano'n ang lolo mo."
"Alam ko pero hindi ko rin kaya na ginagano'n ka niya. Lalo na at buntis ka ngayon," tugon nito.
Tipid ko lang siyang ningitian at hinawakan ang kanyang kamay na ngayon ay hinahaplos ang aking bilugang tyan. Hindi ko inaakala na magiging tatlo ang aming anak ngayon, bihira lang 'yon at sa tingin ko ay blessing ang dumating sa amin dahil hindi lang isa kundi tatlo ang binigay sa amin.
Nang maging maayos na ako ay pinaandar na niya ang sasakyan at umalis na. Mabilis pero maingat itong ang drive patungo sa tirahan namin. Nang umabot ng limang buwan ang aking tiyan ay umalis na kami sa treehouse, may nahanap na one storey house si Steven at doon kami nagrenta ng bagong tirahan pansamantala. Nahihirapan na kasi ako umakyat baba sa hagdanan kaya naisipan niya na sa iba muna kami titira para sa ikakabuti ko.
Malayo sa lugar kung saan ang treehouse at sa pinagtataniman ko ng palay pero sakop pa rin ito ng Cierra. Katamtaman lang ang laki no'n lalo na ang harapan ng bahay, malawak 'yon at paminsan minsan ay doon kami nagaalmusal ni Steven. May bakod din doon na ginawa ni Steven kaya hindi makakapasok basta-basta ang tao.
"What did you do?!"
Mabagal ang aking lakad habang nakahawak sa aking malaking tyan patungo sa labas ng bahay. Nakadungaw lang ako sa screen door dahil naririnig ko ang sinasabi ni Steven. Gabi na ngayon at katatapos lang namin mag-hapunan, may nakaipit na isang stick ng sigarilyo sa kanyang daliri at ilang beses siyang palakad lakad sa kanyang pwesto na akala mo ay naiistress siya.
"Why do you talk to her like that? She is fucking pregnant, grandpa. She's carrying my child, she's carrying your great-granddaughters. Are you really for real?" halos hindi makapaniwala niyang tanong sa kausap nito.
Napalunok ako at nakinig sa kanilang usapan. Nagtago ako sa gilid at sinandal ang likod sa pader.
"Don't disrespect her like that, please," bahagyang humina ang kanyang boses sa bandang dulo. "She's the mom of my child, grandpa. Don't disrespect her like that."
Napahawak ako sa aking dibdib nang hindi na siya nag salita. Humarap ako at tinulak ang screen door para makalabas. Awtomatikong nilingon niya ako dahil naglikha nang tunog ang pagbukas at pagsara nang screendoor.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang paglagay ng kanyang kamay sa likod nito na may nakaipit na isang stick ng sigarilyo sa pagitan ng kanyang daliri. Napabugtong hininga na lang ako at lumapit sa kanya pero umatras ito.
"Akala ko ba hindi kana maninigarilyo?" malumanay kong tanong sa kanya.
Hinulog niya ang sigarilyo sa lapag at tinapakan. Nang maipit na niya ito gamit ng kanyang paa ay pinulot niya 'yon at tinapon sa basurahan.
"I'm sorry, I'm just stress," mahina niyang wika. Napasuklay siya sa kanyang buhok at sinulyapan ako. "I promise it won't happen again."
Lumapit siya sa akin at hinaplos ang malaki kong tyan pagkatapos ay inangat ang tingin sa akin. May maliit na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin pero ang palad nito ay hinahaplos ang aking tyan.
"Anong ginagawa mo rito? Gabi na, tara pasok na tayo?" pag-aya nito sa akin.
Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin at tinanggap ko 'yon. Magkahawak kamay kaming dalawa na nag-tungo sa loob nangg bahay namin. Siya na ang nag-sara nang screen door at ang main door. Sinigurado niyang nakalock 'yon bago ako balikan.
"Go to our room first. I'll just brush my teeth," malambing niyang wika.
Hindi siya lumapit sa akin at nagtangkang halikan dahil hindi ko gusto ang amoy ng sigarilyo.
"Okay. Hinatayin ka namin sa loob," nakangiti kong tugon.
Ngumiti lang siya sa akin at nagtungo na sa kusina. Naglakad na ako sa kwarto namin at sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin. Kanina pa naka bukas ang aircon para malamig na agad ang kuwarto.
Inayos ko lang kaonti ang kama at nahiga na sa bandang dulo. Doon palagi ang aking pwesto dahil nang sinubukan namin magpalit ng pwesto ay muntik na ako mahulog mabuti na lang at nasalo ako ni Steven kaya hindi na 'yon naulit.
Nagkumot ako at kasabay no'n ang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Steven, dumiretso agad siya sa akin nang mapatay niya ang ilaw, hinayaan niya lang na nakabukas ang lampshade na nakapatong sa bedside table.
"Steven, huwag ka ng manigarilyo. Makakasama 'yon sa tatlo kung ipagpapatuloy mo 'yan. Ilang beses na kitang nahuling naninigarilyo," wika ko ng mahiga siya sa akin.
Nakaharap ang kanyang katawan sa akin at nakaunan sa kanyang braso. Seryoso lang ang kanyang mukha sa akin pero ang mata nito kanina na galit habang kausap ang kanyang lolo ay wala na, naging kalmado na ito.
Mahina akong napadaing ng abutin niya ang aking mukha at pisilin ang pinsgi ko. Lumalaki na kasi 'yon dahil paunti-unti akong tumataba. Panay kain lang kasi ang ginagawa ko at hindi naman puwede na hindi ko 'yon gawin lalo na at tatlo ang nasa tiyan ko.
"This will be the last time that I'm going to smoke a cigarette, doll. I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin sa akin. Yumuko siya at pinanood ko ang sunod nitong ginawa.
Sumilay ang ngiti sa aking labi ng halikan niya ang aking tyan at hinaplos 'yon. "I'm sorry too my princesses. Daddy will not smoke again, I promise," malambing niyang sambit sa aming anak.
Mahina akong natawa at hinawakan ang kanyang kamay. "Matulog na tayo, Steven."
Tumango siya at lumapit sa akin. Magkaharap kami ngayon at ang isa niyang kamay ay nanatili sa aking tyan. Nakatitig pa rin ito sa akin nang sulyapan ko ito kaya mabilis kong hinalikan ang kanyang labi at pumikit. Agad naman akong nakatulog dahil ang isa niyang kamay ay sinusuklay ang mahaba at maalon kong buhok.
Sa kalagitnaan ng gabi naalimpungatan ako ng maramdaman na para bang wala si Steven sa aking tabi. Pakiramdam ko ay ang layo ng prisensya niya sa akin. Idinilat ko ang aking mata at tinignan ang kinahihigaan nito.
Wala siya pero nang tignan ko ang maliit na lamesa at isang upuan ay nakita ko siya, nakaupo at sumisimsim sa hawak nitong baso. Walang damit pangitaas kaya kitang kita ko ang tattoo sa kanyang braso hanggang dibdib. Dumako ang tingin ko sa isang bote ng alak na nakapatong doon.
Napabangon ako at tinignan ang orasan na nakapatong sa bedside table. Alas tres na ng madaling araw, bakit siya umiinom ng alak?
"Steven," mahina kong tawag sa kanya. Bumangon ako at nilapitan ito.
Maingat ang bawat lakad ko hanggang makarating sa kanya. Kinuha ko ang baso nito na ubos na dahil sa alak. Dinampot ko ang bote at nanlaki ang mata na makita na kalahati na lang ang laman no'n.
Siya ang uminom no'n?
"Steven, bakit ka naman umiinom nag alak ngayong madaling araw. Ayos ka lang ba?" nagaalala kong tanong sa kanya.
"I can't sleep. I need to drink so I can sleep peacefully," sagot niya.
Mukhang hindi pa naman ito lasing dahil diretso pa siya magsalita pero ang kanyang mga mata na ngayon ay nakatingin sa akin ay mapungay na.
"Tara na sa kama," pag-aya ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinagsalikop 'yon. "Alas tres na ng madaling araw at ngayon ka pa talaga uminom. Matulog na tayo, okay?"
Tumango siya at pinanood akong sumampa sa kama. Kinumutan ko siya gamit ang comforter namin at niyakap ang kanyang braso.
"You're so sweet, doll," bulong niya habang nakatingin sa kisame.
Bumaba ang tingin niya at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Hinarap niya ako at hinaplos ang aking pisngi.
"You're too sweet for me," muli niyang bulong.
"Ayaw mo ba?" sagot ko sa mahinang tono.
Hinawakan ko ang kanyang panga at hinimas 'yon. Bakit ba ang guwapo nito sa aking paningin? Sana kasing ganda niya ang magiging anak namin.
Umiling siya. "No. I like it when you care about me. It just feels like I didn't deserve you," bulong niya sa akin.
"Steven, bakit mo sinasabi 'yan? Huwag kang ganyan. Malulungkot kami ng anak mo," nasasaktan kong wika.
Mahina siyang natawa at pinisil ang aking ilong. "I'm sorry. Bigla lang pumasok sa utak ko."
"Mahal na mahal ka namin, Steven," malambing kong wika. "Kung sa tingin mo na walang deserving sa 'yo nagkakamali ka," hinawakan ko ang kanyang kamay at dinala sa aking bilugang tyan. "Nandito kami, oh."
Mahina siyang natawa at hinalikan ang aking noo.
"I'll protect you and our babies, doll. I promise," mahina niyang bulong sa akin at niyakap ako.
MAAGA AKONG NAGISING PARA mag-handa ng almusal ko. Nagising na lang ako na wala na naman sa aking tabi si Steven kaya alam ko na bumalik na naman 'yon sa kanilang mansyon.
Umagang umaga ay nasasaktan na naman ako. Gumagawa ako ng ham sandwhich at naglagay ng fresh milk sa malaking baso. Balak kong kumain sa labas ng bahay dahil may ginawang maliit na patio na ginawa si Steven doon para sa aming dalawa.
Hinayaan kong nakalugay ang mahaba, maalon at itim kong buhok. Binalik ko sa dating puwesto ang strap ng cotton dress na sout ko ng bumaba 'yon. Bitbit ang baso sa isang kamay habang ang isang plato ay nasa kabila naman ay nagtungo na agad ako sa labas.
Napaatras ako nag makita si Steven na nagpupush up sa lapag. Tuloy tuloy lang siya sa ginagawa nito, ang kanyang morenong balat lalo na sa bandang braso at dibdib na may tattoo ay kumikinang dahil natatapatan ito ng sikat ng araw. Isama mo na rin ang pawis sa kanyang katawan at sa buhok din nito.
"Steven, akala ko umalis ka na naman," bigla kong bigkas.
Binaba ko ang dala ko sa lamesa at pinagmamasdan lang siya sa ginagawa nito. Nakailang push up pa siya bago tumayo at tinignan ako. Nakasout pala ito ng itim na shorts at wala ng iba. Tumutulo ang pawis nito pababa sa kanyang katawan.
"Good morning, doll," pagbati niya sa akin.
Nakalapit na ito habang ang isang puting towel na nakasampay sa isang upuan ay kinuha niya at pinunasan ang sarili.
"Good morning," mahina kong bati.
"Wala akong trabaho kay lolo ngayon kaya nandito ako ngayon," sambit niya at naglakad patungo sa akin.
Hinaplos niya ang aking ulo at hinalikan ang noo. Mahina akong natawa at uminom nag gatas. Pinanood ko lang ulit siya sa kanyang ginawa hanggang sa maubos ko 'yon. Iba na ang ginagawa nito ngayon, nag bubuhat na siya ng weights.
Tumayo ako at dinampot ang towel para ibigay sa kanya ng makitang tapos na siya sa kanyang ginagawa.
"Maganda na ang katawan mo, Steven. Bakit ka pa nag eexercise?" tanong ko habang nakalahad ang towel sa kanya.
Tinanggap niya 'yon at nagpasalamat. Nakita ko na tumaas ang gilid nang kanyang labi dahil sa aking sinabi.
"I need to exercise so I can maintain my body, doll. I want to protect you and also," binitawan niya ang hawak nito towel at nabigla ako ng bigla niya akong buhatin. Parang papel niya lang akong binuhat at pinaupo sa kanan niyang balikat. "I want to carry you and our babies. My four babies," nakangiti niyang sambit.
"Steven!" napatili ako dahil sa pagkabigla.
Mahigpit ang kapit ko sa kabilang balikat niya habang siya ay malawak ang ngiti habang nakaangat ang tingin sa akin. Ang kaba na aking naramdaman ay nawalan ng parang bula, hindi ko tuloy maiwasan na mahawa sa kanya kaya napangiti na lang din ako.
"Four babies? Ano ako, baby damulag?" natatawa kong tanong.
Napuno ng tawanan ang harapan ng bahay dahil sa kanya. "Of course," natatawa niyang wika.
"I need to be strong so I can protect you and our baby," wika niya sa akin habang nakatingin.
Hindi man lang siyang nangangalay dahil sa akin, casual pa rin itong nagsasalita at halatang hindi nahihirapan.
"Kasing lakas ni Superman?" panunudyo ko.
Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko at pinakitaan ako ng muscle nito sa kanyang braso.
"Yeah. I'm stronger than Superman, doll. Sinong pipiliin mo siya o ako?"
Hindi ko na napigilan na humalakhak at humigpit ang hawak sa kanyang balikat para hindi mahulog, pero alam kong hindi hahayaan ni Steven na mangyari 'yon.
"Ikaw, malamang. Mas gusto ko pa ang ang morenong superman," sambit ko.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at mabilis na hinalikan ang aking tyan.
"That's correct," masaya niyang tugon.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top