CHAPTER 17

CHAPTER 17

AWTOMATIKO AKONG NAPADILAT nang maramdaman na may humahaplos sa aking ulo. Napadako ang aking tingin sa kanan at nakita ko si Steven. Malambot lang ang ekspresyon ng kanyang mukha at halata ang pag-aalala roon.

"Hey, doll. Thank God you're awake," mahina niyang bulong sa akin.

Kumunot ang aking noo nang ilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto na okyupado namin. Kaming dalawa lang ang nandito pero sobrang laki ng kuwarto.

"Bakit mo naman ako dinala rito, Steven," tugon ko sa kanya at dahan-dahang bumangon.

Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo. Naka-suot na ako ng ibang damit ng ibaba ko ang aking paningin sa aking katawan.

"Baka nawalan lang ako ng malay dahil sa sobrang init ngayon. Alam mo naman ang klima ngayong buwan, tag-init na talaga," dugtong ko.

Nakakapagtaka dahil sa paraan ng paghawak nito sa akin ay akala mo isa akong mababasagin na bagay. Maski sa pagsuklay niya sa aking buhok ay akala mo kapag nadiinan niya ang aking ulo ay mababasag ako sa kanyang harapan.

"Gusto ko nang umuwi para makapag-usap tayo nang maayos," wika ko.

Natigilan siya sa aking sinabi. Hindi pa rin kasi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman kung totoo yung sinabi ng dalawang ginang na nakasalubong ko papunta sa bukid.

"About what?" tanong nito. "Puwede nating pag-usapan 'yan dito."

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili.

"May tinatago ka ba sa akin?" seryoso kong tanong sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo sa aking tanong. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at nilapitan ako hanggang sa tumayo na siya para maupo sa gilid ko. Umusog ako kaonti para makaupo siya nang maayos.

"No, I'm not hiding anything from you," seryoso niyang sagot sa akin.

Kumirot ang aking dibdib dahil sa sinabi niya. Napapailing na tinignan ko siya kasabay ng pamumuo ng aking luha habang nakaharap sa kanya. Kitang kita ko ang pagkataranta ng kanyang mukha. Hinawakan niya ang aking dalawang balikat para maharap ako sa kanya.

"Please don't cry," natataranta niyang wika. "Huwag kang umiyak–"

Tinabig ko ang kanyang kamay at matalim siyang tinignan.

"Sino ka para sabihan ako ng huwag umiyak. May emosyon ako, Steven kaya iiyak ako sa ayaw at sa gusto mo," naiinis kong sambit.

"Steven, alam kong nagsisinungaling ka sa akin. Kaya sana magsabi ka na ng totoo. Hindi mo ba alam na nasaktan ako nang marinig ko yung mga sinasabi ng dalawang ginang na nasalubong ko nung papunta ako sa bukid kanina? Sinabi nila na may nakakita raw sa 'yo sa isang restaurant malapit sa bayan, may kasama kang babae," sambit ko sa nakakainis na tono habang lumuluha.

"Lilianna, I'll explain. Don't cry, doll. It's bad for you," malumanay niyang wika. Kinulong niya ang aking mukha sa dalawang palad nito at dinampi ang malambot na labi sa aking noo.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa ginagawa nito. Maiinis ba ako o ipagsasawalang bahala ko na lang ba ang pagtatanong patungkol sa aking narinig.

"Steven nakakawala ka na ng pasensya," lumuluha kong sambit. "Yung tungkol sa lolo mo hinayaan ko na lang 'yon kasi hindi mo talaga sinasabi sa akin ang totoo. Lagi kang hindi sumasagot o iniiba mo ang usapan natin. Tapos heto naman? Ginagawa mo ba akong tanga?"

Pinunasan ko ang aking luha at mahina siyang tinulak papalayo sa akin. Sapat na ang ilang pulagada na layo namin sa isa't isa. Ayaw ko na masyado siyang madikit sa akin dahil naiinis pa rin ako sa tuwing maalala ko 'yon.

"Alam kong hindi ako 'yon kasi kahit kailan hindi mo naman ako dinala sa gano'n," nasasaktan kong sambit. Nakahawak ako sa aking dibdib dahil kumikirot 'yon. "Hindi naman sa walang utang na loob, ah. Sobra akong masaya at natutuwa sa laging ginagawa natin kapag monthsary o kahit anong okasyon pa 'yan sa ating dalawa pero noong nalaman ko 'yon napatanong din ako sa sarili ko kasi bakit nga ba? Bakit nga ba hindi mo ako madala doon?" humihikbi kong sambit.

Naramdaman ko ang paghawak ni Steven sa aking braso at hinila papalapit sa kanya. Niyakap niya ako habang humahagulgol sa kanyang dibdib.

"I'm sorry, doll. I'm really sorry. I can't bring you outside for the longest time because it's dangerous. It's dangerous for you, especially since you're pregnant," sagot niya sa akin. Garalgal ang kanyang boses habang binabanggit 'yon.

Natigilan ako sa sinabi nito. Nagbago ang emosyon na aking naramdaman, na para bang may sariling utak na kanina ay umiiyak ngayon ay hindi na. Halo-halo na ang aking emosyon ngayon, nangingibabaw ang saya dahil buntis ako. Wala sa sariling napahawak ako sa aking manipis na tyan, magkakababy na kami ni Steven.

"A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahan kong wika.

Nang harapin niya ako ay tipid siyang ngumiti sa akin. Pinunasan niya ang aking luha gamit ang hinlalaki nito at hinaplos ang aking buhok. Mabilis niyang hinalikan ang aking labi.

"You're one month pregnant, doll," sagot niya sa akin habang magkadikit ang aming noo. "And i'm really sorry if i didn't tell you about the restaurant, sinundo ko si Agatha kasi hindi siya sinipot ng blind date niya," wika nito.

Ang pagkainis at galit ko sa kanya ay muling bumalik. Tinulak ko siya papalayo sa akin habang ang aking mukha ay hindi na maipinta dahil sa inis.

"Agatha, siya rin ang kasama mo sa library tama ba?" naiinis kong tanong.

"Yes, and I'm sorry–"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit kailangan mong magtago, Steven?" mahina kong hinampas ang kanyang dibdib. "Nakakapagod ka na sa totoo lang pero tiniis ko kasi mahal kita. Iniintindi ko 'yang tinatago mo sa akin tungkol sa lolo mo, kasi sinasabi mo na delikado? Eh bakit ba kasi ayaw mo sabihin sa akin, ha!?"

Habol-habol ko ang aking hininga habang naka-angat ang tingin sa kanya. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa walang tigil na pagtulo ng aking luha.

"Si lolo nag-utos sa akin na sunduin si Agatha, Lili," mahinahon niyang wika habang pinupunasan ang aking luha. "I can't say no to him."

"Bakit naman?" humihikbi kong tanong sa kanya. "Magkaka pamilya na tayo pero hinahayaan mo na maging sunod-sunuran ka ng lolo mo?"

Umiling siya at niyakap ako nang mahigpit. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin sa akin pero pinipigilan niya ang sarili na magsalita. Pero bakit? Bakit ayaw niyang sabihin sa akin?

"I can't tell the reason, doll. Just trust me, okay? I really want to tell you everything, but I can't. Hindi pa puwede sa ngayon. Just be safe with our baby, that's all I want," wika niya habang nakayakap sa akin, ang baritono nitong boses ay ngayon garalgal na at halatang nagpipigil ng luha.

"Paano kita pagkakatiwalaan, Steven? Eh, ikaw nga mismo nagsisinungaling sa akin. Sa tuwing magsasalita ka hindi ko alam kung nagsasabi ka ba ng totoo o baka gumagawa ka na ng kuwento para mapaniwala ako," tugon ko.

Hindi na siya nakasagot sa aking sinabi at humigpit lang ang yakap nito sa akin. Naiinis ako, naiinis ako kasi parang hindi ako masaya sa naging sagot nito. Hindi ako kuntento sa mga sagot niya ngayon sa mga naging katanungan ko sa kanya.

"I'm sorry, I didn't plan this. We didn't plan having a baby, doll," sambit niya sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Halos mag linya ang aking kilay dahil sa aking narinig. Tinulak ko ang kanyang dibdib para mapalayo ito sa akin.

"Anong gusto mong gawin natin dito? Ipalaglag?" pabalang kong sagot, halatang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "May nangyari na sa atin nang maraming beses, Steven. Kasalanan lang natin na hindi tayo nag-ingat kaya paninindigan natin 'to," mariin kong usal sa kanya.

"No!" nabigla siya sa aking sinabi. "Of course not, we will not abort our baby. Mali lang ang pag-intindi mo," naging kalmado na ang kanyang boses.

Napalabi ako at muling nanubig ang aking mata. "Huwag mong sabihin na hindi mo gusto ang magiging anak natin ngayon?" nanginginig ang aking labi habang sinasambit ito.

"Doll, I have a plan for us. This is not the right time for us to have a baby, but this baby is a blessing, I'm really happy, but I'm also scared. Now, it's not only you I'm worried about. I might put you and our child in danger too," malambing niyang wika at mabilis na hinalikan ang aking labi. "I want to marry you before having a baby, and I feel guilty. You're my responsibility from now on, you and our baby. I'll promise, I'll protect you both."

Hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko ngayon dahil sa kanyang sinasabi. Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin ngayon dahil sa kanya, hindi nagsasabi ng totoo at may tinatago. Pero dahil mahal ko siya nanatili ako sa kanyang tabi. Tiniis ko 'yon kaya nagtagal kami ng isang taon.

"Totoo ba 'yan?" sinisigurado kong tanong sa kanya. "Gusto mo yung magiging baby natin ngayon?'

"Yes," tumango siya at mabilis na hinalikan ang aking labi. Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan ang aking noo. "I'll marry you at the right time, I promise you that and if I don't keep my promise to you, you have the right to hurt me."

Umiling ako at sumandal sa malapad niyang dibdib. "Hindi ko gawain na manakit, Steven. Ayaw ko," mahina kong tugon.

Naramdaman ko ang mainit niyang bisig, kinulong niya ako roon at naramdaman ang palad na bumaba patungo sa aking tyan at hinaplos 'yon.

"I'm sorry, doll. And I love you," bulong niya. "You and our baby."

Nang makapag-usap kami nang masinsinan ay nag-padischarge na agad kami sa hospital. Malapit lang ito sa bayan, isa ito sa branch ng hospital na kilala sa Monterico City. Hatinggabi na kami nakarating sa treehouse, nakakain na rin kami ng pagkain dahil nag-order nalang siya sa online.

"You should sleep now," malumanay niyang wika nang makapasok sa treehouse.

Naka-suot na ako ng pantulog na kulay puti, partner 'yon sa aking pajama. Kaliligo lang nito dahil halata ang kanyang buhok na basa, nakabalandra sa aking harapan ang hubad nitong malapad na dibdib kaya kitang kita ko ang tattoo sa kanyang braso hanggang dibdib.

Tumango ako at humiga na sa kama paharap sa kanya. Mahina kong tinapik ang gilid ko para iparating na mahiga na siya sa aking tabi.

"Matulog na tayo, Steven. Inaantok na ako," sagot ko at napahikab.

Ngumiti siya sa akin at pinatay ang ilaw. Binuksan niya ang maliit na ilaw na nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa gilid nitong kama namin. Hindi ko mapigilan na ngumiti at sumiksik sa kanyang sarili nang maramdaman ang init ng kanyang katawan.

Awtomatikong tumalikod ako at kaharap niya ngayon ang aking likod. Ang kanan niyang braso ay iniyakap sa aking baywang at tumigil lang sa bandang puson ko.

"Let's sleep, doll. I'm really tired," bulong niya sa aking tenga.

Tumango ako at pinikit ang aking mata. "Okay."

Ipinikit ko na ang aking mata at pinatong ang aking kamay sa kamay niya na ngayon ay nanatili sa aking puson na akala mo ay pinoprotektahan ang magiging anak namin.

NAMAMAWIS ANG AKING PALAD habang nakahawak sa aking tyan. Ang bilis ng pangyayari parang kailan lang ay nawalan ako ng malay at doon nalaman na nagdadalang tao ako. Tapos ngayon ay limang buwan na ang aking tyan at nandito kami sa isang lying in clinic malapit sa bayan para alamin na ang magiging kasarian ng anak namin.

"Don't be nervous, doll," pagpapakalma ni Steven. "Nandito naman ako, hindi kita iiwan sa loob, okay?"

Tumango ako at hinawakan ang kanyang kamay. Namamawis at nanginginig ang aking kamay dahil sa kaba. Hindi ko alam bakit ganito ang aking nararamdaman. Kinakabahan ako dahil parang may napapansin akong mali sa tyan ko, masyado siyang malaki para sa limang buwan na pagbubuntis ko. Baka mamaya ay may problema na sa magiging anak namin.

"Masyado kang kinakabahan. Kumain ka muna nito," wika ni Steven.

Umangat ang aking tingin, nakalahad na pala sa akin ang isang dried mango. Isa ito sa mga naging paborito ko habang nag bubuntis. Tinanggap ko 'yon at kinain agad, ang kaba na naramdaman ko ay nawala na parang bula.

"Salamat, Steven," sambit ko habang kumakain.

Bumaba ang tingin niya sa akin at yumuko para halikan ang aking noo.

"You're welcome, kailangan niyong kumain nang marami para healthy kayong dalawa," tugon niya.

Ningitian ko lang siya at pinagsiklop ang kamay naming dalawa. Nakatayo siya habang ako ay nakaupo sa isang upuan. Nakapila kasi kami at kami na susunod na papasok sa loob para sa ultrasound.

"Next!" sigaw ng isang nurse ng dumungaw siya sa pintuan.

Inabot ko kay Steven ang lalagyanan ng dried mango para makatayo. Tinanggap niya 'yon at inalalayan ako hanggang sa makapasok sa loob.

"Good afternoon po," pagbati ko nang makaupo ako sa higaan.

Nasa gilid ko lang si Steven at pinagmamasdan lang ang nangyayari rito sa loob.

"Good afternoon," sagot ng doctor. "I'm Dra. Sanchez, ako ang mag uultrasound sa 'yo at check up na rin," nakangiti niyang usal.

Ngumiti lang ako at nilingon si Steven. Sumenyas ako na lumapit siya sa akin dahil ayaw ko na nasa malayo ito.

"Anong ginagawa mo diyan? tara rito Steven, ayaw ko na nasa malayo ka," wika ko at paunti-unti na namang nilalamon ng kaba.

Dali-dali naman siyang nagtungo sa akin at pinagsalikop ang aming kamay. Simula na mabuntis ako, gusto ko na palagi siyang nasa tabi ko. Kaya paminsan-minsan ay nauuwi sa tampuhan ang ganap namin kapag umaalis siya ng bahay dahil kailangan daw siya ng lolo nito.

"I'm here, doll. I'm excited to know our baby's gender," wika niya at ningitian ako.

"Ako rin," nakangiti kong sambit.

"Alright, simulan na natin ang ultrasound?" tanong ni Dra. Sanchez.

Tumango ako. "Opo."

"Okay, you may now lay down in bed."

Dahan dahan akong humiga. Inalalayan din ako ni Steven dahil medyo nahihirapan ako. Malakas ang kabog ng aking dibdib ng tinaas ko ang suot kong dress hanggang sa ilalim ng aking dibdib at nilagyan na ni Dra. Sanchez ng malamig na gel ang aking tyan.

Humigpit ang hawak ni Steven sa aking kamay nang marinig namin ang malakas na heartbeat ng anak namin. Binalot no'n ang buong kuwarto habang nakatingin sa maliit na monitor.

"Here's the baby—oh."

"Ano pong meron?" kinakabahan kong tanong.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Steven. Mukhang napansin niya na kanina pa ako nagaalala kaya siya na ang nagsalita.

"What's happening, Dra. Sanchez?" seryosong tanong ni Steven.

"You're having babies. Triplets! Oh my God, congratulations!" nakangiting sambit ng doctor.

Para akong nabingi sa kanyang sinabi. Triplets? tatlo ang anak namin? itong pinagbubuntis ko ay tatlo!? huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Pinakita sa amin ni Dra. Sanchez ang monitor at tinuro ang tatlo, kahit hindi niya ituro iyon ay nakikita na talaga namin. Namuo ang luha sa aking mata at napahaplos sa gilid ng aking malaking tiyan.

"Your babies are girls. Babae lahat ng magiging anak niyo. This is a blessing," halos umabot sa tenga ang ngiti ni doktora habang sinasabi 'yon.

"Thank you," napalingon ako kay Steven. May bahid na luha sa kanyang pisngi.

Napalabi ako at hindi na naiwasan na umiyak sa kanyang harapan. Patuloy lang sa pag-agos ang aking luha. Mahina siyang natawa at pinunasan ang aking luha gamit ang hinalalaki nito.

"I'll print this ultrasound, just wait for a minute," sambit ni Dra. Sanchez.

"Steven, ang dami nila," umiiyak kong wika. "Kaya pala napakalaki ng tyan ko kasi tatlo pala sila sa loob ko."

"I'm happy, doll. I'm very happy," nakangiti niyang wika. Pinagdikit niya ang aming noo at mabilis na hinalikan ang aking labi. "I'll take care of you and our babies. Poprotektahan ko kayong apat, I promise."

Seryoso ang tono ng kanyang boses pero nandoon parin ang sinseridad. Tumango ako at ako naman ang humalik sa kanyang labi.

"Ako rin, Steven. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin," niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon din ito.

Nakababa na ang suot kong dress at umalis na sa pagkakahiga sa kama. Nasa tapat na kami ng pintuan at hinihintay na lang na ibigay sa amin ang na print na ultrasound. Nandoon na rin ang nga nireseta sa akin dahil baka raw maselan ang pagbubuntis ko lalo na at tatlo ang aking dinadala.

Nang makuha 'yon ay naglakad na kami papunta sa kotse ni Steven. Dinala niya ito ngayon dahil hindi na namin kaya mag commute dahil sa akin. Mabilis na akong mapagod.

"May naisip kana bang ipapangalan sa kanila?" tanong ni Steven.

Nakababa ang tingin niya sa hawak nitong printed na ultrasound. Magkahawak ang aming kamay habang naglalakad. Bakas sa kanyang mata ang pagkatuwa dahil nakikita ko ang pagkislap no'n. Halos hindi na niya maialis ang paningin niya roon.

"Wala pa," nakangiti kong tugon habang pinagmamasdan siya. "Baka ikaw may naisip. May gusto ka bang pangalan para sa kanila?"

Napasulyap siya sa akin at binitawan ang aking kamay para ilagay sa short brown envelope ang ultrasound, nandoon kasi nakalagay lahat ng mga record ko noong nagpacheck ako simula nung hinimatay ako sa bukid.

"I want you to name our triplets, doll. Hindi madali mag buntis ng isa paano pa kaya sa 'yo na tatlo ngayon," tugon niya.

Umismid na lang ako at napasimangot. "Wala pa akong naisip. Saka na lang siguro kapag meron na. Magsasabi naman ako, at saka gusto ko yung unique at may meaning," tugon ko.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at yumuko para halikan ako, hinaplos niya pa ang bilugan kong tiyan. Magkahawak kaming naglakad papunta sa kotse nito.

"Puwede bang bilhan mo ako ng donut sa bakery?" bigla kong wika ng makita siyang bubuksan na sana ang kotse nito.

"Yeah, sure. Anything else?" hinawakan niya ang aking kamay at sumilong muna kami sa may lilim.

Umiling ako. "Isang dosena sana, Steven. Itatago ko yung iba sa ref natin," sagot ko.

Tumango siya. "Okay, stay there and don't go anywhere. I'll be right back," pagpapaalam nito.

Tumango ako. "Okay."

Pinanood ko lang siyang maglakad patungo sa kabilang kanto. Doon kasi nakapwesto ko ang sikat na bakery rito. Gusto ko kasi ang donut na gawa nila kaya hanggang ngayon ay hindi ako nauumay.

Pinagmamasdam ko lang ang mga taong naglalakad sa kabilang kalye at gano'n din ang mga iilang sasakyan na dumadaan sa kalsada. Abala ako sa pag mumuni muni nang may tumigil sa aking gilid, nakita ko ang anino nito sa gilid ko kaya napalingon ako.

"K-kapt. Cillian," nauutal kong sambit.

Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Naka-suot ito ng pang-alis at ng sumbrero. Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa aking malaking tyan kasunod no'n ay napasulyap sa kotse ni Steven sa tapat namin.

"Ilang buwan na 'yang tiyan mo?" tanong nito sa akin.

Para akong nakipagkarerahan, sobrang bilis ng tibok ng aking puso na para bang gusto no'n lumabas sa aking ribcage. Nakakabingi ang malakas nang tibok ng aking puso at nagsisimula nang mamawis ang aking palad.

"Limang buwan na po," sagot ko.

Tumango-tango siya sa aking sinabi. Nilibot niya ang paningin sa buong lugar na akala mo ay may hinahanap bago ako muli tignan.

"Sino ang tatay niyan, Villafuerte? Sa apo ko ba? Si Steven ba ang tatay niyang pinagbubuntis mo?" tanong nito at nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyan labi.

Napahawak ako sa aking tyan at napaatras dahil sa takot na aking naramdaman.

"Abella po ang apelyido ko, Kapt. Cillian hindi Villafuerte. At oo po si Steven po ang tatay nitong pinagbubuntis ko," sagot ko habang nakatingin sa kanya.

Mahina siyang natawa sa aking sinabi. "Hija, kahit anong gawin mo isa ka pa ring Villafuerte. Abella ang apelyido mo pero nananalaytay pa rin ang dugo ng Villafuerte sa 'yo," ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagiging seryoso.

Napatingin ako sa kanto na dinaanan ni Steven, nagbabaka sakali na bumalik na siya dahil hindi ako komportable na nandito ang kanyang lolo.

Muli na naman akong napaatras ng ilapit niya ang kanyang mukha sa akin at nagsalita. Nang marinig ko 'yon ay parang nabasag ang aking puso, nandoon na lahat. Parang pinipiga, tinutusok ng milyon-milyong karayom. Masakit ang kanyang sinabi sa akin kaya hindi ko na napigilan na mamuo ang aking luha sa kanyang harapan hanggang sa makaalis na ito.

"Kahit kailan, Lilianna. Hindi ko gusto na ikaw ang mapapangasawa ng aking apo. Una sa lahat ay isa kang Villafuerte at walang pinag-aralan. Hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral hindi ba? Hindi iyan ang gusto ko sa magiging manugang ko at higit sa lahat mababa ang estado sa buhay."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top