CHAPTER 16
CHAPTER 16
NANATILI AKONG NAKAPIKIT kahit na gising na gising ang aking diwa, wala akong magagawa kundi bumangon dahil sa tunog ng alarm sa binigay na cellphone ni Steven. Lumipas na ng napakaraming buwan, hanggang sa mag-isang taon kaming magkarelasyon ay ganito parati ang aking naabutan tuwing umaga.
Wala na naman siya sa aking tabi. At hindi man lang 'yon nagbago. Magkasama ng hapon hanggang gabi pero kinaumagahan ay wala na siya.
Napabuntong hininga na lang ako at tumayo para mag-asikaso. Masakit ang aking dibdib na nag almusal sa baba at naligo na rin dahil didiretso agad ako sa bukirin para mag trabaho.
Napatingin ako sa gilid ng makitang tumunog ang cellphone, sanhi na may nag text sa akin. Natigilan ako sa pag-subo at tinignan kung sino 'yon.
Steven:
Hi, are you awake? Goodmorning, doll. Eat your breakfast. I love you.
Napabuntong hininga na lang ako habang binabasa ang kanyang text. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Binaba ko ang cellphone at kumain na. Inubos ko muna ang kinakain ko bago ko reply-yan si Steven.
Lilianna:
Magandang umaga, Steven. Tapos na ako kumain nang almusal. I love you too, anong oras ka pala uuwi?
Muli kong binaba ang cellphone sa lamesa at nagtungo sa dirty kitchen para ilagay ang mga pinagkainan ko. Nang tignan ko ulit ang aking cellphone ay nakareply na siya sa akin.
Steven:
That's good. Baka mamayang hapon pa, bakit?
Lilianna:
Wala naman, natanong ko lang. Aalis na pala ako baka hinihintay na ako nila Ate Mae sa bukid. Bye:)
Pinatay ko agad ang cellphone at nagdala ng maliit na bag para paglalagyan no'n. Nakabihis na rin ako ng longsleeve na damit at manipis na pants. Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil baka mahuli pa ako.
Sinigurado ko na nakalock ang pinto sa taas bago umalis. Nang makitang ayos na 'yon ay umalis na ako at nagtungo na sa aking pinagtatrabahuan. Tahimik lang akong naglalakad patungo sa gilid ng kalsada.
"Swerte talaga ng mapapangasawa nung apo ni Kapt. Cillian 'no? Akala ko ba naman ay single siya, irereto ko sana ang pamangkin kong single rin."
Kumunot ang aking noo ng marinig ang sinabi ng babae na nadaanan ko. Mabagal lang ang kanilang lakad kaya huminto ako at tumingin sa kawalan para pakinggan ang susunod nitong sasabihin.
"Anong asawa? Baliw ka ba? Ang balita lang sa palengke natin ay nobya niya lang daw 'yon. Nakita pa nga na lumabas doon sa sikat ng restaurant malapit sa bayan."
"Siraulo ka ba? Alam kong may edad na rin 'yang apo ni Kapt. Cillian. Malamang maghahanap na 'yan ng asawa para magkaroon na ng pamilya. Kaya 'yang nobya niya ngayon ay magiging asawa niya na rin."
Parang kumibot yata ang kanang mata ko sa aking narinig. Pumintig ang ugat sa aking ulo at nararamdaman ang pag-akyat ng dugo roon. Restaurant? Wala akong maalala na dinala niya ako roon kaya ibang babae ang kasama niya sa sinasabi nilang restaurant.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay umiinit ang ulo ko sa aking naririnig. Mahal na mahal ko si Steven pero bakit hindi niya sinabi sa akin ang ganito? Napahawak ako sa aking dibdib kung saan nakatapat ang aking puso. Napalunok ako ng maramdamang sumasakit 'yon.
Unang pumasok sa aking isipan ang babae na kasama niya noong nakita ko silang dalawa sa silid aklatan. Paano kung ang pinagseselosan ko ay 'yon ang kasama niya.
Para akong kakapusin ng hininga habang iniisip 'yon. Kasama niya 'yon? Kumain sila roon? Pero bakit niya ginawa 'yon?
Parang pinipiga ang puso ko at pakiramdam ko ay ilang milyong karayom ang tumutusok doon. Ang sakit. Sobrang sakit.
UMANGAT ANG AKING TINGIN ng maramdamang may kumalabit sa akin. Bumungad sa akin ang nakangiti na si Ate Mae, nasa likuran niya lang si Ate Rica at Ate Pia. Wala na silang hawak na palay at ang mga dala nilang basket ngayon ang hawak nila.
"Lilianna, kanina ka pa namin tinatawag ayos ka lang ba?" tanong ni Ate Mae.
Tinanim ko ang pinakahuling palay na hawak ko bago ituwid ang aking katawan. Nilingon ko sila, hinihingal ako sa hindi malamang dahilan. Tipid ko silang ningitian habang naniningkit ang mga mata dahil sa sikat ng araw.
"Okay naman po, bakit?" tugon ko.
Hindi talaga ako okay pero ayaw kong sabihin sa kanila. Maliit lang naman na bagay ang dinadamdam ko ngayon dahil sa narinig ko na pinaguusapan ng nakasalubong kong dalawa ginang habang papunta rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako okay. Naiinis ako.
"Kanina ka pa kasi namin tinatawag," pagsingit ni Ate Rica.
"Nakailang banggit na kami sa pangalan mo pero hindi ka lumilingon. Tuloy tuloy ka lang sa pagtatanim. Kaya ayos ka lang ba?" pagdugtong ni Ate Pia.
Bumaba ang aking ulo ng makitang hinawakan ni Ate Mae ang aking kamay. Nang umakyat ang aking tingin sa kanya ay nakita ko na nagkatinginan silang tatlo ni Ate Rica at Ate Pia.
Hindi ako nakasagot ng hilain nila ako patungo sa ilalim ng puno ng alatiris. Nakasilong agad kami roon kaya umupo ako. Pinunasan ko ang aking pawis at sinandal ang likod sa puno ng alatiris.
"Lilianna, may problema ba?" tanong muli ni Ate Pia.
Kanina ko pa pinipigilan ang aking sarili na huwag umiyak. Pero dahil kasama ko silang tatlo at tinanong pa ako ng ganyang klaseng tanong ay hindi ko napigilan ang sarili na umiyak sa kanilang harapan.
"Ate, sa tingin ko may babae si Steven," lumuha kong sambit sa kanilang tatlo.
Sabay sabay na nagbago ang kanilang ekspresyon sa aking sinabi. Halos hindi maipinta ang kanilang mukha dahil sa pagkagulat sa aking sinabi.
"Huh!?" bilang sambit ni Ate Mae, kulang na lang ay umusok ang kanyang ilong dahil sa galit.
"Paano mo naman nasabi 'yan, Lilianna?" biglang tanong sa akin ni Ate Rica.
"Nagkausap na ba kayo ni Steven tungkol diyan?" pagsingit ni Ate Pia.
Hinawakan niya ang aking braso at hinaplos haplos 'yon para kumalma ako. Kahit anong punas ko sa aking luha ay may panibagong luha ang tumutulo pababa sa aking pisngi.
"Tarantado pala 'yon! Kaka-isang taon niyo lang noong isang araw tapos ayan malalaman ko!?" galit na wika ni Ate Mae.
Hinawakan ni Ate Rica ang balikat ni Ate Mae para kumalma ito.
"Kumalma ka muna, Mae. hindi pa tapos si Lilianna magkuwento," sambit ni Ate Rica.
"Paano ako kakalma, Rica? Naririnig mo ba yung sinabi ni Lilianna sa atin? May babae raw si Steven. Ibig sabihin no'n nilololoko niya ang Lili natin!" nanggigil niyang bulong kay Ate Rica.
Bihira ko lang makitang galit si Ate Mae kaya alam kong galit na galit ito ngayon. Namumula ang kanyang mukha sa galit habang nakatingin kay Ate Rica. Napabuntong hininga na lang si Ate Rica at hindi na nagsalita, pinapakalma niya na lang ito.
"Habang papunta ako rito kanina may nakasalubong ako tapos narinig ko yung pinaguusapan nila. Balita raw sa palengke na nakita nila si Steven sa isang restaurant malapit sa bayan may kasamang babae," pagkukwento ko at napahawak sa aking dibdib ng maramdaman na sumikip ang aking dibdib. Napasinghot ako at tumulo na naman ang aking luha.
Tinignan ko sila at walang pakielam kung makita man ang aking mukhang punong puno ng luha.
"Pero hindi ako 'yon. Sa loob ng isang taon hindi niya ako dinala roon. Sa loob ng isang taon ay hindi man lang kami nakapag-date sa ibang lugar. Kung icecelebrate namin ang monthsary laging sa labas lang ng treehouse, maghahanda at kakain lang sa lamesa. Okay lang naman sa akin 'yon ang kaso nang marinig ko 'yon, napapaisip na rin ako bakit nga ba hindi man lang niya ako dinala sa gano'ng lugar?"
"Lili..." mahinang sambit ni Ate Pia.
Napatakip ako sa aking mukha at doon humagulgol. Hindi ko alam pero masyado akong emosyonal ngayon. Hindi ko makontrol ang aking pag-iyak at sunod sunod na hikbi ang kumawala sa aking labi.
"Kapag nagkasama ulit kayo sabihin mo 'yan sa kanya para malaman niya, okay? Maganda ang pinaguusapan niyo 'yan–"
"Parang tinatago niya ako. Bakit gano'n? Nakakahiya ba ako?"
"Tanginang 'yan! Anong nakakahiya, Lilianna?" halata pa rin sa boses ni Ate Mae ang pagiging iritable. "Kung nakikita mo lang ang sarili mo gamit mga mata namin makikita mo kung gaano ka kaganda," wika nito. "Para kang anghel, Lilianna. Ang ganda ganda mo, kaya huwag mong sabihin na parang kinakahiya ka ni Steven."
"Eh, paano kung gano'n nga?" humihikbi kong tanong sa kanya.
"Tanga niya kung gano'n. Hinahighblood ako sa nobyo mo, Lilianna. Umiinit dugo ko sa kanya sa totoo lang. Ang isang tulad mo dapat pinapangalandakan sa maraming tao! Maganda ka, okay? Sobrang ganda mo," papuri nito sa akin.
Parang bata na tumango ako sa kanya ng maraming beses. Pinalibutan nilang tatlo ako at niyakap. Isang mahigpit at mainit na yakap ang binigay nila sa akin.
"Pag-usapan niyo ni Steven ang tungkol diyan, Lili. Pasensya kana sa mura ko kanina, hindi ko lang talaga maiwasan hindi makapagsalita ng hindi maganda," sambit nito sa akin.
Tumango lang ako bilang tugon.
"Tahan na. Namumula na ang mukha mo," malambing ng wika ni Ate Rica sa akin.
Tanging tango lang talaga ang nagawa kong sagot sa kanila dahil parang may nakabara sa aking lalamunan. Nanatiling nakayakap sila sa aking hanggang sa tumigil ako sa pag-iyak. Humihikbi na lang ako at pinagmamasdan si Ate Pia na nilalabas ang dala niyang pagkain sa loob ng basket na dala.
Kinusot ko ang aking mata at nagtulong tulong kami na ayusin ang mga magiging pagkain namin.
"Heto ang sa 'yo, Lilianna. Nagluto ako ng laing kaninang madaling araw para sa baon nung asawa ko. Dinamihan ko 'yan para sa ating lahat," usal ni Ate Pia at binigay sa aking ang maliit na baunan.
"Maraming salamat po, Ate Pia," sagot ko.
Pinamigay niya rin ang iba kay Ate Rica at Ate Mae. Sabay sabay naming kinain 'yon at nagkunwetuhan pa sa anumang bagay.
"Kumain ka nang marami, Lili. masarap 'yang luto ni Pia," nakangiting wika ni Ate Rica.
Tumango tango lang si Ate Mae bilang pagsangyon habang sumusubo. Nignitian ko lang sila at uminom muna ng tubig bago buksan ang baunan.
Agad na naglaho ang ngiti sa aking labi ng makita ang laing sa baunan. Naka patong iyon sa ibabaw ng kanin. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa pagkain na ito.
Napailing na lang ako at ipinagsawalang bahala ang aking pinagiisip. Hinawakan ko ang kutsara at kumuha ng pagkain doon, at ng matikman ay napangiwi na lang ako sa aking nalasahan, alam kong masarap magluto si Ate Pia pero bakit parang kakaiba ang lasa nito?
Kukuha pa sana ako ng ulam at kanina ng maramdaman na parang umaakyat sa aking lalamunan ang mga kinain ko. Kasabay no'n ang pakiramdam na parang bumabaliktad ang aking sikmura kaya nabitawan ko ang baunan at nagtungo sa likod ng puno para sumuka.
"Lilianna!" dinig kong sigaw nila ate.
Gusto ko mang sumagot pero hindi ko magawa dahil patuloy pa rin ako sa pag duduwal. Ang sakit na ng lalamunan at sikmura ko, parang lahat ng kinain ko kaninang almusal ay naisuka ko ngayon.
"Baliw ka, Pia. Anong nilagay mo sa pagkain ni Lilianna bakit nagsuka siya?" wika ni Ate Mae.
Nakarating na pala siya sa akin habang hinahagod ang aking likuran. Si Ate Rica naman ay nakahawak sa mahaba kong buhok na nakatali para hindi sagabal sa pagduduwal.
"W-wala akong nilagay diyan," kinakabahang wika ni Ate Pia. "Parehas lang 'yang mga pagkain natin, Mae. Kung magsusuka si Lilianna e'di susunod tayo niyan."
Pinunasan ko ang aking bibig at tinaas ang hinalalaki ng aking kamay para iparating na ayos lang ako.
"Mukhang masama lang po yata ang pakiramdam ko, Ate Pia. Hindi mo po 'yon kasalanan," usal ko at ningitian siya.
Parang nanlalambot ang katawan ko sa pag suka. Nanghihina napaupo ako sa kinauupuan ko kanina at napabuntong hininga. Wala na akong gana kumain dahil bukod sa masakit ang aking lalamunan ay hindi ako nagagandahan sa hitsura ng laing ni Ate Pia.
Mukha siyang nakakatakot.
Inabot ko ang tubig ko at ininuman 'yon. Nang tignan ko silang tatlo ay nagaalala pa rin sila kaya ningitian ko na lang ito.
"Okay na po ako. Huwag po kayong mag-alala," nakangiti kong usal.
Napabuga ng hangin ang tatlong ate na kasama ko.
"Sigurado ka ba, Lilianna?" kinakabahang tanong ni Ate Pia.
"Opo," tugon ko.
"Magpahinga ka muna kaya diyan, Lili. Namumutla ka kasi, baka mamaya hindi mo nasikmura yung laing," wika ni Ate Mae sa aking tabi.
"Hoy, grabe ka naman sa hindi masikmura. Masarap naman ang gawa ko, ah," pagsingit ni Ate Pia.
"Heto na lang ang kainin mo, Lilianna," usal ni Ate Rica.
Inabot niya sa akin ang isang pandesal. Tinanggap ko naman iyon at kinain, medyo okay pa ito dahil hindi weirdo ang itsura.
"Mamaya na lang muna tayo bumalik sa pagtatanim. Namumutla pa kasi si Lilianna, eh. Grabe rin kasi ang tirik ng araw ngayon, parang tumatagos pa sa longsleeve na sout na yung init," reklamo ni Ate Rica.
Tahimik na tumango ako habang kumakain ng pandesal. Inabutan ulit ako ni Ate Rica ng pandesal kaya kinain ko 'yon hanggang sa isang supot ng pandesal ang binigay niya sa akin.
"Mabuti nga at nakapagdala ako ng maiinom nating tubig. Baka mawalan na lang tayo ng malay rito kung hindi tayo makainom ng tubig sa sobrang init," tugon ni Ate Pia.
"Teka si Steven ba 'yon?" biglang tanong ni Ate Mae.
Sabay sabay kaming napatingin sa hindi kalayuan, nakaputing button down shirt polo ito at short na brown. Naka bukas ang dalawang butones at nakasout pa siya na shades na itim dahil mainit ngayon. May dala siyang puting supot ng plastic sa kanang kamay at seryoso ang kanyang mukha na nakatingin sa aming pwesto.
Habang pinagmamasdan ko siya ay bumibilis ang tibok ng aking puso, kahit na narinig ko ang mga sinasabi ng ginang na nadaanan ko kanina ay parang hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya.
Oo nakakatampo pero mahal ko siya. Nagiging marupok ako dahil sa kanya.
Binaba ko ang hawak kong supot at tumayo. Natigilan pa ako at napahawak sa puno ng umikot ang aking paningin.
Bakit ako nahihilo? Dahil ba sa init ng panahon ngayon?
"Lili, ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Ate Mae dahil napansi niya na muntik na akong mabuwal sa pagkakatayo.
"Steven," mahina kong sambit sa aking sarili habang hindi inaalis ang tingin sa aking nobyo na malapit na sa aming pwesto.
Lakad takbo akong nagtungo kay Steven. Narinig ko ang pagtawag sa akin nila Ate Rica pero hindi ko sila nilingon.
At bago pa ako makarating sa pwesto ni Steven ay nanlambot ang aking tuhod kasabay ng panghina ng aking katawan. Dumoble ang hilo na aking naramdaman at kasabay no'n ang pagdilim ng aking paningin.
"Lilianna!" dinig kong sigaw ni Steven bago pa ako tuluyang lamunin ng dilim.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top