CHAPTER 15
CHAPTER 15
TIPID AKONG NGUMITI sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili roon. Pinagpag ko ang white flowy skirt ko at sinunod ang fitted long sleeve na parang knitted ang design, may kulay pink na ribbon 'yon simula sa aking dibdib hanggang baba na akala mo ay 'yon ang parang butones.
Ang aking mahaba, itim, at maalon na buhok ay nakaponytail at may kulay pink na ribbon na nagsisilbing tali no'n. Dumating ang ilang linggo ay kaarawan na ngayon ni Steven. Kaya may kaonting salo salo lang naman sa baba ng treehouse na kami lang ang kakain.
At nung gabi na nagkaroon ako ng tampo dahil may hindi siya sinasabi sa akin ay nagkaayos naman kami sa mismong gabing 'yon. Hindi ko pa rin kasi maintindihan na bakit kailangan niyang maglihim sa akin.
Kahit pa minsan minsan ay nakikita ko siya o nakakasama ay gusto ko itong tanungin ulit tungkol doon pero wala naman akong makukuhang matinong sagot sa kanya dahil iniiwasan niya 'yon.
"Doll?"
Napalingon ako sa lalake na bagong pasok lang dito sa treehouse. Nakasout siya na button down polo shirt na kulay dark pink at khaki short na kulay krema. Nakabukas ang dalawang butones ng kanyang polo kaya sumisilip doon ang kanyang tattoo sa dibdib.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ang kanyang baywang. Awtomatik naman na pumalibot ang kanyang braso sa aking baywang at hinagkan ako ng mahigpit. Ang kanyang ulo ay yumuko at magaan na hinalikan ang tuktok ng aking ulo.
"Maligayang kaarawan, Steven," mahina at malambing kong sambit sa kanya.
"Thank you," tugon niya sa akin at ng tignan niya ang aking mukha ay mabilis niyang hinalikan ang aking labi. Kinulong niya ang aking maliit na mukha sa kanyang palad at tinignan ako ng maigi. "Let's go downstair, at baka lumamig na yung pagkain natin."
Tumango ako at umalis sa pagkakayakap nito at hinawakan ang kanyang kamay. Pinagsiklop namin 'yon at sabay na nagtungo sa baba. Nakahanda sa ibabaw ng lamesa na may mantle na kulay baby pink ang mga pagkain namin. Siya ang nagluto no'n at hindi na ako pinakilos pa.
"Hindi mo man lang ako hinayaan na tulungan ka kahit mag-ayos man lang," wika ko ng makababa na kami.
Nakahilera sa gitna ang mga pagkain. Tapos may mga disenyo pa 'yon na maliliit na kandila pero hindi pa sindihan. Napapailing na tinignan ko siya at muling binalik ang paningin sa lamesa. Ang maliit na cake na binili niya ay nasa loob pa rin ng box.
"It's fine, don't worry," tugon niya. Hinawakan niya ang aking baywang at hinila ako papunta sa kanya. "Your role today is just to be beautiful, okay?"
Tumango ako at ningitian siya. Pinaupo niya ako sa pahabang lamesa at tumabi siya sa akin. Pinanood ko siyang ipaghanda ako, hindi maalis sa aking labi ang ngiti. Medyo madilim na ngayon dahil palubog na ang araw. Kaya pang hapunan na itong kakainin namin. Hindi naman sobrang dilim dito dahil may kinabit siyang fairylight sa malaking katawan ng puno kung saan nakapatong ang treehouse.
Habang pinagmamasdan ko 'yon ay natutuwa ang aking puso. Ang ganda lang para sa akin ang nangyayari ngayon. Pinagmasdan ko siyang lagyan ng pagkain ang kanyang plato at sabay na kaming kumain.
"Hindi ka ba nauumay?" tanong ko kaya nilingon niya ako.
"Nauumay saan?" kunot noo niyang tanong sa akin.
Nginuso ko ang spaghetti sa kanyang plato. May nakalagay rin na pizza roon at sa bandang gilid ay ang lumpiang shanghai.
"Hindi ka ba nauumay sa spaghetti?" tanong ko sa kanya. Parang sa tuwing may ganap sa ating dalawa hindi 'yan naaalis, ah.
Umangat ang aking kamay at pinunasan ang sauce sa gilid ng kanyang labi. Dinala ko 'yon sa aking bibig at ningisihan siya ng makita ang aking ginawa. Napailing na lang ito sa aking ginawa.
"Stop doing that," pagpigil nito sa akin.
Hindi ko napigilan ang aking tawa. Napahawak ako sa aking bibig at pinigilan na humalakhak sa kanyang harapan kaya naipon lang ang mga tawa ko sa aking palad.
"Bakit?" natatawa kong sambit. Seryoso pa rin ang emosyon sa kanyang mukha. "Sayang naman ang sauce kung ipupunas ko lang sa tissue hindi ba?"
Napabuntong hininga siya at sinubuan ako ng spaghetti. Wala akong nagawa kundi ngumanga at kainin 'yon.
"You'll be the one I eat here, doll, except for the food that is on the table, if you don't stop," sagot nito habang nakatingin sa akin.
Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi sa sinabi nito. Ang kanan niyang palad ay pinatong sa aking hita at tinaas baba 'yon. Binaba niya ang hawak nitong tinidor at hinaplos ang aking pisngi.
"Do you want that or not?" muli niyang tanong.
Nagkibit balikat ako. "Kailan pa ba ako tumanggi sa ganyan?" pabalik kong tanong sa kanya. "Parehas naman nating gusto 'yang sinasabi mo."
Halos umabot na sa tenga ang ngiting sumilay sa kanyang labi at napayuko. Narinig ko ang mahina niyang tawa. Sumimangot na lang ako at kumain na lang. Kapag sinasakyan ko ang mga biro nito palagi ganito ang reaksyon.
"Hindi ka na naman makasagot kapag lagi kong sinasakyan 'yang biro mo," sambit ko sa kanya.
Hindi na ako nakaangal ng bigla niyang hinawakan ang aking baywang at pinaupo sa kanyang hita.
"Sometimes I forget that you're straightforward," natatawa niyang wika sa akin.
"Sa 'yo lang naman, Steven," tugon ko.
Pinagpatuloy niya ang kinakain nito at paminsan minsan ay sinusubuan ako. Ngumiti lang siya sa akin ng magtagpo ang aming tingin.
"My mom always cooked me spaghetti when I was a child. That's why it became my comfort food." bigla niyang wika. "Kaya gusto ko na may ganito sa kahit anong okasyon na meron sa atin," malumanay niyang wika.
May kung anong humaplos sa aking puso dahil sa sinabi nito. Kusang pumulupot ang aking braso sa kanyang leeg at niyakap siya ng mahigpit. Narinig ko ang pagkalansing ng tinidor sa lamesa, binaba niya 'yon. Niyakap niya rin ako pabalik at hinaplos ang aking likuran.
"Kung gano'n, hindi na mawawala ang spaghetti kapag may ganap sa atin," sambit ko sa kanya.
Dahan akong sinuklay ang kanyang buhok at nagtagal kami sa ganoong posisyon. Nang may naalala ay napakalas ang braso ko sa kanyang leeg at tinignan siya. Kumunot naman ang kanyang noo dahil do'n.
"Hala, may nakalimutan ako. Wait lang," wika ko.
"What—"
"May kukunin lang ako sa taas saglit lang," pagputol ko sa kanyang sinabi.
Kumaripas na ako ng takbo patungo sa taas at dumiretso sa maliit na lamesa sa gilid ng kama. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang maliit na itim na box, naglalaman 'yon ng leather bracelet na para sa lalaki. Binili ko 'yon malapit sa hermosa botique, ang totoo niyan ay magkatabi lang talaga 'yon sila. Kulay itim lang 'yon at ang lock ay kulay ginto kaya madali lang siyang bagayan sa damit na sosoutin mo.
Hinihingal na bumaba ako at tumabi sa kanya. Nakalabas na pala ang cake ngayon at nakapatong na ang isang maliit at kulay puting kandila. May dedication doon na happy birthday at wala ng iba, kulay pink ang dedication doon kaya hindi ko tuloy maiwasan na hindi matawa.
"What's that?" tanong niya ng makita ang hawak ko.
Excited na nilapag ko 'yon sa lamesa at tinulak papunta sa kanya. "Binili ko sa 'yo. Regalo ko 'yan kaya buksan mo na,"nakangiti kong sambit sa kanya.
"Let's blow my cake and I'll unbox your gift after this," sagot niya.
Ngisi-ngisi akong tumango bilang sagot at hindi na mapakali. Kinuha ko ang lighter sa gilid at sinindihan ang kandila. Kinuha ko ang maliit at pabilog na cake para ilapit sa kanya.
"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you," mahina kong pag-kanta sa kanya.
Mahina, malambing at malumanay lang 'yon. Habang kinakanta ko 'yon sa kanya ay napako ang tingin nito sa akin. Paunti unti kong nakikita nag ngiti sa kanyang labi, lumapit siya sa akin at pinikit ang kanyang mata. Mga ilang segundo ay hinipan niya ang kandila.
"Happy birthday, Steven," malambing kong wika sa kanya.
"Thank you, doll," mahina niyang bulong. Hinawakan niya ang isa kong kamay kaya nilapag ko na ang cake na hawak ko. Binigyan niya 'yon ng munting halik at sinunod ang aking pisngi. "Thank you very much."
Mahina akong natawa at niyakap siya ng mahigpit. Pinaupo niya na naman ako sa kanyang hita. Tuluyan ng lumubog ang araw kaya madalim na sa ibang parte ng treehouse maliban sa amin dahil sa mag fairy lights na kinabit ni Steven.
"Open your gift for me," utos niya.
"Bakit ako? Dapat ikaw kasi ikaw ang may birthday," sagot ko habang nakakunot ang noo nito.
Mahina siyang natawa at mahinang tinampal ang aking hita. Napailing na lang ako at binuksan 'yon para sa kanya. Nang tuluyan kong mailabas ang regalo sa box nito ay pinakita ko kay Steven 'yon. Nasa dalawang palad ko na magkadikit ang leather bracelet.
"Heto lang ang regalo ko sa 'yo kaya pasensya kana, ah," nakangiti kong usal at pinakita sa kanya.
"A leather bracelet?" tanong nito at parang namamangha pa.
Tumango ako. Kinabit ko sa kaliwang kamay nito ang bracelet at ng ma-lock 'yon ay labi ang pagkatuwa ko dahil bagay sa kanya.
"Bagay na bagay sa 'yo!" hindi ko tuloy maiwasan na sumigaw dahil sa tuwa. Saktong sakto lang talaga sa kanya.
Habang nakakandong sa kanyang hita ng patagilid ay nayapos ang kanan nitong braso sa akin samantala ang kaliwa niyang kamay ay inangat sa ere para tignan 'yon ng mabuti.
"This is beautiful, doll," namamangha niyang wika. At nang maibaba ang kanyang kamay ay nilingon niya ako. Mahina akong natawa nang pinisil niya ang aking ilong. Nakaangat ang tingin ko sa kanya dahil kahit na nakaupo ako sa kanyang hita ay matangkad pa rin ito.
"Mabuti at nagustuhan mo, Steven," nahihiya kong wika.
"Kahit ano pang ibigay mo sa akin lahat ng 'yon ay magugustuhan ko, okay? I appreciate all your gifts and efforts," sagot niya sa akin at hinaplos ang aking pisngi.
Humaba na lang ang aking nguso at sinandal ang ulo sa malapad nitong dibdib habang nanatiling nakatingin sa kanya. Nararamdaman ko na naman ang pangiinit ng aking pisngi. Ang light brown nitong mata ay nakatingin sa akin, seryoso ang kanyang mukha pero kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagmamahal nito.
"Totoo 'yan, ah," mahina kong sambit sa kanya.
Tumango siya at hinalikan niya ang aking noo. Napapikit pa ako dahil do'n.
"I also have a gift for you," wika nito sa akin, bakas sa kanyang boses ang pagiging excited nito.
Nang ipakita niya sa akin 'yon ay nanlaki ang aking mata. Box 'yon ng isang cellphone at meron pa isang. Nasa maliit na box din 'yon.
"Steven, b-bakit may ganyan?" kinakabahan kong tanong sa kanya. "Ikaw ang may birthday pero bakit ako ang nireregaluhan mo?"
Cellphone? Cellphone ang ibibigay niya sa akin!?
"Just accept this. Kanina lang ito dumating, dapat nung monthsary ko pa ito binigay sa 'yo para may pang chat ka sa akin," wika nito.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Nagbabalak na rin naman akong bumili ng cellphone pero yung mumurahin lang. Ang kaso itong nasa harapan ko ay napakaimposible na sobrang mura nito.
"Parang hindi ko yata 'yan matatanggap, Steven," mahina kong sambit habang pinagmamasdan siyang buksan ang box ng cellphone.
Siya na rin ang nag bukas no'n at binigay sa akin.
"Come on, doll. Take this, please. Kahit regalo mo na lang sa akin 'tong pagtanggap mo sa binigay ko," wika nito.
Umiling ako at napahawak pa sa kanyang braso na nakayakap sa aking baywang.
"Doll, come one. Just take it. Huwag kang mag-alala hindi naman kita sisingilin nito," wika niya sa pabirong tono.
Nahihiya ako dahil gumastos na naman siya sa akin. Ayaw ko maging pabigat dahil hindi ko 'yon gusto. Nanginginig ang aking kamay na tinanggap ang hawak nito. Ang bigay no'n at ang laki pa.
"At heto pang isa, sakto may ibibigay rin akong bracelet sa 'yo," nakangiti niyang wika.
Nanglingunin ko ito dahil abala ako sa pag check ng bagong cellphone ko ay lumantad sa akin ang napakagandang bracelet kulay pink ang bato no'n. Mukhang mamahalin siya, inangat ko ang aking tingin at nakatingin na pala sa akin si Steven, parang hinihintay ang magiging reaksyon ko.
"Okay na sa akin 'tong binigay mong cellphone—"
Hindi ko natapos ang aking sinabi dahil tahimik niya lang 'yong kinabit sa aking palapulsuhan sa kanan.
"Steven," pag-angal ko.
Akmang tatanggalin ko 'yon ng pigilan niya ang aking kamay. "Don't remove this, doll. Promise me, okay? This is my gift for you so don't be shy. Binigay ko 'yan sa 'yo dahil gusto ko. Atsaka bagay na bagay sa 'yo," wika niya sa akin.
"Magkano muna 'to?" tanong ko sa kanya.
Gusto kong malaman kung magkano ang nagastos niya sa akin. Hindi talaga kaya ng konsensya ko kapag sobrang laki na ng naigastos niya, siya na nga ang gumawa nitong treehouse para lalong tumibay, siya na rin nag pakabit ng kuryente rito para raw makabitan na ng aircon at hindi ako mainitan. Tapos heto na naman?
Tumaas ang gilid ng kanyang labi at umiling. "No, I'm not going to say how much I paid for the present I gave you."
Napabuntong hininga ako. "Steven, sige na please. Ang dami mo ng naitulong sa akin. Sobra sobra na 'to."
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Siguro kung may makakakita na ibang tao na nakangiti ito ay baka sabihin nila na weirdo siya dahil kahit nakangiti ito, ang pilat sa kanyang mukha ay mukhang nakakatakot para sa kanila. Nakakadagdag ng pagiging seryoso ang mukha nito ni Steven.
Napabuntong hininga ako. "Ano itong bracelet? baka mamaya naman ay talo pa niyan yung binigay ko sa 'yo," sambit ko at muling tinignan ang bracelet. "Kahit hindi mo sabihin alam kong mahal 'to."
"It's a Swarovski matrix tennis bracelet. Don't take it off, doll. Magtatampo ako," wika niya sa akin.
Swarovski? kahit hindi ko alam 'yon ay parang tunog mamahalin. Mas mainam yata na huwag ko nalang ipilit kung ano ang presyo no'n.
Hinawakan ko ang kaliwa niyang braso at hinimas 'yon habang nakatingin sa kanyang light brown na mata. Nilapit ko ang aking mukha sa kanya at mabilis na hinalikan ang kanyang labi.
"Ikaw rin, huwag mo 'yang tanggalin at magtatampo rin ako," wika ko at humalukipkip. Agad din naman nagbago ang ekspresyon ng aking mukha, lumambot 'yon at muling sinandal ang aking ulo sa dibdib nito.
"Maraming salamat sa lahat, Steven," pagpapasalamat ko.
Ang kanyang mahabang daliri ay naramdaman ko sa aking buhok, sinusuklay niya 'yon.
"You're always welcome, doll," malambing niyang tugon. "I love you so much."
Nagtagal kami sa gano'ng posisyon dahil dinamdam lang nami nang init ng katawan sa isa't isa. Kinain na rin ang cake at ang iba pang pagkain.
Nang matapos 'yon ay bininyagan namin ang bagong cellphone ko. Nag picture kaming dalawa at meron pa ang nakatayo kami. Nasa likod namin ang sapa at ang mga naglalakihang kahoy. Maganda naman 'yon dahil malinis lahat at ganoon din ang sapa na pinapaliguan namin.
Sa litratong 'yon ay nakangiti ako at magkahawak kamay kaming dalawa ni Steven, nakapamulsa siya sa kanan nito at nakatingin sa akin. Ginawa ko 'yong wallpaper sa cellphone at kumuha pa ng napakaraming litrato.
Umangat ang aking tingin ng maramdaman ang kamay nitong pinatong sa akin ulo. Sinandal ko ang aking ulo sa balikat niya at ningitian.
"I love you, Steven."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top